Share

Kabanata 18

Nagmamadaling lumabas ng kanilang kumpanya si Dolores. Ang makikita sa mukha nito ay galit na naman, at ang makakasalo ng lahat ng iyon ay si Sandy pag uwi niya sa kanilang bahay. Nagkakaproblema na nga sa sales ng negosyo nila dadagdag pa si Sandy sa init ng ulo niya.

Hindi naman kalakihan ang gusali na pagmamay-ari ng mga Rivera. Kung ikukumpara sa ibang nagnenegosyo mabibilang lang siguro sila sa mga average na nagnenegosyo na kahit paano ay malaki ang kinikita. Malapit na si Dolores sa pinto palabas ng building na iyon, pero makakasalubong niya si Amando habang may dala-dalang kahon.

"Saan ka pupunta?"

"Uuwi lang ako sandali. May nakalimutan ako sa bahay."

Atubiling sabihin ni Dolores ang pakay niya sa pag-uwi dahil sigurado siyang pipigilan siya ng kayang asawa, lalo pa't may amor ito kay Sandy.

"Nakalimutan ko ang isang papeles doon sa drawer ng kwarto natin. Kailangan ko iyon ngayon, kaya sige na aalis na ako. Ikaw na muna ang bahala rito!"

Hindi na binigyan pa ng c
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status