All Chapters of THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE: Chapter 51 - Chapter 60

151 Chapters

Chapter 51

Chapter 51 Umismid siya. "Oo na, oo na. Pero hindi mo rin masisigurado ‘yan. Minsan, ang pag-ibig dumadating sa hindi mo inaasahang pagkakataon." Napangiti ako at umiling. "Wala muna akong balak sa mga ganyang bagay. Mas gusto ko munang ayusin ang buhay ko." "Fine, fine! Pero kung sakali lang, anong type mo? Blonde? Brunette? Blue eyes? Green eyes?" patawang tanong niya, sabay kindat. Napatawa na lang ako. "Lancy, kumain ka na lang!" Nagtawanan kaming dalawa habang tinapos ang pagkain. Alam kong gusto lang akong pasayahin ni Lancy, at nagpapasalamat ako sa kanya. Pero sa ngayon, hindi ko pa kayang isipin ang tungkol sa pag-ibig—lalo na kung hindi ko pa lubusang naiwan ang nakaraan. Masaya kaming nagkukwentuhan, hanggang napunta sa aking nag-iisang kapatid na babae na si Keira. Napangiti ako nang maalala si Keira. "Si Keira, siguradong magagalit ‘yun kapag nalaman niyang hindi ko agad sinabi sa kanya na nandito na ako sa US." Umirap si Lancy. "Aba, dapat lang! Eh, bakit ng
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Chapter 52

Chapter 52 Napahawak ako sa tiyan ko at napangiti. "Ang ganda, Lancy. Parang gusto ko na tuloy bilhin lahat ng cute na damit dito." "Ganyan talaga! Dapat pinag-iipunan mo ‘to, kasi ang baby hindi lang basta gastos, commitment ‘to, besh! Pero don't worry, andito naman ako. Ang pangalawang ninang!" sabay kindat niya. Napatawa ako. "Ikaw lang pala ang nag-decide na ikaw ang pangalawang ninang, ha?" "Siyempre! Hindi mo na kailangang mag-isip. Ako na bahala sa'yo at kay baby mo." Habang naglalakad kami sa pagitan ng mga racks ng baby clothes, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Sa kabila ng lahat ng sakit at pagsubok, heto ako ngayon, may bagong buhay at may bagong simula. At kahit minsan ay natatakot ako sa hinaharap, alam kong hindi ako nag-iisa. "Salamat, Lancy," mahina kong sabi. "Aba! Para saan ‘yun?" kunot-noo niyang tanong. "Para sa lahat. Sa pagiging nandiyan palagi." Bigla niya akong niyakap nang mahigpit. "Huy! Wag kang emo! Kasi kahit anong mangyari, bestie, hindi k
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Chapter 53

Chapter 53Pagkatapos niya akong bilhan ng damit ay agad din itong bumili para sa kanya saka kami umuwi sa aming tinitirhan dito sa US.Pagkauwi namin, agad akong dumiretso sa kwarto ko at inilapag ang mga pinamili sa kama. Napabuntong-hininga ako habang tinititigan ang emerald green dress na binili ni Lancy para sa akin."Para sa future ng anak ko," bulong ko sa sarili ko, pilit pinapalakas ang loob ko.Biglang kumatok si Lancy at sumilip sa pinto. "Bestie, okay ka lang?"Napangiti ako at tumango. "Yeah, medyo napagod lang."Pumasok siya at naupo sa kama. "Normal lang ‘yan. Pero, girl, excited ako sa event bukas! I'm telling you, you’re going to turn heads!"Napailing ako. "Hindi ko naman kailangang magpasikat, Lancy. Gusto ko lang mag-focus sa trabaho.""I know, I know," aniya, sabay akbay sa akin. "Pero kahit papaano, deserve mo rin namang maramdaman na maganda ka, successful, at ready sa bagong simula."Napangiti ako sa sinabi niya. Totoo naman—kailangan kong ipakita sa sarili ko
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Chapter 54

Chapter 54 Sa kabila ng mabilis na paglipas ng mga buwan, hindi ko namalayang nalalapit na ang araw ng panganganak ko. Ramdam ko ang bigat ng tiyan ko, ngunit sa kabila ng lahat, nanatili akong abala sa trabaho. Si Ms. Valeria Young at ang fiancé niyang si Daniel Evan—na siyang ex-boyfriend ko noon—ay naging malapit sa akin. Hindi ko alam kung paano nangyari, pero naging komportable ako sa kanilang dalawa. "Kara, sigurado ka bang kaya mo pa?" nag-aalalang tanong ni Valeria habang tinitingnan ang schedule ng kasal nila. Ngumiti ako. "Kaya ko, Ms. Young. Ilang linggo na lang naman bago ang wedding ninyo. At saka, gusto ko talagang tapusin ito nang maayos." Tumingin siya kay Daniel, na tahimik lang mula kanina. Alam kong hindi pa rin siya sanay na magkasama kami sa iisang kwarto, pero wala na akong mararamdaman pa para sa kanya. Matagal nang tapos ang kwento namin. "Kung kailangan mo ng pahinga, sabihin mo lang, Kara," sabat ni Daniel sa isang malamig pero concern na tono. Ngumiti
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Chapter 55

Chapter 55 Sandali ay naging tahimik ang paligid hanggang kinuha ng nurse ang sanggol upang malinisan ito saka ako inilipat sa isang silid kung saan ako nagpalakas. Ilang sandali ay pumasok ang isang nurse dala ang sanggol nakasakay sa isang lalagyang ng bagong silang. "Hello, mommy. Baby girl is here!" sabi nito habang nakangiti. "Can I get her name?" Tumango muna ako bago ko ito sinagot. "Sapphire - Sapphire Elise Curtis!" "What a beautiful name for the baby, she's just as beautiful as her name! It suits her perfectly!" manghang wika niya. Tanging ngiti lang ang tugun ko saka ito umalis. Ilang minuto ay pumasok si Lancy, may dalang pagkain. "Kumain ka muna, Kara. May binili akong pagkain d'yan sa malapit na restaurant," wika nito. "Akin muna si Baby, para makakain ka ng maayos!" "Thank you, Lancy!" wika ko saka umayos ng upo. "Ano ka ba! Maliit na bagay lang naman ito, ha'la siya kumain kana," sabay kuna sa aking anak. "Hello Baby Ellie!" Napangiti ako sa
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Chapter 56

Chapter 56Lancy POVHabang pinagmamasdan ko si Baby Ellie na mahimbing na natutulog sa mga bisig ko, hindi ko maiwasang mapangiti. Napakaganda niya—maliit, inosente, at perpekto. Para siyang munting anghel na ipinadala para bigyan ng bagong liwanag ang buhay ng bestie kong si Kara.“Baby Ellie, alam mo ba kung gaano ka kaswerte? Kasi ikaw ang anak ng pinaka-amazing na babae sa buong mundo,” mahina kong bulong habang hinahaplos ang maliit niyang pisngi.Napatingin ako kay Kara na tahimik akong pinagmamasdan. Kita ko sa mga mata niya ang halo-halong emosyon—saya, pagod, at isang bahagyang takot. Alam kong marami siyang iniisip. Marami siyang pangambang hindi niya sinasabi, pero kilala ko siya. Hindi na niya kailangang magsalita para maramdaman ko kung ano ang bumabagabag sa kanya."Thank you, Lancy! For everything," biglang sabi niya habang nakangiti.Napairap ako nang pabiro. "Hay naku, bestie! Maliit na bagay lang ‘to, noh!"Pero sa totoo lang, kahit kailan, hindi naging "maliit na
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

Chapter 57

Chapter 57"Sabi ko si Kiara, pupunta dito! At ikaw ang sumundo sa kanyan.""Ano raw?! Si Kiara pupunta rito?" Napakurap-kurap ako, pilit iniintindi ang sinabi niya. "At gusto mong ako ang sumundo sa kanya?"Tumango si Kara habang hinihimas ang noo. "Oo naman. Wala naman akong ibang pwedeng utusan, at saka alam mo namang gusto ka nun, ‘di ba?"Napataas ang kilay ko. "Aba, ewan ko sa’yo, Kara! Parang wala akong alam diyan, ah! Saan mo naman nakuha ‘yang ideyang may gusto sa’kin ang kapatid mo?"Ngumiti siya nang may malisya. "Hmp! Lancy, hindi ako tanga. Kitang-kita ko kung paano ka titigan ni Kiara noon. Para kang unicorn sa paningin niya—rare, unique, at gustong-gusto niyang mahuli!"Napapikit ako ng mariin at hinilot ang sentido ko. "Kara, girl, ayoko ng ganyan! Awkward ‘yon, okay? Hindi ko alam paano ko haharapin ‘yan. Baka isipin niyang may chance siya!"Napangiti siya. "So, ibig sabihin, aware ka na gusto ka nga niya?"Napalunok ako. "Sh*t. Ang bilis ng trap mo, bestie!"Tumawa s
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

Chapter 58

Chapter 58 Pagkalabas ko ng kwarto ni Kara, pakiramdam ko para akong sundalong pinadala sa isang misyon na walang sapat na armas! Naglakad ako nang mabilis palabas ng hospital, at habang hinihintay ang taxi, nagmumuni-muni ako. Ano ba ‘to, Lancy? Bakit ka naman natakot sa isang babae? Pero naalala ko bigla ang huling kita namin ni Kiara—‘yung tingin niyang parang gusto akong gawing fiancé agad-agad! "Good luck, Lancy!" sigaw ni Kara mula sa bintana ng kanyang kwarto. Napairap ako. "Huwag mo akong i-good luck, bestie! Mas kailangan ko ng escape plan!" Natawa lang siya. "Bahala ka na diyan! Basta siguraduhin mong makakarating siya rito nang buo at hindi mo siya iniwan sa airport!" Napailing na lang ako habang sumasakay ng taxi. Challenge accepted, pero walang kasiguruhan kung buhay akong makakabalik! Pagdating ko sa JFK Airport, dumiretso ako sa arrival area. Sinilip ko ang oras sa cellphone ko—7:50 PM. Aba, sakto! Hindi ako late! Pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang m
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

Chapter 59

Samantala, si Kiara naman ay nakangiti lang, tila ba nag-eenjoy sa buong sitwasyon. "Uy, Ate, wag mo siyang masyadong awayin! Hiyang-hiya na nga ‘yan eh. Pero promise, hindi ako titigil hanggang hindi ko siya napapalaglag—este, napapamahal sa akin!" Napatakip ako ng mukha. Lord, bakit parang ako ang bagong panganak pero ako ‘yung nanghihina?! Narinig kong humagikgik si Kara. "Sige, Lancy. Good luck na lang! Kita-kits sa hospital!" At bago pa ako makasagot—BIP! Pinatay niya ang tawag. Nilingon ko si Kiara, na ngayon ay nakapamewang na at nakangiti nang parang bida sa romcom movie. "So, Lancy… ready ka na bang mahulog sa’kin?" Napalunok ako. Lord, kung meron pong expressway papuntang ibang dimension, baka naman puwedeng idaan N’yo ako ro’n ngayon na?"Please, Kiara! Keep quiet. At isa pa, tumatayo ang balahibo ko sa sinabi mo!" reklamo ko habang hinihimas ang batok ko. Diyos ko po, literal na kinikilabutan ako!Pero imbes na madismaya, lalo pang natuwa si Kiara. "Wow! So ibig sabi
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more

Chapter 60

Chapter 60 Habang naglalakad ako sa hospital hallway, pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. Bakit ba ako naaapektuhan sa mga biro ni Kiara? Alam ko namang mapanlokong tao ‘yon mula pa noong una! Bigla akong napahinto nang marinig ko ang yapak niya sa likod ko. "Lancy!" tawag niya. Napatingin ako sa langit na parang humihingi ng tulong. Lord, give me patience! Pagharap ko, nakita ko siyang nakangiti, pero this time, hindi na ‘yong pang-aasar na ngiti. Parang... seryoso? "Bakit mo ako iniiwasan?" tanong niya. Napalunok ako. "Hindi kita iniiwasan! Ginugulo mo lang kasi ang isipan ko!" "Ano namang nakakagulo sa sinabi ko?" sabay kagat niya sa labi niya, na parang nagpipigil ng tawa. Napahawak ako sa sentido ko. "Kiara, ‘yong mga sinasabi mong mini-me natin, ano ‘yon, joke? O may halong katotohanan?" Imbis na sumagot, lumapit siya sa akin at bahagyang yumuko para titigan ako nang mas malapitan. "What if gusto ko talagang magka-mini-me tayo, Lancy?" Nanlaki ang mata
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more
PREV
1
...
45678
...
16
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status