All Chapters of THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE: Chapter 31 - Chapter 40

143 Chapters

Chapter 31

Chapter 31Christopher POVHabang pinagmamasdan kong lumalayo si Daniel, napabuntong-hininga ako. Masyado siyang madaldal. Kung hindi ko pa siya napigilan, baka kung ano-ano pang sinabi niya kay Kara.Tumingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin, halatang may iniisip. Alam kong hindi siya papayag na hindi malaman ang tinutukoy ni Daniel. At sa paraan ng kanyang pagtingin, sigurado akong hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot."Kara," malamig kong tawag sa kanya, habang inaabot ang seatbelt niya. "Huwag mo nang pansinin 'yung sinabi ni Daniel.""Talaga? E bakit parang hindi ka makatingin nang diretso sa akin?" may bahagyang ngiti sa labi niya, pero alam kong sinusubukan niya akong basahin.Nagkibit-balikat ako. "Wala lang.""Tsk. Hindi mo ako maloloko, Christopher Montero." Nakangiti pa rin siya, pero alam kong may bahid ng pangungulit ang tono niya. "Ano'ng ibig sabihin ni Daniel na malakas ang tama mo sa akin?"Napatingin ako sa kanya, saka agad na ibinaling
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 32

Chapter 32Tahimik lang si Kara habang nakatanaw sa labas ng bintana. Alam kong hindi pa siya titigil sa pagtatanong, pero sa ngayon, ang mahalaga ay mapanatili ko siyang ligtas.Pinabagal ko ang pagmamaneho habang papasok kami sa bayan kung saan namin bibilhin ang gusto niyang durian. Pero kahit pilit kong baguhin ang usapan, ramdam ko pa rin ang bigat ng presensya niya—parang hinihila ako ng katahimikan namin pabalik sa nakaraan.Anim na taon. Anim na taon mula nang mawala siya sa akin. At ngayong nasa tabi ko siya ulit, ang tanging gusto ko lang ay mapanatili siya rito.Napasulyap ako sa kanya. Nakaipit ang isang hibla ng buhok sa kanyang pisngi, kaya hindi ko napigilan ang sarili kong itulak ito palayo. Napatingin siya sa akin, bahagyang nagulat."Anong ginagawa mo?" tanong niya, kunot-noo."May buhok ka sa mukha," sagot ko, hindi inaalis ang kamay ko agad.Saglit siyang natigilan, saka bumuntong-hininga. "Chris, hindi mo na kailangang palihis-lihisin ang usapan. Alam kong may hin
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 33

Chapter 33Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagkalito. "Kung ganun, bakit mo ako inalok ng 5 million kapalit na pakasalan kita kung asawa na pala kita noon pa? Ano ang mutibo mo, Chris?"Ramdam ko ang bigat ng tanong ni Kara. Kita ko sa kanyang mga mata ang pagkalito, ang pag-aalinlangan—at ang sakit. Hindi ko siya masisisi. Masyadong magulo ang sitwasyon para basta niya lang paniwalaan ang lahat ng sinabi ko.Huminga ako nang malalim, pinipilit ang sarili kong manatiling kalmado. Dahil ito ang oras para sabihin ang totoo—ang buong katotohanan."Hindi kita inalok ng limang milyon para pakasalan lang kita, Kara," mahinahon kong sagot. "Ginawa ko 'yon dahil wala na akong ibang paraan para mapalapit ulit sa’yo."Naningkit ang kanyang mga mata, halatang hindi kumbinsido. "Ano'ng ibig mong sabihin?"Nilapitan ko siya, pero bahagya siyang umatras. Masakit sa akin 'yon, pero tinanggap ko."Bakit mo sa tingin mo kinuha ko ang custody ni Jacob?" diretsong tanong ko. "Bakit sa dinami-rami
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 34

Chapter 34Kara POVPinilit kong panatilihing kalmado ang sarili ko, kahit na gusto kong isigaw sa kanya ang sakit at galit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano niya nasabi nang walang pag-aalinlangan na ako lang ang babaeng minahal niya, gayong alam kong may iba siya noon—at hindi lang basta iba.Naalala ko kung paano ko siyang nahuli noon. Sa isang bar. Sa isang madilim na sulok. Kasama ang isang babaeng halos hubad na sa harapan niya habang ang mga kaibigan niya ay nagtatawanan sa paligid.Para siyang isang hayok sa laman.Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit kong pinigilan ang emosyon ko. Hindi siya dapat makahalata. Hindi siya dapat makakita ng anumang pagbabago sa akin.Kailangan kong magkunwaring wala pa rin akong naaalala.Hindi pa ito ang tamang oras.Tumingin ako sa kanya at pinilit ang isang mapait na ngiti. "Talaga? Ako lang?" Tumaas ang kilay ko. "Bakit parang hindi ako kumbinsido, Christopher?"Bahagyang kumunot ang noo niya, halatang nagtataka sa tono ko
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 35

Chapter 35 Pagkatapos naming mag-usap ni Papa ay agad akong nagpaalam sa kanya. Pagkalabas ko ng kwarto ni Papa, agad kong nakita si Christopher na kausap si Mama. Bakas sa mukha ni Mama ang seryoso at mabigat na ekspresyon, ngunit nang makita niya ako, napalitan ito ng pag-aalala. "Anak," mahina ngunit puno ng emosyon niyang tawag sa akin. Mabilis akong lumapit, ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Si Christopher naman ay nakatitig lang sa akin, tila may nais sabihin pero nag-aalangan. "Ano'ng pinag-uusapan niyo?" tanong ko, sinusubukang panatilihin ang normal na tono ng boses ko kahit na may kaba akong nararamdaman. Nagpalitan ng tingin sina Mama at Christopher bago ako sinagot ni Mama. "Kara, gusto ko lang linawin ang ilang bagay kay Christopher tungkol sa nangyari noon..." Kumunot ang noo ko. "Anong tungkol saan, Ma?" Napatingin si Mama kay Christopher, at nakita ko ang pag-kuyom ng kanyang kamao. Para bang may pilit siyang itinatago o pinipigilan. "Ano ba tal
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 36

Chapter 36KinabukasanNagising ako na parang may kulang sa akin kaya napahawak ako sa aking tiyan at doon ko napagtantong na wala ng umbok sa aking tiyan.Kaya labis akong nasaktan sa aking nararamdaman. Napakapit ako nang mahigpit sa kumot, pilit na nilalabanan ang matinding sakit na bumalot sa akin. Nanginginig ang aking mga kamay habang dahan-dahang bumangon."Wala na siya…" mahina kong bulong, habang ang luha ko ay kusa nang bumagsak.Wala na ang anak ko.Parang may kung anong pumiga sa puso ko. Ang pangarap kong mayakap siya, marinig ang kanyang iyak, at makita ang kanyang ngiti—lahat iyon ay nawala na lang bigla.Napansin kong may kumilos sa tabi ko. Lumingon ako at nakita ko si Christopher—nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang aking kamay, ngunit halatang hindi makatingin nang diretso sa akin. Kita ko ang pamumugto ng kanyang mga mata."Kara…" bulong niya, puno ng pagsisisi at sakit ang tinig niya.Hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin ngayon. Hindi ko alam kung may tamang
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 37

Chapter 37Umiling siya, lumapit at hinawakan ang kamay ko, pero agad kong binawi iyon."Hindi mo alam ang sinasabi mo," mahina niyang bulong, puno ng desperasyon. "Kara, pwede ba tayong mag-usap nang maayos? Ayokong matapos tayo ng ganito—""Pero gusto ko." Pinutol ko ang sasabihin niya. "Gusto ko nang matapos 'to. Wala na ang anak natin, Chris. Wala nang dahilan para ipaglaban pa ang isang relasyong matagal nang wasak."Nakita ko kung paano siya napalunok, kung paano niya pinigilan ang sariling magpakita ng emosyon. Pero bakas sa mga mata niya ang sakit—sakit na pilit niyang itinatago."Kung iyan ang gusto mo..." mahina niyang sagot. "Pero hindi pa ako sumusuko, Kara. Hindi pa tapos ang lahat.""Pero, paano si Jacob kapang malaman niyang tuluyan tayong naghiwalay."Napalunok ako sa sinabi niya. Si Jacob. Ang aming anak. Paano ko ipapaliwanag sa kanya na hindi na kami buo?"Hindi ko alam..." mahina kong sagot, iniwas ang tingin kay Christopher. "Pero mas mabuti nang maaga pa lang, ma
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 38

Chapter 38 Christopher POV Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "I want a divorce." Parang isang suntok sa sikmura ang sinabi ni Kara. Matagal akong natulala, pilit iniintindi kung paano nauwi sa ganito ang lahat. At ngayon, gusto niyang ipagkatiwala sa akin si Jacob. Damn it. Hindi ko kailanman inisip na aabot kami sa puntong ito. Oo, nagkasala ako noon, pero sa loob ng maraming buwan, sinubukan kong itama ang lahat. Mahal ko siya. Mahal ko ang pamilya namin. Pero bakit parang hindi na iyon sapat? Lumapit ako sa kanya, pilit hinahawakan ang kamay niya, pero agad niya iyong inilayo. "Kara, hindi ko hahayaan na basta mo na lang akong iwan," madiin kong sabi. "Maaari mong ipagkait ang pagmamahal mo sa akin, pero hindi ko hahayaan na sirain mo ang pamilya natin." Lumingon siya sa akin, at sa unang pagkakataon mula nang magising siya, nakita ko ang malinaw na determinasyon sa kanyang mga mata. "Huli na ang lahat, Chris," malamig niyang sagot. "Gusto ko nang magsimula ulit, mal
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

Chapter 39

Chapter 39 "Palayain mo muna siya, habang nililinis mo ang pangalan ng pamilya nya at ibalik ang negosyong pinabagsak mo. D'yan mo simulan upang unti-unting bumalik ang kanyang tiwala sayo!" dagdag niyang sabi. Napalunok ako sa sinabi ni Richard. Palayain siya? Paano ko magagawa iyon kung siya na lang ang natitirang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban? Pero alam kong tama siya. "Kung mahal mo siya, hayaan mo siyang maging malaya," seryoso niyang dagdag. "Huwag mo siyang pilitin, Chris. Dapat niyang makita na kaya mong itama ang pagkakamali mo nang hindi mo siya kinokontrol." Napahawak ako sa sintido ko, pilit iniisip kung paano ko sisimulan ang lahat ng ito. Pero may isang bagay akong sigurado—gagawin ko ang lahat para maibalik si Kara sa akin. "Saan ako magsisimula?" tanong ko, tila walang direksyon. "Hanapin mo ang totoo," sagot ni Richard. "Kung may kinalaman nga sa pagkamatay ng ama mo ang paghihiganti sa kanyang pamilya, ilabas mo ang katotohanan. Itatama mo ang okas
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

Chapter 40

Chapter 40 "Pero, uncle. Makinig ka naman minsan sa akin. Bilang isang babae, lalo't may malaking kasalanan ang isang lalaki sa amin kapag malaman naming sinusundan kami ay mas lalong lalayo at magalit kami. Pabayaan mo muna si Kara, Uncle. Hayaan mo munang buuhin ang kanyang sarili na winasak mo. Ayusin mo muna ang mga dapat mong ayusin bago mo siya suyuin mula.' Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Mara. Alam kong may punto siya. Alam kong tama siya. Pero paano ko hahayaang lumayo si Kara kung bawat segundo ng pagkawala niya ay parang unti-unting pinupunit ang puso ko? “Mara… hindi ko alam kung kaya kong gawin ‘yon,” mahina kong sagot. Hinawakan niya ang braso ko at seryosong tumingin sa akin. “Kaya mo, Uncle. Kung talagang mahal mo si Kara, matuto kang maghintay. Huwag kang kumilos nang padalos-dalos. Hayaan mo siyang buuin ang sarili niya habang inaayos mo ang gulo na ginawa mo noon.” Napalunok ako. Napayuko. Alam kong kailangan kong ayusin ang mga pagkakamali ko—hindi lang p
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more
PREV
123456
...
15
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status