Share

Kabanata 19

"Oo na sige na! Bitawan mo lang 'yang hawak mo!"

Unti-unting binaba ni Sandy ang hawak nitong kutsilyo. Nang biglang dumating si Amara.

"M-Mommy..."

"Huwag ka munang lalapit sa kapatid mo, Amara!!" sigaw ni Dolores.

Lito namang tumingin si Amara kay Sandy na may ilang hakbang lang ang layo nila sa isa't-isa, maging si Sander ay hindi rin pala unalis, nanatili lang itong nasa isang gilid sa labas ng kusina. Ang kutsilyo na hawak ni Sandy ay hindi nakita ni Amara kaya naguguluhan ito sa sinabi ng kanyang ina.

"Ano nangyayari rito, mommy?"

"P-Pumasok ka na ulit ng kwarto mo. Mamaya ka na lumabas!"

"Bakit nga?!"

"Baka dahil dito kaya ka pinapapasok ni ina sa kwarto mo." Tinaas ni Sandy ang hawak niyang kutsilyo at tumingin kay Amara.

Biglang layo si Amara sa ilang hakbang na pagitan nila ni Sandy. Napalunok ito ng ilang beses habang nakatitig sa talim ng kutsilyo.

"B-Bakit... hawak mo 'yan?!" utal na saad ni Amara.

"Bakit nga ba hinahawakan ang isang kutsilyo, Amara?"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status