Chapter 1
Kara POV Nakatitig ako sa papel na hawak ko—isa na namang rejection letter mula sa kumpanyang inaplayan ko kanina lang. Ilang beses na ba akong nabigo? Hindi ko na mabilang. Sa bawat pagtanggi, parang unti-unting bumibigat ang mundo sa balikat ko. “Pasensya na po, Miss Curtiz, pero hindi kayo pasado sa qualifications namin.” Isa na namang pamilyar na linya. Sa totoo lang, alam ko namang hindi lang ito tungkol sa qualifications. Ang apelyido kong minsang kinakatakutan dahil sa yaman at impluwensya, ngayon ay parang sumpa na nagtataboy sa akin sa bawat pintong aking kakatukin. Huminga ako nang malalim at tiningnan ang paligid. Ang daming taong nagmamadali—mga empleyadong may patutunguhan, may layunin. Samantalang ako, para akong napag-iwanan ng mundo. Napatingin ako sa cellphone ko. 5 missed calls from Mom. Alam kong tatawag siya upang tanungin kung may trabaho na ako. Kung may pag-asa bang mababayaran na namin ang utang ng ospital ni Papa. Kung may pambili na ba kami ng gamot niya. Napapikit ako at pilit na nilabanan ang namumuong luha sa aking mga mata. Hindi ako dapat sumuko. Lumakad ako papunta sa isang maliit na coffee shop sa tabi ng gusali. Kailangan kong magpahinga at mag-isip. Pagkaupo ko, tinanggal ko ang takong ng sapatos ko at marahang minasahe ang paa kong halos mamaga na sa kakalakad. Minsan iniisip ko, ano kaya ang pakiramdam ng hindi nag-aalala kung may kakainin pa bukas? Napabuntong-hininga ako at sinimulang tignan ang mga job postings sa phone ko. Pero bago ko pa ma-scroll pababa, biglang tumunog ang cellphone ko. Unknown Number. Sino ito? Dahil baka emergency, agad kong sinagot. “Hello?” Saglit na katahimikan. Hanggang sa may isang malamig ngunit matigas na tinig na nagsalita mula sa kabilang linya. “Miss Kara Smith Curtiz?” Napakunot ang noo ko. “Sino ‘to?” “Hindi na mahalaga kung sino ako. Mas mahalagang malaman mo ang alok ko.” Nagtagal muna siya bago nagsalita muli, at nang gawin niya ito, halos muntik kong mabitawan ang cellphone ko. “Five million pesos. Kailangan ko ng asawa. At napili kitang pakasalan.” Nanigas ako sa kinauupuan ko. Ano? Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Five million pesos? Asawa? Napatingin ako sa cellphone ko na parang may kung anong multo ang biglang lumitaw mula rito. “Excuse me?” halos pabulong kong tanong, pilit na iniisip kung tama ba ang narinig ko. “Alam kong nagigipit ka, Miss Curtiz,” malamig ngunit matigas na boses ang nagsalita sa kabilang linya. “At alam kong wala kang ibang opsyon.” Napalunok ako. Sino ang lalaking ito? Paano niya nalaman ang tungkol sa akin? At bakit siya nag-aalok ng ganoong klaseng kasunduan? “Hindi ko alam kung anong trip mo, pero—” “Wala akong oras para sa pagtanggi mo,” putol niya sa akin. “Five million pesos para magpakasal ka sa akin. Walang personal na damdamin. Isang pirma lang sa kontrata at matatanggap mo ang pera.” Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko—matatakot ba ako o mapapaisip? Five million. Sa isang iglap, matatapos ang paghihirap ng pamilya ko. Mababayaran ang utang sa ospital. Magkakaroon ng gamot si Papa. Hindi na ako kailangang magpagal sa kakahanap ng trabahong hindi ako tinatanggap. Pero kapalit nito… kasal sa lalaking hindi ko kilala. Napapikit ako, sinusubukang pigilan ang mabilis na tibok ng puso ko. “Sino ka?” tanong ko, pilit pinapanatili ang matatag na boses. Muli siyang natahimik saglit bago sumagot, “Hindi mo kailangang malaman kung sino ako ngayon.” Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ko. Ano ‘to, laro? “At paano ako makakasigurong totoo ang sinasabi mo?” “Magkita tayo bukas. 3 PM. Grand Imperial Hotel, penthouse suite.” Pagkasabi niya niyon, bigla na lang niyang binaba ang tawag. Naiwan akong nakatulala, mahigpit na hawak ang cellphone ko. Ano ‘tong pinasok ko? Nakatitig lang ako sa cellphone ko, hindi pa rin makapaniwala sa tawag na natanggap ko. Limang milyon kapalit ng kasal? Para akong nasa isang pelikula kung saan ang bidang babae ay binibigyan ng isang di kapanipaniwalang alok ng isang misteryosong bilyonaryo. Pero ang totoo… wala akong ideya kung sino siya. Malamig ang tono niya, parang sanay sa pagdidikta. Ni hindi man lang nagpakilala. At ang mas nakakapagtaka—paano niya nalaman ang tungkol sa akin? Alam niyang gipit ako. Alam niyang walang-wala ako. Napalunok ako at napayuko, pinaglalaruan ang baso ng malamig nang kape sa harapan ko. Ano ba ‘to, Kara? Wala ka na bang ibang paraan kaya pati sarili mo, ibebenta mo na? Napailing ako sa sarili kong iniisip. Hindi, hindi ito pagbebenta ng sarili. Isa itong kasunduan—isang kontrata. Pero ano ang magiging kapalit? Bukod sa kasal, ano pa? Napatingin ako sa paligid ng coffee shop. Mga taong masaya at walang iniintinding problema. May magkasintahang nagtatawanan sa sulok, isang lalaking abala sa laptop niya, at isang pamilya na mukhang nag-eenjoy sa kanilang bonding. Samantalang ako? Nakaupo rito, pinag-iisipan kung ipagbibili ko ang sarili ko sa isang estranghero. Napakagat-labi ako at pinigilan ang luha na namumuo sa mata ko. Kung hindi lang nakaratay si Papa, siguradong hindi niya ako hahayaang dumaan sa ganitong sitwasyon. Siya ang laging nagsasabi sa akin noon, "Kara, anak, huwag mong ibababa ang sarili mo. May halaga ka." Pero paano kung ang tanging paraan para maibangon ko ang pamilya ko ay ang tanggapin ang alok na ito? Bumuntong-hininga ako at kinuha ang cellphone ko. Nakita ko ang mga text ni Mama. Mama: Anak, okay ka lang ba? Tawagan mo ako kung may balita ka sa trabaho mo, ha? Mama: Nasa ospital si Papa mo. Nagkaroon siya ng panibagong atake. Hindi ko alam kung anong gagawin natin. Halos mabitawan ko ang cellphone ko. Panibagong atake?! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Paano na ang mga bayarin sa ospital? Paano ang gamot ni Papa? Wala na kaming pera! Napapikit ako at mahigpit na hinawakan ang cellphone ko. Kailangan kong magdesisyon. Kaya ko bang lunukin ang pride ko para sa pamilya ko?Chapter 2Mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan ko, kinuha ang bag ko, at halos patakbong lumabas ng coffee shop. Sa pagmamadali ko, muntik na akong mabangga ng isang lalaking papasok pa lang.“Miss, ayos ka lang?” tanong niya, pero hindi ko na nagawang sumagot.Wala akong ibang iniisip kundi ang makarating agad sa ospital.Habang nasa loob ng lumang jeep na sinakyan ko, hindi ko mapigilan ang panlalamig ng kamay ko. Isa na namang atake? Hindi pa nga namin nababayaran ang unang hospital bill, tapos heto na naman…Napasandal ako at napatingin sa labas ng bintana. Ang bigat-bigat sa dibdib.Maya-maya lang, nakarating na ako sa ospital. Dali-dali akong bumaba at halos magkandarapa sa pagtakbo papasok. Sa nurse station, hingal na hingal akong nagtanong.“Nasaan si Mr. Smith Curtiz?!”Agad akong tinuro ng nurse sa isang private room. Pagpasok ko, bumungad sa akin si Mama na nakaupo sa tabi ng kama ni Papa. Halata sa mukha niya ang pagod at lungkot.“Ma…” halos paos kong tawag.Napatingin
Chapter 3Napahinto ako sa may entrance ng hotel, tila may aninong humahatak sa akin palayo. Ang daming tanong sa isip ko—Tama ba 'tong ginagawa ko? Sino ba talaga lalaki na ito?Napalunok ako. Paano kung isa siyang matabang matanda? O isang panot na may tiyan na parang lobo? O baka naman isang payat na may malalaking mata?Naguguluhan pa rin ako nang biglang lumapit sa akin ang isang babae—maganda, pino ang kilos, at mukhang sanay sa ganitong klase ng lugar.“Miss Kara Smith Curtiz?” magalang niyang tanong.Agad akong napatingin sa kanya. “A-Ako po.”Bahagya siyang ngumiti. “Kanina pa po kayong hinihintay ni Mr. Montero sa itaas. Pakisunod po ako.”Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Kanina pa? Ibig sabihin, seryoso talaga siya sa pagkikita namin.Wala akong nagawa kundi sumunod sa babae. Sinamahan niya ako sa elevator at pinindot ang button para sa VIP floor. Lalong lumakas ang kaba ko. Anong klaseng tao ba ang naghihintay sa akin sa itaas?Habang tumataas ang elevator, pakiramdam ko
Chapter 4 "Sandali, pwede bang walang makakaalam muna?" Agad akong nagsalita bago pa niya maisara ang envelope ng kontrata. "Gusto kong ako muna ang magsabi kay Mama. Ayokong mabigla siya. Maaari ba?" Tahimik siyang tumitig sa akin, tila iniisip kung pagbibigyan ba niya ako o hindi. Halos pigil ang hininga ko habang hinihintay ang sagot niya. Maya-maya, bahagyang tumango siya. "Fine. Pero hanggang kailan?" "Bigyan mo ako ng isang linggo. Kailangan ko lang siyang ihanda." Napangisi siya nang bahagya. "One week, huh? Mukhang may dahilan kung bakit gusto mo pang itago ito." Napakuyom ako ng kamao. "Hindi ko ito itinatago. Ayoko lang na mag-alala si Mama nang biglaan." Hindi siya sumagot agad. Sa halip, uminom siya ng alak mula sa baso sa harap niya bago muling nagsalita. "Fine. One week. Pero pagkatapos niyan, gusto ko nang matapos ang lahat ng pag-aayos. Lilipat ka na sa bahay ko." Para akong sinampal ng katotohanan. Totoo na talaga ‘to. "Salamat." Mahina kong sabi. T
Chapter 5Christopher POV"Tol, sigurado kana ba?" sabi sa akin ni Daniel isa sa mga kaibigan ko. Pagkatapos naming mag-usap sa office ni Kara ay agad akong pumunta sa bar para uminum."Oo, pamamagitan sa kanilang anak ay makaganti ako sa kanilang pag ginawa sa aking magulang.""Pero, you need investigate more. Baka hindi sila ang dahilan pagka-aksidinte nila ni Tita," bigkas ni Troy.Sinilip ko ang basong nasa harapan ko, ang whiskey na kanina ko pa iniinom ay hindi man lang nabawasan. Hindi ko alam kung dahil ba sa bigat ng alaala o dahil sa salitang binitiwan ni Troy."Sigurado na ako," mariin kong sagot. "Kara Smith Curtiz ang magiging daan para makuha ko ang hustisya."Napalunok si Daniel bago nagsalita. "Pero, tol... kung hindi sila ang tunay na dahilan? Paano kung wala siyang kinalaman?"Natawa ako nang mapakla. "Then, malas niya. Isa siyang Curtiz. Iyon lang ang mahalaga."Tahimik na nagpalitan ng tingin sina Daniel at Troy. Alam kong pareho silang may pag-aalinlangan, pero wa
Chapter 6KinabukasanAgad kong pinahanda sa mga katulong ang silid para sa magiging asawa ko. Walang espesyal na dekorasyon, walang kahit anong palamuti na magbibigay ng ideya na ito ay isang kwarto ng isang bagong kasal. Isang simpleng silid, malamig, walang emosyon—tulad ng kasunduang ito.Tumayo ako sa harap ng malaking bintana ng aking silid, hawak ang tasa ng itim na kape. Sa labas, ang tahimik na paligid ng aking estate ay tila sumasalamin sa lungkot at hinanakit na matagal ko nang kinikimkim.Isang malakas na katok ang pumukaw sa aking atensyon."Pumasok," malamig kong utos.Bumukas ang pinto, at pumasok si Troy. Kita sa kanyang ekspresyon ang pag-aalinlangan."Dumating na siya," aniya.Hindi ako agad sumagot. Tinungga ko ang natitirang kape bago ibinaba ang tasa sa mesa."Nasaan siya?" tanong ko, hindi ipinapahalata ang kung anong nararamdaman ko."Nasa sala. Tahimik lang siya. Hindi ko alam kung kinakabahan o takot," sagot niya. "Sigurado ka na ba talaga rito, tol?"Napangis
Chapter 7Napapikit ako, pilit pinapanatili ang kontrol sa sarili. Hindi ko kailangang ipaliwanag ang sarili ko sa kanya. Hindi ko kailangang sabihin ang tunay kong dahilan."Hindi kita kailangang bigyan ng sagot, Andrea," sagot ko nang matigas. "Tapos na tayo. At ang buhay ko ngayon, wala ka nang kinalaman."Tahimik. Ilang segundo bago siya muling nagsalita, mas mahina na ang boses niya pero may bahid ng hinanakit."Hindi ako naniniwala diyan, Christopher. Kilala kita. At kung iniisip mong matatapos mo ang plano mo nang hindi kita naiipit sa gulo mo… nagkakamali ka."Bago pa ako makasagot, ibinaba na niya ang tawag.Napatingin ako sa telepono, ramdam ang paninigas ng panga ko.Andrea…Hindi ko siya dapat alalahanin. Ang dapat kong pagtuunan ng pansin ay ang kasal bukas.Pero bakit may masamang kutob akong may paparating na bagyo—at hindi ko alam kung paano ko ito haharapin?"Hindi kita hahayaan na guluhin ang plano ko, Andrea!" galit kong bulong sa sarili ko habang mahigpit na nakaku
Chapter 8 Kara POV Pagtapak ko pa lang sa loob ng kanyang mansion, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Para akong pinapasok sa isang lugar na hindi ko dapat kinaroroonan. Ngunit pinatatagan ko ang sarili ko—ito ang pinili kong desisyon. Nang ihatid ako ng katulong sa magiging silid ko, agad akong napangiwi nang makita ko ang loob. Walang kahit anong dekorasyon, walang ni isang palamuti o kahit anong bagay na maaaring magbigay ng kaunting aliwalas sa kwarto. Tanging isang lumang single bed lang ang naroon at isang maliit na aparador. Ni aircon ay wala, tanging isang maliit na bentilador lang ang nakapatong sa lamesa sa tabi ng kama. Ganito ba ang tingin niya sa akin? Alam kong hindi ito bahay ko, alam kong isa lang akong Contract Wife, pero hindi ko inasahan na ganito niya ako tatanggapin—parang isang tauhan lang sa bahay na inilagay sa isang lumang kwarto. Napabuntong-hininga ako. Hindi ka pwedeng magreklamo, Kara. Alam ko namang wala akong karapatang umangal. May papel
Chapter 9Christopher POVNapatingin ako sa kanya—diretso, walang bahid ng emosyon. Para bang wala lang sa kanya ang kasunduang ito, na para bang isa lang akong kasosyo sa negosyo at hindi lalaking papakasalan niya bukas.Mabuti. Mas gusto ko ito."Oo," malamig kong sagot. "Sa oras na maisilang mo ang anak ko, makukuha mo ang buong halaga. Walang labis, walang kulang."Tumango siya, tila ba tinatandaan ang bawat salita ko. "Salamat. Gusto ko lang makasigurado."Sigurado? Napangisi ako nang mapakla. Sa sitwasyon naming ito, may makasisigurado ba talaga?"Tapos na ba ang tanong mo?" tanong ko, matigas ang boses."Oo." Hindi na siya naghintay ng sagot ko at agad na lumabas, isinasara nang marahan ang pinto.Nanatili akong nakaupo, nakatitig sa pintong pinadaan niya.Hindi ko alam kung bakit may kung anong gumapang na inis sa dibdib ko.Wala siyang ibang iniisip kundi ang pera.Mabuti. Mas magiging madali ang lahat.Bukas, magiging mag-asawa na kami. At simula roon, wala nang atrasan."Ib
Chapter 167 Nilapitan ako ni Enzo, hawak ang satellite phone. Enzo: “Boss, air route secured. In place na rin ang C4 sa dalawang possible escape tunnel. Once we enter, no one gets out—unless it’s in a body bag.” Tumango ako. “Good. Umpisahan ang infiltration sa South Sector. Ako mismo ang bababa sa command center.” Nagbuntong-hininga ako, pinikit ang mga mata sa loob ng ilang segundo. Sumagi sa isip ko si Kara… ang ngiti niya, ang mata niyang puno ng lambing—na ngayo’y hindi niya ako maalala. Pero hindi ito oras para sa damdamin. Bumalik ako sa pagiging si Uncle M —ang taong kinatatakutan ng mga sindikato, ang anino sa likod ng mga pagkabura ng cartel, at ang taong may pangakong bubuwagin ang imperyong tinayo nina Alberta at Valentin gamit ang dugo nilang dalawa. Chris: “Pag nakuha ko na si Valentin… ako ang huling makikita ng mata niya bago siya mawalan ng hininga.”At sa gabing ito, uulan ng bala sa kuta nila. Location: Perimeter ng underground facility, Alberta,
Chapter 166 Lumapit sa akin si Enzo, ang aking second-in-command, suot ang itim na tactical gear habang nakapatong ang comms headset sa kanyang tainga. "Boss, all units are in position. Hacker is ready. Countdown starts in 10." Tumango ako at humigpit ang hawak ko sa baril. "Walang sablay, Enzo. Ayokong may makatakas. Sergei ends tonight." "Understood, sir. We've got your back." Pumasok ako sa armored vehicle na nakaabang. Sa likod ng salamin, tanaw ko ang malamig at mabangis na kagubatan ng Quebec. Tahimik. Pero ang katahimikan ay panandalian lang—dahil ilang segundo na lang ay lalagablab ito sa putukan ng hustisya. 10 minutes later Inside Sergei’s stronghold – Perimeter breach BOOM! Sumabog ang harap ng kampo. Nagtakbuhan ang mga tauhan ni Sergei, agad din silang tinamaan ng precision sniper shots mula sa kakahuyan. Hindi nila alam, isa lang ‘yon sa mga distraction. Habang sila ay abala, kami ni Enzo at ang core assault team ay dumaan sa underground tunnel. Ilang
Chapter 165Habang kumakabog ang alarma, pinanood ko ang katawan ni Ivanka habang unti-unting binabalot ng dugo ang marmol sa ilalim ng kanyang paanan.10 minutes later... countdown aborted.Blade: “Facility is rigged. We plant C4, exfil in 6.”Raven: “All data secured. Specter… is done.”Tumayo ako sa gitna ng command center."This is for Kara.""For Ellie. For Jacob.""Let hell swallow you all."EXT. SIBERIAN TUNDRA – NIGHTBOOOOOOOM!!!Sumabog ang buong base, parang nilamon ng impyerno ang Specter.Hindi ako lumingon.Nice—diretso tayo sa kalaban.Location: Istanbul, Turkey – Next Target: Azael VoranovSa bawat galaw ng Specter, may bakas ng dugo. At ang kasunod na pangalan sa listahan—isang multo ng black-market arms dealing at intel corruption: Azael Voranov. Half-Turkish, half-Russian, pero buong demonyo kung kumilos.Hindi siya tulad ni Ivanka na may kontrol sa teknolohiya. Si Azael—tao ng karahasan. Ang laruan niya: biological warfare, torture experiments, at rogue mercenaries
Chapter 164Madilim ang paligid. Tanging ang mahihinang ilaw ng mga overhead cranes ang nagbibigay-liwanag sa kalat-kalat na containers. Naka-silent mode kami. Walang ingay. Walang hangin. Tahimik—pero mapanganib. Parang saglit lang na katahimikan bago ang isang malakas na pagsabog.Sa earpiece, marahang bulong ni Blade:"Target confirmed. Three men unloading from the black van. Armed. Movement inside container B-7.""Execute silently. No witnesses." malamig kong utos habang sumenyas kay Raven sa kabilang gilid ng pier.Sumunod ang lahat. Hindi na kailangang ulitin.Isa. Dalawa. Tatlong kalaban. Tumpak ang bawat bala—sa ulo, walang ingay. Walang drama. Nahulog ang katawan ng una sa sahig, ang dugo nito'y dumikit sa gulong ng van.Lumapit ako sa container B-7. Dinikit ko ang thermal pad sa pinto. May tatlo sa loob, abalang nagbubukas ng wooden crates—mga high-tech surveillance implants na galing pa raw Europe. Para saan? Para sa susunod na digmaan?Hindi na ‘yon mahalaga.BLAM!Pinasab
Chapter 163 Chris POV Nakatayo ako ngayon sa taas ng isang gusali, tanaw mula sa sniper scope ang ilang kalaban na patuloy pa ring gumagala’t nagpaplano ng susunod na hakbang. Pero para sa akin—tapos na ang laro nila. Isa-isa ko silang tatapusin. Sa bawat silahis ng araw, sa bawat patak ng dugo, tanging ang mukha ni Kara ang bumabalik sa isipan ko. Ang mukha niyang puno ng takot… ang mga matang dati’y laging may ngiti, ngayo’y wala na ni isang bakas ng alaala ko. Ang sakit nun. Pero hindi ito ang panahon para madala sa emosyon. “Hindi pa panahon, Kara…” bulong ko sa hangin habang unti-unti kong tinipon ang mga tauhan ko para sa final clean-up. Gusto kong yakapin siya. Sabihin sa kanya na: "Don't worry, everything's alright." Pero hindi pa pwede. Hindi habang may mga taong gustong bawiin ang katahimikang ngayon lang niya natikman. Si Gian ang kasama niya ngayon. Isinugal ko ang tiwala ko sa taong ‘yon dahil alam kong gagawin niya ang lahat para mailigtas si Kara. Kahit kapali
Chapter 162 Gian POV Habang hawak ko ang manibela at binabagtas ang kalsadang parang lumiliit sa bawat segundo, agad kong dinial ang numero ni Chris. Nanginginig ang daliri ko sa pag-aalala. Hindi pwedeng may mangyaring masama kay Kara. Hindi ngayon. Hindi na ulit. "Chris... may nangyayari. Nasa panganib si Kara." Pigil ang emosyon ko, pero hindi ko mapigilan ang panginginig ng boses. "May mga lalaki sa labas ng safehouse. Nakita siya. Baka sinusundan na tayo." Tahimik si Chris sa kabilang linya, pero ramdam ko ang bigat ng kanyang paghinga. "Ililigtas ko siya, Gian. Anuman ang mangyari." Matalim ang kanyang tinig—sigurado, puno ng galit at determinasyon. Humigpit ang hawak ko sa manibela. Tumingin ako sa rearview mirror, na para bang inaasahan kong may sasakyan na sumusunod. "Chris, kailangan mo rin malaman ang totoo." Huminga ako nang malalim. "Si Kara… hindi Curtis sa dugo. Sanggol pa siya nang mawala sa amin dahil sa trahedya. At si Ramon Curtis… siya ang unang nakakita sa
Chapter 161KARA POVLocation: Private Medical Facility – Undisclosed CountryTime: 6:42 AMNagising ako sa tunog ng manipis na ulan sa labas ng bintana. Puting kisame. Puting dingding. Puting kumot. Lahat ay bago sa akin—kahit ang sarili ko. Tumingin ako sa salamin sa gilid. Ang babae roon... hindi ko kilala.May sugat ako sa noo. Nakabalot. Mahapdi. Pero hindi ‘yon ang masakit.Mas masakit ‘yung… wala akong maalala. Ni pangalan ko.Maya-maya, bumukas ang pinto. Pumasok ang isang lalaki na pormal ang bihis, pero may lamlam sa mga mata."Kara..." bulong niya, may pag-aalangang tono."Ako si Gian... half-brother mo."Napatingin lang ako sa kanya. Hindi ko siya kilala. Ni isang alaala, wala akong mahugot. Nakatayo lang siya doon, at ako'y nanatiling tahimik."Okay ka lang?" tanong niya.Dahan-dahan akong umiling."Hindi ko alam kung sino ako... at hindi rin kita kilala."Napansin ko ang saglit na tikas ng panga niya—parang nabigla, pero agad din niyang tinakpan.Lumapit siya ng konti, t
Chapter 160 Tumalikod ako. Kailangan kong pigilan ang sarili ko. “Boss,” sabat ng tauhan ko, “ready na ang plane para sa Manila. Pero... gusto mo bang dumaan muna sa Switzerland?” Humigpit ang hawak ko sa hawakan ng pinto. “Hindi. Hindi pa ngayon. Mas kailangan ko munang tapusin ang council.” “Kara’s safe… for now,” bulong ko sa sarili ko. “Pero ang mga dahilan kung bakit siya nasaktan… sila ang kailangan ko munang ipatahimik.” “Gian…” nilingon ko siya muli, duguan ngunit nakangisi pa rin. “…kapag nakita ko siyang umiyak dahil sa alaala mong pinilit mong kontrolin, ako mismo ang tatapos sa’yo. Hindi bilang Chris. Kundi bilang multong nilikha mo.” Lumapag ang private plane ko sa isang undisclosed airstrip sa hangganan ng Czech Republic. Tahimik. Pero ang hangin ay mabigat—parang may kasamang dugo at galit. Humugot ako ng malalim na hininga habang suot ang itim na coat na halos maging anino sa ilalim ng malamlam na buwan. “Handa na ba ang perimeter?” tanong ko sa ea
Chapter 159 Nang sinabi ni Revenant na ang lalaking nagligtas kay Kara ay si Phantom, para bang may tumusok sa ulo ko. Parang kidlat na humati sa ulap ng alaala. “Impossible…” bulong ko sa sarili. “Boss… Phantom used to be one of us. Siya ang pinaka-silent, pinaka-efficient, at pinaka-loyal noon… o ‘yun ang akala natin," sabi ni Revenant na matigas ang tono. “Gian," sagot ko habang binulong sa mapanlinlang na katahimikan. Ang tunay niyang pangalan. Isa siya sa mga unang miyembro ng Unit X, ang elite black-ops group na itinayo ko bago ako tuluyang pumasok sa ilalim ng Montero Empire. Tahimik. May sariling panuntunan. Walang emosyon. Pero masyadong matalino. At minsang nawala sa misyon sa Prague. Wala nang balita. Noong panahong ‘yun, akala naming pinatay siya ng mga kalaban. Pero ang totoo, siya pala ang tumalikod. “Buhay ka pala, Gian. At mas pinili mong itago si Kara kaysa sabihin sa akin? Anong pakay mo? Utang na loob? Pagbawi? O... gusto mo siyang angkinin sa paraan na hin