Share

Kabanata 36

Ngumiti si Sandy at tumango. "Yes, lolo. Narito pa rin ako bukas."

Ngumiti ang matanda at namungay ang mga mata, kaya nahiga na ito at umayos ng puwesto hanggang sa maging malalim na ang pagtulog. Bago umalis ng kwarto ay chineck ulit ni Sandy ang blood pressure nito na bahagyang bumaba na dahil sa nainom na gamot.

"Dadalhin na kita sa magiging kwarto mo. Sumunod ka sa akin," saad ni Angelo na naunang umalis ng kwarto ni Agustin. Isang sulyap muna ang ginawa ni Sandy sa natutulog na si Agustin bago siya sumunod kay Angelo. Hanggang sa huminto sila sa isang kwarto kung saan iyon din ang ginamit niyang kwarto nang manatili siya dito ilang taon na ang nakakaraan.

"May magagamit ka naman diyan, meron ding banyo, meron—"

"Alam ko."

Napakunot ang noo ni Angelo. "Anong alam mo?"

"Lahat ng sasabihin mo ay alam mo na. Nagtira ako dito ng isang buwan kaya alam ko."

"Talaga?"

"Oo."

"Kaya pala parang mas apo ka pa ng lolo ko, kaysa sa akin."

"Malamang dahil nakasama niya ako. Ikaw ngay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status