The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)

The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)

last updateHuling Na-update : 2022-05-02
By:  Eu:N  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
40 Mga Ratings. 40 Rebyu
116Mga Kabanata
13.6Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Nang ma-admit sa ospital ang ama ni Carnation matapos ma-diagnose na may lymphoma, nalugi ang maliit na negosyo ng kanilang pamilya. Kinailangan niyang huminto sa kolehiyo at magtrabaho para suportahan ang kanyang pamilya. Dahil lubog sa utang, wala siyang pagpipilian kundi magtrabaho sa Casa de Lujuria, isang underground nightclub na pagmamay-ari ni Luca Lindenhurst, kasapi ng Underground Society.

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Simula

Napalunok nang malaki si Carnation nang makita ang papel na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Nanginginig ang kamay na kinuha niya ‘yon at tinanggap ang ballpen na inilahad ni Mist. "Sigurado ka na ba dito?" Nakagat ni Carnation ang ibabang labi at tinitigan ang hawak na papel. "Sa sandaling lagdaan mo ang kasunduan, hindi ka na pwedeng umurong." Hindi siya nakatugon kaya nagsalita muli si Mist. "Pag-isipan mo nang mabuti.” Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Hindi marangal ang trabaho na gusto niyang pasukin, pero wala siyang choice. 'Di sapat ang kinikita niya upang tustusan ang pagpapagamot ng ama, pambayad ng mga utang nila at panustos sa pamilya. "Pwede ka pang umatras," alok ni Mist sa kanya. Sunod-sunod na umiling si Carnation. "Hindi po. Buo na ang pasya ko," matatag na sagot niya. "Gipit na gipit na talaga?" Malungkot s'yang ngumiti at tinanguan ang kaharap. Nang sumailim sa mahabang gamutan sa sakit na lymphoma ang Daddy ni Carnation. Nalubog sila sa u

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
카사미
Highly recommend! Been following the author since the first book I read. Magaganda ang works!
2023-03-15 14:00:06
2
user avatar
febbyflame
Grabeeee!!! Napakagandaaaa! .........
2023-01-20 15:22:05
2
user avatar
febbyflame
MAHAL NA MAHAL KITA LUCA AT CARNATION! <3
2023-01-20 12:18:18
2
user avatar
Hoshi Kimmie
NAGSISI AKO NA NGAYON KO LANG BINASA 'TO! OMG! KINIKILIG AKOOOO! -Sashi
2022-04-21 22:18:59
2
user avatar
Pataxtoo
Nanggigigil ako kay Armadyl. ಠ_ಠ
2022-04-18 07:02:22
1
user avatar
Pataxtoo
What is happening here? Bakit ka nagkaganyan Luca? Huwag mong saktan si Carnation. :(
2022-04-18 07:01:47
1
user avatar
KUMUSHIRAKO
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga pinag-gagawa ni Luca. Hahaha bwsit! Itong pang si Farkas! Haaaaay!
2022-02-28 09:29:23
1
user avatar
MCSa
Naghintay na kayo ng matagal mauuwi lang ba sa wala ulit? :(
2022-02-11 23:08:46
1
user avatar
MCSa
Ayaw ko pangunahan si Luca ah? Pero tang*na!!! Bumalik ka kay Carnation baka agawin ng iba!
2022-02-11 23:08:12
1
user avatar
MCSa
Yes! After two days may update ulit. Sana tuloy2 na ito Miss A.
2022-02-11 23:06:43
0
user avatar
Pataxtoo
Pagbalik ni Luca may ibang lalaki na naman sa buhay ni Carnation. Akala ko ba hindi ka na duwag? Lucaaaaa gigil mo ako. Balikan mo si Carnation!
2022-02-11 23:04:49
1
user avatar
Pataxtoo
Sa totoo lang nakakagigil na. Sinama na lang niya sana si Carnation. Haaaaaay!
2022-02-11 23:03:52
1
user avatar
BrianGdv
Malapit na po ba matapos? Sana everyday na ang update Miss A.
2022-02-11 23:02:39
1
user avatar
BrianGdv
Hindi na dapat iniwan si Carnation! Tapos pagbalik niya may iba na naman. Nakoooooow!!!
2022-02-11 23:02:08
1
user avatar
BrianGdv
Bakit umalis ulit si Luca? TT^TT
2022-02-11 23:01:25
1
  • 1
  • 2
  • 3
116 Kabanata

Simula

Napalunok nang malaki si Carnation nang makita ang papel na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Nanginginig ang kamay na kinuha niya ‘yon at tinanggap ang ballpen na inilahad ni Mist. "Sigurado ka na ba dito?" Nakagat ni Carnation ang ibabang labi at tinitigan ang hawak na papel. "Sa sandaling lagdaan mo ang kasunduan, hindi ka na pwedeng umurong." Hindi siya nakatugon kaya nagsalita muli si Mist. "Pag-isipan mo nang mabuti.” Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Hindi marangal ang trabaho na gusto niyang pasukin, pero wala siyang choice. 'Di sapat ang kinikita niya upang tustusan ang pagpapagamot ng ama, pambayad ng mga utang nila at panustos sa pamilya. "Pwede ka pang umatras," alok ni Mist sa kanya. Sunod-sunod na umiling si Carnation. "Hindi po. Buo na ang pasya ko," matatag na sagot niya. "Gipit na gipit na talaga?" Malungkot s'yang ngumiti at tinanguan ang kaharap. Nang sumailim sa mahabang gamutan sa sakit na lymphoma ang Daddy ni Carnation. Nalubog sila sa u
Magbasa pa

Kabanata 1

"Kulang 'to," sabi ng step-mother ni Carnation na inilahad ang Five Thousand Pesos. Si Leonora ang second wife ni Clementine, ang Daddy ni Carnation. Nagpakasal ang mga ito dalawang taon pagkatapos mamatay ng Mommy niya—inatake sa puso ang kawawang ginang. Nahihiyang tumungo si Carnation, 'di magawang salubungin ang tingin ng madrasta. "Wala na po akong pera…tita. Iyan na lahat ang sahod ko mula sa part-time sa convenience store at gasoline station." Gustuhin man niyang magbigay ng malaking halaga, limang libo lang ang meron siya. "Alam ko naman na ginagawa mo ang lahat para kumita, pero kulang talaga Carnation. Sa gamot pa lang ng Daddy mo, hindi na kasya ang limang libo." Hindi nagsalita si Carnation at nanatiling nakatungo. Hindi niya magawang mangatwiran sa madrasta dahil totoo ang sinabi nito sa kanya. Kulang na kulang ang kinikita niya. Ngunit, ano ang magagawa niya? Hindi siya makakuha nang malaking trabaho dahil kulang siya sa experience at wala siyang mataas na edukasyon.
Magbasa pa

Kabanata 2

"Good afternoon Sir," bati ng bawat empleyado na nadadaanan ni Luca. Tango lang ang tugon niya at tuloy-tuloy na naglakad. “Barnald, kumusta ang paghahanap ninyo ng mga bagong Niña?” tanong ni Luca sa apatnapu't tatlong taong gulang na assistant. Patungo sila ngayon ng office niya sa 3rd floor ng Casa de Lujuria. “Meron tayong dalawang aplikante na nakuha, sir. Isasalang sila sa physical test ngayong darating na linggo,” magalang na sagot naman ni Barnald sa boss. “Hindi ba’t minimum of 3 applicants ang sinabi kong puwedeng isalang sa physical test?” kunot ang noo na tanong niya sa assistant. “Yes, sir.” “So, bakit dalawa lang? 'Wag kayong magsagawa ng physical test nang dalawa lang ang aplikante. Aksaya sa oras!" “Pipilitin kong makahanap ng pangatlong aplikante, Sir.” Tinanguan niya ang assistant at nanguna nang lumabas ng elevator. Pag-aari ni Luca ang Casa de Lujuria, isang exclusive nightclub sa loob ng SSL Hotel—Seven Sins Luxury Hotel—na partnership business niya at ng k
Magbasa pa

Kabanata 3

"Bumisita ka para malaman mo." Tinitigan ni Carnation ang invitation card, itim ito at may design na dahon na kulay itim at ginto sa kanang bahagi. Sa harap nakasulat sa malaking letra ang pangalan ng nightclub; sa ibaba naman ay quote na nakasulat sa mas maliit na letra. 'A place where your hidden desire unleash, like a pleasure in paradise' "We're here," imporma ng driver. Napalingon si Carnation sa labas ng bintana. "Dito na nga po tayo, hindi ko napansin." Hinarap niya si Mr. Lust at nagpasalamat, "Maraming salamat sa libreng sakay, Sir." "No problem, iha. Masaya akong nakatulong sa 'yo. Magkita na lang tayo sa susunod kung sakaling tanggapin mo ang inaalok kong trabaho." Ngumiti siya dito. "Pag-isipan ko po…." "Mag-ingat ka." Sukbit ang bag, bumaba siya nang sasakyan. Kumaway si Carnation sa mga nagmagandang loob bago tuluyang naglakad papasok ng ospital. Tumila na ang ulan, may kulay bughaw na sa langit tanda na ilang oras na lang sisikat na ang araw—wala na naman siyan
Magbasa pa

Kabanata 4

Huminga ng malalim si Carnation bago pumasok ng Seven Sins Luxurious Hotel. Narito siya upang tanggapin ang alok na trabaho ni Mr. Lust. "Good afternoon," bati niya sa receptionist. "Good afternoon Ma'am, how may I help you?" "Ahm…magtatanong lang. Saan ba ang papuntang Casa de Lujuria?" Malaki kasi ang hotel at duda siyang mahahanap niya agad ang pasilidad ng siya lang. "May invitation pass ba kayo Ma'am?" "Meron! Ito." Pinakita ni Carnation ang hawak na invitation card. Nginitian siya ng receptionist, nagpaalam ito na may tatawagan lang sa service phone. Pagkatapos ay pinaupo siya nito sa lounge area, ang sabi ay may susundo raw sa kanya sa lobby. Maya-maya, isang maganda at matangkad na babae ang lumapit kay Carnation, napatayo agad siya. "Hi!" bati niya sa babae at nginitian ito. Tulad ng driver ni Mr. Lust, mukhang may dugong banyaga ang babae. "Ikaw si Carnation?" Tumango siya't ngumiti sa babae. "Ako si Mist, itinalaga ako ni Mr. Lust para i-tour ka sa Casa de Lujuria."
Magbasa pa

Kabanata 5

"Welcome to Casa de Lujuria—a place where your hidden desire unleash, like a pleasure in paradise," sabi ni Mist nang may ngiti sa labi. Excited na tumakbo si Carnation patungo sa dulo ng platform, humawak siya railings at namamangha na nilibot ang paningin sa napakalaking bulwagan. Ito na yata ang pinaka malaking hall na nakita niya! Hindi niya lubos akalain napakalaking lugar pala ng Casa de Lujuria. Mula sa kinatatayuan, sumilip si Carnation sa ibaba ng platform at nakita niya ang LED DJ booth na nasa pagitan ng kambal na grand staircase; naglalaro naman ang kulay nito sa pink, light blue at black. Sa dulo ng hall naroon ang rectangular stage na may dalawang bilogang stage na nakadikit sa magkabilang dulo. Sa gitna ng mga bilogang stage ay may poles. Sa ibaba ng stage, nagkalat ang puting lounges at lumen LED tables. "Obviously, that's the stage," imporma ni Mist at tinuro ang direksyon ng stage. "Ang mga lounges sa ibaba ay para sa regular members ng casa. Ang lounge naman na par
Magbasa pa

Chapter 6.1

"Handa ka na ba sa physical test mo?" tanong ni Mist pagkatapos fill-up-an ni Carnation ang isang papel. "Opo . . . . " Kinakabahan man, ngumiti pa rin siya sa babae. "Mabuti kung gano'n. Sige tumayo ka na r'yan at sundan mo ako." Lumabas sila ng opisina ni Mist at naglakad sa pasilyo. Ang sabi sa kanya ay dito lang din sa 3rd floor gagawin ang physical test niya.  Napahinto sa paglalakad si Carnation nang makita ang isang double wooden door. Lumapit siya sa pinto at wala sa sariling hinaplos iyon. Napakaganda, napakapulido nang pagkaka-ukit doon ng isang anaconda. "What are you doing?" Napaigtad siya sa istriktang tanong ni Mist. Hinarap niya ang babae at ang nakataas na kilay nito ang agad na sumalubong sa kanya. "Ah . . . na-amazed lang po ako sa pinto," sagot niya at muling nilingon ang pinto. "Ang galing po kasi nang pagkakagawa." Dagdag niya pa. "Hindi ka ba natatakot?" interesado namang tanong ni Mist. 
Magbasa pa

Chapter 6.2

"Sir, ngayong araw gagawin ang physical test ng bagong mga niña," imporma ni Barnald sa boss na nakatayo sa harap ng tinted glass wall sa opisina nito, nakatanaw si Luca sa stage sa ibaba. "Kasama ba si Carnation?" "Yes, sir. Pumirma siya ng kontrata kahapon at opisyal na siyang niña ng Casa de Lujuria," sagot naman ni Barnald sa boss na nakatalikod pa rin sa kanya. Nakasusuyang ngumisi si Luca dahil sa narinig. "And here I thought she'd turn down the offer. After all, a woman is still a woman," komento niya. Hindi nagsalita si Barnald. Noon pa man alam na niyang malaki ang galit ng boss niya sa mga babae. Wala siyang alam sa nakaraan nito, ngunit nakasisiguro siyang hindi magtatanim ng galit ang boss niya sa mga babae kung hindi ito nasaktan ng isang Eva noon. "Tumawag nga pala ang kapatid niyo, sir. He offered to participate in our new recruits' physical tests." Sumimsim si Luca ng rum mula sa hawak na baso. Hinarap niya ang assistant at pinagkibit-
Magbasa pa

Chapter 7.1

Sa saliw ng musikang sway ni Rosemary Clooney—remix version. Parang mga sawa na lumingkis sa pole ng stage ng Casa de Lujuria ang tatlong strip dancer. Kagulat gulat ang lakas ng bisig ng tatlong babae, hindi sila bumabagsak sa sahig kahit pa anong posisyon ang gawin nila. Para bang naging kaisa na nila ang madulas at malamig na pole. Nag-iwas ng tingin sa stage si Carnation nang sa isang swabeng kilos ay wala ng suot na pang-itaas na damit ang babaeng nasa gitna. Erotiko itong gumiling at lumingkis sa pole. Naghiyawan ang mga lalaki sa lounge area ng main floor, tila mga leon sa gubat ang mga ito na nakakita ng masarap na pagkain at takam na takam iyong matikman. Isang malalim na pagsinghap ang ginawa ni Carnation bago tinalikuran ang stage at tinungo ang bar counter sa dulo ng hall, sa kanang bahagi ng twin imperial staircase kung manggagaling sa stage. Isang linggo mula noong araw ng physical test, sa main floor ng Casa de Lujuria agad siya nagtrabaho. Ang
Magbasa pa

Chapter 7.2

"Kumusta naman ang bagong part time job mo?" Nahinto sa pagbabalat ng mansanas si Carnation dahil sa tanong na iyon ng madrasta. Nilingon niya ito at nginitian. Rest day niya ngayon at naisip niyang tulungan ang madrasta sa pag-aalaga ng daddy niya. "Ayos naman po," tipid niyang sagot dito, iniiwasan na makapagsalita ng 'di dapat. Mahirap na, baka iba ang masabi niya at pagdudahan siya ng madrasta. Hindi puwedeng malaman ng pamilya niya ang totoong nature ng trabaho niya. "Eh… ang mga kasamahan mo sa hotel? 'Di ka ba nila kinakawawa doon?" Lumapad ang ngiti sa labi ni Carnation. Ibinalik niya ang atensyon sa pagbabalat ng mansanas at nagsalita, "Wala naman po akong na encounter na ganyan, tita. Sa tingin ko naman hindi gano'n ang mga tao sa hotel." Totoo naman, mababait ang mga tao sa hotel, sa ngayon. Hindi pa kasi niya kilala ang lahat at hindi pa niya nakakasalamuha ang ibang mga niña. "Mabuti naman kung gano'n." Pagkatapos balatan at hiwai
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status