DAHIL NAGKAROON NG problema sa pabrika ng pagawaan ng tinapay, kinailangang makarating kaagad doon ni Sunset sa pinakamabilis na paraang alam niya. Iyon ang tanging paraan upang wala ng maging aberya sa pagbubukas nila ng first branch na nasa pangangalaga niya. Mabuti na lamang at padaan si Vincent sa lugar na malapit sa mga lolo at lola ni Lucian. Ang problema niya ngayon ay sa dinami-rami naman ng maaari niyang makasalubong palabas ng bahay, bakit si Lucian pa? Ginawa niya nga ang lahat para iwasan ito ngunit makikita niya naman ngayon. Parang walang nakita, tuloy-tuloy ang paglalakad ni Sunset ngunit bago pa man makalagpas dito, kaagad na pinigilan siya nito sa paglalakad nang hawakan ang kanyang kamay. Tila napapaso, kaagad ang paghila ni Sunset ng kamay sa asawa. “Nagmamadali ako, Lucian,” sabi niya bago tuloy-tuloy ang paglabas ng bahay. Ngunit nang makarating naman siya sa labas ng bahay ay naroon na naman ang asawa. Parang wala itong narinig sa mga sinabi niya. “Kailan
KANINA PA HINDI maipinta ang mukha ni Lucian nang pumasok sila sa loob ng mall ni Eveth. Paano’y halos lahat ng ng mapasukan nitong bahagi ng mall ay may bitbit parating ilang piraso ng paperbag. Kaya tuloy, heto siya ngayon at hindi magkandaugaga sa dami ng dala niya. Kinailangan niya na ring tawagan ang kanyang secretary upang pagbitbitin ng ibang mga dala upang dalhin sa parking lot. “Bakit naman ang lungkot mo, Lucian?” tanong nito sa kanya nang may pagtataka. “Halos lahat ng gusto ko ay nabili ko.” “Hindi ka pa rin ba tapos?” tanong niya rito. “Naiinip ka na ba?” bakas ang pag-aalala rito. “I thought you would enjoy being with me?” Lalong hindi naipinta ang mukha ni Lucian dahil sa sinabi nito ngunit sa kabila ng lahat, wala siyang sinabi na kahit na ano rito. “Let’s eat na lang. Mukha namang hungry ka na? What do you like ba? It’s my treat!” masiglang sabi nito sa kanya. “Anything." “Great!” may pagpalakpak pa nitong sambit. “Let’s eat na lang there!” sabi nito sabay turo
“BIBILHIN MO ‘YAN sa akin ‘di ba?” nakangiti pa ring tanong ni Eveth habang hindi nakakakutob na mainit pa rin ang ulo ni Lucian. Parang walang narinig, nagtuloy-tuloy sa pagpasok ng shop na iyon si Lucian upang bilhin ang natipuhan niyang kwintas para sa asawa. Wala siyang masyadong alam sa mga uri ng alahas ngunit kaya niyang kumilatis kung nababagay iyon sa magsusuot. At sa nakikita niya, kay Sunset lamang niya nakikita ang napakagandang kwintas na iyon. “I’m ready, Lucian!” Hindi pa rin tumitigil na sabi ng babae at kinukulit siya upang makuha ang kwintas. Maarteng itinaas na rin nito ang nakalugay na buhok upang madaling mailagay ang kwintas sa babae. Dahil alam niyang hindi ito titigil, basta na lamang siyang dumampot ng kwintas na nakalagay sa estante. “Iyan ang gusto ko,” pagpupumilit pa rin nito at pilit na kinukuha sa kanya ang kwintas. “Choose whatever you want if you don’t like what I put on you. Just don't test my patience, okay?” tuloy-tuloy sa paglalakad na sabi
GANOON NA LAMANG ang pagtataka ni Sunset nang makita ang asawa sa labas ng pabrikang pinagtatrabahuhan niya. Nakasandal si Lucian sa kotse nito habang ang tingin ay nasa malayo. Bahagyang nakalapit na siya nang magbaling ito ng tingin. Awtomatiko, ganoon na lamang ang paglapad ng ngiti ni Lucian nang makita siya nitong papalapit. Dali-dali ang pagbukas nito ng kotse at pag-abot sa kanya ng pumpon ng bulaklak. Nang mga sandaling iyon, bakas sa kanya ang labis na pagtataka. Ngayon lang siya nakakaranas ng ganitong trato sa asawa. Bakit kung kailan maghihiwalay na sila saka siya nito pakikitaan ng mga bagay na hindi niya kailanman naranasan sa asawa? “Para saan ‘to?” tanong niya rito nang may malamlam na mga mata. “F-for you…” sambit ng asawa niya matapos na tumikhim. “Alam kong para sa akin, pero bakit?” Sinalubong ni Lucian ang tingin niya. Nang mga sandaling iyon, napakaraming emosyon ang nakikita niya sa mga mata ng asawa ngunit wala itong sinasabi na lalo nakapagbigay ng mat
ABOT-ABOT ANG KABA na nadarama ni Sunset nang mga sandaling iyon. Habol niya ang paghinga habang nakatingin sa pagtulo ng dugo ni Eveth sa sahig. Napakabilis naman ng pag-agapay ni Lucian at kaagad na dinaluhan ang dalaga. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala habang hindi alam kung paano aasikasuhin si Eveth. Paulit-ulit ang naging pagwag nito sa ibang staff ng restaurant ngunit wala pa ring muling dumadalo.Nang mga sandaling iyon, saka lamang natauhan si Sunset at dali-dali ang pagtawag ng ambulansya. Ang panyo na nakita niya sa lamesa ay kaagad niya ring ibinigay kay Lucian upang magamit iyong pangpaampat sa sugat nito. “Yes!” malakas na bulalas ni Sunset. “Paki bilisan, delikado ang lagay niya!” Hindi dapat siya nasasaktan sa nakikitang tanawin lalo pa’t alam niya sa sarili na hindi naman siya ang totoong mahal ng asawa. Ngunit, bakit dama niya ang kakaibang pagguhit ng kirot sa kanyang dibdib habang nakikita ang dalawa na nakatingin sa mata ng isa’t isa?Kailanman ay hi
HINDI NAGAWANG MAKATULOG ni Sunset nang gabing iyon. Masyado siyang kinain ng matinding pag-aalala at kaba matapos na isugod ang ama sa hospital. Marami ring tanong ang naglalaro sa kanyang isipan na hindi niya mabigyang kasagutan sa kabila ng mahabang niyang pagkakatunganga. Tila ba’y parati siyang humihinto sa isang tanong upang magkaroon muli ng panibagong tanong.Aaminin niya, natatakot din siyang matulog. Pakiramdam niya, sa oras na gawin niya iyon ay hindi niya na muling makikita pa ang pinakamamahal niyang ama. Idagdag pa sa isipin na wala ang kanyang tiyahin. Kailangan nitong umuwi upang ayusin ang mga dapat gawin sa kanilang bahay. Kailangan din nitong kumuha ng ilang pirasong damit dahil hindi ito nakapagdala matapos ng matinding pagkataranta kanina.Mga bandang alas-sais na ito ng umaga nakarating kaya naman ang tulog niya ay isang oras lamang. Nagpalit lamang siya ng damit at naghilamos bago siya lumabas ng hospital. Sa kanyang paglabas, hindi niya inaasahan na makikita
HINDI NIYA ALAM na darating ang araw na matatakot siya sa dugo. Ganoon ang pakiramdam ni Sunset nang bumaon sa kanyang braso ang matulis na bagay na nakausli sa bakal na isa sa mga ginagawa pa ng mga mekaniko. Dama niya rin ang pagkapwersa ng kamay niya na siguradong may nabali sa loob.Gusto niyang tingnan ang mga empleyado na maaari ring nagulat sa nangyari. Sa kabila ng maraming dugo at pananakit ng kanyang kamay, ang mga tauhan pa rin ang nasa isipan ni Sunset kaya naman ganoon na lamang ang pagkabahala niya nang unti-unting magdilim ang kanyang paningin. Hindi lamang iyon dahil sa pagkahilo kung hindi maging sa kaba na rin na kanyang nadarama. Pinilit niya pang tumayo upang makaalis ang empleyado na kanyang nadaganan ngunit alam niya sa sarili na anumang oras ay mawawalan na siya ng malay. Bago pa man mangyari iyon, hindi niya alam kung anong lakas ng loob ang pumasok sa kanyang isipan upang sabihan pa ang mga ito na huwag mag-alala dahil ayos lang siya. Iyon ang kanyang sinabi
“WE HAVE AN update to your informant, Mr. Seville,” sambit ng secretary ni Lucian nang pumasok ito ng opisina. “What did he say?” tanong niya naman matapos na isarado ang papeles na kanina pa binabasa. Mas interesado siyang pakinggan ang mga sasabihin nito patungkol sa taong gumawa ng kawalang-hiyaan sa kanyang asawa. “Hindi siya parte ng kahit na anong bahagi ng pabrika. Sa madaling salita, hindi siya empleyado roon. Isa siya sa mga tagahanga ni Vincent Olivarez na artista at dating kasintahan ni Ms. Seville.” Lihim na naikuyom ni Lucian ang kanyang kamao sa ilalim ng lamesa. Lalong uminit ang ulo niya nang sabihin nito ang impormasyong ‘dating kasintahan’. Hindi niya matanggap na mayroong tao na maaaring kapitan ang asawa niya sa oras na bumitaw ito at magsawa sa kanya. Nang titigan niya ang secretary niya, makikita ang pagtalim ng mga mata ni Lucian. “Alam mo na ang gagawin sa kanya,” sambit niya rito. “I’ll give you an hour, Ronald. Tell me when everything’s ready.” Ipinag
NAGISING SI SUNSET na matinding liwanag ang bumungad sa kanya. Sandali pa ang nakalipas bago tuluyang makapag-adjust ang kanyang mga mata sa pagkasilaw. Sumunod niya namang napansin ang apat na puting kanto ng kwartong iyon. Nang tuluyang makapag-adjust ang kanyang paningin, saka niya napansin ang swero na nakakabit sa kanyang kamay. Naroon din ang sekretarya niya na nakatulog na. Makikita sa mukha ni Liezel ang matinding pagod na maaaring siya ang dahilan.Mayamaya pa ay siya ring pagpasok ni Lumi sa kwartong tinutuluyan niya. Kapansin-pansin ang pamamaga ng mga mata nito na nagbigay ng matinding kaba sa kanya nang mapagtanto ang dahilan kung bakit siya naroon sa hospital.“Anong nangyayari, Lumi?” kinakabahan niyang tanong sa kaibigan. “B-bakit tayo narito?”Hindi kaagad nakasagot sa kanya si Lumi. Hinawakan ng kaibigan niya ang kanyang kamay habang nakatingin sa kanyang mga mata.“W-what is it, Lumi?”“I want to tell you something—”“I’m pregnant?” diretsahang tanong ni Sunset sa
“UMUWI NA TAYO, Ms. Sunset. Nag-aalala na kami sa ‘yo,” sabi ng kanyang sekretarya nang sunduin siya nito sa paliparan.Ilang araw na rin siyang nakikibalita patungkol sa maaaring maging kalagayan ng ibang mga nawawala pa sa nangyaring plane crash. Uuwi lamang siya sa kanilang bahay para magpahinga sa gabi at babalik din doon matapos na makapagpahinga. “Maghintay pa tayo, Liezel. Baka mayamaya may balita na sila kay Lucian. Hindi ako pwedeng umalis dito. Kailangang ako ang unang makaalam. Ayaw ko ng pag-alalahanin pa ang mga Seville.”Makikita sa mukha ng sekretarya niya na may gusto itong sabihin sa kanya ngunit pinipigilan ang sarili. Alam niyang nag-aalala ang mga taong nakapaligid sa kanya ngunit hindi niya magawang pilitin ang sarili niya na gawin ang mga bagay na labag sa loob niya.Mababaliw lamang siya kung uuwi siya sa kanila. Puro memorya lamang ng asawa niya ang makikita niya. Hindi makatutulong sa kanyang kung walang gagawin. “Ms. Sunset, nalipasan na naman kayo ng tangh
“ANO BANG NANGYARI? Bakit wala sa inyong makapagsalita?” tanong niyang muli sa mga ito. Walang nagawang makasagot ng mga kay Sunset. Ibinaling lamang nila ang tingin sa ibang direksyon na tila ba takot na sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ganito ang asta ng ng pamilya niya.“Anong nangyayari sabi? Sagutin niyo ako!” sa pagkakataong iyon, kahit si Sunset ay hindi na rin makontrol ang kanyang emosyon. Natagpuan niya ang sarili na umiiyak sa hindi malamang dahilan. “Sunset…”“Abuelo?” nakikiusap niyang tanong sa matanda matapos nitong maglakas ng loob na lumapit sa kanya. “Ano pong nangyayari?”“Gusto kong ikalma mo muna ang sarili mo, Anak. May nangyari kay Lucian,” sabi naman ng tyang niya.“Ano po bang—”Hindi niya na kailangan ng sagot sa kanyang pamilya. Ang tadhana na mismo ang tumulong sa kanya. Nalaman niya na ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang kanyang pamilya nang marinig ang balita mula sa telebisyon. Tila naging bingi si Sunset nang marinig ang pangalan ng asawa
“HOW WAS THE wedding?” biro sa kanila ni Lumi na sinalubong sila ng yakap sa kanilang bahay.“Nag-enjoy ka ba, Jarren?” tanong din ng Tyang Lorna niya na sinalubong sila sa pinto ng bahay. May dala-dala pa itong sandok at halatang abala sa pagluluto.“Opo, Nay. Bakit hindi kayo kasama?”“Mapapagod lang ako roon,” biro nito sa bata.Sinundo lang kase nila si Jarren sa school nito kaya hindi na sila nakauwi sa mansyon para isama ang tyang nila. Tumanggi din ito kahit noong inaya nila kaya silang tatlo lamang ang nakapunta. “Tyang, may mga pasalubong na dala si Lucian sa inyo.”Tamang-tama din ang pagpasok ng asawa niya na dala-dala ang mga pasalubong nito para sa kanila.“Ang dami naman nito!” gulat na tanong ng tyang niya na hindi pa sigurado kung kukunin ang mga pinamili ni Lucian.“Tanggapin mo na lang, Tyang. Para sa ‘yo talaga iyan kase masarap ka raw magluto,” nakangiting sambit ni Sunset. “Hay nako! Nambola pa. Pero, salamat!”“Abuela, Abuelo, you’re also here!” gulat na bulala
NORMAL NA YATANG nakangiti parati si Sunset kung ang asawa niya ang bubungad sa kanya na katabi niya sa paggising. Kahit na matagal niya na itong nakakasama, hindi niya pa rin maiwasang huwag maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya ngayong ganito siya kalapit kay Lucian.Isiniksik niya pa ang sarili upang makadikit nang husto sa asawa. Amoy na amoy niya ang natural na amoy nito kaya mas lalong lumapad ang kanyang ngiti. Dahil sa paggalaw niyang iyon ay naalimpungatan na tuloy ang asawa niya.“Good morning, Love,” garalgal ang boses na bati ni Lucian sa kanya.“Good morning,” nakangiti niya ring sagot kaagad.Mas niyakap siya nito nang mahigpit bago siya nito halikan sa noo. “Five minutes…” sabi pa nito na naging dahilan ng kanyang pagngiti.Sa pagpikit ng mga mata ni Lucian, malayang napagmasdan ni Sunset ang mukha ng kanyang asawa. Nakikita niya nang malapitan ang mahaba nitong pilikmata na nakadaragdag sa pagiging magandang lalaki nito. Nakikita na rin ang kakarampot na big
“WHAT HAVE YOU done this time, Eveth?” heto na naman ang pagdagundong ng boses ng ama ni Eveth sa kabuuan ng kanilang mansyon.“I don't know what youre talking about, Dad.”“At magsisinungaling ka na rin ngayon!” galit pa ring sambit ng dad niya. “You cannot fool your dad.”“Dahil wala naman akong ginagawa!” mas mataas din na boses niya ang sumagot sa kanyang ama. “Hanggang kailan mo ako gagawing tanga?” galit na tanong ng dad niya.“Isipin mo na ang mga gusto mong isipin, Dad. Pagod ako—”Pagalit na itinapon ng dad niya ang mga larawan sa center table ng bahay. Doon, tumambad sa kanya ang maraming larawan ng nangyaring kaguluhan sa kanila ni Lucian sa airport. “Magde-deny ka pa rin?” Hindi makatingin si Eveth sa kanyang ama. Hindi niya na alam kung paano ipagtatanggol ang sarili ngayong nabisto nito ang pagsisinungaling niya.“Alam mo ba ang ginagawa mo? Hindi lang pangalan ko ang masisira, damay ang mama mo at maging ang angkan natin! Hindi ka ba titigil hanggang hindi nalalagay
MATAGAL PA NA nanatili sina Sunset at Lucian sa loob ng sasakyan. Hinintay nila ang pina-deliver na pagkain na pagsasaluhan dahil walang kahit na sinong katulong sa bahay nila na maaaring magluto ng pagkain. Habang naroon, hindi niya maiwasang huwag mapangiti. Hindi niya akalain na aabot sila sa ganitong punto. Iyong makakapag-usap sila ng hindi siya tinataasan ni Lucian ng boses nito at kalmado lamang siya sa matagal na oras na magkasama. Wala rin siyang nararamdaman na kahit na anong hinanakit sa asawa. Iyon ang labis na nakapagpapagaan sa loob niya ngayon.Masarap pala sa pakiramdam. Tila napakalaya ng puso niya na gawin ang mga bagay na gusto at pinangarap kasama ang kanyang asawa. Ngayong malaya na siya na gawin ang lahat ng gusto sa harapan nito ay mas nagiging magaan na ang lahat sa kanya na gawin ang nararapat.Nang dumating ang pagkain, saka lamang sila pumasok sa loob ng bahay. Nang makarating sa sala, napahinto sa paglalakad si Sunset dahil sa panunumbalik ng mga alaala
NAG-AALALANG IBINALING NI Sunset ang tingin sa kanyang asawa. Wala pa rin ito sa sariling wisyo dahil sa ipinainom dito ni Eveth. “That girl!” gusto niya itong tirisin nang buhay. Umiinit ang ulo niya dahil sa mga pinaggagawa ng babae.Muli na namang nanumbalik sa kanyang isipan ang naging komprontasyon nila kanina ni Eveth. Kung may isang bagay man siyang ilalarawan dito, iyon na ang pagkabaliw. Tila wala na ito sa sarili at nahihibang na nang labis sa kanyang asawa.Pumasok na sa kanyang isipan kanina na isiwalat sa buong mundo ang totoong ugali ng babae. Ipaalam sa mga tagahangan nito na ito ang totoong ugali ng iniidolo nila. Siguradong masisira ang pangalan nito na magiging dahilan ng pagbagsak nito kapag ginawa ni niya iyon.Ngunit si Lucian ang mahihirapan. Siguradong ito ang sasalo ng mga kristisismo na ibabata sa kanila ng mga tagahanga nitoIsa pa sa dahilan, kahit gustong-gusto niyang ipakulong ang babae. Idiretso ito sa presinsto ngayong may nakuha na siyang ebidensya kan
“NGAYON ANG UWI ni Lucian? Susunduin mo sa airport, Gale?” “Opo, Tyang! Sinabihan ko na rin kase ang driver na ako na ang bahala kay Lucian.”“Dito pa ba kayo maghahapunan?”“Hindi ko ho alam, Tyang. Kung sakali man, kahit iyong sa inyo na lang ni Jarren na pagkain ang lutuin niyo.”“Oh sige pala, mag-ingat ka!”“Salamat po!” sabi niya nang buksan pa nito ang gate kung saan ilalabas niya ang sasakyan. Automatic naman iyon pero sadyang ganito siya alagaan ng tyang niya. Gagawa pa ito minsan ng dahilan para gawin ang mga bagay na magpapadali sa kanya.Habang nasa biyahe patungo sa kanyang asawa, heto na naman ang hindi niya maiwasang pagngiti. Ilang araw din silang hindi nagkita ni Lucian kaya ganoon na lamang ang pagiging excited niya. Nang makarating sa airport, kaagad niyang sinabi rito na naghihintay na siya sa labas ngunit wala ng sumagot sa mensahe niya. Tinawagan niya rin ang asawa ngunit out of coverage na ito na labis niyang ipinagtataka.“Sigurado ako na alam niyang pupunta