Share

6 - Kundisyon Ni Mister Sungit

Nang lumakad ang matanda ay sumunod agad si Elle. Nasa likod lang siya dahil may kabagalan na rin ang paglakad ni Lola Tyla. Habang palapit na sila sa bahay ay nakatitig lamang si Elle doon, may ibang parts na din kasi ng bintana ang wala na, pero may harang naman na sako. Kung sa siyudad ang may ganoong bahay, siguradong makakapasok ang mga kawatan.

Lumingon muli si Elle sa likuran ng matanda na muntik pa niyang mabunggo dahil nakatutok ang pansin niya sa bahay. Napangiwi siya dahil kamuntikan na iyon at baka mabuwal pa ito. Sa likurang pinto ng bahay sila dumaan, kaya nakita ni Elle ang kusina. Maayos naman, hindi lang katulad sa nakagisnan niyang itsura ng kusina.

Nang nakarating sila sa sala ay nadatnan nila Sandy si Jack na nakasandal sa mahabang upuan na gawa sa kahoy habang nakapikit ang mata nito.

"Iho."

Nagmulat naman si Jack ng mata at tumingin sa gawi nila Sandy.

"Nay." Umayos ng upo si Jack, tumingin kay Elle saka bumalik muli kay Tyla.

"Gusto kitang makausap tungkol dito kay Elle."

"Ano ho iyon?" sagot ni Jack kahit alam naman niya kung ano ang sasabihin ng matanda sa kanya.

Umupo si Tyla sa pang-isahan na upuan, hinawakan nito ang kamay ni Elle at hinila iyon para makaupo sa upuan kung saan kahanay niya si Jack.

"Alam kong matagal ka na rito, Jack, pero nanghingi kasi sa akin ng pabor ang apo ko tungkol dito kay Elle. Dalawa naman ang kwarto rito, may pinto na may kandado kaya kampante ako na magsama kayong dalawa sa iisang bubong."

Patagilid na tiningnan ni Jack si Elle. "Pero Nay Tyla, mas okay po akong nag-iisa rito sa bahay. Ayoko po ng maingay."

Unti-unting tumaas ang isang kilay ni Elle sa narinig niya mula kay Jack. Hindi naman siya maingay, at dahil may laman ang sinabi nito ay masama niyang tiningnan si Jack.

"Ayoko rin ng maarte, lalo na pag dating sa pagkain at itsura ng bahay."

"Hindi naman ako maarte! Kaya kong manirahan sa ganitong style ng bahay!" Hindi na napigilang sumagot ni Elle.

Umangat ang gilid ng labi ni Jack. Sumandal ito at nilagay ang dalawang kamay sa sandalan ng upuan.

"Talaga? Paano kung sabihin ko sayo na walang dumadaloy na kuryente sa bahay na 'to? Gugustuhin mo pa rin bang manirahan dito?"

Biglang lumingon si Elle kay Tyla na may nagtatanong na ekspresyon sa mukha.

"T-Too po ba 'yon?"

Tumango si Tyla. "Totoo ang mga tinuran ni Jack. Walang kuryente dito na magagamit para magpa-ilaw pag madilim. Ako lamang ang meron sa munti kong tahanan."

Awang ang bibig ni Elle na napatulala na lang sa kawalan. Hindi niya inaasahan ito, okay na sana kahit luma ang bahay, pero ang walang kuryente, ang init!

"O ano? Hindi ka na nakasagot nang malaman mo na walang kuryente dito sa bahay. Magtitiis kang kumain na ang ilaw ay galing sa kandila o kingke, wala ring electric fan."

Parang gusto na lang ni Elle na sumiksik sa bahay ng lola ni Gabrielle, kahit sa ilalim na lang ng papag nito ay okay na siguro basta huwag lang mainitan.

"O-Okay lang po sa akin kahit wala 'yon, lola." Pikit-matang saad ni Elle kahit may pagdadalawang isip na siya na tumira sa lugar na iyon.

Napangiti si Tyla at tumingin kay Jack. "Okay naman pala sa kanya anak. Siguro ay mag-usap na lamang kayo tungkol sa magiging obligasyon niyo sa bahay na ito. Hindi pa ata nahusto ang tulog ko, maiwan ko na kayo at ako ay babalik muli sa pagtulog, ang hirap ng tumatanda talaga." Tumawa ng mahina si Tyla habang tumatayo ito. Lumakad na rin dahan-dahan palabas ng bahay.

Naiwan ang dalawa na nakatitig lang sa kawalan hanggang sa magsalita si Jack, "Nasa harap mo na ang magiging kwarto mo. Ito ang sa akin, at bawal kang pumasok diyan."

Tinuro ni Jack ang kwarto kung saan ang kay Elle. Nasa harap nga nila ang dalawang kwarto dahil hindi naman kalakihan itong bahay, halos magkatabi rin ang pinto.

"Tungkol naman sa gawain. Parehas tayong gagalaw, sa paghuhugas ng pinggan at pagluluto, pero sa ulam kanya-kanya tayo. Sinaing lang ang tinutuoy ko sa pagluluto."

Sa isip ni Elle ay dapat lang talaga na bukod sila sa ulam dahil hindi naman sila close para mag-share kung ano ang ulam ng isa.

"Malamig ba dito?" Sa dami ng puwede itanong ay iyon ang lumabas sa bibig ni Elle.

"Wala tayo sa mataas na lugar, pero makakaramdam ka naman ng lamig ngayon dahil magpapasko."

Napabuntong-hininga naman si Elle at napasandal na lang sa upuan. Wala ng atrasan, nag-desisyon siya agad, dapat panindigan niya ang naging desisyon niya ngayon kahit mahihirapan siya sa takbo ng buhay sa lugar na iyon.

"May tinataguan ka ba? Sa itsura ng balat mo mukhang babad ka sa buga ng hangin ng aircon. Nararamdaman ko rin na hindi ka magtatagal dito dahil sa init."

Wala sa mood na tumingin si Elle kay Jack. Kinukumbinsi ba siya ng lalaki na umalis na lang dahil sa mga dahilan na sinasabi nito?

"Kahit ano pang sabihin mo hindi ako aalis dito."

Nagkibit-balikat si Jack saka tumayo. "Kung ganon, goodluck na lang sayo pare."

Tigagal na tumingin si Elle kay Jack habang paalis ito para pumasok ng kwarto. Biglang tumayo si Elle at humarang sa pinto ng kwarto nito.

"Sinabi ko na sayong miss o kaya Elle na lang. Babae ako na may pusong babae rin!"

Tiningnan ni Jack si Sandy mula ulo hanggang paa. "Mas mukha kang lalaki kahit pa mahaba ang buhok mo. Tumabi ka diyan at papasok na ako sa kwarto ko."

Aalis na sana si Elle pero natabig ng paa niya ang pinto ng kwarto kaya bumukas iyon. Tumingin siya sa loob ng kwarto, bahagya napa-awang ang labi niya nang makita ang itsura ng kwarto. Agad na binuksan ni Elle ang kabilang kwarto at bahagya siyang nadismaya sa itsura, wala kasing kama.

"Linisin mo na lang ang kwarto para hindi ganyan ang itsura mo. Nag-expect ka ba na kagaya ng kwarto mo ang kwarto ko?" Tumango naman si Elle. "Tsk. Asa ka pa."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status