All Chapters of THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE: Chapter 1 - Chapter 10

10 Chapters

Chapter 1

Chapter 1Kara POVNakatitig ako sa papel na hawak ko—isa na namang rejection letter mula sa kumpanyang inaplayan ko kanina lang. Ilang beses na ba akong nabigo? Hindi ko na mabilang. Sa bawat pagtanggi, parang unti-unting bumibigat ang mundo sa balikat ko.“Pasensya na po, Miss Curtiz, pero hindi kayo pasado sa qualifications namin.”Isa na namang pamilyar na linya. Sa totoo lang, alam ko namang hindi lang ito tungkol sa qualifications. Ang apelyido kong minsang kinakatakutan dahil sa yaman at impluwensya, ngayon ay parang sumpa na nagtataboy sa akin sa bawat pintong aking kakatukin.Huminga ako nang malalim at tiningnan ang paligid. Ang daming taong nagmamadali—mga empleyadong may patutunguhan, may layunin. Samantalang ako, para akong napag-iwanan ng mundo.Napatingin ako sa cellphone ko. 5 missed calls from Mom.Alam kong tatawag siya upang tanungin kung may trabaho na ako. Kung may pag-asa bang mababayaran na namin ang utang ng ospital ni Papa. Kung may pambili na ba kami ng gamot
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 2

Chapter 2Mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan ko, kinuha ang bag ko, at halos patakbong lumabas ng coffee shop. Sa pagmamadali ko, muntik na akong mabangga ng isang lalaking papasok pa lang.“Miss, ayos ka lang?” tanong niya, pero hindi ko na nagawang sumagot.Wala akong ibang iniisip kundi ang makarating agad sa ospital.Habang nasa loob ng lumang jeep na sinakyan ko, hindi ko mapigilan ang panlalamig ng kamay ko. Isa na namang atake? Hindi pa nga namin nababayaran ang unang hospital bill, tapos heto na naman…Napasandal ako at napatingin sa labas ng bintana. Ang bigat-bigat sa dibdib.Maya-maya lang, nakarating na ako sa ospital. Dali-dali akong bumaba at halos magkandarapa sa pagtakbo papasok. Sa nurse station, hingal na hingal akong nagtanong.“Nasaan si Mr. Smith Curtiz?!”Agad akong tinuro ng nurse sa isang private room. Pagpasok ko, bumungad sa akin si Mama na nakaupo sa tabi ng kama ni Papa. Halata sa mukha niya ang pagod at lungkot.“Ma…” halos paos kong tawag.Napatingin
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 3

Chapter 3Napahinto ako sa may entrance ng hotel, tila may aninong humahatak sa akin palayo. Ang daming tanong sa isip ko—Tama ba 'tong ginagawa ko? Sino ba talaga lalaki na ito?Napalunok ako. Paano kung isa siyang matabang matanda? O isang panot na may tiyan na parang lobo? O baka naman isang payat na may malalaking mata?Naguguluhan pa rin ako nang biglang lumapit sa akin ang isang babae—maganda, pino ang kilos, at mukhang sanay sa ganitong klase ng lugar.“Miss Kara Smith Curtiz?” magalang niyang tanong.Agad akong napatingin sa kanya. “A-Ako po.”Bahagya siyang ngumiti. “Kanina pa po kayong hinihintay ni Mr. Montero sa itaas. Pakisunod po ako.”Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Kanina pa? Ibig sabihin, seryoso talaga siya sa pagkikita namin.Wala akong nagawa kundi sumunod sa babae. Sinamahan niya ako sa elevator at pinindot ang button para sa VIP floor. Lalong lumakas ang kaba ko. Anong klaseng tao ba ang naghihintay sa akin sa itaas?Habang tumataas ang elevator, pakiramdam ko
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 4

Chapter 4"Sandali, pwede bang walang makakaalam muna?" Agad akong nagsalita bago pa niya maisara ang envelope ng kontrata. "Gusto kong ako muna ang magsabi kay Mama. Ayokong mabigla siya. Maaari ba?"Tahimik siyang tumitig sa akin, tila iniisip kung pagbibigyan ba niya ako o hindi. Halos pigil ang hininga ko habang hinihintay ang sagot niya.Maya-maya, bahagyang tumango siya. "Fine. Pero hanggang kailan?""Bigyan mo ako ng isang linggo. Kailangan ko lang siyang ihanda."Napangisi siya nang bahagya. "One week, huh? Mukhang may dahilan kung bakit gusto mo pang itago ito."Napakuyom ako ng kamao. "Hindi ko ito itinatago. Ayoko lang na mag-alala si Mama nang biglaan."Hindi siya sumagot agad. Sa halip, uminom siya ng alak mula sa baso sa harap niya bago muling nagsalita. "Fine. One week. Pero pagkatapos niyan, gusto ko nang matapos ang lahat ng pag-aayos. Lilipat ka na sa bahay ko."Para akong sinampal ng katotohanan. Totoo na talaga ‘to."Salamat." Mahina kong sabi.Tumayo ako, handa na
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 5

Chapter 5Christopher POV"Tol, sigurado kana ba?" sabi sa akin ni Daniel isa sa mga kaibigan ko. Pagkatapos naming mag-usap sa office ni Kara ay agad akong pumunta sa bar para uminum."Oo, pamamagitan sa kanilang anak ay makaganti ako sa kanilang pag ginawa sa aking magulang.""Pero, you need investigate more. Baka hindi sila ang dahilan pagka-aksidinte nila ni Tita," bigkas ni Troy.Sinilip ko ang basong nasa harapan ko, ang whiskey na kanina ko pa iniinom ay hindi man lang nabawasan. Hindi ko alam kung dahil ba sa bigat ng alaala o dahil sa salitang binitiwan ni Troy."Sigurado na ako," mariin kong sagot. "Kara Smith Curtiz ang magiging daan para makuha ko ang hustisya."Napalunok si Daniel bago nagsalita. "Pero, tol... kung hindi sila ang tunay na dahilan? Paano kung wala siyang kinalaman?"Natawa ako nang mapakla. "Then, malas niya. Isa siyang Curtiz. Iyon lang ang mahalaga."Tahimik na nagpalitan ng tingin sina Daniel at Troy. Alam kong pareho silang may pag-aalinlangan, pero wa
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 6

Chapter 6KinabukasanAgad kong pinahanda sa mga katulong ang silid para sa magiging asawa ko. Walang espesyal na dekorasyon, walang kahit anong palamuti na magbibigay ng ideya na ito ay isang kwarto ng isang bagong kasal. Isang simpleng silid, malamig, walang emosyon—tulad ng kasunduang ito.Tumayo ako sa harap ng malaking bintana ng aking silid, hawak ang tasa ng itim na kape. Sa labas, ang tahimik na paligid ng aking estate ay tila sumasalamin sa lungkot at hinanakit na matagal ko nang kinikimkim.Isang malakas na katok ang pumukaw sa aking atensyon."Pumasok," malamig kong utos.Bumukas ang pinto, at pumasok si Troy. Kita sa kanyang ekspresyon ang pag-aalinlangan."Dumating na siya," aniya.Hindi ako agad sumagot. Tinungga ko ang natitirang kape bago ibinaba ang tasa sa mesa."Nasaan siya?" tanong ko, hindi ipinapahalata ang kung anong nararamdaman ko."Nasa sala. Tahimik lang siya. Hindi ko alam kung kinakabahan o takot," sagot niya. "Sigurado ka na ba talaga rito, tol?"Napangis
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter 7

Chapter 7Napapikit ako, pilit pinapanatili ang kontrol sa sarili. Hindi ko kailangang ipaliwanag ang sarili ko sa kanya. Hindi ko kailangang sabihin ang tunay kong dahilan."Hindi kita kailangang bigyan ng sagot, Andrea," sagot ko nang matigas. "Tapos na tayo. At ang buhay ko ngayon, wala ka nang kinalaman."Tahimik. Ilang segundo bago siya muling nagsalita, mas mahina na ang boses niya pero may bahid ng hinanakit."Hindi ako naniniwala diyan, Christopher. Kilala kita. At kung iniisip mong matatapos mo ang plano mo nang hindi kita naiipit sa gulo mo… nagkakamali ka."Bago pa ako makasagot, ibinaba na niya ang tawag.Napatingin ako sa telepono, ramdam ang paninigas ng panga ko.Andrea…Hindi ko siya dapat alalahanin. Ang dapat kong pagtuunan ng pansin ay ang kasal bukas.Pero bakit may masamang kutob akong may paparating na bagyo—at hindi ko alam kung paano ko ito haharapin?"Hindi kita hahayaan na guluhin ang plano ko, Andrea!" galit kong bulong sa sarili ko habang mahigpit na nakaku
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter 8

Chapter 8Kara POVPagtapak ko pa lang sa loob ng kanyang mansion, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Para akong pinapasok sa isang lugar na hindi ko dapat kinaroroonan. Ngunit pinatatagan ko ang sarili ko—ito ang pinili kong desisyon.Nang ihatid ako ng katulong sa magiging silid ko, agad akong napangiwi nang makita ko ang loob. Walang kahit anong dekorasyon, walang ni isang palamuti o kahit anong bagay na maaaring magbigay ng kaunting aliwalas sa kwarto. Tanging isang lumang single bed lang ang naroon at isang maliit na aparador. Ni aircon ay wala, tanging isang maliit na bentilador lang ang nakapatong sa lamesa sa tabi ng kama.Ganito ba ang tingin niya sa akin?Alam kong hindi ito bahay ko, alam kong isa lang akong Contract Wife, pero hindi ko inasahan na ganito niya ako tatanggapin—parang isang tauhan lang sa bahay na inilagay sa isang lumang kwarto.Napabuntong-hininga ako. Hindi ka pwedeng magreklamo, Kara. Alam ko namang wala akong karapatang umangal. May papel akong kaila
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter 9

Chapter 9Christopher POVNapatingin ako sa kanya—diretso, walang bahid ng emosyon. Para bang wala lang sa kanya ang kasunduang ito, na para bang isa lang akong kasosyo sa negosyo at hindi lalaking papakasalan niya bukas.Mabuti. Mas gusto ko ito."Oo," malamig kong sagot. "Sa oras na maisilang mo ang anak ko, makukuha mo ang buong halaga. Walang labis, walang kulang."Tumango siya, tila ba tinatandaan ang bawat salita ko. "Salamat. Gusto ko lang makasigurado."Sigurado? Napangisi ako nang mapakla. Sa sitwasyon naming ito, may makasisigurado ba talaga?"Tapos na ba ang tanong mo?" tanong ko, matigas ang boses."Oo." Hindi na siya naghintay ng sagot ko at agad na lumabas, isinasara nang marahan ang pinto.Nanatili akong nakaupo, nakatitig sa pintong pinadaan niya.Hindi ko alam kung bakit may kung anong gumapang na inis sa dibdib ko.Wala siyang ibang iniisip kundi ang pera.Mabuti. Mas magiging madali ang lahat.Bukas, magiging mag-asawa na kami. At simula roon, wala nang atrasan."Ib
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter 10

Chapter 10Lumapit si Troy at tinapik ako sa balikat. "Christopher, sigurado ka ba talaga rito?" tanong niya, pero halata sa tono niya na alam na niya ang sagot."Siyempre," sagot ko nang walang pag-aalinlangan."Huwag mo lang pagsisihan kung sakaling bumaliktad ang sitwasyon," aniya bago siya tumingin kay Kara at nagpaalam.Tahimik lang si Kara. Hindi ko alam kung iniisip niya ang pamilya niya o kung pinagsisisihan na niya ang desisyon niyang pumayag sa kasunduan. Pero hindi na mahalaga.Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahan siyang itinayo. "Umalis na tayo," malamig kong utos.Wala siyang imik. Tumayo lang siya at sumunod sa akin. Simula ngayon, siya ang magiging asawa ko—sa papel man o hindi."Sandali!" wika nito. Kaya agad ako napahinto sa paglalakad. "S-saan tayo pupunta?" utal niyang tanong sa akin."Sa kumpanya ko, gusto kong ikaw ang personal secretary ko ngayon maliban sa isa king secretary," malamig kong sagot.Nanlaki ang mata ni Kara sa sinabi ko. Halatang hindi niya in
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status