Napalunok akong bigla. Sa sobrang enjoy ko sa ginagawa kong pag-aayos ng mga bulaklak ay nakalimutan ko na baka may alam itong si Rozzean sa iba't-ibang flower arrangements."That's a tussie-mussie. Suitable for my room. I like it."Kunwari ay hindi ko naintindihan ang sinabi niya. But he's right, the other one that I did is a tussie-mussie.But, did he say that he likes it?"H-Ha? ano po iyon, sir?" tanong ko.Tumayo siya at pagkatapos ay kinuha iyong tussie-mussie. Ito na naman ang tibok ng puso ko. Hindi na naman normal."Dalhin mo ang isa sa gazebo at ang isa ay sa sala. Iaakyat ko lang ito sa kwarto ko," sabi ni Rozzean.Nakatingin ako sa likod niya habang paalis siya. I didn't expect that he knew different kinds of flower arrangement! Hindi lang siya basta mahilig sa mga bulaklak may alam rin siya kung ano ang tawag sa ayos ng mga ito."In fairness, ha?"Napapangiti ako at hindi ko talaga mapigilan."He said he likes it..."Naglakad ako papunta sa gazebo nang nakangiti
Nagkatinginan kami ng pinsan ko. Nag-isip kaagad ako ng sasabihin kay Rozzean ngunit nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Maki."You know that I am friendly to anyone, Rozz. Kahit sa mga maid pa. Tinanong ko lang itong si ganda kung nasaan ka," sabi ni Maki at naramdaman ko na pinisil niya pa ang balikat ko.Nakita kong napatingin doon si Rozzean. Bago pa ako makapagsalita ay nilagpasan na niya kami at tinungo ang gazebo. Nilingon ko si Maki, sinamaan ko siya ng tingin at inalis ang kamay niyang nakaakbay sa akin. Lintek talaga ito kahit kailan, hindi naman niya ako kailangan akbayan."Tali. Lumapit ka dito," tawag sa akin ni Rozzean. Kaagad akong tumalima, sumunod na rin sa akin si Maki. Naupo siya sa tapat ng aking boss at ako naman ay nasa gilid."Ano po iyon, sir?" tanong ko.Hindi ko talaga inaasahan na mahuhuli ako kaagad at ang masakit ay ang pinsan ko pang madaldal na chismoso. Daldalito ang palayaw nito noong mga bata pa lang kami, eh. Kalalakeng tao ay napakadaldal.Medyo
Nakaalis na si Maki pero ako ay hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan ko. Paano ba naman, hindi mawala sa isip ko iyong mga sinabi niya. Madalas kalokohan ang naririnig ko noon sa bibig ni Maki, pero ngayon, ito ang unang beses na nagsalita siya ng ganito ka-seryoso."Haaay, paano na? aalis na nga ako? Pero isang linggo pa lang..."Ngunit hindi ko maaaring isantabi ang mga sinabi sa akin ni Maki at maging matigas sa desisyon ko na ito. Tama siya, sa oras na malaman ko ang pakay ko dito sa bahay ni Rozzean at kapag nalaman nito na ako at ang katulong nito na si Tali ay iisa tiyak na magagalit siya sa akin.Panloloko ang ginawa ko, pumasok ako sa bahay niya bilang si Tali upang isagawa ang nais ko. Sa pagiging desperada ko na hindi matuloy ang gusto ng Daddy ay pinasok ko ang delikadong sitwasyon na ito."Hindi ko na alam..."May parte ko na nagising sa sinabi ni Maki pero may parte ko rin ang ayaw umalis. At hindi ko na alam kung dahil pa iyon sa gusto kong malaman kung may magiging d
Kaagad na tumalima si manang. Ako naman ay hindi alam kung ano itong nararamdaman ko. Nang tingnan ko ang oras ay alas singko na. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa pag-iisip. Sumunod ako kay manang sa kusina."Manang, magluluto pa po kaya ako ng hapunan natin? marami pa kasing natira nong mga iniluto ko kanina."Nakatingin ako kay manang habang kumukuha ng mga beer. Napanguso ako, bakit pakiramdam ko nagkasala ako kay Rozzean dahil sa mga tingin niya."Hindi na, natanong ko na rin kanina si sir, ang sabi niya ay huwag na daw."Tumango-tango ako.Nang maibaba ni manang sa lamesa ang tatlong beer ay naisip ko na ako na ang magdala sa silid ni Rozzean."Manang, ako na lang magdala niyan sa room ni sir?" tanong ko habang nakangiti.Ngunit bago pa makasagot si manang ay narinig namin ang boses ng aming amo sa speaker."Manang Selya, ikaw ang magdala sa silid ko ng beer. Pakisamahan na rin ng yelo at isang baso."What the?Ayaw niya talaga!"May ginawa ka ba kanina sa gazebo, Tali?
Hindi ko kailanman inakala na darating sa buhay ko ito. May ulam na sa pinggan ko may uulamin pa ako sa harapan ko.Hindi ko talaga inaasahan na aanyayahan ako ni Rozzean na kumain kasama niya. Ito ang unang beses na makakaharap ko siya sa pagkain, habang dim lang ang ilaw, at kami lang dalawa. Actually, ang romantic ng atmosphere.Ano, na, Thaliana? isang linggo ka pa nga lang pero iba na ang nararamdaman mo sa boss mo. Kinikilig pa pempem mo pag napapalapit sa 'yo."Ano ang sinabi sa 'yo ni Maki kanina?"Nabitin sa ere ang kutsara ko na may laman na kanin. Napatingin ako kay Rozzean, ang kaniyang mga mata ay diretso at seryosong nakatingin sa akin. Kung ganoon ay hanggang ngayon ang nasa isip pa rin niya ang nangyari kanina."Wala naman po, sir--"Sinabi ba niya na kung sisisantihin kita dito ay kukuhanin ka niya? iyon ba?""O, pinapalipat ka niya sa bahay niya at pinagre-resign dito sa bahay ko?"Pinipigilan ko ang pag-ngiti. Sa tunog naman niya ngayon parang pakiramdam k
A-Ano daw?Sinabi niya ba na mabango ako?Nang humiwalay sa akin si Rozzean ay nakatingin lang ako sa kaniya at hindi nagsasalita. Nakaawang ang mga labi ko sa gulat. He siniffed my neck, he hugged me tight and he fckng let me feel his hardness.Alam niya 'yon! imposibleng hindi niya alam na nagagalit ang ulo niya sa gitna!"Alam ko ang patakaran ko sa bahay na ito, Tali," sabi niya at hinawakan ako sa pisngi.Gulat na gulat pa rin ako at hindi gumagalaw. Bakit siya ganito ngayon? huwag mong sabihin na may gusto talaga siya sa akin? ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi rin mawala ang kaba. Wala ito sa plano."S-Sir bakit mo ako--Nagulat ako nang pitikin niya ako sa noo. Mahina lamang iyon ngunit napahawak pa rin ako sa parte na tinamaan.Rozzean step back and cross his arms. Ako ay nakatingin lang sa kaniya, nanumbalik na ang normal na ekspresyon sa mukha niya."Your one week test is done. You passed."A-Ano daw? one week? test? passed?"S-Sir? ano po?" tanong ko at unti-unting ibina
Nagbago na ako.Hindi na ako ang dating si Tali na palaging hinihintay ang pagdating ni Rozzean, palaging nakaabang ng nakangiti kung may iuutos siya at palaging nakamasid kapag nariyan siya. Hinahayaan ko na, hindi na rin ako nagpiprisinta kapag may iniuutos siya kay manang."Tali, gawaan mo ako ng kape."Ngayon ay kauuwi lang niya, naupo siya sa sala habang tinatanggal ang kaniyang kurbata. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na tiningnan niya ako pero ako ay yumuko lang at mabilis na tumalikod. Pagkatapos nang nangyari sa kusina dalawang araw na ang nakalipas ay talagang nagbago na ako sa kaniya.Pati sa pagsasalita iba at hindi na rin ako palasagot sa kaniya. Minsan sa tuwing may iuutos at yuko at tango lamang ang sagot ko ay nakikita ko na tinititigan niya pa ako bago ako tumalikod. Ito naman ang gusto niya, eh, isang maid na gagawa ng mga trabaho sa bahay.Nang matapos akong magtimpla ng kape ay naglakad ako papunta sa sala, ibinaba ko sa coffee table ang itinimpla ko sa kaniya
Pagkatapos ng nangyari sa business room ay wala akong narinig kay Rozzean na balita tungkol sa sinabi nung matanda na kakasuhan ako. Sa totoo lang ay hindi ako napakali ng ilang araw, iniisip na baka makaapekto ang ginawa ko sa sitwasyon niya sa kumpanya.Lalo sa narinig ko na sasabihin ni Mr. Vidar ang nangyari sa ama ni Rozzean. Inisip ko kung may naikwento si Daddy tungkol sa kay Mr. Valleje. Pero wala akong narinig kay Daddy tungkol sa ama ni Rozzean, kung mabuti ba ito o strikto kaya't mas lalo akong natakot.Nandito ako ngayon sa rooftop at naglilinis. Napatingin ako sa ibaba--sa pool. Nakita ko ang aking boss na nakaharap sa laptop niya at nagtitipa. Kahit sabado ay nagtatrabaho pa rin."Kung tutuusin ay maaari na akong umuwi, mukhang tama naman ang lahat ng sinabi ni Daddy. na mabait nga si Rozzean at walang dahilan para hindi ko makilala."Kapag ang Daddy ang nagsalita ay naniniwala kaming lahat, pero sa sitwasyon ng pag-aasawa, dahil ayaw kong talaga, hahanap at hahanap tala