ABOT-ABOT ANG KABA na nadarama ni Sunset nang mga sandaling iyon. Habol niya ang paghinga habang nakatingin sa pagtulo ng dugo ni Eveth sa sahig. Napakabilis naman ng pag-agapay ni Lucian at kaagad na dinaluhan ang dalaga. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala habang hindi alam kung paano aasikasuhin si Eveth. Paulit-ulit ang naging pagwag nito sa ibang staff ng restaurant ngunit wala pa ring muling dumadalo.Nang mga sandaling iyon, saka lamang natauhan si Sunset at dali-dali ang pagtawag ng ambulansya. Ang panyo na nakita niya sa lamesa ay kaagad niya ring ibinigay kay Lucian upang magamit iyong pangpaampat sa sugat nito. “Yes!” malakas na bulalas ni Sunset. “Paki bilisan, delikado ang lagay niya!” Hindi dapat siya nasasaktan sa nakikitang tanawin lalo pa’t alam niya sa sarili na hindi naman siya ang totoong mahal ng asawa. Ngunit, bakit dama niya ang kakaibang pagguhit ng kirot sa kanyang dibdib habang nakikita ang dalawa na nakatingin sa mata ng isa’t isa?Kailanman ay hi
HINDI NAGAWANG MAKATULOG ni Sunset nang gabing iyon. Masyado siyang kinain ng matinding pag-aalala at kaba matapos na isugod ang ama sa hospital. Marami ring tanong ang naglalaro sa kanyang isipan na hindi niya mabigyang kasagutan sa kabila ng mahabang niyang pagkakatunganga. Tila ba’y parati siyang humihinto sa isang tanong upang magkaroon muli ng panibagong tanong.Aaminin niya, natatakot din siyang matulog. Pakiramdam niya, sa oras na gawin niya iyon ay hindi niya na muling makikita pa ang pinakamamahal niyang ama. Idagdag pa sa isipin na wala ang kanyang tiyahin. Kailangan nitong umuwi upang ayusin ang mga dapat gawin sa kanilang bahay. Kailangan din nitong kumuha ng ilang pirasong damit dahil hindi ito nakapagdala matapos ng matinding pagkataranta kanina.Mga bandang alas-sais na ito ng umaga nakarating kaya naman ang tulog niya ay isang oras lamang. Nagpalit lamang siya ng damit at naghilamos bago siya lumabas ng hospital. Sa kanyang paglabas, hindi niya inaasahan na makikita
HINDI NIYA ALAM na darating ang araw na matatakot siya sa dugo. Ganoon ang pakiramdam ni Sunset nang bumaon sa kanyang braso ang matulis na bagay na nakausli sa bakal na isa sa mga ginagawa pa ng mga mekaniko. Dama niya rin ang pagkapwersa ng kamay niya na siguradong may nabali sa loob.Gusto niyang tingnan ang mga empleyado na maaari ring nagulat sa nangyari. Sa kabila ng maraming dugo at pananakit ng kanyang kamay, ang mga tauhan pa rin ang nasa isipan ni Sunset kaya naman ganoon na lamang ang pagkabahala niya nang unti-unting magdilim ang kanyang paningin. Hindi lamang iyon dahil sa pagkahilo kung hindi maging sa kaba na rin na kanyang nadarama. Pinilit niya pang tumayo upang makaalis ang empleyado na kanyang nadaganan ngunit alam niya sa sarili na anumang oras ay mawawalan na siya ng malay. Bago pa man mangyari iyon, hindi niya alam kung anong lakas ng loob ang pumasok sa kanyang isipan upang sabihan pa ang mga ito na huwag mag-alala dahil ayos lang siya. Iyon ang kanyang sinabi
“WE HAVE AN update to your informant, Mr. Seville,” sambit ng secretary ni Lucian nang pumasok ito ng opisina. “What did he say?” tanong niya naman matapos na isarado ang papeles na kanina pa binabasa. Mas interesado siyang pakinggan ang mga sasabihin nito patungkol sa taong gumawa ng kawalang-hiyaan sa kanyang asawa. “Hindi siya parte ng kahit na anong bahagi ng pabrika. Sa madaling salita, hindi siya empleyado roon. Isa siya sa mga tagahanga ni Vincent Olivarez na artista at dating kasintahan ni Ms. Seville.” Lihim na naikuyom ni Lucian ang kanyang kamao sa ilalim ng lamesa. Lalong uminit ang ulo niya nang sabihin nito ang impormasyong ‘dating kasintahan’. Hindi niya matanggap na mayroong tao na maaaring kapitan ang asawa niya sa oras na bumitaw ito at magsawa sa kanya. Nang titigan niya ang secretary niya, makikita ang pagtalim ng mga mata ni Lucian. “Alam mo na ang gagawin sa kanya,” sambit niya rito. “I’ll give you an hour, Ronald. Tell me when everything’s ready.” Ipinag
“H-HUMIHINGI AKO NG tawad sa mga nagawa ko, Ms. Seville!” nakayukong sabi ng babae na biglaan na lang ang pagbisita sa kwartong tinutuluyan ni Sunset sa hospital. “Kahit ano pa ang irason ko, alam kong mali ang nagawa ko sa oras na makapanakit ako. P-patawad ho!”Bakas ang gulat sa mukha ni Sunset habang nakatingin sa babae na isa sa mga nakita niya sa pabrikang pinapatakbo.“Aksidente ang nangyari. Kaya ayos lang—”“Hindi po aksidente!” mabilis na sambit nito na naging dahilan upang maiwan sa ere ang salitang sasabihin niya. “Itinulak kita nang araw na iyon dala ng matinding galit at selos—hindi ko sinasadya na ganoon ang nangyari! Hindi ko alam na may nakausling matulis roon na magiging dahilan ng pagkasugat mo.”“Nagseselos ka sa akin?” gulat pa ring tanong ni Sunset dahil hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito.“Isa ako sa mga tagahanga ni Vincent Olivarez. Nalaman namin na may girlfriend na siya. hindi namin matanggap na naglihim siya! Sinabi sa amin na ikaw daw ang dahila
SI SUNSET LAMANG ang nakapagparamdam sa kanya ng ganoong uri ng pangamba. Hindi niya na kailangan pang kontrahin ang sarili na takot siyang mawala ang asawa kaya ganoon na lamang din ang pagdadalawang-isip niya na lumabas ng kwarto nito. Pakiramdam niya na sa oras na iwan niya ito ay wala na siyang babalikan. Titigil na ang asawa niya sa paulit-ulit na pag-intindi sa kanya. Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa seradura ng pinto. Gusto niyang bumalik sa tabi nito at hindi na umalis doon hanggang sa gumaling si Sunset. Ngunit hindi niya pwedeng gawin iyon. Masisira ang lahat ng pinaghirapan niya. Mawawalan ng saysay ang lahat ng sakit na pinagdaanan nila. Bago pa man siya atikihin ng kahinaan ng loob, matatag ang naging pagbukas niya ng pinto kasabay nang tila pagiging bingi sa mga binitawang salita ni Sunset.Madilim ang mukha ni Lucian habang naglalakad patungo sa kwarto ni Eveth. Ang hindi niya maintindihan, bakit ito na-overdose sa gamot kung kailan nataon na nahospital din si Su
“HINDI KA BA hihingi ng tawad sa akin?” Iyon ang bungad na tanong ni Eveth nang pasukin nito ang kwarto na tinutuluyan niya sa hospital. Gusto niyang tawanan ang babae at tawagin na hibang. Ngunit kahit yata ang pagtawa hindi niya magawa dahil wala siyang amor na kausapin ito.“Tinatanong kita! Hindi ka ba hihingi ng tawad sa akin?” ulit na naman nitong muli.Kinuha ni Sunset ang cellphone niya na tila hindi niya ito nakikita o naririnig man lamang. Tinawagan niya si Lumi na kaagad naman nitong sinagot.“Oh? Bakit napatawag ka?” bakas ang kasiyahan sa boses nito nang sagutin iyon. “Na-miss mo na naman ako, ‘no?”“Itatanong ko lang sana, Lumi,” sabi niya nang bahagyang binitin ang sasabihin.“Ano naman ‘yon?” “Naniniwala ka ba sa multo?”Maririnig ang pagtawa ni Lumi sa kabilang linya. “Bored ka na ba riyan sa hospital?” “Eh sa baliw?” tanong niyang muli rito.Ganoon na lamang ang pamumula ng mukha ni Eveth dahil sa binitawan niyang tanong.“Okay ka lang ba talaga?” naguguluhang tano
BAKAS ANG MATINDING galit kay Lucian nang mga sandaling nakatingin kay Sunset. Gusto niyang sumigaw upang mabawasan ang prustrasyon na nararamdaman niya. Ngunit hindi niya magawa. Iniiwasan niya na kahit takot ay maramdaman na rin nito dahil sa pagiging walanghiya niya. Nag-aalala siya.Bibitawan siya ng asawa…Hindi siya makapaniwala nang ganoon lang kadali rito na iwan siya…Umiling siya. Hindi iyon maaaring gawin sa kanya ni Sunset! Hindi siya makapapayag.Alam niya sa sarili na napakagago niya ngunit hindi kailanman tumatak sa kanyang isipan na ang inakalang niyang simpleng galit lamang at pagbabanta ni Sunset ay magiging totoo na. Pagkamuhi na iyon kung maituturing dahil handa na siyang isumpa nito para lamang hindi na muling makasama pa.Nasasaktan siya…Nagsisisi…Paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang maraming katanungan. Maraming paano na hindi mabigyang kasagutan dahil sa pagiging pipi niya na maipahayag ang nararamdaman.Paano kung sa simula pa lang ay pinakataan ni
GUSTONG SAMPALIN NI Sunset ang sarili niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa tagumpay na natatamasa ng panaderya na pinaghirapan nilang maitayo at maiayos hanggang sa matapos. Hindi lamang siya ang nagpakahirap doon. Kasama sa tagumpay na iyon ang dugo't pawis ng mga empleyado na patuloy na nagtitiwala sa kanya.Sa dinami-rami ng kanyang pinagdaanan, labis ang pasasalamat niya sa sarili dahil hindi siya sumuko. Inilaban niya ang paniniwala niya na magagawa niya ang pangarap basta magtiwala lamang siya. Kaya ganoon na lamang ang pagtapik niya sa sarili. “Congrats self…” sambit niya pa habang nakatingin pa rin sa kabuuan ng lugar.Dahil iisang branch pa lamang ulit ng Martina’s Bakeshop ang binuksan, karamihan ng mga ibinebenta nilang produkto ay sa online. Wala siyang kahit na anong ekspektasyon nang magsimula ngunit hindi niya akalain na magiging patok iyon sa customer at ngayon ay halos pa-sold out na ang dalawang araw na preperasyon ng mga ginawa nilang tinapay.“
“AYOS LANG HO ba kayo?” nag-aalalang tanong ni Sunset nang makarating sa bahay ng dalawang matandang Seville.“O, Apo!” nakangiting bati sa kanya ng lola ni Lucian.“Pinapunta mo rito si Sunset, Gloria?” heto na naman at maririnig sa tinig ni Facundo ang pagiging istrikto. “Sinabi ko ng magiging mabuti ang kalagayan ko. Bakit kailangan mo pang abalahin ang bata?”“Ayos lang po, Abuelo,” nakangiting sambit ni Sunset bago magmano sa dalawang matanda. “At saka, na-miss ko na rin ho kayong dalawa. Matagal-tagal na rin ang huli kong pagbisita.”“Sinabi na sa ‘yo, Facundo.” Umiiling na sambit ng maybahay na si Gloria. “Hindi ko naman pinilit ang bata.”Nahihiyang ngumiti na lamang si Sunset nang makita na nagtatalo ang dalawa dahil sa kanya. Kung may isa man siyang dahilan para hindi kainin nang tuluyan ng galit dahil kay Lucian, masasabi niyang ang dalawang matanda na iyon. Hindi niya makakaila na ang pagmamahal ng mga ito sa kanya ang dahilan kung bakit hindi masyadong naging miserable a
NAIINIS SI LUCIAN sa kanyang sarili. Hindi siya nakapagsalita nang kailanganin niya ang kanyang bibig habang kinakausap siya ng asawa. Nararapat na humingi siya ng tawad kay Sunset at isa pang pagkakataon para maayos ang gusot sa buhay nila.Pinagsisihan niya ang nagawa. Kung maaari lang, kung pwede niya lang ibalik ang oras kung saan kaya niyang ipakita rito ang nararamdaman at dahilan kung bakit siya nagkakaganito ay baka maintindihan siya nito. Hindi rin malabo na bigyan siya ng pangalawang pagkakataon ni Sunset.Kung pinakitaan niya rin ito ng kahit isang kabutihan, maaaring lumakas ang loob niya na pakiharapan ang asawa nang taas ang noo at walang kahit na anong pangamba. Ngunit kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, alam niya sa sarili na siya ang nagkasala. Wala siyang karapatan na magdemand ng kahit na ano kay Sunset.Kahit na ganoon pa man, lakas-loob na nagtungo ng pabrika si Lucian para puntahan si Sunset. Ngunit ang kaninang binubuo niyang pag-asa, unti-unting nasisira na
“JARREN, NASAAN ANG Tiya Lorna?” iyon kaagad ang tanong ni Sunset nang makauwi ng bahay nila mula sa pabrika. “Anong oras na. Hindi naman nagpapagabi iyon nang husto.”“Nagtataka rin po ako, Ate. Hindi naman po nagpapagabi si nanay ng ganito. Hindi niyon hahayaan na magutom ang bulate ko sa tyan!”Bahagya siyang natawa ngunit balot naman ang isipan niya ng pag-aalala. Kaagad ang naging pagpunta niya ng kusina para magsaing. Ipinainit niya na lamang din ang natirang ulam nila sa ref habang hinihintay pa rin ang pagdating ng tiyahin niya. Nang lumipas ang isang oras na wala pa rin ito, isang desisyon na ang ginawa niya. “Jarren, mauna ka ng kumain ha? Nailagay ko na ang rice cooker sa mesa. Pati ang ulam na ininit ko. Hahanapin ko lang ang Tyang Lorna.”“Sige po, Ate. Uwi kayo kaagad ha?”Tango lamang ang naging sagot niya habang makailang ulit muling tinawagan ang cellphone ng tyahin niya. Nagri-ring ang cellphone nito ngunit walang sumasagot kaya lalo siyang binalot ng pag-aalala.A
HINDI ALAM NI Sunset ang gagawin nang simulan silang kuyugin ng media na naroon sa lugar. Bawat kislap ng camera, takot ang namamayani sa kanya. Hindi niya alam kung paano itatago ang sarili nang mga sandaling iyon. Ganoon katindi ang pangamba niya na muling maulit ang aksidente na naging dahilan para manatili siya nang matagal sa hospital. Marami siyang dapat gawin. Napakarami ng dapat niyang ayusin sa pabrika at hindi parte ng mga iyon ay ang pagharap sa nagkikislapang camera. Ipinag-aalala niya rin na maugnay ang pangalan niya kay Vincent at sabihin ng mga tagahanga nito na ginagamit niya ang pangalan ng binata. Pangarap niyang may mapagtagumpayan nang hindi nakakabit ang pangalan ng kahit na sino sa kanya. “Nabalitaan namin na dati mong naging nobya ang babae, totoo ba, Vincent?” “Bakit kailangang itago ang mukha niya? Malaking tyansa na makilala rin siya.” “Siya ba ang dahilan kung binalikan mo ang pangarap mo?” “Isang pasilay naman sa mukha niya!” Iyon ang mga katagang
WALANG HUMIHINGI NG tawad sa mga pasakit na ginawa sa kanya. Kahit ang ina ni Eveth na gumawa ng kwento para lamang magmukha siyang masama ay nagmamalaking pang umalis sa kwarto niya sa kabila ng ginawa nitong palabas. Si Lucian? Bigla na lamang ang pagtatangkang paghawak sa kanya para ipaliwanag ang nangyayari ngunit tinabig niya lamang ang kamay nito. Simula’t sapol, ito ang dahilan ng mga pasakit na pinagdadaanan niya sa buhay. Kasalanan nito kung bakit nasa sitwasyon niya na kailangan niyang patunayan ang sarili niya at hindi lamang siya asawa ng isang makapangyarihang Seville.Patutunayan niya sa lahat. Lalong-lalo na sa kanyang sarili na magtatagumpay siya. Kailangan niya lamang maniwala na kaya niya. Siya lang din naman ang makakatulong sa sarili niya. Wala ng iba pa.Bahagya ang pagkagulat sa mukha ni Sunset nang biglaan na lamang ang pagluhod sa harapan niya ng babaeng inakala niyang trabahante sa pabrika. Paulit-ulit ang paghingi nito ng tawad sa kanya habang lumuluha nang
“DO YOU THINK it will work?” tanong ni Sunset sa secretary niya na nasa pabrika pa rin at kausap niya lamang sa cellphone. “Aabot kaya tayo sa opening?” “Yes, Ms. Sunset. Aabot tayo kung magkakaroon ng overtime ang mga empleyado.”Hindi kaagad sumagot si Sunset. Bakas ang malalim na pag-iisip sa kanya.“Okay. Ganito na lang, Liezel. Ask them if they want to have overtime. Ang mga ayaw, huwag mo silang pilitin. By hour ang magiging bayad natin sa mga magtatrabaho nang lagpas na sa oras.”“Copy, Ms. Sunset,” sambit nito. “For my second concern, dumating na po ang mga bagong makina na kinuha niyo. Sa ngayon, ina-assemble na po ang mga iyon dito. Dahil bagong model, kailangan po ng training ng mga tauhan natin.”“Then, make a one day allotment,” sagot niya rito bago ilipat sa kabilang bahagi ang cellphone. “Ituro sa kanila ang mga dapat nilang malaman. May tiwala akong matutunan nila ang mga iyan dahil alam naman nila ang basic.”“About sa ingredients na mga tinapay—”“Don’t worry,” sagot
“YOU’RE WASTED, DUDE!” iyon ang naging bungad ni Jigs nang pumasok ito sa opisina niya. “Nakikita mo na ba ang karma mo?” Nabaling ang tingin ni Lucian sa kanyang kaibigan. Masama ang naging pagtitig niya kaya ganoon na lamang ang pagtataas nito ng kamay na para bang sumusuko na kaagad sa usapang maaari pang lumaki.“Anong nangyari?” tanong nito sa kanya matapos na umupo sa sofa na katapat ng mesa niya sa kanyang opisina. “Hulaan ko, tungkol na naman ito kay Sunset? Kase kung ang pinsan ko ang dahilan, hindi ka magkakaganyan.”Sumandal si Lucian mula sa kanyang kinauupuan kasabay ng pagpisil sa nananakit niyang sentido. Paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan ang nangyari sa pagitan nila ng asawa. Kung paano siya ipagtabuyan nito nang punong-puno ng galit.“Sinabi ko na kaseng huwag mong ituloy ang mga binabalak mo. Tapos ngayon magsisisi ka?” Pumalatak ito. “Masyado kaseng malakas ang tiwala mo sa sarili mo na hindi ka niya pakakawalan. Ngayong natikman mo na ang sarili mong laso
BAKAS ANG MATINDING galit kay Lucian nang mga sandaling nakatingin kay Sunset. Gusto niyang sumigaw upang mabawasan ang prustrasyon na nararamdaman niya. Ngunit hindi niya magawa. Iniiwasan niya na kahit takot ay maramdaman na rin nito dahil sa pagiging walanghiya niya. Nag-aalala siya.Bibitawan siya ng asawa…Hindi siya makapaniwala nang ganoon lang kadali rito na iwan siya…Umiling siya. Hindi iyon maaaring gawin sa kanya ni Sunset! Hindi siya makapapayag.Alam niya sa sarili na napakagago niya ngunit hindi kailanman tumatak sa kanyang isipan na ang inakalang niyang simpleng galit lamang at pagbabanta ni Sunset ay magiging totoo na. Pagkamuhi na iyon kung maituturing dahil handa na siyang isumpa nito para lamang hindi na muling makasama pa.Nasasaktan siya…Nagsisisi…Paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang maraming katanungan. Maraming paano na hindi mabigyang kasagutan dahil sa pagiging pipi niya na maipahayag ang nararamdaman.Paano kung sa simula pa lang ay pinakataan ni