Malamlam ang matang tumingin si Franz sa loob ng kwarto, bago ito muling magsalita, "Please, sa oras na bumalik siya ulit dito, sabihin mo sa sakin. Kailangan naming mag-usap."
"Okay," maikling sagot ni Gabrielle. Parang biglang naglaho ang kalasingan sa mukha ni Franz bago lumakad palabas ng kwarto. Sumunod naman si Gabrielle para makasiguro na lumabas na nga ito ng bahay at ma-lock niya ang pinto. Hinintay muna ni Gabirelle na maka-alis si Franz bago niya isarado ang pinto ng slaa at i-lock iyon. Patakbo namang bumalik siya sa kwarto. Binuksan niya ang box at lahat ng nakapatong kay Elle ay inalis niya. "Ayos ka lang? Nakahinga ka na naman 'di ba?" Napahawak sa dibdib si Elle at sumagap agad ng hangin. "Oo, pero iba pa rin ang hangin na walang harang. Umuwi na ba siya?" "Oo, umalis na." "Pero baka ma-aksidente si Franz. Mukha siyang lasing base sa boses niya, paano na lang kung maaksidente siya, Gabrielle?" Puno ng pag-aalalang saad ni Elle. Napapikit naman ang mata ni Gabrielle habang nakahalukipkip ang mga braso nito. "Nakarating siya rito ng hindi nagagasgasan ang kotse niya, kaya makakauwi rin siya ng buo. Parang sa tono mo ay nag-aalala ka pa rin sa kutong-lupa na 'yon? Feeling ko din kung sakali na nakita ka niya sasama ka ulit at magpapa-uto!" Humakbang si Elle paalis ng box at naupo sa kama. "Hindi mo ako masisisi kung bakit, Gab. Kahit hiwalay na kami ni Franz ay mahal ko pa rin siya." Napakamot na lang sa ulo si Gabrielle at naupo rin sa tabi ni Elle. "Alam ko naman na hindi agad mawawala ang pagmamahal na sinasabi mo, kaya ka nga aalis para kalimutan siya. Sana naman sa pag-stay mo roon ay makalimutan mo na ng tuluyan si Franz, dahil kung babalik ka ulit dito na mahal mo pa rin siya, ngayon pa lang maghanap ka na ng ibang kaibigan." Inabot ni Elle ang buhok ni Gabrielle na ang haba ay hanggang bewang. "OA mo naman." Sumeryoso ang mukha ni Gabrielle at tinitigan sa mata si Elle. "Seryoso ako, Elle. Once na umalis ka, bumalik ka ng malakas at palaban. Hindi yung ikaw pa rin si Elle na konting lambing lang ni Franz ay bumibigay agad kaya naaabuso. Itatak mo rin sa utak mo na hindi na ikaw ang priority niya dahil sa kaibigan niyang bigla na lang sumulpot na hindi mo alam kung saan nagmula. Hindi aabot ng isang taon na lagi niyang inuuna si Blair kung isang-daang porsiyento pa rin ang pagmamahal niya para sayo." Nanubig ang mata ni Elle. "Ang sakit no naman magsalita!" Napapikit siya ng itulak ni Gabrielle ang noo niya. "Dahil iyon ang dapat para matauhan ka. Kung gusto mo ay humanap ka na rin ng ibang lalaki para patas, pero huwag muna, mag-move on ka muna para hindi naman unfair sa bago mong makakarelasyon." Sumampa na si Gabrielle sa kama at nahiga. "Matulog na tayo. Maaga ka pang aalis bukas para sure na walang makakasunod sayo." Pumikit si Gabrielle habang nakatitig lang si Elle. Tumitig muna siya sa kawalan bago nahiga at nagkumot, pero sa likod ng kumot ay tahimik na tumatangis si Elle. 5:00 a.m. . . Nakatulalang kumakain ng pandesal si Elle habang ang dalawang paa nito ay nasa upuan at nakabaluktot na parang ginaw na ginaw. Malamig ang simoy ng hangin kahit pa nasa loob sila ng bahay ni Gabrielle. Habang ang bagong timpla na kape ni Elle ay kitang-kita kung paano umusok iyon pero hindi sa iisang direksyon lang. Ibig sabihin hanggang sa loob ng bahay ay pumapasok ang hangin. Malapit na nga pala ang kapaskuhan kaya ganon na lamang ang lamig ng panahon. "Bilisan mo diyan. Baka abutan ka pa ng ala-sais dito sa paraan mo ng pagkagat diyan sa pandesal. Dalhin mo na kaya 'yan pati 'tong kape mo at umalis ka na." Napahinto si Elle sa pagkagat, pero nanatili ang tinapay sa pagitan ng mga ngipin niya sa harap. Tiningnan niya si Gabrielle ng masama, saka padaskol na hinila ang tinapay mula sa bibig niya. "B-Bakit...ba nagmamadali ka?" Nilunok muna niya ang tinapay na nasa bibig niya bago magpatuloy, "Hindi naman ikaw ang aalis, at hindi rin naman ikaw ang may tinatakasan." Tumaas ang isang kilay ni Gabirelle. "Talaga naman, Elle! Ang hina mo namang makiramdam. Ayokong maabutan ka pa ulit ni Franz dito, gets mo ba 'yon? Kilala ko ang arrangement ng bituka mo pati kulubot ng utak mo alam ko kung saang direksyon, at ang direksyon na iyon ay laging papunta kay Franz! Kung meron lang puwedeng i-award sayo ito ang nababagay, Lifetime Membership Sa sakit Club Award!" Inirapan ni Elle si Gabrielle at sinimulan ng unti-unting inumin ang kape niya na hindi na masyadong mainit. "Tatapusin ko lang 'to, pagkatapos aalis agad ako at hindi na mag-aayos. Bahala na kung mag-amoy imbornal ang bibig ko pagkausap ko na ang lola mo." "Tsk, okay lang 'yon kay lola. Matanda naman na iyon at wala ring naging asawa, in short, tumanda ng dalaga. Hindi na siguro masakit kung sabihin man niyang mabaho ang hininga mo." Tumingin si Elle sa kaibigan niya ng may ibig iparating. "Parang nakikita ko na ang future mo." "Ano?" "Tatanda ka ring dalaga." "Baliw! Parehas lang tayo dahil wala ka naman ng boyfriend." Hindi na umimik pa si Elle. Inubos na lang niya ang kape at tinapay para maka-alis na sa bahay ni Gabrielle. Pagkalipas nga ng tatlumpung minuto ay nakahanda ng umalis si Elle bitbit ang damit na dadalhin niya galing kay Gabrielle, pero dahil hindi siya nagpalit ng damit kagabi. Sinuot na niya ang damit niyang hiniram na ternong jersey pa na maluwang. Nilagay muna ni Elle ang lahat ng gamit sa kotse saka bumalik sa loob ng bahay para magpa-alam kay Gabrielle. "Aalis na ako." "Mag-ingat ka doon, Elle. Maliit na siyudad lang iyong pupuntahan mo pero mas maigi na mag-ingat ka. Tinawagan ko na pala ang lola ko at sinabing paalis ka na rito sa bahay ko." Ngumiti si Elle at niyakap si Gabrielle. "Sana sa muli nating pagkikita may ipakilala ka na sa aking lalaki." "Tsk, asa ka pa." Tinulak ng mahina ni Gabrielle si Elle para humiwalay na ito sa kanya. "Lagi mong tandaan na hindi matatapos ang lahat dahil sa isang lalaki lang. Piliin mo ang sarili mo ngayon, Elle. Tama na ang sakit na matagal mo ring tiniis. Sarili mo muna bago ang iba ha." Tumango naman si Elle, lumayo na siya kay Gabrielle, at lumabas ng bahay kasama ang kanyang kaibigan. Pagsakay ng kotse ay tumingin muna siya sa kanyang kaibigan bago tumingin sa harapan ng kotse. Bumuntong-hininga siya at pinaandar na ang makina, pero bago umalis ay kumaway muna siya kay Gabirelle. Naglakbay si Elle ng halos limang oras para lang makapunta sa lugar na sinabi ni Gabrielle. Alam naman niya ang lugar na iyon dahil na rin sa trabaho niya bilang secretary na minsan siya ang nakikipag-usap sa ibang kliyente sa iba't-ibang lugar. Huminto si Elle sa tapat ng lumang bahay, pero may napansin siyang bulto ng lalaki na nakatalungko, pero bigla rin itong tumayo malapit sa bahay mismo.Bumaba si Elle sa kotse at iniwan muna ang mga gamit sa loob. Habang dala-dala ang susi ng kotse ay lumapit siya sa lalaking nakatalikod sa kanya. "E-Excuse me. Puwede po bang magtanong?" Ngunit hindi lumingon ang lalaki,kaya nagsalita muli si Elle, "H-Hello. Kuya naririnig mo ba ako? Puwede po bang magtanong?!" may kalakasan na niyang saad para marinig na ng lalaki. Umayos ng tayo si Elle dahil mukhang lilingunin na siya ng lalaki, pero gumalaw lang pala ito. Sa inis niya ay bahagya niyang hinila ang suot nitong damit na may baltik ng putik, maging sa suot nitong pants na madulas. Magsasaka siguro itong lalaki kaya ganon. "Kuya naman magtatanong lang ako bakit ba ayaw mong humarap!" Nang muling tumaas ang tingin ni Elle ay nakalingon na pala sa kanya ang lalaki, bahagya siyang nag-hang dahil sa itsura nito. Makinis ang mukha, halatang maputi ang balat nito, pero bahagyang naging tan dahil siguro sa pagbibilad sa araw, matangos ang ilong, mapungay na mata na may mahabang pilik-mat
Nang lumakad ang matanda ay sumunod agad si Elle. Nasa likod lang siya dahil may kabagalan na rin ang paglakad ni Lola Tyla. Habang palapit na sila sa bahay ay nakatitig lamang si Elle doon, may ibang parts na din kasi ng bintana ang wala na, pero may harang naman na sako. Kung sa siyudad ang may ganoong bahay, siguradong makakapasok ang mga kawatan. Lumingon muli si Elle sa likuran ng matanda na muntik pa niyang mabunggo dahil nakatutok ang pansin niya sa bahay. Napangiwi siya dahil kamuntikan na iyon at baka mabuwal pa ito. Sa likurang pinto ng bahay sila dumaan, kaya nakita ni Elle ang kusina. Maayos naman, hindi lang katulad sa nakagisnan niyang itsura ng kusina. Nang nakarating sila sa sala ay nadatnan nila Sandy si Jack na nakasandal sa mahabang upuan na gawa sa kahoy habang nakapikit ang mata nito. "Iho." Nagmulat naman si Jack ng mata at tumingin sa gawi nila Sandy. "Nay." Umayos ng upo si Jack, tumingin kay Elle saka bumalik muli kay Tyla. "Gusto kitang makausap tungkol
Pumasok si Jack sa kwarto at sinarado agad ang pinto. Naiwan naman si Elle na natulala. Kalaunan ay umamba na lang siya ng suntok sa pinto ng kwarto ni Jack bago pumasok sa kwarto niya para punasan ang papag na makapal na ang alikabok. Nagtiyaga si Elle si pagpupunas hanggang sa nawala ang alikabok sa papag. Kailangan malinis iyon dahil wala naman siyang sapin o kumot man lang. Inis niyang tinapon ang damit na kinuha pa niya sa loob ng bag niya, ginulo ang buhok at nagbuga ng hangin. Nawa'y magtagal siya sa lugar na 'to, dahil ito lang ang lugar na puwede siyang hindi makita ni Franz. Nahiga si Elle. Kahit paano ay may unan siyang nakita na nakapatong sa maliit na lamesa. Pumikit siya at hinayaan na tangayin ng antok. Samantala, pagkalipas ng ilang oras, tulog pa rin si Elle. Nakaraan na rin ang tanghalian pero hindi pa rin ito lumalabas ng kwarto. Habang si Jack ay naghahanda na para umalis ng bahay. Nagsuot muli ito ng damit na may mahabang manggas, pajama, gloves, at damit na s
Sinubukan ulit pagdingasin ni Elle ang kahoy, at sa pagpipigil na mawalan ng pasensya ay tuluyan ng nag-apoy ang ilang pirasong kahoy. Sinalang niya ang kaldero at iniwan iyon doon para pumasok ng kwarto. Mamimili siya ng delata para sa hapunan niyang ulam, kakain na siya pag naluto na ang kanin. Hindi naman niya alam kung saan nagtungo si Jack, at isa pa, hindi na niya kailangan pang hintayin ang lalaki. Muling bumalik si Elle sa kusina para tingnan ang sinaing, tinaas niya ang takip ng kaldero, kumukulo na iyon at malapit ng maluto, kaya inalis na niya ang ibang kahoy para hindi masunog ang ilalim ng kanin. Kumuha siya ng mangkok, kutsara, at plato para handa na siyang kumain pagkatapos maluto ng kanin. Ilang minuto lang ang hinintay ni Elle ay luto na ang kanin. Kahit mainit ay nagtiyaga siyang kumain kahit halos mapaso na ang dila niya sa init, puwede namang palamigin at kainin, pero ewan ba niya at gusto niyang kumain ng maaga ngayon. Pagkatapos ubusin ang lahat ng kanin at de
Tumingin si Franz sa table at inalala kung ano nga ba ang date bago mag-alas-dose ng gabi. Nang mapagtanto niya ang lahat ay agad siyang lumapit kay Elle, ngunit hinawi lang nito ang kanyang kamay. "H-Huwag na huwag mo saking idadahilan na kailangan ka na naman ng kaibigan mo kaya hindi mo naalala ang special na araw para sa ating dalawa! Sawang-sawang na ko sa paulit-ulit mong rason!!" Muling bumuhos ang luha ni Elle na puno ng hinagpis para kay Franz. "I-Im sorry... hindi ko naala—" "Bakit mo nga naman aalalahanin? Simula ng dumating ang kaibigan mo na 'yon, lahat ng special satin parang naging normal na lang para sayo, at minsan nakakalimutan mo na ang lahat satin, mas naaalala o pa ang sinasabi sayo ni Blair!!" Sinubukan hawakan muli ni Franz si Elle pero lumayo muli ito. "H-Hayaan mo muna akong magpaliwanag kung bakit hindi ko naalala kanina. Nadulas siya sa banyo at tanging ako lang ang tinawagan niya kaya nagpunta ako sa bahay niya, pero hindi ako maka-alis dahil wala sa
Kanina pa naghihintay sa kanyang nobyo si Elle, halos dalawang oras na siyang nakaupo sa isang restaurant. Ilang beses na ring nagpabalik-balik ang waiter para itanong kung oorder na ba siya ng pagkain, pero paulit-ulit din niyang sinasagot na wala pa ang kanyang kasama. Gusto sana niyang sabay silang pumili ng kakainin nila ni Franz. Tinaas ni Elle ang braso para tingnan ang oras sa relo na nakasuot sa kanyang pulso. Kumuyom ang kamao niya dahil magtatatlong oras na ay wala pa rin si Franz, mukha siyang kawawa siguro sa paningin ng ibang tao sa restaurant, dahil kanina pa siya roon at wala namang ginagawa kung hindi maghintay. Sa inis ay tumayo si Elle at wala sa mood na lumabas ng restaurant, diretso siya sa kanyang kotse, pero may humablot sa kanyang braso. "E-Elle," saad nito sa hinihingal na boses. Umangat ang labi ni Elle at humarap sa taong kanina pa niya hinihintay. "Kumusta, okay na ba siya?" "Yes." Napatiim-bagang si Elle at tiningnan ng seryoso si Franz. "Sobrang imp
Pag dating sa desk niya ay kumuha siya agad ng puting papel para isulat ang lahat ng gusto niyang sabihin kung bakit siya magre-resign, pagkatapos ay pumasok siya sa opisina ni Franz at nilagay iyon sa ibabaw ng table nito. Handa na sana siyang umalis nang biglang bumukas ang pinto ng opisina at bumungad sa kanya ay si Franz na hingal na hingal. Sigurado siyang nag-drive ito ng mabilis para lang maabutan siya rito. "E-Elle, Hindi pa tayo tapos mag-usap. Bawal kang lumabas ng opisina ko!" Lumakad si Elle para lumabas, pero hinawakan ni Franz ang braso niya kaya siya napahinto. "Tapos na tayo, Franz. Nandiyan na rin ang resignation letter ko, pirmahan mo na lang para maka-alis na ako dito sa kumpanya mo." Hawak na ngayon ni Franz ang dalawang braso ni Elle habang nakaharap ito sa kanya. "H-Hindi ako papayag!" May bahid na galit na pagkakasaad ni Franz. "Sino ang may sabi na kailangan ko ang pahintulot mo? Kahit hindi ka pumayag aalis pa rin ako rito! Kung ayaw mong pirmahan, kasu
"Mas mainam ng bukas pa lang ay lumayo na ako. Tutal wala naman din kong pamilya rito ay madali na lang sa akin na lumyo para na rin hindi ako bumalik muli Kay Franz." Naging seryoso si Gabrielle at tumitig sa kawalan. "Akalain mo 'yon. Sa sampung taon niyong pagsasama isang babaeng bigla na lang sumulpot ang makakatapos ng relasyon niyo, at isa pa, wala bang rules ang pagkakaibigan nila ni Franz? Dapat alam nung babae na 'yon kung kelan lulugar dahil kahit magkakilala na sila ni Franz ng matagal o nauna sayo, ikaw pa rin ang makakasama sana ni Franz for life kung makakasal kayong dalawa na hindi na mangyayari dahil naging epal yung Blair na 'yon." Maliit na napangiti si Elle. Iba't-ibang reaksyon kasi ang nagpapakita sa mukha ni Gabrielle habang nagsasalita. "Sa tingin ko ay dahil kahit gaano ko pa kamahal ang isang tao, kung hindi siya para sakin ay mangyayari ang hindi ko inaasahan kahit pa tiwala ako kay Franz." Napabuntong-hininga siya. "Pero hindi porke't umatras ako, ay ako