The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

last updateLast Updated : 2024-11-18
By:   red_berries  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
99Chapters
2.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Mapipilitan si Sandy na umalis sa kinalakihan niyang lugar sa probinsiya para sa isang kasal. Kinuha siya ng magulang niya para ipakilala siya kay Dwight Montemayor, ang lalaking hindi na nagawa pang makalakad dahil sa isang aksidente. Pumayag si Sandy na ipakasal siya kay Dwight hindi dahil mayaman ang pamilya nito. Meron siyang malalim na dahilan kaya pumayag siyang makasal sa binata, ngunit sa kabila ng lahat ay magiging magulo ang buhay ni Sandy sa poder ng kanyang magulang dahil sa kanyang kapatid na si Amara. Laging ito ang mas magaling at mabuti, kahit kabaliktaran naman lahat ng pinapakita nito kay Sandy, at isa pa, ang iniibig ng kanyang kapatid ay ang kanyang mapapangasawa, si Dwight. Kaya mas lalong magiging magulo ang lahat sa pagitan nila Amara at Sandy. Muli kayang makalakad pa si Dwight? Darating pa kaya ang panahon na mapapatawad ni Sandy ang kanyang magulang?

View More

Latest chapter

Free Preview

Kabanata 1

Habang nagpapahinga si Sandy sa sala ay may biglang natanggap siya na mensahe sa kanyang telepono. Galing iyon sa kasamahan niya sa trabaho. "Sandy, tumawag na naman sa akin yung tao na gustong ikaw ang maging doctor. Puwede mo naman sigurong kausapin, at sabihin kung gusto mo ang offer sayo. Nakaka-awa na rin kasi dahil ikaw ang gustong-gusto." Napabuntong-hininga si Sandy at nagdesisyon na patayin na lang ang kanyang telepono para hindi na rin ito tumawag pa para kulitin siya sa sinasabi nitong pasyente. Sumandal siya sa upuan habang malungkot na nakatingin sa kawalan. Naalala niya ang kanyang lola na hindi niya naligtas dahil huli na. Pagbukas pa lang niya ng operating room bigla na lang tumunog ang makina na hudyat na tumigil na ang pagtibok ng puso nito, kaya ano pa ang saysay na maging magaling na doctor kung ang sarili niyang lola ay hindi niya nasagip agad. Biglang nagsalubong ang kilay ni Sandy sa boses na naririnig niya 'di kalayuan sa sala. Ang mga boses ng magulang niy...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
99 Chapters
Kabanata 1
Habang nagpapahinga si Sandy sa sala ay may biglang natanggap siya na mensahe sa kanyang telepono. Galing iyon sa kasamahan niya sa trabaho. "Sandy, tumawag na naman sa akin yung tao na gustong ikaw ang maging doctor. Puwede mo naman sigurong kausapin, at sabihin kung gusto mo ang offer sayo. Nakaka-awa na rin kasi dahil ikaw ang gustong-gusto." Napabuntong-hininga si Sandy at nagdesisyon na patayin na lang ang kanyang telepono para hindi na rin ito tumawag pa para kulitin siya sa sinasabi nitong pasyente. Sumandal siya sa upuan habang malungkot na nakatingin sa kawalan. Naalala niya ang kanyang lola na hindi niya naligtas dahil huli na. Pagbukas pa lang niya ng operating room bigla na lang tumunog ang makina na hudyat na tumigil na ang pagtibok ng puso nito, kaya ano pa ang saysay na maging magaling na doctor kung ang sarili niyang lola ay hindi niya nasagip agad. Biglang nagsalubong ang kilay ni Sandy sa boses na naririnig niya 'di kalayuan sa sala. Ang mga boses ng magulang niy
last updateLast Updated : 2024-08-24
Read more
Kabanata 2
Sa tono ng boses ni Dolores ay hindi mapagkakaila na sobra-sobra ang pagmamayabang nito sa narating ni Amara. Tumingin muli si Sandy sa kanyang kapatid. Mula ulo hanggang paa, halatang hindi napabayaan, hindi katulad niya na simple lang ang pananamit at ang kutis ng balat ay hindi naman gaanong kaputian. Ngayon alam na niya kung bakit mas gusto ng kanyang ina na makilala siya na nagtapos sa paaralan na iyon, dahil kay Amara. Lumapit na sa si Amara sa kinatatayuan ni Dolores at Sandy. Huminto ito sa tapat nila. "Mommy! Mabuti at umuwi na kayo ni Daddy." Ngumiti naman si Dolores at hinawakan ang mukha ni Amara ng may pag-iingat. "Sabi ko naman sayo na hindi kami magtatagal doon. Halika na sa loob." Lumakad ang mga ito at naiwan si Sandy sa tabi ng kotse. Nanatili siyang nakatitig sa mga ito habang palayo at papasok sa malaking bahay. Malungkot siyang napangiti. Hindi ata naalala ng kanyang ina na meron siyang isa lang anak na dinala rito para ipakilala sa paborito nitong anak."Sand
last updateLast Updated : 2024-08-24
Read more
Kabanata 3
Habang naglalakad si Celeste ay nakatanggap ito ng isang mensahe. Matagal niyang pinakatitigan ang telepono bago iyon binaba at muling lumakad. Huminto siya sa isang kwarto at binuksan iyon. May kadiliman ang kwarto pero kitang-kita niya ang kanyang anak na si Dwight na nakahiga ng diretso sa kama. Nakapikit ang mga mata nito, pero nang naramdaman sigurong may pumasok ay biglang dumilat. Maganda ang mga mata ni Dwight, ngunit hindi naman makikitaan ng liwanag ang mga mata nito, tila laging walang buhay at puno ng lungkot. Umupo si Celeste sa higaan, sa tabi ni Dwight. Hinimas niya ng dahan-dahan ang kaliwang pisngi ng kanyang anak. "Kailangan mong maghanda, anak. May kailangan tayong harapin na mga tao sa isang pribadong restaurant." "Ang babaeng sinasabi mong kailangan kong pakasalan," walang buhay na sagot ni Dwight. Natigilan man sa sinabi ng anak ay nagsalita muli si Celeste, "Batid mo na gusto ko lang na may mag-aalaga sayo anak. Hindi paurong ang edad ko. Makakabuti ito pa
last updateLast Updated : 2024-08-24
Read more
Kabanata 4
Aalis na sana si Dolores nang magsalita si Sandy, "Hindi na ako magpapalit ng damit." Mabilis na lumingon si Dolores na may nanlalaking mata. "Anong sabi mo?" "Hindi na ako magpapalit ng damit. Kung ano ang suot ko ngayon, ito na 'yon." Naisip ni Sandy na bakit kailangang magbihis pa ng maganda. Makikipagkita lang naman sila sa pamilya ni Dwight. Walang nagawa si Dolores dahil hindi naman niya mapapasunod ang anak. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay mapaghandaan ang kasal ni Sandy at Dwight, kaya sila tutungo sa pribadong restaurant. Pagkatapos ng sagutan ni Dolores at Sandy ay tumulak na ang mga ito paalis. Samantala, si Amara ay hinawi ang kurtina at sumilip sa ibaba. Sinundan niya ng tanaw ang paalis na sasakyan. Bago pa man ang pagpunta ni Amara sa kwarto ni Sandy ay tumawag ang kapatid ni Dwight sa kanya upang magtanong ng mga personal na impormasyon tungkol kay Sandy. Sa kabilang banda habang nasa isang pribadong kwarto na sila Dwight na kung saan magkikita-kita ang pamilya
last updateLast Updated : 2024-08-24
Read more
Kabanata 5
"Walang magsasabi na normal ang pagsasama kung ang asawa ay may kapansanan, Sandy. Lahat ay magiging kumplekado." Hindi sumagot si Sandy. Tumayo ito at dahan-dahan na pumunta sa kabila kung nasaan si Dwight. Paghinto ni Sandy sa tabi ni Dwight ay inikot niya ang wheelchair nito para makaharap niya ang katawan ni Dwight. "Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Dwight kay Sandy. "Kung bibigyan mo ako ng pahintulot. Maaari ko bang hawakan ang mga binti mo?" Bahagyang nagulat si Dwight sa paghingi nito ng pahintulot, pero hindi naman nagtagal ay sumang-ayon siya. Umupo si Sandy sa tabi niya at unti-unting hinawakan ang paa niya hanggang sa maalis iyon sa pagkakatapak sa paanan ng wheelchair. Inalis nito ang tela at tinabi sa gilid. Pinakatitigan ni Dwight ang ginagawa ni Sandy ngayon, dahil unti-unti nitong pinipisil ang hita niya pataas. "Wala kang nararamdaman?" Umiling so Dwight, kaya nagpatuloy si Sandy hanggang sa hita nito, pero napahawak na si Dwight sa kamay ni Sandy dah
last updateLast Updated : 2024-08-24
Read more
Kabanata 6
Tahimik na pinaandar ni Amando ang sasakyan habang nagngingitngit na sa galit si Dolores. Si Sandy naman ay sa bintana lang nakatingin habang bumibiyahe na sila pauwi. Paghinto pa lang ng kotse sa tapat ng bahay nila Sandy ay agad siyang lumabas at lumakad ng walang tigil hanggang sa makapasok siya sa loob, pero may mga kamay na humablot sa braso niya at pilit siyang pinahaharap nito. "Talagang pinanindigan mo ang kabastusan mo, Sandy! Ngayon tayo mag-uusap tungkol sa sinabi mong kasinungalingan kay Celeste!" Matapang na tinitigan ni Sandy ang kanyang ina na puno ng galit ang makikita sa mukha. Ang mata ni Dolores na namumula na rin sa galit na pilit nitong huwag sumabog ng sobra. "Ano bang gusto mong marinig? Nagsabi ako ng totoo sa pamilyang Montemayor. May problema ba 'don?" "Hindi 'yon ang problema rito! Nahihibang ka na ba para sabihin sa pamilya ni Dwight na sa UPCM ka nagtapos ng pag-aaral. Sa Ateneo nga mahirap ng makapasok at makapagtapos doon, tapos ikaw ay may lakas n
last updateLast Updated : 2024-08-30
Read more
Kabanata 7
Tumaas naman ang isang kilay ni Amara. "Hindi mo ba alam na may isa pang anak si Mommy? Oh wait...kami nga lang pala dapat ang anak, bigla ka lang sumulpot." Hindi pinansin ni Sandy ang pinagsasabi ni Amara. Mas nakapokus siya kay Sander ngayon, dahil hindi niya alam na meron pa siyang kapatid bukod kay Amara. Napahinto at biglang nanlaki ang mata ni Sander habang nakatingin at nakaturo ang daliri niito kay Sandy. "I-Ikaw si... Ate Sandy?!" sa himig na boses ni Sander ay parang gulat na may halong galak iyon. Gulong-gulo si Sandy sa nangyayari ngayon. Paanong nagkaroon pa ng isang anak ang kanyang ina na hindi niya nalalaman? Ang alam niya lang ay dalawa sila ni Amara, pero bakit kilala siya ng sinasabi ni Amara na bunsong anak ng kanilang ina. "Anong nangyayari rito?" tanong ni Amando nang sumilip ito sa kwarto ni Sandy. Sumagot naman si Amara, "Ito kasing si Sandy dad. Hindi niya ata alam na may isa pa kayong anak. Hindi ba niya alam 'yon o sadyang tanga lang siya sa part na
last updateLast Updated : 2024-08-30
Read more
Kabanata 8
Tumango naman si Dwight bilang sagot. Tumayo si Celeste at pumunta sa likod ni Dwight para itulak ang wheelchair nito. Nang nakapasok sila sa kwarto ay agad na nanghingi ng tulong si Celeste para mabuhat si Dwight papunta ng kama at maihiga ito ng maayos. Pagkatapos no'n ay iniwan na rin siya ng kanyang ina para magpahinga. Habang nakahiga at nakatitig sa kisame ay naalala n Dwight ang itsura ni Sandy. Hindi pansinin ang ganda ni Sandy kung ikukumpara sa babae na nakatira sa siyudad na may kolorete sa mukha. Kailangan munang matitigan ng mabuti ang mukha ni Sandy para makita ang tunay nitong ganda na hindi maikukumpara sa ibang babae. Napansin lang ni Dwight na laging seryoso ang mukha ng dalaga kahit pa may himig na pabiro ang sinasabi nito kanina. Ang maliit na ngiti ni Sandy ang nagpapagulo sa isip ni Dwight ngayon. Ang ngiti na maganda, pero parang pamilyar sa kanya. Kinabukasan.... Hindi nagising ng maaga si Sandy dahil sa sakit ng ulo niya. Hindi rin siya makatulog ng diret
last updateLast Updated : 2024-08-30
Read more
Kabanata 9
Napahimas na lang sa batok si Amando at bahagyang napapikit. "Oo alam kong magkaiba 'yon, pero iba naman kami. Pamilya mo kami, Sandy. Huwag sanang balutan ng yelo ang puso mo, puwedeng magpatawad anak." Tumitig si Sandy sa daan palabas ng dining area. "Hindi ko pa kayang ibigay 'yon para sa inyo, ama. 26 years akong naghintay ng pagmamahal mula sa inyong dalawa ni ina, hindi niyo man lang ako nabuhat ng matagal dahil iniwan niyo ako kay lola, tapos kayo ay umalis ng hindi ako kasama. Bumabalik lang kayo pag may kailangan tapos aalis ulit!" Ang seryosong mukaha ay napanatili ni Sandy, pero ang mata niya ay hindi maitatago ang sakit na nadarama sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. "Kaya kung hihingin niyo sa akin ang kapatawaran. Hindi pa ngayon, ama. Maaaring magpatawad ako... maaring hindi." Iniwan ni Sandy si Amando na nakatulala habang may luhang pumatak sa pisngi nito, habang si Amara ay sinundan lang ng tingin si Sandy habang paalis ng dining na may mukha na hindi mab
last updateLast Updated : 2024-08-30
Read more
Kabanata 10
Lumingon si Amando kay Sandy na may nagtatakang mukha. "Nagkita lang kayo kagabi. Bakit gusto mo na ulit makausap ang anak ni Celeste?" Bumuntong-hininga si Sandy at tumingin sa kalangitan. "May kailangan lang akong tanungin sa kanya, ama." "Ano naman iyon?" "Gusto ko na ako ang humawak sa mga dokumento na kailangan kong pag-aralan para muling makalakad si Dwight." "Pasensya na anak. Saang ospital ka nga pala nabibilang?" Napangiti ng maliit si Sandy. "Wala akong ospital na kinabibilangan, ama." Nagsalubong ang kilay ni Amando. "Paanong nangyari 'yon?" "Ako ay doctor na tinatawagan lamang kung may emergency o malala ang kalagayan ng pasyente. Kaya ko nasabing wala akong kinabibilangan na ospital ay dahil hindi naman ako permanente doon, at isa pa pinipili ko lang ang gusto kong pagalingin gamit ang kamay ko." "Hindi naman ata maganda ang ganon, Sandy. Ang obligasyon mo ay hindi dapat namimili." Tumayo si Sandy at naglakad ng ilang hakbang palayo sa kanyang ama. "Mahihirap,
last updateLast Updated : 2024-08-31
Read more
DMCA.com Protection Status