Chapter: Special Chapter 1: Nakaw na Saging“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
Last Updated: 2024-11-25
Chapter: EPILOGUEDAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
Last Updated: 2024-11-19
Chapter: CHAPTER 224: The Little Brother“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
Last Updated: 2024-11-19
Chapter: CHAPTER 223: She’s Giving Birth“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
Last Updated: 2024-11-15
Chapter: CHAPTER 222: The Tragic Death HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
Last Updated: 2024-11-15
Chapter: CHAPTER 221: Between the Two“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
Last Updated: 2024-11-15

The Price of Her Love After Divorce
“Let’s get divorce, Gale.”
Nahinto sa pagsasalita si Sunset dahil sa sinabi ng asawa. Sandaling hindi niya maiproseso ang sinabi nito. Nablangko ang kanyang isipan habang nakatingin sa seryosong mukha ni Lucian.
“Let’s get divorce.”
Sa pangalawang pagkakataong ulitin iyon ni Lucian, tila bombang sumabog sa kanya ang anunsyo ng asawa.
Pagkalito ang sumunod niyang naramdaman nang iritableng inilayo ng asawa ang pagkakadikit ng hubad nilang katawan na para bang may nakakahawa siyang sakit na dumapo lamang pagkatapos nilang magniig.
Ganoon na lang ba iyon, pagkatapos siya nitong makuha, ang tingin na sa kanya ay isang basura?
“Hindi magandang biro iyan, Lucian—”
“You don’t want to? Magkakaroon ka ng sariling buhay. Limang taon na ang kinuha ko sa ‘yo, dagdagan ko pa ba ang pang-aabala ko?”
Tumayo mula sa pagkakahiga ang asawa niya. Ang nakatalikod na matipuno nitong katawan ay tinakpan ng roba. Kaagad namang naibalot ni Sunset ang hubad na katawan sa puting kumot.
“M-may problema ba tayo, Lucian?” naguguluhan niya pa ring tanong sa asawa. “Kung may mali sa akin, susubukan kong baguhin. May nagawa ba akong ikinagalit mo? H-huwag mo lang akong iwan kase hindi ko kakayanin…”
“Babalik na si Eveth dito sa Pilipinas.” Hinilot nito ang sentido na para bang naiinis na sa pagdadrama niya. “Masasaktan siya kapag nalaman niyang nandyan ka pa."
“Naiintindihan ko…”
“Saan ka pupunta?” gulat na tanong ng asawa nang makita siya nitong nagbibihis. “Saan ka sabi pupunta?”
“Hindi mo ba nakikita?”
May kalituhan na tumingin sa kanya si Lucian. Hindi nito inaasahan ang magiging reaksyon niya.
“Ano bang akala mo, magmamakaawa ako?” natawa nang bahagya si Sunset bago mabaling ang tingin sa tseke na nasa ibabaw ng side table. “Akala ko namamalikmata lang ako kanina. Hindi ko lubos maisip na limang milyon lang pala ang halaga ko!”
Read
Chapter: CHAPTER 51: Desperado na siyaLAHAT NG PARAAN para makabawi kay Sunset ay ginawa na ni Lucian. Masyado na siyang nauubusan ng pagpipilian upang muling makuha ang loob ng asawa. Wala na itong tiwala sa kanya. Hindi na ito naapektuhan sa mga ginagawa niya. Nasaktan siya nang ignorahin nito matapos niyang ipagluto ng ilang putahe si Sunset. Napakaraming pagkaing inihain niya ngunit pinili pa nito ang instant noodles. Sa kaiiwas nito sa kanya, napaso pa ang asawa niya. Upang magkaroon ito ng pagkakataon na kumain nang araw na iyon, maaga siyang umalis ng bahay matapos na makabili ng ointment para sa paso nito at makapagluto ng almusal.Kahit mahirap para sa kanya, ginagawa niya ang makakaya upang maibigay ang nararapat dito kahit pa ang ibig sabihin niyon ay maging malayo siya rito.“Ganoon na iyon? Susuko ka na lang nang basta-basta?” tanong ng kaibigan niyang si Jigs. “Ang hindi ko kase sa ‘yo maintindihan, hindi mo naman pala mahal ang pinsan ko—hindi mo naman pala mahal si Eveth pero ganyan ang naging trato mo.”
Last Updated: 2025-02-20
Chapter: CHAPTER 50: Sa Kanyang PagtakasBALOT NG MATINDING katahimikan si Sunset. Hindi siya gumagawa ng kahit na anong ingay habang pilit na tinatanggal ang tali sa kanyang mga kamay. Hindi siya papayag na magtagal sa lugar na ito. Hindi niya pwedeng pag-alalahanin ang tiya niya na maaaring naghihintay na naman sa pag-uwi niya.Ano bang akala ng mga ito? Na pupuntahan siya ni Lucian? Hindi siya ganoon kamahal ng asawa para magbuwis ito ng buhay para sa kanya. Sigurado siya sa bagay na iyon. Hindi siya si Eveth na sa isang tawag pa lamang ay nagkukumahog na kaagad ang asawa niya.“Mali kayo ng nakuhang babae,” kalmado niyang sambit. “Sa tingin niyo sasayangin niya ang buhay niya para sa akin? Hindi iyon mangyayari!” Kung may isang bagay siya na nasisigurado nang mga sandaling iyon, iyon ang nasa liblib siyang lugar. Malayo sa lugar na maraming tao at malapit sa kalikasan. Naririnig niya pa ang kuliglig sa kanyang pwesto. Indikasyon na gabi na.Hindi siya makakita at tanging pandinig lamang ang ginagamit upang malaman ang m
Last Updated: 2025-02-19
Chapter: CHAPTER 49: Patuloy na PagbawiSIGURADO SIYA. HINDI niya pinayagan ang asawa niya na matulog sa bahay nila. Ngunit mukhang nakakalimot na ito sa tamang uuwian dahil ilang araw ng narito sa kanila at parati siyang pinaghahandaan ng pagkain na hindi niya naman tinitikman.Tila isang hangin din sa kanya si Lucian. Kahit kinakausap siya nito ay hindi nya pinagtutuunan ng panahon na kibuin. Katulad ng sinabi niya, seryoso siya nang sabihing makikipaghiwalay na siya rito.Iyon ang kagusuthan nito kaya hindi niya maintindihan kung bakit ito naman ang pilit na pumapasok sa mundo niya matapos na makaalis.“Gale, nagluto na ako ng hapunan—”“Pakisabi na lang ho na nakakain na ako, Tyang,” walang ganang sambit ni Sunset. “Sa susunod, huwag na siyang mag-aksaya ng panahon na asikasuhin pa ako dahil masasayang lang ang mga pinagpaguran niya.”“Gale…”“At huwag niya kamo ako tatawagin sa pangalan na iyan na parang malapit kami sa isa’t isa. Tapos na ang koneksyon namin magsimula nang piliin niyang tapusin ang relasyon namin,” ma
Last Updated: 2025-02-19
Chapter: CHAPTER 48: Simula ng Pagbabago“OMG! OH MY gosh, Ms. Sunset!” tuwang-tuwang nagtatalon ang kanyang sekretarya na papalapit sa kanya.Sapo naman ni Sunset ang kanyang dibdib sa gulat dahil sa biglaan nitong pagtatalon-talon at pagsulpot. Nawala rin siya sa pagtitipa sa isang business proposal na kailangan niyang tapusin.“Bakit ba napakaingay mo, Liezel?” natatawa niyang tanong dito. “Ano bang nangyayari? Talo mo pa ang bulate na naasinan!”Sa pagkakataong iyon, pilit namang kumakalma si Liezel ngunit makikita ang matinding pamumula ng mukha nito dahil sa pinipigilang excitement. “Ano ba iyon? Pwede mo ng sabihin sa akin—”“Our investor, Ms. Sunset!”“Oh? Anong mayroon sa investor natin?”“They found someone na ready na punduhan ang ipapatayo nating branch abroad. Even our company? Ready sila na gastusan! Ma’am, ito ang magiging pinakamalaking pagawaan ng goods! Ang simple lamang na dati nating pabrika, magpapatayo ng pinakamalaking branch sa ibang bansa.”“W-what?!” bakas din ang matinding gulat ni Sunset. “But I
Last Updated: 2025-02-19
Chapter: CHAPTER 47: Buo ang LoobHINDI MAWALA ANG ngiti ni Lucian nang maalala ang insidente sa bahay ng kanyang lolo. Kung paano mamula ang asawa niya dahil lamang sa simpleng pag-uusap nila. Ganoon lamang ay matindi na ito kung maapektuhan kaya hindi niya lubos maisip kung anong nararamdaman nito nang sabihin niyang makikipaghiwalay siya nang unang beses na may mangyari sa kanila. Hindi imposibleng hindi nasaktan ang asawa niya. “Ngumiti siya…” ganoon ang reaksyon ni Sunset.Ngunit hindi malabo na hindi ito nasasaktan sa kabila ng ngiti na ipinakita.“Napakagag0 mo, Lucian,” huminga siya nang malalim. “Ilang beses mo pang sasaktan ang asawa mo?”Kung may isang bagay siyang ituturing na pinakamahal sa mundo, iyon na ng ngiti ng asawa niya. Iyon ang pinapangarap niyang makita na hindi niya kayang bilhin kahit bayaran niya pa ng pinakamalaking halaga.Kailangan niyang maitama ang lahat ng pagkakamali niya. Sa ganoong paaran lamang siya makakabawi sa kanyang asawa. Upang mangyari iyon, kailangan niyang simulan ang pag
Last Updated: 2025-02-19
Chapter: CHAPTER 46: Ang Sikreto“HOW ARE YOU, Hija? Bakit ngayon ka lang napadalaw rito sa bahay?”“Ayos naman ho, Abuela. Naging abala lang po sa negosyo.”“Nabalitaan ko nga. In short amount of time ilang branch na ang naipakalat niyo sa bansa. Hindi lang iyon. Nabalitaan ko rin na you are transporting your goods outside of the country?”“Yes, Abuelo. Until now hindi pa rin po ako makapaniwala sa mga na-achieve naming achievement together with my team.”“I really like how you handle your work, Sunset,” sabi ng abuela niya nang maupo sila. “Di ba? Hindi niya lang inaangkin ang mga credits. Kasama rin sa achievements ang mga tauhan niya.”“Kasusyo ko na po sa negosyo si Sunset, Abuela,” sabi ni Lumi nang maglagay ng mga pagkain sa hapag. “You’re so hardworking, Hija,” sabi ng abuelo niya. “Bakit hindi mo sinubukang magtrabaho sa kumpanya dati?”Bahagyang natawa sa Sunset. “Wala naman po akong alam sa office work, Abuelo.”“Pero how come na ganyan ka na katagumpay.”“Siguro po dahil I understand my products, Abuelo.
Last Updated: 2025-02-18