Share

Kabanata 7

Author: red_berries
last update Last Updated: 2024-08-30 04:50:59

Tumaas naman ang isang kilay ni Amara. "Hindi mo ba alam na may isa pang anak si Mommy? Oh wait...kami nga lang pala dapat ang anak, bigla ka lang sumulpot."

Hindi pinansin ni Sandy ang pinagsasabi ni Amara. Mas nakapokus siya kay Sander ngayon, dahil hindi niya alam na meron pa siyang kapatid bukod kay Amara.

Napahinto at biglang nanlaki ang mata ni Sander habang nakatingin at nakaturo ang daliri niito kay Sandy.

"I-Ikaw si... Ate Sandy?!" sa himig na boses ni Sander ay parang gulat na may halong galak iyon.

Gulong-gulo si Sandy sa nangyayari ngayon. Paanong nagkaroon pa ng isang anak ang kanyang ina na hindi niya nalalaman? Ang alam niya lang ay dalawa sila ni Amara, pero bakit kilala siya ng sinasabi ni Amara na bunsong anak ng kanilang ina.

"Anong nangyayari rito?" tanong ni Amando nang sumilip ito sa kwarto ni Sandy.

Sumagot naman si Amara, "Ito kasing si Sandy dad. Hindi niya ata alam na may isa pa kayong anak. Hindi ba niya alam 'yon o sadyang tanga lang siya sa part na maaari pa kayong magka-anak ni mommy."

"Bibig mo Amara," may awtoridad na pagbawal ni Amando sa anak.

Umirap lang si Amara at tumingin kay Sandy ng masama.

"Lumabas na kayong dalawa ni Sander dito at magpahinga na sa sari-sarili niyong kwarto, at ikaw Sander palitan mo 'yang damit mo. Huwag mo ng subukan na tumakas pa at maglagi na naman sa barkada mo ng matagal."

Nakatitig lang si Sander kay Sandy habang nakangiti, kaya inis na hinila ni Amara ito hanggang sa makalabas sila ng kwarto ni Sandy.

"Hindi niyo man lang sa akin sinabi na nagkaroon pa pala kayo ng anak. Buong buhay ko, akala ko ay kami lang ni Amara ang anak niyo, pero bakit hindi niyo man lang sa akin sinabi na meron pa pala akong kapatid na lalaki!" puno ng hinanakit na sambit ni Sandy sa kanyang ama.

Napabuntong-hininga si Amando at umupo sa upuan malapit sa kama ni Sandy.

"Naging busy tayong lahat, Sandy. Ikaw ay mas naging pokus sa pag-aaral at kami naman ay—"

"Sa pagpapalago ng negosyo at pagpapabuti sa pag-aaral ni Amara," biglang saad ni Sandy.

Hindi agad nakasagot si Amando. Nakatitig lamang ito sa sahig.

"Ano, ama? Hindi ka makasagot dahil totoo!"

Napapikit ng mariin si Amando, at sa pagdilat ng mata nito ay may makikitang ng lungkot doon.

"Patawad anak, ngunit hindi na rin pinabatid pa ng iyong ina ang tungkol kay Sander. Hindi na rin naman kami nakabalik pa sa probinsiya kaya hindi mo rin nalaman na may bunso ka pang kapatid."

Pumatak ang luha sa mata ni Sandy na kanina pa niya pinipigilan sa harap ng kanyang ina. Maging ang tungkol sa kapatid niyang si Sander ay nagawang ipagdamot sa kanya ng kanyang ina.

"Bakit pakiramdam ko ay hindi niyo ako tunay na anak para pagdamutan na meron akong bunsong kapatid? Kilala niya ako pero ako hindi ko siya kilala, dahil hindi niyo sa akin sinabi na nagsilang pa pala ng isang sanggol ang asawa mo!"

"Hindi naman sa ganon—"

"Anong hindi?! Nakita niyo ba kung paano siya nagalak na makita ako? Tapos ako ay parang tanga na ang nasa harap ko pala ay kadugo ko!"

"Patawad anak. Alam kong malaking pagkakamali iyon, pero sinunod ko lang naman ang iyong ina.

Napatawa si Sandy habang umiiyak. "Kagagawan na naman niya ito. Parang mas okay pa kung hindi na lang ulit kayo nagpakita sa akin at kuhanin ako! Puno naman ng paglilihim at hinanakit ang nasa bahay na ito laban sa akin!"

Tumalikod si Amando, pero palihim itong nagpunas ng luha sa kanyang mata.

"Matulog ka na, anak. Bukas ipakikilala kita ng mas mabuti kay Sander, pero sa ngayon magpahinga ka na "

Umalis ng kwarto si Amando habang si Sandy ay unti-unting napaluhod sa sahig habang tumatangis. Mas masakit pa ang nalaman niya ngayon kaysa sa mga naranasan niya ng ilang taon. Kapatid pa rin naman niya si Sander kaya kahit anong hinanakit niya sa kanyang ina ay masakit pa rin 'yon para sa kanya.

Umupo si Sandy sa gilid ng kanyang kama habang patuloy na tumutulo ang luha niya. Doble-doble ang sakit para sa kanya. Natanggap na niya na hindi na magkakaroon pa ng pagmamahal na galing sa magulang niya, pero sana man lang ay sinabi ng magulang niya na meron pa siyang isang kapatid. Nararamdaman niya na mas malayo ang ugali ni Sander kay Amara, kaya ganun na lang ang hinanakit niya. Humiga siya at tinakpan ng unan ang ulo niya para ibuhos ang lahat-lahat. Gusto niya pag humarap siya bukas sa pamilya niya ay may mukha siyang hindi matitinag ng kung ano ang sasabihin ng kanyang magulang.

Samantala sa bahay ng mga Montemayor, nang umuwi sila ay tahimik lamang si Dwight. Napansin iyon ni Celeste kaya nagtanong agad ito.

"May problema ba anak?"

Tumingin saglit si Dwight sa kanyang ina. "Nothing."

"Ano nga pala ang pinag-usapan niyo ni Sandy kanina?"

Bumuntong-hininga muna si Dwight bago nagsalita, "Tungkol lang iyon sa kasal."

"Ano 'yon?"

Nagsalubong ang kilay ni Dwight sa ina niyang gustong malaman ang pinag-usapan nila ni Sandy kanina.

"Basta."

Napangiti naman si Celeste. Kinuha nito ang tasa na may laman na mainit na tsokolate, humigop muna ito doon bago muling nagsalita.

"Alam kong meron pang mas importante kayong pinag-usapan. Ano 'yon? Sabihin mo na sa akin."

Hindi talaga makakapaglihim si Dwight sa kanyang ina. Kahit anong tago niya ay malalaman at malalaman nito ang lahat.

"Tungkol sa mga paa ko."

Natigilan si Celeste sa muling paghigop ng tsokolate. Binaba muna nito ang tasa para makinig kay Dwight.

"Nagpresinta siya na tutulungan niya ulit akong makalakad ulit."

Ngumiti si Celeste ng malaki. "Talaga? Anong sagot mo sa kanya?"

"Pumayag naman ako, pero kailangan niya munang tingnan ang result simula ng unang araw na hindi na makaramdam ang mga paa ko."

"Sigurado ka ba na siya ang gusto mong maging doctor ngayon?" paniniguro ni Celeste. "Meron talaga akong doctor na gusto para sayo, pero hindi madaling mahanap at makausap. Pero kung kaya ka niyang tulungan ay okay naman sa akin anak, at isa pa, magiging asawa mo naman siya kaya panatag ako na matutulungan ka talaga ni Sandy."

Tumango si Dwight at luminga sa loob ng sala. Napansin niya na parang tahimik ang bahay nila ngayon.

"Nasaan si Dylan, Ma?"

"Palagay ko ay nag-party na naman kasama ang kaibigan niya. Hindi talaga mapagsabihan ang isang 'yon. Sinabi kong magpahinga na sa kwarto umalis pa rin."

"Malalim na ang gabi, delikado na sa labas."

"Matigas ang ulo ng kapatid mo, Dwight. Ayaw mapirmi sa bahay kaya laging nasa labas. Hayaan mo at tatawagan ko siya mamaya. Gusto mo na bang magpahinga sa kwarto mo?"

Related chapters

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 8

    Tumango naman si Dwight bilang sagot. Tumayo si Celeste at pumunta sa likod ni Dwight para itulak ang wheelchair nito. Nang nakapasok sila sa kwarto ay agad na nanghingi ng tulong si Celeste para mabuhat si Dwight papunta ng kama at maihiga ito ng maayos. Pagkatapos no'n ay iniwan na rin siya ng kanyang ina para magpahinga. Habang nakahiga at nakatitig sa kisame ay naalala n Dwight ang itsura ni Sandy. Hindi pansinin ang ganda ni Sandy kung ikukumpara sa babae na nakatira sa siyudad na may kolorete sa mukha. Kailangan munang matitigan ng mabuti ang mukha ni Sandy para makita ang tunay nitong ganda na hindi maikukumpara sa ibang babae. Napansin lang ni Dwight na laging seryoso ang mukha ng dalaga kahit pa may himig na pabiro ang sinasabi nito kanina. Ang maliit na ngiti ni Sandy ang nagpapagulo sa isip ni Dwight ngayon. Ang ngiti na maganda, pero parang pamilyar sa kanya. Kinabukasan.... Hindi nagising ng maaga si Sandy dahil sa sakit ng ulo niya. Hindi rin siya makatulog ng diret

    Last Updated : 2024-08-30
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 9

    Napahimas na lang sa batok si Amando at bahagyang napapikit. "Oo alam kong magkaiba 'yon, pero iba naman kami. Pamilya mo kami, Sandy. Huwag sanang balutan ng yelo ang puso mo, puwedeng magpatawad anak." Tumitig si Sandy sa daan palabas ng dining area. "Hindi ko pa kayang ibigay 'yon para sa inyo, ama. 26 years akong naghintay ng pagmamahal mula sa inyong dalawa ni ina, hindi niyo man lang ako nabuhat ng matagal dahil iniwan niyo ako kay lola, tapos kayo ay umalis ng hindi ako kasama. Bumabalik lang kayo pag may kailangan tapos aalis ulit!" Ang seryosong mukaha ay napanatili ni Sandy, pero ang mata niya ay hindi maitatago ang sakit na nadarama sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. "Kaya kung hihingin niyo sa akin ang kapatawaran. Hindi pa ngayon, ama. Maaaring magpatawad ako... maaring hindi." Iniwan ni Sandy si Amando na nakatulala habang may luhang pumatak sa pisngi nito, habang si Amara ay sinundan lang ng tingin si Sandy habang paalis ng dining na may mukha na hindi mab

    Last Updated : 2024-08-30
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 10

    Lumingon si Amando kay Sandy na may nagtatakang mukha. "Nagkita lang kayo kagabi. Bakit gusto mo na ulit makausap ang anak ni Celeste?" Bumuntong-hininga si Sandy at tumingin sa kalangitan. "May kailangan lang akong tanungin sa kanya, ama." "Ano naman iyon?" "Gusto ko na ako ang humawak sa mga dokumento na kailangan kong pag-aralan para muling makalakad si Dwight." "Pasensya na anak. Saang ospital ka nga pala nabibilang?" Napangiti ng maliit si Sandy. "Wala akong ospital na kinabibilangan, ama." Nagsalubong ang kilay ni Amando. "Paanong nangyari 'yon?" "Ako ay doctor na tinatawagan lamang kung may emergency o malala ang kalagayan ng pasyente. Kaya ko nasabing wala akong kinabibilangan na ospital ay dahil hindi naman ako permanente doon, at isa pa pinipili ko lang ang gusto kong pagalingin gamit ang kamay ko." "Hindi naman ata maganda ang ganon, Sandy. Ang obligasyon mo ay hindi dapat namimili." Tumayo si Sandy at naglakad ng ilang hakbang palayo sa kanyang ama. "Mahihirap,

    Last Updated : 2024-08-31
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 11

    Hinawakan ni Dwight ang gulong ng wheelchair nito at pinagulong iyon para mapalapit kay Sandy. Nagsalubong naman ang kilay ng dalaga dahil mas malapit na ang binata sa kanya. "Nagmamadali ka ata? Kagabi mo lang sinabi ang tungkol sa pagtulong mo, kaya wala pa sa kamay ko ang dokumento na hinahanap mo."Napaiwas ng tingin si Sandy. Nagmamadali nga ba siya o sadyang tinatawag na siya ng tungkulin niya para makatulong at maresolba agad ang problema ni Dwight? "Hindi naman, pero dahil mahirap ang case mo ay kailangan kong pag-aralan ng mabuti ang lahat bago kita irekomenda sa ibang doctor." Tumingin si Dwight kay Sandy habang magkasalubong ang kilay nito. "Irekomenda sa ibangdoctor. Tama ba ang narinig ko?" Napabuntong-hininga si Sandy. "Oo tama ang narinig mo. Tutulungan lang kita tungkol sa medical records mo, pag napag-aralan ko na at nakuha ang tamang gawin ay saka kita irerekomenda sa ibang doctor, kung ang naiisip mo ay kung sakali na operahan ka ay ako ang doctor mo. Pasensya

    Last Updated : 2024-09-01
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 12

    Nagkibit-balikat si Dylan nang mawala na sa paningin niya ang kotse nila Sandy. Pumasok siya sa loob at nadatnan ang kuya at ina niya na nasa sala habang magkaharap ang mga ito. "May meeting ba kayo?" tanong ni Dylan. "Wala naman. Meron lang naging bisita ang kuya mo," sagot ni Celeste. "Sino?" "Si Sandy, ang mapapangasawa ng Kuya Dwight mo." Lihim na napangiwi si Dylan. Matutuloy pa rin pala ang kasal kahit na galing lang sa probinsya ang babaeng iyon. "Tuloy pa rin pala ang kasal." Kumunot ang noo ni Celeste. "Matutuloy talaga iyon kahit anong mangyari. Ayaw mo bang ipakasal ang kuya mo sa kapatid ni Amara?" Si Dwight ay nanatiling tahimik habang nakatingin sa kapatid nitong si Dylan. "Labas na ako diyan, Ma. Basta pag nauwi sa hindi magandang pangyayari ang pagpapakasal na 'yan, ewan ko na lang." Tinalikuran ni Dylan ang kanyang ina at kuya habang may mukhang nalilito si Celeste. "Dylan!" tawag ng malakas ni Celeste, pero hindi na lumingon pa si Dylan hanggang sa mawal

    Last Updated : 2024-09-01
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 13

    "May pera ka man ngayon, nakatapak ka pa rin sa lupa. Pare-parehas lang tayo kahit mayaman pa ang isang tao— sandali hindi nga pala tayo parehas, dahil masama ang ugali mo kaysa sa sinasabi mong mahihirap." "Talaga bang iyan ang magiging pag-uusap natin ha! Ano, mas pinapaboran mo ang mga taong iyon kaysa sa sarili mong kadugo!" Tumaas ang dalawang kilay ni Sandy. "Mas pipiliin ko na sila, kaysa sayo." Lumakad si Sandy, pero hinagip siya ng kamay ng kanyang ina at handa sanang sampalin muli sa pangalawang pagkakataon, pero hindi natuloy dahil pumasok sa bahay si Amando. "Dolores!!" may himig na galit ang boses ni Amando. Tinulak ni Dolores si Sandy ng mahina. "Ano na naman bang pinag-aawayan niyo at pagbubuhatan mo na naman ng kamay ang anak mo?!" "Ito..." Dinuro ni Dolores ang noo ni Sandy. "Masyadong matabil ang dila nitong panganay mo. Nakakakulo ng dugo sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya!" Hinawi ni Sandy ang daliri ni Dolores ng malakas, kaya gulat itong napating

    Last Updated : 2024-09-01
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 14

    Tiningnan ni Sander si Sandy ng matagal bago ito umupo sa kahoy na upuan malapit sa bintana. "Ayos naman," maikling saad ni Sander. Binaba ni Sandy ang mangkok sa lamesa at umupo na nakaharap kay Sander. "Alam kong ngayon lang tayo nagkita o magkakausap, pero huwag mo sanang masamain nag itatanong ko. " Naghintay si Sandy ng sagot mula kay Sander, pero katahimikan lang ang natanggap niya. "Bakit hindi mo pinagpatuloy ang pag-aaral?" Malungkot na tumingin si Sander kay Sandy, hanggang sa dahan-dahan niting binaba ang mata at tumigil ang paningin sa sahig. "Matanda na ako para magpatuloy pa sa pag-aaral." "Wala sa edad ang edukasyon, Sander. Kaya mo pang magtapos kung sakali na babalik ka ulit sa pag-aaral ngayon." Umiling si Sander. "Hindi ko na kaya ang pangkukutya na makukuha ko mula sa magiging kaklase ko na mas bata sa akin. Ayos naman ang buhay ko ngayon. Pinapakain at binibigyan naman ako ng pera." "Pagmamahal at pag-aalaga, meron bang binibigay sayo ang ating magulang?"

    Last Updated : 2024-09-02
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 15

    Sa kabilang banda, maliit na napangiti si Dwight habang nasa tenga niya pa ang telepono. Binaba niya iyon at tinitigan ang screen. Sinubukan lang naman ni Dwight tawagan ang numero ni Sandy, pero hindi niya magagawa iyon kung hindi nalaglag sa kanyang ina ang papel na binigay ni Sandy. Mas mainam na meron din siyang numero ng telepono ni Sandy, para na rin sa mga pag-uusapan nila tungkol sa monitoring ng mga paa niya. Tumingin si Dwight sa orasan. Hindi siya makatulog kaya umabot na siya sa ganong oras, ala-una. Uminom naman siya ng gamot, pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Tumingin muli siya sa screen ng telepono niya, pero bahagyang nagulat siya ng biglaang umilaw iyon. Ang numero ni Sandy ang nasa screen dahil naka-save na iyon sa kanya. Sinagot niya iyon, pero hindi siya nagsalita. "Maaari ko bang malaman kung sino ka? Baka may kailangan ka sa akin at kilala kita" tanong ni Sandy sa kabilang linya. Kailangan na bang magpakilala ni Dwight, parang may ibig sabihin naman k

    Last Updated : 2024-09-02

Latest chapter

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 100

    Inalis ni Sandy ang kumot sa kanyang bewang at umupo habang nakalaylay ang dalawa niyang paa sa gilid ng kama. "Ang l-lakas ng boses mo." "Dahil hindi ka sa akin naging totoo, Sandy." Sumasakit talaga ang ulo ni Sandy, parang maging ang tenga niya. Naging sensitibo sa ingay. Napahinto siya, may aakyat na naman sa sikmura niya palabas. Agad siyang tumayo pero napaluhod na lang sa sahig sa hilo, dahil hindi na siya maka-abot sa banyo, doon na lang niya sinuka ang lahat ng gustong ilabas ng simura niya. "Sandy!" Gulat na tawag ni Dwight. Napangiwi pa ito habang pinanonood si Sandy kung paano lumabas ang pagkain sa bibig nito na naghalo-halo. Hindi nga malabong gutumin ito sa dami pa lang ng nilabas nito sa bibig. "Simula ngayon bawal ka ng uminom ng alak, kahit isang patak pa 'yan!" Inis na saad ni Dwight habang hinawakan ang ilang hibla ng buhok ni Sandy na napupunta na sa mukha nito. Nang matapos ay hapong-hapo na sumandal si Sandy sa gilid ng kama. Habang si Dwight ay humahanap

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 99

    Mula sa pagkakatitig sa upuan ay lumipat ang tingin ni Sandy sa lalaki sa harap niya, malabo ito at hindi niya mapagtanto kung sino ang nasa harap niya ngayon at tinawag siya sa pangalawa niyang pangalan. "S-Sino ka?" saad niya habang pinipilig ang ulo dahil may pumipintig na doon. Seryoso ang mukha ni Dylan habang nanatiling nakatayo sa harapan ni Sandy. "Sandy?" "Hmmm." Iyon na lamang ang nasagot ni Sandy dahil nawalan na ito ng malay at pabagsak na sa sahig. Mabuti na nga lang at mabilis na nakalapit si Dylan para yakapin ito nang hindi mabagok ang ulo. Hindi malinaw, pero ang sagot ni Rae sa kanya ay totoo. Si Rae at si Sandy ay iisa lang. Dumating si Dwight sa loob ng bar. Ang bumungad sa kanya sa paghahanap niya kay Sandy ay ang kanyang kapatid na hawak si Sandy habang nakapikit ang dalaga. "Dylan," seryosong saad ni Dwight. Lumingon si Dylan. "Kuya. Mabuti at narito ka na, ito ba ang mapapangasawa mo?" "Paano mo siya nakita rito?" "Mahabang kwento, pero kailangan na

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 98

    "Ako pa talaga ang gagawin mong example sa kalokohan mo!" Malakas na binitawan ni Sandy ang buhok ni Alexis, halos gusto na lang gumulong sa sahig ni Alexis sa sakit ng anit niya sa paghila ng buhok niya ni Sandy. "Ang brutal mo talagang babae ka! Kaya ayokong lumalabas ang side mo na 'yan, masyadong palaban, ibang-iba sa isa mong ugali na hindi makabasag pinggan!" "Dapat ko lang ipakita, dahil na-agrabyado ako at alam mo 'yon Alexis." Bukod kay Lady at Sam, isa rin sa nakaka-alam ng estado ng buhay niya sa kanyang pamilya ay si Alexis. Dinaig pa kasi nito ang babae sa pagkausisa kaya na kwento niya ang buong detalye tungkol sa kanyang pamilya. Mukha naman itong katiwala-tiwala, kaya kahit sa maliit na rason ay na kwento niya kay Alexis. Humarap muli ito sa bote ng mga alak na nasa dalawa na ang walang laman, at hindi simpleng bote lang iyon dahil nasa one liter ang bawat isa kaya lasing ng matuturing si Alexis. "Tsk. Bakit kasi gusto mo pang bumalik sa pamilya mo kung hindi k

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 97

    "Mamaya na!" Napatingin tuloy ang ibang tao na nasa cafe sa boses ni Sandy na may kalakasan. Pilit na lang siyang ngumiti bago humarap kay Alexis na may nanlilisik na mata. "Oo. Bukas aalis na ako." Napakamot na lang si Sandy sa ulo niya at nilagok ang tirang kape na malamig na sa kanyang tasa. Dinuro niya ang mukha ni Alexis, pero may kalayuan naman sa mukha nito. "Pag ako talaga napahamak sa pag-aaya mo. Irereto talaga kita sa mga babaeng naghanap ng katulad mo. I-la-lock ko kayo sa isang kwarto at hahayaan ko yung babae na gawan ka ng kahalayan para hindi sayang ang lahi mo!!" Buong lakas niyang sabi kay Alexis kahit pa marinig siya ng ibang tao na katabi lang nila ng table. Umismid naman si Alexis at hinigop ang kape sa tasa nito. "Ang hirap mong hingan ng pabor, baka magkatotoo 'yang sinasabi mo sa akin, pero syempre hindi kita aayain kung mapapahamak ka lang. Magsasaya lang tayo doon." Wala ng nagawa si Sandy kung hindi sumagot ng oo, tutal hindi naman na siya nakatira s

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 96

    Hindi mapuknat ang ngiti ni Dwight kahit nakalabas na sila ng ospital, maging ang driver niya ay nagtataka kung bakit siya nakangiti ng sobra. Lito man ay ginawa na lang ng driver niya ang ginagawa nito sa tuwing isasakay siya sa kotse. "Puwede niyo po ba akong dalhin sa address na 'to?" Pinakita ni Sandy ang address sa driver ni Dwight habang sumasakay ng kotse. "Sige ho." Nang umandar na ang kotse ay saka nagtanong si Dwight, "Anong gagawin mo sa address na pinakita mo sa driver ko?" "May gusto sa aking makipagkita ngayon." Nagsalubong agad ang kilay ni Dwight. "Sino?" "Naging close ko nang mag-stay ako ng ilang araw sa hospital kung saan siya nagtatrabaho." "Babae?" Kunot ang noo ni Sandy na napatitig sa likuran ng upuan ng driver seat. "Bakit mo pa tinatanong kung babae? Paano kung lalaki, sige nga?" Iniwas ni Dwight ang mata niya kay Sandy at nagkunwaring tumitingin sa mga nadadaanan nilang mga kabahayan. "Wala naman akong sinabi. Tinanong ko lang kung babae." "Sa par

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 95

    Napabuntong-hininga na lamang si Dwight a t lumapit kay Sandy. Kailangan pala niyang dumapa at tumihaya, maging ang mga binti niya ay lalagyan ng mga wire kahit pa hindi ito makadama ng kahit ano. Sinimulan ni Sandy na ilagay ang wire sa binti muna ni Dwight kung saan hindi muna nito mararamdaman ang mga kuryente na dadaloy doon. "Subukan muna natin dito sa binti mo habang inaalis mo ang kaba sa iyong dibdib." Nang inumpisahan ni Sandy na i-on ang makina ay nakatitig siya sa mukha ni Dwight, inuna niya sa binti nito para makasiguro muna na wala pa talaga itong nararamdaman, tama naman siya walang reaksyon si Dwight habang nakatitig ito sa itaas. Hindi man lang din ito napangiwi, tinaas niya sa pinaka-high volume ang kuryente sa binti nito pero wala ring reaksyon si Dwight. Nang okay na ang minuto na nilaan niya para sa binti ni Dwight ay nilipat naman niya ang mga wire sa likod ni Dwight. Tinagilid niya muna ito bago tuluyan na idapa ang katawan ni Dwight sa higaan. "Hingang mal

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 94

    Sinunod ni Dwight ang sinabi ni Sandy, sinukat niya ang bigas at ang tubig bago iyon takpan. Si Sandy na ang naglagay sa rice cooker at pinindot iyon para maluto. Mga ilang minuto rin ang itatagal kaya maliligo muna si Sandy. "Dito ka muna. Maliligo lang ako." "Sige." Umalis si Sandy at naiwan sa kusina si Dwight. Lumapit siya sa ref, pero wala pa pa palang frozen food doon. Ang alam niya merong dalang grocery si Sandy kaya hinanap niya iyon sa mga cabinet na abot niya, pero wala doon. Mukhang nasa itaas, bumalik na lang siya sa dati niyang puwesto para hintayin si Sandy. Habang nakatitig si Dwight sa telepono niya ay naglalakad na si Sandy sa likuran niya para tanungin, "Dwight kumakain ka ba ng sardinas?" "Oo naman." "Iyon nalang ang lulutiin ko para dumami. Wala naman kong ibang maluluto kun'di 'yon lang at noodles, pero gusto ko sardinas ngayon kaya teka lang." Naghiwa ng sibuyas at bawang si Sandy at nilagay sa kawali na mainit. Habang ginigisa iyon ni Sandy ay naaamoy na

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 93

    Mahimbing na natutulog si Sandy, Hindi nito naramdaman na may nakapasok sa kanyang kwarto. Ngumiti si Dwight nang makita na tulog pa ang dalaga. Palihim talaga siyang pumasok dahil nasa kanya naman ang mga susi at lalo na ng mga hidden fingerprint sensor sa bahay na ito kaya kahit hindi niya tawagan si Sandy na bukas ang pinto ng bahay ay makakapasok pa rin siya. Lumapit siya kay Sandy na nakalilis pa ang damit hanggang sa ibabaw ng pusod. Inayos iyon ni Dwight at mas lalong lumapit kung nasaan ang ulo ni Sandy. Titingnan niya ang mukha ni Sandy na walang makikita kahit isang pimple, pero may napansin siya sa ilalim ng ilong nito, may manipis na bigote. Pinatong ni Dwight ang dalawang kamay niya sa gilid ng kama ni Sandy upang makapagnakaw ng halik sa labi nito, at nang nagtagumpay siya habang inaalis ang labi niya ay malapad siyang ngumiti dahil hindi pa rin nagising si Sandy. "Sandy, gising na." Bahagyang kumunot ang noo ni Sandy habang nakapikit ang mata, pero pamaya-maya ay n

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 92

    Kinuha ni Dwight ang telepono niya dahil balak niyang tawagan si Sandy at makipag-video call, pero napahinto siya sa wallpaper ng kanyang telepono. Si Sandy na bagong gising habang nakatulala at nakahawak sa ulo. Pinagmasdan muna niya iyon bago tumawag kay Sandy. Taranta naman si Sandy na sagutin ang tumatawag dahill kalalabas lang niya ng banyo at nakatuwalya lang, wala na siyang nagawa nang napindot na niya ang green na button at bumungad na sa screen ang mukha ni Dwight. "Sandy, hindi kita makita." Tinapat na lang ni Sandy sa kanya mismong mukha ang screen ng telepono para hindi makita ni Dwight na nakatuwalya lang siya. "Ang lapit naman masyado ng mukha mo. Hindi ko makita ng maayos." Wala ng nagawa si Sandy, kaya nilayo ng konti ang telepono sa kanya, kaya maging ang kalahati ng katawan niya na may tuwalya ay kita ni Dwight. Napalunok si Dwight at bahagyang umiwas ng tingin nmhabang nagsasalita, "Bakit hindi mo naman sinabi agad? Magbihis ka na muna." Agad namang sumunod

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status