Share

Chapter 11

Author: Pennieee
last update Huling Na-update: 2023-10-13 14:50:53

"O-Oo naman, sir! anong akala mo sa nunal ko, nawawala?" tanong ko at gumilid ako para makaiwas sa mga tingin niya. Kinakabahan na ako.

"Si sir, nagha-hallucinate po ata kayo kagabi," sabi ko sa kaniya.

Sht. Grabe naman ang memorya ng lalakeng ito. Hindi rin naman ako nagtagal kagabi, ah? napansin niya pa talaga iyong nunal ko. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na mukhang napaisip siya. Nakahawak siya sa baba niya, nang tingnan niya akong muli ay muli akong lumayo.

"Sabihin mo kay manang pag dumating na bukas ako uuwi."

Pagkasabi niya non ay tumalikod na siya sa akin. Ako naman ay humakbang. Nabigla ako sa sinabi niya.

"S-Sir? saan po kayo pupunta?"

Napahinto siya. Nilingon niya ako, "Why?"

Oo nga, bakit ko ba tinanong? Kaagad akong nag-isip ng dahilan. Nang maalala ko si manang ay siya na lang ang idinahilan ko.

"B-Baka lang po itanong ni manang, para alam ko rin ang sasabihin ko," sabi ko sa kaniya.

"Hindi nagtatanong si manang kung saan ako pumupunta, basta't sabihin mo s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jheng Zurikutoji B
un nunal na gumagalaw!!!! ahahaha
goodnovel comment avatar
Rose Buitizon
maganfa sya
goodnovel comment avatar
Analiza Macabinguil
update po plaese
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 12

    Masama ang mukha ko na nakatingin sa TV at nanonood ng cartoon. Nagluto ako ng popcorn. Sabi ni manang ay maaari naman akong magluto ng pagkain na gusto ko. Hindi naman daw iyon ipinagbabawal ni Rozzean dito sa mansyon niya."Bwisit na lalakeng iyon. Saan kaya nagpunta? ang sabi noong byernes ay hindi lang siya uuwi ng gabi, pero lunes na ng gabi at wala pa rin siya! saan 'yon nagpunta?"Pakiramdam ko ay natakasan ako ng daga. Paano kung hindi niya dinadala sa bahay niya ang babae niya? paano ako makakakuha ng ebidensya?Tuloy-tuloy ang pagsubo ko ng popcorn habang naiinis na bumubulong. Nang magsawa ako kakanood ay pinatay ko ang TV. Pumunta ako sa kusina at ibinaba sa sink ang bowl na puno ng popcorn kanina. Sa sobrang inis at pag-iisip ko sa dahilan kung bakit hindi umuwi si Rozzean ay sandali ko lang naubos ang popcorn na iniluto ko."Kapag nagpatuloy na mawawala siya palagi ng ilang araw ay mauubos ang dalawang buwan ko nang walang nalalaman. Nakakainis, saan naman kaya iyon nagp

    Huling Na-update : 2023-10-13
  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 13

    Lumubog ako sa pool. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Hindi mawala sa isipan ko ang tingin ni Rozzean sa akin.Relax... relax ka lang, Tangi. Nasa third floor siya sa rooftop at madilim dito sa ibaba dahil patay ang lahat ng ilaw. Imposibleng nakita niya ang mukha mo. Mestiza ako sigurado na sa puti kong ito ay nakita niya ang katawan ko! nag-floating ba naman ako, eh!Mabilis akong umahon sa tubig, nang tumingala ako ay wala na siya doon sa puwesto niya. Dali-dali kong isinuot ang pajama at ang tshirt ko. Sa likod ako dadaan para hindi kami magkasalubong sa sala!Nang maisuot ko na ang aking mga damit ay kinuha ko ang tuwalya. Pero nang maalala ko ang aking nunal ay napatili ako ng mahina."Shet! ipinatong ko nga pala sa damit ko!" kaagad akong tumingin sa baba, pero dahil madilim ay nahirapan akong hanapin ang nunal ko.Sa sobrang taranta ay hindi ko naalala na ipinatong ko nga pala sa mga damit ko iyong nunal. Sigurado ako na nandito lang rin iyon at nalaglag.Buwisit nama

    Huling Na-update : 2023-10-13
  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 14

    "Bakit nakasimangot ka, Tali? pinagalitan ka ba ni sir? may sinabi ba siya na ikinasama ng kalooban mo?"Iyon ang tanong sa akin ni manang nang makabalik ako sa kusina. Naupo ako sa upuan at tiningnan siya."Hindi naman ako pinagalitan, manang, nainis lang ako kasi lagi napapansin ni sir itong nunal ko. Pag nagkapera ako ay ipapatanggal ko na ito," sagot ko.Hindi ko inaasahan iyong sinabi ni Rozzean sa totoo lang. Pero tingin ko ay nagpadalos-dalos rin ako at hindi ko tiningnan maigi kung saan ko ipinuwesto ang nunal ko. Baka nga mas bumaba, mabuti na lang at nakaisip kaagad ako ng palusot.Napahawak ako tuloy sa nunal ko."Cute naman iyang nunal mo, Tali. Baka kasi naku-cutean lang si sir?" nakangiting sabi ni manang.Imposible 'yon! sabi nga niya noong una Your mole bothers me. Ka-imposiblehan na naku-cutean siya dito."Oo nga pala, Tali, maiba ako. Bakit ka nag-suot ng salamin? ito ang unang beses na nakita kitang nagsuot, lumalabo na ba ang mga mata mo?" tanong ni manang.Nagsand

    Huling Na-update : 2023-10-13
  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 15

    I don't know what happened next. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa likod ng pinto ng silid ko sa bahay ni Rozzean. He's pinning me to the back of my door. Ang kaniyang mukha ay sobrang lapit at ang mga mata niya ay seryosong nakatingin sa akin."S-Sir? bakit?"Hindi siya nagsalita. Nang aalis ako sa aking puwesto ay bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko. Kinakabahan ako! Ano ba itong trip niya ngayon? at bakit sobrang lapit niya sa akin?Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sa sobrang lakas ay nabibingi na ako. Isa pa, iyong hininga niya ay naaamoy ko na. Lintek, ang bango, ha? kumain pa siya ng lagay na ito. Nasaan ang amoy ng chicken curry na iniluto ni manang?"Sir, kung pinagti-tripan mo ako ay tigilan mo na. Kung sa tingin mo mahuhulog ako sa patibong mo para mapaamin ako na gusto kita at mapalayas dito sa bahay ay hindi mo iyon magagawa. Hindi kita bet. Okay?"Hindi nagbago ang reaksyon ng mukha niya dahil sa sinabi ko.Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko at nanlalak

    Huling Na-update : 2023-10-13
  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 16

    Nang makapagbihis ako ay tumingin ako sa salamin. Inaayos ko ang aking mukha, ikinabit ko ang nunal ko at maiging pinakatitigan sa salamin. Baka kapag bigla ko na lang isinalpak itong buwisit na nunal na ito sa aking kaliwang pisngi ay mapansin na naman ni Rozzean na nagbago ang puwesto."Napakatalas ng mga mata ng loko."Sunod kong inayos ay ang fake freckles ko. Huwag sana akong mag-break out dahil sa mga ito. Nang masiguro na ayos na ang aking itsura ay kinuha ko ang reading glasses at isinuot. Saglit akong umikot sa salamin.Tumingin ako sa orasan at napabuntong hininga. 5:40 am na.Naalala ko na naman ang panaginip ko. Tinapik ko ang magkabilang pisngi ko. Kaya siguro iyon nangyari ay dahil sa inisip ko kagabi ang ginawa ni Rozzean. Hindi nawala kaagad sa isipan ko ang ginawa niyang paghimas sa ulo ko."He has a good side. Kahit napakasungit."I can't deny that fact. Nang marinig ko sa kaniya na tinulungan niya si manang ay lumambot ang puso ko. Indeed, manang has a good life now

    Huling Na-update : 2023-10-13
  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 17

    Kabado akong hinihintay ang sasabihin ni Rozzean. Masama pa rin ang tingin niya sa akin. Nang tumingin ako kay manang para humingi ng tulong ay lumapit siya at hinawakan ako sa kamay. Pagkatapos ay muli kong ibinalik ang aking tingin kay Rozzean."S-Sir... a-ano... m-masakit ba?"Hindi siya sumagot. Tumalikod siya sa akin ngunit hindi pa nakakalayo at nakakaakyat sa hagdan nang marinig ko ang malakas na sigaw niya."In my room, Tali!"Napasinghap ako sabay tingin kay manang. Hinawakan ko si manang sa mga balikat habang puno ng emosyon ang aking mga mata. Jusko, iyong tibok ng puso ko napakabilis. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa akin ni Rozzean. Pero sigurado ako. Katapusan ko na.Mapapalayas ata ako sa mansyon niya."Manang, sa tingin ko ito na ang huling araw ko dito sa mansyon. Kailangan na natin magpalaam sa isa't-isa," sabi ko kay Manang Selya. Feel na feel ko ang mga salita ko dahil sa kaba na nararamdaman ko.Sigurado, hindi ako palalagpasin ni Rozzean sa ginawa ko sa kani

    Huling Na-update : 2023-10-13
  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 18

    Nang matapos kong lagyan ng gauze pad ang kaniyang noo ay ibinalik ko na ang mga ginamit ko sa loob ng first aid kit. Sa gilid ng mga mata ko, nakikita ko si Rozzean na diretso lang ang tingin habang nakahalukipkip. Nakunsensya ako bigla sa ginawa ko, tiyak na kung may fans clab itong si Rozzean ay gegerahin ako ng mga iyon.Nasugatan ko ba naman ang gwapong mukha niya, eh.Napabuntong hininga na naman ako. Hindi ko alam kung pang-ilan na buntong hininga ko na ito ngayong araw. Nilingon ko si Rozzean, nais kong itanong muli sa kaniya ang tungkol sa pananatili ko dito kung sigurado na siya, ang kaso lang ay nahihiya ako.Muli akong bumuntong hininga. Ang mga kamay ko ay hindi mapakali. Pinaglalaruan ng mga daliri ko ang dulo ng aking uniform."Kung may sasabihin ka ay sabihin mo na, hindi iyong titingin ka at bubuntong hininga. Hindi ako nakababasa ng isipan, Tali."Humaba ang nguso ko sa sinabi niya. Nahihiya nga ako! pagkatapos ng ginawa ko ay inakala ko na sisisantihin niya talaga a

    Huling Na-update : 2023-10-13
  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 19

    "Patapos ka na?"Nilingon ko si manang. Nakangiti siya sa akin pagkatapos ay nilapitan ako. Naglalagay na ako ng mga iniluto ko sa lalagyanan. Inaayos ko rin ang plating. Kahit papaano ay may alam naman ako kung paano mapaganda sa paningin ang mga pagkain."Wow, mukhang masarap lahat," sabi ni manang.Itinaas ko ang aking hintuturong daliri at ang isa ko naman na kamay ay nasa aking baywang."Oops, manang, bawal sa 'yo ang sisig at ang seafood. Kalaban ang mga pagkain na iyan sa 'yo. Highblood ang aabutin mo, itong spicy chicken barbeque ang sa iyo, hindi ito masyadong maanghang," sabi ko.Sinimangutan ako ni manang at pinitik ang aking ilong. Natawa naman ako sa reaksyon niya. Nang matapos ko ang paghahanda ng mga pagkain ay kumuha ako ng chicken barbeque sa kawali. May natira pa kasi doon. Inilagay ko sa isang plato at pinatikim kay manang.Patingin-tingin ako sa aking kaliwa, baka mamaya ay bigla na naman sumulpot ang aming boss. Nakakagulat iyon parang kabute."Ang sarap! kaya naw

    Huling Na-update : 2023-10-13

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire’s Playmate   LAST CHAPTER

    After 6 yearsWe are outside of the room. Birthday ni Rozzean ngayon at nag-bake ako ng cake para sa kaniya. I looked at my triplets. Their pointer finger was on their mouth. Sinabi ko kasi sa kanila na huwag maingay.Nakasunod sa amin ang mga alaga kong aso at pusa. I am thankful na wala sa mga anak ko ang may allergy sa mga hayop. At nakuha pa nila ang pagkakagusto ko sa mga ito. Thalia always play with Rose. Si Rozwell at Rockwell naman ay sa mga aso.Nang tumahol si Lily ay ngumuso si Rockwell dito na kaagad naman ikinatigil ng aso namin."Mommy, magugustuhan naman kaya ni Daddy itong surprise natin?" bulong niya."I think?" sagot ko kay Taki at sinindihan ko na ang kandila sa cake.Nang buksan ko ang pinto ng silid namin ni Rozzean ay dahan-dahan kaming pumasok. Takip-takip ng aking mga anak ang kanilang mga bibig upang hindi makagawa ng ingay. My husband is still sleeping. Nakadapa siya sa kama at kita ang hubad niyang likod."Shhh, Rockwell!" sita ni Rozwell sa kapatid.My tripl

  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 119

    Thaliana Tangi Dela Vezca Valleje "R-Rozzean!" What the hell? a-akala ko ay next week pa? "Rozzean!" sigaw ko ulit. Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng aming silid. Nang magkatinginan kaming dalawa ay mabilis siyang lumapit sa akin. "W-Why?" "My water just broke! m-manganganak na ako!" Nagkatinginan pa kaming dalawa. Hindi siya kumilos. "Rozzean!" sigaw kong muli. Nang mahimasmasan siya ay binuhat niya ako at tinungo ang garahe. Nadaanan pa namin si Luther. Mukhang nagtatrabaho pa sila! "Manganganak na?!" tanong ni Luther. "Oo!" Nakayapak pa si Rozzean at nang pinaandar niya ang sasakyan ay napahiyaw ako sa sakit. "Fck!" "Ako na ang magda-drive, nasaan iyong mga gamit ng mga bata?" tanong ni Luther na umikot. "Damn, oo nga!" rinig kong sabi ni Rozzean at lumabas ito ng sasakyan. Para akong mahihimatay sa sakit na aking nararamdaman. "Ahhh!!" sigaw ko nang makaramdam ng hapdi. Nang bumalik si Rozzean sa loob ng sasakyan ay dala na niya ang gamit ng mga bata. Luther dro

  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 118

    Rozzean Cyron Valleje."Baby... it's 1:45 am. Ano ang gusto mo?"Nakatingin ako sa aking asawa na nakasimangot habang nakaupo sa aming kama. Lumipat kami ng silid dito sa ibaba dahil nangangamba ako na baka madulas siya sa hagdan. It's dangerous for her to use the stairs dahil biglang lumaki rin ang kaniyang tiyan. Sinabi ni Ferline na normal lamang iyon at asahan pa raw namin na mas lalaki pa sa susunod na mga linggo."I want spaghetti. Ipagluto mo naman ako, asawa ko..."I nodded and smiled at her. We went out of the room. Nakahawak siya sa aking kamay. Naupo siya sa gilid habang nakamasid at pinapanood ako sa pagluluto."Gwapo..."Napangiti ako sa kaniya. Thaliana eats a lot but she's not getting fat. Siguro ay kaya palagi siyang gutom at malakas siyang kumain ay dahil nga sa tatlo ang ipinagbubuntis niya. I understand her that's why I am always with her to give her cravings. Sa bahay na rin ako nagtatrabaho muna. Thaliana said that it's okay to leave her but I refused.Tiyak na ku

  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 117

    Kinabukasan bilang bagong mag-asawa namin ni Rozzean ay ginising ko siya sa pamamagitan ng munting mga halik. Dahil nga sa antok na antok pa rin siya ay sinabi ko sa kaniya na bababa ako at magluluto ng aming pagkain. Sumang-ayon naman siya at muling natulog.Naabutan ko sa kusina si Manang, nag-aasikaso na rin siya ng umagahan at tinulungan ko na siya."Thaliana Tangi Dela Vezca Valleje," sabi ko habang nakatingin sa wedding ring ko."Gosh... para naman akong teenager na kinikilig!"Rozzean is my husband... we are married."Tangi... kalma! kumalma ka!"Nang maihanda ko na ang mga pagkain ay umakyat ako sa aming silid habang hawak ang tray. Pumasok ako at ibinaba ang aking dala sa table sa gilid at nilapitan ang aking asawa na natutulog pa rin."Good morning, husband..." sabi ko ng nakangiti at muling hinalikan si Rozzean sa kaniyang buong mukha."Hmmm..." he's smiling!"We are going to eat--""I will eat you.""Ay, Rozzean, ha! bumaba ako at ipinagluto ka, huwag mo ako paandaran ng '

  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 116

    Para pa rin panaginip dahil sa sobrang saya ng aming kasal ni Rozzean. Halos buong oras ay nakangiti lamang ako at nakatawa dahil sa mga kaganapan na hindi ko inaasahan. Even my Dad dance with him. Noon ko lang nakita na sumayaw ng ganoon ang Daddy.Tapos pati na ang mga kapatid ko ay nakisali pa. But the most memorable moment was the reaction of our family when we announced about my pregnancy. Naiyak pa sa huli ang aking mga magulang."Baby..."At ito na nga. Kabababa lang sa akin ni Rozzean sa silid niya. He was at my back. Pinapadaan niya ang kaniyang mga labi sa aking likod habang ibinababa niya ang zipper ng aking wedding gown."Sure kang puwede?" tanong ko."Hmmm... you didn't ask Ferline earlier to be sure."Naroon nga si Ferline kanina sa reception pero syempre nahihiya ako dahil itatanong ko pa kung safe pa ang pagtatalik kahit buntis at tatlo pa ang nasa sinapupunan ko.Nilingon ko siya nang naibaba na niya ng tuluyan ang aking gown."S-Sandali. Wala bang ligo-ligo ito? mali

  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 115

    Nang matapos ang napakasayang intermission number ng aking pamilya ay nilapitan ako ni Rozzean na hinihingal. Hinawakan niya ang kamay ko at niyakap ako. Idinikit niya ang bibig sa aking tainga at bumulong."Nakakahiya..."Natawa akong muli at hinimas ang likod niya."Nahiya ka pa ng lagay na 'yon? bigay na bigay ka."Malakas kong narinig ang pagtawa ni Rozzean. When he let go of me I wiped the sweat on his face and neck. Pawis na pawis kahit na air conditioned itong reception!"It was Thes idea. Sabi niya na sobrang matutuwa ka kapag sumayaw ako ng jumbo hotdog. And she was right."Napatingin ako kay Thes na nakatutok sa screen ng cellphone niya mukhang pinapanood niya iyong video niya na kinuha kanina dahil tumatawa pa rin siya."And Luther? paano mo napapayag na sumayaw?" tanong ko ng nakangiti."I don't know what happened. I think Thes talked to him. Mukhang napilitan lang rin, hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Thes para mapapayag si Luther para sumayaw kasama ko. I was surpris

  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 114

    "I now pronounce you man and wife. You may now kiss the bride."Malakas na palakpakan ang narinig namin ni Rozzean sa loob ng simbahan pagkatapos ng isang mabilis na halik."Ahhh..." napalingon ako kay Rozzean nang marinig ko ang boses niya. He was holding my hand and kissing it."Mine... finally, you are mine."Napangiti ako sa sinabi niya. Hinawakan ko siya sa kaniyang pisngi at mahinang kinurot iyon."Sa 'yo naman po talaga," sagot ko sa kaniya."Hmm... I can't wait for our honeymoon."Pinanlakihan ko siya ng mga mata at lumingon sa paligid dahil baka may nakarinig sa sinabi niya. Pinalo ko ng mahina sa dibdib si Rozzean. Honeymoon na naman!"Nauna na nga ng ilang beses ang honeymoon, ang isip mo ay honeymoon pa rin."He's still kissing my hand."That's different. My performance this time with you is not as your boyfriend but as your husband."Ang dami niyang nalalaman! at anong performance pa 'yon? I was about to talk again but the crowd went in front to congratulate us."Congratu

  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 113

    Pagkalipas ng sampung minuto ay nakita ko na palapit na sa akin ang organizer. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at lumabas na ako. Maraming mga photographer ang kumukuha ng larawan habang naglalakad ako."Ma'am kayo na po ang papasok," sabi sa akin ng organizer.Tumango ako sa kaniya at nagpasalamat. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng simbahan ay huminga ako ng malalim.Nang bumukas iyon unti-unti ay mahigpit kong nahawakan ang aking bouquet. Nakatayo ang lahat ng nasa loob ng simbahan. Nasa akin ang lahat ng kanilang atensyon habang dahan-dahan ang aking paglakad.I looked at the aisle and saw Rozzean. Gwapong-gwapo sa itim na tuxedo na suot. Nakangiti siya sa akin habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi. Nakita ko rin na inayos niya ang kaniyang suot kahit sa paningin ko ay ayos naman. Is he nervous?Nang salubungin na ako ng aking mga magulang sa gitna ay humalik ako sa kanilang pisngi. My father is crying again!"Dad..." sabi ko.We continue to walk in the aisle."I-I'm just hap

  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 112

    Rozzean and I decided to keep my pregnancy until we get married. Sinabihan rin namin si Luther at si Thes pati na si Ferline na huwag munang ipapaalam sa iba. Nais namin na sabihin sa aming pamilya ang tungkol sa pagbubuntis ko pagkatapos namin makasal.We wanted to surprise everyone that we are having triplets.Hindi ko rin talaga makakalimutan ang araw na nalaman namin na tatlo ang magiging anak namin ni Rozzean. It was memorable because my husband fainted. Nag-alala ako sa nangyari sa kaniya pero nang magising siya ay halos hindi ako makahinga katatawa.He was so fckng embrassed. Luther was also laughing and so Ferline and my bestfriend Thes. Kahit ako ay hindi ko mapigilan, naawa na lang ako sa kaniya at tumigil sa pagtawa nang yumakap siya sa akin at ibaon ang kaniyang ulo sa aking leeg.Rozzean keep on cursing and he's saying that he was just so happy. Sa sobrang saya ay hinimatay nang malaman na triplets ang aming magiging mga anak.Hindi natigil ang kaniyang kapatid. Palagi si

DMCA.com Protection Status