BAKAS ANG MATINDING galit kay Lucian nang mga sandaling nakatingin kay Sunset. Gusto niyang sumigaw upang mabawasan ang prustrasyon na nararamdaman niya. Ngunit hindi niya magawa. Iniiwasan niya na kahit takot ay maramdaman na rin nito dahil sa pagiging walanghiya niya. Nag-aalala siya.Bibitawan siya ng asawa…Hindi siya makapaniwala nang ganoon lang kadali rito na iwan siya…Umiling siya. Hindi iyon maaaring gawin sa kanya ni Sunset! Hindi siya makapapayag.Alam niya sa sarili na napakagago niya ngunit hindi kailanman tumatak sa kanyang isipan na ang inakalang niyang simpleng galit lamang at pagbabanta ni Sunset ay magiging totoo na. Pagkamuhi na iyon kung maituturing dahil handa na siyang isumpa nito para lamang hindi na muling makasama pa.Nasasaktan siya…Nagsisisi…Paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang maraming katanungan. Maraming paano na hindi mabigyang kasagutan dahil sa pagiging pipi niya na maipahayag ang nararamdaman.Paano kung sa simula pa lang ay pinakataan ni
“YOU’RE WASTED, DUDE!” iyon ang naging bungad ni Jigs nang pumasok ito sa opisina niya. “Nakikita mo na ba ang karma mo?” Nabaling ang tingin ni Lucian sa kanyang kaibigan. Masama ang naging pagtitig niya kaya ganoon na lamang ang pagtataas nito ng kamay na para bang sumusuko na kaagad sa usapang maaari pang lumaki.“Anong nangyari?” tanong nito sa kanya matapos na umupo sa sofa na katapat ng mesa niya sa kanyang opisina. “Hulaan ko, tungkol na naman ito kay Sunset? Kase kung ang pinsan ko ang dahilan, hindi ka magkakaganyan.”Sumandal si Lucian mula sa kanyang kinauupuan kasabay ng pagpisil sa nananakit niyang sentido. Paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan ang nangyari sa pagitan nila ng asawa. Kung paano siya ipagtabuyan nito nang punong-puno ng galit.“Sinabi ko na kaseng huwag mong ituloy ang mga binabalak mo. Tapos ngayon magsisisi ka?” Pumalatak ito. “Masyado kaseng malakas ang tiwala mo sa sarili mo na hindi ka niya pakakawalan. Ngayong natikman mo na ang sarili mong laso
“DO YOU THINK it will work?” tanong ni Sunset sa secretary niya na nasa pabrika pa rin at kausap niya lamang sa cellphone. “Aabot kaya tayo sa opening?” “Yes, Ms. Sunset. Aabot tayo kung magkakaroon ng overtime ang mga empleyado.”Hindi kaagad sumagot si Sunset. Bakas ang malalim na pag-iisip sa kanya.“Okay. Ganito na lang, Liezel. Ask them if they want to have overtime. Ang mga ayaw, huwag mo silang pilitin. By hour ang magiging bayad natin sa mga magtatrabaho nang lagpas na sa oras.”“Copy, Ms. Sunset,” sambit nito. “For my second concern, dumating na po ang mga bagong makina na kinuha niyo. Sa ngayon, ina-assemble na po ang mga iyon dito. Dahil bagong model, kailangan po ng training ng mga tauhan natin.”“Then, make a one day allotment,” sagot niya rito bago ilipat sa kabilang bahagi ang cellphone. “Ituro sa kanila ang mga dapat nilang malaman. May tiwala akong matutunan nila ang mga iyan dahil alam naman nila ang basic.”“About sa ingredients na mga tinapay—”“Don’t worry,” sagot
WALANG HUMIHINGI NG tawad sa mga pasakit na ginawa sa kanya. Kahit ang ina ni Eveth na gumawa ng kwento para lamang magmukha siyang masama ay nagmamalaking pang umalis sa kwarto niya sa kabila ng ginawa nitong palabas. Si Lucian? Bigla na lamang ang pagtatangkang paghawak sa kanya para ipaliwanag ang nangyayari ngunit tinabig niya lamang ang kamay nito. Simula’t sapol, ito ang dahilan ng mga pasakit na pinagdadaanan niya sa buhay. Kasalanan nito kung bakit nasa sitwasyon niya na kailangan niyang patunayan ang sarili niya at hindi lamang siya asawa ng isang makapangyarihang Seville.Patutunayan niya sa lahat. Lalong-lalo na sa kanyang sarili na magtatagumpay siya. Kailangan niya lamang maniwala na kaya niya. Siya lang din naman ang makakatulong sa sarili niya. Wala ng iba pa.Bahagya ang pagkagulat sa mukha ni Sunset nang biglaan na lamang ang pagluhod sa harapan niya ng babaeng inakala niyang trabahante sa pabrika. Paulit-ulit ang paghingi nito ng tawad sa kanya habang lumuluha nang
HINDI ALAM NI Sunset ang gagawin nang simulan silang kuyugin ng media na naroon sa lugar. Bawat kislap ng camera, takot ang namamayani sa kanya. Hindi niya alam kung paano itatago ang sarili nang mga sandaling iyon. Ganoon katindi ang pangamba niya na muling maulit ang aksidente na naging dahilan para manatili siya nang matagal sa hospital. Marami siyang dapat gawin. Napakarami ng dapat niyang ayusin sa pabrika at hindi parte ng mga iyon ay ang pagharap sa nagkikislapang camera. Ipinag-aalala niya rin na maugnay ang pangalan niya kay Vincent at sabihin ng mga tagahanga nito na ginagamit niya ang pangalan ng binata. Pangarap niyang may mapagtagumpayan nang hindi nakakabit ang pangalan ng kahit na sino sa kanya. “Nabalitaan namin na dati mong naging nobya ang babae, totoo ba, Vincent?” “Bakit kailangang itago ang mukha niya? Malaking tyansa na makilala rin siya.” “Siya ba ang dahilan kung binalikan mo ang pangarap mo?” “Isang pasilay naman sa mukha niya!” Iyon ang mga katagang
“JARREN, NASAAN ANG Tiya Lorna?” iyon kaagad ang tanong ni Sunset nang makauwi ng bahay nila mula sa pabrika. “Anong oras na. Hindi naman nagpapagabi iyon nang husto.”“Nagtataka rin po ako, Ate. Hindi naman po nagpapagabi si nanay ng ganito. Hindi niyon hahayaan na magutom ang bulate ko sa tyan!”Bahagya siyang natawa ngunit balot naman ang isipan niya ng pag-aalala. Kaagad ang naging pagpunta niya ng kusina para magsaing. Ipinainit niya na lamang din ang natirang ulam nila sa ref habang hinihintay pa rin ang pagdating ng tiyahin niya. Nang lumipas ang isang oras na wala pa rin ito, isang desisyon na ang ginawa niya. “Jarren, mauna ka ng kumain ha? Nailagay ko na ang rice cooker sa mesa. Pati ang ulam na ininit ko. Hahanapin ko lang ang Tyang Lorna.”“Sige po, Ate. Uwi kayo kaagad ha?”Tango lamang ang naging sagot niya habang makailang ulit muling tinawagan ang cellphone ng tyahin niya. Nagri-ring ang cellphone nito ngunit walang sumasagot kaya lalo siyang binalot ng pag-aalala.A
NAIINIS SI LUCIAN sa kanyang sarili. Hindi siya nakapagsalita nang kailanganin niya ang kanyang bibig habang kinakausap siya ng asawa. Nararapat na humingi siya ng tawad kay Sunset at isa pang pagkakataon para maayos ang gusot sa buhay nila.Pinagsisihan niya ang nagawa. Kung maaari lang, kung pwede niya lang ibalik ang oras kung saan kaya niyang ipakita rito ang nararamdaman at dahilan kung bakit siya nagkakaganito ay baka maintindihan siya nito. Hindi rin malabo na bigyan siya ng pangalawang pagkakataon ni Sunset.Kung pinakitaan niya rin ito ng kahit isang kabutihan, maaaring lumakas ang loob niya na pakiharapan ang asawa nang taas ang noo at walang kahit na anong pangamba. Ngunit kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, alam niya sa sarili na siya ang nagkasala. Wala siyang karapatan na magdemand ng kahit na ano kay Sunset.Kahit na ganoon pa man, lakas-loob na nagtungo ng pabrika si Lucian para puntahan si Sunset. Ngunit ang kaninang binubuo niyang pag-asa, unti-unting nasisira na
“AYOS LANG HO ba kayo?” nag-aalalang tanong ni Sunset nang makarating sa bahay ng dalawang matandang Seville.“O, Apo!” nakangiting bati sa kanya ng lola ni Lucian.“Pinapunta mo rito si Sunset, Gloria?” heto na naman at maririnig sa tinig ni Facundo ang pagiging istrikto. “Sinabi ko ng magiging mabuti ang kalagayan ko. Bakit kailangan mo pang abalahin ang bata?”“Ayos lang po, Abuelo,” nakangiting sambit ni Sunset bago magmano sa dalawang matanda. “At saka, na-miss ko na rin ho kayong dalawa. Matagal-tagal na rin ang huli kong pagbisita.”“Sinabi na sa ‘yo, Facundo.” Umiiling na sambit ng maybahay na si Gloria. “Hindi ko naman pinilit ang bata.”Nahihiyang ngumiti na lamang si Sunset nang makita na nagtatalo ang dalawa dahil sa kanya. Kung may isa man siyang dahilan para hindi kainin nang tuluyan ng galit dahil kay Lucian, masasabi niyang ang dalawang matanda na iyon. Hindi niya makakaila na ang pagmamahal ng mga ito sa kanya ang dahilan kung bakit hindi masyadong naging miserable a
NASA SILID LAMANG sila nang gabing iyon habang yakap ni Sunset ang asawa. Dahil full glass ang bintana ng kanilang kwarto kaya tanaw nila ang kalangitan kung saan napakaganda ng pagningning ng buwan kasama ng mga bituin sa paligid nito. Tila ba napaka-romantiko ng gabing iyon kahit ang ginagawa lamang nila ay mahiga sa kama.“Mukhang mapaparami lagi ang pagkain ko kapag masarap ang mga niluluto ng tyang mo,” sabi ni Lucian sa kanya na bahagyang natawa nang maalala kung gaano karami ang nakain kanina. “Dito ako lalaki kapag ganitong pagkain lagi ang kinakain ko.”“Masanay ka na,” natatawang sambit niya. “Tingnan mo nga kahit brokenhearted ako, hindi ako nangangayat.”“Hindi ba foul iyon?” umaangal na tanong ng kanyang asawa.“Natamaan ka ba?” Tumatawa niya ring tanong dito. “Kasalanan mo dahil sadista ka.”“Alam mo ng magbiro ngayon ah,” nakangising puna ni Lucian sa kanya.Bahagya pang dumila si Sunset bilang pang-aasar bago yakapin si Lucian nang tumatawa pa rin. “Naihanda ko na pal
“BABAEHAN! HATID-SUNDO na ng jowa ngayon ah!” puna ni Lumi nang matanaw sila ng asawa niya na kabababa lang sa sasakyan. “Kanina ka pa, Friend?” tanong naman ni Sunset sa kanyang kaibigan.“Hindi. Kararating ko pa lang,” sagot nito sa kanya bago pa balingan ang kapatid. “Totoo na ba iyan? Sana lang naman hindi mo na paiiyakin ang kaibigan ko ngayon,” nagdududang sambit ni Lumi kay Lucian.“Tsss…”“At talagang susungitan pa ako! Nakakalimutan mo ba kung sino ako sa buhay ni Sunset?”Bahagyang napailing na lamang siya. Hindi na yata magkakaroon ng katahimikan ang dalawa magsimula nang magkasundo ulit ang magkapatid.“Dati, tinatanong ko ang sarili ko kung magkapatid ba talaga kayo. Ngayon, parang sobra naman akong sinasampal ng katotohanan,” umiiling na komento nito.“Wala lang talaga akong choice ano,” komento naman ni Lumi na inirapan pa ang kapatid.“I have to go,” hindi maipinta ang mukha ni Lucian nang magpaalam sa kanila dahil inaasar pa rin ito ni Lumi.“Ingat ka,” paalala niya
MASAYANG NAKATINGIN SI Sunset sa kanyang pamilya na abala sa pag-aayos ng kanilang agahan. Ang Tyang Lorna niya ang nagpresinta na magluto para sa unang araw nila sa bahay. Maaga itong nag-asikaso dahil papasok pa si Jarren.“Kuha ka na roon ng baso, Jarren. Pati iyong mga kapehan huwag mong kalimutan.”“Oho, Nay!”“Tama nga lang yata na dalawang beses lang natin papuntahin ang helper dito sa bahay,” sabi ni Lucian. “Gustong-gusto ng tyang mo ng nag-aasikaso ano?”Tumango siya. “Diyan kase siya nasanay, Love. Kapag tumagal-tagal, tatanungin ko ulit siya kung gusto niya na kumuha ng kahit dalawang helper na makakatulong sa bahay. Mahahati na kase ang oras niya kapag nag-asikaso siya ng online business na pinasimulan ko para sa kanya.”“Sana, pumayag siya. Masyado na siyang maraming iniisip para idagdag pa ang pag-aasikaso sa bahay. Tutok din siya sa dad mo. Kailangan niya rin ng pahinga.”“Iyan ang pinaplano kong ibigay sa kanya, Love. Pero hindi ko pwedeng biglain ang tyang. Sa ganito
“MAGUGUSTUHAN KAYA NILA ang bahay?” kinakabahang tanong ni Sunset sa kanyang asawa.“Sigurado iyon,” nakangiting sagot ni Lucian sa kanya matapos na hawakan ang kamay niya. “Lahat naman ng galing sa ‘yo tatanggapin ng pamilya mo.”“Totoo iyan, Ate!” singit bigla ni Jarren na nasa likuran ng sasakyan. “Lahat tatanggapin namin dahil pinaghirapan mo iyon, Ate. Atsaka, tingnan mo nga ang mga bahay dito pangmayaman! Ang tataas oh!” Pareho silang napangiti ni Lucian dahil sa sinabi ni Jarren.Hindi nila kasama ang Tyang Lorna nila sa sasakyan. Pinili nitong sabayan ang tatay niya na nasa ambulansya ng sasakyan. Kahit may doktor na itong kasama ay gusto pa rin ng tyang na maging alisto sa lahat ng bagay kung ang tatay niya ang pinag-uusapan.“Bakit nga pala tayo lilipat, Ate? Magkaka-baby na ba kayo ni Kuya Lucian kaya kailangan natin ng malaking bahay?”Muntik na maipreno ng asawa niya ang sasakyan dahil sa tahasang pagtatanong ng bata. Tila gusto niya itong kurutin sa singit dahil sa bigl
“NAPAKARAMI MO NAMANG pasalubong, Gale!” “Para po sa inyong lahat iyan, Tyang. Huwag na po kayong tumanggi!”“Parang ang saya-saya mo, Ate!” Tumataas-taas pa ang kilay ni Jarren nang balingan siya ng tingin. “Iba rin ang ganda mo ngayon ate. Ayiiieee! Si Ate Sunset kinikilig—”“He!” pabiro niyang nahampas ang pinsan niya dahil sa naging pang-aasar nito. “Bawiin ko kaya iyang mga binigay ko sa ‘yo?”Dumila ito sa kanya. “Kay Kuya Lucian naman ito galing eh. Ikaw magbibigay ng ganito karami? Eh kuripot ka nga!”Lalong naningkit ang mga mata niya dahil sa itinuran nito. Napakagaling talagang mang-asar sa kanya.“Tigilan mo na ang ate mo, Jarren. Alam mo naman na nagdadalaga pa iyan!”“Tyang, naman!” gusto niya na lang na maglumpasay dahil sumali pa ang tiyahin niya sa pangbubuska sa kanya.“Binibiro lang kita ano? Huwag mo ng pahabain iyang nguso mo!”Parehong tinawanan siya ng dalawa kaya lalong nalukot ang mukha niya.“Bakit mo pa pala papupuntahin dito si Lucian? Mukhang kaya na nama
HINDI MAKATINGIN SI Sunset sa kanyang asawa simula nang magising siya. Hindi niya rin magawang makatayo sa higaan dahil sa panginginig ng kanyang hita matapos siya nitong paulit-ulit na angkinin sa buong gabi.Muli tuloy nanumbalik sa kanyang isipan ang mga nangyari sa kanila ni Lucian. Ganoon na lamang din ang matinding pagkapula ng kanyang pisngi nang maalala kung anong mga posisyon ang ginawa niya kagabi. Hindi siya makapaniwala! Nagawa niya iyon? Hindi niya lubos maisip na kaya niya palang umandayog ng makamundong sayaw sa ibabaw ng asawa!Sino nga ulit ang babae kagabi? Siya nga ba talaga iyon?Nasampal niyang muli tuloy ang sarili! Bakit ba kung ano-anong iniisip niya? Kailan pa siya nagkaroon ng ganoong uri ng pag-iisip? Nasaan na nga ulit ang Sunset na kilala niya?“You’re awake, Love,” sambit ng asawa niya na pumasok sa kwarto na bagong paligo na.Wala itong pang-itaas kaya ganoon na lamang na naman ang malalim na paglunok niya. Inaakit ba siya nito? Bakit ba napakaperpekto
“A-ANONG GUSTO MONG kainin ngayong gabi? Gusto mo bang mag-order na lang tayo—“Iniiwasan mo ba ako, Gale?”“H-ha?” ganoon na lamang ang malalim niyang paglunok kasabay ng pagtalikod upang tiklupin ang kanyang mga damit at ilagay sa maleta.“You’re acting weird, Gale. May nagawa ba akong mali—”“Wala ‘no!” sagot niya kaagad dito kahit ang totoo’y iwas na iwas siya sa asawa. “Magligpit ka na ng gamit mo—”“Iiwasan mo nga na naman ako?”Ganoon na lamang ang gulat niya dahil sa pagkakataong iyon ay nahigit na ng asawa niya ang kamay papalapit dito. Dahil sa pagkakahigit nitong iyon ay heto na naman ang pagkakalapit nila ni Lucian na pilit niyang iniiwasan dahil sa pamilyar na pakiramdam na ito lamang ang nakakapagbibigay. Habang nakalapat ang kamay niya sa dibdib nito ay dama niyang muli ang mabilis na tibok ng puso ng asawa. Hindi niya tuloy maiwasan na huwag maibaling ang tingin dito. Ngunit maling-mali na ibinaling niya ang tingin dito. Heto kase ngayon at nasa kanyang mga mata ang
ANG PLANO NI Sunset ay maaga siyang magigising upang makapaghanda sa paglilibot nila ng isla ngunit hindi niya inaasahan na mauuna pang magising sa kanya ang asawa at ito ang maghahanda sa kanya ng kanilang almusal.Sa paglabas niya ng kwarto, ang likod nito ang una niyang nakita. Naka-shorts lamang ang asawa, suot nito ang apron na itim habang kumakanta pa sa kusina.Hindi siya kaagad nagparamdam sa asawa. Maingat at dahan-dahan na umupo lamang si Sunset sa pinakamalapit na upuan sa tapat nito upang pagmasdan doon si Lucian. Nakontento siya na pinapanood lamang ito nang walang ginagawa na kahit ano.Si Lucian kumakanta? Kahit siya ay nagulat sa bagong nadiskubre sa asawa dahil maganda pala ang boses nito. Hindi niya alam na may ganoong talento pala ang asawa. Ang natatandaan niya lamang kase ay ang parating galit na boses nito.“Pssst.”Ganoon na lamang ang matinding gulat nito nang makita siya na matagal ang pagkakatitig sa asawa.“Kanina ka pa gising?” tanong nito na dali-daling in
“SAAN MO NA naman ba ako dadalhin?” natatawang tanong ni Sunset sa kanyang asawa.“Just follow me, Love…”“Ano pa bang magagawa ko? Hindi mo naman sinasagot ang tanong ko—”“Shhh…”Natawa na naman siyang muli nang makulitan na ito sa kanya. Paano’y hindi niya tinitigilan sa pangungulit si Lucian. Nag-eenjoy siya na gawin ang mga bagay na ikinakatakot parating gawin dati sa asawa dahil sa pag-aalalang magagalit ito sa kanya. “Lucian…”Mas naging tahimik ang boses niya nang tanggaling nito ang earphone na ikinabit kanina ng asawa sa kanyang taynga. Ngayon tuloy ay dinig na dinig niya na ang paghampas ng alon sa dalampasigan.Kahit na nakapiring ang kanyang mga mata, sigurado siyang nasa dagat sila.“W-what is this…”Ganoon na lamang din ang gulat niya nang dahan-dahang tanggalin ng asawa niya ang sandals sa kanyang paa dahilan upang maiwan siyang nakayapak. Ikinagulat niya pa ang malamig tubig mula sa pagtama ng alon sa kanyang paa. Dahan-dahan, habang iginagaya siya ng asawa, lalo si