Share

Kabanata 32

In-off ni Sandy ang telepono niya para hindi na ito muling makatawag. Sigurado siyang may susunod pa iyon, baka modus at bigla na lang manakot. Mahirap na at baka maniwala siya sa sasabihin nito. Magaling pa naman ang mga taong nanlalamang ng kapwa kaya maraming nauuto.

Pumasok na lang muli si Sandy sa kanilang bahay at diretso sa kanyang kwarto. Magulo ang table niya maging ang kama dahil nagkalat ang mga papel na nabasa na niya. Umupo siy at kinuha ang isang papel na nakapatong sa mga papel na naka-ayos. Kahit anong basa niya sa medical records na nandoon at gustong-gusto niyang ang gawin ay medication hindi talaga puwede. Wala ng saysay na uminom ng gamot kung pang-opera na ang solusyon. Hindi nga pala natanong ni Sandy kung may iniinom pa bang gamot si Dwight.

Nagsalubong ang kilay niya at tumingin-tingin sa paligid. Naalala niya yung calling card na binigay ni Dwight, ang kaso hindi niya alam kung saan niya nilagay. Tumayo siya at tiningnan ang bawat sulok ng kama, cabinet, at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status