Tiningnan ni Sander si Sandy ng matagal bago ito umupo sa kahoy na upuan malapit sa bintana. "Ayos naman," maikling saad ni Sander. Binaba ni Sandy ang mangkok sa lamesa at umupo na nakaharap kay Sander. "Alam kong ngayon lang tayo nagkita o magkakausap, pero huwag mo sanang masamain nag itatanong ko. " Naghintay si Sandy ng sagot mula kay Sander, pero katahimikan lang ang natanggap niya. "Bakit hindi mo pinagpatuloy ang pag-aaral?" Malungkot na tumingin si Sander kay Sandy, hanggang sa dahan-dahan niting binaba ang mata at tumigil ang paningin sa sahig. "Matanda na ako para magpatuloy pa sa pag-aaral." "Wala sa edad ang edukasyon, Sander. Kaya mo pang magtapos kung sakali na babalik ka ulit sa pag-aaral ngayon." Umiling si Sander. "Hindi ko na kaya ang pangkukutya na makukuha ko mula sa magiging kaklase ko na mas bata sa akin. Ayos naman ang buhay ko ngayon. Pinapakain at binibigyan naman ako ng pera." "Pagmamahal at pag-aalaga, meron bang binibigay sayo ang ating magulang?"
Sa kabilang banda, maliit na napangiti si Dwight habang nasa tenga niya pa ang telepono. Binaba niya iyon at tinitigan ang screen. Sinubukan lang naman ni Dwight tawagan ang numero ni Sandy, pero hindi niya magagawa iyon kung hindi nalaglag sa kanyang ina ang papel na binigay ni Sandy. Mas mainam na meron din siyang numero ng telepono ni Sandy, para na rin sa mga pag-uusapan nila tungkol sa monitoring ng mga paa niya. Tumingin si Dwight sa orasan. Hindi siya makatulog kaya umabot na siya sa ganong oras, ala-una. Uminom naman siya ng gamot, pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Tumingin muli siya sa screen ng telepono niya, pero bahagyang nagulat siya ng biglaang umilaw iyon. Ang numero ni Sandy ang nasa screen dahil naka-save na iyon sa kanya. Sinagot niya iyon, pero hindi siya nagsalita. "Maaari ko bang malaman kung sino ka? Baka may kailangan ka sa akin at kilala kita" tanong ni Sandy sa kabilang linya. Kailangan na bang magpakilala ni Dwight, parang may ibig sabihin naman k
Napahinto si Amara sa pagpasok ng bahay. Lumingon siya kay Sandy na nakatingin sa ibang direksyon, pero alam niya na para sa kanya ang sinabi nito. "Pakialam mo ba kung umuwi ako." Napataas ng isang kilay ni Sandy at tumingin kay Amara. Alam na alam talaga kung saan ito nag-aaral base sa uniform nito. "Hindi pa oras ng uwian." Tumingin si Sandy sa kalangitan. "Hindi rin naman masama ang panahon para magkansela ng klase." "Hindi ako uuwi kung hindi nagkansela ng klase. Puro ka kasi salita!" Handa na sanang lumakad muli ni Amara nang magsalita muli si Sandy, "Baka naman lumiban ka sa klase mo." Nanlilisik ang mata ni Amara na tumingin kay Sandy. Nagmamadali pa itong makalapit. "Puwede bang huwag kang makialam sa gingawa ko. Sino ka ba para pagsabihan ako?! "Tanong mo sagot mo rin. Sino nga ba?" Nagtitimping kumuyom ang kamao ni Amara. "Hindi kita binigyan ng permiso para tanungin ako ng kung ano. Kaya huwag na huwag ka ulit manghihimasok sa buhay ko!" Ngumisi si Sandy. "At si
Nagsalubong ang kilay ni Dwight at hindi makapaniwalang tumingin kay Dylan. Nalilito siya sa sinasabi ng kanyang kapatid. "Saan mo nakukuha ang impormasyon na ganyan?" "Tapatin mo na lang ako. Totoo ba iyon o hindi?!" Nag-igting ang panga ni Dwight. Pinagalutok din nito ang mga daliri. Doon napaatras ng konti si Dylan. Kahit pa hindi nakakalakad ang kuya niya, alam niya kung kailan ito naiinis o nagagalit sa isang sitwasyon. "Bakit ba pino-problema mo pa kung ano ang background ng magiging asawa ko? Hindi ako papayag kung hindi maganda ang background ni Sandy!" "Dahil nagmamalasakit lang ako, Kuya Dwight. Baka sa babaeng sasaktan ka lang sa huli mapunta, kaya mas maigi na alam natin kung saan siya nagmula o ano ang pinaggagawa niya sa buhay niya noong nasa probinsiya pa siya!" Napapikit si Dwight. "Labas ka sa usapin na iyon, Dylan. Kung sino ang sinabing ipakakasalan s akin ay iyon ang pakakasalan ko kahit ano pa siya." "Bakit, pagod ka na ba sa wheelchair na 'yan para maghana
Nagmamadaling lumabas ng kanilang kumpanya si Dolores. Ang makikita sa mukha nito ay galit na naman, at ang makakasalo ng lahat ng iyon ay si Sandy pag uwi niya sa kanilang bahay. Nagkakaproblema na nga sa sales ng negosyo nila dadagdag pa si Sandy sa init ng ulo niya. Hindi naman kalakihan ang gusali na pagmamay-ari ng mga Rivera. Kung ikukumpara sa ibang nagnenegosyo mabibilang lang siguro sila sa mga average na nagnenegosyo na kahit paano ay malaki ang kinikita. Malapit na si Dolores sa pinto palabas ng building na iyon, pero makakasalubong niya si Amando habang may dala-dalang kahon. "Saan ka pupunta?" "Uuwi lang ako sandali. May nakalimutan ako sa bahay." Atubiling sabihin ni Dolores ang pakay niya sa pag-uwi dahil sigurado siyang pipigilan siya ng kayang asawa, lalo pa't may amor ito kay Sandy. "Nakalimutan ko ang isang papeles doon sa drawer ng kwarto natin. Kailangan ko iyon ngayon, kaya sige na aalis na ako. Ikaw na muna ang bahala rito!" Hindi na binigyan pa ng c
"Oo na sige na! Bitawan mo lang 'yang hawak mo!" Unti-unting binaba ni Sandy ang hawak nitong kutsilyo. Nang biglang dumating si Amara. "M-Mommy..." "Huwag ka munang lalapit sa kapatid mo, Amara!!" sigaw ni Dolores. Lito namang tumingin si Amara kay Sandy na may ilang hakbang lang ang layo nila sa isa't-isa, maging si Sander ay hindi rin pala unalis, nanatili lang itong nasa isang gilid sa labas ng kusina. Ang kutsilyo na hawak ni Sandy ay hindi nakita ni Amara kaya naguguluhan ito sa sinabi ng kanyang ina. "Ano nangyayari rito, mommy?" "P-Pumasok ka na ulit ng kwarto mo. Mamaya ka na lumabas!" "Bakit nga?!" "Baka dahil dito kaya ka pinapapasok ni ina sa kwarto mo." Tinaas ni Sandy ang hawak niyang kutsilyo at tumingin kay Amara. Biglang layo si Amara sa ilang hakbang na pagitan nila ni Sandy. Napalunok ito ng ilang beses habang nakatitig sa talim ng kutsilyo. "B-Bakit... hawak mo 'yan?!" utal na saad ni Amara. "Bakit nga ba hinahawakan ang isang kutsilyo, Amara?"
Napatingin si Dwight kay Amara na may malapad na ngiti. Lumapit si Amara at binati si Dwight. "Hi, good morning. Bakit naparito ka?" Inipit pa ni Amara ang hibla ng buhok na kumawala sa kumpol ng buhok niya na nakatali. Pa simple rin nitong inayos ang damit na halatang kinulang sa tela sa igsi ng short nito ngayon. "Goodmorning. Naparito ako para kay Sandy." Ang ngiti sa labi ni Amara ay nawala nang mabanggit ang pangalan ng kanyang kapatid. "Anong kailangan mo sa kanya?" walang ka-inte-interes na tanong ni Amara. "May pag-uusapan lamang kami." "Ano?" Pumaling ng bahagya ang ulo ni Dwight dahil sa mga tanong nito. May pagka-usisa ang mga kapatid ni Sandy, napansin niya lang na parehas ang mga tanong ng mgaa ito na parang nag-eembestiga sa biglaan niyang pagpunta rito. Samantala, may mga tunog ng sapatos ang papalapit sa kinaroroonan ni Amara at Dwight. Nagulat ito nang mapatingin sa sala na dapat paalis na ng bahay. "Iho." Ngumiti ng bahagya si Dwight. "Goodmornin
Pahiyang ngumiti si Amara kay Dwight bago nito buksan ang folder at usisain ang mga records doon, pero nakaka-ilang minuto pa lang si Amara ay binalik na nito iyon kay Sandy. "So, may napansin ka ba?" "Meron." "Ano?" "Nakakaranas siya ng Herniated Disc." Maliit na napangiti si Sandy. "Magaling, pero for sure may deep reason pa sa pagkaparalisa ng mga paa ni Dwight." Mayabang na tumayo si Amara. "Magaling talaga ako, kaya pag naka-graduate ako mas magaling pa ako sayo!" Pagkatapos sabihin iyon ay umalis na si Amara sa sala. Napailing na lang si Sandy, saka inayos ang mga papel sa loob ng folder, pero napahinto siya sa isang page sa bandang huli. Binaliwala niya muna iyon at humarap muli kay Dwight na nakatingin sa folder o sa kamay niya na merong balot na tela. "Napano 'yan? Wala naman iyan noong pumunta ka sa bahay?" Tiningnan ni Sandy ang kamay niya na may nakabalot na telang puti. "Minor na sugat lang ito na nakuha ko sa paglilinis ng banyo." "Paano ka masusugat