All Chapters of THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE: Chapter 21 - Chapter 30

143 Chapters

Chapter 21

Chapter 21Christopher POVPinagmasdan ko si Kara habang tahimik siyang sumasakay sa sasakyan. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob para humarap sa akin nang ganito—matapang, determinado, at walang takot na ipahayag ang gusto niya.Nakaka-curious.Ang ibang tao, kapag inalok ng limang milyong piso, walang tanong-tanong na kukunin na lang iyon at tatakbo palayo. Pero siya? Mas pinili niyang pagtrabahuhan ito. Mas pinili niyang tiisin ang presensya ko kaysa umasa lang sa perang galing sa akin.Bakit?Dahan-dahan akong umikot sa kabilang gilid ng sasakyan at sumakay. Pagkaupo ko, saglit ko siyang tinapunan ng tingin. Tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng bintana, tila may malalim na iniisip."Hindi mo man lang ba tatanungin kung anong kapalit niyan?" tanong ko, binasag ang katahimikan.Napalingon siya sa akin. Sa halip na matakot o mag-alala, diretsong tumingin siya sa mga mata ko. "Sinabi mo na kanina, Christopher. Lahat ng bagay na tinatanggap ko mula sa'yo… may
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more

Chapter 22

Chapter 22 Napangiti ako, pero sa loob-loob ko, nagtataka ako. Sinong babae ang magpapahirap sa sarili niya sa ganitong paraan? Hindi ba’t mas madali kung hayaan na lang niyang mangyari ang dapat mangyari? Pero mas lalong naging interesante ang sitwasyong ito. "Sige," sagot ko sa wakas. "Pero tandaan mo, Kara… kung ano man ang matutuklasan mo tungkol sa akin, baka hindi mo na gustuhin pang manatili sa tabi ko." Tinitigan niya ako, seryoso ang mukha. "Handa akong malaman ang totoo, Christopher." Napangisi ako. "Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo." Matagal akong tumingin kay Kara. Ang determinasyon sa kanyang mga mata ay hindi natinag kahit na malinaw kong ipinahiwatig na hindi siya dapat makialam sa akin nang higit sa kasunduan namin. Pero heto siya, nangangahas na alamin ang isang bagay na maaaring hindi niya kayanin. Lumapit ako sa kanya muli, mas mabagal ngayon. Hindi siya umatras, pero kita ko ang pagdadalawang-isip sa kanyang ekspresyon. Nang halos magkala
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more

Chapter 23

Chapter 23 Tahimik akong naghintay ng reaksyon niya. Kita ko ang bahagyang pagkaputla ng kanyang mukha, pero hindi siya umurong. Sa halip, tumango siya nang marahan, tila tinatanggap ang katotohanang sinabi ko. "Matatapos ang lahat..." inulit niya, tila tinitimbang ang bigat ng mga salitang iyon. "Ibig sabihin, pagkatapos ng isang taon, maghihiwalay tayo na parang walang nangyari?" "Oo," sagot ko nang walang alinlangan. "Matatapos ang kasunduan. Magkakaroon ka ng perang kailangan mo, at makukuha ko ang gusto ko—ang tagapagmana." Nagtagal ang katahimikan sa pagitan namin. Kita ko sa mata niya ang pag-aalinlangan, pero sa kabila ng lahat, tumango siya. "Kung ‘yon ang gusto mo, Christopher, tatanggapin ko." Bahagyang kumunot ang noo ko. Inaasahan kong mag-aalangan siya, na may pagdududa pa siyang mararamdaman. Pero tila determinado siya. "Pero gusto ko ng kasiguraduhan," patuloy niya. "Sa loob ng isang taon, ako lang. Kung gusto mong magka-anak sa akin, dapat wala kang ibang babae.
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more

Chapter 24

Chapter 24Kara POVInis na inis ako. At sa totoo lang… natatakot din.Sino bang hindi matatakot kung basta ka na lang iiwan sa isang lumang bahay, mag-isa?Nakita ko si Christopher na papalayo, hindi man lang lumingon. Parang wala lang sa kanya na iniwan niya akong ganito—galit, litong-lito, at hindi alam kung anong gagawin."Hayop ka talaga, Christopher!" sigaw ko, kahit alam kong wala siyang pakialam.Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili ko. Hindi ako pwedeng magpadala sa takot. Hindi ko dapat ipakita sa kanya na natatakot ako, dahil iyon mismo ang gusto niyang mangyari."Kailangan kong umalis dito." Bulong ko sa sarili ko. Pero paano?Tinapunan ko ng tingin ang paligid. Ang lumang bahay na ito ay parang isang haunted house—madilim, tahimik, at puno ng alaala ng isang trahedya.Hindi ko alam kung anong iniisip ni Christopher at dinala niya ako rito. Gusto niya ba akong takutin? Gusto ba niyang iparamdam sa akin kung anong naramdaman niya noon?O baka… gusto niya a
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more

Chapter 25

Chapter 25 Kara POV Dalawang buwan na ang lumipas mula nang tumira ako sa mansyon ni Christopher. Sa araw-araw na nagdaan, pakiramdam ko ay palagi akong pagod. Lagi akong antukin, bugnutin, at sa hindi maipaliwanag na dahilan, lalo akong naiinis sa presensya ni Christopher. Hindi ko alam kung epekto ba ito ng stress o dahil sa sitwasyon naming dalawa, pero palagi akong nahihilo. Madalas din akong nagsusuka, dahilan para halos hindi na ako lumabas ng kwarto. Hindi ko na rin nagagampanan nang maayos ang pagiging personal secretary niya. Ngayon araw, habang nakaupo ako sa gilid ng kama, hinahaplos ang aking sentido dahil sa matinding hilo at masama ang aking pakiramdam ay biglang bumukas ang pinto at bumungad si Christopher. Matalim ang tingin niya sa akin, halatang iritado hindi ko alam kong anong sadya niya sa akin. Pero hindi ko ito pinansin habang nagpapatuloy ako sa paghihilot sa aking sentido dahil sa sobrang sakit. "Ano na namang dahilan mo at hindi ka na naman pumas
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

Chapter 26

Chapter 26 Christopher POV Napanganga ako. Hindi ko inaasahan ang pagsabog ni Kara. Ang akala ko, matutuwa siya sa balita, o kahit papaano, magiging emosyonal. Pero ang inabot ko ay galit na galit na siya. Ang baho ko raw? Hindi ako naniniwalang hindi ako naliligo araw-araw! Siguro nga, medyo pagod lang ako kaya hindi gaanong maayos ang amoy ko, pero ang baho-baho? Grabe naman 'yun. Hindi ko alam kung ano ang i-react ko at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko akalain na hindi niya alam na buntis siya at ako pa mismo ang magsasabing buntis ito. Pero ang pakiramdam ko, hindi ko kayang ipaliwanag—may halo itong takot at pag-aalala. Hindi ko alam kung bakit ako nag-aalala ng ganito. Tumalikod ako, naglakad palabas ng kwarto, pero bago ako lumabas, narinig ko ang tinig ni Kara mula sa likod ko. "Christopher!" Huminto ako at tumingin sa kanya, ngunit hindi ko siya tinulungan, at hindi ko rin siya tinanong pa. Tumahimik kami sa ilang segundo, at pagkatapos ay tumalima ak
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

Chapter 27

Chapter 27Kinabukasan Maaga kaming dumating sa clinic ni Dr. Salazar. Tahimik lang si Kara habang nakaupo sa waiting area, halatang tensyonado. Kahit hindi niya sabihin, kita ko sa mga kilos niya—ang mahigpit na hawak niya sa laylayan ng kanyang damit, ang panaka-nakang pagpisil sa kanyang sentido, at ang hindi mapakaling tingin sa paligid.Samantalang ako, kalmado lang. Pero sa loob-loob ko, gusto ko nang malaman ang resulta. Hindi ako sanay sa hindi sigurado.Hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ako ang tipo ng taong natitinag sa kahit anong balita, pero ang posibilidad na may batang nagdadala ng apelyido kong Montero ay isang bagay na hindi ko pwedeng ipagsawalang-bahala.Maya-maya pa ay lumabas si Dr. Salazar mula sa kanyang opisina, suot ang pormal niyang puting coat at may bahagyang ngiti sa kanyang mukha.“Mr. Montero, Ms. Kara, maaari na kayong pumasok.”Tumayo si Kara, ngunit bago siya tuluyang makapasok sa loob, hinawakan ko ang kanyang pulso. Lumingon siy
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

Chapter 28

Chapter 28Napakurap ako. "Hindi ko siya ininis. Pero parang ako ang gustong kainin nang buhay," sagot ko nang may halong iritasyon.Bahagyang napangisi si Dr. Salazar. "Walang gamot diyan, Mr. Montero. Kailangan mo lang ng mahabang pasensya. At isang tip—huwag kang kokontra sa gusto niya, lalo na pagdating sa cravings."Napabuntong-hininga ako. "Cravings nga pala... Sige, salamat, Dok."Lumabas ako ng opisina, mas determinado nang harapin ang bagong hamon na dala ng pagbubuntis ni Kara. Ngunit sa isip ko, isang bagay lang ang malinaw—kailangan kong maghanda para sa mas matinding pagsubok sa mga susunod na buwan.Pagkalabas ko ng opisina ng doktor, mabilis akong lumapit kay Kara na nakaupo pa rin sa waiting area, halatang naiinip at masama ang timpla."Tayo na, bibili na tayo ng gusto mo!" diretsong sabi ko sa kanya.Napakunot ang noo niya at tiningnan ako nang masama. "Talaga? Bigla-bigla ka namang sumunod. Akala ko ba kanina eh ayaw mo?" may bahagyang panunuyang tanong niya.Pinipig
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

Chapter 29

Chapter 29Kara POVHabang naglalakad kami papasok ng opisina, rinig na rinig ko ang bulungan ng mga empleyado."Hala, sinong babae kasama niya?""Oo nga, at sa tingin ko ay may espesyal sa kanilang dalawa.""True! At isa pa, bagay naman sila. Isang magandang babae at isang magandang lalaki naman si Mr. Montero!"Lihim akong napangiti. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa mga naririnig ko. Pero sa totoo lang, may kung anong kilig na gumapang sa dibdib ko. Hindi naman ako nagpapaka-assuming, pero hindi ba’t nakakatuwang marinig na bagay kami?Lalo na ngayong nasa tabi ko si Chris, nakahawak sa braso ko na parang sinisiguradong hindi ako madadapa. Kahit kaya ko namang maglakad nang maayos—at isa pa, hindi pa naman halata ang tiyan ko!"Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan?" mahinang bulong ni Chris, bahagyang yumuko para makita ang mukha ko."Wala," mabilis kong sagot, sabay tingin sa ibang direksyon para itago ang pag-iwas ng tingin.Pero alam kong ramdam niyang natutuwa ako.Nang
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

Chapter 30

Chapter 30"Pero, salamat na rin!"Napatingin siya sa akin, tila hindi sanay na makarinig ng pasasalamat mula sa akin. "Hmph. Wala 'yon," sagot niya, pero halata sa tono niya na medyo nagulat siya.Napangiti ako nang bahagya. "Basta, salamat pa rin."Umiling siya at tinapunan ako ng sulyap. "Huwag kang masyadong mabait, baka masanay ako."Napatawa ako nang mahina. "Ikaw nga diyan ang nagsimula, tapos ako pa pagbabawalan?""Tsk. Huwag ka na ngang madaldal, bilisan mo maglakad." Pero sa kabila ng matigas niyang tono, hindi niya inalis ang kamay niya sa likod ko, alalay pa rin habang naglalakad kami.Sa kabila ng lahat, ramdam kong kahit gaano pa siya kasuplado, may kakaibang lambing sa paraan niya ng pag-aalaga.Napangiti ako nang lihim habang naglalakad kami. Kahit pa anong tigas ng bibig niya, hindi niya maiwasang ipakita ang pag-aalala niya sa akin."Hindi mo kailangang mag-alala nang sobra, kaya ko namang maglakad nang mag-isa," sabi ko, sinubukang tanggalin ang kamay niyang nakasup
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more
PREV
123456
...
15
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status