Share

7 - Gigil Sa Apoy

Pumasok si Jack sa kwarto at sinarado agad ang pinto. Naiwan naman si Elle na natulala. Kalaunan ay umamba na lang siya ng suntok sa pinto ng kwarto ni Jack bago pumasok sa kwarto niya para punasan ang papag na makapal na ang alikabok.

Nagtiyaga si Elle si pagpupunas hanggang sa nawala ang alikabok sa papag. Kailangan malinis iyon dahil wala naman siyang sapin o kumot man lang. Inis niyang tinapon ang damit na kinuha pa niya sa loob ng bag niya, ginulo ang buhok at nagbuga ng hangin. Nawa'y magtagal siya sa lugar na 'to, dahil ito lang ang lugar na puwede siyang hindi makita ni Franz.

Nahiga si Elle. Kahit paano ay may unan siyang nakita na nakapatong sa maliit na lamesa. Pumikit siya at hinayaan na tangayin ng antok.

Samantala, pagkalipas ng ilang oras, tulog pa rin si Elle. Nakaraan na rin ang tanghalian pero hindi pa rin ito lumalabas ng kwarto. Habang si Jack ay naghahanda na para umalis ng bahay. Nagsuot muli ito ng damit na may mahabang manggas, pajama, gloves, at damit na s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status