Share

3 - Pagtatago

"Mas mainam ng bukas pa lang ay lumayo na ako. Tutal wala naman din kong pamilya rito ay madali na lang sa akin na lumyo para na rin hindi ako bumalik muli Kay Franz."

Naging seryoso si Gabrielle at tumitig sa kawalan. "Akalain mo 'yon. Sa sampung taon niyong pagsasama isang babaeng bigla na lang sumulpot ang makakatapos ng relasyon niyo, at isa pa, wala bang rules ang pagkakaibigan nila ni Franz? Dapat alam nung babae na 'yon kung kelan lulugar dahil kahit magkakilala na sila ni Franz ng matagal o nauna sayo, ikaw pa rin ang makakasama sana ni Franz for life kung makakasal kayong dalawa na hindi na mangyayari dahil naging epal yung Blair na 'yon."

Maliit na napangiti si Elle. Iba't-ibang reaksyon kasi ang nagpapakita sa mukha ni Gabrielle habang nagsasalita.

"Sa tingin ko ay dahil kahit gaano ko pa kamahal ang isang tao, kung hindi siya para sakin ay mangyayari ang hindi ko inaasahan kahit pa tiwala ako kay Franz." Napabuntong-hininga siya. "Pero hindi porke't umatras ako, ay ako na ang talunan."

Napaismid si Gabrielle. "Kaya ako hindi ako magmamahal ng lalaki para iwas sakit sa ulo. May trabaho naman ako at kaya kong mamuhay ng mag-isa kahit walang kasama."

Mapanukso na tingin ang ginawa ni Elle kay Gabrielle. Sinundot pa niya ang bewang nito na agad napabalikwas ng tayo.

"A-Ano ka ba naman, nagulat ako?!"

Ngumiti si Elle. "Nasasabi mo lang 'yan dahil wala pang lalaki ang lumalapit sayo dahil sa itsura mo ngayon."

"Tao naman ako, Elle."

Napairap naman si Elle at napailing. Maganda ang kaibigan niya, pero kung magsuot ito ng mga damit ay pang lalaki ang style. Okay na sana siya sa jersey bagay naman sa babae iyon, pero ang gusto nito ay yung maluluwang, walang damit na fit si Gabrielle, kaya napagkakamalan minsan na tomboy. Mabuti na lang at hindi naiisipan na magpagupit ng sobrang igsi.

Kumulo ang tiyan ni Elle, wala pa siyang kain dahil sa h*******k na si Franz.

"May pagkain ka ba diyan? Gutom na ako." Tumingin siya kay Gabrielle at nagpaawa.

Umakto naman itong nandiri sa ginawa ni Elle. "Tsk. For sure may kasalanan diyan ang ex mo." Tumayo si Gabrielle at pumunta ng kusina. "Halika. Mabuti at may tira pa akong ulam. Malapit na ding gumabi kaya magluluto pa ako."

Tumayo si Elle at nagpunta ng kusina. Sa nakita niyang kanin at ulam ay hindi kasya iyon dahil mula umaga hanggang tanghali ay wala siyang kinakain. Hindi bale, babawi na lang siya mamayang hapunan pag-nakapagluto na si Gabrielle.

Mga bandang alas-diyes ng gabi ay nasa kwarto na sila Elle para matulog tapos na din naman silang kumain ng hapunan, sa loob ng kwarto na sila naglagi at nagkwentuhan bago humiga. Natawagan na rin ni Gabrielle ang lola nito na darating si Elle bukas para doon manirahan. Hindi muna bibili si Elle ng damit. Hihiram muna siya kay Gabrielle maging underwear na hindi pa nito nasusuot, parehas lang naman ang size ng bewang nila, pero magmumukha siyang lalaki sa isusuot niyang damit at short.

Habang nakahiga na sila Elle at malapit ng hilahin ng antok ay nagulat ang dalawa sa ingay sa labas ng bahay. Napaupo agad ang mga ito at nag-panic dahil biglaan iyon.

"A-Ano...'yon?!" may halong takot na tanong ni Elle kay Gabrielle.

Muling may nag-ingay sa labas. Parang kinakalampag yung pintuan sa sala, pero may kasama ng boses. Naningkit ang mata ni Gabrielle at bumangon.

"Saan ka pupunta? Delikado huwag mo ng pansinin?!" Maging si Elle ay kinakabahan sa ingay sa labas. Baka mga tambay na gustong pumasok sa loob ng bahay. Ang hirap lang dahil dalawa lang sila ni Gabrielle sa loob, at babae pa.

"Magtago ka sa kahon na malaki na 'yon, bilis!!"

Tiningnan ni Elle ang box na malaki na kasya ang tao. Nagtaka siya at tumingin kay Gabirelle ng naguguluhan.

"Parehas na lang tayong magtago doon. Baka mabuksan na nila yung pinto!"

Hinawakan ni Gabrielle ang kamay ni Elle at hinala iyon hanggang sa makalapit sila sa box. Parang manika na kabod nalang siniksik doon si Elle ni Gabirelle.

Nagsalubong ang kilay ni Elle sa hawak na ngayon ng kanyang kaibigan. "Teka...teka..bakit mo ako lalagyan ng kumot?!"

"Alam ko kung sino ang nag-iingay sa labas ng bahay. Kahit sabihin kong wala ka rito ay hindi maniniwala iyon dahil nasa labas ang kotse mo. Para maniwala siyang wala ka rito ay kailangan hindi ka niya makita. Huwag kang mag-iingay at gagalaw, kung hindi lalambot na naman 'yang puso mo na hindi na ata nadadala."

Hinayaan ni Elle na ilagay ni Gabrielle ang kumot na nakapatong sa katawan niya, nakahiga siya sa loob ng kahon at pinuno ng kumot ni Gabrielle ang ibabaw at sinara iyon. Mabuti na lang may butas kung saan nakaharap si Elle para makahinga siya, nakikita rin niya ang sahig.

Lumabas si Gabrielle at binuksan ang pinto ng sala. Bumungad sa kanya ang lasing na si Franz na may dala-dala pang bote ng alak na kalahati pa ang laman.

"N-Nasaan s-siya?!" mahinang tanong ni Franz.

"Sino?" maang-maangaan na sagot naman ni Gabrielle.

Ngumisi si Franz at inis na tiningnan si Gabrielle sa mata. "H-Huwag mo nga akong pinagloloko. Nasa labas ng bahay mo ang kotse ni Elle, kaya alam kong nandito siya. Palabasin mo, at...mag-uusap kami!"

"Umalis na siya at iniwan ang kotse niya rito. Matalino ang kaibigan ko kaya hindi siya magdadala ng matutunton mo." Tumingin sa paligid si Gabrielle. "For sure hindi ka maniniwala. Binibigyan kita ng permiso na halughugin mo ang munti kong tahanan, pero ayokong may makikitang suka sa sahig lalo na ang basag na bote, kung hindi, may gagawin akong hindi maganda sayo."

Tumungga muna ng alak si Franz bago naglakad. Napapangiwi tuloy si Gabrielle dahil pasudsod na ang lakad nito dahil sa kalasingan.

Samantala, dahil maliit lang ang bahay ni Gabrielle ay madali na lang nakapunta ng kwarto si Franz kung nasaan si Elle. Kitang-kita ni Elle ang sapatos sa tabi ng box kung saan siya nagtatago, kaya bahagya siyang kinabahan.

"A-Alam kong nandito ka, hon. L-Lumabas ka na at... mag-usap tayo!"

Nagsalubong ang kilay ni Elle nang marinig ang boses ni Franz na halatang lango sa alak ang boses nito, pero nanlaki ang mata niya nang may nagbukas ng takip ng box, at ramdam ni Elle na hinahalukay ang laman no'n. Napapikit siya at nagdasal na sana hindi na lumalim pa ang paghahalungkat ni Franz.

"Ano? Sinabi ko naman sayo, wala na siya rito." Rinig na salita ni Elle mula sa kanyang kaibigan.

"Kung ganon , saang lugar siya nagpunta?"

"Aba'y hindi ko alam. Hindi niya sa akin sinabi dahil naisip niyang kukulitin mo lang ako kung nasaan siya. Umuwi ka na at matulog na sa inyo."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status