Chapter 4
"Sandali, pwede bang walang makakaalam muna?" Agad akong nagsalita bago pa niya maisara ang envelope ng kontrata. "Gusto kong ako muna ang magsabi kay Mama. Ayokong mabigla siya. Maaari ba?" Tahimik siyang tumitig sa akin, tila iniisip kung pagbibigyan ba niya ako o hindi. Halos pigil ang hininga ko habang hinihintay ang sagot niya. Maya-maya, bahagyang tumango siya. "Fine. Pero hanggang kailan?" "Bigyan mo ako ng isang linggo. Kailangan ko lang siyang ihanda." Napangisi siya nang bahagya. "One week, huh? Mukhang may dahilan kung bakit gusto mo pang itago ito." Napakuyom ako ng kamao. "Hindi ko ito itinatago. Ayoko lang na mag-alala si Mama nang biglaan." Hindi siya sumagot agad. Sa halip, uminom siya ng alak mula sa baso sa harap niya bago muling nagsalita. "Fine. One week. Pero pagkatapos niyan, gusto ko nang matapos ang lahat ng pag-aayos. Lilipat ka na sa bahay ko." Para akong sinampal ng katotohanan. Totoo na talaga ‘to. "Salamat." Mahina kong sabi. Tumayo ako, handa nang umalis. Pero bago pa ako makalakad palayo, nagsalita siyang muli. "Kara." Napalingon ako. Malamlam ang titig niya sa akin, pero may kung anong matigas sa boses niya. "Walang bawian." Ramdam ko ang bigat ng mga salitang iyon. Kahit gusto ko mang magduda o umatras, alam kong wala na akong karapatan. Ito ang pinili ko. Ito ang kailangan kong panindigan. Tumango ako. "Alam ko." At saka ako tuluyang lumabas ng hotel, bitbit ang lihim na maaaring magpabago sa buhay ko magpakailanman. Habang naglalakad palabas ng hotel, ramdam kong bumibigat ang bawat hakbang ko. Walang bawian. Tumunog pa sa isip ko ang sinabi ni Mr. Montero. Pagkasakay ko ng taxi, hindi ko maiwasang mapatingin sa papel na nasa bag ko. Paano ko sasabihin ‘to kay Mama? Pagkarating ko sa ospital, nag-ipon muna ako ng lakas bago pumasok sa kwarto ni Papa. Tahimik itong natutulog, habang si Mama naman ay nakaupo sa tabi niya, hawak ang kamay ng asawa niya na tila dasal na lang ang pinanghahawakan. "Mama," mahinahon kong tawag. Napalingon siya sa akin at pilit na ngumiti. "Anak, anong ginawa mo sa labas? Baka napagod ka na, ha? Hindi mo kailangang magsakripisyo ng sobra." Napakurap ako. Kung alam niya lang… Kung alam niya lang kung ano ang ginawa ko. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay. "Ma, may gusto sana akong sabihin sa’yo." Napakunot ang noo niya. "Ano ‘yun, anak?" Huminga ako nang malalim, sinusubukan kong hanapin ang tamang mga salita. "May paraan akong nahanap para matulungan natin si Papa at makabangon tayo." Medyo nagliwanag ang mukha niya. "Talaga? Ano ‘yun?" Pinakawalan ko ang isang mahinang ngiti, kahit ramdam kong nanginginig ako sa loob. "Ma… ikakasal na ako." Saglit siyang natigilan. "Ano?" "Ikakasal na ako, Ma." Kita ko ang pagkalito sa mukha niya. "A-anak… kailan pa ‘to? Wala ka namang nabanggit na boyfriend! S-sino? Kilala ba namin?" Lalo akong kinabahan. "Si… si Christopher Lee Montero." Napakunot ang noo niya. "Montero? ‘Yung may-ari ng malaking kumpanya?" Dahan-dahan akong tumango. "Oo, Ma." Mas lumalim ang gulat sa mukha niya. "P-pero paano? Kailan pa kayo nagkakilala?" Nag-iwas ako ng tingin. "Matagal na, Ma. Pero… biglaan lang itong desisyon." Hinawakan niya ang kamay ko, halatang naguguluhan. "Anak, sigurado ka ba rito? Hindi ito biro! Hindi ko maintindihan… Mahal mo ba siya?" Para akong natigilan. Mahal? Hindi ko alam. Pero ang sigurado ako—ito ang kailangan naming gawin. "Ma… basta ang mahalaga, makakatulong ‘to sa atin. Mapapagamot natin si Papa. Magiging maayos ang lahat." Napatingin siya sa natutulog kong ama, saka bumalik ang tingin niya sa akin. May pag-aalinlangan sa mga mata niya, pero alam kong iniisip niya rin ang sitwasyon namin. Maya-maya, malalim siyang bumuntong-hininga. "Anak… kung sigurado ka na, susuportahan kita. Pero sana, sigurado ka talaga." Hindi ko alam kung totoo ang sagot ko, pero pinilit kong ngumiti. "Oo, Ma. Sigurado ako." Pero sa loob-loob ko, isang tanong ang bumabagabag sa akin… Hanggang kailan ko kaya paninindigan ito? Matapos ang pag-uusap namin ni Mama, mas bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko sigurado kung napaniwala ko siya o kung sinusubukan lang niyang intindihin ang desisyon ko. Pero isang bagay ang malinaw—wala na akong atrasan. Kailangan ko nang ipaalam kay Mr. Montero na pumayag na si Mama. Pagkalabas ko ng ospital, agad akong nag-message sa kanya. Kara: Pwede ba tayong magkita? Hindi ko inasahang mabilis siyang magre-reply. Mr. Montero: Come to my office. Now. Napakagat-labi ako. Alam kong hindi siya isang taong mahilig maghintay. Kaya agad akong sumakay ng taxi papunta sa Montero Corporation. Pagkarating ko sa opisina niya, sinalubong ako ng kanyang secretary. Agad niya akong pinapasok sa loob, at pagpasok ko pa lang, agad akong nakaramdam ng kakaibang tensyon sa paligid. Nakatayo si Christopher malapit sa floor-to-ceiling window ng opisina niya, nakaharap sa skyline ng lungsod. Kahit hindi siya nakatingin sa akin, ramdam ko ang presensya niya—matikas, makapangyarihan, at tila palaging nagmamasid. "So?" malamig niyang tanong, hindi man lang lumilingon. "Ano ang balita?" Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Pumayag na si Mama." Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Walang emosyon ang mukha niya, pero may kung anong bahagyang ningning sa mata niya—o baka guni-guni ko lang. "Good." Isang salita lang ang sinambit niya, pero ramdam kong marami itong kahulugan. Umupo ako sa harap ng desk niya. "Ano na ang susunod?" Naglakad siya papunta sa kanyang upuan at umupo. Pinagmasdan niya ako saglit bago sumagot. "We get married. This weekend." Napalunok ako. "A-agad?" Tumango siya. "Ayaw kong patagalin pa. The sooner, the better." Napalunok ako. "Akala ko ba ako ang magsasabi kay Mama? Hindi pa niya alam na sobrang lapit na pala." Bahagya siyang napangisi. "Then tell her now. Wala nang atrasan, Kara." Muli kong narinig ang mga salitang iyon. Wala nang atrasan. Dahan-dahan akong tumango. "Sige." "May isa pa akong kondisyon." Malamig niyang dagdag. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Ano?" Lumapit siya nang bahagya, ang matalim niyang titig ay dumiretso sa mga mata ko. "Simula ngayon, matututo kang magpanggap na mahal mo ako." Para akong natigilan. "A-ano?" Mas lumalim ang kanyang ngiti—hindi mapanlinlang, hindi rin masaya. "Gusto kong maging totoo ang kasal na ito sa mata ng lahat. Kaya matututo kang ngumiti sa tabi ko, hahawakan mo ang kamay ko sa publiko, at ipaparamdam mo sa lahat na ikaw ang babaeng pinili ko." Napalunok ako. "At kung hindi ko magawa?" Mas lumalim ang titig niya. "Then, say goodbye to the deal." Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko kayang umatras. Hindi ko kayang bumitaw sa kasunduang ito. Kaya kahit nanginginig ang loob ko, pilit kong tinignan siya nang diretso. "Fine. Kung ‘yan ang gusto mo, magpapanggap ako." Sa unang pagkakataon, ngumiti siya. Isang ngiting hindi ko maintindihan. "Good. Then, I’ll see you at the wedding, future Mrs. Montero."Chapter 5Christopher POV"Tol, sigurado kana ba?" sabi sa akin ni Daniel isa sa mga kaibigan ko. Pagkatapos naming mag-usap sa office ni Kara ay agad akong pumunta sa bar para uminum."Oo, pamamagitan sa kanilang anak ay makaganti ako sa kanilang pag ginawa sa aking magulang.""Pero, you need investigate more. Baka hindi sila ang dahilan pagka-aksidinte nila ni Tita," bigkas ni Troy.Sinilip ko ang basong nasa harapan ko, ang whiskey na kanina ko pa iniinom ay hindi man lang nabawasan. Hindi ko alam kung dahil ba sa bigat ng alaala o dahil sa salitang binitiwan ni Troy."Sigurado na ako," mariin kong sagot. "Kara Smith Curtiz ang magiging daan para makuha ko ang hustisya."Napalunok si Daniel bago nagsalita. "Pero, tol... kung hindi sila ang tunay na dahilan? Paano kung wala siyang kinalaman?"Natawa ako nang mapakla. "Then, malas niya. Isa siyang Curtiz. Iyon lang ang mahalaga."Tahimik na nagpalitan ng tingin sina Daniel at Troy. Alam kong pareho silang may pag-aalinlangan, pero wa
Chapter 6KinabukasanAgad kong pinahanda sa mga katulong ang silid para sa magiging asawa ko. Walang espesyal na dekorasyon, walang kahit anong palamuti na magbibigay ng ideya na ito ay isang kwarto ng isang bagong kasal. Isang simpleng silid, malamig, walang emosyon—tulad ng kasunduang ito.Tumayo ako sa harap ng malaking bintana ng aking silid, hawak ang tasa ng itim na kape. Sa labas, ang tahimik na paligid ng aking estate ay tila sumasalamin sa lungkot at hinanakit na matagal ko nang kinikimkim.Isang malakas na katok ang pumukaw sa aking atensyon."Pumasok," malamig kong utos.Bumukas ang pinto, at pumasok si Troy. Kita sa kanyang ekspresyon ang pag-aalinlangan."Dumating na siya," aniya.Hindi ako agad sumagot. Tinungga ko ang natitirang kape bago ibinaba ang tasa sa mesa."Nasaan siya?" tanong ko, hindi ipinapahalata ang kung anong nararamdaman ko."Nasa sala. Tahimik lang siya. Hindi ko alam kung kinakabahan o takot," sagot niya. "Sigurado ka na ba talaga rito, tol?"Napangis
Chapter 7Napapikit ako, pilit pinapanatili ang kontrol sa sarili. Hindi ko kailangang ipaliwanag ang sarili ko sa kanya. Hindi ko kailangang sabihin ang tunay kong dahilan."Hindi kita kailangang bigyan ng sagot, Andrea," sagot ko nang matigas. "Tapos na tayo. At ang buhay ko ngayon, wala ka nang kinalaman."Tahimik. Ilang segundo bago siya muling nagsalita, mas mahina na ang boses niya pero may bahid ng hinanakit."Hindi ako naniniwala diyan, Christopher. Kilala kita. At kung iniisip mong matatapos mo ang plano mo nang hindi kita naiipit sa gulo mo… nagkakamali ka."Bago pa ako makasagot, ibinaba na niya ang tawag.Napatingin ako sa telepono, ramdam ang paninigas ng panga ko.Andrea…Hindi ko siya dapat alalahanin. Ang dapat kong pagtuunan ng pansin ay ang kasal bukas.Pero bakit may masamang kutob akong may paparating na bagyo—at hindi ko alam kung paano ko ito haharapin?"Hindi kita hahayaan na guluhin ang plano ko, Andrea!" galit kong bulong sa sarili ko habang mahigpit na nakaku
Chapter 8 Kara POV Pagtapak ko pa lang sa loob ng kanyang mansion, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Para akong pinapasok sa isang lugar na hindi ko dapat kinaroroonan. Ngunit pinatatagan ko ang sarili ko—ito ang pinili kong desisyon. Nang ihatid ako ng katulong sa magiging silid ko, agad akong napangiwi nang makita ko ang loob. Walang kahit anong dekorasyon, walang ni isang palamuti o kahit anong bagay na maaaring magbigay ng kaunting aliwalas sa kwarto. Tanging isang lumang single bed lang ang naroon at isang maliit na aparador. Ni aircon ay wala, tanging isang maliit na bentilador lang ang nakapatong sa lamesa sa tabi ng kama. Ganito ba ang tingin niya sa akin? Alam kong hindi ito bahay ko, alam kong isa lang akong Contract Wife, pero hindi ko inasahan na ganito niya ako tatanggapin—parang isang tauhan lang sa bahay na inilagay sa isang lumang kwarto. Napabuntong-hininga ako. Hindi ka pwedeng magreklamo, Kara. Alam ko namang wala akong karapatang umangal. May papel
Chapter 9Christopher POVNapatingin ako sa kanya—diretso, walang bahid ng emosyon. Para bang wala lang sa kanya ang kasunduang ito, na para bang isa lang akong kasosyo sa negosyo at hindi lalaking papakasalan niya bukas.Mabuti. Mas gusto ko ito."Oo," malamig kong sagot. "Sa oras na maisilang mo ang anak ko, makukuha mo ang buong halaga. Walang labis, walang kulang."Tumango siya, tila ba tinatandaan ang bawat salita ko. "Salamat. Gusto ko lang makasigurado."Sigurado? Napangisi ako nang mapakla. Sa sitwasyon naming ito, may makasisigurado ba talaga?"Tapos na ba ang tanong mo?" tanong ko, matigas ang boses."Oo." Hindi na siya naghintay ng sagot ko at agad na lumabas, isinasara nang marahan ang pinto.Nanatili akong nakaupo, nakatitig sa pintong pinadaan niya.Hindi ko alam kung bakit may kung anong gumapang na inis sa dibdib ko.Wala siyang ibang iniisip kundi ang pera.Mabuti. Mas magiging madali ang lahat.Bukas, magiging mag-asawa na kami. At simula roon, wala nang atrasan."Ib
Chapter 10Lumapit si Troy at tinapik ako sa balikat. "Christopher, sigurado ka ba talaga rito?" tanong niya, pero halata sa tono niya na alam na niya ang sagot."Siyempre," sagot ko nang walang pag-aalinlangan."Huwag mo lang pagsisihan kung sakaling bumaliktad ang sitwasyon," aniya bago siya tumingin kay Kara at nagpaalam.Tahimik lang si Kara. Hindi ko alam kung iniisip niya ang pamilya niya o kung pinagsisisihan na niya ang desisyon niyang pumayag sa kasunduan. Pero hindi na mahalaga.Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahan siyang itinayo. "Umalis na tayo," malamig kong utos.Wala siyang imik. Tumayo lang siya at sumunod sa akin. Simula ngayon, siya ang magiging asawa ko—sa papel man o hindi."Sandali!" wika nito. Kaya agad ako napahinto sa paglalakad. "S-saan tayo pupunta?" utal niyang tanong sa akin."Sa kumpanya ko, gusto kong ikaw ang personal secretary ko ngayon maliban sa isa king secretary," malamig kong sagot.Nanlaki ang mata ni Kara sa sinabi ko. Halatang hindi niya in
Chapter 11Hanggang biglang nagsalita ang isang anak ng imbestor ko at nakatingin kay Kara na may paghanga."Mr. Montero, kung mararapatin mo. Gusto kong malaman kung ano ang pangalan sa katabi mong magandang dilag?" ngiti nitong sabi.Nakakuyom ang kamao ko sa kanyang sinabi.Malamig kong itinama ang tingin ko sa kanya bago ako nagsalita."Hindi siya bahagi ng negosasyon, Mr. Villacruz," malamig kong sagot. "Kung nandito ka para sa business, manatili tayo sa usapang negosyo."Nakita kong bahagyang nanigas si Kara sa tabi ko, halatang nagulat sa naging tono ko. Samantalang si Villacruz, sa halip na mainis, ay nagpatuloy sa kanyang mapanuksong ngiti."Pasensya na, Mr. Montero," aniya, hindi pa rin inaalis ang tingin kay Kara. "Hindi ko lang maiwasang mapansin ang kagandahan ng iyong kasama. Siguro naman, wala namang masama kung—"Pinutol ko ang sasabihin niya. "Kung tungkol sa business proposal ang pakay mo, ituloy natin. Kung hindi, sayang ang oras ko."Mabigat ang katahimikang bumalo
Chapter 12Kara POVPagkasara ko ng pinto, napahinga ako nang malalim, pinipigilan ang inis na bumabalot sa akin. Ang yabang talaga ng lalaking ‘yon! Hindi ko alam kung anong problema niya, pero pakiramdam ko, wala siyang ibang alam gawin kundi ang utusan ako at kontrolin ang bawat galaw ko.Bitbit ang natitirang inis, bumalik ako sa desk ko sa labas ng opisina niya. Mara, ang assistant niya, napansin agad ang ekspresyon ko at napangiti."Parang hindi maganda ang timpla ni boss ngayon, ha?" tukso niya habang inaayos ang mga papel sa lamesa.Napabuntong-hininga ako at umupo sa silya ko. "Ewan ko sa kanya. Ang init ng ulo kahit wala namang dahilan. Pati kape, pinapaulit-ulit pa."Tumawa si Mara. "Normal ‘yan kay Sir Christopher. Perfectionist ‘yan sa lahat ng bagay—pati sa kape. Masanay ka na."Perfectionist o pahirap? Hindi ko na lang sinabi nang malakas at sa halip ay tinutok ang sarili sa mga papeles sa harapan ko.Ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko maialis sa isip ko ang titig ni
Chapter 117 Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya. "WHAT?!" sigaw naming apat. "Hindi ito basta basta! Dapat maayos ang pagkakatanim n'yo. Kung hindi, uulitin n'yo ulit!" matigas niyang sabi. Lalong lumalim ang pagsisisi sa mukha ni Lance. "Chris, pagkatapos nito, may utang ka sa akin!" singhal niya. Si Richard naman ay napa-facepalm. "Tol, sana sinabi mong survival training pala ‘to!" Miguel, na halos hindi na makita sa dami ng putik sa katawan, ay huminga ng malalim at sinabing, "Kung hindi ko lang mahal ang pera, hindi ko ‘to gagawin!" Nagtawanan sina Kara at Kiara sa gilid. Si Mama Curtis naman ay nakangiti lang habang nagmamasid sa amin. Huminga ako nang malalim. "Okay, boys. Game na! Para kay Kara ‘to!" At sabay-sabay naming sinimulan ang pagtatanim ng palay—kahit pa tuloy-tuloy ang reklamo, tawa, at pagkadulas namin sa putikan.“Tol… pantay ba ‘to?” tanong ni Miguel habang halos gumapang na sa pilapil, hawak ang isang punla ng palay na parang baril sa gera.“Putek, pa
Chapter 116Chris POV"Fuck, tol! Sinali pa talaga mo kaming dalawa," reklamo ni Richard."Tang-ina, paano kung may worm d'yan!" takot na sabi ni Miguel.Alam ko na takot sila lalo na ako dahil first time kaming tatlong umapak ng palay.'Shit, paano kung may nakatira d'yan sa ilalim?!' usal ko sa aking isipan.Napalunok ako habang nakatitig sa malawak na palayan sa harapan namin. Ang putik ay parang gustong lamunin ang aming mga paa, at sa tuwing naiisip kong may kung anong gumagapang sa ilalim, parang gusto ko nang umatras."Tol, hindi ko na 'to kaya. Pwede bang ibang pagsubok na lang?" bulong ni Richard habang dahan-dahang inilalapit ang isang paa sa putikan pero mabilis ding binawi."Tang-ina, Chris! Kung may bulate d'yan, uuwi na 'ko sa Manila!" sigaw ni Miguel habang nagtatatalon paalis sa pilapil.Napapikit ako at napailing. Hindi pwedeng umatras. Kung gusto kong makuha si Kara nang buo, kailangan kong ipakita sa pamilya niya na kaya kong harapin kahit ang mga kinatatakutan ko.
Chapter 115Kinabukasan.Narinig ko na lamang sa sala ng mansyon namin ang pagdaing sa tatlong nalasing kagabi. Kaya lumabas ako sa silid saka ako nagtungo doon.Pagdating ko sa sala, bumungad agad sa akin ang tatlong mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.Si Chris ay nakasubsob sa sofa, hawak-hawak ang ulo niya na parang iniinda ang matinding sakit. Si Richard naman ay nakaupo sa sahig, hawak ang isang baso ng tubig pero hindi niya maituloy inumin. Samantalang si Miguel, nakasandal sa dingding at nakapikit, waring nagpapanggap na patay para lang hindi mapagalitan."Ano? Masarap ba ang lambanog?" tanong ko na may halong panunukso.Napangiwi si Chris bago ako tiningnan. "Hon, ‘wag ka munang maingay... parang may marching band sa loob ng ulo ko."Si Richard naman ay nagbuntong-hininga. "Hindi ko alam kung paano kayo umiinom nito sa probinsya, pero ngayon lang ako nagkaroon ng hangover na parang nabangga ako ng trak!"Biglang dumilat si Miguel at sumingit, "Correction! Para tayong naba
Chapter 114Kara POVMukhang lasing na si Chris pati ang dalawa nitong kaibigan dahil kung anu-ano na ang sinabi. Habang ang dalawa aming anak na sina Jacob at Ellie na matulog na.Pinagmamasdan ko si Chris na namumula na ang mukha habang nakahilig sa upuan. Kasama niya sina Richard at Miguel, na halatang tinamaan na rin ng lambanog."Kara, mahal na mahal kitaaa!" biglang sigaw ni Chris, dahilan para matawa ang mga tao sa paligid."At ikaw, Mr. Curtis!" itinuro niya ang papa ko. "Mahal ko po ang anak ninyo at wala nang makakapigil sa akin na pakasalan siya!"Napailing ako at napangiti. Kahit lasing, seryoso pa rin siya sa nararamdaman niya."Kara, I swear! Kahit utusan mo akong mag-araro ng palayan bukas, gagawin ko!" dagdag pa niya."Bukas? Eh baka hindi ka na makabangon niyan!" natatawang singit ni Miguel."Tol, ang tindi ng tama mo! Pero saludo ako sa’yo!" ani Richard habang hinahampas si Chris sa balikat."Haaay naku, paano ko ba kayo iuuwi niyan?" bulong ko sa sarili ko.Lumapit
Chapter 113 Ngumiti siya nang pilyo. "May huling hamon pa. At ito ang pinakamahirap." Nagkatinginan ang lahat. Napalunok ako, pero hindi ako umurong. "Handa ka na ba?" tanong ni Mr. Curtis. Tumango ako. "Para kay Kara at sa pamilya namin—handa ako." "Tol.....!" bigla ako napalingon ng kilala ang tinig na tumawag. Walang iba kundi si Richard ang judge kong kaibigan kasama din niya si Miguel nakangising nakatingin sa akin na parang inaasar ako. Napakunot ang noo ko nang makita ko sina Richard at Miguel na parehong nakangisi habang nakatayo sa harapan ko. "Anong ginagawa n'yo rito?" tanong ko habang pinupunasan ang pawis sa noo. Richard tumawa at tinapik ang balikat ko. "Balita ko, sinusubok ka raw bago makuha ang kamay ni Kara. Hindi ko pwedeng palampasin 'to!" Miguel, na mas lalo pang nang-asar, sumandal sa pader at natawa. "Tol, hindi ko akalain na ang isang Chris Montero ay maghihirap para lang sa pagmamahal. Pero aminado ako, hanga ako sa'yo." Umiling ako at ngumiti. "
Chapter 112Lumipas ang tatlong araw, at ngayon, narito ako sa harapan ng buong pamilya ni Kara upang muling mamanhikan. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin, nais kong gawin itong tama—ang hingin muli ang kamay niya sa tamang paraan, sa harap ng kanyang pamilya.Kaharap ko ngayon si Mrs. Curtis, na seryosong nakatingin sa akin. Alam kong hindi pa rin niya lubos na tinatanggap ang nakaraan ko, pero narito ako upang patunayan na karapat-dapat akong maging parte ng pamilya nila.Sa gilid niya ay ang bunsong kapatid ni Kara, si Kiara, na may katabing isang lalaking ngayon ko lang nakita. Hindi ko sigurado kung sino siya—kasintahan ba niya o kaibigan lamang? Tahimik lang silang dalawa, pero halatang interesado sila sa magiging sagot ng pamilya.Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Mrs. Curtis, alam kong marami akong nagawang mali noon. Alam kong minsan akong naging dahilan ng sakit ng loob niyo, pero mula noon, nagbago na ako. Hindi lang para kay Kara, kundi para sa pamilya naming
Chapter 111Chris POVNapabuntong-hininga ako habang nakatingin kay Mr. Curtis. Alam kong biro man ang tono ng iba, seryoso siya sa sinabi niya. Pero kung ito ang paraan para tuluyang tanggapin niya ako bilang asawa ni Kara, wala akong dahilan para umatras."Handa akong harapin ang kahit sino, Mr. Curtis," sagot ko nang diretsahan. "Hindi ko lang gustong pakasalan muli si Kara, gusto kong patunayan na karapat-dapat ako sa kanya at sa pamilya niya."Napansin kong saglit na lumambot ang ekspresyon ni Mr. Curtis bago niya ako tinitigan ulit nang matalim. "Then prove it.""Chris, kaya mo ‘yan!" singit ni Ellie habang nakayakap sa binti ko. "Magiging best daddy ka na talaga!"Napangiti ako at kinarga siya. "Of course, baby girl. Gagawin ko ang lahat para sa inyo ni Jacob.""Yuck! Ang cheesy mo, Dad!" hirit ni Jacob, pero halata ang ngiti sa mukha niya.Natawa si Kara at hinila ako papalapit sa kanya. "You don’t have to prove anything, Chris. Mahal kita, at alam kong mahal mo ako. That’s al
Chapter 110Kara POVHindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko habang yakap si Daddy. Sa wakas, tinanggap na rin niya si Chris. Alam kong hindi madali para sa kanya, lalo na’t nasaktan siya noon sa ginawa ni Chris sa amin. Pero ngayon, alam kong unti-unting gumagaan ang lahat.Nang lumuwag ang yakap namin, napatingin ako kay Chris. May lungkot at tuwa sa kanyang mga mata, parang hindi siya makapaniwala na unti-unting gumaganda ang takbo ng buhay namin. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon, parang sinasabi sa akin na hindi niya ako bibiguin."Dad, salamat," mahina kong sabi. "I promise, hindi mo na kailangang mag-alala."Napatingin si Daddy kay Chris bago tumango. "Huwag mo na silang saktan, Chris," babala niya. "Dahil kung mangyayari ulit iyon, kahit pa tinanggap na kita ngayon, hindi na ako magdadalawang-isip na ipaglaban ang anak at mga apo ko."Tumango si Chris, seryoso ang ekspresyon. "Alam ko po iyon, Mr. Curtis. At hindi ko na hahayaan pang masaktan silang muli."
Chapter 109Kinagabihan, habang nasa sala kami at nanonood ng pelikula, panay ang silip ko kay Kara. Nakatutok siya sa pelikula habang yakap si Ellie, at si Jacob naman ay nasa kabilang gilid, subo-subo ang popcorn."Chris, okay ka lang?" tanong ni Kara, napapansin marahil ang aking kakaibang kilos."Ha? Oo naman," sagot ko agad, pilit na ngumiti."Sure ka? Kanina ka pa panay ang tingin sa akin," biro niya, sabay kindat."Well, can’t help it. You’re too beautiful," sagot ko naman, na ikinatawa ni Kara."Cheesy!" sabat ni Jacob, ginagaya pa ang tono ko."Hay naku, Jacob!" tawang-tawa na si Kara, sabay haplos sa buhok ng anak namin."Mommy, you’re really beautiful!" singit ni Ellie, sabay yakap sa ina. "And I love you so much!"Napangiti ako habang pinagmamasdan ko sila. Lalaking may pagmamahal at respeto ang mga anak namin, at ang lahat ng ito ay dahil kay Kara.Habang pinagmamasdan ko ang munting pamilya ko, lalong tumibay ang desisyon ko. Gagawin ko ang lahat para mapasaya si Kara. A