The Billionaire’s Playmate

The Billionaire’s Playmate

last updateHuling Na-update : 2023-10-26
By:   Pennieee  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
26 Mga Ratings. 26 Rebyu
120Mga Kabanata
124.4Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

"Maid ako ng Billionaire fiancè ko!" Dahil sa pagpupumilit ng ama ni Tangi na mag-asawa na siya ay dumating ito sa punto na ito na mismo ang naghanap ng lalake para sa kaniya. Si Rozzean Cyron Valleje. Isang kilalang negosyante, bilyonaro at talagang maganda ang imahe nito sa kaniyang ama. Dahil wala sa isip niya ang pag-aasawa at masaya na siya sa buhay niya ay nagkaroon siya ng plano. Kailangan niyang makita ang pangit na ugali ng lalake upang mapatunayan sa kaniyang ama na mali ito. Sinabi nito na kapag napatunayan niya mismo na masama at babaero si Rozzean ay papayag na ito sa lahat ng gusto niya. Kaya't ang ginawa ni Tangi ay pumasok siya sa mansyon ni Rozzean bilang katulong, itinago niya ang totoong katauhan niya. Ngunit unang araw pa lamang niya ay nais na niyang umuwi ng bahay niya dahil sa hindi inaasahang tagpo nila!

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Chapter 1

WARNING mature content. This story is specifically for adults and therefore may be unsuitable for children under 17. This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Characters : Thaliana Tangi / Tal-ya-na Ta-ngi Rozzean Cyron / Ro-zan Say-ron The Billionaire's Playmate by: Pennieee Thaliana Tangi Dela Vezca "Sa tingin mo ba ay pabata ang nangyayari sa 'yo, Tangi? you are twenty-nine years old!" Ako si Thaliana Tangi Dela Vezca. Ang bunsong anak ni George Romualdo Dela Vezca. Isang bilyonaryo at maraming mga negosyo sa loob at labas ng bansa. Kilala ang aming pamilya dahil hindi nawawala ang aming apelyido sa richest family dito sa Pilipinas. Hindi lang iyon, dahil napaka friendly ng daddy ko, halos lahat ng sikat na tao dito sa bansa ay kaibigan niya. At ito nga siya ngayon... pinipilit na naman ako. Usapang...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

10
100%(26)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
26 Mga Ratings · 26 Rebyu
Leave your review on App
user avatar
Pennieee
Sa mga naghahanap po ng kwento ni Thes at Luther andito na rin po sa GN. The Billionaire’s Sweet Psycho po ang title. Thank you so much po!
2024-10-19 19:01:29
4
user avatar
Juanmarcuz Padilla
highly recommended ...︎
2024-10-13 12:45:10
1
user avatar
MERLYN
Highly Recommended
2024-09-15 10:52:31
1
user avatar
Pennieee
Mababasa na po dito sa GN ang kwento ni Thes at Luther ang title po ay The Billionaire’s Sweet Psycho. Maraming Salamat po!
2024-08-30 01:04:17
1
user avatar
Vivian
ang nunal na buhay hahahaha
2024-08-16 06:38:18
1
user avatar
Vivian
highly recommend napakaganda basahin nyo rin kwento ni thes at luther sigurado matatawa rin kayo don at napakakwela ni thes hahaha
2024-08-16 06:37:57
1
user avatar
Pennieee
Hello po! Sa mga naghahanap po ng kwento ni Thes at Luther andito na rin po sila sa GN! Ang title po ay, “The Billionaire’s Sweet Psycho.” Sana po mabasa ninyo rin ang kwento nila! Maraming salamat po sa suporta! <3
2024-07-18 12:38:10
2
user avatar
Althea Diasnes
Maganda kwento nito promise...️...️
2023-12-02 22:09:55
2
user avatar
Julian Vicente
waiting for theresa Catalina & Luther Rico story
2023-11-27 18:26:02
2
user avatar
Joce Lyn Buyacao
highly recommended,sana writer may story din si luther at Thes hehehe
2023-11-19 18:59:49
1
user avatar
Pennieee
Highly recommended! Romance comedy story! sana po mabasa ninyo ang kwento ni Rozzean at Thaliana!
2023-11-18 09:45:57
2
default avatar
Norkisa Salilawan Sangiban
I came here kasi super nagustuhan ko sya sa Novelah pero naiinip na ako sa update , thank you author for information about the app.
2023-11-16 17:53:01
2
user avatar
Pennie
Highly recommended! Laptrip sa nunal na lumalakas hahahaha
2023-11-06 19:34:56
0
user avatar
Shannen Bughao
One of the best so far
2023-11-06 11:42:26
1
user avatar
Judith Caballero Balco
Highly Recommended
2023-10-25 22:13:31
1
  • 1
  • 2
120 Kabanata
Chapter 1
WARNING mature content. This story is specifically for adults and therefore may be unsuitable for children under 17. This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Characters : Thaliana Tangi / Tal-ya-na Ta-ngi Rozzean Cyron / Ro-zan Say-ron The Billionaire's Playmate by: Pennieee Thaliana Tangi Dela Vezca "Sa tingin mo ba ay pabata ang nangyayari sa 'yo, Tangi? you are twenty-nine years old!" Ako si Thaliana Tangi Dela Vezca. Ang bunsong anak ni George Romualdo Dela Vezca. Isang bilyonaryo at maraming mga negosyo sa loob at labas ng bansa. Kilala ang aming pamilya dahil hindi nawawala ang aming apelyido sa richest family dito sa Pilipinas. Hindi lang iyon, dahil napaka friendly ng daddy ko, halos lahat ng sikat na tao dito sa bansa ay kaibigan niya. At ito nga siya ngayon... pinipilit na naman ako. Usapang
last updateHuling Na-update : 2023-09-06
Magbasa pa
Chapter 2
Narito ako ngayon sa bahay ng kaibigan ko na si Thes. Therese Catalina Rivanez. She has a pet house one of her many businesses. Dito ko muna sa kaniya ipagkakatiwala ang aking mga anak. Nakakalungkot man pero wala akong choice kung hindi ang ipaalaga muna sila. "Ilang ba ang mga alaga mo, Tangi?" tanong niya sa akin. "I have 3 cats and 4 dogs. Mababait naman sila, Thes, hindi sila sakit sa ulo. Ako ang nag-aalaga sa kanila kaya mababait sila," sabi ko. Nanghaba ang nguso ni Thes sa sinabi ko. "Matigas ang ulo ng nanay nila at makulit, hindi ako naniniwala." Binigyan niya ako ng form at tinginan ko iyon. "Fill up ka, ilagay mo rin kung kailan mo sila babalikan. Dahil kaibigan kita, may discount ka." Ngumiti ako sa kaniya. Kinuha ko ang ballpen ko sa aking bag at nag-fill up na ako ng form. Hindi ko naman ito gustong gawin, kaya lang ay hindi ko maaaring isama ang mga babies ko. "Saan ka ba pupunta, Tangi? ito ang unang beses na ipapaalaga mo ang mga anak mo sa akin, ah?" tanong
last updateHuling Na-update : 2023-09-06
Magbasa pa
Chapter 3
"Anong kailangan mo dito, miss?"Napatingin ako sa guard. Alam ko naman na hindi ako basta-basta makakapasok sa village na ito at mukhang mayaman ang mga nakatira dito at didiretso na sana ako kaso bigla itong nagsalita. Mukha namang mabait si Kuyang Guard, mauto ko kaya ito?"A-Ahh, kuya... nabalitaan ko kasi na dito daw iyong bahay ni Mr. Valleje. Mag-a-apply sana ako bilang katulong," sabi ko.Bumaba iyong guard at nilapitan ako. Napaatras naman ako at hinigpitan ang hawak sa panyo na nakatali sa ulo ko. Maayos naman ang disguise ko, ilang beses akong tumingin sa salamin kanin bago ako umalis sa bahay. Isang palda na lagpas hanggang tuhod ang suot ko. Naka itim akong medyas at ang suot kong rubber shoes ay bulaklakin. Nabili ko ito doon sa ale na nakita ko kahapon sa taytay. Wala daw siyang benta kaya binili ko na.Tapos naka long sleeve ako ng damit. Ang init pero keri lang, Titiisin ko kaysa malantad ang makinis kong mga braso. Mas hindi ako paniniwalaan na mahirap at naghaha
last updateHuling Na-update : 2023-09-06
Magbasa pa
Chapter 4
Hindi ako makagalaw. Ramdam ko siya sa likuran ko. Nang aalis na ako ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko na inabot niya iyong towel na nakapatong sa sofa. Jusko magkakasakit ata ako sa puso. Kapag natanggap ako bilang katulong niya, mukhang palaging tataas ang presyon ko dahil sa kaniya."So, tell me..."Bakit naman nakahubad ang lalakeng ito?! wala siyang boxer! talagang walang suot!"How old are you?"Narinig kong tanong niya. Pero dahil sa sobrang gulat ay hindi ako kaagad nakapagsalita. Nakatakip ang mga kamay ko sa aking mga mata at hindi talaga gumagalaw. Pakiramdam ko kanina nang makita ko ang jolly hotdog niya ay humiwalay sandali ang kaluluwa ko sa katawan ko.Grabe. G-Grabe lang...Ganoon pala ang itsura non.Normal size ba 'yon? ay sht! alisin mo iyan sa isipan mo, Thaliana Tangi!Pero hindi ko kasi alam! unang beses ko makakita ng hotdog! hindi pa rin ako nakakanood ng powrn! anong alam ko sa sizes ng mga hotdogs!"Nakalimutan ko. Sinabi ng guard kanina na elementarya lan
last updateHuling Na-update : 2023-09-21
Magbasa pa
Chapter 5
Nakita ko na nagsalubong ang makakapal na kilay niya. Ako naman ay na-realise kong bigla ang nasabi ko at napagtanto na hindi ko dapat iyon sinabi sa kaniya. Kung kanina ay 90% na ang tiyansa ko na matanggap bilang katulong ngayon ay mukhang 50/50 na."Ano ang sinabi mo?"Itinaas ko ang isang kamay ko at nag-peace sign sa kaniya nang makita ko na namuo ang galit sa mukha niya. Grabe, sabi ni dad mabuting tao ito?! ba't ang bilis magalit?!"J-Joke lang, sir. Hindi ka naman mabiro! h-hehe..."Ibinaba ko ang kamay ko at pinagsalikop iyon."Huwag po kayong mag-alala sir, hinding-hindi po ako magkakagusto sa inyo. Hindi rin naman po kayo ang type ko. Iyong type ko kasi chinito, eh, hindi ka naman chinito. Saka, nakakatakot po kayo," sabi ko.Lalo na yung hotdog niya na parang ready to attack any moment."By the way, I am Rozzean Cyron Valleje. I just want to clear things before I accept you, Tali-- ang ibig kong sabihin ay nais kong maging klaro sa iyo ang isang patakaran ko dito sa bahay
last updateHuling Na-update : 2023-09-27
Magbasa pa
Chapter 6
Ipit na ipit ang sarili ko at nakaliyad pa para lang hindi mapadikit sa lalakeng ito sa harapan ko. Kung ganoon ay tinikman niya pala iyong iniluto ko. Pero kailangan ba sa ganitong posisyon pa? Hingang malalim, Tangi. Huwag ka magpaapekto sa lalakeng iyan. Kailangan mong lakasan ang loob mo. Narito ka sa pamamahay niya para imbestigahan ito, hindi ka maaaring mahulog sa patibong niya mukhang tine-test niya ang pasensiya ko at tinitingnan kung type ko siya, katulad ng mga katulong na napalayas niya. "Sir, kung nagugutom na po kayo ay maghahanda na ako," magalang kong sabi. Umatras siya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Talaga bang naglalakad siya dito sa bahay niya ng walang pang-itaas na saplot? "Nasaan si Selya?" tanong nito sa akin. "Siguro po ay nasa labas," sagot ko naman habang nagsasandok ng kanin niya. Naglagay na rin ako ng ulam. Naiilang ako. Pakiramdam ko ba ay pinapanood niya ang bawat pagkilos ko. Binuksan ko ang ref at kumuha doon ng juice. Nagsalin ako sa pitse
last updateHuling Na-update : 2023-10-10
Magbasa pa
Chapter 7
Lumipas ang oras, hindi na muling lumabas pa ng silid si Rozzean. Alas otso syete na ng gabi at nakaluto na rin ako ng hapunan. Tinanong ko si manang kung ano ang maaaring gustong ulam ng boss ko ang sabi niya ay paborito nito ang tinola. Kaya iyon kaagad ang niluto ko. Kaso ito, hindi pa rin siya bumababa. Nakakapagod umakyat para pumunta sa silid niya. Ang taas-taas naman kasi nitong bahay. Ngayon nandito ako sa may sala kasama si manang. Nanonood kami ng palabas sa TV. "Manang, ikaw? hindi ka pa ba kakain?" tanong ko sa kaniya. Ako kasi nakakaramdam na ng gutom. Hindi naman ako nananghalian. Nakalimutan ko nang kumain bago umalis ng bahay ko. "Hangga't hindi pa kumakain si sir, hindi ako maaaring kumain," sagot niya. Napabilog ang mga labi ko. Patakaran kaya ni Rozzean iyon? Pero sa totoo lang, ilang oras pa lang ako dito marami na akong napansin sa ugali niya. Una, mainitin ang ulo niya. Pangalawa, mahilig siyang magpakita ng katawan. Kailangan ko maging alerto. Pakira
last updateHuling Na-update : 2023-10-11
Magbasa pa
Chapter 8
Nang matapos kaming mag-check ng mga appliances kung may nakasaksak pa at nang maisara na namin ang lahat ng bintana at pinto sinabihan ako ni manang na maaari nang magpahinga. Pero nang makaakyat ako sa second floor ay napatingin ako sa hagdan papuntang third floor. "Hindi pa rin siya bumababa para kumain," sabi ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim at pumunta na sa aking silid. Malayo ang room ni manang sa akin, nasa ibaba ang silid niya, hindi ko na siya ma-chi-chika at bukas ko na maitatanong ang mga nais kong malaman sa bahay na ito. Na-curious ako sa sinabi niya na maaaring kalungkutan ang dahilan kung bakit maraming halaman si Rozzean dito. Bakit ito malulungkot? kung tutuusin ang laki nitong bahay, ang ganda. Dream house talaga ng karamihan, saka ang dami niyang pera. Kahit anong gusto niya ay maaari niyang bilhin. Ano ang dahilan para malungkot siya? "Teka? bakit ko naman iniisip kung ano ang dahilan?" Tumayo ako at tinungo ang cr ng room ko pero bago iyon ay sinigur
last updateHuling Na-update : 2023-10-12
Magbasa pa
Chapter 9
Inilayo niya ang mga mata sa akin at tumingin sa ibang direksyon. Sinundan ko ang tinitingnan niya at kaagad akong tumayo nang makuha ko ang nais niyang sabihin. May isang room pa na nakakonekta sa silid niya na ito. Naglakad ako para puntahan iyon. Nang makita ko na mga damit, sapatos, relo at alahas ang naroon ay namangha talaga ako. Napaka-organize ng lalakeng ito! Kumuha ako kaagad ng itim na damit. Puro itim, gray at white ang mga narito sa pambahay niya. Nang makabalik ako ay lumapit ako sa kaniya. "Sir, suotin mo na po," sabi ko at ibinaba sa gilid ng kama ang damit. Nakapikit ang mga mata niya. "Natutulog po ba kayo ulit sir?" "M-Makakasagot... ba... ang tulog?" kahit mahina ay narinig ko ang sinabi niya. May sakit na nga at lahat suplado pa rin! Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama. Nang kukuhanin na niya ang damit at isusuot ay nakita kong nahirapan siyang itaas ang dalawa niyang kamay. Napahinga ako ng malalim at lumapit, itinukod ko ang tuhod ko sa kama at k
last updateHuling Na-update : 2023-10-13
Magbasa pa
Chapter 10
Bigla akong napadilat nang may malakas na tunog akong narinig. Kinuskos ko ang aking mga mata at bumangon. Hinanap ko ang bagay na tumutunog. Hindi naman 'yon yung cellphone kung saan tumawag si Rozzean kagabi.Ang tunog ay parang alarm clock."Nasaan ba 'yon--"Nang tumingala ako ay nakita ko na ang tumutunog. Napabuntong hininga ako at sumampa sa bangko. Kitang-kita ko ang oras, mukhang may alarm ang mga katulong dito sa bawat kwarto. Alas singko na pala.Mas maaga ito sa gising ko. Tuwing alas sais ako nagigising, tapos alas otso naman ako pumupunta sa Tinatangi para mag-ayos ng mga bulaklak.Pinatay ko na ang alarm clock, tinungo ko ang banyo at naghilamos. Habang nagpupunas ako ng mukha ay naalala ko ang nangyari kagabi.Kamusta na kaya 'yon? may sakit pa rin kaya?"Mukhang kawawa pag may sakit, pag naman wala mukhang demonyo sa sungit."Huminga ako ng malalim at nagsimula nang mag-toothbrush. Kailangan ko nang gumayak, tiyak na si Manang Selya ay gising na rin. Naghanda ako ng p
last updateHuling Na-update : 2023-10-13
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status