Four years later…
NANGANGATOG ang kabuuan ng katawan ni Lily habang inaayusan siya at binibihisan ng dalawang assistant.
Araw iyon ng kanyang kasal sa taong hindi pa niya nakita kahit isang beses. Dapat ay makikilala niya si Drew Walton noong nakaraan pa ngunit ipinamukha nito sa kanya na hindi ito gaanong interesado sa kanilang kasunduan nang umalis ito ng bansa noong araw mismo ng pagdalaw ng pamilya nito para pag-usapan ang kasal.
Master Walton, his grandfather, likes her.
It infuriated her father that evening. "It was all your fault! Maybe Drew doesn't want to marry you because you're ugly!" Matapos nitong sabihin iyon ay hinampas siya nito ng tungkod sa likuran na ilang linggo niyang ininda.
Her stepmother sneered. Nakatunghay lang sa kanya si Kenneth na parang demonyong nag-aabang sa gilid noong gabi na iyon. Nais niyang alisin sa mukha nito ang ngiti nitong iyon. Ang lalaking ito ang numero-unong sumira ng kanyang buhay. Nais niyang maging malakas ngunit paano? Hindi nga siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil na-bully siya noong kolehiyo sa utos mismo ng kanyang kapatid.
“Lily, you know I care about you. Kung sakaling itakwil ka ni daddy, huwag kang mag-alala, I’m still here to help you,” Kenneth said, caressing her cheeks. That man was a lunatic psychopath! Hindi niya mabasa ang isip nito na sobrang malikot. May mga bagay ito na ipinapasok sa kanyang isip na dahilan kaya siya takot sa mundo. He manipulated her naïve mind. He likes to watch her tremble in fear.
Sa kabuuan ng preparasyon ng kanyang kasal ay inasikaso iyon ng isang wedding planner. Siguro ay sila ni Drew ang pinaka-weird na kliyente nito dahil ito na ang bahala sa lahat. Ang Pamilya Dalton ang nagbigay ng mga detalye para sa araw na iyon at ito ang gumastos ng lahat. Nakita niyang minsan ang larawan ni Drew sa internet. Malamig ang mukha nito, tulad ng kanyang ama. Ano ang gagawin niya kung sakaling saktan siya ng lalaki?
Nagbalik si Lily sa kasalukuyan nang nagbukas ang pintuan at humakbang papasok ang kanyang ama. Agad niyang pinunasan ang kanyang luha na namuo.
“Drew came. Mabuti at interesado pa rin siya sa kasal n’yo.” Kita niya ang kaseryosohan sa mukha ng lalaki. “Tandaan mo na kahit papaano ay nagkaroon ka ng silbi! Do your job as my daughter!”
“Honey, huwag ka namang ganyan kay Lily. His grandfather had already signed the agreement. He will support the expansion of our manufacturing business,” wika ng kanyang madrasta na nakangiti nang makahulugan. Madalas na disgusto ang ibigay nito sa kanya. Madalas din siya nitong gulpihin.
Nakagat na lang ni Lily ang kanyang labi. May kumatok sa pintuan bago iyon nagbukas. Lumitaw sa kanilang paningin ang wedding planner.
“Mr. Martin, we will start in fifteen minutes,” anunsiyo nito.
Hinarap siya ng may-edad na lalaki. “You'll be forced to live on the streets if you do something horrible today! I’m done with you!” banta ng kanyang ama.
Tumango lang si Lily kahit na gusto niyang umiyak nang malakas. Noong bata siya ay mahal siya ng lalaki at iyon ang nagpapanatili sa kanya sa tabi nito. Ngunit nang dumating ang mag-inang Kenneth at ang nanay nito, unti-unting lumayo ang loob nito sa kanya. Ipinamukha na sa kanya ng ginang na utang na loob niya ang mabuhay sa kanyang ama at magpasalamat siya dahil mayroon pa siyang tirahan.
Nabuhay siya araw-araw na iyon ang nasa isipan niya. Lumabas siya ng silid para tumungo sa bulwagan kung saan magaganap ang seremonyas.
“Lily!” naiiyak na lumapit sa kanya si Aling Puring na tanging may amor sa kanya. Ito na ang nag-alaga sa kanya mula pa noon. “Hindi mo kailangan gawin ang bagay na ito! Dadalhin kita sa probinsiya kung kinakailangan!”
Niyakap niya ang babae. May-edad na ito at hindi tama na maging pasanin siya ng ginang. Kaya ang sumama rito ang huling mapipili niya sa mga nakaplano niyang gawin.
“No! Ayos lang po ako,” aniya.
“Kilala kita, Lily. Hindi ayos ang bagay na ito! Narinig ko ang mga usapan tungkol kay Drew Walton. Hindi magiging maayos ang buhay mo sa taong iyon! Babaero siya—” wika ng ginang.
“Manang Puring, mag-ingat po kayo sa mga salita n’yo lalo na at baka may makarinig sa inyo,” banta niya rito. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Maimpluwensiyang tao ang mga Walton at baka ipahamak ito ng mga salita nito.
Nilagpasan niya ang ginang at nagpatuloy sa paglakad.
“Lily!” Ngunit hindi na ito sumunod dahil buo na ang desisyon niya.
Habang lumalapit siya sa bulwagan kung saan magaganap ang pagtitipon, dumodoble ang kanyang kaba. Paano kung saktan siya ng pisikal ng lalaking iyon tulad ng kanyang ama?
“Ipagpatuloy mo ang kasal na ito para naman magkaroon ka ng silbi sa ‘kin!” naalala niyang wika ng may-edad na lalaki.
Nangangatog ang kanyang binti nang pahintuin siya sa likod ng puting tabing. Naririnig niya ang mabagal na musika. Ilang saglit pa ay humawi ang kurtina. Nais niyang tumakbo o umatras lalo na at nakatingin sa kanyang direksiyon ang lahat ng tao sa loob.
Natagpuan niya ang lalaking nakasuot ng puting three-piece suit sa bungad. Mas dumoble ang kabog ng kanyang dibdib. Halatang madilim ang mukha nito na nakatingin sa kanyang direksiyon.
Lily, you can do this! Do something useful! Sa tahanan n’yo ay hindi rin naman maayos ang buhay mo!
Nagbigay iyon sa kanya ng lakas ng loob. Naglakad si Lily kahit parang gulaman ang kanyang binti palapit sa taong nasa bungad. Yumuko siya para maiwasan ang matakot o kaya naman ay bumaliktad ang kanyang lakas ng loob. Ilang metro pa siya na nakalapit sa lalaki nang mapasadahan niya ang anyo nito.
Mataas ito nang mahigit isang talampakan sa kanya. Halos nasa dibdib lang siya nito. Alon-alon ang buhok nito na kulay brown. Malapad ang dibdib at malalaki ang braso. Walang ngiti sa labi nito na inalok ang kamay sa kanya.
Dumoble ang kanyang kaba. Sigurado na kaya siyang ipitin ng mga braso nito. Siguradong durog ang kanyang katawan kung sakaling suntukin siya ng lalaki.
I should be thankful that he was here, right?
Ano nga ba ang karapatan niya na magreklamo kay Drew Walton? Magpasalamat siya dahil kahit kakaunting interes ay naroon ito sa pagtitipon na iyon.
“Dearly beloved, we are gathered here today…”
Tahimik sila ni Drew habang nagseseremonyas ang pastor sa kanilang bungad. Panay lang ang lingon niya sa lalaki para pagmasdan itong muli. Walang duda na guwapo si Drew. Hindi kataka-taka ang mga balita tungkol dito na iba-iba ang babaeng isinasama nito at hindi ito seryoso sa mga karelasyon.
Naniningkit ang mga mata nito na lumingon sa kanya kaya lalong dumagundong ang kanyang dibdib. Napapikit siya nang mariin.
“Will you, Drew Walton, cherish Lilian Rose Martin, as your lawful wedded wife, protecting her, and tending to her needs through illness and disappointment?” tanong ng pastor.
May ilang sandali bago sumagot ang lalaki ng “I will.”
“Will you, Lilian Rose Martin, cherish Drew Walton as your lawful wedded husband, protecting him, and tending to his needs through illness and disappointment?”
Sino siya para humindi sa bagay na iyon? Tinanggap ng lalaki ang alok na kasal sa kanya kaya dapat siyang magpasalamat! “I-I-I will.”
Umasim ang mukha ni Drew dahil para bang napilitan lang siya. Ngunit ang totoo ay hindi siya makapagsalita dahil sa sobrang kaba.
“Drew Walton, do you love Lilian Rose Martin willingly and completely, withholding nothing? Will you protect her, and give her your deepest consideration of her feelings, desires, and needs?”
Love? It’s obviously out of the question, but Drew responded, “I will.”
“Lilian Rose Martin, will you strive to keep your love flexible and adapt to changing circumstances in the marriage? And will you be Drew Walton’s counselor, helpmate, sweetheart & lover, and best friend, from this day forward?”
“I-I will…” sagot ni Lily.
“Do you Drew Walton take Lilian Rose Martin, to be your lawfully wedded wife, to share your life openly, standing with her in sickness and in health, in joy and in sorrow, in hardship and in ease, to cherish and love forevermore?”
Nagbuga ng hangin si Drew na para bang tinamad na ito sa mga katanungan. “I do.”
Inulit ng pastor ang tanong sa kanya. Wala nang atrasan! “I-I do…”
Ilang saglit pa ay nagpalitan sila ng singsing. It was beautiful in Lily’s eyes. Ngunit pinaalalahanan niya ang sarili na kahit gaano pa iyon kaganda ay mananatiling huwad ang kasal na iyon.
“I now pronounce you as husband and wife,” nakangiting wika ng pastor. “You may now kiss the bride!”
Inangat ni Drew ang kanyang mukha para matingnan siya nang maayos. Umikot sa kanyang baywang ang braso nito. Tila bumagal ang mundo ni Lily nang yumuko ang lalaki. Drew’s eyes were beautiful. Lumapat ang labi nito sa kanya.
Nananatili sa kanyang katawan ang tensiyon kaya naman bago pa siya makalanghap ng hangin ay nawalan siya ng malay.
***
“WHAT the fuck?!” asar na bulalas ni Drew nang maramdaman na tila naging gulaman ang kanyang asawa sa kanyang bisig.
Bago pa sila kumuha ng atensiyon ay pinangko niya ang babae na parang papel sa gaan. Mabuti na lang at natapos na ang seremenyas.
Lumapit ang kanyang bestfriend na si Finn. Nasa bungad lang ito at nasaksihan ang mga naganap. “What happened to her?”
“She passed out,” bulong niya. “Dadalhin ko na muna siya sa silid. Magpatawag ka ng doktor. Kori, entertain the guest. I don’t know what happened.” Umasim ang kanyang mukha.
Nagpipigil ng tawa si Kori na isa pa sa kanyang matalik na kaibigan kaya lalo siyang naasar. Kori was a beautiful married woman, his first love. But he already moved on. Limang taon na noong huli siyang magtapat dito na tinanggihan nito.
Sumunod sa kanya si Finn palabas. Naguluhan man ang mga bisita dahil tinungo nila ang exit ng bulwagan ay wala na siyang pakialam pa. Siguro ay iniisip ng mga ito na diretso na kaagad sila sa aksiyon ni Lily.
Lilian Rose? Her name was pretty, but her body was…
Ang sabi sa kanya ng kanyang abuelo ay Lily ang pangalan nito. Dumilim ang kanyang anyo. Halatang desidido ang matanda na turuan siya ng leksiyon para ibigay sa kanya ang babae na malayo sa tipikal na babaeng nakakasalamuha niya. He obviously didn’t like that he’s a fucker!
Pinilit nito ang kasal na iyon, kung hindi ay ibibigay nito sa iba ang buong Walton Group! Naghirap siya sa opisina. Higit sa lahat ay hindi siya papayag na mapunta ito sa mga tiyuhin niya na parang lobong naghihintay kung kailan sila mamamatay ng kanyang abuelo.
“I think I already saw her… Hindi ko lang matandaan kung saan,” usal niya habang nakatingin sa mukha ni Lily.
“You already saw her? Baka naman noong engagement n’yo?” sagot ni Finn.
“No…”
Inihiga niya sa kama si Lily nang makarating sila sa couple’s suite at saka ito pinagmasdan muli habang nakapikit ito. Tumawag ng tulong si Finn sa telepono. Sobrang liit ng kanyang bagong-bagong asawa. Sobrang payat. Kahit ang kabuuan ng mukha nito ay halos kasinglaki lang ng kanyang buong palad. She most likely has a small frame. Heck! Potentially extra-small! Her skin was pale white. Parang hindi man lang nabibilad sa araw. Is she pretty? She is... simple, cute! And not his usual type!
Beinte-kuwatro ang edad nito, ngunit para siyang nagpakasal sa sixteen-year-old na babae. Walong taon ang tanda niya rito.
“What’s wrong with her?!” naaasar niyang tanong matapos maisip na hinimatay ito matapos silang bendisyunan.
“Calm down!” ani Finn na tapos na sa tawag nito. “May aaakyat na medic.”
“Matutuwa ka ba kung sakaling hinimatay ang babae na binigyan mo lang naman ng halik sa labi? Tsk! I shouldn’t have agreed to this marriage!” naiiling niyang sabi.
“It’s too late for that! You already said, I do!”
“She's far from the women I’ve dated! I want big boobs, a sexy, or a woman with a curvy body! This woman is petite, innocent… Damn it! Does she even know how to suck a cock?” patuloy niyang reklamo.
“The women you fuck, you mean?” pagtatama ni Finn. “Drew, she’s a wife, not some random bitch! She’s not a whore!”
“I-I-I’m sorry…” narinig nila ang maliit na boses mula sa kama. Sabay silang napalingon ni Finn. Nakaupo na ang babae sa kutson, luhaan habang yakap ang unan.
May humaplos na awa sa kanyang dibdib habang nakatingin sa luhaan nitong pisngi.
“Damn it!” Nasapo niya ang noo. Marami silang nasabi ni Finn na hindi dapat nito narinig.
Her husband doesn’t like her. Iyon ang pumapasok sa isip ni Lily habang nauulinigan niya ang mga tinig na nag-uusap. Nagdilat siya ng mata at malinaw sa kanya kung paano siya pintasan ng lalaki. Ang gusto nito ay ‘yong tipo na mukhang modelo, hindi tulad niyang walang laman at lakas ang katawan. Kung sabagay. Sino nga ba ang magnanais sa katulad niyang hindi man lang makatulong sa kanyang pamilya? Magtataka pa ba siya? Kung ang sarili nga niyang tatay at mga kasama sa bahay ay hindi siya gusto. “I-I-I’m sorry…” aniya habang umiiyak. Sabay na napalingon sa kanya ang dalawang lalaki. “Damn it!” mura ni Drew na nahipo ang puno at gitnang bahagi ng kilay nito. Napapitlag naman si Lily at para bang nakikita niya ang lalaki na sasaktan siya anumang oras. “Bro, you are making it worse,” wika ng lalaking kasama nila. Sinubukan ng huli na lumapit sa kanya, ngunit lalo lang siyang natakot na nagtungo sa sulok ng kama. Nanginig ang kanyang katawan. Pumasok ang ilang imahe ng kalalakihan
Umupo si Drew sa tabi ng kama habang umiiyak si Lily. “I-I-I understand if you abandon me after tonight,” usal nito. Galit siya. Alam niyang siraulo siya, ngunit hindi niya akalain na may mas demonyo pa sa kanya. Nakaramdam siya ng awa sa babae. Normal iyon, tama? Kasabay niyon ay pang-unawa kung bakit ganito ang reaksiyon nito. “Lily, you know that I already agreed to this, right? I said I do, at hindi ako siraulo para umatras kaagad dahil lang sa hindi maganda ang sitwasyon na mayroon ka.” He accepted Lily. May dahilan kung bakit ito ang napili ng kanyang abuelo. Kanina nang makita niyang ginulpi ni Mr. Martin ang asawa niya ay para bang nais niyang sugurin ang lalaki. Nais niyang gawin sa taong iyon ang ginawa kay Lily. Nang malaman niya lalo ang ginawa ni Kenneth at ng mga kaibigan nito sa babae, tila sinilaban ng apoy ang kanyang dibdib. Gusto niyang ibalik sa mga ito ang ginawa sa babae at hamunin ang mga ito ng away. He was a troublemaker. Everyone knows that! At ang gi
“Honestly, I I'm not sure about this marriage either. May dahilan ka kung bakit ka nagpakasal sa ‘kin at mayroon din naman ako,” ani Drew. Hindi siya sigurado sa relasyong pinasok niya. Kagabi pa nga siya nag-iisip kung ano ang gagawin niya sa babae. Sigurado kasi siya na hindi sila tugma ni Lily. Masyadong malayo ang pagkatao nito sa araw-araw niyang buhay. He’s wild! Parties, sex, and women were his life. Pakakawalan niya rin ba iyon dahil sa nag-asawa na siya? “Kapag binago ko ang sarili ko dahil lang sa nag-asawa na ako, hindi tayo magiging masaya, Lily. Mauuwi at mauuwi sa hiwalayan ang relasyon natin. Dahil hahanapin ko ang buhay na mayroon ako at nakasanayan ko na hindi ako sigurado kung kaya mong pantayan.” Ayaw niyang sabihin sa kanyang asawa na ngayon pa nga lang ay sobrang haba na ng pasensiya na nilalaan niya rito. Nakita niya ang pag-aalala sa mata nito. Nagyuko ito ng ulo. “Talk, Lily.” Drew frowned. Mauubusan na siya ng laway sa dami ng nasabi niya, ngunit wala s
NAGBABA ng tingin si Lily at awtomatikong nag-isip kung paano siya makakaalis sa lugar na iyon. Tila hindi siya makahinga at nangatog ang kanyang kamay na may hawak na ginintuang card. Inangat ni Drew ang tingin sa lalaking bagong dating. Pagkatapos ay naningkit ang mata nang mahuli nito na nakangisi si Victor. “May problema rin ba?” Nababa ng tingin ang huli at saka sumagot ng, “No, sir! I’m the owner of this restaurant. Nagche-check lang ako ng mga customer kung ayos sila.” “We don’t have a problem. She was just overwhelmed,” ani Drew. “Good to hear, sir.” “Get the bill. Magbabayad na kami.” “Okay! I hope you enjoyed the food.” Lalayo na sana ito nang tawagin muli ni Drew. “And please bring this to your way.” Inabot ng kanyang asawa sa lalaki ang tisyu na pinagpunasan niya ng luha. “Pakitapon na rin. Ayoko ng may kakalat-kalat sa paligid.” Napalunok si Lily matapos marinig ang utos na iyon ni Drew. “Saglit lang, sir. I'll immediately ask my server to clear your
DUMATING si Lauren sa tirahan ni Drew kasama ang apat na taong gulang na anak ilang minuto matapos umalis ng kanyang asawa para sa opisina. Si Lily ang nag-welcome sa kaibigan nito. “Hi!” anito. Bahagyang nabigla si Lily nang halikan siya ni Lauren sa pisngi bago ipakilala ang cute na bata. “Anak namin ni Finn. Baby, kisss your Tita Lily.” Ngumuso ang batang lalaki at lumapit sa kanya. Muli, hindi pa naranasan ni Lily ang ganito. Kahit na 48-oras pa lang niyang nakilala si Lauren, naramdaman niya ang pagiging pamilyar at pagkakaibigan nito sa kanya. “Narito kami para sunduin ka. By the way, how are you?” ani Lauren. “Ayos lang ako. P-pasok muna kayo,” aniya. Bahagya siyang naasiwa dahil hindi pa siya nakatanggap ng bisita sa buong buhay niya. Ano ang gagawin niya? Paano niya ie-entertain ang kaibigan ni Drew? ‘Lily, dinalaw ka pa niya rito para siguruhin na ayos ka lang.’ “Tsk! Ayos ka lang ba rito?” Napangiwi ang babae nang mapuna ang mga gym equipment na halos sumakop sa
MAY kung anong bagay sa damdamin ni Drew ang nag-iinit sa tuwing nakadepende sa kanya si Lily. Sa loob ng isang buwan ay bahagya nang nagkaroon ng laman ang kanyang asawa. Natutuwa ang kalooban niya sa pagbabago nito kahit na noong una ay alam niyang nais nitong sumuko. Magaan na naglalandas ang kanyang daliri sa puno ng tainga nito na humuhubog sa leeg ng kanyang asawa. May kung anong bagay na nag-udyok pa sa kanya para laliman ang halik sa pagitan nila. It’s been a month already, and he was at his limit. Marahan niyang pinisil ang baywang ni Lily at saka pinangko sa ganoong posisyon. His cock’s head could already feel her heat. Hindi naghiwalay ang kanilang labi. Dinala niya ito sa malungkot at nag-iisang mahabang couch sa living room. Maayos na bumuka ang mga binti sa kanyang ibabaw kaya ramdam niya ang kaselanan nito na inilalayo lang ng manipis na leggings at ng kanyang shorts. Pinagsawa niya ang sariling labi sa tamis ng halik ni Lily habang iginigiya ang balakang
NANG umuwi si Drew sa bahay nila ay natagpuan niya si Lily na abala sa pagpinta sa pader na naroon sa living room. “Hi!” Niyakap niya ang baywang nito at saka hinalikan sa sentido. Nanatili siya sa ganoong posisyon habang pinagmamasdan ang makulay na pader. Nais niyang sanayin si Lily na parte na siya ng araw-araw nitong buhay. “You don’t like it?” tanong ni Lily na bahagyang lumingon sa kanya. Napangiti siya. “I like it! It’s you, its lily, a flower.” Aminado siya na hindi siya sanay na may ibang kulay siyang nakikita sa tirahan na iyon. Nasanay kasi siya na madilim doon. Surprisingly, he likes the colorful world Lily created. Walang mag-iisip na madilim ang mundo na mayroon ito. “Kung sana ay maaaring pintahan ang lahat. Maganda siguro ang lahat ng bagay…” malungkot nitong sabi. ‘Was she talking about her scars?’ “I intended to move to a bigger house for the two of us and look for a villa close to my grandpa's home. But I found myself wanting to stare at this wall n
“BOSS Drew, Mr. Victor Panganiban, the owner of the Italian Club wanted to meet you,” ani Sarah, ang assistant ni Drew mula roon sa intercom. He had suppressed Victor these past few days, and he was certain that the man was struggling to survive after causing significant damage to the Walton Group. Lumabag ito sa kontrata lalo na sa safety ng establisyemento dahil malaki ang damage ng sunog na naganap. Kahit ibenta nito ang dalawa pa nitong restaurant ay hindi sasapat sa utang nito sa kanya. Nagbigay na siya ng memo sa kanyang tauhan na kanya ang kaso ni Victor. Sigurado siya na nagtaka ang kanyang team at nakarating iyon sa lalaki. “Let him in.” Itinabi niya ang mga pinipirmahang dokumento sa isang panig. Maya-maya pa ay nagbukas ang pintuan. “Please come in,” narinig niyang wika ni Sarah. Pinapasok nito ang kanyang bisita at pagkatapos ay lumabas muli ng pribadong silid. “Mr. Walton…” Lumapit sa kanya ang lalaki. Nang luminaw siya sa paningin nito ay agad itong napatigil
Months before Lily and Drew’s wedding With Kael's assistance, Lily and Drew moved to a new home near Burnham's villa. Mas malaki ito sa luma nilang tirahan, ngunit binuksan na ni Lily ang kanyang puso na tumira sa mas malaking tahanan tulad ng nais ng kanyang asawa. Nakapagsimula na siyang magrehistro ng kanyang business sa tulong ni Danica na ngayon ay mas piniling magpunta sa resort nito sa Boracay para asikasuhin ang kabubukas lang na resort doon. Ayaw ni Drew na kunin ang serbisyo ni Kael, ngunit walang ibang mapagkakatiwalaan si Lily kung hindi ang lalaki kahit pa nga may naganap sa pagitan nito at Danica. “I accepted your dad's offer to lead the engineering team about his project in Melbourne, Australia,” pagbibigay-alam ni Kael kay Lily habang nililibot nila ang bago niyang tirahan na katatapos lang nito. “Hindi ako nagtanong sa kung ano ang naganap sa inyo ni Danica dahil bothered din ako sa kaso ni Carmela at Kenneth. Ano ba ang tunay na nangyari, Kael?”
KITA ni Lily mula sa bintana na seryoso ang pinag-uusapan nina Drew at Mr. Walton. Lumapit sa kanya si Danica. “By the way, sis. Heto ‘yong pinabili mo sa ‘kin,” anito at saka inabot ang supot sa kanya na dinukot mula sa bag. “Did you tell Orion?” Umiling si Danica. “Good! Kapag sinabi mo kay Orion sigurado ako na sasabihin niya kay Drew.” “Bakit nga ba ayaw mong sabihin kay Drew, eh, asawa mo ‘yon?” ani Danica na nakakunot ang noo. “Ayoko kasing ma-pressure siya. Isa pa, gusto ko munang makasiguro.” Umikot ang mata nito. Abala sina Lauren at Kori sa anak ng mga ito. Sina Orion, Finn at Brett ay kasalukuyang naroon sa tabi ng pool at nagkukuwentuhan kasama ng kanyang ama. Pumuslit si Lily sa silid nilang mag-asawa. Nakasunod sa kanya si Danica. Nitong mga huling araw ay sumasama ang pakiramdam niya sa umaga. Nagkaroon pa ng pagkakataon na hilong-hilo siya sa amoy ng sasakyan habang papasok at isinuka niya rin iyon sa opisina. Hinugot niya ang pregnancy
NATUKOY ng mga pulis si Keith, ang taong umatake sa bahay nina Drew at Lily, matapos lang ang ilang araw dahil sa mga mensahe na ipinadala nito sa cellphone ni Brian at sa dash cam ng sasakyan ng huli na nagkataong bukas ng oras na iyon at nakuhanan ang motor ni Keith at ang license plate nito. Binuksan muli ang kaso ni Carmela at nanghingi ng tawad dito si Faye matapos nitong makapagsalita ng hindi maganda sa nurse. Tulad ng nasa isipan ni Lily, pressured na ang babae sa publiko, sa korte, sa pamilya at sa trabaho nito sa ospital. Nagsinungaling naman talaga ito at nais nitong kunin ang atensiyon ni Kenneth. Tulad ng alam niya, malaki ang pagkakagusto nito sa doktor. Masyadong masalimuot ang mga naganap, ngunit nakuha ni Lily ang nais niya. Alam niya na katapusan na ng kampo ni Kenneth lalo na at may murder pa na nadagdag para kay Keith sa pagpatay kay Brian at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. *** SIX MONTHS LATER… Lumipat ng bagong tirahan sina Lily at Drew. Hindi
PATULOY na nanginginig si Danica sa takot, lungkot, at sakit sa puso niya sa lahat ng nangyari sa araw na iyon, hanggang sa dumating si Kael, kasama si Faye. Lalo siyang naiyak dahil tila pinatotohanan ng mga ito ang sinabi sa kanya ni Lily. Akala pa naman niya ay nasa Hong Kong pa rin ang lalaki. Malakas ang kumpiyansa ng babae, para bang nakahanda ito sa giyera ano mang oras. Nagsipasukan ang mga ito sa loob ng bahay ni Lily para tingnan kung ano man ang laman ng USB na bigay ni Brian. Naiiyak naman siya habang nakaupo sa bench. Hindi siya makatingin kay Kael. Ang totoo ay ramdam niya na para bang may kakaiba sa inaakto nito. Para bang napapagod na ito sa oras na iyon. Nilapitan siya ni Kael habang naroon sila sa labas. “Are you alright, Dan?” Umiling siya habang naglalandas ang luha. “May masakit ba sa ‘yo?” Tumayo siya. Kailangan niyang alamin ngayon ang totoo. "All I want is the truth, Kael. Did you have a relationship with Attorney Faye?" Natigilan ang lala
[This chapter may be unsettling for some readers due to the uncomfortable situations encountered while uncovering the truth in the evidence.] “Ahhhhh!” Umalingawngaw ang sigaw nila ni Danica kasabay ng mga putok. Nahila siya ni Drew padapa. Nanginginig sa takot habang nanlalaki ang mata ni Lily na pumailalim sa kanyang asawa. Palibhasa ay alerto si Orion, nagawa nitong tumalikod para protektahan si Danica at saka tumalon sa pool ang mga ito, nagtago sa ilalim ng tubig. Nabasag ang mga vase, ang salamin at ang lahat ng nahagip ng mga bala. Matapos ang sandali ay narinig na lang ni Lily ang pagtigil ng mga putok kasunod ang papalayong motor. “Damn it!” mura ni Drew bago umupo. “D-Drew? Are you alright?” garalgal ang tinig na tanong ni Lily. “I’m fine!” “D-Danica!” Kinakabahan niyang tawag sa kapatid. “Orion!” Umahon mula sa kinatataguang tubig ng pool ang dalawa. “Kuya!” sigaw ni Danica matapos mapuna ang sumisirit nitong dugo sa braso. “Kuya Orion!
INAYA ni Danica si Lily na lumabas makalipas ang dalawang araw. Namimili sila ng mga damit nang mapag-usapan nila si Kael. “May gusto ka ba kay Engineer Kael?” tanong ni Lily sa dalaga. “Ha? Wala noh! Bakit mo naman naitanong?” tugon nito, namumula ang pisngi at halatang umiiwas. “Dahil hindi kita masisisi kuung sakali na magkaroon ka ng pagtingin sa kanya. Mabait si Kael, guwapo, at saka may maayos na buhay at relasyon sa pamilya nila… Higit sa lahat, gusto kong malaman kung kailangan ko bang protektahan ang damdamin mo. He’s still in love with Faye Burnham.” Natigilan ang kapatid niya sa pagkilos. “‘Y-yong abogada?” Tumango si Lily. “P-pero hindi ba’t may nobyo ‘yon? Magpapakasal na si Faye, ‘di ba? At saka, paano silang nagkaroon ng relasyon?” Hinaplos niya ang buhok ni Danica. Alam ni Lily na nagsisimula na itong makaramdam ng pagmamahal kay Kael kahit na i-deny nito ang lalaki. "Unfortunately, they have a history. Masyado lang metikuloso ang pamilya ni Lauren dah
KOWLOON, Hong Kong. Alas siyete ng gabi, ibinaba ng taxi si Kael sa tapat ng Artus Hotel. Dito siya itinuro ni Faye. Nakailang pag-aatubili siya bago niya naisip na tumuloy dito sa ibang bansa. Nagwagi ang isipan niya na kailangan niyang samahan ang dalaga—kahit ngayon lang. Nagpunta siya sa opisina at hinintay ang oras ng flight niya. Nang sumapit ang tanghali ay sinabihan niya ang sekretarya niya at ikansela ang lahat ng kailangan niyang gawin sa araw na iyon dahil kailangan niyang umalis. Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta dahil sa tabil ng dila nito ay baka masabi pa nito kay Lauren na nangibang bansa siya. Dalawang palit ng damit lang ang dinala niya dahil wala naman siyang plano na magtagal dito sa ibang bansa. Kailangan niyang pilitin si Faye na umuwi sa Pilipinas dahil una, pakiramdam niya ay magtataksil siya kay Danica. Kaninang umaga nga ay iniwan niya ito nang tulog pa sa kanyang kuwarto. Hinayaan niyang magpahinga ang dalaga. Ikalawa, kapag nalaman ito
NALUNGKOT si Lily nang bawiin ni Carmela ang kaso. Nanatili ito sa bahay habang kasama ni Drew. Nais ni Danica na sorpresahin si Kael—na ang bahay sa tapat nito na bigay ng kanyang ama—ang lilipatan niya. Masaya siya dahil siya mismo ang magde-decorate o mag-aayos nito. Dumating ang ilang gamit at nagsimula siyang ayusin ang mga kasangkapan na inabot ng tatlong oras. Nang dumating ang alas-sais ay nakatanggap siya ng tawag kay Kael. Mula sa bintana sa kuwarto sa itaas ay pasimple niyang sinilip ang kabilang bahay at natagpuan ang lalaki mula sa silid nito, nakahubad. Nasamid siya sa nasaksihan. Napalunok din habang pinapasadahan ang mala-adonis nitong katawan. Hindi niya inaasahan na balewalang nagtanggal lang ito ng saplot. Hindi ba nito alam na posible itong makita ng kapitbahay? They are neighbors now, right? “Hello, lady! Have you already taken your dinner?” tanong ng lalaki sa kanya. Hindi na iyon bago sa kanya. Madalas siya nitong ayain na kumain sa bahay nito. Bas
MADAMI ang naganap sa kaso ni Carmela. It was chaotic. Ang hindi inaasahan at nakasama sa loob ni Lily ay biglang binawi ng babae ang kaso laban sa grupo ni Kenneth. Nabigla doon si Lily at lalo siyang nasaktan. Nais niyang umiyak sa sobrang sama ng loob. “I’m going to Faye’s office,” hiling niya kay Drew. Nakapahinga siya sa loob ng ilang araw at alam niya sa sarili na handa siyang harapin kung ano man ang problema. She needed to face this before she could truly accept it. “Babe… Hindi ko alam kung makabubuti sa ‘yo ang pagpunta sa opisina nila,” ani Drew na nag-aalala. “Drew! Gusto kong malaman kung bakit walang nangyari sa kaso! Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang nasa posisyon ko? Nananahimik ako nang kasama ka. Nakahanda na akong ipagpaubaya kung ano ang mga naganap noon dahil gusto ko ng peace of mind. Sila itong nangulit sa ‘kin! Binuksan ko ang sarili ko at inalala ang nakaraan ko na pinilit ko nang kinalimutan! At pagkatapos ay biglang aatras si Carmela? Naniwala