Share

Kabanata 5

Author: Eu:N
last update Last Updated: 2021-07-24 19:26:57

"Welcome to Casa de Lujuria—a place where your hidden desire unleash, like a pleasure in paradise," sabi ni Mist nang may ngiti sa labi.

Excited na tumakbo si Carnation patungo sa dulo ng platform, humawak siya railings at namamangha na nilibot ang paningin sa napakalaking bulwagan. Ito na yata ang pinaka malaking hall na nakita niya! Hindi niya lubos akalain napakalaking lugar pala ng Casa de Lujuria. Mula sa kinatatayuan, sumilip si Carnation sa ibaba ng platform at nakita niya ang LED DJ booth na nasa pagitan ng kambal na grand staircase; naglalaro naman ang kulay nito sa pink, light blue at black. Sa dulo ng hall naroon ang rectangular stage na may dalawang bilogang stage na nakadikit sa magkabilang dulo. Sa gitna ng mga bilogang stage ay may poles. Sa ibaba ng stage, nagkalat ang puting lounges at lumen LED tables.

"Obviously, that's the stage," imporma ni Mist at tinuro ang direksyon ng stage. "Ang mga lounges sa ibaba ay para sa regular members ng casa. Ang lounge naman na para sa mga VIP members ay naroon." Nagturo muli ng direksyon si Mist na agad sinundan ni Carnation nang tingin.

Ang kinatatayuan nilang platform at VIP section ay parehong nasa 2nd floor ng bulwagan. Pero wala siyang makita na pwedeng daan patungo sa VIP area mula sa kinaroroonan nila. Bukod kasi sa hagdan at entrance sa likod nila ni Mist, walls na ang nakapalibot sa buong platform.

"C'mon I'll show you more. Tara sa ibaba!" anyaya ni Mist na hinawakan siya sa kamay at hinila pababa ng hagdan.

Habang naglilibot sina Carnation sa main floor, hindi maawat sa pagsasalita si Mist. Binibida ang lahat ng pwede nitong ibida mula sa mga mamahalin at pinaka mamahaling bagay na makikita sa nightclub; sa kung saan gawa ang mga ito, kung saang bansa ginawa at kung sino ang sikat na artist ang gumawa. Syempre, 'di nawala ang pagbibida ni Mist sa kapatid.

'Baka proud lang talaga siya sa kuya niya.' Sa isip ni Carnation habang nakasunod pa rin kay Mist.

Pagkatapos maglibot sa main floor dinala siya ni Mist sa harap ng elevator, dito pa rin sa main hall. Ang sabi sa kanya ng babae, dalawa raw ang elevator ng Casa de Lujuria, iyong sa reception na konektado sa lobby at itong gagamitin nila na konektado naman sa underground parking ng SSL Hotel.

"The first elevator was intended only for black and pink key card holders. While the second elevator was for the blue and gold key card holders. In short, depende sa klase ng keycard na hawak mo ang elevator na gagamitin mo." Naglabas ng blue na keycard si Mist. "Para mas maintindihan mo, itong black at pink ay para sa mga customers ng casa, samantalang ang blue at gold keycard ay para sa mga personnel ng casa." Tinapat ni Mist ang blue keycard sa scanner at bumukas ang elevator. "Kapag naging tauhan kana ng Casa de Lujuria, ito na ang gagamitin mong elevator."

Pumasok sila ni Mist sa elevator at dinala sila nito sa 3rd floor—ang office floor. Sa pinto sa dulo ng hallway sila sunod na pumasok ng babae, na opisina pala ni Mist. Nang maupo si Mist sa luklukan nito pinaupo siya ng babae sa visitors chair. Nagsimulang nagpaliwanag si Mist, sinagot nito ang lahat ng mga katanungan niya at halos atakihin siya sa puso nang malaman kung anong klaseng lugar ang pinasok niya.

"Si Mr. Lust ay kasapi ng isang samahan, ang Seven Sins Association at ang samahang iyon ay nasa ilalim ng napakalaking organizasyon, ang Underground Society. At ang lahat ng customers namin sa second floor ay miyembro ng US. " Sa dami ng sinabi ni Mist ito lang ang tumatak sa kanya. Pagkatapos ay wala na siyang naintindihan bukod sa isa pang bagay—na kapag pinirmahan niya ang kontrata na hawak niya ay makakakuha siya ng One Hundred Thousand Pesos.

Inilapag ni Carnation sa ibabaw nang wooden table ang hawak na papel. Napabuga siya nang malalim na hininga at mabilis na pinirmahan ang kontrata. Pagkatapos lagdaan, ibinalik niya kay Mist ang kasulatan. Tinanggap nito ang kontrata na may malungkot na ngiti. 

"Hindi mo na pwedeng bawiin ang nilagdaan mo na. Simula sa araw na ito pag-aari ka na ng Casa de Lujuria, pag-aari ka na ni Mr. Lust." Nadurog ang puso ni Carnation sa narinig. Dahil sa matinding pangangailangan sa salapi, ipinagbili n'ya ang sariling kalayaan at puri.

"Here, your signing bonus and your keycard." Ngumiti siya kay Mist at inabot sa nanginginig na kamay ang puting sobre at asul na car. "Goodluck, Carnation."

⬦⬦⬦

"Saan galing itong pera?" kunot ang noo na tanong ni Leonora pagkatanggap ng pera.

"S-sa friend ko po…hiniram ko," pagsisinungaling ni Carnation. Hindi nagsalita ang Madrasta at nanatiling nakatitig lang sa kanya. Kinabahan siya, hindi kaya nahalata nitong nagsisinungaling lang siya?

Matunog na lumunok si Carnation. "M-may problema po ba?"

"Sinong kaibigan? Akala ko ba, hindi ka na nila pahihiramin ng pera?" mataray nitong tanong. Nagdududa.

"Naalala niyo po 'yong friend ko na si RJ noong college? Siya po ang nagpahiram sa akin ng pera." 

"Familiar sa 'kin ang pangalan," sabi nito at tinalikuran siya. Naupo ito sa couch at binilang ang hawak na pera. "Magkano ang ibibigay kay Galel?"

"One Hundred Thousand po iyan, kayo na po ang bahalang maglaan ng pera para sa kanya. Pakiusapan niyo na lang po si Galel na maghintay pa ng kaunti, babayaran ko siya ng buo sa katapusan."

"Mukhang sigurado kang mababayaran mo, ah? Nakakuha ka ba ng panibagong part time?" Natigilan siya sa tanong nito pero agad namang nakabawi. 

"Opo, s-sa isang hotel po sa Makati. Hiring sila ng taga hugas ng pinggan pinatos ko na po s-sayang naman," pigil hininga na sagot ni Carnation. 

"Ganun ba? Kailan ka naman magsisimula? Hindi ba iyan conflict sa schedule mong part time sa gasoline station?" Kapag wala kasi siyang pasok sa café sa gasoline station sa may congressional ang duty niya.

"H-hindi naman po…ano, on call lang din kasi ako, p-pwede akong mag-duty kahit anong oras." Pero ang totoo pareho niyang balak bitawan ang part time jobs sa cafe at gasoline station, pati na sa convenience store. Bukas na bukas din ay gagawa si Carnation ng resignation letter.

"May trabaho bang kahit anong oras ang duty?" pagtataka ni Leonora.

"Opo! M-meron naman po. Itong trabaho ko, parang assistant lang ba, ganun." Ang pagsisinungaling ay parang virus, ang bilis kumalat. Katulad ng pagsisinungaling ni Carnation na lumaki nang lumaki dahil sa kagustuhan na itago ang totoo.

"Meron nang ganun?"

"Meron na po." Pinanindigan ni Carnation ang kasinungalingan, nagawa niya pang ngumiti at nakumbinsi naman niya ang madrasta.

Sa gabing iyon umuwi si Leonora para kumuha ng panibagong damit na gagamitin sa hospital. Pagbalik ng madrasta, saka lang siya umuwi ng bahay para maglaba ng iniwan ni Leonora na labahan at para magpahinga. Ganito ang set-up nila para may maiwan na magbabantay sa Daddy niya sakaling magising ito para umihi, uminum o kumain. Kinabukasan, pagkatapos magsampay ng iniwan niyang labahin sa washing machine kagabi, ginawa na niya ang resignation letter. Pagkatapos ay naligo siya at nagtungo sa part time jobs niya. Una siyang nagpa-alam sa gasoline station, pagkatapos ay sa café at sa convenience store.

Related chapters

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 6.1

    "Handa ka na ba sa physical test mo?" tanong ni Mist pagkatapos fill-up-an ni Carnation ang isang papel. "Opo . . . . " Kinakabahan man, ngumiti pa rin siya sa babae. "Mabuti kung gano'n. Sige tumayo ka na r'yan at sundan mo ako." Lumabas sila ng opisina ni Mist at naglakad sa pasilyo. Ang sabi sa kanya ay dito lang din sa 3rd floor gagawin ang physical test niya. Napahinto sa paglalakad si Carnation nang makita ang isang double wooden door. Lumapit siya sa pinto at wala sa sariling hinaplos iyon. Napakaganda, napakapulido nang pagkaka-ukit doon ng isang anaconda. "What are you doing?" Napaigtad siya sa istriktang tanong ni Mist. Hinarap niya ang babae at ang nakataas na kilay nito ang agad na sumalubong sa kanya. "Ah . . . na-amazed lang po ako sa pinto," sagot niya at muling nilingon ang pinto. "Ang galing po kasi nang pagkakagawa." Dagdag niya pa. "Hindi ka ba natatakot?" interesado namang tanong ni Mist.

    Last Updated : 2021-07-26
  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 6.2

    "Sir, ngayong araw gagawin ang physical test ng bagong mga niña," imporma ni Barnald sa boss na nakatayo sa harap ng tinted glass wall sa opisina nito, nakatanaw si Luca sa stage sa ibaba. "Kasama ba si Carnation?" "Yes, sir. Pumirma siya ng kontrata kahapon at opisyal na siyang niña ng Casa de Lujuria," sagot naman ni Barnald sa boss na nakatalikod pa rin sa kanya. Nakasusuyang ngumisi si Luca dahil sa narinig. "And here I thought she'd turn down the offer. After all, a woman is still a woman," komento niya. Hindi nagsalita si Barnald. Noon pa man alam na niyang malaki ang galit ng boss niya sa mga babae. Wala siyang alam sa nakaraan nito, ngunit nakasisiguro siyang hindi magtatanim ng galit ang boss niya sa mga babae kung hindi ito nasaktan ng isang Eva noon. "Tumawag nga pala ang kapatid niyo, sir. He offered to participate in our new recruits' physical tests." Sumimsim si Luca ng rum mula sa hawak na baso. Hinarap niya ang assistant at pinagkibit-

    Last Updated : 2021-08-02
  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 7.1

    Sa saliw ng musikang sway ni Rosemary Clooney—remix version. Parang mga sawa na lumingkis sa pole ng stage ng Casa de Lujuria ang tatlong strip dancer. Kagulat gulat ang lakas ng bisig ng tatlong babae, hindi sila bumabagsak sa sahig kahit pa anong posisyon ang gawin nila. Para bang naging kaisa na nila ang madulas at malamig na pole. Nag-iwas ng tingin sa stage si Carnation nang sa isang swabeng kilos ay wala ng suot na pang-itaas na damit ang babaeng nasa gitna. Erotiko itong gumiling at lumingkis sa pole. Naghiyawan ang mga lalaki sa lounge area ng main floor, tila mga leon sa gubat ang mga ito na nakakita ng masarap na pagkain at takam na takam iyong matikman. Isang malalim na pagsinghap ang ginawa ni Carnation bago tinalikuran ang stage at tinungo ang bar counter sa dulo ng hall, sa kanang bahagi ng twin imperial staircase kung manggagaling sa stage. Isang linggo mula noong araw ng physical test, sa main floor ng Casa de Lujuria agad siya nagtrabaho. Ang

    Last Updated : 2021-08-04
  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 7.2

    "Kumusta naman ang bagong part time job mo?" Nahinto sa pagbabalat ng mansanas si Carnation dahil sa tanong na iyon ng madrasta. Nilingon niya ito at nginitian. Rest day niya ngayon at naisip niyang tulungan ang madrasta sa pag-aalaga ng daddy niya. "Ayos naman po," tipid niyang sagot dito, iniiwasan na makapagsalita ng 'di dapat. Mahirap na, baka iba ang masabi niya at pagdudahan siya ng madrasta. Hindi puwedeng malaman ng pamilya niya ang totoong nature ng trabaho niya. "Eh… ang mga kasamahan mo sa hotel? 'Di ka ba nila kinakawawa doon?" Lumapad ang ngiti sa labi ni Carnation. Ibinalik niya ang atensyon sa pagbabalat ng mansanas at nagsalita, "Wala naman po akong na encounter na ganyan, tita. Sa tingin ko naman hindi gano'n ang mga tao sa hotel." Totoo naman, mababait ang mga tao sa hotel, sa ngayon. Hindi pa kasi niya kilala ang lahat at hindi pa niya nakakasalamuha ang ibang mga niña. "Mabuti naman kung gano'n." Pagkatapos balatan at hiwai

    Last Updated : 2021-08-17
  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 8.1

    "How's your night, dolt? Mukhang naka-score ka ah? Bagong ligo, eh!" tukso agad ni Primus nang pumasok sa opisina niya ang kaibigan nilang si Wregan. Nilingon ito ni Luca. Bagong ligo nga ito tulad ng sinabi ni Primus. 'Did this f*cktard ravish her already?' tiim bagang na tanong ni Luca sa isipan. Tch! Bigla ay nakaramdam siya ng pagka-asiwa. Yet, Luca managed to ignore his feelings. Ano man ang nangyari sa dalawa wala siyang pakialam. They aren't his business after all. Dapat pa nga siyang matuwa dahil kumikita ang Casa de Lujuria. "I'm feeling good dolt," nakangising sagot ni Wregan kay Primus. Naupo ito sa tabi niya, nagsalin ng alak sa sariling baso at inisang lagok iyon. "Ahuh? So why are you here? Not satisfied with your virgin flavor of the month?" tukso pa rin ni Primus na lalong nagpa-inis sa kanya. Wregan is playing with his niña again and this time, si Carnation ang napili nitong paglaruan. Gawain na talaga ito ng kaibi

    Last Updated : 2021-08-18
  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 8.2

    "I will pay for the damage. I'm even willing to double the price, if you tell me who was the girl who hit me that night. I need to know her." Tumaas ang isang kilay ni Luca. This old man— Sandoval, is too desperate to get her. He calls him from time to time. Interesado itong mabili sa kanya si Carnation. "Mr. Sandoval, I can't do that. Labag sa patakaran ng nightclub ang hinihingi mong pabor. In fact, hindi ko ipinagbibili ang niña ko. Pagbibigay aliw ang negosyo ko Mr. Sandoval, hindi human trafficking," mariing pagtutol ni Luca. Alam na nito na siya si Mr. Lust kaya ganito na lang kakulit ang matanda. Wala na itong pakialam sa pagiging VIP member, pero nalipat naman ang interes nito kay Carnation. Gusto raw nitong bilhin ang niñang nang pampas dito ng bote sa ulo. "No. Alam kong kaya mo siyang ibigay sa akin Mr. Lust. I want to have her. Gigil na gigil ako sa ginawa niya sa akin." Napailing siya sa sinabi ng matanda—f*ck! Ang kulet talaga! "Mr. Sandoval, hi

    Last Updated : 2021-08-19
  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 9

    Hindi napigilan ni Carnation ang pag-alpas ng mahinang tawa. 'Di niya alam na may cute side pala itong supladong assistant ni Mr. Lust, Barnald is cute when he's annoyed, nagiging sparkly ang mata nito at nagpa-pout ang lips. "What's funny?" Bumaling sa kanya ang binata. "Are you making fun of me?" suplado nitong tanong ang tingin ay nasa daan lang. Napa-iling si Carnation at inismiran ito. "Can you please stop doing that?" saway nito sa kanya. "Doing what?" "Stop acting cute, will you?" Marahas niyang pinaling ang ulo upang harapin ang binata. "Hoy, ikaw! Hindi ako nagpapa-cute!" "Eh, ano 'yang ginagawa mo? Ngayon-ngayon lang. . . ayan, nagpa-cute ka sa 'kin!" akusa muli nito. Nanlaki ang mata ni Carnation sa paratang nito. "Ang kapal naman talaga ng mukha mo Barnald! Hindi nga kasi! Kung magpapa-cute man ako, 'di sayo. . . kay Wregan siguro p'wede pa," bulong ni Carnation sa huling linya

    Last Updated : 2021-08-26
  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 10

    Komportableng nakaupo sa kanyang swivel chair, hinarap ni Luca ang kanyang bisita. Ang sabi ni Barnald, tatlong araw ng pabalik-balik sa opisina niya si Mr. Sandoval, hindi lang sila nagpang-abot ng matanda dahil nagtatago siya at may iniiwasan na makita. Para siyang multo, lulubog, lilitaw sa sariling nightclub. “Sinadya talaga kitang puntahan dito Mr. Lust, hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa 'yo. Ilang araw na akong pabalik-balik dito sa Casa de Lujuria upang kausapin ka." “Sa natatandaan ko Mr. Sandoval malinaw ang pagtatapos ng huli nating pag-uusap. Walang dahilan para mag-usap tayo," malamig na tugon ni Luca. Bumaba ang tingin niya sa briefcase na inilatag ni Mr. Sandoval sa ibabaw ng kanyang solid wood office table. Tumaas ang isang kilay niya nang buksan nito ang briefcase at tumambad ang napakaraming pera na laman n'yon. “What’s this?” Luca chuckled. “Sinusuholan mo ba ako Mr. Sandoval?” natatawang paratang niya sa matanda, hindi naman nito itina

    Last Updated : 2021-08-30

Latest chapter

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Special Chapter pt.2

    Sloan’s POV "This is Wregan Leath and Gludox Portoni, my fuck'n bestfriends. Sila 'yong sinasabi ko sa iyong malupit sa chicks!" I examined the two gorgeous men Primus introduced to me. Una kong napansin ang halos perpektong mukha ng lalaking tinawag niyang Wregan. Tulad ko, matangkad ang ito pero sigurado akong mas mataas ako sa kanya ng ilang sentimetro. Meron itong mata na parang sa fox at tigre, mabangis, matalim at tila maraming tinatago ngunit mukha din naman puno ng kasiyahan kung kumislap ang mata nito. Matangos ang ilong niya may maliit na nunal sa ibabang dulo. Hindi na ako magtataka kung totoo man na malupit ito pagdating sa mga babae. Halata sa datingan… Sunod ko namang na sinuri ang lalaking tinawag ni Primus na Gludox. Hindi tulad namin ni Wregan, may kaliitan ang tangkad ng lalaki pero mas maliit pa rin tingnan si Primus dito. Napakaputi ng balat nito na tinalo pa yata si snow white sa kaputian. Mukha naman itong pusa, cute pero hindi katiwa-tiwala. Yung tipo ng cute

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Special Chapter pt.1

    Carnation’s POV “Sigurado ka?” tanong ni Samantha nang tanggihan ko ang offer niyang ihatid ako sa sakayan ng bus. “Hindi na, dadaan pa kasi ako ng library. Kailangan kong manghiram ng books report ko kasi sa Friday,” paliwanag ko at ngumiti sa kanya. Sumimangot ito at napilitan na tumango. “Sige, basta bukas ihahatid ka namin sa inyo, okay? Ingat ka sa daan ah? Alam mo naman ang panahon ngayon maraming manyak!” Tumango ako at kumaway sa kanya. Pumasok naman ito sa service niya bago kumaway sa akin sa bintana. Bumalik ako sa building ng school para magtungo sa library. Totoong may report ako sa Friday at kailangan ko ng materials na magagamit. Saglit lang naman ako sa library, nanghiram lang ako ng books pagkatapos ay umuwi din. “Uulan pa yata…,” sabi ko sa sarili at tumingala sa langit. Sana naman hindi tumuloy ang ulan at wala akong dalang payong. Huminga ako ng malalim bago matulin na tumakbo patungo sa gate 2 ng school, mas malapit kasi sa bus stop kung doon ako dadaan. Hi

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Epilogue

    “I really like this place. Ilang taon na ang bahay na ito?” tanong niya at ginala ang tingin sa buong cave house. Kababalik lang nila ni Luca ng Pilipinas after ng honeymoon nila sa Istanbul at Georgia, at dito agad sila dumeretso sa cave house nito sa Cagayan Valley.“7 years? Pinagawa ko ito pagkatapos kong ipatayo ang bahay ko sa Luzon. You want wine?” Tumango siya bilang tugon sa tanong nito. Nasa kusina ito at siya naman ay nasa sala pinagmamasdan ang mga painting sa wall. Ang sabi sa kanya ng asawa nabili nito ang mga painting sa isang underground auction.“Matagal na rin pala,” komento niya at hinarap ang pinaka malaking larawan. Bigla niyang naalala doon nga pala nakatago sa likod ng larawan ang tank ng isa sa mga alagang ahas ni Luca. Gamit ang buong tapang, lumapit siya sa painting at pinindot ang buton doon para makita ang cage.“Sino ang nag-aalaga sa kanya noong nasa New York ka?” tanong niya pag

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 105

    "What happened to Balkin?" tanong niya kay Lizette na naghahanda ng pagkain niya. Ibinaba nito ang hawak na plastic wear at tumingin sa kanya.“I don’t know. He’s under the custody of the underground society committee. Wala akong balita sa kanya since the night na nahuli siya, and I don’t care. Mabulok na sana siya sa kulungan.” Ipinagpatuloy nito ang ginagawa. Si Carnation naman ay umupo sa hospital bed niya at inayos ang sariling kumot."Gising na ba sila?" Tukoy niya sa tatlong lalaki na katulad niya ay na confine sa hospital pagkatapos ng nangyaring sagupaan sa mansion ni Mr. Sandoval at nabaril ang mga ito."Gising na si Enver, kaso ang dalawa hindi pa rin nagkamalay. Malalim ang pagkakabaon ng bala sa tagiliran ni Luca, muntik ng may tinamaan na organ niya. Si Wregan naman may tama ng bala sa braso at likod na salamat sa diyos at hindi tumagos o kahit man lang nakarating sa puso niya." Nagpakawala ito ng buntong-hininga.

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 104

    “Luca!!!” matinis ang sigaw ni Carnation. Dinaluhan agad si Luca na natumba sa lupa at may tama ng baril sa tagiliran. Nilibot niya ang paningin, hinanap ang taong bumaril kay Luca, ngunit wala siyang nakita. Galing sa mataas na direksyon ang bala, marahil ay nasa ikatlong palapag ng bahay naroon ang shooter.“H-hey… look at me… I need to get you out of here. Can you walk? I-I can’t carry you,” mahinahon na sabi niya at marahan na tinatapik ng nanginginig na kamay ang pisngi ng binata. She’s trying her best to calm down. Pero ang takot niya ang siyang nagpapanginig sa buong systema niya. She can’t think straight.“I can manage. D-daplis lang naman…”“C-come on, I’ll help you.” Tinulungan niyang tumayo si ang binata at inalalayan itong maglakad. They keep their head down, hiding behind the tall wall of plants. Mabuti na ang nag-iingat, hindi nila alam kung kailan ulit aat

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 103

    Malapit na sa kinaroroonan niya ang mga bantay, at handa na si Carnation na mahuli ng mga ito. Ngunit, may swerte pa rin talaga siya kahit anong malas ng buhay niya. Just when the guards got there, biglang may humila sa kanya papasok sa loob ng makapal at mataas na halaman."Are you alright?""Luca!" Mahigpit niyang niyakap ang binata na para bang nakasalalay dito ang kanyang buhay. She had no idea he'd show up like this or save her from the people who were after her. “I’m f-fine. Ikaw?”“Ayos lang ako.”“Paano mo ako ginawa iyon?” curious at namamangha niyang tanong sa binata. Paano siya nito nahatak mula sa kabila, patungo sa kabilang bahagi na kinaroroonan nila?“That one is fake.” Tinuro nito ang parti ng wall ng mga halaman. “Sinadya kong ilagay para hindi nila tayo matunton dito sa center ng labyrinth.”“That's a wise move....”“Yeah&hellip

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 102

    "I'm going to check her," anunsyo ng Balkin. Tinambol ng malakas ang dibdib ni Carnation ng marinig ang sinabi nito. F*ck! Mahuhuli siya nito sa ganitong estado. If Balking went up the stairs, he'd definitely see her hiding behind the massive vase. Damn it! Ano ang gagawin niya?"Mabuti pa nga," sang-ayon naman agad ng secretary niya. Balkin walk towards the stairs direction, at lalong bumilis ang tibok ng puso ni Carnation. Pakiramdam niya lalabas na ang puso niya sa ribcage niya. Anong pwede niyang gawin? Hindi siya pwedeng mahuli ng lalaking ito. Masisira ang plano nila Luca kapag nahuli siya ng mga kalaban.Palapit na si Balkin sa hagdanan, sa malaking vase na pinagtataguan niya. Carnation is now ready to be caught or run somewhere for her life nang biglang…"Sir, katatapos lang kumain ni Miss Villagracia…" Biglang dumating ang lalaking naghatid ng pagkain niya kanina. Nakatayo ito sa punong hagdan sa itaas at pababa na. "Natutulog na po siya n

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 101

    "Kaninong bahay po ito?" tanong ni Carnation sa matandang lalaki na nagdala ng haponan niya. "Bahay po ba ito ni Mr. Sandoval?" pangungulit niya. She needs to get some information. Pero ayaw magsalita ng mga tao sa bahay na ito. Kahit na ang matandang kaharap niya ay hindi sinasagot ang mga tanong niya. "Manong, hindi niyo ba alam na mali ang ginagawa ng amo niyo? Kidnapping po ito. I'm sure alam niyong kasama kayong makukulong kapag hindi niyo ako pinakawalan dito," ngayon naman ay pananakot niya, pero hindi pa rin talaga ito nagsalita, patuloy lang ito sa pag-aayos ng kung ano sa food cart na dinala nito, ang matapos ay lumapit ito sa kanya. "Mabuti pa kumain ka na ng hapunan, upang makapag-pahinga na. Tawagin mo na lamang ako kung tapos ka ng maghapunan," sabi nito at agad na umalis ng silid. Sumimangot siya nang wala man lang siyang nahita na kahit anong impormasyon mula sa lalaki. Kainis! Naupo si Carnation sa gilid ng kama kung saan naroon

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 100

    Carnation woke up dizzy and had a headache. Hindi niya alam kung saang lupalop ng Pilipinas siya naroon. All she knows is that she was hit by a car and someone carried her in the backseat of a car and then put her in this room. Bukod doon ay wala na siyang maalala, hindi rin niya nakita ang mukha ng taong may gawa nito sa kanya."F*ck!" napamura siya dahil sa sakit ng katawan. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung binangga ka ng kotse? Nabali pa yata ang tadyang niya dahil sa nangyari.Pilit na binangon ni Carnation ang sarili mula sa kama, doon niya lang napansin na nakatali pala ang kanang paa niya sa kanang poste ng kama. Damn! Bihag na naman siya ngunit sa pagkakataong ito nakakasiguro siyang kalaban ang may hawak sa kanya. Posible kayang ang taong iyon ay ang taong hinahanap nila?Nilibot niya ang paningin sa buong silid. Nakakapagtaka na sa halip na sa isang marumi at madilim na silid siya dalhin ng taong iyon, dito pa siya kinulong. The room is nice, pa

DMCA.com Protection Status