author-banner
red_berries
red_berries
Author

Nobela ni red_berries

The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

Mapipilitan si Sandy na umalis sa kinalakihan niyang lugar sa probinsiya para sa isang kasal. Kinuha siya ng magulang niya para ipakilala siya kay Dwight Montemayor, ang lalaking hindi na nagawa pang makalakad dahil sa isang aksidente. Pumayag si Sandy na ipakasal siya kay Dwight hindi dahil mayaman ang pamilya nito. Meron siyang malalim na dahilan kaya pumayag siyang makasal sa binata, ngunit sa kabila ng lahat ay magiging magulo ang buhay ni Sandy sa poder ng kanyang magulang dahil sa kanyang kapatid na si Amara. Laging ito ang mas magaling at mabuti, kahit kabaliktaran naman lahat ng pinapakita nito kay Sandy, at isa pa, ang iniibig ng kanyang kapatid ay ang kanyang mapapangasawa, si Dwight. Kaya mas lalong magiging magulo ang lahat sa pagitan nila Amara at Sandy. Muli kayang makalakad pa si Dwight? Darating pa kaya ang panahon na mapapatawad ni Sandy ang kanyang magulang?
Basahin
Chapter: Kabanata 100
Inalis ni Sandy ang kumot sa kanyang bewang at umupo habang nakalaylay ang dalawa niyang paa sa gilid ng kama. "Ang l-lakas ng boses mo." "Dahil hindi ka sa akin naging totoo, Sandy." Sumasakit talaga ang ulo ni Sandy, parang maging ang tenga niya. Naging sensitibo sa ingay. Napahinto siya, may aakyat na naman sa sikmura niya palabas. Agad siyang tumayo pero napaluhod na lang sa sahig sa hilo, dahil hindi na siya maka-abot sa banyo, doon na lang niya sinuka ang lahat ng gustong ilabas ng simura niya. "Sandy!" Gulat na tawag ni Dwight. Napangiwi pa ito habang pinanonood si Sandy kung paano lumabas ang pagkain sa bibig nito na naghalo-halo. Hindi nga malabong gutumin ito sa dami pa lang ng nilabas nito sa bibig. "Simula ngayon bawal ka ng uminom ng alak, kahit isang patak pa 'yan!" Inis na saad ni Dwight habang hinawakan ang ilang hibla ng buhok ni Sandy na napupunta na sa mukha nito. Nang matapos ay hapong-hapo na sumandal si Sandy sa gilid ng kama. Habang si Dwight ay humahanap
Huling Na-update: 2025-01-08
Chapter: Kabanata 99
Mula sa pagkakatitig sa upuan ay lumipat ang tingin ni Sandy sa lalaki sa harap niya, malabo ito at hindi niya mapagtanto kung sino ang nasa harap niya ngayon at tinawag siya sa pangalawa niyang pangalan. "S-Sino ka?" saad niya habang pinipilig ang ulo dahil may pumipintig na doon. Seryoso ang mukha ni Dylan habang nanatiling nakatayo sa harapan ni Sandy. "Sandy?" "Hmmm." Iyon na lamang ang nasagot ni Sandy dahil nawalan na ito ng malay at pabagsak na sa sahig. Mabuti na nga lang at mabilis na nakalapit si Dylan para yakapin ito nang hindi mabagok ang ulo. Hindi malinaw, pero ang sagot ni Rae sa kanya ay totoo. Si Rae at si Sandy ay iisa lang. Dumating si Dwight sa loob ng bar. Ang bumungad sa kanya sa paghahanap niya kay Sandy ay ang kanyang kapatid na hawak si Sandy habang nakapikit ang dalaga. "Dylan," seryosong saad ni Dwight. Lumingon si Dylan. "Kuya. Mabuti at narito ka na, ito ba ang mapapangasawa mo?" "Paano mo siya nakita rito?" "Mahabang kwento, pero kailangan na
Huling Na-update: 2024-11-18
Chapter: Kabanata 98
"Ako pa talaga ang gagawin mong example sa kalokohan mo!" Malakas na binitawan ni Sandy ang buhok ni Alexis, halos gusto na lang gumulong sa sahig ni Alexis sa sakit ng anit niya sa paghila ng buhok niya ni Sandy. "Ang brutal mo talagang babae ka! Kaya ayokong lumalabas ang side mo na 'yan, masyadong palaban, ibang-iba sa isa mong ugali na hindi makabasag pinggan!" "Dapat ko lang ipakita, dahil na-agrabyado ako at alam mo 'yon Alexis." Bukod kay Lady at Sam, isa rin sa nakaka-alam ng estado ng buhay niya sa kanyang pamilya ay si Alexis. Dinaig pa kasi nito ang babae sa pagkausisa kaya na kwento niya ang buong detalye tungkol sa kanyang pamilya. Mukha naman itong katiwala-tiwala, kaya kahit sa maliit na rason ay na kwento niya kay Alexis. Humarap muli ito sa bote ng mga alak na nasa dalawa na ang walang laman, at hindi simpleng bote lang iyon dahil nasa one liter ang bawat isa kaya lasing ng matuturing si Alexis. "Tsk. Bakit kasi gusto mo pang bumalik sa pamilya mo kung hindi k
Huling Na-update: 2024-11-18
Chapter: Kabanata 97
"Mamaya na!" Napatingin tuloy ang ibang tao na nasa cafe sa boses ni Sandy na may kalakasan. Pilit na lang siyang ngumiti bago humarap kay Alexis na may nanlilisik na mata. "Oo. Bukas aalis na ako." Napakamot na lang si Sandy sa ulo niya at nilagok ang tirang kape na malamig na sa kanyang tasa. Dinuro niya ang mukha ni Alexis, pero may kalayuan naman sa mukha nito. "Pag ako talaga napahamak sa pag-aaya mo. Irereto talaga kita sa mga babaeng naghanap ng katulad mo. I-la-lock ko kayo sa isang kwarto at hahayaan ko yung babae na gawan ka ng kahalayan para hindi sayang ang lahi mo!!" Buong lakas niyang sabi kay Alexis kahit pa marinig siya ng ibang tao na katabi lang nila ng table. Umismid naman si Alexis at hinigop ang kape sa tasa nito. "Ang hirap mong hingan ng pabor, baka magkatotoo 'yang sinasabi mo sa akin, pero syempre hindi kita aayain kung mapapahamak ka lang. Magsasaya lang tayo doon." Wala ng nagawa si Sandy kung hindi sumagot ng oo, tutal hindi naman na siya nakatira s
Huling Na-update: 2024-11-12
Chapter: Kabanata 96
Hindi mapuknat ang ngiti ni Dwight kahit nakalabas na sila ng ospital, maging ang driver niya ay nagtataka kung bakit siya nakangiti ng sobra. Lito man ay ginawa na lang ng driver niya ang ginagawa nito sa tuwing isasakay siya sa kotse. "Puwede niyo po ba akong dalhin sa address na 'to?" Pinakita ni Sandy ang address sa driver ni Dwight habang sumasakay ng kotse. "Sige ho." Nang umandar na ang kotse ay saka nagtanong si Dwight, "Anong gagawin mo sa address na pinakita mo sa driver ko?" "May gusto sa aking makipagkita ngayon." Nagsalubong agad ang kilay ni Dwight. "Sino?" "Naging close ko nang mag-stay ako ng ilang araw sa hospital kung saan siya nagtatrabaho." "Babae?" Kunot ang noo ni Sandy na napatitig sa likuran ng upuan ng driver seat. "Bakit mo pa tinatanong kung babae? Paano kung lalaki, sige nga?" Iniwas ni Dwight ang mata niya kay Sandy at nagkunwaring tumitingin sa mga nadadaanan nilang mga kabahayan. "Wala naman akong sinabi. Tinanong ko lang kung babae." "Sa par
Huling Na-update: 2024-11-12
Chapter: Kabanata 95
Napabuntong-hininga na lamang si Dwight a t lumapit kay Sandy. Kailangan pala niyang dumapa at tumihaya, maging ang mga binti niya ay lalagyan ng mga wire kahit pa hindi ito makadama ng kahit ano. Sinimulan ni Sandy na ilagay ang wire sa binti muna ni Dwight kung saan hindi muna nito mararamdaman ang mga kuryente na dadaloy doon. "Subukan muna natin dito sa binti mo habang inaalis mo ang kaba sa iyong dibdib." Nang inumpisahan ni Sandy na i-on ang makina ay nakatitig siya sa mukha ni Dwight, inuna niya sa binti nito para makasiguro muna na wala pa talaga itong nararamdaman, tama naman siya walang reaksyon si Dwight habang nakatitig ito sa itaas. Hindi man lang din ito napangiwi, tinaas niya sa pinaka-high volume ang kuryente sa binti nito pero wala ring reaksyon si Dwight. Nang okay na ang minuto na nilaan niya para sa binti ni Dwight ay nilipat naman niya ang mga wire sa likod ni Dwight. Tinagilid niya muna ito bago tuluyan na idapa ang katawan ni Dwight sa higaan. "Hingang mal
Huling Na-update: 2024-11-09
Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise

Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise

Sa loob ng sampung taon na magkasintahan si Elle at Franz, nauwi ang lahat sa hiwalayan, dahil sa isang babae na isang kaibigan lang daw. Alam ni Elle na mabait at maunawain ang kanyang nobyo, pero masyadong lumagpas ang pagiging mabait nito na naka-apekto sa kanilang relasyon, siya na naturingan na nobya, pero parang siya pa ang walang karapatan kay Franz. Masakit kay Elle na bitawan si Franz, pero hindi niya hahayaan na masira pa lalo ang buhay niya kung laging pagdadahilan ang maririnig niya mula sa bibig ni Franz. Nagpakalayo at napadpad sa isang tahimik na lugar si Elle para lubos na makalimutan si Franz, at para na rin doon ibuhos ang lahat ng sakit, pero hindi rin pala niya magagawa dahil sa isang mala-yelong pagkatao ng isang lalaki na makakasama niya sa isang bahay, hindi naman siya pinanganak na mayaman kaya kailangan niyang mangupahan. Ang akalang kalmado at walang sakit sa ulo na tahanan ay magiging mahirap para kay Elle, dahil sa ugali ni Jack, ang kasama niya sa bahay. Kung si Elle ay mayroong liwanag kahit pa nasaktan ito, si Jack ang nagpapawala no'n dahil sa hindi sila magkasundong dalawa sa lahat ng bagay sa iisang bubong. Away dito, away doon ang ginagawa nila araw-araw. Tuluyan kayang maghilom ang sugatan na puso ni Elle, o mas lalong hindi, dahil kay Jack? Paano na lang kung isang araw sa kagustuhan na mag-move-on ni Elle kay Jack na tumitibok ang kanyang puso? Ang isa pang malaking rebelasyon, paano kung malaman ni Elle na isang bilyonaryo pala si Jack na nagpapanggap na mahirap para sa isang misyon?
Basahin
Chapter: 11 - Pagpapanggap
Umangat ang gilid ng labi ni Jack, at habang nakahalukipkip ay muling niyang tinanaw ang tao na alam niyang nakamasid sa kanilang dalawa ni Elle. "Pag patak ng alas-singko ng umaga ay dapat gising ka na, dahil libre ang bigas para sayo, ikaw ang magsasaing mula umaga, tanghali, at hapon." "Ha?!" Nilakasan talaga ni Elle at ginawa niya iyon malapit sa tenga ni Jack. Napapikit naman ang binata at at napakamot sa kilay nito. "Ang ingay mo, pero iyon na talaga ang dapat mong sundin. Iyon na lang ang bayad mo sa kanin na kakainin mo." Napangiwi si Elle. "Parang sinabi mo na rin na nakatira ako ng libre sa bahay na 'to. Fyi lang ha, magbabayad rin ako buwan-buwan sa bahay na 'to!" "Bahay lang, hindi kasama ang pagkain doon. Hindi ka naman siguro tamad para hindi sundin ang utos ko." "Hindi ako tamad no!" Bumuntong-hininga si Jack at naghanap na lang ng tarapal na itatabing niya sa bigas. Walang makakakuha niyon dahil sa bantay niyang mga nakatago sa halaman, hindi lang isa kung hind
Huling Na-update: 2024-11-25
Chapter: 10 - Anino
Nagsalubong naman ang kilay ni Elle. Tiningnan pa niya ang delata bago sumagot. "Delata. Hindi mo ba alam ang ulam na 'yan?" Tamad naman na tumingin si Jack kay Elle bago nilayo ang nilapag na deleta. "Kuhanin mo at itabi. Kaya kong kumain ng walang ulam." Hindi alam ni Elle kung maiinis ba siya sa pagtanggi nito o sa wala itong ulam. "Marami pa naman ang kanin mo kaya sige na kainin mo na 'yan. Ipagpalagay na lang natin na hindi ka na nakapagluto ng ulam mo dahil gabi na ng umuwi. Hindi ko naman pababayaran iyan sayo." Ngumunguyang tumingin sa kanya si Jack na kalaunan ay tumayo muli para kumuha ng mangkok, madali na lang na buksan iyon dahil hindi na gagamit pa ng kutsilyo. Tahimik na iniwan na lang niya si Jack sa kusina habang kumakain. Hindi naman palabas sa telebisyon ang pagkain ni Jack para panoorin niya kung paano nito nguyain ang kanin. Humiga na siya sa papag, pero hindi pa man, nakaramdam na siya ng init, mas malamig pa sa labas kaysa sa loob ng bahay. Hindi naman
Huling Na-update: 2024-11-25
Chapter: 9 - Pang-asar Na Lalaki
Tumingin si Franz sa table at inalala kung ano nga ba ang date bago mag-alas-dose ng gabi. Nang mapagtanto niya ang lahat ay agad siyang lumapit kay Elle, ngunit hinawi lang nito ang kanyang kamay. "H-Huwag na huwag mo saking idadahilan na kailangan ka na naman ng kaibigan mo kaya hindi mo naalala ang special na araw para sa ating dalawa! Sawang-sawang na ko sa paulit-ulit mong rason!!" Muling bumuhos ang luha ni Elle na puno ng hinagpis para kay Franz. "I-Im sorry... hindi ko naala—" "Bakit mo nga naman aalalahanin? Simula ng dumating ang kaibigan mo na 'yon, lahat ng special satin parang naging normal na lang para sayo, at minsan nakakalimutan mo na ang lahat satin, mas naaalala o pa ang sinasabi sayo ni Blair!!" Sinubukan hawakan muli ni Franz si Elle pero lumayo muli ito. "H-Hayaan mo muna akong magpaliwanag kung bakit hindi ko naalala kanina. Nadulas siya sa banyo at tanging ako lang ang tinawagan niya kaya nagpunta ako sa bahay niya, pero hindi ako maka-alis dahil wala sa
Huling Na-update: 2024-11-07
Chapter: 8 - Sakit Ng Nakaraan
Sinubukan ulit pagdingasin ni Elle ang kahoy, at sa pagpipigil na mawalan ng pasensya ay tuluyan ng nag-apoy ang ilang pirasong kahoy. Sinalang niya ang kaldero at iniwan iyon doon para pumasok ng kwarto. Mamimili siya ng delata para sa hapunan niyang ulam, kakain na siya pag naluto na ang kanin. Hindi naman niya alam kung saan nagtungo si Jack, at isa pa, hindi na niya kailangan pang hintayin ang lalaki. Muling bumalik si Elle sa kusina para tingnan ang sinaing, tinaas niya ang takip ng kaldero, kumukulo na iyon at malapit ng maluto, kaya inalis na niya ang ibang kahoy para hindi masunog ang ilalim ng kanin. Kumuha siya ng mangkok, kutsara, at plato para handa na siyang kumain pagkatapos maluto ng kanin. Ilang minuto lang ang hinintay ni Elle ay luto na ang kanin. Kahit mainit ay nagtiyaga siyang kumain kahit halos mapaso na ang dila niya sa init, puwede namang palamigin at kainin, pero ewan ba niya at gusto niyang kumain ng maaga ngayon. Pagkatapos ubusin ang lahat ng kanin at de
Huling Na-update: 2024-11-07
Chapter: 7 - Gigil Sa Apoy
Pumasok si Jack sa kwarto at sinarado agad ang pinto. Naiwan naman si Elle na natulala. Kalaunan ay umamba na lang siya ng suntok sa pinto ng kwarto ni Jack bago pumasok sa kwarto niya para punasan ang papag na makapal na ang alikabok. Nagtiyaga si Elle si pagpupunas hanggang sa nawala ang alikabok sa papag. Kailangan malinis iyon dahil wala naman siyang sapin o kumot man lang. Inis niyang tinapon ang damit na kinuha pa niya sa loob ng bag niya, ginulo ang buhok at nagbuga ng hangin. Nawa'y magtagal siya sa lugar na 'to, dahil ito lang ang lugar na puwede siyang hindi makita ni Franz. Nahiga si Elle. Kahit paano ay may unan siyang nakita na nakapatong sa maliit na lamesa. Pumikit siya at hinayaan na tangayin ng antok. Samantala, pagkalipas ng ilang oras, tulog pa rin si Elle. Nakaraan na rin ang tanghalian pero hindi pa rin ito lumalabas ng kwarto. Habang si Jack ay naghahanda na para umalis ng bahay. Nagsuot muli ito ng damit na may mahabang manggas, pajama, gloves, at damit na s
Huling Na-update: 2024-10-18
Chapter: 6 - Kundisyon Ni Mister Sungit
Nang lumakad ang matanda ay sumunod agad si Elle. Nasa likod lang siya dahil may kabagalan na rin ang paglakad ni Lola Tyla. Habang palapit na sila sa bahay ay nakatitig lamang si Elle doon, may ibang parts na din kasi ng bintana ang wala na, pero may harang naman na sako. Kung sa siyudad ang may ganoong bahay, siguradong makakapasok ang mga kawatan. Lumingon muli si Elle sa likuran ng matanda na muntik pa niyang mabunggo dahil nakatutok ang pansin niya sa bahay. Napangiwi siya dahil kamuntikan na iyon at baka mabuwal pa ito. Sa likurang pinto ng bahay sila dumaan, kaya nakita ni Elle ang kusina. Maayos naman, hindi lang katulad sa nakagisnan niyang itsura ng kusina. Nang nakarating sila sa sala ay nadatnan nila Sandy si Jack na nakasandal sa mahabang upuan na gawa sa kahoy habang nakapikit ang mata nito. "Iho." Nagmulat naman si Jack ng mata at tumingin sa gawi nila Sandy. "Nay." Umayos ng upo si Jack, tumingin kay Elle saka bumalik muli kay Tyla. "Gusto kitang makausap tungkol
Huling Na-update: 2024-10-18
Maaari mong magustuhan
Trapped In His Arms (Tagalog)
Trapped In His Arms (Tagalog)
Romance · maria adelle
324.0K views
My Pleasure, Sir
My Pleasure, Sir
Romance · MissLN
321.3K views
My Innocent Maid
My Innocent Maid
Romance · SANTIAGO
312.1K views
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status