"5 Million, kapalit magpakasal sa akin!" Isang hindi kilalang lalaki ang bigla na lang nag-alok kay Kara Smith Curtiz ng isang kasunduang hindi niya inaasahan. Si Kara, 23 years old, ay anak ng dating mayamang pamilya, ngunit matapos malugi ang kanilang kumpanya, nagkaroon ng stroke ang kanyang ama at halos mawalan ng pag-asa ang kanyang ina. Bilang panganay, pasan niya ang responsibilidad na ibangon muli ang kanilang pamilya. Sa desperasyon, napilitan siyang tanggapin ang kasal sa lalaking hindi niya kilala. Ngunit sino nga ba siya? At bakit siya handang magbayad ng ganoon kalaking halaga para lang mapakasalan siya? Habang unti-unting nakikilala ni Kara ang lalaking ito, natuklasan niyang hindi lang ito basta isang estranghero. May lihim siyang dahilan, at sa kabila ng malamig at misteryosong ugali nito, may isang ng lahat, ang pinansyal na transaksyon ay mauwi sa isang bagay na hindi niya inaasahan—pag-ibig?
View MoreChapter 115Kinabukasan.Narinig ko na lamang sa sala ng mansyon namin ang pagdaing sa tatlong nalasing kagabi. Kaya lumabas ako sa silid saka ako nagtungo doon.Pagdating ko sa sala, bumungad agad sa akin ang tatlong mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.Si Chris ay nakasubsob sa sofa, hawak-hawak ang ulo niya na parang iniinda ang matinding sakit. Si Richard naman ay nakaupo sa sahig, hawak ang isang baso ng tubig pero hindi niya maituloy inumin. Samantalang si Miguel, nakasandal sa dingding at nakapikit, waring nagpapanggap na patay para lang hindi mapagalitan."Ano? Masarap ba ang lambanog?" tanong ko na may halong panunukso.Napangiwi si Chris bago ako tiningnan. "Hon, ‘wag ka munang maingay... parang may marching band sa loob ng ulo ko."Si Richard naman ay nagbuntong-hininga. "Hindi ko alam kung paano kayo umiinom nito sa probinsya, pero ngayon lang ako nagkaroon ng hangover na parang nabangga ako ng trak!"Biglang dumilat si Miguel at sumingit, "Correction! Para tayong naba
Chapter 114Kara POVMukhang lasing na si Chris pati ang dalawa nitong kaibigan dahil kung anu-ano na ang sinabi. Habang ang dalawa aming anak na sina Jacob at Ellie na matulog na.Pinagmamasdan ko si Chris na namumula na ang mukha habang nakahilig sa upuan. Kasama niya sina Richard at Miguel, na halatang tinamaan na rin ng lambanog."Kara, mahal na mahal kitaaa!" biglang sigaw ni Chris, dahilan para matawa ang mga tao sa paligid."At ikaw, Mr. Curtis!" itinuro niya ang papa ko. "Mahal ko po ang anak ninyo at wala nang makakapigil sa akin na pakasalan siya!"Napailing ako at napangiti. Kahit lasing, seryoso pa rin siya sa nararamdaman niya."Kara, I swear! Kahit utusan mo akong mag-araro ng palayan bukas, gagawin ko!" dagdag pa niya."Bukas? Eh baka hindi ka na makabangon niyan!" natatawang singit ni Miguel."Tol, ang tindi ng tama mo! Pero saludo ako sa’yo!" ani Richard habang hinahampas si Chris sa balikat."Haaay naku, paano ko ba kayo iuuwi niyan?" bulong ko sa sarili ko.Lumapit
Chapter 113 Ngumiti siya nang pilyo. "May huling hamon pa. At ito ang pinakamahirap." Nagkatinginan ang lahat. Napalunok ako, pero hindi ako umurong. "Handa ka na ba?" tanong ni Mr. Curtis. Tumango ako. "Para kay Kara at sa pamilya namin—handa ako." "Tol.....!" bigla ako napalingon ng kilala ang tinig na tumawag. Walang iba kundi si Richard ang judge kong kaibigan kasama din niya si Miguel nakangising nakatingin sa akin na parang inaasar ako. Napakunot ang noo ko nang makita ko sina Richard at Miguel na parehong nakangisi habang nakatayo sa harapan ko. "Anong ginagawa n'yo rito?" tanong ko habang pinupunasan ang pawis sa noo. Richard tumawa at tinapik ang balikat ko. "Balita ko, sinusubok ka raw bago makuha ang kamay ni Kara. Hindi ko pwedeng palampasin 'to!" Miguel, na mas lalo pang nang-asar, sumandal sa pader at natawa. "Tol, hindi ko akalain na ang isang Chris Montero ay maghihirap para lang sa pagmamahal. Pero aminado ako, hanga ako sa'yo." Umiling ako at ngumiti. "
Chapter 112Lumipas ang tatlong araw, at ngayon, narito ako sa harapan ng buong pamilya ni Kara upang muling mamanhikan. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin, nais kong gawin itong tama—ang hingin muli ang kamay niya sa tamang paraan, sa harap ng kanyang pamilya.Kaharap ko ngayon si Mrs. Curtis, na seryosong nakatingin sa akin. Alam kong hindi pa rin niya lubos na tinatanggap ang nakaraan ko, pero narito ako upang patunayan na karapat-dapat akong maging parte ng pamilya nila.Sa gilid niya ay ang bunsong kapatid ni Kara, si Kiara, na may katabing isang lalaking ngayon ko lang nakita. Hindi ko sigurado kung sino siya—kasintahan ba niya o kaibigan lamang? Tahimik lang silang dalawa, pero halatang interesado sila sa magiging sagot ng pamilya.Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Mrs. Curtis, alam kong marami akong nagawang mali noon. Alam kong minsan akong naging dahilan ng sakit ng loob niyo, pero mula noon, nagbago na ako. Hindi lang para kay Kara, kundi para sa pamilya naming
Chapter 111Chris POVNapabuntong-hininga ako habang nakatingin kay Mr. Curtis. Alam kong biro man ang tono ng iba, seryoso siya sa sinabi niya. Pero kung ito ang paraan para tuluyang tanggapin niya ako bilang asawa ni Kara, wala akong dahilan para umatras."Handa akong harapin ang kahit sino, Mr. Curtis," sagot ko nang diretsahan. "Hindi ko lang gustong pakasalan muli si Kara, gusto kong patunayan na karapat-dapat ako sa kanya at sa pamilya niya."Napansin kong saglit na lumambot ang ekspresyon ni Mr. Curtis bago niya ako tinitigan ulit nang matalim. "Then prove it.""Chris, kaya mo ‘yan!" singit ni Ellie habang nakayakap sa binti ko. "Magiging best daddy ka na talaga!"Napangiti ako at kinarga siya. "Of course, baby girl. Gagawin ko ang lahat para sa inyo ni Jacob.""Yuck! Ang cheesy mo, Dad!" hirit ni Jacob, pero halata ang ngiti sa mukha niya.Natawa si Kara at hinila ako papalapit sa kanya. "You don’t have to prove anything, Chris. Mahal kita, at alam kong mahal mo ako. That’s al
Chapter 110Kara POVHindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko habang yakap si Daddy. Sa wakas, tinanggap na rin niya si Chris. Alam kong hindi madali para sa kanya, lalo na’t nasaktan siya noon sa ginawa ni Chris sa amin. Pero ngayon, alam kong unti-unting gumagaan ang lahat.Nang lumuwag ang yakap namin, napatingin ako kay Chris. May lungkot at tuwa sa kanyang mga mata, parang hindi siya makapaniwala na unti-unting gumaganda ang takbo ng buhay namin. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon, parang sinasabi sa akin na hindi niya ako bibiguin."Dad, salamat," mahina kong sabi. "I promise, hindi mo na kailangang mag-alala."Napatingin si Daddy kay Chris bago tumango. "Huwag mo na silang saktan, Chris," babala niya. "Dahil kung mangyayari ulit iyon, kahit pa tinanggap na kita ngayon, hindi na ako magdadalawang-isip na ipaglaban ang anak at mga apo ko."Tumango si Chris, seryoso ang ekspresyon. "Alam ko po iyon, Mr. Curtis. At hindi ko na hahayaan pang masaktan silang muli."
Chapter 109Kinagabihan, habang nasa sala kami at nanonood ng pelikula, panay ang silip ko kay Kara. Nakatutok siya sa pelikula habang yakap si Ellie, at si Jacob naman ay nasa kabilang gilid, subo-subo ang popcorn."Chris, okay ka lang?" tanong ni Kara, napapansin marahil ang aking kakaibang kilos."Ha? Oo naman," sagot ko agad, pilit na ngumiti."Sure ka? Kanina ka pa panay ang tingin sa akin," biro niya, sabay kindat."Well, can’t help it. You’re too beautiful," sagot ko naman, na ikinatawa ni Kara."Cheesy!" sabat ni Jacob, ginagaya pa ang tono ko."Hay naku, Jacob!" tawang-tawa na si Kara, sabay haplos sa buhok ng anak namin."Mommy, you’re really beautiful!" singit ni Ellie, sabay yakap sa ina. "And I love you so much!"Napangiti ako habang pinagmamasdan ko sila. Lalaking may pagmamahal at respeto ang mga anak namin, at ang lahat ng ito ay dahil kay Kara.Habang pinagmamasdan ko ang munting pamilya ko, lalong tumibay ang desisyon ko. Gagawin ko ang lahat para mapasaya si Kara. A
Chapter 108Chris POVPagkaalis nina Troy at Mara, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Agad akong nagtungo sa study room at kinuha ang cellphone ko. Hinanap ko ang numero ng isang kilalang event planner na matagal ko nang pinagkakatiwalaan.Habang tumutunog ang linya, ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Hindi dahil sa preparasyon, kundi dahil sa takot na baka hindi pumayag si Kara."Hello, Mr. Montero!" sagot ng event planner sa kabilang linya. "Long time no hear! How can I assist you today?""Gusto kong magplano ng kasal," diretso kong sagot. "Pero this time, I want it to be perfect. Walang pagkukunwari. Gusto ko, bawat detalye ay magpakita kung gaano ko kamahal si Kara.""Wow, that sounds wonderful! Kailan mo balak gawin ito?""Sa lalong madaling panahon," sagot ko. "Pero gusto kong maging espesyal. Gusto kong magulat siya. Something intimate, pero unforgettable."Habang pinag-uusapan namin ang mga detalye, ang isiping muli kong pakakasalan si Kara ay nagbigay ng init sa puso ko. Hind
Chapter 107Troy POVNapangiti ako habang pinagmamasdan sina Chris at Kara. Hindi ko lubos maisip na ang kaibigan kong kilala sa pagiging malamig at rude noon ay magiging ganito kasaya at puno ng pagmamahal. Para bang ibang tao na siya — mas kalmado, mas maaliwalas ang mukha, at halatang nasa tamang lugar na ang puso niya."Grabe, pre," bungad ko habang tinatapik ang balikat ni Chris. "Kung alam ko lang na ganito pala ang epekto ni Kara sa'yo, sana noon pa kita pinilit maghanap ng asawa.""Ha! Baka tumanda pa ako ng walang pamilya kung ikaw ang naging matchmaker ko," sagot niya, sinamahan ng isang tawa na bihirang-bihira ko marinig mula sa kanya noon. "Pero oo, Troy. Si Kara ang bumago sa akin. Hindi ko na rin maisip ang buhay ko nang wala sila ni Ellie at Jacob."Napatingin ako kay Kara na masayang kausap si Mara. Tila ba walang bakas ng lungkot o hirap na pinagdaanan nila noon. Si Ellie naman, nakangiti at tila kinukulit si Jacob na kunwaring naiirita pero halatang nag-eenjoy sa kak
Chapter 1 Kara POV Nakatitig ako sa papel na hawak ko—isa na namang rejection letter mula sa kumpanyang inaplayan ko kanina lang. Ilang beses na ba akong nabigo? Hindi ko na mabilang. Sa bawat pagtanggi, parang unti-unting bumibigat ang mundo sa balikat ko. “Pasensya na po, Miss Curtiz, pero hindi kayo pasado sa qualifications namin.” Isa na namang pamilyar na linya. Sa totoo lang, alam ko namang hindi lang ito tungkol sa qualifications. Ang apelyido kong minsang kinakatakutan dahil sa yaman at impluwensya, ngayon ay parang sumpa na nagtataboy sa akin sa bawat pintong aking kakatukin. Huminga ako nang malalim at tiningnan ang paligid. Ang daming taong nagmamadali—mga empleyadong may patutunguhan, may layunin. Samantalang ako, para akong napag-iwanan ng mundo. Napatingin ako sa cellphone ko. 5 missed calls from Mom. Alam kong tatawag siya upang tanungin kung may trabaho na ako. Kung may pag-asa bang mababayaran na namin ang utang ng ospital ni Papa. Kung may pambili na ba ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments