Labing-dalawang taong gulang si Dhanna Devino nang maulila siya sa ina. Hindi nito nakayanan nang iwanan sila ng kaniyang ama kaya naging malungkutin hanggang sa ang ina na niya mismo ang bumawi sa sariling buhay. Kaya ipinangako niya sa sarili na balang araw pagbabayarin ang mga taong sumira sa kanilang pamilya. Inakit niya ang asawa ng kapatid niya sa ama upang maipadama dito ang sakit at paghihirap na pinagdaanan niya. Ngunit hindi niya alam na ang mundong pinasok niya ay magdudulot pala sa kaniya ng mas matinding problema. Magagawa pa kaya niyang makawala sa sitwasyong siya mismo ang gumawa?
view more“Ahh . . .” Umalpas ang mahabang daing sa bibig ko matapos kong manginig at makaramdam ng nakakikilabot na sarap. Hapong-hapo ako at sobrang init ng pakiramdam ko. May umagos na mainit-init at malapot na likido sa gitnang bahagi ng aking katawan kaya kahit antok na antok pa ay bigla kong naidilat ang mga mata. Muntik pa akong mapasigaw nang sa pagdilat ng mga mata ko ay mabungaran ko ang mukha ni Karl na sobrang lapit sa akin. “Karl! Akala ko bukas pa ang uwi mo? Bakit nandito ka na?” magkasunod na tanong ko.Agad na nanuot sa ilong ko ang mabangong hininga niya pati na din ang shower gel na ginamit. Hindi ko man lang naramdaman ang pagdating niya, nakapagpalit na siya ng damit at nakaligo. Tumutulo pa ang tubig sa buhok niya pababa sa kaniyang leeg. Tanging tuwalya lang ang tumatabing sa ibabang bahagi ng katawan niya. Napaiwas ako ng tingin nang dumako ang mga mata ko sa bagay na natatakpan ng tuwalya. Halatang-halata ang pamumukol ng kaniyang alaga. Tumaas ang sulok ng labi niy
Hihiga na sana akong muli sa kama pagkatapos naming mag-usap ni Karl ngunit nakarinig ako ng mahihinang katok. Bumangon ako at tinungo ang pinto. Bumungad sa akin si Christan na malapad ang pagkakangiti. Bahagya niyang iwinagayway ang isang kamay pagkakita sa akin. “Hi, Misis Martinez!” bati niya sa akin habang nakabungisngis at kumakaway. Napairap ako. “Ano ang kailangan mo?” tanong ko sa pormal na tinig. “Magpapaalam na ’ko. Susundan ko ang aking minamahal. Ngayon niya ako higit na mas kailangan.” tugon niya. “Wala namang problema sa akin kahit saan ka pa magpunta. Basta huwag mo nang ibabalik si Diana dito sa pamamahay ni Karl,” matabang na sambit ko. “Talagang hindi na! Pinakawalan ko na tapos hahayaan ko pang bumalik sa kaniya.” Muli na namang tumikwas ang dulo ng labi niya. “Teka, huwag mong sabihing nahulog ka na din sa g*gong ’yon? Ikaw ah...” nanunukso niyang sambit. Itinaas-babs niya ang mga kilay at muling nagpakawala ng mapang-asar na ngiti. “Tsk! Tigilan mo ’ko! A
“Diana!” Sindak na sigaw ni Danny.Si Mariel naman ay muntikan nang mabuwal sa kaniyang kinatatayuan dahil sa nerbiyos kung hindi nga lang naagapang saluhin ni Nanay Karina. “Sa susunod na ipuputok ko ’to, siguradong may tatamaan na sa inyo. Kaya umalis na kayo habang nakakapagtimpi pa ako. Buhay ang nawala sa akin. At kapag nagdilim ang paningin ko ay baka buhay din ng isa sa inyo ang maging kabayaran.” Muli kong babala sa kanila. “D-Dan, tayo na. U-Umalis na tayo. Hindi puwedeng ma-stress ang anak natin dahil makakaapekto ’yan sa ipinagbubuntis niya,” nahihintakutang turan ni Mariel. “P-Patawarin mo sana ako sa naging kasalanan ko sa inyo ni Belen, anak. Hindi ko inaasahang hahantong ka sa ganito nang dahil sa kapabayaan ko,” nangilid ang mga luha at puno ng pagsisising turan ni Danny.Kapagkuwa’y nilapitan niya si Diana na namumutla at hindi na nakakilos sa kinatatayuan nito. “Halika na, anak. Umalis na tayo dito.” Tulala si Diana at tila wala sa sarili na nagpatianod sa pag-ak
“Ma’am Belle, nasa labas po ang mga magulang ng asawa ni Mister Martinez. Papapasukin po ba naman?” magalang na tanong ng isa sa dalawang bodyguards na itinalaga sa akin ni Karl. Sandali akong huminto sa pagbabasa ng nobela. Ipinatong ko sa hita ang maliit na libro at lumingon sa dalawang bodyguards na nakatayo sa may likuran ko. “Sige, papasukin mo sila.” Tumaas ang sulok ng labi ko at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa excitement. Dinampot ko ang libro. Muli kong ipinagpatuloy ang pagbabasa habang naghihintay sa kanila. Halos isang linggo nang pinababayaan ni Diana ang sarili niya. Ayon kay Lanie ay lagi daw walang ganang kumain. Minsan ay nakikita ko sa cellphone ni Karl kapag nagti-text o tumatawag siya pero hindi naman siya pinapansin. Pinapatayan lang siya ng tawag at binubura lang ang mga mensahe niya. “Siya ba? Siya ba ang walang hiyang kabit ng manugang ko?!”Maya-maya ay narinig kong sigaw ng isang tinig ng may edad na lalaki. Hindi ko na kailan
“Lanie, galit ka din ba sa ’kin?” tanong ko kay Lanie habang nagpapalit ng bedsheet ng kama sa isa sa mga guestroom sa second floor. Bahagya niya akong tinapunan ng tingin ngunit agad ding napayuko saka muling ibinaling ang atensiyon sa kaniyang ginagawa. “A-Ano po kasi, Ate–ay! M-Ma’am Belle pala..” nauutal na tugon niya. Huminto siya sa pagsasalita. Tumuwid siya ng tayo at huminga ng malalim bago muling tumingin sa akin. Dumaan ang disappointment sa mga mata niya ngunit agad ding napalitan ng lungkot. “Okay lang, huwag mo na akong tawaging Ma’am, ate na lang. Hindi naman ako ang nagpapasahod sa ’yo,” ani ko at tipid na ngumiti. “Sa totoo lang, hindi ko po alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Na-disappoint po ako sa ginawa mo. And at the same time po ay nalulungkot din. Alam kong may dahilan ka kung bakit mo ito ginagawa. Ramdam ko po na mabait ka, Ate. Hindi ko po kasi makita sa mga mata mo na may pagmamahal ka para kay Sir Karl,” aniya saka naupo sa kama hawak ang bedshe
“Good morning!” masiglang bati ko kay Diana pagpasok niya sa silid namin ni Karl. Bitbit niya ang mga gamit na panglinis sa kwarto. Inalis ko ang kumot na nakatabing sa aking katawan. Tumayo ako at naglakad palapit sa kaniya. Biglang namilog ang mga mata niya pagkakita sa suot kong pangtulog na halos wala namang maitago dahil sa sobrang nipis. Kasalukuyang naliligo si Karl kaya ako na lang ang naiwan sa kama. Hindi siya tumugon sa naging pagbati ko. Itinaas niya ang noo at blangko ang kaniyang mukha bago nagsalita, “Masaya ka na ba sa ginawa mong pagsira sa pamilya namin? Hindi mo lang inagaw ang asawa ko, pati pamamahay ko inagaw mo na rin,” aniya sa kalmadong tinig. “Wala akong inaagaw sa ’yo, Diana. Kusang lumapit sa akin ang asawa mo. Siya ang unang nagpakita ng motibo at umamin na may gusto sa akin. Pasalamat ka pa nga at inalisan kita ng sakit sa ulo.” Ngumiti ako sa kaniya ng nakakaloko. Tumalim ang mga mata niya at naikuyom ang isang kamao. “Ang kapal din talaga ng pagmu
“Hi! Ang aga mo yatang pumunta dito?” Bungad ko kay Karl pagbukas ko ng pinto. Ngumiti ako sa kaniya na agad din niyang ginantihan. Halos katatapos ko lang gawin ang skincare routine ko tuwing gabi. Na-receive ko pa ang text niya bago ako pumasok sa banyo para maligo. Heto at naririto na siya kaagad. Nilakihan ko ang bukas ng pinto para papasukin siya. Hinapit niya ako at pinatakan ng mabilis na halik sa labi.“Na-miss kita kaya inagahan ko ang punta,” anas niya matapos pagdikitin ang noo naming dalawa. Ipinulupot ko ang braso sa kaniyang leeg. “Gusto mo doon na din ako matulog sa kwarto mo?” malambing kong tanong. Natigilan siya at biglang inilayo ang mukha sa akin. “R-Really? You want to sleep in my room?” hindi makapaniwala na tanong niya sa akin. Mahihimigan ng pagtataka at excitement sa boses niya. Kumislap din sa tuwa ang kaniyang mga mata. Tumango ako at muling nagpakawala ng matamis na ngiti. “Opo, gusto kitang makatabi. Basta tabi lang, walang gapangan, ha?” Umawang an
“Saktong-sakto ang pagkahuli sa inyo ni Diana kagabi, ah.” Nakangising bungad sa akin ni Christan pagpasok ko sa kusina upang mag-almusal. Kumunot ang noo ko pagkarinig sa sinabi niya. “So, naglagay ka din pala ng CCTV sa tapat ng kwarto ko?” Tinaasan ko siya ng kilay. Tinungo ko ang counter island at kumuha ng tasa para magtimpla ng kape. “Oo naman! Malay ba natin, baka mamaya puwersahin ka ni Martinez na may mangyari sa inyo. At least ’di ba may ipapakita tayong ebidensiya sakaling may gawin siyang hindi maganda.” Pinagkrus niya ang mga braso sa d*bdib at sumandal sa upuan na yari sa matibay na uri ng kahoy. Napairap ako. “Tsk! Wala pang nangyayari sa amin. Hindi siya kagaya ng iba diyan na sinamantala ang pagiging problemado ng babaeng mahal niya para lang makuha ang gusto.” Pasaring ko sa kaniya. Muli siyang napangisi sabay iling. “Lalaki ’yun, imposibleng hindi ’yun maakit sa ’yo. Sa ganda ba naman ng mukha at katawan mo. Kung wala nga lang akong ibang babaeng mahal baka nagu
Makaraan ang ilang sandali ay dumating na si Karl. Agad na nanuot sa ilong ko ang shower gel na gamit niya. Medyo basa pa ang kaniyang buhok. Namumutok ang muscles niya sa suot na puting kamiseta na pinaresan niya ng gray na cotton shorts. Sumiklab ang matinding pagnanasa sa mga mata niya matapos akong pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Napalunok siya ng ilang beses. Inilabas niya ang dila at binasa ang ibabang labi niya na ubod ng pula. Kung ibang babae siguro ang nasa posisyon ko ay baka maraming beses nang may nangyari. Bukod sa mayaman siya, gwapo na at maganda pa ang pangangatawan. Wala nga lang talaga akong maramdamang kakaiba para sa kaniya. At mabuti na rin ang gano’n, dahil mangloloko siya ng asawa. Hinding-hindi ko pangangarapin ang isang lalaking walang respeto sa taong pinag-alayan niya ng pangalan. Pareho lang sila ng ama namin ni Diana, handang magkasala para lang sa sariling kapakanan. “Honey . . .” anas ni Karl sa namamaos ng tinig. Hinapit niya ako sa bayw
“Walang hiya ka talagang bata ka! Wala na nga kayong ambag dito sinunog mo pa ang sinaing!” Nagsumiksik ako sa likod ni Mama nang marinig ko ang nanggagalaiting sigaw ni Tita Jocy. Pabalyang bumukas ang pinto ng maliit na kwartong tinutulugan namin sa likod ng bahay nila Tita. Iniluwa niyon ang tiyahin ko na panganay na kapatid ni Mama. Pulang-pula ang mukha niya sa galit. “Kahit magsumiksik ka pa diyan, hindi ka matutulungan ng nanay mo!” Lumapit siya sa akin at hinablot ang buhok ko. Tumingin ako kay Mama upang humingi ng saklolo habang hila-hila ni Tita Jocy ang buhok ko palabas ng kwarto. Pero kagaya ng dati, walang reaksiyon ang kaniyang mukha at nakatingin lang siya sa kawalan. “Aray! Bitawan n’yo po ako, Tita Jocy! Parang awa n’yo na po, nasasakatan po ako.” Pagmamakaawa ko sa kaniya. Pilit kong binabawi ang mahabang buhok ko na ipinulupot pa talaga niya sa kaniyang kamay. “Ubusin mo ’yan, ha! ’Yan ang kakainin ninyong mag-ina sa araw na ’to!” Itinuro niya ang kal...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments