Lumipas ang oras, hindi na muling lumabas pa ng silid si Rozzean. Alas otso syete na ng gabi at nakaluto na rin ako ng hapunan. Tinanong ko si manang kung ano ang maaaring gustong ulam ng boss ko ang sabi niya ay paborito nito ang tinola. Kaya iyon kaagad ang niluto ko. Kaso ito, hindi pa rin siya bumababa. Nakakapagod umakyat para pumunta sa silid niya. Ang taas-taas naman kasi nitong bahay. Ngayon nandito ako sa may sala kasama si manang. Nanonood kami ng palabas sa TV. "Manang, ikaw? hindi ka pa ba kakain?" tanong ko sa kaniya. Ako kasi nakakaramdam na ng gutom. Hindi naman ako nananghalian. Nakalimutan ko nang kumain bago umalis ng bahay ko. "Hangga't hindi pa kumakain si sir, hindi ako maaaring kumain," sagot niya. Napabilog ang mga labi ko. Patakaran kaya ni Rozzean iyon? Pero sa totoo lang, ilang oras pa lang ako dito marami na akong napansin sa ugali niya. Una, mainitin ang ulo niya. Pangalawa, mahilig siyang magpakita ng katawan. Kailangan ko maging alerto. Pakira
Nang matapos kaming mag-check ng mga appliances kung may nakasaksak pa at nang maisara na namin ang lahat ng bintana at pinto sinabihan ako ni manang na maaari nang magpahinga. Pero nang makaakyat ako sa second floor ay napatingin ako sa hagdan papuntang third floor. "Hindi pa rin siya bumababa para kumain," sabi ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim at pumunta na sa aking silid. Malayo ang room ni manang sa akin, nasa ibaba ang silid niya, hindi ko na siya ma-chi-chika at bukas ko na maitatanong ang mga nais kong malaman sa bahay na ito. Na-curious ako sa sinabi niya na maaaring kalungkutan ang dahilan kung bakit maraming halaman si Rozzean dito. Bakit ito malulungkot? kung tutuusin ang laki nitong bahay, ang ganda. Dream house talaga ng karamihan, saka ang dami niyang pera. Kahit anong gusto niya ay maaari niyang bilhin. Ano ang dahilan para malungkot siya? "Teka? bakit ko naman iniisip kung ano ang dahilan?" Tumayo ako at tinungo ang cr ng room ko pero bago iyon ay sinigur
Inilayo niya ang mga mata sa akin at tumingin sa ibang direksyon. Sinundan ko ang tinitingnan niya at kaagad akong tumayo nang makuha ko ang nais niyang sabihin. May isang room pa na nakakonekta sa silid niya na ito. Naglakad ako para puntahan iyon. Nang makita ko na mga damit, sapatos, relo at alahas ang naroon ay namangha talaga ako. Napaka-organize ng lalakeng ito! Kumuha ako kaagad ng itim na damit. Puro itim, gray at white ang mga narito sa pambahay niya. Nang makabalik ako ay lumapit ako sa kaniya. "Sir, suotin mo na po," sabi ko at ibinaba sa gilid ng kama ang damit. Nakapikit ang mga mata niya. "Natutulog po ba kayo ulit sir?" "M-Makakasagot... ba... ang tulog?" kahit mahina ay narinig ko ang sinabi niya. May sakit na nga at lahat suplado pa rin! Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama. Nang kukuhanin na niya ang damit at isusuot ay nakita kong nahirapan siyang itaas ang dalawa niyang kamay. Napahinga ako ng malalim at lumapit, itinukod ko ang tuhod ko sa kama at k
Bigla akong napadilat nang may malakas na tunog akong narinig. Kinuskos ko ang aking mga mata at bumangon. Hinanap ko ang bagay na tumutunog. Hindi naman 'yon yung cellphone kung saan tumawag si Rozzean kagabi.Ang tunog ay parang alarm clock."Nasaan ba 'yon--"Nang tumingala ako ay nakita ko na ang tumutunog. Napabuntong hininga ako at sumampa sa bangko. Kitang-kita ko ang oras, mukhang may alarm ang mga katulong dito sa bawat kwarto. Alas singko na pala.Mas maaga ito sa gising ko. Tuwing alas sais ako nagigising, tapos alas otso naman ako pumupunta sa Tinatangi para mag-ayos ng mga bulaklak.Pinatay ko na ang alarm clock, tinungo ko ang banyo at naghilamos. Habang nagpupunas ako ng mukha ay naalala ko ang nangyari kagabi.Kamusta na kaya 'yon? may sakit pa rin kaya?"Mukhang kawawa pag may sakit, pag naman wala mukhang demonyo sa sungit."Huminga ako ng malalim at nagsimula nang mag-toothbrush. Kailangan ko nang gumayak, tiyak na si Manang Selya ay gising na rin. Naghanda ako ng p
"O-Oo naman, sir! anong akala mo sa nunal ko, nawawala?" tanong ko at gumilid ako para makaiwas sa mga tingin niya. Kinakabahan na ako."Si sir, nagha-hallucinate po ata kayo kagabi," sabi ko sa kaniya.Sht. Grabe naman ang memorya ng lalakeng ito. Hindi rin naman ako nagtagal kagabi, ah? napansin niya pa talaga iyong nunal ko. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na mukhang napaisip siya. Nakahawak siya sa baba niya, nang tingnan niya akong muli ay muli akong lumayo."Sabihin mo kay manang pag dumating na bukas ako uuwi."Pagkasabi niya non ay tumalikod na siya sa akin. Ako naman ay humakbang. Nabigla ako sa sinabi niya."S-Sir? saan po kayo pupunta?"Napahinto siya. Nilingon niya ako, "Why?"Oo nga, bakit ko ba tinanong? Kaagad akong nag-isip ng dahilan. Nang maalala ko si manang ay siya na lang ang idinahilan ko."B-Baka lang po itanong ni manang, para alam ko rin ang sasabihin ko," sabi ko sa kaniya."Hindi nagtatanong si manang kung saan ako pumupunta, basta't sabihin mo s
Masama ang mukha ko na nakatingin sa TV at nanonood ng cartoon. Nagluto ako ng popcorn. Sabi ni manang ay maaari naman akong magluto ng pagkain na gusto ko. Hindi naman daw iyon ipinagbabawal ni Rozzean dito sa mansyon niya."Bwisit na lalakeng iyon. Saan kaya nagpunta? ang sabi noong byernes ay hindi lang siya uuwi ng gabi, pero lunes na ng gabi at wala pa rin siya! saan 'yon nagpunta?"Pakiramdam ko ay natakasan ako ng daga. Paano kung hindi niya dinadala sa bahay niya ang babae niya? paano ako makakakuha ng ebidensya?Tuloy-tuloy ang pagsubo ko ng popcorn habang naiinis na bumubulong. Nang magsawa ako kakanood ay pinatay ko ang TV. Pumunta ako sa kusina at ibinaba sa sink ang bowl na puno ng popcorn kanina. Sa sobrang inis at pag-iisip ko sa dahilan kung bakit hindi umuwi si Rozzean ay sandali ko lang naubos ang popcorn na iniluto ko."Kapag nagpatuloy na mawawala siya palagi ng ilang araw ay mauubos ang dalawang buwan ko nang walang nalalaman. Nakakainis, saan naman kaya iyon nagp
Lumubog ako sa pool. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Hindi mawala sa isipan ko ang tingin ni Rozzean sa akin.Relax... relax ka lang, Tangi. Nasa third floor siya sa rooftop at madilim dito sa ibaba dahil patay ang lahat ng ilaw. Imposibleng nakita niya ang mukha mo. Mestiza ako sigurado na sa puti kong ito ay nakita niya ang katawan ko! nag-floating ba naman ako, eh!Mabilis akong umahon sa tubig, nang tumingala ako ay wala na siya doon sa puwesto niya. Dali-dali kong isinuot ang pajama at ang tshirt ko. Sa likod ako dadaan para hindi kami magkasalubong sa sala!Nang maisuot ko na ang aking mga damit ay kinuha ko ang tuwalya. Pero nang maalala ko ang aking nunal ay napatili ako ng mahina."Shet! ipinatong ko nga pala sa damit ko!" kaagad akong tumingin sa baba, pero dahil madilim ay nahirapan akong hanapin ang nunal ko.Sa sobrang taranta ay hindi ko naalala na ipinatong ko nga pala sa mga damit ko iyong nunal. Sigurado ako na nandito lang rin iyon at nalaglag.Buwisit nama
"Bakit nakasimangot ka, Tali? pinagalitan ka ba ni sir? may sinabi ba siya na ikinasama ng kalooban mo?"Iyon ang tanong sa akin ni manang nang makabalik ako sa kusina. Naupo ako sa upuan at tiningnan siya."Hindi naman ako pinagalitan, manang, nainis lang ako kasi lagi napapansin ni sir itong nunal ko. Pag nagkapera ako ay ipapatanggal ko na ito," sagot ko.Hindi ko inaasahan iyong sinabi ni Rozzean sa totoo lang. Pero tingin ko ay nagpadalos-dalos rin ako at hindi ko tiningnan maigi kung saan ko ipinuwesto ang nunal ko. Baka nga mas bumaba, mabuti na lang at nakaisip kaagad ako ng palusot.Napahawak ako tuloy sa nunal ko."Cute naman iyang nunal mo, Tali. Baka kasi naku-cutean lang si sir?" nakangiting sabi ni manang.Imposible 'yon! sabi nga niya noong una Your mole bothers me. Ka-imposiblehan na naku-cutean siya dito."Oo nga pala, Tali, maiba ako. Bakit ka nag-suot ng salamin? ito ang unang beses na nakita kitang nagsuot, lumalabo na ba ang mga mata mo?" tanong ni manang.Nagsand