Share

CHAPTER 7

Author: SPICY SINGLE
last update Huling Na-update: 2025-01-27 22:37:25

“Ano na, Dhanna? Hindi ka pa ba diyan babangon? Pinagbigyan na kita kahapon na maghapong magmukmok dahil naiintindihan ko ang pinagdaanan mo. Pero baka nakakalimutan mo, may mga gawain ka na dapat gampanan. Alam mong may pasok ako sa trabaho. Matuto kang kumilos dahil wala nang libre sa ngayon. Nadala na ako sa pagtulong noon sa nanay mo kaya hindi ko na hahayaang maulit na naman ang nangyari noon.”

Inalis ni Tita Jocy ang kumot na nakatalukbong sa katawan ko. Kanina pa ako gising pero wala akong ganang bumangon at kumilos. Hindi rin ako nakakaramdam ng gutom. Mas gusto kong mawala na rin para makasama ko na si Mama.

“Bumangon ka na diyan at kumain. Kahapon pa walang laman ang sikmura mo. Nagluto na ako ng almusal ninyo. Tumayo ka na diyan para makapaglaba ka. Hindi pwedeng tatamad-tamad ka na lang, ha?”

Hindi ako kumilos. Nanatili akong nakahiga sa papag yakap ang unan na gamit ni Mama. “Wala po akong ganang kumain, Tita,” walang buhay na tugon ko sa kaniya.

“Huwag mo nga akong paandaran ng ganiyan! Tapos ano ang sunod mong sasabihin sa akin? Wala ka nang ganang mabuhay, gano’n?”

Napakamot siya ulo at mariing ipinikit ang mga mata. Tinapunan niya ako ng nayayamot na tingin nang dumilat siya.

“Kapag nakita ni Belen ’yang ginagawa mo ngayon sa tingin mo ba matutuwa siya, ha? Siguro naman may mga pangarap sa ’yo ang nanay mo. Hahayaan mo na lang na magkaganiyan ka?”

“W-Wala na pong saysay kahit pa matupad ko ang mga pangarap namin ni Mama kasi wala naman na po siya,” lumuluhang tugon ko sa kaniya.

“Hay naku! Ewan ko sa ’yong bata ka! Pagbibigyan ulit kita sa ngayon na ipagluksa ang pagkamatay ni Belen. Pero bukas dapat kumilos ka na. Huwag mo ding iisipin na ginagawa kitang alila dito sa bahay. Gusto kong paghirapan mo ang lahat ng bagay bago mo makamit para matuto kang magpursige. Ayaw kong matulad ka sa nanay mo na na-spoiled namin kaya naman hindi na nagsumikap at mas inuna ang love life. Tapos ano ang nangyari, nagkandaletse-letse tuloy ang buhay. Bago ka sana sumuko alalahanin mo muna lahat nang pangarap ni Belen para sa ’yo. Pag-aaralin kita pero gusto kong pagtrabahuhan mo lahat ng gagastusin ko para sa ’yo. Huwag mo sanang bibiguin ang nanay mo dahil lang sa wala na siya. Hindi niya magugustuhan kapag nakita ka niyang nagkakaganiyan.”

Napapailing siyang lumabas sa kwarto. Dahil sa mga sinabi niya, bigla kong naalala ang mga naging payo sa akin ni Mama bago siya mawala. Gusto niya na mag-aral ako ng mabuti at magsumikap para ipakita kay Papa na kaya kong maging successful kahit wala ang tulong niya.

Kaya naman bumangon ako at pinahid ang mga luha sa aking pisngi. Inilibot ko ang tingin sa kwarto. Napansin ko na naging maaliwalas na ito kumpara noong bago ako magpa-enroll. Siguro ay nilinis niya muna dito bago niya k*tilin ang sariling buhay.

“Sorry po, Mama. Sandali akong nakalimot sa mga ipinangako ko sa ’yo bago ka mawala. Huwag po kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat para makapagtapos ng pag-aaral. Tutuparin ko lahat nang pangarap natin. Magiging matagumpay ako balang araw,” ani ko sa sarili.

Palabas na sana ako sa kwarto nang biglang may kumatok. Pinihit ko ang door knob at binuksan ang pinto. Tumambad sa akin si Jovy na may dalang pagkain. Kulang na lang ay masabitan ng kaldero ang nguso niya sa pagkakasimangot.

“Bakit kasi hindi ka na lang lumabas diyan sa kwarto mo? Masiyado kang pa-importante. O, pagkain mo, pinabibigay ni Mama!!” Inabot niya sa akin ang plato na may sinangag at pritong itlog. Pati na din ang isang tumbler na may malamig na tubig.

“S-Salamat," sambit ko.

Umirap lang siya sa akin at padabog na naglakad papasok sa bahay. Ipinatong ko sa lamesa ang pinggan pati na ang tumbler. Pinilit kong ubusin ang pagkain na nakalagay sa plato kahit wala pa rin akong gana. Kailangan kong maging malakas. Lalaban ako sa bawat hamon ng buhay para kay Mama.

“O, isabay mo na din ’tong mga punda ko at kurtina sa kwarto.” Inilapag ni Jovy ang isang palanggana na naglalaman ng mga punda at kurtina.

“Ang sabi ni Mama kapag maglalaba ka ng mga damit namin isabay mo na din ang mga labahan mo para isahan na lang. Aksaya pa daw kasi sa sabon at sa tubig kung ibubukod mo pa.” Dagdag pa niya.

Walang pasabi na basta na lang siya tumalikod. Noong bagong dating pa lang kami dito ay sumasama pa ang loob ko sa tuwing tatalikuran na lang niya ako bigla. Hindi nagtagal ay nasanay na din ako sa pag-uugali niyang gan’on. Wala akong ideya kung bakit nagsusungit siya sa akin parati. Maayos naman ang pakikitungo ko sa kaniya.

“Mabuti naman at naisipan mo nang bumangon. Akala ko magmumukmok ka na lang buong maghapon sa kwarto ninyo.” Puna sa akin ni Tita Jocy nang madatnan niya akong nagluluto ng hapunan namin.

Nagtatrabaho siya sa bayan bilang isang janitress sa isang grocery store. Alas otso hanggang alas singko ang pasok niya pero alas siyete pa lang ng umaga ay hinahatid na siya ni Tito dahil halos forty five minutes din ang biyahe papunta sa bayan.

“Mano po, Tita.”

Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. Nagmano lang ako sa kaniya at saka muling humarap sa kawali upang haluin ang niluluto kong gulay na langka.

“Noong mamatay si Papa, nagmukmok din ako. Hindi makakain at laging malungkot. Ako ang pinakamalapit kay Papa, mas malapit pa nga ako sa kaniya kaysa kay Mama. Pero hindi ako nagpatalo sa pagsubok. Panganay ako sa aming magkakapatid, kaya sinabi ko sa sarili na hindi ako dapat magpakita ng kahinaan sa kanila. Halos patayin ko noon ang sarili sa pagtatrabaho para lang hindi siya maalala dahil sobrang sakit sa tuwing maiisip kong hindi na namin siya makakasama kahit kailan.”

Kumuha siya ng baso at uminom ng tubig. “Wala kang kapatid na umaasa sa ’yo. Pero kailangang mas maging matatag ka kasi sarili mo na lang ngayon ang kakampi mo. Tandaan mo din, hindi kita papayagang hindi kumilos dito sa bahay. Kaya huwag kang palamya-lamya. Kahit pa magalit sa akin si Belen at multuhin niya ako, wala akong pakialam. Iniwan ka na niya sa puder ko kaya kargo na kita.

Nag-iwan si Mama ng sulat bago niya k*tilin ang sariling buhay. At isa sa mga nakapaloob sa sulat ay ang pagpapaubaya niya sa akin kay Tita dahil naniniwala daw siya na hindi ako hahayaang mapariwara ng nakatatanda nilang kapatid.

Wala din naman akong pagpipilian. Ayaw ko din namang sumama kay Tito Romel sa ibang bansa. Marami kaming alaala dito ni Mama kaya mas gusto kong dito na lang tumira.

Kaugnay na kabanata

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    CHAPTER 8

    “Gawin mo lahat nang ’yan. May pupuntahan ako kaya ikaw na lang muna ang bahala.” Napatingin ako sa mga notebook na inilapag ni Jovy sa lamesa. Lagi na lang tuwing may takdang-aralin siya ay ako ang pinapagawa niya. “Pero marami din akong gagawin, Jovy. Mas marami nga ang sa akin kaysa sa ’yo. Bakit kasi hindi mo pa ginawa kanina pagdating mo? Wala ka namang ginawa kanina. Ngayon ko nga lang magagawa ’tong mga ’to kasi marami din akong ginawa pagkarating ko galing school.” Reklamo ko sa kaniya. Sa kusina ako gumagawa ng takdang-aralin. Pundi na kasi ang ilaw ko sa kwarto at ayaw namang palagyan ni Tita ng bumbilya dahil mataas daw lagi ang bayarin sa kuryente. Mabuti na lang at hinahayaan pa niya akong gumamit ng electric fan. Kaya sa tuwing may hahanapin ako, flash light lagi ng cellphone ko ang gamit. “Mas marami ang sa ’yo? Bakit, dati mo namang ginagawa ’yan, ah! Ngayon nagrereklamo ka na? Nagmamalaki ka na yata ngayon! Dahil ba matataas lagi ang grades mo? Para sabihin ko

    Huling Na-update : 2025-01-28
  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 9

    “T-Tita, baka pwede pong padagdagan ang baon ko. May project po kasi kami sa school,” nakikiusap na sambit ko kay Tita Jocy nang bigyan niya ako ng pera. “Singkwenta pesos na ’yan, Dhanna! Kulang pa ba? Magkano lang ba ang pamasahe mo, 30 balikan. May bente pang matitira. Hindi mo na din naman kailangang bumili ng pagkain dahil may baon ka na. Ano ba ang tingin mo sa ’kin? Tumatae ng pera? Kita mong hirap na hirap na akong pagkasyahin ang sweldo ko sa mga gastusin dito sa bahay. At saka bakit hindi mo gastusin ’yung kinikita mo sa paglalako ng mga kakanin?” Halos mag-isa nang itinataguyod ni Tita Jocy ang pamilya nila magmula nang maaksidente si Tito Vicente. Hindi na siya nakakapamasada. Kaya naman katakot-takot lagi na sermon ang inaabot ko sa tuwing manghihingi ako ng dagdag allowance para sa ibang pangangailangan ko sa school. “P-Pasensiya na po, Tita. Halos naubos na din kasi ’yung itinabi kong pera. Kapag kinakapos po ako doon ako kumukuha ng pangbili.” Madalas ay pamasahe

    Huling Na-update : 2025-01-29
  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 10

    Dumiin ang hawak ko sa hand bag na aking dala. Kasabay ng pagbabalik sa lugar kung saan kinitiI ni Mama ang sariling buhay ay ang pagdagsa ng mga masasakit na pinagdaanan ko sa kaniyang nakatatandang kapatid. Wala na sana akong balak pang bumalik dito kung hindi lang dahil kay Tito Vicente. Kung hindi dahil sa kaniya, baka ilang beses akong napagbuhatan ng kamay ni Tita Jocy at ni Jovy. “Nandito na tayo, Dhanna. Hindi ka pa ba bababa?” tanong ng kaibigan kong si Cathy Corpuz. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Inilibot ko ang tingin pagkababa ko. Marami na ang nagbago sa lugar na naging tahanan ko sa loob ng pitong taon. Nadagdagan na ang mga bahay. Sementado na din ang ang mga kalsada. Maging ’yung mga dating bahay na gawa lang sa kawayan ay gawa na ngayon sa semento. Ang hindi lang nagbago ay ang bahay nila Tita Jocy na niluma na ng panahon. ’Yung ibang bahay na kagaya ng bahay niyang sementado noon ay mas lumaki at gumanda na ngayon. Sila na lang ang

    Huling Na-update : 2025-01-30
  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 11

    “Maraming salamat sa pagbisita mo sa amin, Iha. Kumusta ka na pala? Sa nakikita ko ngayon, mukhang natupad mo na ang pangarap mong makapagtapos ng pag-aaral at guminhawa ang buhay,” nakangiting turan ni Tito Vicente. “Wala pong anuman, Tito. Ikaw po talaga ang una kong naalalang puntahan. May mga pasalubong po pala ako. Nasa sasakyan po. Dadalhin na lang po maya-maya ng driver ko.” Sa kabila ng mga ginawa sa akin ni Tita Jocy, itinuturing ko pa ring utang na loob ang pagkupkop at pagpapaaral nila sa akin lalo na kay Tito Vicente. Dalawang libo lang ang sumobra sa pera ko matapos kong magbayad ng pamasahe papuntang Maynila. Mabuti na lang at binigyan ako ni Tito ng extra na pera bago ako umalis. Sariwa pa sa alaala ko ang huling araw ng pag-uusap namin bago ako umalis sa lugar na ito. “Heto, idagdag mo para sa pag-alis mo. Alam kong kulang na kulang na ang ipon mong pera magmula nang maaksidente ako. Mahal manirahan sa Maynila kaya huwag mo na ’tong tanggihan. Ipon ko ’yan noong nam

    Huling Na-update : 2025-01-31
  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 12

    “Bes, sure ka na ba dito? Ako ang kinakabahan sa gagawin mo, eh.” Isinara ko ang maleta at tumingin kay Cathy. Nakapamaywang siya at puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha habang nakatunghay sa akin. “Oo, Cath. Kailangan kong gawin ’to. Sila ang dahilan ng lahat ng masasamang nangyari sa buhay ko. Kung hindi dahil sa kanila, baka buhay pa ngayon si Mama. Inabandona kami ni Papa nang dahil sa kanila,” buo ang loob na sagot ko. Tatlong araw kaming nanatili sa bahay nila Tita Jocy. Napagdesisyunan kong ipa-renovate ang bahay nila at bilihan sila ng mga bagong gamit sa bahay. Ayaw nilang pumayag noong una pero kalaunan ay tinanggap na din nila ang tulong na inaalok ko dahil sinabi kong magtatampo ako sa kanila. Balak ko din na magpatayo ng maliit na grocery para kay Jovy pero hindi ko muna ipinaalam sa kaniya dahil baka tanggihan nila lalo na si Marc na alam kong masiyadong mataas ang pride. “Nag-aalala kasi ako para sa ’yo. Baka sa huli ikaw lang ang masaktan. Buo na ba t

    Huling Na-update : 2025-02-01
  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 13

    “Good morning, Ma’am Diana!” magkakasabay na bati namin nila Nanay Karina pagpasok ni Diana sa dining area. “Good morning din sa inyo!” Lumabas ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin nang tapunan niya kami ng tingin habang nakangiti. “Siya po ba ang bagong kasambahay, Nanay Karina?” tanong niya kay Nanay pero nasa akin naman nakatuon ang mga mata niya. “Oo, Iha. Siya si Belle Seballo. Galing siya sa probinsiya. Lumuwas siya dito sa maynila at nakitira sa kaniyang tiyahin para maghanap ng trabaho. May dalawang kapatid siyang pinapaaral,” kuwento ni Nanay. Bago ko tuluyang pabalikin si Belle sa kanilang probinsiya ay inalam ko muna ang ilang impormasyon tungkol sa kaniyang buhay. Nabuntis umano ang ina niya ng isang lalaking may asawa at mga anak na. Pinabayaan daw sila nang mahuli ng tunay na asawa. Pero kalaunan ay nambabae ulit at tuluyang inabandona ang legal na pamilya. Ipinaghila ni Nanay si Diana ng upuan. Gusto kong taasan siya ng kilay sa kaartehan niya

    Huling Na-update : 2025-02-03
  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 14

    “Uhm, Belle . . .” Nahinto ako sa paghuhugas ng plato pagkarinig ko sa boses ni Karl. Humarap ako sa kaniya. Ngunit agad din akong yumuko para isipin niyang nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina. “I would like to say sorry for what happened earlier. Hindi ko sinasadya na mapatingin sa ano mo. Busy kasi ako kanina kaya ngayon lang ako makahingi ng paumanhin.” Thirty minutes bago ko binalikan ang mga pinagkainan niya. Nakatutok siya sa laptop nang pumasok ako. Halos patakbo akong pumasok at lumabas sa kaniyang silid. “P-Pasensiya na din po, Sir. Huwag n’yo po sana akong pag-isipan ng masama. Ayaw ko pong mawalan ng trabaho. Ako na lang po ang katuwang ni Mama sa pagpapaaral sa dalawa kong nakababatang kapatid.” Mangiyak-ngiyak akong tumingala sa kaniya. “Nasabi nga sa akin ng asawa ko. Alam kong hindi mo naman ginusto ’yun. Ako nga ang may kasalanan sa ’yo. Huwag kang mag-alala, hindi kita tatanggalin sa trabaho.” “T-Talaga po? Hindi kayo galit sa ’kin? Hindi n’yo ’ko tatanggalin

    Huling Na-update : 2025-02-04
  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 15

    Ilang araw kong iniwasang magpang-abot kami ni Karl. Tuwing magpapahatid siya ng pagkain sa itaas ay si Lanie ang inuutusan kong magdala. Pansamantala din akong nakipagpalit sa kaniya sa paglilinis sa itaas. Abala ako sa pagsasampay ng mga nilabahan kong damit nang maramdaman kong may papalapit sa kinaroroonan ko. Wala sina Nanay Karina at Tatay Mario dahil namalengke sila. Umalis naman si Diana Kasama si Lanie. Walang ibang pupunta dito kung ’di si Karl dahil siya lang naman ang hindi lumabas ng bahay. Tumikhim siya bago nagsalita. “Belle . . .” mahinang sambit niya sa pangalan ko. Nagkunwari akong hindi siya narinig. May nakalagay na earphones sa tainga ko pero kanina pa ako huminto sa pakikinig ng tugtog. Inayos ko ang pagkakasampay sa tuwalyang nilabahan ko. Itinapat ko ang katawan sa tumutulong tubig na nagmumula sa tuwalya. Mas lalong nabasa ang manipis kong damit kaya bumakat ang aking malulusog na d*bdib. Ramdam kong mas lumapit siya sa akin. Bigla akong pumihit paharap.

    Huling Na-update : 2025-02-06

Pinakabagong kabanata

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 16

    “Ano ang ibig sabihin nito, Winsley? Bakit nakasandal sa ’yo ’yang secretary mo? Kulang na lang buhatin mo siya! Pinagtataksilan mo ba ako, ha?! Kaya ba parang lagi kang wala sa sarili?” Nabitin sa ere ang akma kong pagkatok sa pinto ng kwarto nila Diana. Ang akala ko ay nakaalis na siya kaya umakyat ako para maglinis at para akiting muli si Karl. Nakaawang ng bahagya ang pinto nila kaya dinig na dinig ko ang boses niya. “Wala akong ginagawang masama, Diane. Bigla siyang nahilo ng mga oras na ’yan kaya ko siya sinalo. Ano ang gusto mo, hayaan ko na lang siyang bumagsak sa sahig gano’n ba?” Paliwanag naman ni Karl sa tila naiiritang boses. “At saka pinababantayan mo ba ang mga kilos ko, ha? Bakit may mga ganitong pictures?” Dagdag pa niya. “Hindi kita pinababantayan, Winsley. May nagpadala lang sa akin ng mga pictures na ’yan. Kung wala kayong ginagawang masama, bakit madalas siyang sumakay sa kotse mo tuwing pauwi ka na? Tingnan mo ’to, nakaalalay ka pa sa kaniya! Last week may na

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 15

    Ilang araw kong iniwasang magpang-abot kami ni Karl. Tuwing magpapahatid siya ng pagkain sa itaas ay si Lanie ang inuutusan kong magdala. Pansamantala din akong nakipagpalit sa kaniya sa paglilinis sa itaas. Abala ako sa pagsasampay ng mga nilabahan kong damit nang maramdaman kong may papalapit sa kinaroroonan ko. Wala sina Nanay Karina at Tatay Mario dahil namalengke sila. Umalis naman si Diana Kasama si Lanie. Walang ibang pupunta dito kung ’di si Karl dahil siya lang naman ang hindi lumabas ng bahay. Tumikhim siya bago nagsalita. “Belle . . .” mahinang sambit niya sa pangalan ko. Nagkunwari akong hindi siya narinig. May nakalagay na earphones sa tainga ko pero kanina pa ako huminto sa pakikinig ng tugtog. Inayos ko ang pagkakasampay sa tuwalyang nilabahan ko. Itinapat ko ang katawan sa tumutulong tubig na nagmumula sa tuwalya. Mas lalong nabasa ang manipis kong damit kaya bumakat ang aking malulusog na d*bdib. Ramdam kong mas lumapit siya sa akin. Bigla akong pumihit paharap.

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 14

    “Uhm, Belle . . .” Nahinto ako sa paghuhugas ng plato pagkarinig ko sa boses ni Karl. Humarap ako sa kaniya. Ngunit agad din akong yumuko para isipin niyang nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina. “I would like to say sorry for what happened earlier. Hindi ko sinasadya na mapatingin sa ano mo. Busy kasi ako kanina kaya ngayon lang ako makahingi ng paumanhin.” Thirty minutes bago ko binalikan ang mga pinagkainan niya. Nakatutok siya sa laptop nang pumasok ako. Halos patakbo akong pumasok at lumabas sa kaniyang silid. “P-Pasensiya na din po, Sir. Huwag n’yo po sana akong pag-isipan ng masama. Ayaw ko pong mawalan ng trabaho. Ako na lang po ang katuwang ni Mama sa pagpapaaral sa dalawa kong nakababatang kapatid.” Mangiyak-ngiyak akong tumingala sa kaniya. “Nasabi nga sa akin ng asawa ko. Alam kong hindi mo naman ginusto ’yun. Ako nga ang may kasalanan sa ’yo. Huwag kang mag-alala, hindi kita tatanggalin sa trabaho.” “T-Talaga po? Hindi kayo galit sa ’kin? Hindi n’yo ’ko tatanggalin

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 13

    “Good morning, Ma’am Diana!” magkakasabay na bati namin nila Nanay Karina pagpasok ni Diana sa dining area. “Good morning din sa inyo!” Lumabas ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin nang tapunan niya kami ng tingin habang nakangiti. “Siya po ba ang bagong kasambahay, Nanay Karina?” tanong niya kay Nanay pero nasa akin naman nakatuon ang mga mata niya. “Oo, Iha. Siya si Belle Seballo. Galing siya sa probinsiya. Lumuwas siya dito sa maynila at nakitira sa kaniyang tiyahin para maghanap ng trabaho. May dalawang kapatid siyang pinapaaral,” kuwento ni Nanay. Bago ko tuluyang pabalikin si Belle sa kanilang probinsiya ay inalam ko muna ang ilang impormasyon tungkol sa kaniyang buhay. Nabuntis umano ang ina niya ng isang lalaking may asawa at mga anak na. Pinabayaan daw sila nang mahuli ng tunay na asawa. Pero kalaunan ay nambabae ulit at tuluyang inabandona ang legal na pamilya. Ipinaghila ni Nanay si Diana ng upuan. Gusto kong taasan siya ng kilay sa kaartehan niya

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 12

    “Bes, sure ka na ba dito? Ako ang kinakabahan sa gagawin mo, eh.” Isinara ko ang maleta at tumingin kay Cathy. Nakapamaywang siya at puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha habang nakatunghay sa akin. “Oo, Cath. Kailangan kong gawin ’to. Sila ang dahilan ng lahat ng masasamang nangyari sa buhay ko. Kung hindi dahil sa kanila, baka buhay pa ngayon si Mama. Inabandona kami ni Papa nang dahil sa kanila,” buo ang loob na sagot ko. Tatlong araw kaming nanatili sa bahay nila Tita Jocy. Napagdesisyunan kong ipa-renovate ang bahay nila at bilihan sila ng mga bagong gamit sa bahay. Ayaw nilang pumayag noong una pero kalaunan ay tinanggap na din nila ang tulong na inaalok ko dahil sinabi kong magtatampo ako sa kanila. Balak ko din na magpatayo ng maliit na grocery para kay Jovy pero hindi ko muna ipinaalam sa kaniya dahil baka tanggihan nila lalo na si Marc na alam kong masiyadong mataas ang pride. “Nag-aalala kasi ako para sa ’yo. Baka sa huli ikaw lang ang masaktan. Buo na ba t

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 11

    “Maraming salamat sa pagbisita mo sa amin, Iha. Kumusta ka na pala? Sa nakikita ko ngayon, mukhang natupad mo na ang pangarap mong makapagtapos ng pag-aaral at guminhawa ang buhay,” nakangiting turan ni Tito Vicente. “Wala pong anuman, Tito. Ikaw po talaga ang una kong naalalang puntahan. May mga pasalubong po pala ako. Nasa sasakyan po. Dadalhin na lang po maya-maya ng driver ko.” Sa kabila ng mga ginawa sa akin ni Tita Jocy, itinuturing ko pa ring utang na loob ang pagkupkop at pagpapaaral nila sa akin lalo na kay Tito Vicente. Dalawang libo lang ang sumobra sa pera ko matapos kong magbayad ng pamasahe papuntang Maynila. Mabuti na lang at binigyan ako ni Tito ng extra na pera bago ako umalis. Sariwa pa sa alaala ko ang huling araw ng pag-uusap namin bago ako umalis sa lugar na ito. “Heto, idagdag mo para sa pag-alis mo. Alam kong kulang na kulang na ang ipon mong pera magmula nang maaksidente ako. Mahal manirahan sa Maynila kaya huwag mo na ’tong tanggihan. Ipon ko ’yan noong nam

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 10

    Dumiin ang hawak ko sa hand bag na aking dala. Kasabay ng pagbabalik sa lugar kung saan kinitiI ni Mama ang sariling buhay ay ang pagdagsa ng mga masasakit na pinagdaanan ko sa kaniyang nakatatandang kapatid. Wala na sana akong balak pang bumalik dito kung hindi lang dahil kay Tito Vicente. Kung hindi dahil sa kaniya, baka ilang beses akong napagbuhatan ng kamay ni Tita Jocy at ni Jovy. “Nandito na tayo, Dhanna. Hindi ka pa ba bababa?” tanong ng kaibigan kong si Cathy Corpuz. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Inilibot ko ang tingin pagkababa ko. Marami na ang nagbago sa lugar na naging tahanan ko sa loob ng pitong taon. Nadagdagan na ang mga bahay. Sementado na din ang ang mga kalsada. Maging ’yung mga dating bahay na gawa lang sa kawayan ay gawa na ngayon sa semento. Ang hindi lang nagbago ay ang bahay nila Tita Jocy na niluma na ng panahon. ’Yung ibang bahay na kagaya ng bahay niyang sementado noon ay mas lumaki at gumanda na ngayon. Sila na lang ang

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 9

    “T-Tita, baka pwede pong padagdagan ang baon ko. May project po kasi kami sa school,” nakikiusap na sambit ko kay Tita Jocy nang bigyan niya ako ng pera. “Singkwenta pesos na ’yan, Dhanna! Kulang pa ba? Magkano lang ba ang pamasahe mo, 30 balikan. May bente pang matitira. Hindi mo na din naman kailangang bumili ng pagkain dahil may baon ka na. Ano ba ang tingin mo sa ’kin? Tumatae ng pera? Kita mong hirap na hirap na akong pagkasyahin ang sweldo ko sa mga gastusin dito sa bahay. At saka bakit hindi mo gastusin ’yung kinikita mo sa paglalako ng mga kakanin?” Halos mag-isa nang itinataguyod ni Tita Jocy ang pamilya nila magmula nang maaksidente si Tito Vicente. Hindi na siya nakakapamasada. Kaya naman katakot-takot lagi na sermon ang inaabot ko sa tuwing manghihingi ako ng dagdag allowance para sa ibang pangangailangan ko sa school. “P-Pasensiya na po, Tita. Halos naubos na din kasi ’yung itinabi kong pera. Kapag kinakapos po ako doon ako kumukuha ng pangbili.” Madalas ay pamasahe

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    CHAPTER 8

    “Gawin mo lahat nang ’yan. May pupuntahan ako kaya ikaw na lang muna ang bahala.” Napatingin ako sa mga notebook na inilapag ni Jovy sa lamesa. Lagi na lang tuwing may takdang-aralin siya ay ako ang pinapagawa niya. “Pero marami din akong gagawin, Jovy. Mas marami nga ang sa akin kaysa sa ’yo. Bakit kasi hindi mo pa ginawa kanina pagdating mo? Wala ka namang ginawa kanina. Ngayon ko nga lang magagawa ’tong mga ’to kasi marami din akong ginawa pagkarating ko galing school.” Reklamo ko sa kaniya. Sa kusina ako gumagawa ng takdang-aralin. Pundi na kasi ang ilaw ko sa kwarto at ayaw namang palagyan ni Tita ng bumbilya dahil mataas daw lagi ang bayarin sa kuryente. Mabuti na lang at hinahayaan pa niya akong gumamit ng electric fan. Kaya sa tuwing may hahanapin ako, flash light lagi ng cellphone ko ang gamit. “Mas marami ang sa ’yo? Bakit, dati mo namang ginagawa ’yan, ah! Ngayon nagrereklamo ka na? Nagmamalaki ka na yata ngayon! Dahil ba matataas lagi ang grades mo? Para sabihin ko

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status