Home / Romance / The Price of Her Love After Divorce / CHAPTER 16: Aksidente nga ba?

Share

CHAPTER 16: Aksidente nga ba?

Author: Rigel Star
last update Huling Na-update: 2024-08-01 23:55:29
HINDI NAGAWANG MAKATULOG ni Sunset nang gabing iyon. Masyado siyang kinain ng matinding pag-aalala at kaba matapos na isugod ang ama sa hospital. Marami ring tanong ang naglalaro sa kanyang isipan na hindi niya mabigyang kasagutan sa kabila ng mahabang niyang pagkakatunganga. Tila ba’y parati siyang humihinto sa isang tanong upang magkaroon muli ng panibagong tanong.

Aaminin niya, natatakot din siyang matulog.

Pakiramdam niya, sa oras na gawin niya iyon ay hindi niya na muling makikita pa ang pinakamamahal niyang ama. Idagdag pa sa isipin na wala ang kanyang tiyahin. Kailangan nitong umuwi upang ayusin ang mga dapat gawin sa kanilang bahay. Kailangan din nitong kumuha ng ilang pirasong damit dahil hindi ito nakapagdala matapos ng matinding pagkataranta kanina.

Mga bandang alas-sais na ito ng umaga nakarating kaya naman ang tulog niya ay isang oras lamang.

Nagpalit lamang siya ng damit at naghilamos bago siya lumabas ng hospital. Sa kanyang paglabas, hindi niya inaasahan na makikita
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 17: Talo ang Magmahal

    HINDI NIYA ALAM na darating ang araw na matatakot siya sa dugo. Ganoon ang pakiramdam ni Sunset nang bumaon sa kanyang braso ang matulis na bagay na nakausli sa bakal na isa sa mga ginagawa pa ng mga mekaniko. Dama niya rin ang pagkapwersa ng kamay niya na siguradong may nabali sa loob.Gusto niyang tingnan ang mga empleyado na maaari ring nagulat sa nangyari. Sa kabila ng maraming dugo at pananakit ng kanyang kamay, ang mga tauhan pa rin ang nasa isipan ni Sunset kaya naman ganoon na lamang ang pagkabahala niya nang unti-unting magdilim ang kanyang paningin. Hindi lamang iyon dahil sa pagkahilo kung hindi maging sa kaba na rin na kanyang nadarama. Pinilit niya pang tumayo upang makaalis ang empleyado na kanyang nadaganan ngunit alam niya sa sarili na anumang oras ay mawawalan na siya ng malay. Bago pa man mangyari iyon, hindi niya alam kung anong lakas ng loob ang pumasok sa kanyang isipan upang sabihan pa ang mga ito na huwag mag-alala dahil ayos lang siya. Iyon ang kanyang sinabi

    Huling Na-update : 2024-08-02
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 18: Isa pang Pagkatao

    “WE HAVE AN update to your informant, Mr. Seville,” sambit ng secretary ni Lucian nang pumasok ito ng opisina. “What did he say?” tanong niya naman matapos na isarado ang papeles na kanina pa binabasa. Mas interesado siyang pakinggan ang mga sasabihin nito patungkol sa taong gumawa ng kawalang-hiyaan sa kanyang asawa. “Hindi siya parte ng kahit na anong bahagi ng pabrika. Sa madaling salita, hindi siya empleyado roon. Isa siya sa mga tagahanga ni Vincent Olivarez na artista at dating kasintahan ni Ms. Seville.” Lihim na naikuyom ni Lucian ang kanyang kamao sa ilalim ng lamesa. Lalong uminit ang ulo niya nang sabihin nito ang impormasyong ‘dating kasintahan’. Hindi niya matanggap na mayroong tao na maaaring kapitan ang asawa niya sa oras na bumitaw ito at magsawa sa kanya. Nang titigan niya ang secretary niya, makikita ang pagtalim ng mga mata ni Lucian. “Alam mo na ang gagawin sa kanya,” sambit niya rito. “I’ll give you an hour, Ronald. Tell me when everything’s ready.” Ipinag

    Huling Na-update : 2024-11-20
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 19: Malaya ka na

    “H-HUMIHINGI AKO NG tawad sa mga nagawa ko, Ms. Seville!” nakayukong sabi ng babae na biglaan na lang ang pagbisita sa kwartong tinutuluyan ni Sunset sa hospital. “Kahit ano pa ang irason ko, alam kong mali ang nagawa ko sa oras na makapanakit ako. P-patawad ho!”Bakas ang gulat sa mukha ni Sunset habang nakatingin sa babae na isa sa mga nakita niya sa pabrikang pinapatakbo.“Aksidente ang nangyari. Kaya ayos lang—”“Hindi po aksidente!” mabilis na sambit nito na naging dahilan upang maiwan sa ere ang salitang sasabihin niya. “Itinulak kita nang araw na iyon dala ng matinding galit at selos—hindi ko sinasadya na ganoon ang nangyari! Hindi ko alam na may nakausling matulis roon na magiging dahilan ng pagkasugat mo.”“Nagseselos ka sa akin?” gulat pa ring tanong ni Sunset dahil hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito.“Isa ako sa mga tagahanga ni Vincent Olivarez. Nalaman namin na may girlfriend na siya. hindi namin matanggap na naglihim siya! Sinabi sa amin na ikaw daw ang dahila

    Huling Na-update : 2024-11-22
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 20: Nasisiraan ng Bait

    SI SUNSET LAMANG ang nakapagparamdam sa kanya ng ganoong uri ng pangamba. Hindi niya na kailangan pang kontrahin ang sarili na takot siyang mawala ang asawa kaya ganoon na lamang din ang pagdadalawang-isip niya na lumabas ng kwarto nito. Pakiramdam niya na sa oras na iwan niya ito ay wala na siyang babalikan. Titigil na ang asawa niya sa paulit-ulit na pag-intindi sa kanya. Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa seradura ng pinto. Gusto niyang bumalik sa tabi nito at hindi na umalis doon hanggang sa gumaling si Sunset. Ngunit hindi niya pwedeng gawin iyon. Masisira ang lahat ng pinaghirapan niya. Mawawalan ng saysay ang lahat ng sakit na pinagdaanan nila. Bago pa man siya atikihin ng kahinaan ng loob, matatag ang naging pagbukas niya ng pinto kasabay nang tila pagiging bingi sa mga binitawang salita ni Sunset.Madilim ang mukha ni Lucian habang naglalakad patungo sa kwarto ni Eveth. Ang hindi niya maintindihan, bakit ito na-overdose sa gamot kung kailan nataon na nahospital din si Su

    Huling Na-update : 2024-11-22
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 21: Maghiwalay na Kayo

    “HINDI KA BA hihingi ng tawad sa akin?” Iyon ang bungad na tanong ni Eveth nang pasukin nito ang kwarto na tinutuluyan niya sa hospital. Gusto niyang tawanan ang babae at tawagin na hibang. Ngunit kahit yata ang pagtawa hindi niya magawa dahil wala siyang amor na kausapin ito.“Tinatanong kita! Hindi ka ba hihingi ng tawad sa akin?” ulit na naman nitong muli.Kinuha ni Sunset ang cellphone niya na tila hindi niya ito nakikita o naririnig man lamang. Tinawagan niya si Lumi na kaagad naman nitong sinagot.“Oh? Bakit napatawag ka?” bakas ang kasiyahan sa boses nito nang sagutin iyon. “Na-miss mo na naman ako, ‘no?”“Itatanong ko lang sana, Lumi,” sabi niya nang bahagyang binitin ang sasabihin.“Ano naman ‘yon?” “Naniniwala ka ba sa multo?”Maririnig ang pagtawa ni Lumi sa kabilang linya. “Bored ka na ba riyan sa hospital?” “Eh sa baliw?” tanong niyang muli rito.Ganoon na lamang ang pamumula ng mukha ni Eveth dahil sa binitawan niyang tanong.“Okay ka lang ba talaga?” naguguluhang tano

    Huling Na-update : 2024-11-23
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 22: Pinal na Desisyon

    BAKAS ANG MATINDING galit kay Lucian nang mga sandaling nakatingin kay Sunset. Gusto niyang sumigaw upang mabawasan ang prustrasyon na nararamdaman niya. Ngunit hindi niya magawa. Iniiwasan niya na kahit takot ay maramdaman na rin nito dahil sa pagiging walanghiya niya. Nag-aalala siya.Bibitawan siya ng asawa…Hindi siya makapaniwala nang ganoon lang kadali rito na iwan siya…Umiling siya. Hindi iyon maaaring gawin sa kanya ni Sunset! Hindi siya makapapayag.Alam niya sa sarili na napakagago niya ngunit hindi kailanman tumatak sa kanyang isipan na ang inakalang niyang simpleng galit lamang at pagbabanta ni Sunset ay magiging totoo na. Pagkamuhi na iyon kung maituturing dahil handa na siyang isumpa nito para lamang hindi na muling makasama pa.Nasasaktan siya…Nagsisisi…Paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang maraming katanungan. Maraming paano na hindi mabigyang kasagutan dahil sa pagiging pipi niya na maipahayag ang nararamdaman.Paano kung sa simula pa lang ay pinakataan ni

    Huling Na-update : 2024-11-24
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 23: Ginagawa mong Komplikado 

    “YOU’RE WASTED, DUDE!” iyon ang naging bungad ni Jigs nang pumasok ito sa opisina niya. “Nakikita mo na ba ang karma mo?” Nabaling ang tingin ni Lucian sa kanyang kaibigan. Masama ang naging pagtitig niya kaya ganoon na lamang ang pagtataas nito ng kamay na para bang sumusuko na kaagad sa usapang maaari pang lumaki.“Anong nangyari?” tanong nito sa kanya matapos na umupo sa sofa na katapat ng mesa niya sa kanyang opisina. “Hulaan ko, tungkol na naman ito kay Sunset? Kase kung ang pinsan ko ang dahilan, hindi ka magkakaganyan.”Sumandal si Lucian mula sa kanyang kinauupuan kasabay ng pagpisil sa nananakit niyang sentido. Paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan ang nangyari sa pagitan nila ng asawa. Kung paano siya ipagtabuyan nito nang punong-puno ng galit.“Sinabi ko na kaseng huwag mong ituloy ang mga binabalak mo. Tapos ngayon magsisisi ka?” Pumalatak ito. “Masyado kaseng malakas ang tiwala mo sa sarili mo na hindi ka niya pakakawalan. Ngayong natikman mo na ang sarili mong laso

    Huling Na-update : 2024-11-24
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 24: Pagpanig sa kanya

    “DO YOU THINK it will work?” tanong ni Sunset sa secretary niya na nasa pabrika pa rin at kausap niya lamang sa cellphone. “Aabot kaya tayo sa opening?” “Yes, Ms. Sunset. Aabot tayo kung magkakaroon ng overtime ang mga empleyado.”Hindi kaagad sumagot si Sunset. Bakas ang malalim na pag-iisip sa kanya.“Okay. Ganito na lang, Liezel. Ask them if they want to have overtime. Ang mga ayaw, huwag mo silang pilitin. By hour ang magiging bayad natin sa mga magtatrabaho nang lagpas na sa oras.”“Copy, Ms. Sunset,” sambit nito. “For my second concern, dumating na po ang mga bagong makina na kinuha niyo. Sa ngayon, ina-assemble na po ang mga iyon dito. Dahil bagong model, kailangan po ng training ng mga tauhan natin.”“Then, make a one day allotment,” sagot niya rito bago ilipat sa kabilang bahagi ang cellphone. “Ituro sa kanila ang mga dapat nilang malaman. May tiwala akong matutunan nila ang mga iyan dahil alam naman nila ang basic.”“About sa ingredients na mga tinapay—”“Don’t worry,” sagot

    Huling Na-update : 2024-11-24

Pinakabagong kabanata

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 54: Bingit ng Kamatayan

    MATAGAL NA NAKATINGIN sa mga mata ni Lucian si Sunset. Hindi niya rin napigilan ang sarili at hinawakan ng dalawang kamay ang magkabilang bahagi ng pisngi ng asawa. Narito talaga ito. Hindi niya guni-guni ang nakikita niya. Ang asawa niya na inakala niyang walang pakialam sa kanya ay narito ngayon at hindi alintana ang panganib na maaari nitong kaharapin.“A-anong ginagawa mo rito, Lucian?” hindi na naitago ang matinding pag-aalala sa mukha ni Sunset. “Delikado! Bakit ka pa nagpunta—”“I can't pretend if you are in a situation like this,” sabi nito sa kanya na siya namang humawak sa kanyang pisngi gamit ang isang kamay. “Are you okay? May ginawa ba sa ‘yo ang mga kumuha sa ‘yo?”Mabilis ang naging pag-iling niya. “Paano mo nalamang nandito ako?”“Tama na iyang kwentuhan!” galit na turan ng isa sa mga dumukot sa kanya. “Naiingayan na ako sa inyo,” sabi pa nito habang ginagalaw-galaw ang taynga. Makikita ang pagpapalit ng ekspresyon sa asawa niya nang ibaling nito ang tingin sa mga du

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 53: Nandito na ako

    PATULOY LAMANG ANG pagtakbo niya. Hindi nagawang huminto ni Sunset sa takot na maabutan siya ng mga taong kumuha sa kanya. Hindi malabo na ngayon ay alam na nilang nawawala siya. Hindi siya maaaring bumalik sa lugar na iyon. Hindi niya bibigyan ng kahit na anong dahilan ang mga kriminal para maging masaya sa pagpapakasakit sa kanya.Kailangan niyang makalayo. Hindi siya titigil sa pagtakbo hanggang hindi niya nalalaman na ligtas na siya. Babalik siya sa pamilya niya nang buo. Hindi niya bibigyan ng kahit na anong dahilan para umiyak ang Tyang Lorna niya. “Aray…” mahina niyang pagdaing nang tumama na naman ang paa niya sa talahiban. Dahil may mga parte doon na matulis, hindi malabo na marami na siyang sugat ngayon. Ngunit wala siyang pakialam. Kung hihinto siya sa pagtakbo ngayon, hindi malabo na hindi lang ito ang abutin niya. Hindi niya alam kung saan pa nanggagaling ang lakas niya. Kahit ang tapang na hindi niya alam kung saan pa hinuhugot. Maging ang pag-iyak na pinipigil niyang

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 52: Nagsisi ka ba?

    “SINO ‘TO SINABING sino ‘to?” galit na galit na sambit ni Lucian habang kausap ang nasa kabilang linya. “Sinabing sino ito?!”Sa pagkakataong iyon, tinapik na siya ni Cole sa balikat. Umiling ito at senenyasan siya na hayaan ang kausap na pahabain pa ang magiging usapan nila kahit tatlong minuto. Sa ganoong paraan lamang nila malalaman ang lokasyon nito.Gagawin nito ang makakaya upang mahanap kaagad ang lokasyon ng kausap.“Anong kailangan mo? Pera ba? Magkano?” nakakuyom na ang kamao niya. Doon inilalagay ang lahat ng galit upang hindi makagawa ng desisyon na magpapalala ng sitwasyon nila.“Naririnig mo ba ang sinabi ko, hawak namin ang asawa mo. Pupunta ka sa lugar na ito sa sinabi ko sa takdang araw—”Ganoon na lamang ang malakas na pagtawa ni Lucian na kahit ang mga malapit sa kanya ay nararamdaman ang pang-iinsulto sa boses niya.“Don’t fvcking dare to touch my wife. You wouldn’t like it.”“Hawak namin ang asawa mo pero nagawa mong pagbantaan kami?” Tumatawang tanong nito.“Ang l

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 51: Desperado na siya

    LAHAT NG PARAAN para makabawi kay Sunset ay ginawa na ni Lucian. Masyado na siyang nauubusan ng pagpipilian upang muling makuha ang loob ng asawa. Wala na itong tiwala sa kanya. Hindi na ito naapektuhan sa mga ginagawa niya. Nasaktan siya nang ignorahin nito matapos niyang ipagluto ng ilang putahe si Sunset. Napakaraming pagkaing inihain niya ngunit pinili pa nito ang instant noodles. Sa kaiiwas nito sa kanya, napaso pa ang asawa niya. Upang magkaroon ito ng pagkakataon na kumain nang araw na iyon, maaga siyang umalis ng bahay matapos na makabili ng ointment para sa paso nito at makapagluto ng almusal.Kahit mahirap para sa kanya, ginagawa niya ang makakaya upang maibigay ang nararapat dito kahit pa ang ibig sabihin niyon ay maging malayo siya rito.“Ganoon na iyon? Susuko ka na lang nang basta-basta?” tanong ng kaibigan niyang si Jigs. “Ang hindi ko kase sa ‘yo maintindihan, hindi mo naman pala mahal ang pinsan ko—hindi mo naman pala mahal si Eveth pero ganyan ang naging trato mo.”

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 50: Sa Kanyang Pagtakas

    BALOT NG MATINDING katahimikan si Sunset. Hindi siya gumagawa ng kahit na anong ingay habang pilit na tinatanggal ang tali sa kanyang mga kamay. Hindi siya papayag na magtagal sa lugar na ito. Hindi niya pwedeng pag-alalahanin ang tiya niya na maaaring naghihintay na naman sa pag-uwi niya.Ano bang akala ng mga ito? Na pupuntahan siya ni Lucian? Hindi siya ganoon kamahal ng asawa para magbuwis ito ng buhay para sa kanya. Sigurado siya sa bagay na iyon. Hindi siya si Eveth na sa isang tawag pa lamang ay nagkukumahog na kaagad ang asawa niya.“Mali kayo ng nakuhang babae,” kalmado niyang sambit. “Sa tingin niyo sasayangin niya ang buhay niya para sa akin? Hindi iyon mangyayari!” Kung may isang bagay siya na nasisigurado nang mga sandaling iyon, iyon ang nasa liblib siyang lugar. Malayo sa lugar na maraming tao at malapit sa kalikasan. Naririnig niya pa ang kuliglig sa kanyang pwesto. Indikasyon na gabi na.Hindi siya makakita at tanging pandinig lamang ang ginagamit upang malaman ang m

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 49: Patuloy na Pagbawi

    SIGURADO SIYA. HINDI niya pinayagan ang asawa niya na matulog sa bahay nila. Ngunit mukhang nakakalimot na ito sa tamang uuwian dahil ilang araw ng narito sa kanila at parati siyang pinaghahandaan ng pagkain na hindi niya naman tinitikman.Tila isang hangin din sa kanya si Lucian. Kahit kinakausap siya nito ay hindi nya pinagtutuunan ng panahon na kibuin. Katulad ng sinabi niya, seryoso siya nang sabihing makikipaghiwalay na siya rito.Iyon ang kagusuthan nito kaya hindi niya maintindihan kung bakit ito naman ang pilit na pumapasok sa mundo niya matapos na makaalis.“Gale, nagluto na ako ng hapunan—”“Pakisabi na lang ho na nakakain na ako, Tyang,” walang ganang sambit ni Sunset. “Sa susunod, huwag na siyang mag-aksaya ng panahon na asikasuhin pa ako dahil masasayang lang ang mga pinagpaguran niya.”“Gale…”“At huwag niya kamo ako tatawagin sa pangalan na iyan na parang malapit kami sa isa’t isa. Tapos na ang koneksyon namin magsimula nang piliin niyang tapusin ang relasyon namin,” ma

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 48: Simula ng Pagbabago

    “OMG! OH MY gosh, Ms. Sunset!” tuwang-tuwang nagtatalon ang kanyang sekretarya na papalapit sa kanya.Sapo naman ni Sunset ang kanyang dibdib sa gulat dahil sa biglaan nitong pagtatalon-talon at pagsulpot. Nawala rin siya sa pagtitipa sa isang business proposal na kailangan niyang tapusin.“Bakit ba napakaingay mo, Liezel?” natatawa niyang tanong dito. “Ano bang nangyayari? Talo mo pa ang bulate na naasinan!”Sa pagkakataong iyon, pilit namang kumakalma si Liezel ngunit makikita ang matinding pamumula ng mukha nito dahil sa pinipigilang excitement. “Ano ba iyon? Pwede mo ng sabihin sa akin—”“Our investor, Ms. Sunset!”“Oh? Anong mayroon sa investor natin?”“They found someone na ready na punduhan ang ipapatayo nating branch abroad. Even our company? Ready sila na gastusan! Ma’am, ito ang magiging pinakamalaking pagawaan ng goods! Ang simple lamang na dati nating pabrika, magpapatayo ng pinakamalaking branch sa ibang bansa.”“W-what?!” bakas din ang matinding gulat ni Sunset. “But I

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 47: Buo ang Loob

    HINDI MAWALA ANG ngiti ni Lucian nang maalala ang insidente sa bahay ng kanyang lolo. Kung paano mamula ang asawa niya dahil lamang sa simpleng pag-uusap nila. Ganoon lamang ay matindi na ito kung maapektuhan kaya hindi niya lubos maisip kung anong nararamdaman nito nang sabihin niyang makikipaghiwalay siya nang unang beses na may mangyari sa kanila. Hindi imposibleng hindi nasaktan ang asawa niya. “Ngumiti siya…” ganoon ang reaksyon ni Sunset.Ngunit hindi malabo na hindi ito nasasaktan sa kabila ng ngiti na ipinakita.“Napakagag0 mo, Lucian,” huminga siya nang malalim. “Ilang beses mo pang sasaktan ang asawa mo?”Kung may isang bagay siyang ituturing na pinakamahal sa mundo, iyon na ng ngiti ng asawa niya. Iyon ang pinapangarap niyang makita na hindi niya kayang bilhin kahit bayaran niya pa ng pinakamalaking halaga.Kailangan niyang maitama ang lahat ng pagkakamali niya. Sa ganoong paaran lamang siya makakabawi sa kanyang asawa. Upang mangyari iyon, kailangan niyang simulan ang pag

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 46: Ang Sikreto

    “HOW ARE YOU, Hija? Bakit ngayon ka lang napadalaw rito sa bahay?”“Ayos naman ho, Abuela. Naging abala lang po sa negosyo.”“Nabalitaan ko nga. In short amount of time ilang branch na ang naipakalat niyo sa bansa. Hindi lang iyon. Nabalitaan ko rin na you are transporting your goods outside of the country?”“Yes, Abuelo. Until now hindi pa rin po ako makapaniwala sa mga na-achieve naming achievement together with my team.”“I really like how you handle your work, Sunset,” sabi ng abuela niya nang maupo sila. “Di ba? Hindi niya lang inaangkin ang mga credits. Kasama rin sa achievements ang mga tauhan niya.”“Kasusyo ko na po sa negosyo si Sunset, Abuela,” sabi ni Lumi nang maglagay ng mga pagkain sa hapag. “You’re so hardworking, Hija,” sabi ng abuelo niya. “Bakit hindi mo sinubukang magtrabaho sa kumpanya dati?”Bahagyang natawa sa Sunset. “Wala naman po akong alam sa office work, Abuelo.”“Pero how come na ganyan ka na katagumpay.”“Siguro po dahil I understand my products, Abuelo.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status