Kanina pa naghihintay sa kanyang nobyo si Elle, halos dalawang oras na siyang nakaupo sa isang restaurant. Ilang beses na ring nagpabalik-balik ang waiter para itanong kung oorder na ba siya ng pagkain, pero paulit-ulit din niyang sinasagot na wala pa ang kanyang kasama. Gusto sana niyang sabay silang pumili ng kakainin nila ni Franz.
Tinaas ni Elle ang braso para tingnan ang oras sa relo na nakasuot sa kanyang pulso. Kumuyom ang kamao niya dahil magtatatlong oras na ay wala pa rin si Franz, mukha siyang kawawa siguro sa paningin ng ibang tao sa restaurant, dahil kanina pa siya roon at wala namang ginagawa kung hindi maghintay. Sa inis ay tumayo si Elle at wala sa mood na lumabas ng restaurant, diretso siya sa kanyang kotse, pero may humablot sa kanyang braso. "E-Elle," saad nito sa hinihingal na boses. Umangat ang labi ni Elle at humarap sa taong kanina pa niya hinihintay. "Kumusta, okay na ba siya?" "Yes." Napatiim-bagang si Elle at tiningnan ng seryoso si Franz. "Sobrang importante talaga ng kaibigan mo no? Pinaghintay mo ako ng halos magtatatlong oras sa loob ng restaurant na ako na lang ang halos tinitingnan ng mga tao doon. Mabuti naman at dumating ka pa!" Sinubukan kuhanin ni Franz ang kamay ni Elle, pero nilayo niya iyon sa kanyang nobyo. "I-Im sorry. Hindi ko lang siya maiwan agad dahil wala sa kanyang magbabantay." "Ano siya baby, mawawala pag iniwan? Franz naman! May usapan tayong dalawa ngayon, pero isang tawag lang ni Blair nagkukumahog ka ng puntahan siya, tapos ako paghihintayin mo ng tatlong oras na mukhang hindi ka naman na-guilty na pinaghintay mo ako roon!!" "H-Hindi sa ganon, Elle. Halika na, pumasok na tayo sa restaurant. I-Im sorry, babawi ako." Makikita naman sa mukha ni Franz na nagsisisi ito na pinaghintay niya si Elle, pero nanatiling nakatayo lang si Elle habang masama pa rin ang loob sa kanyang nobyo. "Tapatin mo nga ako, Franz. Magkaibigan pa ba kayo ni Blair o magkasintahan na?!" Bahagyang namilog naman ang mata ni Franz. Hinawakan niya ang braso ni Elle. "H-Hindi, sadyang kailangan niya lang ako, pero walang namamagitan sa amin. Ikaw lang ang babae sa buhay ko." "Pero siya ang lagi mong pinipili kahit nandito ako," sa pagkakataon na 'yon ang boses ni Elle ay seryoso na at hindi na nakikipagbiruan. "Handa kang puntahan siya sa isang tawag lang sa telepono, pero ako, handa mong iwan sa tuwing kailangan ka niya. Sino ba sa amin ang nobya mo? Mas binibigyan mo pa ng oras ang Blair na 'yon kaysa sa akin. Tapos pag nagalit ako hihingi ka ng tawad at papatawarin naman kita ng paulit-ulit!!" Pumatak ang luha ni Elle sa kanyang pisngi habang nakatitig kay Franz. Napapikit naman si Franz at sinubukang magsalita, pero tinaas ni Elle ang kamay niya sa harap ng mukha nito. "Patapusin mo muna ako, dahil baka lumambot na naman ang puso ko kung sakaling marinig ko ang paliwanag mo." "Elle—" Umiling si Elle at malungkot na tumitig sa mata ng kanyang nobyo. "Okay naman tayo ng ilang taon nang wala pa si Blair, pero no'ng dumating siya, mas pinahalagahan mo ang babae na iyon kaysa sa nararamdaman ko! Tangggap ko naman sana na mabait ka, matulungin na kaibigan, pero husto na Franz. Isang taon mo na akong ginagawang tanga sa pag-unawa sayo, kaya panahon na rin siguro na kalimutan na natin ang isa't-isa." Nagsalubong ang kilay ni Franz at kinuha ang kamay ni Elle. Hinawakan ni Franz ng mahigpit ang kamay ni Elle na parang ayaw ng bitawan. "Hon, l-last na yung kanina. Magpopokus na ako sa atin. H-Hindi ko na siya pupuntahan kahit umiyak pa siya sa harap ko." May munting panunubig sa mata ni Franz. Maliit na napangiti si Elle, sabay hila ng malakas sa kamay niya para mabitawan ni Franz. "Ginawa mo na sana noon pa, Franz. Hindi na sana umabot ng isang taon bago mo na-realize na sobra na. Tao din ako na may puso na nasasaktan. Tutal lagi mo siyang pinipili, ako naman ang pipiliin ko ay sarili ko para hindi na masaktan pa ng paulit-ulit." Inalis ni Elle ang singsing sa kanyang daliri at tinaas iyon sa harap ng mukha ni Franz. "Walang kwenta 'tong singsing mo kung ibang babae naman ang pinagbibigyan mo ng oras na dapat sa akin. Isa na lang 'tong palamuti na hindi mo mapaninindigan kung walang pagmamahal!" Binato iyon ni Elle sa dibdib ni Franz. Wala siyang pakialam kung masaktan man ito dahil mas malala naman ang sakit na dinadala niya ngayon. Pinulot iyon ni Franz at agad na lumapit muli kay Elle. "E-Elle, mag-usap tayo. Alam kong galit ka, pero hindi mo puwedeng gawin 'to. Mamamatay ako pag nawala ka sa buhay ko!!" May luhang pumatak sa pisngi ni Franz habang nagmamaka-awa kay Elle, habang si Elle ay nanatiling nakatitig sa mukha ni Franz na wala ng maramdaman kung hindi poot at galit. "Hindi ko hawak ang baga mo para hindi ka makahinga! Maging masaya sana kayo ng kaibigan mo o tamang sabihin na baka kasintahan mo na rin!!" Mabilis na sumakay ng kanyang kotse si Elle habang si Franz ay panay ang kalampag sa pinto ng driver seat. Pinaandar agad ni Elle ang makina ng kotse at walang sabing pinatakbo iyon kahit muntik ng mahagip ang mga paa ni Franz ng gulong ng kotse. Nang nakalayo na si Elle sa lugar na iyon ay huminto siya sa gilid ng kalsada at doon binuhos ang lahat ng natira pa niyang luha na kanina pa niya kinikimkim. Ayaw niyang ibuhos ang lahat sa harap ni Franz dahil magiging mahina siya at maaaring magpadala na naman siya sa magaganda nitong salita. Pagod na siyang intindihan ang lahat. Ang lahat ng plano niya sa buhay na kasama si Franz ay naglaho na parang bula sa isang iglap dahil lang sa kaibigan nitong si Blair. Ten years, magiging malabo lang dahil sa kaibigan nito. Wala na siyang magulang dahil pumanaw na ang mga ito, malapit na sana silang makabuo ng sariling pamilya ni Franz, pero hindi rin pala matutuloy. Sinubsob ni Elle ang mukha niya sa manibela ng kotse at umiyak ng umiyak doon, kung hindi pa kinatok ng police ang bintana ng kotse niya ay hindi siya titigil. Umalis siya sa lugar na iyon at kailangan niyang bumalik ng opisina kung saan ang boss niya ay ang boyfriend niya mismo, mali, ang ex-boyfriend niya. Pagkarating sa building ng kumpanya ay bumaba agad si Elle ng kotse at pumasok sa loob. Nagmamadali siyang sumakay ng elevator papunta sa floor kung nasaan ang opisina nilang dalawa ni Franz, oo sa kumpanya ni Franz siya nagtatrabaho. Kailangan niya ng mag-resign dahil ayaw na niyang makita pa ang pagmumukha ni Franz araw-araw.Pag dating sa desk niya ay kumuha siya agad ng puting papel para isulat ang lahat ng gusto niyang sabihin kung bakit siya magre-resign, pagkatapos ay pumasok siya sa opisina ni Franz at nilagay iyon sa ibabaw ng table nito. Handa na sana siyang umalis nang biglang bumukas ang pinto ng opisina at bumungad sa kanya ay si Franz na hingal na hingal. Sigurado siyang nag-drive ito ng mabilis para lang maabutan siya rito. "E-Elle, Hindi pa tayo tapos mag-usap. Bawal kang lumabas ng opisina ko!" Lumakad si Elle para lumabas, pero hinawakan ni Franz ang braso niya kaya siya napahinto. "Tapos na tayo, Franz. Nandiyan na rin ang resignation letter ko, pirmahan mo na lang para maka-alis na ako dito sa kumpanya mo." Hawak na ngayon ni Franz ang dalawang braso ni Elle habang nakaharap ito sa kanya. "H-Hindi ako papayag!" May bahid na galit na pagkakasaad ni Franz. "Sino ang may sabi na kailangan ko ang pahintulot mo? Kahit hindi ka pumayag aalis pa rin ako rito! Kung ayaw mong pirmahan, kasu
"Mas mainam ng bukas pa lang ay lumayo na ako. Tutal wala naman din kong pamilya rito ay madali na lang sa akin na lumyo para na rin hindi ako bumalik muli Kay Franz." Naging seryoso si Gabrielle at tumitig sa kawalan. "Akalain mo 'yon. Sa sampung taon niyong pagsasama isang babaeng bigla na lang sumulpot ang makakatapos ng relasyon niyo, at isa pa, wala bang rules ang pagkakaibigan nila ni Franz? Dapat alam nung babae na 'yon kung kelan lulugar dahil kahit magkakilala na sila ni Franz ng matagal o nauna sayo, ikaw pa rin ang makakasama sana ni Franz for life kung makakasal kayong dalawa na hindi na mangyayari dahil naging epal yung Blair na 'yon." Maliit na napangiti si Elle. Iba't-ibang reaksyon kasi ang nagpapakita sa mukha ni Gabrielle habang nagsasalita. "Sa tingin ko ay dahil kahit gaano ko pa kamahal ang isang tao, kung hindi siya para sakin ay mangyayari ang hindi ko inaasahan kahit pa tiwala ako kay Franz." Napabuntong-hininga siya. "Pero hindi porke't umatras ako, ay ako
Malamlam ang matang tumingin si Franz sa loob ng kwarto, bago ito muling magsalita, "Please, sa oras na bumalik siya ulit dito, sabihin mo sa sakin. Kailangan naming mag-usap." "Okay," maikling sagot ni Gabrielle. Parang biglang naglaho ang kalasingan sa mukha ni Franz bago lumakad palabas ng kwarto. Sumunod naman si Gabrielle para makasiguro na lumabas na nga ito ng bahay at ma-lock niya ang pinto. Hinintay muna ni Gabirelle na maka-alis si Franz bago niya isarado ang pinto ng slaa at i-lock iyon. Patakbo namang bumalik siya sa kwarto. Binuksan niya ang box at lahat ng nakapatong kay Elle ay inalis niya. "Ayos ka lang? Nakahinga ka na naman 'di ba?" Napahawak sa dibdib si Elle at sumagap agad ng hangin. "Oo, pero iba pa rin ang hangin na walang harang. Umuwi na ba siya?" "Oo, umalis na." "Pero baka ma-aksidente si Franz. Mukha siyang lasing base sa boses niya, paano na lang kung maaksidente siya, Gabrielle?" Puno ng pag-aalalang saad ni Elle. Napapikit naman ang mata ni Gabr
Bumaba si Elle sa kotse at iniwan muna ang mga gamit sa loob. Habang dala-dala ang susi ng kotse ay lumapit siya sa lalaking nakatalikod sa kanya. "E-Excuse me. Puwede po bang magtanong?" Ngunit hindi lumingon ang lalaki,kaya nagsalita muli si Elle, "H-Hello. Kuya naririnig mo ba ako? Puwede po bang magtanong?!" may kalakasan na niyang saad para marinig na ng lalaki. Umayos ng tayo si Elle dahil mukhang lilingunin na siya ng lalaki, pero gumalaw lang pala ito. Sa inis niya ay bahagya niyang hinila ang suot nitong damit na may baltik ng putik, maging sa suot nitong pants na madulas. Magsasaka siguro itong lalaki kaya ganon. "Kuya naman magtatanong lang ako bakit ba ayaw mong humarap!" Nang muling tumaas ang tingin ni Elle ay nakalingon na pala sa kanya ang lalaki, bahagya siyang nag-hang dahil sa itsura nito. Makinis ang mukha, halatang maputi ang balat nito, pero bahagyang naging tan dahil siguro sa pagbibilad sa araw, matangos ang ilong, mapungay na mata na may mahabang pilik-mat
Nang lumakad ang matanda ay sumunod agad si Elle. Nasa likod lang siya dahil may kabagalan na rin ang paglakad ni Lola Tyla. Habang palapit na sila sa bahay ay nakatitig lamang si Elle doon, may ibang parts na din kasi ng bintana ang wala na, pero may harang naman na sako. Kung sa siyudad ang may ganoong bahay, siguradong makakapasok ang mga kawatan. Lumingon muli si Elle sa likuran ng matanda na muntik pa niyang mabunggo dahil nakatutok ang pansin niya sa bahay. Napangiwi siya dahil kamuntikan na iyon at baka mabuwal pa ito. Sa likurang pinto ng bahay sila dumaan, kaya nakita ni Elle ang kusina. Maayos naman, hindi lang katulad sa nakagisnan niyang itsura ng kusina. Nang nakarating sila sa sala ay nadatnan nila Sandy si Jack na nakasandal sa mahabang upuan na gawa sa kahoy habang nakapikit ang mata nito. "Iho." Nagmulat naman si Jack ng mata at tumingin sa gawi nila Sandy. "Nay." Umayos ng upo si Jack, tumingin kay Elle saka bumalik muli kay Tyla. "Gusto kitang makausap tungkol
Pumasok si Jack sa kwarto at sinarado agad ang pinto. Naiwan naman si Elle na natulala. Kalaunan ay umamba na lang siya ng suntok sa pinto ng kwarto ni Jack bago pumasok sa kwarto niya para punasan ang papag na makapal na ang alikabok. Nagtiyaga si Elle si pagpupunas hanggang sa nawala ang alikabok sa papag. Kailangan malinis iyon dahil wala naman siyang sapin o kumot man lang. Inis niyang tinapon ang damit na kinuha pa niya sa loob ng bag niya, ginulo ang buhok at nagbuga ng hangin. Nawa'y magtagal siya sa lugar na 'to, dahil ito lang ang lugar na puwede siyang hindi makita ni Franz. Nahiga si Elle. Kahit paano ay may unan siyang nakita na nakapatong sa maliit na lamesa. Pumikit siya at hinayaan na tangayin ng antok. Samantala, pagkalipas ng ilang oras, tulog pa rin si Elle. Nakaraan na rin ang tanghalian pero hindi pa rin ito lumalabas ng kwarto. Habang si Jack ay naghahanda na para umalis ng bahay. Nagsuot muli ito ng damit na may mahabang manggas, pajama, gloves, at damit na s
Sinubukan ulit pagdingasin ni Elle ang kahoy, at sa pagpipigil na mawalan ng pasensya ay tuluyan ng nag-apoy ang ilang pirasong kahoy. Sinalang niya ang kaldero at iniwan iyon doon para pumasok ng kwarto. Mamimili siya ng delata para sa hapunan niyang ulam, kakain na siya pag naluto na ang kanin. Hindi naman niya alam kung saan nagtungo si Jack, at isa pa, hindi na niya kailangan pang hintayin ang lalaki. Muling bumalik si Elle sa kusina para tingnan ang sinaing, tinaas niya ang takip ng kaldero, kumukulo na iyon at malapit ng maluto, kaya inalis na niya ang ibang kahoy para hindi masunog ang ilalim ng kanin. Kumuha siya ng mangkok, kutsara, at plato para handa na siyang kumain pagkatapos maluto ng kanin. Ilang minuto lang ang hinintay ni Elle ay luto na ang kanin. Kahit mainit ay nagtiyaga siyang kumain kahit halos mapaso na ang dila niya sa init, puwede namang palamigin at kainin, pero ewan ba niya at gusto niyang kumain ng maaga ngayon. Pagkatapos ubusin ang lahat ng kanin at de
Tumingin si Franz sa table at inalala kung ano nga ba ang date bago mag-alas-dose ng gabi. Nang mapagtanto niya ang lahat ay agad siyang lumapit kay Elle, ngunit hinawi lang nito ang kanyang kamay. "H-Huwag na huwag mo saking idadahilan na kailangan ka na naman ng kaibigan mo kaya hindi mo naalala ang special na araw para sa ating dalawa! Sawang-sawang na ko sa paulit-ulit mong rason!!" Muling bumuhos ang luha ni Elle na puno ng hinagpis para kay Franz. "I-Im sorry... hindi ko naala—" "Bakit mo nga naman aalalahanin? Simula ng dumating ang kaibigan mo na 'yon, lahat ng special satin parang naging normal na lang para sayo, at minsan nakakalimutan mo na ang lahat satin, mas naaalala o pa ang sinasabi sayo ni Blair!!" Sinubukan hawakan muli ni Franz si Elle pero lumayo muli ito. "H-Hayaan mo muna akong magpaliwanag kung bakit hindi ko naalala kanina. Nadulas siya sa banyo at tanging ako lang ang tinawagan niya kaya nagpunta ako sa bahay niya, pero hindi ako maka-alis dahil wala sa