Dumiin ang hawak ko sa hand bag na aking dala. Kasabay ng pagbabalik sa lugar kung saan kinitiI ni Mama ang sariling buhay ay ang pagdagsa ng mga masasakit na pinagdaanan ko sa kaniyang nakatatandang kapatid. Wala na sana akong balak pang bumalik dito kung hindi lang dahil kay Tito Vicente. Kung hindi dahil sa kaniya, baka ilang beses akong napagbuhatan ng kamay ni Tita Jocy at ni Jovy. “Nandito na tayo, Dhanna. Hindi ka pa ba bababa?” tanong ng kaibigan kong si Cathy Corpuz. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Inilibot ko ang tingin pagkababa ko. Marami na ang nagbago sa lugar na naging tahanan ko sa loob ng pitong taon. Nadagdagan na ang mga bahay. Sementado na din ang ang mga kalsada. Maging ’yung mga dating bahay na gawa lang sa kawayan ay gawa na ngayon sa semento. Ang hindi lang nagbago ay ang bahay nila Tita Jocy na niluma na ng panahon. ’Yung ibang bahay na kagaya ng bahay niyang sementado noon ay mas lumaki at gumanda na ngayon. Sila na lang ang
“Maraming salamat sa pagbisita mo sa amin, Iha. Kumusta ka na pala? Sa nakikita ko ngayon, mukhang natupad mo na ang pangarap mong makapagtapos ng pag-aaral at guminhawa ang buhay,” nakangiting turan ni Tito Vicente. “Wala pong anuman, Tito. Ikaw po talaga ang una kong naalalang puntahan. May mga pasalubong po pala ako. Nasa sasakyan po. Dadalhin na lang po maya-maya ng driver ko.” Sa kabila ng mga ginawa sa akin ni Tita Jocy, itinuturing ko pa ring utang na loob ang pagkupkop at pagpapaaral nila sa akin lalo na kay Tito Vicente. Dalawang libo lang ang sumobra sa pera ko matapos kong magbayad ng pamasahe papuntang Maynila. Mabuti na lang at binigyan ako ni Tito ng extra na pera bago ako umalis. Sariwa pa sa alaala ko ang huling araw ng pag-uusap namin bago ako umalis sa lugar na ito. “Heto, idagdag mo para sa pag-alis mo. Alam kong kulang na kulang na ang ipon mong pera magmula nang maaksidente ako. Mahal manirahan sa Maynila kaya huwag mo na ’tong tanggihan. Ipon ko ’yan noong nam
“Bes, sure ka na ba dito? Ako ang kinakabahan sa gagawin mo, eh.” Isinara ko ang maleta at tumingin kay Cathy. Nakapamaywang siya at puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha habang nakatunghay sa akin. “Oo, Cath. Kailangan kong gawin ’to. Sila ang dahilan ng lahat ng masasamang nangyari sa buhay ko. Kung hindi dahil sa kanila, baka buhay pa ngayon si Mama. Inabandona kami ni Papa nang dahil sa kanila,” buo ang loob na sagot ko. Tatlong araw kaming nanatili sa bahay nila Tita Jocy. Napagdesisyunan kong ipa-renovate ang bahay nila at bilihan sila ng mga bagong gamit sa bahay. Ayaw nilang pumayag noong una pero kalaunan ay tinanggap na din nila ang tulong na inaalok ko dahil sinabi kong magtatampo ako sa kanila. Balak ko din na magpatayo ng maliit na grocery para kay Jovy pero hindi ko muna ipinaalam sa kaniya dahil baka tanggihan nila lalo na si Marc na alam kong masiyadong mataas ang pride. “Nag-aalala kasi ako para sa ’yo. Baka sa huli ikaw lang ang masaktan. Buo na ba t
“Good morning, Ma’am Diana!” magkakasabay na bati namin nila Nanay Karina pagpasok ni Diana sa dining area. “Good morning din sa inyo!” Lumabas ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin nang tapunan niya kami ng tingin habang nakangiti. “Siya po ba ang bagong kasambahay, Nanay Karina?” tanong niya kay Nanay pero nasa akin naman nakatuon ang mga mata niya. “Oo, Iha. Siya si Belle Seballo. Galing siya sa probinsiya. Lumuwas siya dito sa maynila at nakitira sa kaniyang tiyahin para maghanap ng trabaho. May dalawang kapatid siyang pinapaaral,” kuwento ni Nanay. Bago ko tuluyang pabalikin si Belle sa kanilang probinsiya ay inalam ko muna ang ilang impormasyon tungkol sa kaniyang buhay. Nabuntis umano ang ina niya ng isang lalaking may asawa at mga anak na. Pinabayaan daw sila nang mahuli ng tunay na asawa. Pero kalaunan ay nambabae ulit at tuluyang inabandona ang legal na pamilya. Ipinaghila ni Nanay si Diana ng upuan. Gusto kong taasan siya ng kilay sa kaartehan niya
“Uhm, Belle . . .” Nahinto ako sa paghuhugas ng plato pagkarinig ko sa boses ni Karl. Humarap ako sa kaniya. Ngunit agad din akong yumuko para isipin niyang nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina. “I would like to say sorry for what happened earlier. Hindi ko sinasadya na mapatingin sa ano mo. Busy kasi ako kanina kaya ngayon lang ako makahingi ng paumanhin.” Thirty minutes bago ko binalikan ang mga pinagkainan niya. Nakatutok siya sa laptop nang pumasok ako. Halos patakbo akong pumasok at lumabas sa kaniyang silid. “P-Pasensiya na din po, Sir. Huwag n’yo po sana akong pag-isipan ng masama. Ayaw ko pong mawalan ng trabaho. Ako na lang po ang katuwang ni Mama sa pagpapaaral sa dalawa kong nakababatang kapatid.” Mangiyak-ngiyak akong tumingala sa kaniya. “Nasabi nga sa akin ng asawa ko. Alam kong hindi mo naman ginusto ’yun. Ako nga ang may kasalanan sa ’yo. Huwag kang mag-alala, hindi kita tatanggalin sa trabaho.” “T-Talaga po? Hindi kayo galit sa ’kin? Hindi n’yo ’ko tatanggalin
Ilang araw kong iniwasang magpang-abot kami ni Karl. Tuwing magpapahatid siya ng pagkain sa itaas ay si Lanie ang inuutusan kong magdala. Pansamantala din akong nakipagpalit sa kaniya sa paglilinis sa itaas. Abala ako sa pagsasampay ng mga nilabahan kong damit nang maramdaman kong may papalapit sa kinaroroonan ko. Wala sina Nanay Karina at Tatay Mario dahil namalengke sila. Umalis naman si Diana Kasama si Lanie. Walang ibang pupunta dito kung ’di si Karl dahil siya lang naman ang hindi lumabas ng bahay. Tumikhim siya bago nagsalita. “Belle . . .” mahinang sambit niya sa pangalan ko. Nagkunwari akong hindi siya narinig. May nakalagay na earphones sa tainga ko pero kanina pa ako huminto sa pakikinig ng tugtog. Inayos ko ang pagkakasampay sa tuwalyang nilabahan ko. Itinapat ko ang katawan sa tumutulong tubig na nagmumula sa tuwalya. Mas lalong nabasa ang manipis kong damit kaya bumakat ang aking malulusog na d*bdib. Ramdam kong mas lumapit siya sa akin. Bigla akong pumihit pah
“Ano ang ibig sabihin nito, Winsley? Bakit nakasandal sa ’yo ’yang secretary mo? Kulang na lang buhatin mo siya! Pinagtataksilan mo ba ako, ha?! Kaya ba parang lagi kang wala sa sarili?” Nabitin sa ere ang akma kong pagkatok sa pinto ng kwarto nila Diana. Ang akala ko ay nakaalis na siya kaya umakyat ako para maglinis at para akiting muli si Karl. Nakaawang ng bahagya ang pinto nila kaya dinig na dinig ko ang boses niya. “Wala akong ginagawang masama, Diane. Bigla siyang nahilo ng mga oras na ’yan kaya ko siya sinalo. Ano ang gusto mo, hayaan ko na lang siyang bumagsak sa sahig gano’n ba?” Paliwanag naman ni Karl sa tila naiiritang boses. “At saka pinababantayan mo ba ang mga kilos ko, ha? Bakit may mga ganitong pictures?” Dagdag pa niya. “Hindi kita pinababantayan, Winsley. May nagpadala lang sa akin ng mga pictures na ’yan. Kung wala kayong ginagawang masama, bakit madalas siyang sumakay sa kotse mo tuwing pauwi ka na? Tingnan mo ’to, nakaalalay ka pa sa kaniya! Last week may na
“Bakit ganiyan ka makatingin?” nakataas ang kilay na tanong ko kay Christan matapos kong ilapag ang baso na ininuman. Pangisi-ngisi siya habang nakatingin sa akin. Pinagkrus niya ang braso sa d*bdib saka isinandal ang likod sa upuan.“Ang tagal mong lumabas kanina sa kwarto ni Karl. May nangyari na ba sa inyo?” usisa niya at muling tumaas ang sulok ng labi. Naningkit ang mga mata ko at inilapag ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa. “Huwag mong sabihing naglagay ka ng camera sa tapat ng kwarto nila? Baka mamaya niyan pati sa loob ng silid may nilagay ka na din? Sige ka, masasaktan ka niyan kapag may napanood kang kababalaghan.” Pang aasar ko sa kaniya. “Kailangan kong maglagay ng camera para mabantayan ko sakaling saktan siya ni Martinez. At ’yung tungkol naman sa loob ng kwarto...” Napahawak siya sa baba at napaisip. “Well, kayang-kaya ko din namang lagyan doon pero siyempre kailangan din ng baby Yana ko ng privacy. Kaya hindi na lang siguro ako maglalagay.” Umalis siya sa pag
“K-Karl . . .”Balak ko sanang awatin siya sa kaniyang ginagawa, ngunit sa halip na pagalit ang tono ay halos naging pabulong pa. Gusto kong s*bunutan ang buhok ko. Hindi ko maintindihan ang sarili, kung kailan patapos na ako sa plano ko ay saka naman ako nagkaganito sa kaniya. “Yes honey?” namamaos ang tinig na tugon niya. Bumaba ang mga labi niya sa akin. Napapikit ako nang maramdaman ko ang malambot niyang labi. Ibinuka ko ang bibig at nilasap ang matatamis niyang halik. Umangat ang braso ko at ikinawit sa leeg niya. Mula sa pisngi ay bumaba ang palad niya papunta sa leeg at sa balikat ko. Bawat pagdampi ng balat niya sa akin ay nag-iiwan ng kakaibang init sa aking pakiramdam. “Ah . . .” Kusang umalpas ang isang daing sa aking bibig nang bumaba pa ang palad niya sa kaliwa kong d*bdib. Napaliyad ako at unti-unting napahiga sa kama. Pinaglaraun ng mga daliri niya ang d*nggot ko na naninigas. Dumagan siya sa akin at mariing idiniin ang kaniyang sandata. “Hindi ko akalaing ganito
“Ahh . . .” Umalpas ang mahabang daing sa bibig ko matapos kong manginig at makaramdam ng nakakikilabot na sarap. Hapong-hapo ako at sobrang init ng pakiramdam ko. May umagos na mainit-init at malapot na likido sa gitnang bahagi ng aking katawan kaya kahit antok na antok pa ay bigla kong naidilat ang mga mata. Muntik pa akong mapasigaw nang sa pagdilat ng mga mata ko ay mabungaran ko ang mukha ni Karl na sobrang lapit sa akin. “Karl! Akala ko bukas pa ang uwi mo? Bakit nandito ka na?” magkasunod na tanong ko.Agad na nanuot sa ilong ko ang mabangong hininga niya pati na din ang shower gel na ginamit. Hindi ko man lang naramdaman ang pagdating niya, nakapagpalit na siya ng damit at nakaligo. Tumutulo pa ang tubig sa buhok niya pababa sa kaniyang leeg. Tanging tuwalya lang ang tumatabing sa ibabang bahagi ng katawan niya. Napaiwas ako ng tingin nang dumako ang mga mata ko sa bagay na natatakpan ng tuwalya. Halatang-halata ang pamumukol ng kaniyang alaga. Tumaas ang sulok ng labi niy
Hihiga na sana akong muli sa kama pagkatapos naming mag-usap ni Karl ngunit nakarinig ako ng mahihinang katok. Bumangon ako at tinungo ang pinto. Bumungad sa akin si Christan na malapad ang pagkakangiti. Bahagya niyang iwinagayway ang isang kamay pagkakita sa akin. “Hi, Misis Martinez!” bati niya sa akin habang nakabungisngis at kumakaway. Napairap ako. “Ano ang kailangan mo?” tanong ko sa pormal na tinig. “Magpapaalam na ’ko. Susundan ko ang aking minamahal. Ngayon niya ako higit na mas kailangan.” tugon niya. “Wala namang problema sa akin kahit saan ka pa magpunta. Basta huwag mo nang ibabalik si Diana dito sa pamamahay ni Karl,” matabang na sambit ko. “Talagang hindi na! Pinakawalan ko na tapos hahayaan ko pang bumalik sa kaniya.” Muli na namang tumikwas ang dulo ng labi niya. “Teka, huwag mong sabihing nahulog ka na din sa g*gong ’yon? Ikaw ah...” nanunukso niyang sambit. Itinaas-babs niya ang mga kilay at muling nagpakawala ng mapang-asar na ngiti. “Tsk! Tigilan mo ’ko! A
“Diana!” Sindak na sigaw ni Danny.Si Mariel naman ay muntikan nang mabuwal sa kaniyang kinatatayuan dahil sa nerbiyos kung hindi nga lang naagapang saluhin ni Nanay Karina. “Sa susunod na ipuputok ko ’to, siguradong may tatamaan na sa inyo. Kaya umalis na kayo habang nakakapagtimpi pa ako. Buhay ang nawala sa akin. At kapag nagdilim ang paningin ko ay baka buhay din ng isa sa inyo ang maging kabayaran.” Muli kong babala sa kanila. “D-Dan, tayo na. U-Umalis na tayo. Hindi puwedeng ma-stress ang anak natin dahil makakaapekto ’yan sa ipinagbubuntis niya,” nahihintakutang turan ni Mariel. “P-Patawarin mo sana ako sa naging kasalanan ko sa inyo ni Belen, anak. Hindi ko inaasahang hahantong ka sa ganito nang dahil sa kapabayaan ko,” nangilid ang mga luha at puno ng pagsisising turan ni Danny.Kapagkuwa’y nilapitan niya si Diana na namumutla at hindi na nakakilos sa kinatatayuan nito. “Halika na, anak. Umalis na tayo dito.” Tulala si Diana at tila wala sa sarili na nagpatianod sa pag-ak
“Ma’am Belle, nasa labas po ang mga magulang ng asawa ni Mister Martinez. Papapasukin po ba naman?” magalang na tanong ng isa sa dalawang bodyguards na itinalaga sa akin ni Karl. Sandali akong huminto sa pagbabasa ng nobela. Ipinatong ko sa hita ang maliit na libro at lumingon sa dalawang bodyguards na nakatayo sa may likuran ko. “Sige, papasukin mo sila.” Tumaas ang sulok ng labi ko at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa excitement. Dinampot ko ang libro. Muli kong ipinagpatuloy ang pagbabasa habang naghihintay sa kanila. Halos isang linggo nang pinababayaan ni Diana ang sarili niya. Ayon kay Lanie ay lagi daw walang ganang kumain. Minsan ay nakikita ko sa cellphone ni Karl kapag nagti-text o tumatawag siya pero hindi naman siya pinapansin. Pinapatayan lang siya ng tawag at binubura lang ang mga mensahe niya. “Siya ba? Siya ba ang walang hiyang kabit ng manugang ko?!”Maya-maya ay narinig kong sigaw ng isang tinig ng may edad na lalaki. Hindi ko na kailan
“Lanie, galit ka din ba sa ’kin?” tanong ko kay Lanie habang nagpapalit ng bedsheet ng kama sa isa sa mga guestroom sa second floor. Bahagya niya akong tinapunan ng tingin ngunit agad ding napayuko saka muling ibinaling ang atensiyon sa kaniyang ginagawa. “A-Ano po kasi, Ate–ay! M-Ma’am Belle pala..” nauutal na tugon niya. Huminto siya sa pagsasalita. Tumuwid siya ng tayo at huminga ng malalim bago muling tumingin sa akin. Dumaan ang disappointment sa mga mata niya ngunit agad ding napalitan ng lungkot. “Okay lang, huwag mo na akong tawaging Ma’am, ate na lang. Hindi naman ako ang nagpapasahod sa ’yo,” ani ko at tipid na ngumiti. “Sa totoo lang, hindi ko po alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Na-disappoint po ako sa ginawa mo. And at the same time po ay nalulungkot din. Alam kong may dahilan ka kung bakit mo ito ginagawa. Ramdam ko po na mabait ka, Ate. Hindi ko po kasi makita sa mga mata mo na may pagmamahal ka para kay Sir Karl,” aniya saka naupo sa kama hawak ang bedshe
“Good morning!” masiglang bati ko kay Diana pagpasok niya sa silid namin ni Karl. Bitbit niya ang mga gamit na panglinis sa kwarto. Inalis ko ang kumot na nakatabing sa aking katawan. Tumayo ako at naglakad palapit sa kaniya. Biglang namilog ang mga mata niya pagkakita sa suot kong pangtulog na halos wala namang maitago dahil sa sobrang nipis. Kasalukuyang naliligo si Karl kaya ako na lang ang naiwan sa kama. Hindi siya tumugon sa naging pagbati ko. Itinaas niya ang noo at blangko ang kaniyang mukha bago nagsalita, “Masaya ka na ba sa ginawa mong pagsira sa pamilya namin? Hindi mo lang inagaw ang asawa ko, pati pamamahay ko inagaw mo na rin,” aniya sa kalmadong tinig. “Wala akong inaagaw sa ’yo, Diana. Kusang lumapit sa akin ang asawa mo. Siya ang unang nagpakita ng motibo at umamin na may gusto sa akin. Pasalamat ka pa nga at inalisan kita ng sakit sa ulo.” Ngumiti ako sa kaniya ng nakakaloko. Tumalim ang mga mata niya at naikuyom ang isang kamao. “Ang kapal din talaga ng pagmu
“Hi! Ang aga mo yatang pumunta dito?” Bungad ko kay Karl pagbukas ko ng pinto. Ngumiti ako sa kaniya na agad din niyang ginantihan. Halos katatapos ko lang gawin ang skincare routine ko tuwing gabi. Na-receive ko pa ang text niya bago ako pumasok sa banyo para maligo. Heto at naririto na siya kaagad. Nilakihan ko ang bukas ng pinto para papasukin siya. Hinapit niya ako at pinatakan ng mabilis na halik sa labi.“Na-miss kita kaya inagahan ko ang punta,” anas niya matapos pagdikitin ang noo naming dalawa. Ipinulupot ko ang braso sa kaniyang leeg. “Gusto mo doon na din ako matulog sa kwarto mo?” malambing kong tanong. Natigilan siya at biglang inilayo ang mukha sa akin. “R-Really? You want to sleep in my room?” hindi makapaniwala na tanong niya sa akin. Mahihimigan ng pagtataka at excitement sa boses niya. Kumislap din sa tuwa ang kaniyang mga mata. Tumango ako at muling nagpakawala ng matamis na ngiti. “Opo, gusto kitang makatabi. Basta tabi lang, walang gapangan, ha?” Umawang an
“Saktong-sakto ang pagkahuli sa inyo ni Diana kagabi, ah.” Nakangising bungad sa akin ni Christan pagpasok ko sa kusina upang mag-almusal. Kumunot ang noo ko pagkarinig sa sinabi niya. “So, naglagay ka din pala ng CCTV sa tapat ng kwarto ko?” Tinaasan ko siya ng kilay. Tinungo ko ang counter island at kumuha ng tasa para magtimpla ng kape. “Oo naman! Malay ba natin, baka mamaya puwersahin ka ni Martinez na may mangyari sa inyo. At least ’di ba may ipapakita tayong ebidensiya sakaling may gawin siyang hindi maganda.” Pinagkrus niya ang mga braso sa d*bdib at sumandal sa upuan na yari sa matibay na uri ng kahoy. Napairap ako. “Tsk! Wala pang nangyayari sa amin. Hindi siya kagaya ng iba diyan na sinamantala ang pagiging problemado ng babaeng mahal niya para lang makuha ang gusto.” Pasaring ko sa kaniya. Muli siyang napangisi sabay iling. “Lalaki ’yun, imposibleng hindi ’yun maakit sa ’yo. Sa ganda ba naman ng mukha at katawan mo. Kung wala nga lang akong ibang babaeng mahal baka nagu