Chapter 55 Sandali ay naging tahimik ang paligid hanggang kinuha ng nurse ang sanggol upang malinisan ito saka ako inilipat sa isang silid kung saan ako nagpalakas. Ilang sandali ay pumasok ang isang nurse dala ang sanggol nakasakay sa isang lalagyang ng bagong silang. "Hello, mommy. Baby girl is here!" sabi nito habang nakangiti. "Can I get her name?" Tumango muna ako bago ko ito sinagot. "Sapphire - Sapphire Elise Curtis!" "What a beautiful name for the baby, she's just as beautiful as her name! It suits her perfectly!" manghang wika niya. Tanging ngiti lang ang tugun ko saka ito umalis. Ilang minuto ay pumasok si Lancy, may dalang pagkain. "Kumain ka muna, Kara. May binili akong pagkain d'yan sa malapit na restaurant," wika nito. "Akin muna si Baby, para makakain ka ng maayos!" "Thank you, Lancy!" wika ko saka umayos ng upo. "Ano ka ba! Maliit na bagay lang naman ito, ha'la siya kumain kana," sabay kuna sa aking anak. "Hello Baby Ellie!" Napangiti ako sa
Chapter 56Lancy POVHabang pinagmamasdan ko si Baby Ellie na mahimbing na natutulog sa mga bisig ko, hindi ko maiwasang mapangiti. Napakaganda niya—maliit, inosente, at perpekto. Para siyang munting anghel na ipinadala para bigyan ng bagong liwanag ang buhay ng bestie kong si Kara.“Baby Ellie, alam mo ba kung gaano ka kaswerte? Kasi ikaw ang anak ng pinaka-amazing na babae sa buong mundo,” mahina kong bulong habang hinahaplos ang maliit niyang pisngi.Napatingin ako kay Kara na tahimik akong pinagmamasdan. Kita ko sa mga mata niya ang halo-halong emosyon—saya, pagod, at isang bahagyang takot. Alam kong marami siyang iniisip. Marami siyang pangambang hindi niya sinasabi, pero kilala ko siya. Hindi na niya kailangang magsalita para maramdaman ko kung ano ang bumabagabag sa kanya."Thank you, Lancy! For everything," biglang sabi niya habang nakangiti.Napairap ako nang pabiro. "Hay naku, bestie! Maliit na bagay lang ‘to, noh!"Pero sa totoo lang, kahit kailan, hindi naging "maliit na
Chapter 57"Sabi ko si Kiara, pupunta dito! At ikaw ang sumundo sa kanyan.""Ano raw?! Si Kiara pupunta rito?" Napakurap-kurap ako, pilit iniintindi ang sinabi niya. "At gusto mong ako ang sumundo sa kanya?"Tumango si Kara habang hinihimas ang noo. "Oo naman. Wala naman akong ibang pwedeng utusan, at saka alam mo namang gusto ka nun, ‘di ba?"Napataas ang kilay ko. "Aba, ewan ko sa’yo, Kara! Parang wala akong alam diyan, ah! Saan mo naman nakuha ‘yang ideyang may gusto sa’kin ang kapatid mo?"Ngumiti siya nang may malisya. "Hmp! Lancy, hindi ako tanga. Kitang-kita ko kung paano ka titigan ni Kiara noon. Para kang unicorn sa paningin niya—rare, unique, at gustong-gusto niyang mahuli!"Napapikit ako ng mariin at hinilot ang sentido ko. "Kara, girl, ayoko ng ganyan! Awkward ‘yon, okay? Hindi ko alam paano ko haharapin ‘yan. Baka isipin niyang may chance siya!"Napangiti siya. "So, ibig sabihin, aware ka na gusto ka nga niya?"Napalunok ako. "Sh*t. Ang bilis ng trap mo, bestie!"Tumawa s
Chapter 58 Pagkalabas ko ng kwarto ni Kara, pakiramdam ko para akong sundalong pinadala sa isang misyon na walang sapat na armas! Naglakad ako nang mabilis palabas ng hospital, at habang hinihintay ang taxi, nagmumuni-muni ako. Ano ba ‘to, Lancy? Bakit ka naman natakot sa isang babae? Pero naalala ko bigla ang huling kita namin ni Kiara—‘yung tingin niyang parang gusto akong gawing fiancé agad-agad! "Good luck, Lancy!" sigaw ni Kara mula sa bintana ng kanyang kwarto. Napairap ako. "Huwag mo akong i-good luck, bestie! Mas kailangan ko ng escape plan!" Natawa lang siya. "Bahala ka na diyan! Basta siguraduhin mong makakarating siya rito nang buo at hindi mo siya iniwan sa airport!" Napailing na lang ako habang sumasakay ng taxi. Challenge accepted, pero walang kasiguruhan kung buhay akong makakabalik! Pagdating ko sa JFK Airport, dumiretso ako sa arrival area. Sinilip ko ang oras sa cellphone ko—7:50 PM. Aba, sakto! Hindi ako late! Pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang m
Samantala, si Kiara naman ay nakangiti lang, tila ba nag-eenjoy sa buong sitwasyon. "Uy, Ate, wag mo siyang masyadong awayin! Hiyang-hiya na nga ‘yan eh. Pero promise, hindi ako titigil hanggang hindi ko siya napapalaglag—este, napapamahal sa akin!" Napatakip ako ng mukha. Lord, bakit parang ako ang bagong panganak pero ako ‘yung nanghihina?! Narinig kong humagikgik si Kara. "Sige, Lancy. Good luck na lang! Kita-kits sa hospital!" At bago pa ako makasagot—BIP! Pinatay niya ang tawag. Nilingon ko si Kiara, na ngayon ay nakapamewang na at nakangiti nang parang bida sa romcom movie. "So, Lancy… ready ka na bang mahulog sa’kin?" Napalunok ako. Lord, kung meron pong expressway papuntang ibang dimension, baka naman puwedeng idaan N’yo ako ro’n ngayon na?"Please, Kiara! Keep quiet. At isa pa, tumatayo ang balahibo ko sa sinabi mo!" reklamo ko habang hinihimas ang batok ko. Diyos ko po, literal na kinikilabutan ako!Pero imbes na madismaya, lalo pang natuwa si Kiara. "Wow! So ibig sabi
Chapter 60 Habang naglalakad ako sa hospital hallway, pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. Bakit ba ako naaapektuhan sa mga biro ni Kiara? Alam ko namang mapanlokong tao ‘yon mula pa noong una! Bigla akong napahinto nang marinig ko ang yapak niya sa likod ko. "Lancy!" tawag niya. Napatingin ako sa langit na parang humihingi ng tulong. Lord, give me patience! Pagharap ko, nakita ko siyang nakangiti, pero this time, hindi na ‘yong pang-aasar na ngiti. Parang... seryoso? "Bakit mo ako iniiwasan?" tanong niya. Napalunok ako. "Hindi kita iniiwasan! Ginugulo mo lang kasi ang isipan ko!" "Ano namang nakakagulo sa sinabi ko?" sabay kagat niya sa labi niya, na parang nagpipigil ng tawa. Napahawak ako sa sentido ko. "Kiara, ‘yong mga sinasabi mong mini-me natin, ano ‘yon, joke? O may halong katotohanan?" Imbis na sumagot, lumapit siya sa akin at bahagyang yumuko para titigan ako nang mas malapitan. "What if gusto ko talagang magka-mini-me tayo, Lancy?" Nanlaki ang mata
Chapter 61 Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking noo. "Ayos naman ang pakiramdam mo! Sabihin mo anong nakain mo at ako ang naisipan magpanggap na fiancée mo?" Napairap ako nang hinawakan ni Kiara ang noo ko, parang tinitingnan kung may lagnat ako. “Ayos lang ako, wala akong sakit!” sagot ko, saka inalis ang kamay niya. “At oo, ikaw ang naisip kong magpanggap na fiancée ko. Bakit, may reklamo?” Napataas ang kilay niya. “Uh, hellooo? Bakit ako? Sa dami ng pwede mong utuin, ako pa talaga? At paano kung ma-in love ako sa’yo?” Natawa ako. “Haha! Joke ba ‘yan? Ikaw? Mai-in love sa’kin? Impossible!” Bigla siyang lumapit at tinitigan ako na parang may iniisip na hindi ko gusto. “Actually… may point ka. Imposible nga. Pero teka, anong mapapala ko rito?” “Simple lang. Una, ililibre kita ng unlimited samgyupsal. Pangalawa, magkakaroon ka ng bragging rights na ikaw lang ang babaeng nakalapit sa ‘akin bilang ‘fiancée.’ Pangatlo—” “Hmm, hindi pa ako convinced,” putol niya, sabay yakap
Chapter 62 Kiara POV Napailing ako habang pinagmamasdan si Lancy na namumula sa inis. "Aba, totoo naman, Ate! Kahit itanong mo pa kay Mama, lagi niya akong tinitingnan nang patago." Si Ate Kara, ang perpektong saksi sa buhay ko, ay nagtaas ng kilay. "Lancy, may gusto ka ba kay Kiara?" diretsong tanong niya. Halos malaglag ako sa upuan sa sobrang excitement. Ay, Diyos ko, ito na 'yun! Ang moment na aamin na siya! Pero tumayo si Lancy, umiling, at sumeryoso ang mukha. "Hindi." Napakurap ako. "Hindi?!" "Ayaw ko sa’yo." Aba, ang kapal din ng mukha! Napalunok ako ng pride ko at ngumisi. "Ganyan ka lang kasi in denial ka pa. Sige, tatanggapin ko ang pag-ibig mo kapag ready ka na." Umikot ang mata niya at naglakad palayo. "Ay, Ate, tingnan mo siya o! Halatang kinikilig pero nagmamatigas!" bulong ko kay Kara. Natawa lang si Ate. "Saka mo na lang alamin kung totoo 'yan kapag sinugod ka na ni Lancy na may dalang bouquet." Nilingon ko si Lancy na pasimpleng sumulyap sa ak
Chapter 155 Chris POV Patay ang lahat ng ilaw. Tanging pula at kumikislap na emergency lights ang gumagabay sa bawat hakbang ko. Dugo ang naging guhit ng daan. Mga katawan ng mga tauhan ni Kenya ang nilampasan ko—walang awa, walang habag. Hindi sila ang pakay ko. Pero humarang sila, kaya tinanggal ko. Hindi na ito negosyo. Hindi na ito personal. Isa na itong paghuhukom. Nilagay ko sa cold mode ang comms. Wala munang distractions. Ako lang. Ako lang ang tatapos kay Kenya. "Sa dami ng kasalanang ginawa mo, Kenya, wala kang lugar kahit sa impyerno," bulong ko na may panganib. Umalingawngaw ang boses niya mula sa loob ng panic room. "Kung lalaki kang tunay, pumasok ka rito! Harapin mo ako!" galit na sigaw ni Kenya mula sa speaker na bakas sa boses nito ang pagtarannta. Ngumisi ako. ‘Yan ang gusto ko—ang marinig siyang natataranta. Ang boses ng isang taong sanay mag-utos pero ngayon ay unti-unting nawawalan ng kontrol. "Pumapatay ka ng mga inosente. Ginulo mo ang buhay
Chapter 155 Kenya POV Sa loob ng isang marangyang underground safehouse na nakabaon sa ilalim ng isla, nakaupo ako sa isang leather chair. Tahimik. Isang baso ng mamahaling alak sa kamay ko. Pinagmamasdan ko ang malaking monitor sa harapan ko, kung saan kita ang bawat sulok ng isla—motion sensors, thermal cameras, encrypted com-lines. Ako si Kenya. Hindi ako basta-basta kriminal. Ako ang mastermind. Ang hindi makikita, ang hindi mahuhuli. Ang nagtago sa loob ng gobyerno, lumusot sa mga batas, at pinaniwala ang mundo na patay na ako. “Chris Montero...” bulong ko habang pinapaikot-ikot ang alak sa baso. “Tinatanggal mo ako isa-isa sa mga asset ko. Pero hindi mo alam, ako ang nagturo sa’yo ng galit.” Tumayo ako, lumapit sa isang metal vault, at binuksan ito gamit ang fingerprint at voice code. Hissss. Lumabas ang maliliit na vials—neurotoxins, experimental serums, at DNA samples. “Your wife was just the beginning. Your pain fuels the game.” Lumapit ang isa sa m
Chapter 154 Dahan-dahan akong lumingon. At doon ko nakita—ang isang mukha na akala ko'y kakampi, kapatid, pamilya. Si Lander. Ang adopted son ni Grandpa. Ang taong itinuring kong kapatid kahit hindi kami magkadugo. Nakaayos siya. Maayos ang suot, pero sa likod ng malamig niyang titig, alam kong matagal niya na itong pinlano. “Ikaw…?” halos hindi makalabas ang boses ko. Ngumisi siya habang papalapit. “Ang hirap pala ng pakiramdam na palaging ikaw ang pinoprotektahan, Chris. Lahat ng attention, lahat ng tiwala—binigay sa’yo ni Grandpa. Pero ako? Ako ang laging nasa anino mo.” Tinutok ko sa kanya ang baril. “Anong kinalaman mo kay Mr. K?” “Simple lang. Ako ang totoong utak. Siya lang ang pasimuno. Lahat ng galaw niya, ako ang nagbigay ng basbas.” Tumawa siya ng malamig. “Si Kara? Hindi dapat siya ang target. Pero nung nalaman kong minahal mo siya nang higit pa sa sarili mo, alam kong siya ang kahinaan mo.” Pak! Hindi ko napigilan. Isang malakas na suntok ang tumama s
Chapter 153 728G-KARA. Pinangalanan niya ang passcode ayon sa pangalan ng asawa ko. Dahan-dahan akong napahawak sa baril sa aking tagiliran. Tumalikod ako, huminga ng malalim, saka tumingin kay Revenant. "Ihanda ang sasakyan. Pabayaan mo na 'tong si Ramon dito... hanggang makalimutan niya ang sarili niyang pangalan." “Chris... wag, awa na... may pamilya ako—!” Lumingon ako, ang mga mata ko'y wala ng kahit anong emosyon. “May pamilya rin akong kinitil ninyo. Ngayon... patas na tayo.”Walang ni isang patak ng awa sa puso ko.BLAG!BLAG!BLAG!Tatlong putok. Diretso sa dibdib. Hindi ko siya tinigilan hanggang hindi na siya gumagalaw. Ang puting pader sa likod niya, ngayon ay puno na ng dugo. Tumalsik ang katawan ni Ramon sa likod ng upuan, napalugmok, walang buhay.Tahimik ang buong silid. Tanging echo ng mga putok at mabigat kong paghinga ang naririnig.Lumapit si Revenant, seryoso ang tingin.“Sigurado ka bang hindi natin kailangan 'to buhay?” tanong niya, pero alam niyang huli
Chapter 152Nakahawak si Revenant sa balikat ni Veronica habang nanginginig siyang nagsimulang magsalita. Ang mukha niya'y duguan, ang mga mata'y punong-puno ng takot—pero ngayon, wala akong pakialam. Wala akong puwang sa awa. Hindi sa babaeng ito. Hindi matapos ang nangyari kay Kara."Si Mr. Kenya ang lider, pero hindi lang siya ang may sala," bungad niya, habang kumakapit sa hininga niya."Meron pa—mga kasabwat niya sa loob ng gobyerno, mga negosyanteng naghugas-kamay, at... isang tao sa loob ng circle mo, Chris.""Sino?!" singhal ko, habang dumadagundong ang dibdib ko sa galit.Lumapit ako sa kanya, halos ilapit ang mukha ko sa kaniya. "Sabihin mo kung sino, Veronica. Bago ako mawalan ng kontrol!""Ramon... si Ramon Del Fierro ang isa sa mga utak ng lahat ng ito!" halos wala nang boses si Veronica sa kakaiyak at kakasigaw. "Matagal na silang konektado ni Mr. K—matagal na nilang gustong pabagsakin ka, Chris!"Napatigil ako. Ang pangalan ni Ramon ay parang lasong biglang sumabog sa u
Chapter 151Tumayo ako, nilapitan siya. Hinawakan ko ang kanyang panga at pinilit siyang tumingin sa akin.“Dapat ba akong maawa ngayon? Dahil umiiyak ka? Dahil nagsusumamo ka?”“Chris… patawad… please…” bulong niya, halos hindi ko na marinig.“Patawad?” Binitiwan ko siya at tumalikod. Kinuha ko ang itim na gloves sa bulsa ko.“Hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang iyon. Pero ipapakita ko sa’yo—kung paanong humingi ng awa ang tunay na makasalanan.”Narinig ko ang pagsigaw niya.“Chris, huwag! May anak ako!”Tumigil ako. Dahan-dahan akong lumingon, malamig ang tingin ko.“Dapat inisip mo 'yan bago mo hinatak ang pisi ng bomba sa katawan ng INA ng mga ANAK KO.”At ngayon…Wala nang makapipigil sa akin.Si Veronica ang simula. At bawat kalaban nila…Kasunod na.Nakapikit ako habang naririnig ko ang paulit-ulit na pagmamakaawa ni Veronica. Ang bawat “please” niya ay musika sa tenga ko—isang sirang plaka na gusto ko nang basagin.“Chris… kahit anong galit mo… hindi ito ang paraan. May
Chapter 150Dugo ang gusto ko.Paghihirap ang ipapatikim ko.At sa bawat hiningang kukunin ko sa kanila— pangalan mo ang isisigaw nila, Kara.Tahimik ang gabi. Walang ingay maliban sa hampas ng alon sa dalampasigan at ang mabigat kong paghinga.Nakaharap ako ngayon sa isang maliit na urn na pilit kong kinakapitan — ang natitirang abo ni Kara.Ang init ng metal ay tila hindi galing sa apoy kundi sa galit na bumabalot sa buong sistema ko.Kinuha nila siya.Hindi lang basta kinuha. Winasak nila siya.Hanggang sa wala na akong naisalba kundi ang abo niyang pilit kong pinagsama-sama matapos ang pagsabog.Dahan-dahan kong hinawakan ang urn."Uuwi na tayo, Kara," bulong ko, halos walang tunog.Isang pangakong dumudugo sa bawat salita.Uuwi tayo. Pero hindi para ipahinga ka. Hindi para bigyan ka ng katahimikan.Uuwi tayo para sa digmaang ako mismo ang magbubukas.Ipinatong ko ang urn sa likurang bahagi ng sasakyan. Binuksan ko ang compartment sa ilalim ng upuan kung saan nakatago ang matagal
Chapter 149 Hindi pa man tuluyang lumalamig ang hangin sa paligid ko, biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Mabilis ko itong hinugot mula sa bulsa. Mula kay Troy. TROY: "Chris. May impormasyon na ako. Si Kara… nasa abandonadong dock sa kabilang isla. May bantay. Pero mukhang may trap. Ingat. May narinig akong usapan tungkol sa bomba." Nanginig ang kamay ko sa pagbasa. Hindi na ako naghintay pa. Mabilis akong sumakay sa motorboat na handa na para sa emergency. Sa bawat hampas ng alon, mas lumalalim ang takot ko. Pero hindi ako papayag na huli na ang lahat. Pagdating ko sa lugar, madilim, tahimik, at nakakatindig balahibo. Nanginginig ang kamay ko habang dahan-dahang humakbang, hawak ang baril sa likod. Napansin ko agad ang liwanag ng isang lumang bodega—ang pintuan bahagyang bukas. Pagpasok ko… Doon ko siya nakita. Si Kara. Nakaupo. Nakagapos. Ang kanyang bibig may panyo, ang mga mata niya puno ng takot habang pilit na sumusulyap sa akin. “Kara…” pabulong kong sambit,
Chapter 148Ang bawat salita na lumabas mula sa phone ay parang isang malupit na suntok na dumiretso sa aking dibdib. "Patayin mo ang iyong grandpa."Walang kasing bigat ang naramdaman ko. Para bang ang oras ay huminto, ang mga tunog sa paligid ko ay nawalan ng saysay. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso, ang galit at takot na nagsalubong, nag-aalab sa bawat ugat ko.Hindi ko alam kung totoo ba ito o isang malupit na laro na kanilang nilalaro sa aking isipan. Ngunit ang mga salitang iyon... ang utos na iyon... ay hindi isang biro.Mabilis akong lumingon sa paligid. Tinutok ko ang mga mata ko sa dagat, ngunit hindi ko makita ang kalinawan na gusto kong maramdaman. Lahat ng mga tanong ay nag-iba ng anyo. Ang utak ko ay nagsimula nang magkumplikado. Puwede ba itong mangyari? Puwede ba nilang gawin ito sa akin?Hindi ko na kayang magpaligoy-ligoy pa. Hindi ako pwedeng maging mahina. Kung may nagmamanipula sa akin, hindi ko sila hahayaan magtagumpay.Sumagot ako, ang boses