Chapter 61 Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking noo. "Ayos naman ang pakiramdam mo! Sabihin mo anong nakain mo at ako ang naisipan magpanggap na fiancée mo?" Napairap ako nang hinawakan ni Kiara ang noo ko, parang tinitingnan kung may lagnat ako. “Ayos lang ako, wala akong sakit!” sagot ko, saka inalis ang kamay niya. “At oo, ikaw ang naisip kong magpanggap na fiancée ko. Bakit, may reklamo?” Napataas ang kilay niya. “Uh, hellooo? Bakit ako? Sa dami ng pwede mong utuin, ako pa talaga? At paano kung ma-in love ako sa’yo?” Natawa ako. “Haha! Joke ba ‘yan? Ikaw? Mai-in love sa’kin? Impossible!” Bigla siyang lumapit at tinitigan ako na parang may iniisip na hindi ko gusto. “Actually… may point ka. Imposible nga. Pero teka, anong mapapala ko rito?” “Simple lang. Una, ililibre kita ng unlimited samgyupsal. Pangalawa, magkakaroon ka ng bragging rights na ikaw lang ang babaeng nakalapit sa ‘akin bilang ‘fiancée.’ Pangatlo—” “Hmm, hindi pa ako convinced,” putol niya, sabay yakap
Chapter 62 Kiara POV Napailing ako habang pinagmamasdan si Lancy na namumula sa inis. "Aba, totoo naman, Ate! Kahit itanong mo pa kay Mama, lagi niya akong tinitingnan nang patago." Si Ate Kara, ang perpektong saksi sa buhay ko, ay nagtaas ng kilay. "Lancy, may gusto ka ba kay Kiara?" diretsong tanong niya. Halos malaglag ako sa upuan sa sobrang excitement. Ay, Diyos ko, ito na 'yun! Ang moment na aamin na siya! Pero tumayo si Lancy, umiling, at sumeryoso ang mukha. "Hindi." Napakurap ako. "Hindi?!" "Ayaw ko sa’yo." Aba, ang kapal din ng mukha! Napalunok ako ng pride ko at ngumisi. "Ganyan ka lang kasi in denial ka pa. Sige, tatanggapin ko ang pag-ibig mo kapag ready ka na." Umikot ang mata niya at naglakad palayo. "Ay, Ate, tingnan mo siya o! Halatang kinikilig pero nagmamatigas!" bulong ko kay Kara. Natawa lang si Ate. "Saka mo na lang alamin kung totoo 'yan kapag sinugod ka na ni Lancy na may dalang bouquet." Nilingon ko si Lancy na pasimpleng sumulyap sa ak
Chapter 63 "Huy, anong ibig mong sabihin, ha?" singhal ko habang nakapamewang. "Bakit parang mas takot ka pa kaysa sa’kin?" Napabuntong-hininga si Lancy at tumingin sa malayo na parang nag-iisip ng malalim. "Kasi kilala kita, Kiara. Kapag ikaw ang nagkunwaring fiancée ko, baka imbes na ako ang magmaniobra ng sitwasyon, ikaw ang magdikta ng lahat!" Napangisi ako nang nakakaloko. "Aba, buti naman at alam mo. At huwag kang mag-alala, Lancy boy. Ako na ang bahala sa lahat!" Napahawak siya sa sentido at umiling. "Yan nga ang problema—baka sobra-sobra mong galingan!" "Eh ‘di mas okay!" sagot ko sabay tapik sa balikat niya. "Malay mo, pagkatapos ng dinner na ‘yon, hindi na ‘to fake engagement!" "Kiara…" warning niyang sabi, pero kita ko ang pag-pula ng kanyang tenga. "Huwag kang mag-alala, mahal," sabi ko habang kinikindatan siya. "Ipaparamdam ko sa’yo kung paano maging pinaka-swerte mong pagkakamali!" "Maypakikiusap ako sayo, Kiara. Maari bang Lance ang itawag mo sa akin kapag nasa
Chapter 64 Kara POV Hindi ko talaga mapigilan ang tawa ko! Kahit kapapanganak ko lang at dapat nagpapahinga ako, itong dalawang baliw na ‘to—si Kiara at si Lancy—ang nagpapa-stress at nagpapasaya sa akin nang sabay. Napahawak sa sentido si Lancy na parang gusto nang lumubog sa lupa habang si Kiara naman ay aliw na aliw sa pang-aasar sa kanya. "Kiara, seryoso ka ba na ipapahanap mo siya ng jowa?" tanong ko, pilit pinipigil ang natitirang tawa. "Oo naman, Ate!" sagot ni Kiara na nakapamewang pa. "Kung hindi niya ako type, edi hanapan natin ng katype niya, ‘di ba?" Napailing si Lancy. "Pwede bang mag-backout na lang ako sa kasinungalingang ‘to?" Napangisi ako. "Nope. Wala nang atrasan, Lance. Sabi mo sa mommy mo, engaged ka na. So, engaged ka na talaga... kahit sa paraang hindi mo gusto!" Napanganga si Lancy. "Pati ikaw, Kara?! Akala ko kakampi kita!" Ngumiti lang ako. "Sorry, Lancy, pero masyado akong nage-enjoy sa palabas niyong dalawa." "Yan nga ang problema!" sabi
Chapter 65Pagbukas ng pinto, tumambad si John—ang persistent suitor ko dito sa U.S. Kahit alam niyang buntis ako at kakahiwalay ko lang sa ex-husband ko, hindi siya natinag.“Hi,” maikli niyang bati habang nakangiti.Napansin kong nanahimik bigla si Lancy at Kiara. Si Kiara ay pasimpleng siniko si Lancy, na tila may kung anong iniisip.Lumingon ako kay John at ngumiti. “Hey, John. What brings you here?”“I just wanted to check on you,” sabi joyo saka pumasok sa loob na may dalang maiit ma bouquet of flowers. "How are you feeling?" sabay abot da akin ng bulaklak. Napangiti ako saka inabot ang bulaklak na kanyang inabot sa akin. "I’m doing fine, just dealing with these two lunatics," sabi ko dito saka tumingin kina Lance at Kiara. Tumikhim muna ito bago nagsalita muli. "I see. It looks like I interrupted something fun," kiming ngiti nito. "Oh, don’t worry," biglang sabi ni Kiara dito. "You’re just in time for the main event!" baliw nitong sabi. "Kiara, no," bulong ni Lance dito. N
Chapter 66"Oo, Ate! Sabi ni Mama, important daw," sagot ni Kiara habang inaayos ang phone niya.Napakunot ang noo ko. Ano kaya 'yun? Alam kong hindi basta-basta magpapatawag si Mama nang walang dahilan, lalo na't aware siya sa time difference namin."Okay, sige. Tatawagan ko siya," sagot ko habang kinukuha ang phone ko.Si Lancy naman ay napatingin mula sa kinakaing cereal. "Mukhang serious ah. Baka naman matchmaking na naman ‘yan, bestie.""Tumigil ka diyan, Lancy," sagot ko, bago pinindot ang call button.Ilang ring lang, agad nang sinagot ni Mama ang tawag."Anak, kumusta ka na? Nakauwi na kayo?" agad niyang tanong, halatang may halong pag-aalala ang boses niya."Oo, Ma. Kakadating lang namin sa apartment. Bakit po?" tanong ko habang sinisilip ang baby na mahimbing pa ring natutulog.May ilang segundong katahimikan bago siya muling nagsalita."Anak… bumalik na siya."Natigilan ako. Naramdaman kong bumigat ang dibdib ko. "S-Sino, Ma?"Alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Pero a
Chapter 67Napatawa si Lancy, pero may bakas ng emosyon sa mata niya. "Paano kung hindi ko kayanin?"Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin diretso sa mata niya. "Kakayanin mo. Dahil hindi mo kailangang mag-isa."Sandali siyang natahimik bago ngumiti. "Thank you, bestie. Alam mo, kung straight ka lang ako, matagal na kitang niligawan."Napangiwi ako. "Lancy, hindi kita papatulan."Natawa si Kiara. "Ay, grabe! Ako na lang kaya? Tutal, fiancé mo naman ako sa kontrata!"Natawa si Lancy at umiling. "Sige, sige, ikaw na lang. At least sigurado akong maganda ang magiging 'asawa' ko.""Of course!" sagot ni Kiara sabay flip ng buhok niya.Napailing ako habang tinitingnan ang dalawa. "Ang kulit n'yo."Ngunit sa kabila ng tawanan, alam kong may laban pang kailangang harapin si Lancy. At kahit anong mangyari, hindi ko siya pababayaan."Habang Hindi pa kayo umuwi sa Pinas, kailangan sanayin mo muli ang pagtawag sa totoo mong pangalan, Lancy!" wika ko.Ang totoong pangalan ni Lancy ay Lance Santi
Chapter 68Lancy POVOras na siguro para maging "lalaki" bilang -Lance Santiago muna ako. Kahit isang linggo lang, para lang hindi ako mabuking ng parents ko. Sana man lang kayanin ko ‘to—at sana si Kiara, hindi gumawa ng eksena na ikalalaglag ko.Ngayon na ang flight namin pauwi sa Pilipinas para makilala niya ang parents ko. Fake fiancée mode on.Habang nasa airport, hindi ko mapigilang mag-isip ng worst-case scenarios. Paano kung may makita silang kakaiba sa kilos ko? Paano kung tanungin nila ako tungkol sa relasyon namin ni Kiara at hindi ko masagot nang maayos? Paano kung magkalat si Kiara?!Napalingon ako sa kanya—relax na relax habang busy sa pagkuha ng selfies."Kiara, sigurado ka bang kaya mong umarte na fiancée ko?" tanong ko, nakakunot ang noo.Napangiti siya nang malawak. "Excuse me, Lancy Boy! Kung may acting award lang, matagal na akong nanalo!"Napabuntong-hininga ako. Lord, tulungan Mo ako.Habang nasa eroplano, bigla siyang sumandal sa balikat ko at pabulong na nagsal
Chapter 155 Chris POV Patay ang lahat ng ilaw. Tanging pula at kumikislap na emergency lights ang gumagabay sa bawat hakbang ko. Dugo ang naging guhit ng daan. Mga katawan ng mga tauhan ni Kenya ang nilampasan ko—walang awa, walang habag. Hindi sila ang pakay ko. Pero humarang sila, kaya tinanggal ko. Hindi na ito negosyo. Hindi na ito personal. Isa na itong paghuhukom. Nilagay ko sa cold mode ang comms. Wala munang distractions. Ako lang. Ako lang ang tatapos kay Kenya. "Sa dami ng kasalanang ginawa mo, Kenya, wala kang lugar kahit sa impyerno," bulong ko na may panganib. Umalingawngaw ang boses niya mula sa loob ng panic room. "Kung lalaki kang tunay, pumasok ka rito! Harapin mo ako!" galit na sigaw ni Kenya mula sa speaker na bakas sa boses nito ang pagtarannta. Ngumisi ako. ‘Yan ang gusto ko—ang marinig siyang natataranta. Ang boses ng isang taong sanay mag-utos pero ngayon ay unti-unting nawawalan ng kontrol. "Pumapatay ka ng mga inosente. Ginulo mo ang buhay
Chapter 155 Kenya POV Sa loob ng isang marangyang underground safehouse na nakabaon sa ilalim ng isla, nakaupo ako sa isang leather chair. Tahimik. Isang baso ng mamahaling alak sa kamay ko. Pinagmamasdan ko ang malaking monitor sa harapan ko, kung saan kita ang bawat sulok ng isla—motion sensors, thermal cameras, encrypted com-lines. Ako si Kenya. Hindi ako basta-basta kriminal. Ako ang mastermind. Ang hindi makikita, ang hindi mahuhuli. Ang nagtago sa loob ng gobyerno, lumusot sa mga batas, at pinaniwala ang mundo na patay na ako. “Chris Montero...” bulong ko habang pinapaikot-ikot ang alak sa baso. “Tinatanggal mo ako isa-isa sa mga asset ko. Pero hindi mo alam, ako ang nagturo sa’yo ng galit.” Tumayo ako, lumapit sa isang metal vault, at binuksan ito gamit ang fingerprint at voice code. Hissss. Lumabas ang maliliit na vials—neurotoxins, experimental serums, at DNA samples. “Your wife was just the beginning. Your pain fuels the game.” Lumapit ang isa sa m
Chapter 154 Dahan-dahan akong lumingon. At doon ko nakita—ang isang mukha na akala ko'y kakampi, kapatid, pamilya. Si Lander. Ang adopted son ni Grandpa. Ang taong itinuring kong kapatid kahit hindi kami magkadugo. Nakaayos siya. Maayos ang suot, pero sa likod ng malamig niyang titig, alam kong matagal niya na itong pinlano. “Ikaw…?” halos hindi makalabas ang boses ko. Ngumisi siya habang papalapit. “Ang hirap pala ng pakiramdam na palaging ikaw ang pinoprotektahan, Chris. Lahat ng attention, lahat ng tiwala—binigay sa’yo ni Grandpa. Pero ako? Ako ang laging nasa anino mo.” Tinutok ko sa kanya ang baril. “Anong kinalaman mo kay Mr. K?” “Simple lang. Ako ang totoong utak. Siya lang ang pasimuno. Lahat ng galaw niya, ako ang nagbigay ng basbas.” Tumawa siya ng malamig. “Si Kara? Hindi dapat siya ang target. Pero nung nalaman kong minahal mo siya nang higit pa sa sarili mo, alam kong siya ang kahinaan mo.” Pak! Hindi ko napigilan. Isang malakas na suntok ang tumama s
Chapter 153 728G-KARA. Pinangalanan niya ang passcode ayon sa pangalan ng asawa ko. Dahan-dahan akong napahawak sa baril sa aking tagiliran. Tumalikod ako, huminga ng malalim, saka tumingin kay Revenant. "Ihanda ang sasakyan. Pabayaan mo na 'tong si Ramon dito... hanggang makalimutan niya ang sarili niyang pangalan." “Chris... wag, awa na... may pamilya ako—!” Lumingon ako, ang mga mata ko'y wala ng kahit anong emosyon. “May pamilya rin akong kinitil ninyo. Ngayon... patas na tayo.”Walang ni isang patak ng awa sa puso ko.BLAG!BLAG!BLAG!Tatlong putok. Diretso sa dibdib. Hindi ko siya tinigilan hanggang hindi na siya gumagalaw. Ang puting pader sa likod niya, ngayon ay puno na ng dugo. Tumalsik ang katawan ni Ramon sa likod ng upuan, napalugmok, walang buhay.Tahimik ang buong silid. Tanging echo ng mga putok at mabigat kong paghinga ang naririnig.Lumapit si Revenant, seryoso ang tingin.“Sigurado ka bang hindi natin kailangan 'to buhay?” tanong niya, pero alam niyang huli
Chapter 152Nakahawak si Revenant sa balikat ni Veronica habang nanginginig siyang nagsimulang magsalita. Ang mukha niya'y duguan, ang mga mata'y punong-puno ng takot—pero ngayon, wala akong pakialam. Wala akong puwang sa awa. Hindi sa babaeng ito. Hindi matapos ang nangyari kay Kara."Si Mr. Kenya ang lider, pero hindi lang siya ang may sala," bungad niya, habang kumakapit sa hininga niya."Meron pa—mga kasabwat niya sa loob ng gobyerno, mga negosyanteng naghugas-kamay, at... isang tao sa loob ng circle mo, Chris.""Sino?!" singhal ko, habang dumadagundong ang dibdib ko sa galit.Lumapit ako sa kanya, halos ilapit ang mukha ko sa kaniya. "Sabihin mo kung sino, Veronica. Bago ako mawalan ng kontrol!""Ramon... si Ramon Del Fierro ang isa sa mga utak ng lahat ng ito!" halos wala nang boses si Veronica sa kakaiyak at kakasigaw. "Matagal na silang konektado ni Mr. K—matagal na nilang gustong pabagsakin ka, Chris!"Napatigil ako. Ang pangalan ni Ramon ay parang lasong biglang sumabog sa u
Chapter 151Tumayo ako, nilapitan siya. Hinawakan ko ang kanyang panga at pinilit siyang tumingin sa akin.“Dapat ba akong maawa ngayon? Dahil umiiyak ka? Dahil nagsusumamo ka?”“Chris… patawad… please…” bulong niya, halos hindi ko na marinig.“Patawad?” Binitiwan ko siya at tumalikod. Kinuha ko ang itim na gloves sa bulsa ko.“Hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang iyon. Pero ipapakita ko sa’yo—kung paanong humingi ng awa ang tunay na makasalanan.”Narinig ko ang pagsigaw niya.“Chris, huwag! May anak ako!”Tumigil ako. Dahan-dahan akong lumingon, malamig ang tingin ko.“Dapat inisip mo 'yan bago mo hinatak ang pisi ng bomba sa katawan ng INA ng mga ANAK KO.”At ngayon…Wala nang makapipigil sa akin.Si Veronica ang simula. At bawat kalaban nila…Kasunod na.Nakapikit ako habang naririnig ko ang paulit-ulit na pagmamakaawa ni Veronica. Ang bawat “please” niya ay musika sa tenga ko—isang sirang plaka na gusto ko nang basagin.“Chris… kahit anong galit mo… hindi ito ang paraan. May
Chapter 150Dugo ang gusto ko.Paghihirap ang ipapatikim ko.At sa bawat hiningang kukunin ko sa kanila— pangalan mo ang isisigaw nila, Kara.Tahimik ang gabi. Walang ingay maliban sa hampas ng alon sa dalampasigan at ang mabigat kong paghinga.Nakaharap ako ngayon sa isang maliit na urn na pilit kong kinakapitan — ang natitirang abo ni Kara.Ang init ng metal ay tila hindi galing sa apoy kundi sa galit na bumabalot sa buong sistema ko.Kinuha nila siya.Hindi lang basta kinuha. Winasak nila siya.Hanggang sa wala na akong naisalba kundi ang abo niyang pilit kong pinagsama-sama matapos ang pagsabog.Dahan-dahan kong hinawakan ang urn."Uuwi na tayo, Kara," bulong ko, halos walang tunog.Isang pangakong dumudugo sa bawat salita.Uuwi tayo. Pero hindi para ipahinga ka. Hindi para bigyan ka ng katahimikan.Uuwi tayo para sa digmaang ako mismo ang magbubukas.Ipinatong ko ang urn sa likurang bahagi ng sasakyan. Binuksan ko ang compartment sa ilalim ng upuan kung saan nakatago ang matagal
Chapter 149 Hindi pa man tuluyang lumalamig ang hangin sa paligid ko, biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Mabilis ko itong hinugot mula sa bulsa. Mula kay Troy. TROY: "Chris. May impormasyon na ako. Si Kara… nasa abandonadong dock sa kabilang isla. May bantay. Pero mukhang may trap. Ingat. May narinig akong usapan tungkol sa bomba." Nanginig ang kamay ko sa pagbasa. Hindi na ako naghintay pa. Mabilis akong sumakay sa motorboat na handa na para sa emergency. Sa bawat hampas ng alon, mas lumalalim ang takot ko. Pero hindi ako papayag na huli na ang lahat. Pagdating ko sa lugar, madilim, tahimik, at nakakatindig balahibo. Nanginginig ang kamay ko habang dahan-dahang humakbang, hawak ang baril sa likod. Napansin ko agad ang liwanag ng isang lumang bodega—ang pintuan bahagyang bukas. Pagpasok ko… Doon ko siya nakita. Si Kara. Nakaupo. Nakagapos. Ang kanyang bibig may panyo, ang mga mata niya puno ng takot habang pilit na sumusulyap sa akin. “Kara…” pabulong kong sambit,
Chapter 148Ang bawat salita na lumabas mula sa phone ay parang isang malupit na suntok na dumiretso sa aking dibdib. "Patayin mo ang iyong grandpa."Walang kasing bigat ang naramdaman ko. Para bang ang oras ay huminto, ang mga tunog sa paligid ko ay nawalan ng saysay. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso, ang galit at takot na nagsalubong, nag-aalab sa bawat ugat ko.Hindi ko alam kung totoo ba ito o isang malupit na laro na kanilang nilalaro sa aking isipan. Ngunit ang mga salitang iyon... ang utos na iyon... ay hindi isang biro.Mabilis akong lumingon sa paligid. Tinutok ko ang mga mata ko sa dagat, ngunit hindi ko makita ang kalinawan na gusto kong maramdaman. Lahat ng mga tanong ay nag-iba ng anyo. Ang utak ko ay nagsimula nang magkumplikado. Puwede ba itong mangyari? Puwede ba nilang gawin ito sa akin?Hindi ko na kayang magpaligoy-ligoy pa. Hindi ako pwedeng maging mahina. Kung may nagmamanipula sa akin, hindi ko sila hahayaan magtagumpay.Sumagot ako, ang boses