Chapter 29Kara POVHabang naglalakad kami papasok ng opisina, rinig na rinig ko ang bulungan ng mga empleyado."Hala, sinong babae kasama niya?""Oo nga, at sa tingin ko ay may espesyal sa kanilang dalawa.""True! At isa pa, bagay naman sila. Isang magandang babae at isang magandang lalaki naman si Mr. Montero!"Lihim akong napangiti. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa mga naririnig ko. Pero sa totoo lang, may kung anong kilig na gumapang sa dibdib ko. Hindi naman ako nagpapaka-assuming, pero hindi ba’t nakakatuwang marinig na bagay kami?Lalo na ngayong nasa tabi ko si Chris, nakahawak sa braso ko na parang sinisiguradong hindi ako madadapa. Kahit kaya ko namang maglakad nang maayos—at isa pa, hindi pa naman halata ang tiyan ko!"Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan?" mahinang bulong ni Chris, bahagyang yumuko para makita ang mukha ko."Wala," mabilis kong sagot, sabay tingin sa ibang direksyon para itago ang pag-iwas ng tingin.Pero alam kong ramdam niyang natutuwa ako.Nang
Chapter 30"Pero, salamat na rin!"Napatingin siya sa akin, tila hindi sanay na makarinig ng pasasalamat mula sa akin. "Hmph. Wala 'yon," sagot niya, pero halata sa tono niya na medyo nagulat siya.Napangiti ako nang bahagya. "Basta, salamat pa rin."Umiling siya at tinapunan ako ng sulyap. "Huwag kang masyadong mabait, baka masanay ako."Napatawa ako nang mahina. "Ikaw nga diyan ang nagsimula, tapos ako pa pagbabawalan?""Tsk. Huwag ka na ngang madaldal, bilisan mo maglakad." Pero sa kabila ng matigas niyang tono, hindi niya inalis ang kamay niya sa likod ko, alalay pa rin habang naglalakad kami.Sa kabila ng lahat, ramdam kong kahit gaano pa siya kasuplado, may kakaibang lambing sa paraan niya ng pag-aalaga.Napangiti ako nang lihim habang naglalakad kami. Kahit pa anong tigas ng bibig niya, hindi niya maiwasang ipakita ang pag-aalala niya sa akin."Hindi mo kailangang mag-alala nang sobra, kaya ko namang maglakad nang mag-isa," sabi ko, sinubukang tanggalin ang kamay niyang nakasup
Chapter 31Christopher POVHabang pinagmamasdan kong lumalayo si Daniel, napabuntong-hininga ako. Masyado siyang madaldal. Kung hindi ko pa siya napigilan, baka kung ano-ano pang sinabi niya kay Kara.Tumingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin, halatang may iniisip. Alam kong hindi siya papayag na hindi malaman ang tinutukoy ni Daniel. At sa paraan ng kanyang pagtingin, sigurado akong hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot."Kara," malamig kong tawag sa kanya, habang inaabot ang seatbelt niya. "Huwag mo nang pansinin 'yung sinabi ni Daniel.""Talaga? E bakit parang hindi ka makatingin nang diretso sa akin?" may bahagyang ngiti sa labi niya, pero alam kong sinusubukan niya akong basahin.Nagkibit-balikat ako. "Wala lang.""Tsk. Hindi mo ako maloloko, Christopher Montero." Nakangiti pa rin siya, pero alam kong may bahid ng pangungulit ang tono niya. "Ano'ng ibig sabihin ni Daniel na malakas ang tama mo sa akin?"Napatingin ako sa kanya, saka agad na ibinaling
Chapter 32Tahimik lang si Kara habang nakatanaw sa labas ng bintana. Alam kong hindi pa siya titigil sa pagtatanong, pero sa ngayon, ang mahalaga ay mapanatili ko siyang ligtas.Pinabagal ko ang pagmamaneho habang papasok kami sa bayan kung saan namin bibilhin ang gusto niyang durian. Pero kahit pilit kong baguhin ang usapan, ramdam ko pa rin ang bigat ng presensya niya—parang hinihila ako ng katahimikan namin pabalik sa nakaraan.Anim na taon. Anim na taon mula nang mawala siya sa akin. At ngayong nasa tabi ko siya ulit, ang tanging gusto ko lang ay mapanatili siya rito.Napasulyap ako sa kanya. Nakaipit ang isang hibla ng buhok sa kanyang pisngi, kaya hindi ko napigilan ang sarili kong itulak ito palayo. Napatingin siya sa akin, bahagyang nagulat."Anong ginagawa mo?" tanong niya, kunot-noo."May buhok ka sa mukha," sagot ko, hindi inaalis ang kamay ko agad.Saglit siyang natigilan, saka bumuntong-hininga. "Chris, hindi mo na kailangang palihis-lihisin ang usapan. Alam kong may hin
Chapter 33Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagkalito. "Kung ganun, bakit mo ako inalok ng 5 million kapalit na pakasalan kita kung asawa na pala kita noon pa? Ano ang mutibo mo, Chris?"Ramdam ko ang bigat ng tanong ni Kara. Kita ko sa kanyang mga mata ang pagkalito, ang pag-aalinlangan—at ang sakit. Hindi ko siya masisisi. Masyadong magulo ang sitwasyon para basta niya lang paniwalaan ang lahat ng sinabi ko.Huminga ako nang malalim, pinipilit ang sarili kong manatiling kalmado. Dahil ito ang oras para sabihin ang totoo—ang buong katotohanan."Hindi kita inalok ng limang milyon para pakasalan lang kita, Kara," mahinahon kong sagot. "Ginawa ko 'yon dahil wala na akong ibang paraan para mapalapit ulit sa’yo."Naningkit ang kanyang mga mata, halatang hindi kumbinsido. "Ano'ng ibig mong sabihin?"Nilapitan ko siya, pero bahagya siyang umatras. Masakit sa akin 'yon, pero tinanggap ko."Bakit mo sa tingin mo kinuha ko ang custody ni Jacob?" diretsong tanong ko. "Bakit sa dinami-rami
Chapter 34Kara POVPinilit kong panatilihing kalmado ang sarili ko, kahit na gusto kong isigaw sa kanya ang sakit at galit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano niya nasabi nang walang pag-aalinlangan na ako lang ang babaeng minahal niya, gayong alam kong may iba siya noon—at hindi lang basta iba.Naalala ko kung paano ko siyang nahuli noon. Sa isang bar. Sa isang madilim na sulok. Kasama ang isang babaeng halos hubad na sa harapan niya habang ang mga kaibigan niya ay nagtatawanan sa paligid.Para siyang isang hayok sa laman.Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit kong pinigilan ang emosyon ko. Hindi siya dapat makahalata. Hindi siya dapat makakita ng anumang pagbabago sa akin.Kailangan kong magkunwaring wala pa rin akong naaalala.Hindi pa ito ang tamang oras.Tumingin ako sa kanya at pinilit ang isang mapait na ngiti. "Talaga? Ako lang?" Tumaas ang kilay ko. "Bakit parang hindi ako kumbinsido, Christopher?"Bahagyang kumunot ang noo niya, halatang nagtataka sa tono ko
Chapter 35 Pagkatapos naming mag-usap ni Papa ay agad akong nagpaalam sa kanya. Pagkalabas ko ng kwarto ni Papa, agad kong nakita si Christopher na kausap si Mama. Bakas sa mukha ni Mama ang seryoso at mabigat na ekspresyon, ngunit nang makita niya ako, napalitan ito ng pag-aalala. "Anak," mahina ngunit puno ng emosyon niyang tawag sa akin. Mabilis akong lumapit, ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Si Christopher naman ay nakatitig lang sa akin, tila may nais sabihin pero nag-aalangan. "Ano'ng pinag-uusapan niyo?" tanong ko, sinusubukang panatilihin ang normal na tono ng boses ko kahit na may kaba akong nararamdaman. Nagpalitan ng tingin sina Mama at Christopher bago ako sinagot ni Mama. "Kara, gusto ko lang linawin ang ilang bagay kay Christopher tungkol sa nangyari noon..." Kumunot ang noo ko. "Anong tungkol saan, Ma?" Napatingin si Mama kay Christopher, at nakita ko ang pag-kuyom ng kanyang kamao. Para bang may pilit siyang itinatago o pinipigilan. "Ano ba tal
Chapter 36KinabukasanNagising ako na parang may kulang sa akin kaya napahawak ako sa aking tiyan at doon ko napagtantong na wala ng umbok sa aking tiyan.Kaya labis akong nasaktan sa aking nararamdaman. Napakapit ako nang mahigpit sa kumot, pilit na nilalabanan ang matinding sakit na bumalot sa akin. Nanginginig ang aking mga kamay habang dahan-dahang bumangon."Wala na siya…" mahina kong bulong, habang ang luha ko ay kusa nang bumagsak.Wala na ang anak ko.Parang may kung anong pumiga sa puso ko. Ang pangarap kong mayakap siya, marinig ang kanyang iyak, at makita ang kanyang ngiti—lahat iyon ay nawala na lang bigla.Napansin kong may kumilos sa tabi ko. Lumingon ako at nakita ko si Christopher—nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang aking kamay, ngunit halatang hindi makatingin nang diretso sa akin. Kita ko ang pamumugto ng kanyang mga mata."Kara…" bulong niya, puno ng pagsisisi at sakit ang tinig niya.Hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin ngayon. Hindi ko alam kung may tamang
Chapter 159 Nang sinabi ni Revenant na ang lalaking nagligtas kay Kara ay si Phantom, para bang may tumusok sa ulo ko. Parang kidlat na humati sa ulap ng alaala. “Impossible…” bulong ko sa sarili. “Boss… Phantom used to be one of us. Siya ang pinaka-silent, pinaka-efficient, at pinaka-loyal noon… o ‘yun ang akala natin," sabi ni Revenant na matigas ang tono. “Gian," sagot ko habang binulong sa mapanlinlang na katahimikan. Ang tunay niyang pangalan. Isa siya sa mga unang miyembro ng Unit X, ang elite black-ops group na itinayo ko bago ako tuluyang pumasok sa ilalim ng Montero Empire. Tahimik. May sariling panuntunan. Walang emosyon. Pero masyadong matalino. At minsang nawala sa misyon sa Prague. Wala nang balita. Noong panahong ‘yun, akala naming pinatay siya ng mga kalaban. Pero ang totoo, siya pala ang tumalikod. “Buhay ka pala, Gian. At mas pinili mong itago si Kara kaysa sabihin sa akin? Anong pakay mo? Utang na loob? Pagbawi? O... gusto mo siyang angkinin sa paraan na hin
Chapter 158 Napalunok siya. Hindi siya makagalaw. Ang buong boardroom ay tila nahulog sa ilalim ng lupa—walang hangin, walang galaw, puro titig lamang sa akin. “Chris... pwede natin pag-usapan ‘to. Hindi ako kalaban—ginamit lang nila ako. Pamilya tayo—” sabi ni Ramon pero agad ko itong pinutol. “Ginamit ka? At sino'ng pinatay ang pamilya ko? Sino'ng nagsangla sa pangalan ng kompanya kapalit ng mga illegal na transaksyon? Huwag mo akong lokohin. Alam kong may bahid ng dugo ang bawat sentimong kinita mo," malamig kung sabi doto at puno ng galit. Tinapik ko ang baril sa mesa. Tumunog ito—matinis, nakabibingi sa gitna ng katahimikan. “Akala mo ba hindi kita nakilala noon pa lang? Akala mo hindi ko alam ang koneksyon mo kay Kenya? Mas matagal kong inipon ang ebidensya kaysa sa oras na ginugol mong traydorin ako," matalim ko itong tinitigan. Tumingin ako sa shareholders na kasabwat ni Ramon. “Mga kasamahan ninyo, pinatay ko na. Mga lihim ninyo, hawak ko na. Kung may isa pang magt
Chapter 157Tumitig ako sa paligid—mga dingding ng kuta ni Kenya na minsang naging simbolo ng kanyang kapangyarihan. Ngayon, ito ang magiging libingan ng lahat ng kanyang kasalanan.Narinig ko ang mahinang static sa earpiece ko."Boss, lahat ng exits naka-lock na. Mga tauhan ni Kenya, cornered. Awaiting green light," sabi sa kabilang linya ng tauhan ko. "Green light. Ipadama sa kanila kung paano dumurog ang demonyo," isang ngiti nang demonyo ang kumawala sa aking labi. Agad kong narinig ang sunod-sunod na putok ng baril—ratatatatat!—kasunod ang mga sigaw ng pagmamakaawa, pagtakas, at panginginig. Walang awa. Walang kahabag-habag. Isa-isang nalagas ang mga kalaban, tinamaan sa ulo, sa dibdib—sigurado, wala nang tatayo.Humakbang ako palapit sa patay na katawan ni Kenya, duguan, wasak ang ulo pero kita pa rin ang dating ngisi sa kanyang labi."Sa huli, ikaw pa rin ang natalo. Katulad ng palad ng mga traydor," bulong ko sa sarili. Kumuha ako ng maliit na device sa bulsa ko—blast trigg
Chapter 156 Chris POV Patay ang lahat ng ilaw. Tanging pula at kumikislap na emergency lights ang gumagabay sa bawat hakbang ko. Dugo ang naging guhit ng daan. Mga katawan ng mga tauhan ni Kenya ang nilampasan ko—walang awa, walang habag. Hindi sila ang pakay ko. Pero humarang sila, kaya tinanggal ko. Hindi na ito negosyo. Hindi na ito personal. Isa na itong paghuhukom. Nilagay ko sa cold mode ang comms. Wala munang distractions. Ako lang. Ako lang ang tatapos kay Kenya. "Sa dami ng kasalanang ginawa mo, Kenya, wala kang lugar kahit sa impyerno," bulong ko na may panganib. Umalingawngaw ang boses niya mula sa loob ng panic room. "Kung lalaki kang tunay, pumasok ka rito! Harapin mo ako!" galit na sigaw ni Kenya mula sa speaker na bakas sa boses nito ang pagtarannta. Ngumisi ako. ‘Yan ang gusto ko—ang marinig siyang natataranta. Ang boses ng isang taong sanay mag-utos pero ngayon ay unti-unting nawawalan ng kontrol. "Pumapatay ka ng mga inosente. Ginulo mo ang buhay
Chapter 155 Kenya POV Sa loob ng isang marangyang underground safehouse na nakabaon sa ilalim ng isla, nakaupo ako sa isang leather chair. Tahimik. Isang baso ng mamahaling alak sa kamay ko. Pinagmamasdan ko ang malaking monitor sa harapan ko, kung saan kita ang bawat sulok ng isla—motion sensors, thermal cameras, encrypted com-lines. Ako si Kenya. Hindi ako basta-basta kriminal. Ako ang mastermind. Ang hindi makikita, ang hindi mahuhuli. Ang nagtago sa loob ng gobyerno, lumusot sa mga batas, at pinaniwala ang mundo na patay na ako. “Chris Montero...” bulong ko habang pinapaikot-ikot ang alak sa baso. “Tinatanggal mo ako isa-isa sa mga asset ko. Pero hindi mo alam, ako ang nagturo sa’yo ng galit.” Tumayo ako, lumapit sa isang metal vault, at binuksan ito gamit ang fingerprint at voice code. Hissss. Lumabas ang maliliit na vials—neurotoxins, experimental serums, at DNA samples. “Your wife was just the beginning. Your pain fuels the game.” Lumapit ang isa sa m
Chapter 154 Dahan-dahan akong lumingon. At doon ko nakita—ang isang mukha na akala ko'y kakampi, kapatid, pamilya. Si Lander. Ang adopted son ni Grandpa. Ang taong itinuring kong kapatid kahit hindi kami magkadugo. Nakaayos siya. Maayos ang suot, pero sa likod ng malamig niyang titig, alam kong matagal niya na itong pinlano. “Ikaw…?” halos hindi makalabas ang boses ko. Ngumisi siya habang papalapit. “Ang hirap pala ng pakiramdam na palaging ikaw ang pinoprotektahan, Chris. Lahat ng attention, lahat ng tiwala—binigay sa’yo ni Grandpa. Pero ako? Ako ang laging nasa anino mo.” Tinutok ko sa kanya ang baril. “Anong kinalaman mo kay Mr. K?” “Simple lang. Ako ang totoong utak. Siya lang ang pasimuno. Lahat ng galaw niya, ako ang nagbigay ng basbas.” Tumawa siya ng malamig. “Si Kara? Hindi dapat siya ang target. Pero nung nalaman kong minahal mo siya nang higit pa sa sarili mo, alam kong siya ang kahinaan mo.” Pak! Hindi ko napigilan. Isang malakas na suntok ang tumama s
Chapter 153 728G-KARA. Pinangalanan niya ang passcode ayon sa pangalan ng asawa ko. Dahan-dahan akong napahawak sa baril sa aking tagiliran. Tumalikod ako, huminga ng malalim, saka tumingin kay Revenant. "Ihanda ang sasakyan. Pabayaan mo na 'tong si Ramon dito... hanggang makalimutan niya ang sarili niyang pangalan." “Chris... wag, awa na... may pamilya ako—!” Lumingon ako, ang mga mata ko'y wala ng kahit anong emosyon. “May pamilya rin akong kinitil ninyo. Ngayon... patas na tayo.”Walang ni isang patak ng awa sa puso ko.BLAG!BLAG!BLAG!Tatlong putok. Diretso sa dibdib. Hindi ko siya tinigilan hanggang hindi na siya gumagalaw. Ang puting pader sa likod niya, ngayon ay puno na ng dugo. Tumalsik ang katawan ni Ramon sa likod ng upuan, napalugmok, walang buhay.Tahimik ang buong silid. Tanging echo ng mga putok at mabigat kong paghinga ang naririnig.Lumapit si Revenant, seryoso ang tingin.“Sigurado ka bang hindi natin kailangan 'to buhay?” tanong niya, pero alam niyang huli
Chapter 152Nakahawak si Revenant sa balikat ni Veronica habang nanginginig siyang nagsimulang magsalita. Ang mukha niya'y duguan, ang mga mata'y punong-puno ng takot—pero ngayon, wala akong pakialam. Wala akong puwang sa awa. Hindi sa babaeng ito. Hindi matapos ang nangyari kay Kara."Si Mr. Kenya ang lider, pero hindi lang siya ang may sala," bungad niya, habang kumakapit sa hininga niya."Meron pa—mga kasabwat niya sa loob ng gobyerno, mga negosyanteng naghugas-kamay, at... isang tao sa loob ng circle mo, Chris.""Sino?!" singhal ko, habang dumadagundong ang dibdib ko sa galit.Lumapit ako sa kanya, halos ilapit ang mukha ko sa kaniya. "Sabihin mo kung sino, Veronica. Bago ako mawalan ng kontrol!""Ramon... si Ramon Del Fierro ang isa sa mga utak ng lahat ng ito!" halos wala nang boses si Veronica sa kakaiyak at kakasigaw. "Matagal na silang konektado ni Mr. K—matagal na nilang gustong pabagsakin ka, Chris!"Napatigil ako. Ang pangalan ni Ramon ay parang lasong biglang sumabog sa u
Chapter 151Tumayo ako, nilapitan siya. Hinawakan ko ang kanyang panga at pinilit siyang tumingin sa akin.“Dapat ba akong maawa ngayon? Dahil umiiyak ka? Dahil nagsusumamo ka?”“Chris… patawad… please…” bulong niya, halos hindi ko na marinig.“Patawad?” Binitiwan ko siya at tumalikod. Kinuha ko ang itim na gloves sa bulsa ko.“Hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang iyon. Pero ipapakita ko sa’yo—kung paanong humingi ng awa ang tunay na makasalanan.”Narinig ko ang pagsigaw niya.“Chris, huwag! May anak ako!”Tumigil ako. Dahan-dahan akong lumingon, malamig ang tingin ko.“Dapat inisip mo 'yan bago mo hinatak ang pisi ng bomba sa katawan ng INA ng mga ANAK KO.”At ngayon…Wala nang makapipigil sa akin.Si Veronica ang simula. At bawat kalaban nila…Kasunod na.Nakapikit ako habang naririnig ko ang paulit-ulit na pagmamakaawa ni Veronica. Ang bawat “please” niya ay musika sa tenga ko—isang sirang plaka na gusto ko nang basagin.“Chris… kahit anong galit mo… hindi ito ang paraan. May