“YOU’RE WASTED, DUDE!” iyon ang naging bungad ni Jigs nang pumasok ito sa opisina niya. “Nakikita mo na ba ang karma mo?” Nabaling ang tingin ni Lucian sa kanyang kaibigan. Masama ang naging pagtitig niya kaya ganoon na lamang ang pagtataas nito ng kamay na para bang sumusuko na kaagad sa usapang maaari pang lumaki.“Anong nangyari?” tanong nito sa kanya matapos na umupo sa sofa na katapat ng mesa niya sa kanyang opisina. “Hulaan ko, tungkol na naman ito kay Sunset? Kase kung ang pinsan ko ang dahilan, hindi ka magkakaganyan.”Sumandal si Lucian mula sa kanyang kinauupuan kasabay ng pagpisil sa nananakit niyang sentido. Paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan ang nangyari sa pagitan nila ng asawa. Kung paano siya ipagtabuyan nito nang punong-puno ng galit.“Sinabi ko na kaseng huwag mong ituloy ang mga binabalak mo. Tapos ngayon magsisisi ka?” Pumalatak ito. “Masyado kaseng malakas ang tiwala mo sa sarili mo na hindi ka niya pakakawalan. Ngayong natikman mo na ang sarili mong laso
“DO YOU THINK it will work?” tanong ni Sunset sa secretary niya na nasa pabrika pa rin at kausap niya lamang sa cellphone. “Aabot kaya tayo sa opening?” “Yes, Ms. Sunset. Aabot tayo kung magkakaroon ng overtime ang mga empleyado.”Hindi kaagad sumagot si Sunset. Bakas ang malalim na pag-iisip sa kanya.“Okay. Ganito na lang, Liezel. Ask them if they want to have overtime. Ang mga ayaw, huwag mo silang pilitin. By hour ang magiging bayad natin sa mga magtatrabaho nang lagpas na sa oras.”“Copy, Ms. Sunset,” sambit nito. “For my second concern, dumating na po ang mga bagong makina na kinuha niyo. Sa ngayon, ina-assemble na po ang mga iyon dito. Dahil bagong model, kailangan po ng training ng mga tauhan natin.”“Then, make a one day allotment,” sagot niya rito bago ilipat sa kabilang bahagi ang cellphone. “Ituro sa kanila ang mga dapat nilang malaman. May tiwala akong matutunan nila ang mga iyan dahil alam naman nila ang basic.”“About sa ingredients na mga tinapay—”“Don’t worry,” sagot
WALANG HUMIHINGI NG tawad sa mga pasakit na ginawa sa kanya. Kahit ang ina ni Eveth na gumawa ng kwento para lamang magmukha siyang masama ay nagmamalaking pang umalis sa kwarto niya sa kabila ng ginawa nitong palabas. Si Lucian? Bigla na lamang ang pagtatangkang paghawak sa kanya para ipaliwanag ang nangyayari ngunit tinabig niya lamang ang kamay nito. Simula’t sapol, ito ang dahilan ng mga pasakit na pinagdadaanan niya sa buhay. Kasalanan nito kung bakit nasa sitwasyon niya na kailangan niyang patunayan ang sarili niya at hindi lamang siya asawa ng isang makapangyarihang Seville.Patutunayan niya sa lahat. Lalong-lalo na sa kanyang sarili na magtatagumpay siya. Kailangan niya lamang maniwala na kaya niya. Siya lang din naman ang makakatulong sa sarili niya. Wala ng iba pa.Bahagya ang pagkagulat sa mukha ni Sunset nang biglaan na lamang ang pagluhod sa harapan niya ng babaeng inakala niyang trabahante sa pabrika. Paulit-ulit ang paghingi nito ng tawad sa kanya habang lumuluha nang
HINDI ALAM NI Sunset ang gagawin nang simulan silang kuyugin ng media na naroon sa lugar. Bawat kislap ng camera, takot ang namamayani sa kanya. Hindi niya alam kung paano itatago ang sarili nang mga sandaling iyon. Ganoon katindi ang pangamba niya na muling maulit ang aksidente na naging dahilan para manatili siya nang matagal sa hospital. Marami siyang dapat gawin. Napakarami ng dapat niyang ayusin sa pabrika at hindi parte ng mga iyon ay ang pagharap sa nagkikislapang camera. Ipinag-aalala niya rin na maugnay ang pangalan niya kay Vincent at sabihin ng mga tagahanga nito na ginagamit niya ang pangalan ng binata. Pangarap niyang may mapagtagumpayan nang hindi nakakabit ang pangalan ng kahit na sino sa kanya. “Nabalitaan namin na dati mong naging nobya ang babae, totoo ba, Vincent?” “Bakit kailangang itago ang mukha niya? Malaking tyansa na makilala rin siya.” “Siya ba ang dahilan kung binalikan mo ang pangarap mo?” “Isang pasilay naman sa mukha niya!” Iyon ang mga katagang
“JARREN, NASAAN ANG Tiya Lorna?” iyon kaagad ang tanong ni Sunset nang makauwi ng bahay nila mula sa pabrika. “Anong oras na. Hindi naman nagpapagabi iyon nang husto.”“Nagtataka rin po ako, Ate. Hindi naman po nagpapagabi si nanay ng ganito. Hindi niyon hahayaan na magutom ang bulate ko sa tyan!”Bahagya siyang natawa ngunit balot naman ang isipan niya ng pag-aalala. Kaagad ang naging pagpunta niya ng kusina para magsaing. Ipinainit niya na lamang din ang natirang ulam nila sa ref habang hinihintay pa rin ang pagdating ng tiyahin niya. Nang lumipas ang isang oras na wala pa rin ito, isang desisyon na ang ginawa niya. “Jarren, mauna ka ng kumain ha? Nailagay ko na ang rice cooker sa mesa. Pati ang ulam na ininit ko. Hahanapin ko lang ang Tyang Lorna.”“Sige po, Ate. Uwi kayo kaagad ha?”Tango lamang ang naging sagot niya habang makailang ulit muling tinawagan ang cellphone ng tyahin niya. Nagri-ring ang cellphone nito ngunit walang sumasagot kaya lalo siyang binalot ng pag-aalala.A
NAIINIS SI LUCIAN sa kanyang sarili. Hindi siya nakapagsalita nang kailanganin niya ang kanyang bibig habang kinakausap siya ng asawa. Nararapat na humingi siya ng tawad kay Sunset at isa pang pagkakataon para maayos ang gusot sa buhay nila.Pinagsisihan niya ang nagawa. Kung maaari lang, kung pwede niya lang ibalik ang oras kung saan kaya niyang ipakita rito ang nararamdaman at dahilan kung bakit siya nagkakaganito ay baka maintindihan siya nito. Hindi rin malabo na bigyan siya ng pangalawang pagkakataon ni Sunset.Kung pinakitaan niya rin ito ng kahit isang kabutihan, maaaring lumakas ang loob niya na pakiharapan ang asawa nang taas ang noo at walang kahit na anong pangamba. Ngunit kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, alam niya sa sarili na siya ang nagkasala. Wala siyang karapatan na magdemand ng kahit na ano kay Sunset.Kahit na ganoon pa man, lakas-loob na nagtungo ng pabrika si Lucian para puntahan si Sunset. Ngunit ang kaninang binubuo niyang pag-asa, unti-unting nasisira na
“AYOS LANG HO ba kayo?” nag-aalalang tanong ni Sunset nang makarating sa bahay ng dalawang matandang Seville.“O, Apo!” nakangiting bati sa kanya ng lola ni Lucian.“Pinapunta mo rito si Sunset, Gloria?” heto na naman at maririnig sa tinig ni Facundo ang pagiging istrikto. “Sinabi ko ng magiging mabuti ang kalagayan ko. Bakit kailangan mo pang abalahin ang bata?”“Ayos lang po, Abuelo,” nakangiting sambit ni Sunset bago magmano sa dalawang matanda. “At saka, na-miss ko na rin ho kayong dalawa. Matagal-tagal na rin ang huli kong pagbisita.”“Sinabi na sa ‘yo, Facundo.” Umiiling na sambit ng maybahay na si Gloria. “Hindi ko naman pinilit ang bata.”Nahihiyang ngumiti na lamang si Sunset nang makita na nagtatalo ang dalawa dahil sa kanya. Kung may isa man siyang dahilan para hindi kainin nang tuluyan ng galit dahil kay Lucian, masasabi niyang ang dalawang matanda na iyon. Hindi niya makakaila na ang pagmamahal ng mga ito sa kanya ang dahilan kung bakit hindi masyadong naging miserable a
GUSTONG SAMPALIN NI Sunset ang sarili niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa tagumpay na natatamasa ng panaderya na pinaghirapan nilang maitayo at maiayos hanggang sa matapos. Hindi lamang siya ang nagpakahirap doon. Kasama sa tagumpay na iyon ang dugo't pawis ng mga empleyado na patuloy na nagtitiwala sa kanya.Sa dinami-rami ng kanyang pinagdaanan, labis ang pasasalamat niya sa sarili dahil hindi siya sumuko. Inilaban niya ang paniniwala niya na magagawa niya ang pangarap basta magtiwala lamang siya. Kaya ganoon na lamang ang pagtapik niya sa sarili. “Congrats self…” sambit niya pa habang nakatingin pa rin sa kabuuan ng lugar.Dahil iisang branch pa lamang ulit ng Martina’s Bakeshop ang binuksan, karamihan ng mga ibinebenta nilang produkto ay sa online. Wala siyang kahit na anong ekspektasyon nang magsimula ngunit hindi niya akalain na magiging patok iyon sa customer at ngayon ay halos pa-sold out na ang dalawang araw na preperasyon ng mga ginawa nilang tinapay.“
MATAGAL NA NAKATINGIN sa mga mata ni Lucian si Sunset. Hindi niya rin napigilan ang sarili at hinawakan ng dalawang kamay ang magkabilang bahagi ng pisngi ng asawa. Narito talaga ito. Hindi niya guni-guni ang nakikita niya. Ang asawa niya na inakala niyang walang pakialam sa kanya ay narito ngayon at hindi alintana ang panganib na maaari nitong kaharapin.“A-anong ginagawa mo rito, Lucian?” hindi na naitago ang matinding pag-aalala sa mukha ni Sunset. “Delikado! Bakit ka pa nagpunta—”“I can't pretend if you are in a situation like this,” sabi nito sa kanya na siya namang humawak sa kanyang pisngi gamit ang isang kamay. “Are you okay? May ginawa ba sa ‘yo ang mga kumuha sa ‘yo?”Mabilis ang naging pag-iling niya. “Paano mo nalamang nandito ako?”“Tama na iyang kwentuhan!” galit na turan ng isa sa mga dumukot sa kanya. “Naiingayan na ako sa inyo,” sabi pa nito habang ginagalaw-galaw ang taynga. Makikita ang pagpapalit ng ekspresyon sa asawa niya nang ibaling nito ang tingin sa mga du
PATULOY LAMANG ANG pagtakbo niya. Hindi nagawang huminto ni Sunset sa takot na maabutan siya ng mga taong kumuha sa kanya. Hindi malabo na ngayon ay alam na nilang nawawala siya. Hindi siya maaaring bumalik sa lugar na iyon. Hindi niya bibigyan ng kahit na anong dahilan ang mga kriminal para maging masaya sa pagpapakasakit sa kanya.Kailangan niyang makalayo. Hindi siya titigil sa pagtakbo hanggang hindi niya nalalaman na ligtas na siya. Babalik siya sa pamilya niya nang buo. Hindi niya bibigyan ng kahit na anong dahilan para umiyak ang Tyang Lorna niya. “Aray…” mahina niyang pagdaing nang tumama na naman ang paa niya sa talahiban. Dahil may mga parte doon na matulis, hindi malabo na marami na siyang sugat ngayon. Ngunit wala siyang pakialam. Kung hihinto siya sa pagtakbo ngayon, hindi malabo na hindi lang ito ang abutin niya. Hindi niya alam kung saan pa nanggagaling ang lakas niya. Kahit ang tapang na hindi niya alam kung saan pa hinuhugot. Maging ang pag-iyak na pinipigil niyang
“SINO ‘TO SINABING sino ‘to?” galit na galit na sambit ni Lucian habang kausap ang nasa kabilang linya. “Sinabing sino ito?!”Sa pagkakataong iyon, tinapik na siya ni Cole sa balikat. Umiling ito at senenyasan siya na hayaan ang kausap na pahabain pa ang magiging usapan nila kahit tatlong minuto. Sa ganoong paraan lamang nila malalaman ang lokasyon nito.Gagawin nito ang makakaya upang mahanap kaagad ang lokasyon ng kausap.“Anong kailangan mo? Pera ba? Magkano?” nakakuyom na ang kamao niya. Doon inilalagay ang lahat ng galit upang hindi makagawa ng desisyon na magpapalala ng sitwasyon nila.“Naririnig mo ba ang sinabi ko, hawak namin ang asawa mo. Pupunta ka sa lugar na ito sa sinabi ko sa takdang araw—”Ganoon na lamang ang malakas na pagtawa ni Lucian na kahit ang mga malapit sa kanya ay nararamdaman ang pang-iinsulto sa boses niya.“Don’t fvcking dare to touch my wife. You wouldn’t like it.”“Hawak namin ang asawa mo pero nagawa mong pagbantaan kami?” Tumatawang tanong nito.“Ang l
LAHAT NG PARAAN para makabawi kay Sunset ay ginawa na ni Lucian. Masyado na siyang nauubusan ng pagpipilian upang muling makuha ang loob ng asawa. Wala na itong tiwala sa kanya. Hindi na ito naapektuhan sa mga ginagawa niya. Nasaktan siya nang ignorahin nito matapos niyang ipagluto ng ilang putahe si Sunset. Napakaraming pagkaing inihain niya ngunit pinili pa nito ang instant noodles. Sa kaiiwas nito sa kanya, napaso pa ang asawa niya. Upang magkaroon ito ng pagkakataon na kumain nang araw na iyon, maaga siyang umalis ng bahay matapos na makabili ng ointment para sa paso nito at makapagluto ng almusal.Kahit mahirap para sa kanya, ginagawa niya ang makakaya upang maibigay ang nararapat dito kahit pa ang ibig sabihin niyon ay maging malayo siya rito.“Ganoon na iyon? Susuko ka na lang nang basta-basta?” tanong ng kaibigan niyang si Jigs. “Ang hindi ko kase sa ‘yo maintindihan, hindi mo naman pala mahal ang pinsan ko—hindi mo naman pala mahal si Eveth pero ganyan ang naging trato mo.”
BALOT NG MATINDING katahimikan si Sunset. Hindi siya gumagawa ng kahit na anong ingay habang pilit na tinatanggal ang tali sa kanyang mga kamay. Hindi siya papayag na magtagal sa lugar na ito. Hindi niya pwedeng pag-alalahanin ang tiya niya na maaaring naghihintay na naman sa pag-uwi niya.Ano bang akala ng mga ito? Na pupuntahan siya ni Lucian? Hindi siya ganoon kamahal ng asawa para magbuwis ito ng buhay para sa kanya. Sigurado siya sa bagay na iyon. Hindi siya si Eveth na sa isang tawag pa lamang ay nagkukumahog na kaagad ang asawa niya.“Mali kayo ng nakuhang babae,” kalmado niyang sambit. “Sa tingin niyo sasayangin niya ang buhay niya para sa akin? Hindi iyon mangyayari!” Kung may isang bagay siya na nasisigurado nang mga sandaling iyon, iyon ang nasa liblib siyang lugar. Malayo sa lugar na maraming tao at malapit sa kalikasan. Naririnig niya pa ang kuliglig sa kanyang pwesto. Indikasyon na gabi na.Hindi siya makakita at tanging pandinig lamang ang ginagamit upang malaman ang m
SIGURADO SIYA. HINDI niya pinayagan ang asawa niya na matulog sa bahay nila. Ngunit mukhang nakakalimot na ito sa tamang uuwian dahil ilang araw ng narito sa kanila at parati siyang pinaghahandaan ng pagkain na hindi niya naman tinitikman.Tila isang hangin din sa kanya si Lucian. Kahit kinakausap siya nito ay hindi nya pinagtutuunan ng panahon na kibuin. Katulad ng sinabi niya, seryoso siya nang sabihing makikipaghiwalay na siya rito.Iyon ang kagusuthan nito kaya hindi niya maintindihan kung bakit ito naman ang pilit na pumapasok sa mundo niya matapos na makaalis.“Gale, nagluto na ako ng hapunan—”“Pakisabi na lang ho na nakakain na ako, Tyang,” walang ganang sambit ni Sunset. “Sa susunod, huwag na siyang mag-aksaya ng panahon na asikasuhin pa ako dahil masasayang lang ang mga pinagpaguran niya.”“Gale…”“At huwag niya kamo ako tatawagin sa pangalan na iyan na parang malapit kami sa isa’t isa. Tapos na ang koneksyon namin magsimula nang piliin niyang tapusin ang relasyon namin,” ma
“OMG! OH MY gosh, Ms. Sunset!” tuwang-tuwang nagtatalon ang kanyang sekretarya na papalapit sa kanya.Sapo naman ni Sunset ang kanyang dibdib sa gulat dahil sa biglaan nitong pagtatalon-talon at pagsulpot. Nawala rin siya sa pagtitipa sa isang business proposal na kailangan niyang tapusin.“Bakit ba napakaingay mo, Liezel?” natatawa niyang tanong dito. “Ano bang nangyayari? Talo mo pa ang bulate na naasinan!”Sa pagkakataong iyon, pilit namang kumakalma si Liezel ngunit makikita ang matinding pamumula ng mukha nito dahil sa pinipigilang excitement. “Ano ba iyon? Pwede mo ng sabihin sa akin—”“Our investor, Ms. Sunset!”“Oh? Anong mayroon sa investor natin?”“They found someone na ready na punduhan ang ipapatayo nating branch abroad. Even our company? Ready sila na gastusan! Ma’am, ito ang magiging pinakamalaking pagawaan ng goods! Ang simple lamang na dati nating pabrika, magpapatayo ng pinakamalaking branch sa ibang bansa.”“W-what?!” bakas din ang matinding gulat ni Sunset. “But I
HINDI MAWALA ANG ngiti ni Lucian nang maalala ang insidente sa bahay ng kanyang lolo. Kung paano mamula ang asawa niya dahil lamang sa simpleng pag-uusap nila. Ganoon lamang ay matindi na ito kung maapektuhan kaya hindi niya lubos maisip kung anong nararamdaman nito nang sabihin niyang makikipaghiwalay siya nang unang beses na may mangyari sa kanila. Hindi imposibleng hindi nasaktan ang asawa niya. “Ngumiti siya…” ganoon ang reaksyon ni Sunset.Ngunit hindi malabo na hindi ito nasasaktan sa kabila ng ngiti na ipinakita.“Napakagag0 mo, Lucian,” huminga siya nang malalim. “Ilang beses mo pang sasaktan ang asawa mo?”Kung may isang bagay siyang ituturing na pinakamahal sa mundo, iyon na ng ngiti ng asawa niya. Iyon ang pinapangarap niyang makita na hindi niya kayang bilhin kahit bayaran niya pa ng pinakamalaking halaga.Kailangan niyang maitama ang lahat ng pagkakamali niya. Sa ganoong paaran lamang siya makakabawi sa kanyang asawa. Upang mangyari iyon, kailangan niyang simulan ang pag
“HOW ARE YOU, Hija? Bakit ngayon ka lang napadalaw rito sa bahay?”“Ayos naman ho, Abuela. Naging abala lang po sa negosyo.”“Nabalitaan ko nga. In short amount of time ilang branch na ang naipakalat niyo sa bansa. Hindi lang iyon. Nabalitaan ko rin na you are transporting your goods outside of the country?”“Yes, Abuelo. Until now hindi pa rin po ako makapaniwala sa mga na-achieve naming achievement together with my team.”“I really like how you handle your work, Sunset,” sabi ng abuela niya nang maupo sila. “Di ba? Hindi niya lang inaangkin ang mga credits. Kasama rin sa achievements ang mga tauhan niya.”“Kasusyo ko na po sa negosyo si Sunset, Abuela,” sabi ni Lumi nang maglagay ng mga pagkain sa hapag. “You’re so hardworking, Hija,” sabi ng abuelo niya. “Bakit hindi mo sinubukang magtrabaho sa kumpanya dati?”Bahagyang natawa sa Sunset. “Wala naman po akong alam sa office work, Abuelo.”“Pero how come na ganyan ka na katagumpay.”“Siguro po dahil I understand my products, Abuelo.