Share

Chapter 6

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-03-04 12:56:35

Chapter 6

Kinabukasan

Agad kong pinahanda sa mga katulong ang silid para sa magiging asawa ko. Walang espesyal na dekorasyon, walang kahit anong palamuti na magbibigay ng ideya na ito ay isang kwarto ng isang bagong kasal. Isang simpleng silid, malamig, walang emosyon—tulad ng kasunduang ito.

Tumayo ako sa harap ng malaking bintana ng aking silid, hawak ang tasa ng itim na kape. Sa labas, ang tahimik na paligid ng aking estate ay tila sumasalamin sa lungkot at hinanakit na matagal ko nang kinikimkim.

Isang malakas na katok ang pumukaw sa aking atensyon.

"Pumasok," malamig kong utos.

Bumukas ang pinto, at pumasok si Troy. Kita sa kanyang ekspresyon ang pag-aalinlangan.

"Dumating na siya," aniya.

Hindi ako agad sumagot. Tinungga ko ang natitirang kape bago ibinaba ang tasa sa mesa.

"Nasaan siya?" tanong ko, hindi ipinapahalata ang kung anong nararamdaman ko.

"Nasa sala. Tahimik lang siya. Hindi ko alam kung kinakabahan o takot," sagot niya. "Sigurado ka na ba talaga rito, tol?"

Napangisi ako, ngunit walang init ang aking ngiti. "Huli na para umatras."

Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang sala. Doon, nakita ko siya—si Kara Smith Curtiz, nakaupo sa sopa, walang emosyon ang mukha. Pero alam kong sa ilalim ng kanyang malamig na tingin, may takot at pag-aalinlangan.

Nang maramdaman niyang nakatayo ako sa harapan niya, dahan-dahan siyang tumingala at tumingin sa akin.

"Handa ka na ba?" tanong ko, walang emosyon sa tinig.

Bahagya siyang nag-atubili bago tumango. "Oo."

Matalim kong tinitigan ang mukha niya, hinahanap ang kahit anong senyales ng pagsisisi o panghihina. Ngunit nanatiling matatag ang kanyang ekspresyon.

"Simula ngayon, ikaw ay magiging isang Montero," madiin kong sabi. "At walang makakapigil sa akin para isakatuparan ang lahat ng plano ko."

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin, ngunit sa likod ng kanyang mga mata, alam kong may itinatagong emosyon.

Ngunit wala akong pakialam.

Dahil simula sa araw na ito, siya ay pag-aari ko na.

Tinawag ko si Manang Estrella, ang pinakamatagal nang katulong sa bahay, upang ihatid si Kara sa kanyang magiging silid.

"Manang, dalhin mo siya sa kwarto niya," malamig kong utos, hindi man lang lumingon kay Kara.

Tumango si Manang at hinarap si Kara. "Sumunod ka sa akin, iha."

Tahimik siyang tumayo, dala ang isang maliit na bag—marahil ang iilang gamit na napagdesisyunan niyang dalhin. Walang imik, walang reklamo. Parang isang tauhang sumusunod lang sa utos.

Habang paakyat sila sa hagdan, saglit akong natigilan. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may kung anong bumigat sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang likuran ni Kara.

Hindi, hindi ako dapat mag-alinlangan.

Siya ang susi sa paghihiganti ko.

At sa sandaling ito, siya na ngayon ang pinakamahalagang piyesa sa larong sinimulan ko.

Agad akong kinalabit sa aking kaibigan na si Troy. "Goodluck sa paghihiganti mo, tol!" sabay iling nito at nagpapaalam na uuwi na sa kanyang mansion.

Tiningnan ko lang si Troy habang papalabas siya ng bahay, umiiling-iling pa. Alam kong hindi siya sang-ayon sa plano ko, pero hindi ko rin siya masisisi.

“Bahala na,” bulong ko sa sarili ko bago lumingon patungo sa hagdan kung saan tuluyan nang nawala sa paningin ko si Kara.

Katahimikan ang bumalot sa buong mansyon matapos umalis si Troy. Dumiretso ako sa study at muling binuksan ang laptop ko. May ilang bagong reports tungkol sa Curtiz Corporation ang ipinadala sa akin. Inisa-isa ko ang bawat dokumento, pilit hinahanap ang anumang bahid ng kasalanan ng pamilya niya sa nangyari sa aking mga magulang.

Ngunit sa bawat pahinang binubuksan ko, mas lalong lumalabo ang linya sa pagitan ng galit at pag-aalinlangan.

Napabuntong-hininga ako. Hindi. Hindi ako dapat magpatalo sa mga emosyong ito.

Dahil sa larong ito, ang may pinakamalakas na kontrol ang siyang panalo.

At ako ang dapat magwagi.

"Hindi sila!" bulong ko sa aking sarili.

Napaatras ako sa aking kinauupuan, ramdam ang panlalamig ng aking mga palad. Hindi sila...

Pero paano? Lahat ng ebidensya, lahat ng pinaghirapan kong pagsasaliksik, itinuturo ang pamilya Curtiz bilang dahilan ng trahedyang bumagsak sa pamilya ko. Kaya ako nandito. Kaya ako gumawa ng plano.

Pero kung hindi sila... sino?

Napatingin ako sa screen ng laptop, sa mga dokumentong paulit-ulit kong binasa nitong mga nakaraang taon. May nawawalang piraso sa puzzle na ito, at kung may ibang taong may kinalaman sa pagkamatay ng aking mga magulang—ibig sabihin, nagkamali ako.

At si Kara...

Napakuyom ako ng kamao. Hindi puwedeng magkamali ako. Hindi puwedeng mali ang lahat ng ito.

Pero kung tama ang kutob ko, nangangahulugan lang na may mas malaking sikreto sa likod ng lahat ng ito. At kasal na namin ang susunod na hakbang.

Wala nang atrasan.

Hindi ko namalayan na alas-nuwebe na pala, kung kanina ay alas-syete, kung hindi kinatok ni Manang ay hindi ko napansin.

"Sir Christopher, may tawag kayo sa office!"

Napabuntong-hininga ako at mabilis na isinara ang laptop. Alas-nuwebe na pala. Kung hindi dahil kay Manang, malamang ay hindi ko namalayan ang paglipas ng oras.

Tumayo ako mula sa upuan at tumingin kay Manang Estrella, na nakatayo sa may pintuan ng study.

"Sino?" tanong ko, hindi maitago ang iritasyon sa boses ko.

"Hindi po nagpakilala, sir, pero importante raw po ang pakay," sagot niya, may bahagyang pag-aalala sa mukha.

Mabilis akong lumabas ng study at tinungo ang opisina ko sa loob ng mansyon. Kinuha ko ang telepono at malamig na sumagot.

"Christopher Montero speaking."

Sa kabilang linya, isang pamilyar ngunit matigas na boses ang narinig ko.

"Akala mo ba, kaya mong itago sa akin ang balak mong kasal?"

Napatigil ako. Kilala ko ang boses na iyon. At kung siya na mismo ang tumawag... nangangahulugan lang na hindi lang basta laro ang pinasok ko.

May mas malaking panganib na nag-aabang.

"Andrea—" tanging nasambit ko, ramdam ang bigat ng kanyang pangalan sa aking labi.

Sa kabilang linya, narinig ko ang malamig niyang tawa. "Hindi mo akalaing malalaman ko, ‘no? Christopher, kilala kita. Alam kong may plano ka, at gusto kong malaman… Ano ang tunay mong balak sa Curtiz girl na ‘yan?"

Napatikom ako ng kamao. Alam kong hindi ko siya basta-basta maloloko. Si Andrea ay hindi babaeng madaling palagpasin ang isang bagay na nagpapalungkot sa kanya—lalo na kung ako ang may kinalaman.

"Ano bang pakialam mo?" malamig kong sagot.

"P-pakialam?" Halatang nagpipigil siya ng emosyon. "Damn it, Christopher! Limang taon tayong magkasama, tapos iniwan mo ako nang walang paliwanag! At ngayon, bigla kang magpapakasal sa babaeng hindi mo mahal? Anong kalokohan ‘to?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
A.N.J
Hala, galit na siya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 7

    Chapter 7Napapikit ako, pilit pinapanatili ang kontrol sa sarili. Hindi ko kailangang ipaliwanag ang sarili ko sa kanya. Hindi ko kailangang sabihin ang tunay kong dahilan."Hindi kita kailangang bigyan ng sagot, Andrea," sagot ko nang matigas. "Tapos na tayo. At ang buhay ko ngayon, wala ka nang kinalaman."Tahimik. Ilang segundo bago siya muling nagsalita, mas mahina na ang boses niya pero may bahid ng hinanakit."Hindi ako naniniwala diyan, Christopher. Kilala kita. At kung iniisip mong matatapos mo ang plano mo nang hindi kita naiipit sa gulo mo… nagkakamali ka."Bago pa ako makasagot, ibinaba na niya ang tawag.Napatingin ako sa telepono, ramdam ang paninigas ng panga ko.Andrea…Hindi ko siya dapat alalahanin. Ang dapat kong pagtuunan ng pansin ay ang kasal bukas.Pero bakit may masamang kutob akong may paparating na bagyo—at hindi ko alam kung paano ko ito haharapin?"Hindi kita hahayaan na guluhin ang plano ko, Andrea!" galit kong bulong sa sarili ko habang mahigpit na nakaku

    Last Updated : 2025-03-04
  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 8

    Chapter 8 Kara POV Pagtapak ko pa lang sa loob ng kanyang mansion, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Para akong pinapasok sa isang lugar na hindi ko dapat kinaroroonan. Ngunit pinatatagan ko ang sarili ko—ito ang pinili kong desisyon. Nang ihatid ako ng katulong sa magiging silid ko, agad akong napangiwi nang makita ko ang loob. Walang kahit anong dekorasyon, walang ni isang palamuti o kahit anong bagay na maaaring magbigay ng kaunting aliwalas sa kwarto. Tanging isang lumang single bed lang ang naroon at isang maliit na aparador. Ni aircon ay wala, tanging isang maliit na bentilador lang ang nakapatong sa lamesa sa tabi ng kama. Ganito ba ang tingin niya sa akin? Alam kong hindi ito bahay ko, alam kong isa lang akong Contract Wife, pero hindi ko inasahan na ganito niya ako tatanggapin—parang isang tauhan lang sa bahay na inilagay sa isang lumang kwarto. Napabuntong-hininga ako. Hindi ka pwedeng magreklamo, Kara. Alam ko namang wala akong karapatang umangal. May papel

    Last Updated : 2025-03-04
  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 9

    Chapter 9Christopher POVNapatingin ako sa kanya—diretso, walang bahid ng emosyon. Para bang wala lang sa kanya ang kasunduang ito, na para bang isa lang akong kasosyo sa negosyo at hindi lalaking papakasalan niya bukas.Mabuti. Mas gusto ko ito."Oo," malamig kong sagot. "Sa oras na maisilang mo ang anak ko, makukuha mo ang buong halaga. Walang labis, walang kulang."Tumango siya, tila ba tinatandaan ang bawat salita ko. "Salamat. Gusto ko lang makasigurado."Sigurado? Napangisi ako nang mapakla. Sa sitwasyon naming ito, may makasisigurado ba talaga?"Tapos na ba ang tanong mo?" tanong ko, matigas ang boses."Oo." Hindi na siya naghintay ng sagot ko at agad na lumabas, isinasara nang marahan ang pinto.Nanatili akong nakaupo, nakatitig sa pintong pinadaan niya.Hindi ko alam kung bakit may kung anong gumapang na inis sa dibdib ko.Wala siyang ibang iniisip kundi ang pera.Mabuti. Mas magiging madali ang lahat.Bukas, magiging mag-asawa na kami. At simula roon, wala nang atrasan."Ib

    Last Updated : 2025-03-04
  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 10

    Chapter 10Lumapit si Troy at tinapik ako sa balikat. "Christopher, sigurado ka ba talaga rito?" tanong niya, pero halata sa tono niya na alam na niya ang sagot."Siyempre," sagot ko nang walang pag-aalinlangan."Huwag mo lang pagsisihan kung sakaling bumaliktad ang sitwasyon," aniya bago siya tumingin kay Kara at nagpaalam.Tahimik lang si Kara. Hindi ko alam kung iniisip niya ang pamilya niya o kung pinagsisisihan na niya ang desisyon niyang pumayag sa kasunduan. Pero hindi na mahalaga.Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahan siyang itinayo. "Umalis na tayo," malamig kong utos.Wala siyang imik. Tumayo lang siya at sumunod sa akin. Simula ngayon, siya ang magiging asawa ko—sa papel man o hindi."Sandali!" wika nito. Kaya agad ako napahinto sa paglalakad. "S-saan tayo pupunta?" utal niyang tanong sa akin."Sa kumpanya ko, gusto kong ikaw ang personal secretary ko ngayon maliban sa isa king secretary," malamig kong sagot.Nanlaki ang mata ni Kara sa sinabi ko. Halatang hindi niya in

    Last Updated : 2025-03-04
  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 11

    Chapter 11Hanggang biglang nagsalita ang isang anak ng imbestor ko at nakatingin kay Kara na may paghanga."Mr. Montero, kung mararapatin mo. Gusto kong malaman kung ano ang pangalan sa katabi mong magandang dilag?" ngiti nitong sabi.Nakakuyom ang kamao ko sa kanyang sinabi.Malamig kong itinama ang tingin ko sa kanya bago ako nagsalita."Hindi siya bahagi ng negosasyon, Mr. Villacruz," malamig kong sagot. "Kung nandito ka para sa business, manatili tayo sa usapang negosyo."Nakita kong bahagyang nanigas si Kara sa tabi ko, halatang nagulat sa naging tono ko. Samantalang si Villacruz, sa halip na mainis, ay nagpatuloy sa kanyang mapanuksong ngiti."Pasensya na, Mr. Montero," aniya, hindi pa rin inaalis ang tingin kay Kara. "Hindi ko lang maiwasang mapansin ang kagandahan ng iyong kasama. Siguro naman, wala namang masama kung—"Pinutol ko ang sasabihin niya. "Kung tungkol sa business proposal ang pakay mo, ituloy natin. Kung hindi, sayang ang oras ko."Mabigat ang katahimikang bumalo

    Last Updated : 2025-03-04
  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 12

    Chapter 12Kara POVPagkasara ko ng pinto, napahinga ako nang malalim, pinipigilan ang inis na bumabalot sa akin. Ang yabang talaga ng lalaking ‘yon! Hindi ko alam kung anong problema niya, pero pakiramdam ko, wala siyang ibang alam gawin kundi ang utusan ako at kontrolin ang bawat galaw ko.Bitbit ang natitirang inis, bumalik ako sa desk ko sa labas ng opisina niya. Mara, ang assistant niya, napansin agad ang ekspresyon ko at napangiti."Parang hindi maganda ang timpla ni boss ngayon, ha?" tukso niya habang inaayos ang mga papel sa lamesa.Napabuntong-hininga ako at umupo sa silya ko. "Ewan ko sa kanya. Ang init ng ulo kahit wala namang dahilan. Pati kape, pinapaulit-ulit pa."Tumawa si Mara. "Normal ‘yan kay Sir Christopher. Perfectionist ‘yan sa lahat ng bagay—pati sa kape. Masanay ka na."Perfectionist o pahirap? Hindi ko na lang sinabi nang malakas at sa halip ay tinutok ang sarili sa mga papeles sa harapan ko.Ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko maialis sa isip ko ang titig ni

    Last Updated : 2025-03-05
  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 13

    Chapter 13"Pero ito ang kinatatakutan naming lahat, may ibang nagpasimuno kung bakit nangyari lahat na ito. Isang kaibigan daw sa ama ni sir ang dahilan kung bakit na car sila," seryoso nitong sabi.Napasinghap ako sa sinabi ni Mara. Ibig sabihin, hindi iyon ordinaryong aksidente?"Anong ibig mong sabihin, Mara?" bulong ko, bahagyang lumapit sa kanya. "May ibang taong may kagagawan ng nangyari?"Tumango siya, bumaba ang boses na parang may iniingatang sikreto. "Oo, iyon ang usap-usapan. May taong nagtaksil sa pamilya ni Sir Christopher. Isang matalik na kaibigan ng kanyang ama. Hindi lang basta aksidente iyon—planado ang nangyari."Nanlamig ang katawan ko sa rebelasyong iyon. Ibig sabihin, sinadya ang pagkamatay ng kanyang pamilya?"Sino?" tanong ko agad. "Alam ba ni Sir Christopher kung sino ang may kasalanan?"Umiling si Mara. "Hindi ko sigurado. Pero ayon sa mga lumang tauhan ng pamilya Montero, matagal nang nag-iimbestiga si Sir Christopher tungkol dito. Hanggang ngayon, hindi pa

    Last Updated : 2025-03-05
  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 14

    Chapter 14Bahagyang napangisi si Christopher, pero hindi ko matiyak kung nang-aasar lang siya o seryoso."Hindi masamang ideya 'yan," malamig niyang sagot habang inilalagay ang kamay sa bulsa. "Pero wala akong alagang hayop na mahilig sa tao."Lalo akong kinabahan. Napalunok ako at nilingon ang paligid—madilim na ang kalangitan, at ang paligid ng bahay ay napapaligiran ng naglalakihang puno."Hindi ito nakakatawa, Christopher," mariin kong sabi. "Kung balak mo akong takutin, well... effective."Hindi siya sumagot, bagkus ay naglakad siya papunta sa pinto at binuksan ito. "Pumasok ka na. O gusto mong maiwan sa labas kasama ang kung anumang nandiyan?"Napalunok ulit ako. "M-may kung ano sa labas?"Imbes na sumagot, tinitigan lang niya ako na parang iniisip kung totoo bang takot ako o nagpapanggap lang. Sa gilid ng mata ko, nakita kong si Jacob ay tahimik lang na nakatingin sa akin, parang hinihintay ang magiging reaksyon ko.Huminga ako nang malalim. Wala kang choice, Kara. Lakasan mo

    Last Updated : 2025-03-05

Latest chapter

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 117

    Chapter 117 Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya. "WHAT?!" sigaw naming apat. "Hindi ito basta basta! Dapat maayos ang pagkakatanim n'yo. Kung hindi, uulitin n'yo ulit!" matigas niyang sabi. Lalong lumalim ang pagsisisi sa mukha ni Lance. "Chris, pagkatapos nito, may utang ka sa akin!" singhal niya. Si Richard naman ay napa-facepalm. "Tol, sana sinabi mong survival training pala ‘to!" Miguel, na halos hindi na makita sa dami ng putik sa katawan, ay huminga ng malalim at sinabing, "Kung hindi ko lang mahal ang pera, hindi ko ‘to gagawin!" Nagtawanan sina Kara at Kiara sa gilid. Si Mama Curtis naman ay nakangiti lang habang nagmamasid sa amin. Huminga ako nang malalim. "Okay, boys. Game na! Para kay Kara ‘to!" At sabay-sabay naming sinimulan ang pagtatanim ng palay—kahit pa tuloy-tuloy ang reklamo, tawa, at pagkadulas namin sa putikan.“Tol… pantay ba ‘to?” tanong ni Miguel habang halos gumapang na sa pilapil, hawak ang isang punla ng palay na parang baril sa gera.“Putek, pa

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 116

    Chapter 116Chris POV"Fuck, tol! Sinali pa talaga mo kaming dalawa," reklamo ni Richard."Tang-ina, paano kung may worm d'yan!" takot na sabi ni Miguel.Alam ko na takot sila lalo na ako dahil first time kaming tatlong umapak ng palay.'Shit, paano kung may nakatira d'yan sa ilalim?!' usal ko sa aking isipan.Napalunok ako habang nakatitig sa malawak na palayan sa harapan namin. Ang putik ay parang gustong lamunin ang aming mga paa, at sa tuwing naiisip kong may kung anong gumagapang sa ilalim, parang gusto ko nang umatras."Tol, hindi ko na 'to kaya. Pwede bang ibang pagsubok na lang?" bulong ni Richard habang dahan-dahang inilalapit ang isang paa sa putikan pero mabilis ding binawi."Tang-ina, Chris! Kung may bulate d'yan, uuwi na 'ko sa Manila!" sigaw ni Miguel habang nagtatatalon paalis sa pilapil.Napapikit ako at napailing. Hindi pwedeng umatras. Kung gusto kong makuha si Kara nang buo, kailangan kong ipakita sa pamilya niya na kaya kong harapin kahit ang mga kinatatakutan ko.

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 115

    Chapter 115Kinabukasan.Narinig ko na lamang sa sala ng mansyon namin ang pagdaing sa tatlong nalasing kagabi. Kaya lumabas ako sa silid saka ako nagtungo doon.Pagdating ko sa sala, bumungad agad sa akin ang tatlong mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.Si Chris ay nakasubsob sa sofa, hawak-hawak ang ulo niya na parang iniinda ang matinding sakit. Si Richard naman ay nakaupo sa sahig, hawak ang isang baso ng tubig pero hindi niya maituloy inumin. Samantalang si Miguel, nakasandal sa dingding at nakapikit, waring nagpapanggap na patay para lang hindi mapagalitan."Ano? Masarap ba ang lambanog?" tanong ko na may halong panunukso.Napangiwi si Chris bago ako tiningnan. "Hon, ‘wag ka munang maingay... parang may marching band sa loob ng ulo ko."Si Richard naman ay nagbuntong-hininga. "Hindi ko alam kung paano kayo umiinom nito sa probinsya, pero ngayon lang ako nagkaroon ng hangover na parang nabangga ako ng trak!"Biglang dumilat si Miguel at sumingit, "Correction! Para tayong naba

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 114

    Chapter 114Kara POVMukhang lasing na si Chris pati ang dalawa nitong kaibigan dahil kung anu-ano na ang sinabi. Habang ang dalawa aming anak na sina Jacob at Ellie na matulog na.Pinagmamasdan ko si Chris na namumula na ang mukha habang nakahilig sa upuan. Kasama niya sina Richard at Miguel, na halatang tinamaan na rin ng lambanog."Kara, mahal na mahal kitaaa!" biglang sigaw ni Chris, dahilan para matawa ang mga tao sa paligid."At ikaw, Mr. Curtis!" itinuro niya ang papa ko. "Mahal ko po ang anak ninyo at wala nang makakapigil sa akin na pakasalan siya!"Napailing ako at napangiti. Kahit lasing, seryoso pa rin siya sa nararamdaman niya."Kara, I swear! Kahit utusan mo akong mag-araro ng palayan bukas, gagawin ko!" dagdag pa niya."Bukas? Eh baka hindi ka na makabangon niyan!" natatawang singit ni Miguel."Tol, ang tindi ng tama mo! Pero saludo ako sa’yo!" ani Richard habang hinahampas si Chris sa balikat."Haaay naku, paano ko ba kayo iuuwi niyan?" bulong ko sa sarili ko.Lumapit

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 113

    Chapter 113 Ngumiti siya nang pilyo. "May huling hamon pa. At ito ang pinakamahirap." Nagkatinginan ang lahat. Napalunok ako, pero hindi ako umurong. "Handa ka na ba?" tanong ni Mr. Curtis. Tumango ako. "Para kay Kara at sa pamilya namin—handa ako." "Tol.....!" bigla ako napalingon ng kilala ang tinig na tumawag. Walang iba kundi si Richard ang judge kong kaibigan kasama din niya si Miguel nakangising nakatingin sa akin na parang inaasar ako. Napakunot ang noo ko nang makita ko sina Richard at Miguel na parehong nakangisi habang nakatayo sa harapan ko. "Anong ginagawa n'yo rito?" tanong ko habang pinupunasan ang pawis sa noo. Richard tumawa at tinapik ang balikat ko. "Balita ko, sinusubok ka raw bago makuha ang kamay ni Kara. Hindi ko pwedeng palampasin 'to!" Miguel, na mas lalo pang nang-asar, sumandal sa pader at natawa. "Tol, hindi ko akalain na ang isang Chris Montero ay maghihirap para lang sa pagmamahal. Pero aminado ako, hanga ako sa'yo." Umiling ako at ngumiti. "

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 112

    Chapter 112Lumipas ang tatlong araw, at ngayon, narito ako sa harapan ng buong pamilya ni Kara upang muling mamanhikan. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin, nais kong gawin itong tama—ang hingin muli ang kamay niya sa tamang paraan, sa harap ng kanyang pamilya.Kaharap ko ngayon si Mrs. Curtis, na seryosong nakatingin sa akin. Alam kong hindi pa rin niya lubos na tinatanggap ang nakaraan ko, pero narito ako upang patunayan na karapat-dapat akong maging parte ng pamilya nila.Sa gilid niya ay ang bunsong kapatid ni Kara, si Kiara, na may katabing isang lalaking ngayon ko lang nakita. Hindi ko sigurado kung sino siya—kasintahan ba niya o kaibigan lamang? Tahimik lang silang dalawa, pero halatang interesado sila sa magiging sagot ng pamilya.Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Mrs. Curtis, alam kong marami akong nagawang mali noon. Alam kong minsan akong naging dahilan ng sakit ng loob niyo, pero mula noon, nagbago na ako. Hindi lang para kay Kara, kundi para sa pamilya naming

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 111

    Chapter 111Chris POVNapabuntong-hininga ako habang nakatingin kay Mr. Curtis. Alam kong biro man ang tono ng iba, seryoso siya sa sinabi niya. Pero kung ito ang paraan para tuluyang tanggapin niya ako bilang asawa ni Kara, wala akong dahilan para umatras."Handa akong harapin ang kahit sino, Mr. Curtis," sagot ko nang diretsahan. "Hindi ko lang gustong pakasalan muli si Kara, gusto kong patunayan na karapat-dapat ako sa kanya at sa pamilya niya."Napansin kong saglit na lumambot ang ekspresyon ni Mr. Curtis bago niya ako tinitigan ulit nang matalim. "Then prove it.""Chris, kaya mo ‘yan!" singit ni Ellie habang nakayakap sa binti ko. "Magiging best daddy ka na talaga!"Napangiti ako at kinarga siya. "Of course, baby girl. Gagawin ko ang lahat para sa inyo ni Jacob.""Yuck! Ang cheesy mo, Dad!" hirit ni Jacob, pero halata ang ngiti sa mukha niya.Natawa si Kara at hinila ako papalapit sa kanya. "You don’t have to prove anything, Chris. Mahal kita, at alam kong mahal mo ako. That’s al

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 110

    Chapter 110Kara POVHindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko habang yakap si Daddy. Sa wakas, tinanggap na rin niya si Chris. Alam kong hindi madali para sa kanya, lalo na’t nasaktan siya noon sa ginawa ni Chris sa amin. Pero ngayon, alam kong unti-unting gumagaan ang lahat.Nang lumuwag ang yakap namin, napatingin ako kay Chris. May lungkot at tuwa sa kanyang mga mata, parang hindi siya makapaniwala na unti-unting gumaganda ang takbo ng buhay namin. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon, parang sinasabi sa akin na hindi niya ako bibiguin."Dad, salamat," mahina kong sabi. "I promise, hindi mo na kailangang mag-alala."Napatingin si Daddy kay Chris bago tumango. "Huwag mo na silang saktan, Chris," babala niya. "Dahil kung mangyayari ulit iyon, kahit pa tinanggap na kita ngayon, hindi na ako magdadalawang-isip na ipaglaban ang anak at mga apo ko."Tumango si Chris, seryoso ang ekspresyon. "Alam ko po iyon, Mr. Curtis. At hindi ko na hahayaan pang masaktan silang muli."

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 109

    Chapter 109Kinagabihan, habang nasa sala kami at nanonood ng pelikula, panay ang silip ko kay Kara. Nakatutok siya sa pelikula habang yakap si Ellie, at si Jacob naman ay nasa kabilang gilid, subo-subo ang popcorn."Chris, okay ka lang?" tanong ni Kara, napapansin marahil ang aking kakaibang kilos."Ha? Oo naman," sagot ko agad, pilit na ngumiti."Sure ka? Kanina ka pa panay ang tingin sa akin," biro niya, sabay kindat."Well, can’t help it. You’re too beautiful," sagot ko naman, na ikinatawa ni Kara."Cheesy!" sabat ni Jacob, ginagaya pa ang tono ko."Hay naku, Jacob!" tawang-tawa na si Kara, sabay haplos sa buhok ng anak namin."Mommy, you’re really beautiful!" singit ni Ellie, sabay yakap sa ina. "And I love you so much!"Napangiti ako habang pinagmamasdan ko sila. Lalaking may pagmamahal at respeto ang mga anak namin, at ang lahat ng ito ay dahil kay Kara.Habang pinagmamasdan ko ang munting pamilya ko, lalong tumibay ang desisyon ko. Gagawin ko ang lahat para mapasaya si Kara. A

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status