Chapter: Chapter 16“Ano ang ibig sabihin nito, Winsley? Bakit nakasandal sa ’yo ’yang secretary mo? Kulang na lang buhatin mo siya! Pinagtataksilan mo ba ako, ha?! Kaya ba parang lagi kang wala sa sarili?” Nabitin sa ere ang akma kong pagkatok sa pinto ng kwarto nila Diana. Ang akala ko ay nakaalis na siya kaya umakyat ako para maglinis at para akiting muli si Karl. Nakaawang ng bahagya ang pinto nila kaya dinig na dinig ko ang boses niya. “Wala akong ginagawang masama, Diane. Bigla siyang nahilo ng mga oras na ’yan kaya ko siya sinalo. Ano ang gusto mo, hayaan ko na lang siyang bumagsak sa sahig gano’n ba?” Paliwanag naman ni Karl sa tila naiiritang boses. “At saka pinababantayan mo ba ang mga kilos ko, ha? Bakit may mga ganitong pictures?” Dagdag pa niya. “Hindi kita pinababantayan, Winsley. May nagpadala lang sa akin ng mga pictures na ’yan. Kung wala kayong ginagawang masama, bakit madalas siyang sumakay sa kotse mo tuwing pauwi ka na? Tingnan mo ’to, nakaalalay ka pa sa kaniya! Last week may na
Huling Na-update: 2025-02-07
Chapter: Chapter 15Ilang araw kong iniwasang magpang-abot kami ni Karl. Tuwing magpapahatid siya ng pagkain sa itaas ay si Lanie ang inuutusan kong magdala. Pansamantala din akong nakipagpalit sa kaniya sa paglilinis sa itaas. Abala ako sa pagsasampay ng mga nilabahan kong damit nang maramdaman kong may papalapit sa kinaroroonan ko. Wala sina Nanay Karina at Tatay Mario dahil namalengke sila. Umalis naman si Diana Kasama si Lanie. Walang ibang pupunta dito kung ’di si Karl dahil siya lang naman ang hindi lumabas ng bahay. Tumikhim siya bago nagsalita. “Belle . . .” mahinang sambit niya sa pangalan ko. Nagkunwari akong hindi siya narinig. May nakalagay na earphones sa tainga ko pero kanina pa ako huminto sa pakikinig ng tugtog. Inayos ko ang pagkakasampay sa tuwalyang nilabahan ko. Itinapat ko ang katawan sa tumutulong tubig na nagmumula sa tuwalya. Mas lalong nabasa ang manipis kong damit kaya bumakat ang aking malulusog na d*bdib. Ramdam kong mas lumapit siya sa akin. Bigla akong pumihit paharap.
Huling Na-update: 2025-02-06
Chapter: Chapter 14“Uhm, Belle . . .” Nahinto ako sa paghuhugas ng plato pagkarinig ko sa boses ni Karl. Humarap ako sa kaniya. Ngunit agad din akong yumuko para isipin niyang nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina. “I would like to say sorry for what happened earlier. Hindi ko sinasadya na mapatingin sa ano mo. Busy kasi ako kanina kaya ngayon lang ako makahingi ng paumanhin.” Thirty minutes bago ko binalikan ang mga pinagkainan niya. Nakatutok siya sa laptop nang pumasok ako. Halos patakbo akong pumasok at lumabas sa kaniyang silid. “P-Pasensiya na din po, Sir. Huwag n’yo po sana akong pag-isipan ng masama. Ayaw ko pong mawalan ng trabaho. Ako na lang po ang katuwang ni Mama sa pagpapaaral sa dalawa kong nakababatang kapatid.” Mangiyak-ngiyak akong tumingala sa kaniya. “Nasabi nga sa akin ng asawa ko. Alam kong hindi mo naman ginusto ’yun. Ako nga ang may kasalanan sa ’yo. Huwag kang mag-alala, hindi kita tatanggalin sa trabaho.” “T-Talaga po? Hindi kayo galit sa ’kin? Hindi n’yo ’ko tatanggalin
Huling Na-update: 2025-02-04
Chapter: Chapter 13 “Good morning, Ma’am Diana!” magkakasabay na bati namin nila Nanay Karina pagpasok ni Diana sa dining area. “Good morning din sa inyo!” Lumabas ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin nang tapunan niya kami ng tingin habang nakangiti. “Siya po ba ang bagong kasambahay, Nanay Karina?” tanong niya kay Nanay pero nasa akin naman nakatuon ang mga mata niya. “Oo, Iha. Siya si Belle Seballo. Galing siya sa probinsiya. Lumuwas siya dito sa maynila at nakitira sa kaniyang tiyahin para maghanap ng trabaho. May dalawang kapatid siyang pinapaaral,” kuwento ni Nanay. Bago ko tuluyang pabalikin si Belle sa kanilang probinsiya ay inalam ko muna ang ilang impormasyon tungkol sa kaniyang buhay. Nabuntis umano ang ina niya ng isang lalaking may asawa at mga anak na. Pinabayaan daw sila nang mahuli ng tunay na asawa. Pero kalaunan ay nambabae ulit at tuluyang inabandona ang legal na pamilya. Ipinaghila ni Nanay si Diana ng upuan. Gusto kong taasan siya ng kilay sa kaartehan niya
Huling Na-update: 2025-02-03
Chapter: Chapter 12 “Bes, sure ka na ba dito? Ako ang kinakabahan sa gagawin mo, eh.” Isinara ko ang maleta at tumingin kay Cathy. Nakapamaywang siya at puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha habang nakatunghay sa akin. “Oo, Cath. Kailangan kong gawin ’to. Sila ang dahilan ng lahat ng masasamang nangyari sa buhay ko. Kung hindi dahil sa kanila, baka buhay pa ngayon si Mama. Inabandona kami ni Papa nang dahil sa kanila,” buo ang loob na sagot ko. Tatlong araw kaming nanatili sa bahay nila Tita Jocy. Napagdesisyunan kong ipa-renovate ang bahay nila at bilihan sila ng mga bagong gamit sa bahay. Ayaw nilang pumayag noong una pero kalaunan ay tinanggap na din nila ang tulong na inaalok ko dahil sinabi kong magtatampo ako sa kanila. Balak ko din na magpatayo ng maliit na grocery para kay Jovy pero hindi ko muna ipinaalam sa kaniya dahil baka tanggihan nila lalo na si Marc na alam kong masiyadong mataas ang pride. “Nag-aalala kasi ako para sa ’yo. Baka sa huli ikaw lang ang masaktan. Buo na ba t
Huling Na-update: 2025-02-01
Chapter: Chapter 11“Maraming salamat sa pagbisita mo sa amin, Iha. Kumusta ka na pala? Sa nakikita ko ngayon, mukhang natupad mo na ang pangarap mong makapagtapos ng pag-aaral at guminhawa ang buhay,” nakangiting turan ni Tito Vicente. “Wala pong anuman, Tito. Ikaw po talaga ang una kong naalalang puntahan. May mga pasalubong po pala ako. Nasa sasakyan po. Dadalhin na lang po maya-maya ng driver ko.” Sa kabila ng mga ginawa sa akin ni Tita Jocy, itinuturing ko pa ring utang na loob ang pagkupkop at pagpapaaral nila sa akin lalo na kay Tito Vicente. Dalawang libo lang ang sumobra sa pera ko matapos kong magbayad ng pamasahe papuntang Maynila. Mabuti na lang at binigyan ako ni Tito ng extra na pera bago ako umalis. Sariwa pa sa alaala ko ang huling araw ng pag-uusap namin bago ako umalis sa lugar na ito. “Heto, idagdag mo para sa pag-alis mo. Alam kong kulang na kulang na ang ipon mong pera magmula nang maaksidente ako. Mahal manirahan sa Maynila kaya huwag mo na ’tong tanggihan. Ipon ko ’yan noong nam
Huling Na-update: 2025-01-31