“Let’s get divorce, Gale.” Nahinto sa pagsasalita si Sunset dahil sa sinabi ng asawa. Sandaling hindi niya maiproseso ang sinabi nito. Nablangko ang kanyang isipan habang nakatingin sa seryosong mukha ni Lucian. “Let’s get divorce.” Sa pangalawang pagkakataong ulitin iyon ni Lucian, tila bombang sumabog sa kanya ang anunsyo ng asawa. Pagkalito ang sumunod niyang naramdaman nang iritableng inilayo ng asawa ang pagkakadikit ng hubad nilang katawan na para bang may nakakahawa siyang sakit na dumapo lamang pagkatapos nilang magniig. Ganoon na lang ba iyon, pagkatapos siya nitong makuha, ang tingin na sa kanya ay isang basura? “Hindi magandang biro iyan, Lucian—” “You don’t want to? Magkakaroon ka ng sariling buhay. Limang taon na ang kinuha ko sa ‘yo, dagdagan ko pa ba ang pang-aabala ko?” Tumayo mula sa pagkakahiga ang asawa niya. Ang nakatalikod na matipuno nitong katawan ay tinakpan ng roba. Kaagad namang naibalot ni Sunset ang hubad na katawan sa puting kumot. “M-may problema ba tayo, Lucian?” naguguluhan niya pa ring tanong sa asawa. “Kung may mali sa akin, susubukan kong baguhin. May nagawa ba akong ikinagalit mo? H-huwag mo lang akong iwan kase hindi ko kakayanin…” “Babalik na si Eveth dito sa Pilipinas.” Hinilot nito ang sentido na para bang naiinis na sa pagdadrama niya. “Masasaktan siya kapag nalaman niyang nandyan ka pa." “Naiintindihan ko…” “Saan ka pupunta?” gulat na tanong ng asawa nang makita siya nitong nagbibihis. “Saan ka sabi pupunta?” “Hindi mo ba nakikita?” May kalituhan na tumingin sa kanya si Lucian. Hindi nito inaasahan ang magiging reaksyon niya. “Ano bang akala mo, magmamakaawa ako?” natawa nang bahagya si Sunset bago mabaling ang tingin sa tseke na nasa ibabaw ng side table. “Akala ko namamalikmata lang ako kanina. Hindi ko lubos maisip na limang milyon lang pala ang halaga ko!”
View MoreBALOT NG MATINDING katahimikan si Sunset. Hindi siya gumagawa ng kahit na anong ingay habang pilit na tinatanggal ang tali sa kanyang mga kamay. Hindi siya papayag na magtagal sa lugar na ito. Hindi niya pwedeng pag-alalahanin ang tiya niya na maaaring naghihintay na naman sa pag-uwi niya.Ano bang akala ng mga ito? Na pupuntahan siya ni Lucian? Hindi siya ganoon kamahal ng asawa para magbuwis ito ng buhay para sa kanya. Sigurado siya sa bagay na iyon. Hindi siya si Eveth na sa isang tawag pa lamang ay nagkukumahog na kaagad ang asawa niya.“Mali kayo ng nakuhang babae,” kalmado niyang sambit. “Sa tingin niyo sasayangin niya ang buhay niya para sa akin? Hindi iyon mangyayari!” Kung may isang bagay siya na nasisigurado nang mga sandaling iyon, iyon ang nasa liblib siyang lugar. Malayo sa lugar na maraming tao at malapit sa kalikasan. Naririnig niya pa ang kuliglig sa kanyang pwesto. Indikasyon na gabi na.Hindi siya makakita at tanging pandinig lamang ang ginagamit upang malaman ang m
SIGURADO SIYA. HINDI niya pinayagan ang asawa niya na matulog sa bahay nila. Ngunit mukhang nakakalimot na ito sa tamang uuwian dahil ilang araw ng narito sa kanila at parati siyang pinaghahandaan ng pagkain na hindi niya naman tinitikman.Tila isang hangin din sa kanya si Lucian. Kahit kinakausap siya nito ay hindi nya pinagtutuunan ng panahon na kibuin. Katulad ng sinabi niya, seryoso siya nang sabihing makikipaghiwalay na siya rito.Iyon ang kagusuthan nito kaya hindi niya maintindihan kung bakit ito naman ang pilit na pumapasok sa mundo niya matapos na makaalis.“Gale, nagluto na ako ng hapunan—”“Pakisabi na lang ho na nakakain na ako, Tyang,” walang ganang sambit ni Sunset. “Sa susunod, huwag na siyang mag-aksaya ng panahon na asikasuhin pa ako dahil masasayang lang ang mga pinagpaguran niya.”“Gale…”“At huwag niya kamo ako tatawagin sa pangalan na iyan na parang malapit kami sa isa’t isa. Tapos na ang koneksyon namin magsimula nang piliin niyang tapusin ang relasyon namin,” ma
“OMG! OH MY gosh, Ms. Sunset!” tuwang-tuwang nagtatalon ang kanyang sekretarya na papalapit sa kanya.Sapo naman ni Sunset ang kanyang dibdib sa gulat dahil sa biglaan nitong pagtatalon-talon at pagsulpot. Nawala rin siya sa pagtitipa sa isang business proposal na kailangan niyang tapusin.“Bakit ba napakaingay mo, Liezel?” natatawa niyang tanong dito. “Ano bang nangyayari? Talo mo pa ang bulate na naasinan!”Sa pagkakataong iyon, pilit namang kumakalma si Liezel ngunit makikita ang matinding pamumula ng mukha nito dahil sa pinipigilang excitement. “Ano ba iyon? Pwede mo ng sabihin sa akin—”“Our investor, Ms. Sunset!”“Oh? Anong mayroon sa investor natin?”“They found someone na ready na punduhan ang ipapatayo nating branch abroad. Even our company? Ready sila na gastusan! Ma’am, ito ang magiging pinakamalaking pagawaan ng goods! Ang simple lamang na dati nating pabrika, magpapatayo ng pinakamalaking branch sa ibang bansa.”“W-what?!” bakas din ang matinding gulat ni Sunset. “But I
HINDI MAWALA ANG ngiti ni Lucian nang maalala ang insidente sa bahay ng kanyang lolo. Kung paano mamula ang asawa niya dahil lamang sa simpleng pag-uusap nila. Ganoon lamang ay matindi na ito kung maapektuhan kaya hindi niya lubos maisip kung anong nararamdaman nito nang sabihin niyang makikipaghiwalay siya nang unang beses na may mangyari sa kanila. Hindi imposibleng hindi nasaktan ang asawa niya. “Ngumiti siya…” ganoon ang reaksyon ni Sunset.Ngunit hindi malabo na hindi ito nasasaktan sa kabila ng ngiti na ipinakita.“Napakagag0 mo, Lucian,” huminga siya nang malalim. “Ilang beses mo pang sasaktan ang asawa mo?”Kung may isang bagay siyang ituturing na pinakamahal sa mundo, iyon na ng ngiti ng asawa niya. Iyon ang pinapangarap niyang makita na hindi niya kayang bilhin kahit bayaran niya pa ng pinakamalaking halaga.Kailangan niyang maitama ang lahat ng pagkakamali niya. Sa ganoong paaran lamang siya makakabawi sa kanyang asawa. Upang mangyari iyon, kailangan niyang simulan ang pag
“HOW ARE YOU, Hija? Bakit ngayon ka lang napadalaw rito sa bahay?”“Ayos naman ho, Abuela. Naging abala lang po sa negosyo.”“Nabalitaan ko nga. In short amount of time ilang branch na ang naipakalat niyo sa bansa. Hindi lang iyon. Nabalitaan ko rin na you are transporting your goods outside of the country?”“Yes, Abuelo. Until now hindi pa rin po ako makapaniwala sa mga na-achieve naming achievement together with my team.”“I really like how you handle your work, Sunset,” sabi ng abuela niya nang maupo sila. “Di ba? Hindi niya lang inaangkin ang mga credits. Kasama rin sa achievements ang mga tauhan niya.”“Kasusyo ko na po sa negosyo si Sunset, Abuela,” sabi ni Lumi nang maglagay ng mga pagkain sa hapag. “You’re so hardworking, Hija,” sabi ng abuelo niya. “Bakit hindi mo sinubukang magtrabaho sa kumpanya dati?”Bahagyang natawa sa Sunset. “Wala naman po akong alam sa office work, Abuelo.”“Pero how come na ganyan ka na katagumpay.”“Siguro po dahil I understand my products, Abuelo.
AANO KONG MAKITA ka ng anak ko? Hindi ka nararapat na magpunta rito!” natatarantang sambit ni Susan sa kanyang bisita na kumatok sa kanyang inuupuhang bahay ng hatinggabi.“Alam mo ba ang ginagawa ng anak mo?” galit na tanong nito. “Sabi ko sa ‘yo bantayan mong maigi para alam ko ang nangyayari pero ano ang ginawa mo? Naghanap ka ng magiging dahilan para palayasin ka nila. Hindi kita binabayaran para maging tanga!”“Kasalanan ko bang mabubuko ako?”“Hindi ka kase nag-iingat! Sa dinami-raming lugar, sa bahay niyo pa talaga nakuha mong magsugal!”Umiling si Susan sa kanyang bisita. “Ipapaalala ko lang sa ‘yo, Eveth. Binabayaran mo ako pero hindi mo ako tau-tauhan dito. Purnada pa ang pagbibigay sa akin ng pera ng anak ko kaya huwag ka ng dumagdag pa sa init ng ulo ko.”“Kung inaayos mo kase ang pagpapanggap mo hindi aabot sa ganyan!”“Sabi mo kase makakakuha ako ng malaking halaga sa anak ko. Baon na ako sa utang, Eveth. Hinahabol na ako ng mga pinagkakautangan ko kaya ikaw na ang magbi
“DITO NATULOG ANG asawa mo, Gale?” tanong ng tyang niya. “Bakit ho, Tyang?”“Nakita ko ang kotse riyan sa labas.”“Talaga ho?” gulat niyang tanong dito. “Akala ko ho mag-iinarte kase hindi iyon sanay sa sosyalan at pipiliing umuwi na lang. Inalok ko pa ang isang kwarto. Hindi ko naman akalain na papatusin pala.”“Hala! Hindi ko pa nalilinis iyon!” nag-aalalang sambit ng tyang niya. “Hindi ko naman kase alam. Hindi ko na siya tinanong kagabi.”“Alikabok lang naman iyon, Tyang. Buhay pa naman ho siguro iyon.”“Kahit masama ang budhi niyang asawa mo hindi pa rin ako singtigas ng bato ano. Baka sabihin niyan pinatuloy nga natin sa bahay natin pero labag naman sa loob natin.”“Hindi ho ba, Tyang?”Umiiling ito, “hay nako! Ewan ko sa ‘yong bata ka. Puntahan mo na nga lang ang asawa mo. Tawagin mo. Sabihin mo mag-aagahan na tayo.”“Bakit ako pa, Tyang?” nagrereklamo niyang tanong. “Alangan ako? Papasok ako riyan nang basta-basta eh dalawang beses ko pa nga lang nakita iyang asawa mo.”“Si
NAKATINGIN LAMANG SI Sunset nang mga sandaling iyon sa kanyang asawa. Binabasa niya ang sinasabi ng mga mata nito na tila napakarami ng sinasabi sa kanya. Bakit tila punong-puno iyon ng pakiusap? Ano pa bang gusto nitong mangyari sa kanya? Hindi ba’t gusto nitong makipaghiwalay sa kanya? Bakit ngayon ay heto na naman ang asawa niya at ginugulo ang sistema niya?Ganoon na lamang ang mabilis na tibok ng kanyang puso at pagkablangko ng kanyang isipan nang hawakan nito ang kanyang kamay at higitin siya papalapit dito. Habang nakatingin ito ay tila hinihipnotismo siya at bibigay ang kanyang tuhod. “Gale, please, let’s talk—”“No,” mabilis niyang sagot at tila napapasong lumayo rito. “Please. I need to explain myself.”“May bakante kaming kwarto. Kung hindi ka maarte, pwedeng doon ka matulog. Gabi na. May trabaho pa ako bukas,” sabi niya matapos hilahin ang kanyang kamay upang makabalik nang mabilis sa kanyang kwarto.Sa pagpasok ng pinto, ganoon na naman ang pagpatak ng luha na tila nasa
DAMA NI SUNSET ang matinding pagod pauwi ng kanilang bahay. Tila naubos siya pagkatapos ng pakikipag-usap sa maraming tao. Kaya naman pababa pa lamang ng kanyang kotse ay gusto niya ng humilata sa lapag para hindi na siya gumalaw pa.“Uulan pa yata,” sambit niya habang ang tingin ay nasa kalangitan. “Ganito ka na lang parati. Sa tuwing nasa ganito akong kalagayan parang nakikisabay ka pa sa nararamdaman ko.”Gusto niyang matawa kahit walang buhay ang kanyang mga mata. “Buti ka pa. Alam ang nararamdaman ko,” puno ng kalungkutan niyang sambit. “Sunset, we need to talk.”“Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Lucian. Kahit hindi mo na rin pirmahan ang divorce paper, inaasikaso na ng lawyer na kinuha ko. Magiging single ka na rin pagdating ng araw na kagustuhan mo naman talaga ‘di ba?”“Please, Sunset. Kausapin mo ako.”Puno ng pakiusap ang mga mata ni Lucian ngunit bakas sa mukha ni Sunset na wala siyang pakialam. Masyado ng naging bato ang puso niya dahil sa mga ginawa ng asawa na sa
RUMARAGASA ANG KANILANG emosyon habang dama niya ang lahat sa asawa. Sa paraan ng pagtitig nito na humahalukay sa kanyang pagkatao ang dahilan kung bakit hindi makatingin si Sunset nang maayos sa asawa. Maging ang paraan ng paghalik ng asawa sa bawat bahagi ng kanyang katawan na para bang wala itong ibang sinasabi kung hindi ang katagang mahal siya at tanging siya lamang ang nakikita nang gabing iyon. Hindi siya nananaginip. Pinagmamasdan talaga siya ng asawa. Sa limang taon ng kanilang pagsasama, ngayon niya lamang nadiskubre na kaya pala nitong tumingin sa kanya nang walang galit sa mga mata. Ganito pala ang pakiramdam ng mayakap nito... Dama niya na ligtas siya kahit pa maging kalaban niya ang buong mundo. Nang gabing iyon, sa unang pagkakataon, natikman niya rin ang tamis ng halik mula kay Lucian. Mag-asawa sila. Oo. Ngunit ang lahat ng iyon ay sa papel lamang. Bahagya siyang napangiti. Gusto niya munang kalimutan ang lahat. Ang kasalukuyan ang mas mahalaga sa kanya. “Masay...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments