โ๐๐ฐ ๐บ๐ฐ๐ถ ๐๐ณ๐ฆ๐ธ ๐๐ข๐ญ๐ต๐ฐ๐ฏ ๐ต๐ข๐ฌ๐ฆ ๐๐ช๐ญ๐ช๐ข๐ฏ ๐๐ฐ๐ด๐ฆ ๐๐ข๐ณ๐ต๐ช๐ฏ, ๐ต๐ฐ ๐ฃ๐ฆ ๐บ๐ฐ๐ถ๐ณ ๐ญ๐ข๐ธ๐ง๐ถ๐ญ๐ญ๐บ ๐ธ๐ฆ๐ฅ๐ฅ๐ฆ๐ฅ ๐ธ๐ช๐ง๐ฆ, ๐ต๐ฐ ๐ด๐ฉ๐ข๐ณ๐ฆ ๐บ๐ฐ๐ถ๐ณ ๐ญ๐ช๐ง๐ฆ ๐ฐ๐ฑ๐ฆ๐ฏ๐ญ๐บ, ๐ด๐ต๐ข๐ฏ๐ฅ๐ช๐ฏ๐จ ๐ธ๐ช๐ต๐ฉ ๐ฉ๐ฆ๐ณ ๐ช๐ฏ ๐ด๐ช๐ค๐ฌ๐ฏ๐ฆ๐ด๐ด ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ช๐ฏ ๐ฉ๐ฆ๐ข๐ญ๐ต๐ฉ, ๐ช๐ฏ ๐ซ๐ฐ๐บ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ช๐ฏ ๐ด๐ฐ๐ณ๐ณ๐ฐ๐ธ, ๐ช๐ฏ ๐ฉ๐ข๐ณ๐ฅ๐ด๐ฉ๐ช๐ฑ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ช๐ฏ ๐ฆ๐ข๐ด๐ฆ, ๐ต๐ฐ ๐ค๐ฉ๐ฆ๐ณ๐ช๐ด๐ฉ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ญ๐ฐ๐ท๐ฆ ๐ง๐ฐ๐ณ๐ฆ๐ท๐ฆ๐ณ๐ฎ๐ฐ๐ณ๐ฆ?โ Lily knew that she was useless in her family. Wala siyang matinong nagawa sa buong buhay niya kaya madalas siyang pagbuhatan ng kamay ng kanyang ama o kaya ay ng kanyang madrasta. No one treated her well, even the maids in her home. They all believe sheโs a nuisance. Dumating ang araw na nagkaroon siya ng silbi sa kanyang ama nang kailangan nitong makipagkasundo sa Pamilya Dalton. Kahit takot na takot sa kanyang magiging asawang si Drew ay wala siyang magawa kung hindi ipagpatuloy ang kanyang obligasyon bilang Martin. Sa unang gabi pa lang ay ipinaramdam na kaagad ni Drew ang disgusto sa kanya. Malayo siya sa mga babaeng nakakasalamuha nito. Sino nga ba ang magnanais sa isang tulad niyang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, payat at hindi masyadong kagandahan? Ngunit determinado siya na ipaglaban ang kasunduan kay Drew kaysa bumalik sa tahanan ng mga Martin na umabuso sa kanya. TRIGGER WARNING: This book contains adult language and subjects, including graphic violence, explicit content, and assault on women that may disturb some readers. I do not intend this book for readers below adulthood.
View MoreMonths before Lily and Drewโs wedding With Kael's assistance, Lily and Drew moved to a new home near Burnham's villa. Mas malaki ito sa luma nilang tirahan, ngunit binuksan na ni Lily ang kanyang puso na tumira sa mas malaking tahanan tulad ng nais ng kanyang asawa. Nakapagsimula na siyang magrehistro ng kanyang business sa tulong ni Danica na ngayon ay mas piniling magpunta sa resort nito sa Boracay para asikasuhin ang kabubukas lang na resort doon. Ayaw ni Drew na kunin ang serbisyo ni Kael, ngunit walang ibang mapagkakatiwalaan si Lily kung hindi ang lalaki kahit pa nga may naganap sa pagitan nito at Danica. โI accepted your dad's offer to lead the engineering team about his project in Melbourne, Australia,โ pagbibigay-alam ni Kael kay Lily habang nililibot nila ang bago niyang tirahan na katatapos lang nito. โHindi ako nagtanong sa kung ano ang naganap sa inyo ni Danica dahil bothered din ako sa kaso ni Carmela at Kenneth. Ano ba ang tunay na nangyari, Kael?โ
KITA ni Lily mula sa bintana na seryoso ang pinag-uusapan nina Drew at Mr. Walton. Lumapit sa kanya si Danica. โBy the way, sis. Heto โyong pinabili mo sa โkin,โ anito at saka inabot ang supot sa kanya na dinukot mula sa bag. โDid you tell Orion?โ Umiling si Danica. โGood! Kapag sinabi mo kay Orion sigurado ako na sasabihin niya kay Drew.โ โBakit nga ba ayaw mong sabihin kay Drew, eh, asawa mo โyon?โ ani Danica na nakakunot ang noo. โAyoko kasing ma-pressure siya. Isa pa, gusto ko munang makasiguro.โ Umikot ang mata nito. Abala sina Lauren at Kori sa anak ng mga ito. Sina Orion, Finn at Brett ay kasalukuyang naroon sa tabi ng pool at nagkukuwentuhan kasama ng kanyang ama. Pumuslit si Lily sa silid nilang mag-asawa. Nakasunod sa kanya si Danica. Nitong mga huling araw ay sumasama ang pakiramdam niya sa umaga. Nagkaroon pa ng pagkakataon na hilong-hilo siya sa amoy ng sasakyan habang papasok at isinuka niya rin iyon sa opisina. Hinugot niya ang pregnancy
NATUKOY ng mga pulis si Keith, ang taong umatake sa bahay nina Drew at Lily, matapos lang ang ilang araw dahil sa mga mensahe na ipinadala nito sa cellphone ni Brian at sa dash cam ng sasakyan ng huli na nagkataong bukas ng oras na iyon at nakuhanan ang motor ni Keith at ang license plate nito. Binuksan muli ang kaso ni Carmela at nanghingi ng tawad dito si Faye matapos nitong makapagsalita ng hindi maganda sa nurse. Tulad ng nasa isipan ni Lily, pressured na ang babae sa publiko, sa korte, sa pamilya at sa trabaho nito sa ospital. Nagsinungaling naman talaga ito at nais nitong kunin ang atensiyon ni Kenneth. Tulad ng alam niya, malaki ang pagkakagusto nito sa doktor. Masyadong masalimuot ang mga naganap, ngunit nakuha ni Lily ang nais niya. Alam niya na katapusan na ng kampo ni Kenneth lalo na at may murder pa na nadagdag para kay Keith sa pagpatay kay Brian at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. *** SIX MONTHS LATERโฆ Lumipat ng bagong tirahan sina Lily at Drew. Hindi
PATULOY na nanginginig si Danica sa takot, lungkot, at sakit sa puso niya sa lahat ng nangyari sa araw na iyon, hanggang sa dumating si Kael, kasama si Faye. Lalo siyang naiyak dahil tila pinatotohanan ng mga ito ang sinabi sa kanya ni Lily. Akala pa naman niya ay nasa Hong Kong pa rin ang lalaki. Malakas ang kumpiyansa ng babae, para bang nakahanda ito sa giyera ano mang oras. Nagsipasukan ang mga ito sa loob ng bahay ni Lily para tingnan kung ano man ang laman ng USB na bigay ni Brian. Naiiyak naman siya habang nakaupo sa bench. Hindi siya makatingin kay Kael. Ang totoo ay ramdam niya na para bang may kakaiba sa inaakto nito. Para bang napapagod na ito sa oras na iyon. Nilapitan siya ni Kael habang naroon sila sa labas. โAre you alright, Dan?โ Umiling siya habang naglalandas ang luha. โMay masakit ba sa โyo?โ Tumayo siya. Kailangan niyang alamin ngayon ang totoo. "All I want is the truth, Kael. Did you have a relationship with Attorney Faye?" Natigilan ang lala
[This chapter may be unsettling for some readers due to the uncomfortable situations encountered while uncovering the truth in the evidence.] โAhhhhh!โ Umalingawngaw ang sigaw nila ni Danica kasabay ng mga putok. Nahila siya ni Drew padapa. Nanginginig sa takot habang nanlalaki ang mata ni Lily na pumailalim sa kanyang asawa. Palibhasa ay alerto si Orion, nagawa nitong tumalikod para protektahan si Danica at saka tumalon sa pool ang mga ito, nagtago sa ilalim ng tubig. Nabasag ang mga vase, ang salamin at ang lahat ng nahagip ng mga bala. Matapos ang sandali ay narinig na lang ni Lily ang pagtigil ng mga putok kasunod ang papalayong motor. โDamn it!โ mura ni Drew bago umupo. โD-Drew? Are you alright?โ garalgal ang tinig na tanong ni Lily. โIโm fine!โ โD-Danica!โ Kinakabahan niyang tawag sa kapatid. โOrion!โ Umahon mula sa kinatataguang tubig ng pool ang dalawa. โKuya!โ sigaw ni Danica matapos mapuna ang sumisirit nitong dugo sa braso. โKuya Orion!
INAYA ni Danica si Lily na lumabas makalipas ang dalawang araw. Namimili sila ng mga damit nang mapag-usapan nila si Kael. โMay gusto ka ba kay Engineer Kael?โ tanong ni Lily sa dalaga. โHa? Wala noh! Bakit mo naman naitanong?โ tugon nito, namumula ang pisngi at halatang umiiwas. โDahil hindi kita masisisi kuung sakali na magkaroon ka ng pagtingin sa kanya. Mabait si Kael, guwapo, at saka may maayos na buhay at relasyon sa pamilya nilaโฆ Higit sa lahat, gusto kong malaman kung kailangan ko bang protektahan ang damdamin mo. Heโs still in love with Faye Burnham.โ Natigilan ang kapatid niya sa pagkilos. โโY-yong abogada?โ Tumango si Lily. โP-pero hindi baโt may nobyo โyon? Magpapakasal na si Faye, โdi ba? At saka, paano silang nagkaroon ng relasyon?โ Hinaplos niya ang buhok ni Danica. Alam ni Lily na nagsisimula na itong makaramdam ng pagmamahal kay Kael kahit na i-deny nito ang lalaki. "Unfortunately, they have a history. Masyado lang metikuloso ang pamilya ni Lauren dah
KOWLOON, Hong Kong. Alas siyete ng gabi, ibinaba ng taxi si Kael sa tapat ng Artus Hotel. Dito siya itinuro ni Faye. Nakailang pag-aatubili siya bago niya naisip na tumuloy dito sa ibang bansa. Nagwagi ang isipan niya na kailangan niyang samahan ang dalagaโkahit ngayon lang. Nagpunta siya sa opisina at hinintay ang oras ng flight niya. Nang sumapit ang tanghali ay sinabihan niya ang sekretarya niya at ikansela ang lahat ng kailangan niyang gawin sa araw na iyon dahil kailangan niyang umalis. Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta dahil sa tabil ng dila nito ay baka masabi pa nito kay Lauren na nangibang bansa siya. Dalawang palit ng damit lang ang dinala niya dahil wala naman siyang plano na magtagal dito sa ibang bansa. Kailangan niyang pilitin si Faye na umuwi sa Pilipinas dahil una, pakiramdam niya ay magtataksil siya kay Danica. Kaninang umaga nga ay iniwan niya ito nang tulog pa sa kanyang kuwarto. Hinayaan niyang magpahinga ang dalaga. Ikalawa, kapag nalaman ito
NALUNGKOT si Lily nang bawiin ni Carmela ang kaso. Nanatili ito sa bahay habang kasama ni Drew. Nais ni Danica na sorpresahin si Kaelโna ang bahay sa tapat nito na bigay ng kanyang amaโang lilipatan niya. Masaya siya dahil siya mismo ang magde-decorate o mag-aayos nito. Dumating ang ilang gamit at nagsimula siyang ayusin ang mga kasangkapan na inabot ng tatlong oras. Nang dumating ang alas-sais ay nakatanggap siya ng tawag kay Kael. Mula sa bintana sa kuwarto sa itaas ay pasimple niyang sinilip ang kabilang bahay at natagpuan ang lalaki mula sa silid nito, nakahubad. Nasamid siya sa nasaksihan. Napalunok din habang pinapasadahan ang mala-adonis nitong katawan. Hindi niya inaasahan na balewalang nagtanggal lang ito ng saplot. Hindi ba nito alam na posible itong makita ng kapitbahay? They are neighbors now, right? โHello, lady! Have you already taken your dinner?โ tanong ng lalaki sa kanya. Hindi na iyon bago sa kanya. Madalas siya nitong ayain na kumain sa bahay nito. Bas
MADAMI ang naganap sa kaso ni Carmela. It was chaotic. Ang hindi inaasahan at nakasama sa loob ni Lily ay biglang binawi ng babae ang kaso laban sa grupo ni Kenneth. Nabigla doon si Lily at lalo siyang nasaktan. Nais niyang umiyak sa sobrang sama ng loob. โIโm going to Fayeโs office,โ hiling niya kay Drew. Nakapahinga siya sa loob ng ilang araw at alam niya sa sarili na handa siyang harapin kung ano man ang problema. She needed to face this before she could truly accept it. โBabeโฆ Hindi ko alam kung makabubuti sa โyo ang pagpunta sa opisina nila,โ ani Drew na nag-aalala. โDrew! Gusto kong malaman kung bakit walang nangyari sa kaso! Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang nasa posisyon ko? Nananahimik ako nang kasama ka. Nakahanda na akong ipagpaubaya kung ano ang mga naganap noon dahil gusto ko ng peace of mind. Sila itong nangulit sa โkin! Binuksan ko ang sarili ko at inalala ang nakaraan ko na pinilit ko nang kinalimutan! At pagkatapos ay biglang aatras si Carmela? Naniwala
[This chapter may disturb some readers. A trigger warning is advised.] Lilyโs heart was beating frantically. Isinama siya ng kanyang stepbrother na si Kenneth sa bachelorโs party ng kaibigan nito na matatagpuan sa isang hotel. Alam niya na hindi maganda ang intensiyon ng lalaki, gayunman ay wala rin siyang magawa kung hindi ang sumunod dito dahil natatakot siya sa banta ng lalaki.โฏ โIโll kill your precious Manang Puring if you disobey me,โ natatandaan niya ang nakalarawan at nakadedemonyong ngiti ni Kenneth bago siya nito dalhin sa lugar na iyon. โHello, boys!โ anang huli matapos silang pagbuksan ng pintuan.โฏ โWow, Ken!โ Sumipol ang isa. โTalagang isinama mo si Lily?โ Namumula na ang mata nito, kung sa anong dahilan ay hindi na niya inintindi pa.โฏ โGet inside!โ marahas na utos sa kanya ng kanyang kapatid. Itinulak siya nito nang mag-atubili siya.โฏ โP-pleaseโฆ. I want to go homeโฆโ naiiyak niyang usal. Limang lalaki ang naroon at wala na siyang nakikita pa na iba. Natatakot siya la...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista๏ผnais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isangย manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments