"Bumisita ka para malaman mo."
Tinitigan ni Carnation ang invitation card, itim ito at may design na dahon na kulay itim at ginto sa kanang bahagi. Sa harap nakasulat sa malaking letra ang pangalan ng nightclub; sa ibaba naman ay quote na nakasulat sa mas maliit na letra.
'A place where your hidden desire unleash, like a pleasure in paradise'
"We're here," imporma ng driver.
Napalingon si Carnation sa labas ng bintana. "Dito na nga po tayo, hindi ko napansin." Hinarap niya si Mr. Lust at nagpasalamat, "Maraming salamat sa libreng sakay, Sir."
"No problem, iha. Masaya akong nakatulong sa 'yo. Magkita na lang tayo sa susunod kung sakaling tanggapin mo ang inaalok kong trabaho."
Ngumiti siya dito. "Pag-isipan ko po…."
"Mag-ingat ka." Sukbit ang bag, bumaba siya nang sasakyan. Kumaway si Carnation sa mga nagmagandang loob bago tuluyang naglakad papasok ng ospital.
Tumila na ang ulan, may kulay bughaw na sa langit tanda na ilang oras na lang sisikat na ang araw—wala na naman siyang tulog. Ilang gabi na siyang ganito, laging puyat at kulang sa tulog.
Pagpasok ng hospital room ng Daddy niya, hikbi ng madrasta ang bumungad kay Carnation. Nagmamadaling nilapitan niya ito.
"Tita, anong nangyari?" tanong niya na nilingon ang amang natutulog sa hospital bed.
"Nagpunta si Galel dito at nanggulo. Ang sabi niya, kailangan makabayad tayo sa kanya sa linggong ito kundi ay kukunin niya ang bahay bilang collateral," humagulgol nang iyak na sumbong ng madrasta niya.
"Po?! Hindi niya p'wedeng gawin 'yon! Hindi niya makukuha ang bahay dahil wala naman tayong pinirmahan na—" Napahinto siya sa pagsasalita nang mas lumakas ang hagulgol ng madrasta.
"B-bakit po kayo pumirma?" Hindi napigilan ni Carnation na kwestyonin ang madrasta nang mapagtanto niya ang ginawa nito.
"Tinakot ako ni Galel. Hindi ko pwedeng hayaan na kaladkarin nila palabas ng ospital ang daddy mo. Wala akong pagpipilian…."
"Sorry po kung wala akong nagawa," tanging nasabi ni Carnation. Bagsak ang balikat na naglakad siya patungo sa couch at naupo sa bakanteng espasyo—sa tabi ng natutulog na si Carlgem. Inilabas niya mula sa suot na polo shirt ang card na ibinigay ni Mr. Lust at binasa.
'A place where your hidden desire unleash, like a pleasure in paradise'
Nag-angat siya ng tingin at pinagmasdan ang Madrasta na hawak ang kamay ng Daddy niya. Sunod na dumako ang tingin niya sa natutulog na si Carlgem. Napakabata pa ng kapatid niya para maranasan ang pait nang buhay. Ano ang pwede niyang gawin? Muling dumako ang paningin ni Carnation sa hawak na card.
'What I truly desire?' bigla na lang niyang natanong sa sarili.
Isa lang naman ang hiling niya, ang maging ligtas at malayo sa kapahamakan ang kanyang pamilya. Tumayo si Carnation. "Tita, aalis muna ako. Maghahanap ako ng pambayad kay Galel," paalam niya't nagmadaling lumabas ng silid.
Sa parking nagtungo si Carnation, sa spot kung saan naka-park ang sasakyan ni Mr. Lust. Pero nalungkot siya nang makitang wala na doon ang sasakyan ng matanda. Laylay ang balikat na nagmartsa siya pabalik ng ospital, pero napahinto nang makita ang pamilyar na lalaki. Nasa smoking area ito at humihithit ng sigarilyo sa pagitan ng daliri—nakatalikod sa kanya ang lalaki.
"Kuya, excuse me. Itatanong ko lang kung kayo 'yong driver ni Mr. Lust?" tanong niya. Pero tila wala itong narinig kaya tinawag niya itong muli sabay hawak sa kanan nitong braso.
"Kuya—"
"Don't f*cking touch me, woman!" galit na sita nito sa kanya. Sa takot ni Carnation agad niyang binitawan ang braso ng lalaki.
“P-pasensya na kuya, ano…hinahanap ko kasi si Mr. Lust," paumanhin niya nang makabawi sa pagkabigla. Hindi niya sinadyang hawakan ito, gusto lang niyang kunin ang atensyon ng binata.
"Narito pa ba si Mr. Lust sa hospital? Hindi ko kasi mahanap ang sasakyan niya. Kuya, sabihin niyo naman kung nasaan si Mr. Lust, kailangan ko lang talaga siyang makausap." Desperado na si Carnation. Kung malaki nga ang kikitain niya sa pagtatrabaho kay Mr. Lust, baka ito na ang solusyon sa problema nila kay Galel.
Hindi sumagot ang binata. Hinarap siya nito at tinitigan nang mabuti. Napigil ni Carnation ang paghinga nang namaywang ito gamit ang isang kamay at inilapit ang mukha sa kanya. Ngunit, hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa ng binata; bigla nitong binuga ang usok ng sigarilyo sa mukha!
"Ano ba ang problema mo?!" palahaw niya.
"Bakit mo siya hinahanap?" kaswal na tanong nito patungkol kay Mr. Lust.
"Hindi ka man lang ba mag-so-sorry sa ginawa mo?"
Tumayo nang tuwid ang binata. "Kung wala kang mahalagang sasabihin…get lost. Don't f*cking waste my time, woman." Umawang ang labi niya sa kalabisan nitong magsalita. Namulsa ang binata sa parehong kamay at iniwan siyang napatlang—sinadya pa nitong banggain ang balikat niya.
Sa nangyari, galit na kinuha ni Carnation ang kanang kapares ng black shoes at malakas na ibinato iyon sa binata—tinamaan naman ito sa likod!
'Yes, sapol!'
Huminto sa paglalakad ang binata, hinarap siya. Napalunok nang malaki si Carnation pagkakita sa nagdidilim nitong mukha. Ginalit yata niya ang driver ni Mr. Lust!
"You want war? I can give you that!" Pasigaw na sabi ng binata at malokong ngumisi.
Natameme si Carnation, at tila nahipnotismo sa ngiti nito. Hindi niya ipagkakaila na gwapo ang binatang driver ni Mr. Lust, halatang may dugo itong banyaga. Pero ang pagpapantasya niya ay naputol nang bigla na lang lumipad ang kapares ng sapatos na binato niya sa lalaki! Nag-landing ito sa gitna ng daan kung saan paroo't-parito ang dumaraan na sasakyan.
Marahas na nilingon ni Carnation ang lalaki. "Ang sama mo!" Galit na sigaw niya pero isang nasusuyang ngisi lang ang naging tugon nito sa kanya. Pinulot ni Carnation ang natitirang kapares ng sapatos, ibabato niya sana ito sa binata pero naisip niyang baka sipain na naman nito ang sapatos patungo sa kung saan.
"You want to talk to Mr. Lust? Pumunta ka ng Casa de Lujuria, you will see him there," matabang na sabi nito at tinalikuran siya.
Nakatayo sa lugar hawak ang kaliwang kapares ng sapatos. Nagniningas ang mata na hinatid ni Carnation nang tingin ang binata, nang maglaho ito sa paningin niya, napahawak siya sa dibdib.
"Kaasar…bakit ang gwapo ng lalaking 'yon?" kausap niya sa sarili.
Hindi pointed ang may kalakihang ilong ng binata. Makapal ang salubong na kilay—may piercing ito sa kanang kilay. Mahaba ang lashes ng bilogan nitong light brown na mata. Ang labi naman ng binata ay manipis ang itaas at matambok ang ibabang bahagi; pansin din ni Carnation ang maliit na mole sa lower lip nito. Malinis ang maiksi nitong gupit at mayroon itong piercing sa parehong tainga. Hindi lang niya nabilang kung ilan dahil masyado siyang—
'Teka! Gano'n ko agad nakabisa ang hitsura niya?! Ugh!! Kaasar may crush ba ako sa bw*sit na lalaking iyon?’
Huminga ng malalim si Carnation bago pumasok ng Seven Sins Luxurious Hotel. Narito siya upang tanggapin ang alok na trabaho ni Mr. Lust. "Good afternoon," bati niya sa receptionist. "Good afternoon Ma'am, how may I help you?" "Ahm…magtatanong lang. Saan ba ang papuntang Casa de Lujuria?" Malaki kasi ang hotel at duda siyang mahahanap niya agad ang pasilidad ng siya lang. "May invitation pass ba kayo Ma'am?" "Meron! Ito." Pinakita ni Carnation ang hawak na invitation card. Nginitian siya ng receptionist, nagpaalam ito na may tatawagan lang sa service phone. Pagkatapos ay pinaupo siya nito sa lounge area, ang sabi ay may susundo raw sa kanya sa lobby. Maya-maya, isang maganda at matangkad na babae ang lumapit kay Carnation, napatayo agad siya. "Hi!" bati niya sa babae at nginitian ito. Tulad ng driver ni Mr. Lust, mukhang may dugong banyaga ang babae. "Ikaw si Carnation?" Tumango siya't ngumiti sa babae. "Ako si Mist, itinalaga ako ni Mr. Lust para i-tour ka sa Casa de Lujuria."
"Welcome to Casa de Lujuria—a place where your hidden desire unleash, like a pleasure in paradise," sabi ni Mist nang may ngiti sa labi. Excited na tumakbo si Carnation patungo sa dulo ng platform, humawak siya railings at namamangha na nilibot ang paningin sa napakalaking bulwagan. Ito na yata ang pinaka malaking hall na nakita niya! Hindi niya lubos akalain napakalaking lugar pala ng Casa de Lujuria. Mula sa kinatatayuan, sumilip si Carnation sa ibaba ng platform at nakita niya ang LED DJ booth na nasa pagitan ng kambal na grand staircase; naglalaro naman ang kulay nito sa pink, light blue at black. Sa dulo ng hall naroon ang rectangular stage na may dalawang bilogang stage na nakadikit sa magkabilang dulo. Sa gitna ng mga bilogang stage ay may poles. Sa ibaba ng stage, nagkalat ang puting lounges at lumen LED tables. "Obviously, that's the stage," imporma ni Mist at tinuro ang direksyon ng stage. "Ang mga lounges sa ibaba ay para sa regular members ng casa. Ang lounge naman na par
"Handa ka na ba sa physical test mo?" tanong ni Mist pagkatapos fill-up-an ni Carnation ang isang papel. "Opo . . . . " Kinakabahan man, ngumiti pa rin siya sa babae. "Mabuti kung gano'n. Sige tumayo ka na r'yan at sundan mo ako." Lumabas sila ng opisina ni Mist at naglakad sa pasilyo. Ang sabi sa kanya ay dito lang din sa 3rd floor gagawin ang physical test niya. Napahinto sa paglalakad si Carnation nang makita ang isang double wooden door. Lumapit siya sa pinto at wala sa sariling hinaplos iyon. Napakaganda, napakapulido nang pagkaka-ukit doon ng isang anaconda. "What are you doing?" Napaigtad siya sa istriktang tanong ni Mist. Hinarap niya ang babae at ang nakataas na kilay nito ang agad na sumalubong sa kanya. "Ah . . . na-amazed lang po ako sa pinto," sagot niya at muling nilingon ang pinto. "Ang galing po kasi nang pagkakagawa." Dagdag niya pa. "Hindi ka ba natatakot?" interesado namang tanong ni Mist.
"Sir, ngayong araw gagawin ang physical test ng bagong mga niña," imporma ni Barnald sa boss na nakatayo sa harap ng tinted glass wall sa opisina nito, nakatanaw si Luca sa stage sa ibaba. "Kasama ba si Carnation?" "Yes, sir. Pumirma siya ng kontrata kahapon at opisyal na siyang niña ng Casa de Lujuria," sagot naman ni Barnald sa boss na nakatalikod pa rin sa kanya. Nakasusuyang ngumisi si Luca dahil sa narinig. "And here I thought she'd turn down the offer. After all, a woman is still a woman," komento niya. Hindi nagsalita si Barnald. Noon pa man alam na niyang malaki ang galit ng boss niya sa mga babae. Wala siyang alam sa nakaraan nito, ngunit nakasisiguro siyang hindi magtatanim ng galit ang boss niya sa mga babae kung hindi ito nasaktan ng isang Eva noon. "Tumawag nga pala ang kapatid niyo, sir. He offered to participate in our new recruits' physical tests." Sumimsim si Luca ng rum mula sa hawak na baso. Hinarap niya ang assistant at pinagkibit-
Sa saliw ng musikang sway ni Rosemary Clooney—remix version. Parang mga sawa na lumingkis sa pole ng stage ng Casa de Lujuria ang tatlong strip dancer. Kagulat gulat ang lakas ng bisig ng tatlong babae, hindi sila bumabagsak sa sahig kahit pa anong posisyon ang gawin nila. Para bang naging kaisa na nila ang madulas at malamig na pole. Nag-iwas ng tingin sa stage si Carnation nang sa isang swabeng kilos ay wala ng suot na pang-itaas na damit ang babaeng nasa gitna. Erotiko itong gumiling at lumingkis sa pole. Naghiyawan ang mga lalaki sa lounge area ng main floor, tila mga leon sa gubat ang mga ito na nakakita ng masarap na pagkain at takam na takam iyong matikman. Isang malalim na pagsinghap ang ginawa ni Carnation bago tinalikuran ang stage at tinungo ang bar counter sa dulo ng hall, sa kanang bahagi ng twin imperial staircase kung manggagaling sa stage. Isang linggo mula noong araw ng physical test, sa main floor ng Casa de Lujuria agad siya nagtrabaho. Ang
"Kumusta naman ang bagong part time job mo?" Nahinto sa pagbabalat ng mansanas si Carnation dahil sa tanong na iyon ng madrasta. Nilingon niya ito at nginitian. Rest day niya ngayon at naisip niyang tulungan ang madrasta sa pag-aalaga ng daddy niya. "Ayos naman po," tipid niyang sagot dito, iniiwasan na makapagsalita ng 'di dapat. Mahirap na, baka iba ang masabi niya at pagdudahan siya ng madrasta. Hindi puwedeng malaman ng pamilya niya ang totoong nature ng trabaho niya. "Eh… ang mga kasamahan mo sa hotel? 'Di ka ba nila kinakawawa doon?" Lumapad ang ngiti sa labi ni Carnation. Ibinalik niya ang atensyon sa pagbabalat ng mansanas at nagsalita, "Wala naman po akong na encounter na ganyan, tita. Sa tingin ko naman hindi gano'n ang mga tao sa hotel." Totoo naman, mababait ang mga tao sa hotel, sa ngayon. Hindi pa kasi niya kilala ang lahat at hindi pa niya nakakasalamuha ang ibang mga niña. "Mabuti naman kung gano'n." Pagkatapos balatan at hiwai
"How's your night, dolt? Mukhang naka-score ka ah? Bagong ligo, eh!" tukso agad ni Primus nang pumasok sa opisina niya ang kaibigan nilang si Wregan. Nilingon ito ni Luca. Bagong ligo nga ito tulad ng sinabi ni Primus. 'Did this f*cktard ravish her already?' tiim bagang na tanong ni Luca sa isipan. Tch! Bigla ay nakaramdam siya ng pagka-asiwa. Yet, Luca managed to ignore his feelings. Ano man ang nangyari sa dalawa wala siyang pakialam. They aren't his business after all. Dapat pa nga siyang matuwa dahil kumikita ang Casa de Lujuria. "I'm feeling good dolt," nakangising sagot ni Wregan kay Primus. Naupo ito sa tabi niya, nagsalin ng alak sa sariling baso at inisang lagok iyon. "Ahuh? So why are you here? Not satisfied with your virgin flavor of the month?" tukso pa rin ni Primus na lalong nagpa-inis sa kanya. Wregan is playing with his niña again and this time, si Carnation ang napili nitong paglaruan. Gawain na talaga ito ng kaibi
"I will pay for the damage. I'm even willing to double the price, if you tell me who was the girl who hit me that night. I need to know her." Tumaas ang isang kilay ni Luca. This old man— Sandoval, is too desperate to get her. He calls him from time to time. Interesado itong mabili sa kanya si Carnation. "Mr. Sandoval, I can't do that. Labag sa patakaran ng nightclub ang hinihingi mong pabor. In fact, hindi ko ipinagbibili ang niña ko. Pagbibigay aliw ang negosyo ko Mr. Sandoval, hindi human trafficking," mariing pagtutol ni Luca. Alam na nito na siya si Mr. Lust kaya ganito na lang kakulit ang matanda. Wala na itong pakialam sa pagiging VIP member, pero nalipat naman ang interes nito kay Carnation. Gusto raw nitong bilhin ang niñang nang pampas dito ng bote sa ulo. "No. Alam kong kaya mo siyang ibigay sa akin Mr. Lust. I want to have her. Gigil na gigil ako sa ginawa niya sa akin." Napailing siya sa sinabi ng matanda—f*ck! Ang kulet talaga! "Mr. Sandoval, hi
Sloan’s POV "This is Wregan Leath and Gludox Portoni, my fuck'n bestfriends. Sila 'yong sinasabi ko sa iyong malupit sa chicks!" I examined the two gorgeous men Primus introduced to me. Una kong napansin ang halos perpektong mukha ng lalaking tinawag niyang Wregan. Tulad ko, matangkad ang ito pero sigurado akong mas mataas ako sa kanya ng ilang sentimetro. Meron itong mata na parang sa fox at tigre, mabangis, matalim at tila maraming tinatago ngunit mukha din naman puno ng kasiyahan kung kumislap ang mata nito. Matangos ang ilong niya may maliit na nunal sa ibabang dulo. Hindi na ako magtataka kung totoo man na malupit ito pagdating sa mga babae. Halata sa datingan… Sunod ko namang na sinuri ang lalaking tinawag ni Primus na Gludox. Hindi tulad namin ni Wregan, may kaliitan ang tangkad ng lalaki pero mas maliit pa rin tingnan si Primus dito. Napakaputi ng balat nito na tinalo pa yata si snow white sa kaputian. Mukha naman itong pusa, cute pero hindi katiwa-tiwala. Yung tipo ng cute
Carnation’s POV “Sigurado ka?” tanong ni Samantha nang tanggihan ko ang offer niyang ihatid ako sa sakayan ng bus. “Hindi na, dadaan pa kasi ako ng library. Kailangan kong manghiram ng books report ko kasi sa Friday,” paliwanag ko at ngumiti sa kanya. Sumimangot ito at napilitan na tumango. “Sige, basta bukas ihahatid ka namin sa inyo, okay? Ingat ka sa daan ah? Alam mo naman ang panahon ngayon maraming manyak!” Tumango ako at kumaway sa kanya. Pumasok naman ito sa service niya bago kumaway sa akin sa bintana. Bumalik ako sa building ng school para magtungo sa library. Totoong may report ako sa Friday at kailangan ko ng materials na magagamit. Saglit lang naman ako sa library, nanghiram lang ako ng books pagkatapos ay umuwi din. “Uulan pa yata…,” sabi ko sa sarili at tumingala sa langit. Sana naman hindi tumuloy ang ulan at wala akong dalang payong. Huminga ako ng malalim bago matulin na tumakbo patungo sa gate 2 ng school, mas malapit kasi sa bus stop kung doon ako dadaan. Hi
“I really like this place. Ilang taon na ang bahay na ito?” tanong niya at ginala ang tingin sa buong cave house. Kababalik lang nila ni Luca ng Pilipinas after ng honeymoon nila sa Istanbul at Georgia, at dito agad sila dumeretso sa cave house nito sa Cagayan Valley.“7 years? Pinagawa ko ito pagkatapos kong ipatayo ang bahay ko sa Luzon. You want wine?” Tumango siya bilang tugon sa tanong nito. Nasa kusina ito at siya naman ay nasa sala pinagmamasdan ang mga painting sa wall. Ang sabi sa kanya ng asawa nabili nito ang mga painting sa isang underground auction.“Matagal na rin pala,” komento niya at hinarap ang pinaka malaking larawan. Bigla niyang naalala doon nga pala nakatago sa likod ng larawan ang tank ng isa sa mga alagang ahas ni Luca. Gamit ang buong tapang, lumapit siya sa painting at pinindot ang buton doon para makita ang cage.“Sino ang nag-aalaga sa kanya noong nasa New York ka?” tanong niya pag
"What happened to Balkin?" tanong niya kay Lizette na naghahanda ng pagkain niya. Ibinaba nito ang hawak na plastic wear at tumingin sa kanya.“I don’t know. He’s under the custody of the underground society committee. Wala akong balita sa kanya since the night na nahuli siya, and I don’t care. Mabulok na sana siya sa kulungan.” Ipinagpatuloy nito ang ginagawa. Si Carnation naman ay umupo sa hospital bed niya at inayos ang sariling kumot."Gising na ba sila?" Tukoy niya sa tatlong lalaki na katulad niya ay na confine sa hospital pagkatapos ng nangyaring sagupaan sa mansion ni Mr. Sandoval at nabaril ang mga ito."Gising na si Enver, kaso ang dalawa hindi pa rin nagkamalay. Malalim ang pagkakabaon ng bala sa tagiliran ni Luca, muntik ng may tinamaan na organ niya. Si Wregan naman may tama ng bala sa braso at likod na salamat sa diyos at hindi tumagos o kahit man lang nakarating sa puso niya." Nagpakawala ito ng buntong-hininga.
“Luca!!!” matinis ang sigaw ni Carnation. Dinaluhan agad si Luca na natumba sa lupa at may tama ng baril sa tagiliran. Nilibot niya ang paningin, hinanap ang taong bumaril kay Luca, ngunit wala siyang nakita. Galing sa mataas na direksyon ang bala, marahil ay nasa ikatlong palapag ng bahay naroon ang shooter.“H-hey… look at me… I need to get you out of here. Can you walk? I-I can’t carry you,” mahinahon na sabi niya at marahan na tinatapik ng nanginginig na kamay ang pisngi ng binata. She’s trying her best to calm down. Pero ang takot niya ang siyang nagpapanginig sa buong systema niya. She can’t think straight.“I can manage. D-daplis lang naman…”“C-come on, I’ll help you.” Tinulungan niyang tumayo si ang binata at inalalayan itong maglakad. They keep their head down, hiding behind the tall wall of plants. Mabuti na ang nag-iingat, hindi nila alam kung kailan ulit aat
Malapit na sa kinaroroonan niya ang mga bantay, at handa na si Carnation na mahuli ng mga ito. Ngunit, may swerte pa rin talaga siya kahit anong malas ng buhay niya. Just when the guards got there, biglang may humila sa kanya papasok sa loob ng makapal at mataas na halaman."Are you alright?""Luca!" Mahigpit niyang niyakap ang binata na para bang nakasalalay dito ang kanyang buhay. She had no idea he'd show up like this or save her from the people who were after her. “I’m f-fine. Ikaw?”“Ayos lang ako.”“Paano mo ako ginawa iyon?” curious at namamangha niyang tanong sa binata. Paano siya nito nahatak mula sa kabila, patungo sa kabilang bahagi na kinaroroonan nila?“That one is fake.” Tinuro nito ang parti ng wall ng mga halaman. “Sinadya kong ilagay para hindi nila tayo matunton dito sa center ng labyrinth.”“That's a wise move....”“Yeah&hellip
"I'm going to check her," anunsyo ng Balkin. Tinambol ng malakas ang dibdib ni Carnation ng marinig ang sinabi nito. F*ck! Mahuhuli siya nito sa ganitong estado. If Balking went up the stairs, he'd definitely see her hiding behind the massive vase. Damn it! Ano ang gagawin niya?"Mabuti pa nga," sang-ayon naman agad ng secretary niya. Balkin walk towards the stairs direction, at lalong bumilis ang tibok ng puso ni Carnation. Pakiramdam niya lalabas na ang puso niya sa ribcage niya. Anong pwede niyang gawin? Hindi siya pwedeng mahuli ng lalaking ito. Masisira ang plano nila Luca kapag nahuli siya ng mga kalaban.Palapit na si Balkin sa hagdanan, sa malaking vase na pinagtataguan niya. Carnation is now ready to be caught or run somewhere for her life nang biglang…"Sir, katatapos lang kumain ni Miss Villagracia…" Biglang dumating ang lalaking naghatid ng pagkain niya kanina. Nakatayo ito sa punong hagdan sa itaas at pababa na. "Natutulog na po siya n
"Kaninong bahay po ito?" tanong ni Carnation sa matandang lalaki na nagdala ng haponan niya. "Bahay po ba ito ni Mr. Sandoval?" pangungulit niya. She needs to get some information. Pero ayaw magsalita ng mga tao sa bahay na ito. Kahit na ang matandang kaharap niya ay hindi sinasagot ang mga tanong niya. "Manong, hindi niyo ba alam na mali ang ginagawa ng amo niyo? Kidnapping po ito. I'm sure alam niyong kasama kayong makukulong kapag hindi niyo ako pinakawalan dito," ngayon naman ay pananakot niya, pero hindi pa rin talaga ito nagsalita, patuloy lang ito sa pag-aayos ng kung ano sa food cart na dinala nito, ang matapos ay lumapit ito sa kanya. "Mabuti pa kumain ka na ng hapunan, upang makapag-pahinga na. Tawagin mo na lamang ako kung tapos ka ng maghapunan," sabi nito at agad na umalis ng silid. Sumimangot siya nang wala man lang siyang nahita na kahit anong impormasyon mula sa lalaki. Kainis! Naupo si Carnation sa gilid ng kama kung saan naroon
Carnation woke up dizzy and had a headache. Hindi niya alam kung saang lupalop ng Pilipinas siya naroon. All she knows is that she was hit by a car and someone carried her in the backseat of a car and then put her in this room. Bukod doon ay wala na siyang maalala, hindi rin niya nakita ang mukha ng taong may gawa nito sa kanya."F*ck!" napamura siya dahil sa sakit ng katawan. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung binangga ka ng kotse? Nabali pa yata ang tadyang niya dahil sa nangyari.Pilit na binangon ni Carnation ang sarili mula sa kama, doon niya lang napansin na nakatali pala ang kanang paa niya sa kanang poste ng kama. Damn! Bihag na naman siya ngunit sa pagkakataong ito nakakasiguro siyang kalaban ang may hawak sa kanya. Posible kayang ang taong iyon ay ang taong hinahanap nila?Nilibot niya ang paningin sa buong silid. Nakakapagtaka na sa halip na sa isang marumi at madilim na silid siya dalhin ng taong iyon, dito pa siya kinulong. The room is nice, pa