Share

Kabanata 24

Mabilis na napatingin si Sandy sa kanyang ama. Hindi niya napansin na naghihintay pala ito sa labas ng bahay.

"Pasensya na ho kung ginabi ako."

"Wala naman sigurong masamang nangyari kaya ka ginabi?"

Maliit lang na ngumiti si Sandy at umiling, pero si Amando ay napakunot ang noo nang may mapansin sa isang kamay ni Sandy.

"Anong meron sa kamay mo na 'yan at may balot na tela, at isa pa, bakit may bahid ng dugo 'yan?"

Litong napatingin si Sandy sa kamay niya, meron nga itong bahid ng konting dugo. Inalala niya kung may sugat ba ang lalaki kanina, at meron nga, pero maliit lang iyon at hindi malalim. Napahid lang sa tela sa kamay niya.

"Sagutin mo ako, Sandy. Sigurado ako na may sugat 'yang kamay mo na 'yan kaya nakabalot. Ang tanong saan mo nakuha 'yan?"

"Wala lang ito ama."

"Anong wala?" Tinitigian ni Amando si Sandy. "Kagagawan ba iyan ng iyong ina?"

Hindi qgad nakasagot si Sandy kaya tumalikod si Amando at galit na pumasok ksa loob ng bahay. Nagmamadali namang sumuno
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status