Share

Kabanata 2

Author: Eu:N
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Good afternoon Sir," bati ng bawat empleyado na nadadaanan ni Luca. Tango lang ang tugon niya at tuloy-tuloy na naglakad.

“Barnald, kumusta ang paghahanap ninyo ng mga bagong Niña?” tanong ni Luca sa apatnapu't tatlong taong gulang na assistant. Patungo sila ngayon ng office niya sa 3rd floor ng Casa de Lujuria.

“Meron tayong dalawang aplikante na nakuha, sir. Isasalang sila sa physical test ngayong darating na linggo,” magalang na sagot naman ni Barnald sa boss.

“Hindi ba’t minimum of 3 applicants ang sinabi kong puwedeng isalang sa physical test?” kunot ang noo na tanong niya sa assistant.

“Yes, sir.”

“So, bakit dalawa lang? 'Wag kayong magsagawa ng physical test nang dalawa lang ang aplikante. Aksaya sa oras!"

“Pipilitin kong makahanap ng pangatlong aplikante, Sir.” Tinanguan niya ang assistant at nanguna nang lumabas ng elevator. 

Pag-aari ni Luca ang Casa de Lujuria, isang exclusive nightclub sa loob ng SSL Hotel—Seven Sins Luxury Hotel—na partnership business niya at ng kanyang mga kaibigan. Piling tao lang ang nakakapasok ng CDL; iyong mga guest ng hotel na may invitation pass at miyembro ng US—Underground Society.

“Mr. Lust, ito po ang report mula sa finance department." Inilatag ni Barnald ang hawak na mga folders sa ibabaw ng lamesa. "Ayon sa income statement natin sa loob ng tatlong buwan na lumipas tumaas ang—" Natigilan ang assistant nang mapansin ang pagtitig niya sa mukha nito.

"Sir, may problema ba?"

"Hindi na lang sana ako nag-aral ng business management kung hindi naman pala ako marunong magbasa ng income statement." Napangiwi si Barnald sa pagiging sarkastiko ng boss.

"Pasensya na sir. Sige po, iiwan ko muna kayo para mabasa niyo ang reports." Tumungo nang isang beses kay Luca ang assistant at iniwan siya sa opisina.

Ayon sa profit-and-loss statement nang finance department, maganda ang performance ng nightclub niya. Tumaas ang revenue nila sa nakalipas na tatlong buwan, maganda rin ang profitability ng casa. Ngunit mas mataas pa rin ang kinikita ng casa sa ilegal nitong negosyo at ikinatutuwa ito ni Luca. Dalawang uri ng negosyo ang hawak niya, ang sikat na Luxurious Club ng Hotel at ang underground business nitong nagbibigay aliw sa mga kasapi ng US. 

Ilang oras na ang lumipas pero nasa reports pa rin ang atensyon ni Luca, binabasa ang bawat detalyeng nakasulat sa bawat pahina ng papel. Hindi naman minsanan kung bumisita si Luca ng CDL, gabi-gabi pa nga kung tumabay siya sa kanyang nightclub. Natutuwa lang siyang basahin ang financial report ng business niya kaya siya nagbababad sa opisina. Pero ang payapang pagbabasa ni Luca ay nabulabog nang pumasok sa opisina niya ang pakanta-kantang si Farkas—ang nakababata niyang kapatid.

"Yow, Mr. Lust! Dito ka pala? Patambay ah?" Umirap si Luca sa hangin. Dumeretso ang kapatid niya sa lounge ng office at tamad na humiga. "Wow! Sarap talaga mahiga sa mamahaling couch!"

"What are you doing here Farkas?" poker face na tanong ni Luca sa kapatid.

"Correction…your righteous owner, it's Fast not Farkas. Who the hell is that very handsome man Farkas?" Hindi pinansin ni Luca ang mga pinagsasabi ng kapatid.

"What are you doing here?" tanong niyang muli at inilapag ang hawak na folder. "Don't you have class tonight?"

"I have. At gusto ko na ihatid mo 'ko," parang bata na demand ni Farkas sa kanya.

"At ano ang tingin mo sa sarili mo, bata?"

"Nah, but I'm your baby brother." Ngumisi nang malaki si Farkas, kita tuloy ang pantay at puti nitong mga ngipin. Inaamin ni Luca, gwapo talaga ang kapatid niya. Pero ‘di hamak na mas gwapo siya at matikas ang pangangatawan kesa dito.

"Come on, Mr. Lust!"

"Leave me alone Fast, si Barnald ang kulitin mo at marami akong ginagawa," taboy ni Luca sa kapatid.

"Pero Mr. Lust ikaw ang gusto kong maghatid sa 'kin sa school!" demand pa rin ni Farkas. Makulit talaga ang lalaking ito, hindi titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto.

"Busy nga ako," muling tinuon ni Luca ang tingin sa report na binabasa. "Si Barnald na ang kulitin mo tungkol d'yan."

"Tsk! Gusto ko nga ikaw."

"Kita mo itong folders sa table ko? Babasahin ko itong lahat…busy ako."

Tumayo si Farkas mula sa lounge at lumapit sa office table niya. Parang hari na naupo ito sa visitors chair at tumikhim. "Let's have a deal then," sabi nito na hindi nililingon si Luca.

"What deal?"

Lumingon ito sa kanya at ngumiti. "I'll let you work now, but you'll fetch me later after school."

"What are you? A kindergarten?"

"C'mon bro! Hindi talaga ako titigil hanggat hindi ka pumapayag, kaya sige na."

"A NO is a NO, Farkas Lindenhurst! Now get out of my office bago kita ipakaladkad patungong school mo." Nakasimangot na tumayo si Farkas at pabulong-bulong sa sarili na nilisan ang opisina niya.

Tatlo silang magkapatid. Si Mistina—ang panganay. Si Luca, at si Farkas naman ang bunso. Sa New York lumaki ang magkakapatid na Lindenhurst. Pero nang mamatay ang Mommy nila at nag-asawang muli ang Daddy nila, sa Pilipinas na nanirahan ang mga ito— at nineteen lamang si Luca noong mga panahong iyon.

Pagkatapos magbasa ng reports, ilang oras pang nanatili si Luca sa office niya bago tinawag si Barnald.

"Saan tayo, Sir?" magalang na tanong sa kanya ng assistant nang makalabas sila ng elevator ng parking ground.

"Ako ang magda-drive," mababa ang boses na sagot niya kay Barnald. Hindi naman nagtanong pa ang assistant. Ibinigay nito ang susi ng sasakyan sa kanya at diretsong pumasok ng backseat. Habang si Luca ay sa driver's seat naupo.

Ganito palagi ang set-up nila ni Barnald kapag pupunta sa lugar na hindi konektado o pag-aari ng US. Iniiwasan kasi ni Luca na malaman ng publiko ang totoong pagkatao ni Mr. Lust—ang tanyag na nightclub owner. Paraan din ng US na gumamit ng ibang tao sa ilegal na mga negosyo nang maiwasang masangkot ang kanilang mga miyembro sa problema.

Kasama si Barnald, tutungo sila ng St. Lukes para dalawin ang matalik na kaibigan na isang sikat na model. Ngunit nakalabas na sila ng parking nang bumuhos ang malakas na ulan.

"Mukhang magdamagan itong ulan sir," komento ni Barnald na nakasilip sa bintana ng kotse.

"F*ck. May banggaan pa," reklamo ni Luca nang makita ang kaguluhan sa unahan ng kalsada. Malabong makaatras ang sasakyan sa dami nang nakasunod sa likod, malayo din ang U-turn slot mula sa kanila. Lagpas ala-una na ng madaling araw nang makalabas sila sa traffic. 

Bad trip na bad trip siya sa nangyari.

"Sir, p'wede ba tayong huminto?" tanong ni Barnald na nagpataas ng isang kilay niya.

"Why?" Lumingon sa bintana ang assistant at napasunod ang tingin si Luca dito. Sa labas nakita niya ang isang babae na nakasilong sa waiting shed.

"You wanna help her?"

"Hindi, Sir. I wanna hire her." Napangisi si Luca sa sinabi ng assistant. Itinigil niya ang sasakyan sa harap ng waiting shed.

Binuksan ni Barnald ang bintana at kinausap ang dalaga. Tumanggi itong sumabay sa kanila, pero pagkatapos mabasa ang mensahe mula sa hawak na cellphone, bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin, at halos makiusap na ito na makisakay sa kanila.

"Ilang taon ka na iha?" narinig ni Luca na tanong ng assistant sa babaeng kasama nila.

"Nineteen po."

"Ano nga uli ang pangalan mo?"

"Carnation po, sir." Nagkasalubong ang tingin nila ni Barnald sa salamin. Tinanguan ni Luca ang matanda na tumango sa kanya pabalik.

"So… Carnation, nag-aaral ka pa ba?"

"Nag-stop po ako," matipid na sagot ng dalaga. Nag-iingat ito sa bibitawang sagot, na tama lang naman dahil estranghero sila para dito.

"I see. Bakit ka tumigil sa pag-aaral?"

Tumingin sa salamin ang dalaga at nasalubong ni Luca ang isang mata nito—nasa kabilang gilid kasi ito ng sasakyan nakaupo. Nagtagal ang tingin nila ng dalaga bago nag-iwas ng tingin sa isa't-isa.

"Financial problem po..."

"Hindi ba kaya ng parents mo na pag-aralin ka? Naku! Pasensya na kung marami akong tanong. Alam mo kasi, hiring kami ngayon." Napangisi si Luca. His assistant is very efficient. Gusto niya kung gaano ka-smooth nito dinala ang usapan.

"Pamilyar ka ba sa SSL Hotel sa Makati?"

"Opo, nakapunta na 'ko doon isang beses. Sa inyo po ba 'yon sir?" Natawa ng malakas ang assistant niya. "Ah hindi, naroon lang sa SSL Hotel ang negosyo ko. Alam mo iyong Casa de Lujuria, iyong exclusive nightclub ng hotel?"

Namilog ang mata ng dalaga. "Inyo po 'yon!?" interesado na tanong nito. "Madalas pag-usapan ng mayayaman kong blockmates ang nightclub niyo, Sir. Nakapunta na ako isang beses ng SSL Hotel pero hindi pa ako nakatungtong ng CDL."

Tumawa si Barnald. "Talaga ba? Hindi ko alam na ganyan kasikat ang casa."

"Naku! Kung alam niyo lang po sir," magiliw na wika ng dalaga. "Sikat na sikat po sa school ang CDL, lalo na kayo!"

"Ako?" nalilibang na tanong ni Barnald sabay turo sa sarili.

"Opo! Kayo si Mr. Lust, 'di ba? Iyong sikat na owner ng Casa de Lujuria?" Hindi sumagot si Barnald, may hinugot itong card sa inner pocket ng suit at inabot sa dalaga.

"Ano po ito?" tanong nito, at napatitig sa hawak na card.

"An invitation pass." Ngumiti si Barnald. "I'm inviting you to my nightclub. 'Di ba, sinabi ko hiring kami? Malaki ang kikitain mo sa Casa de Lujuria. Bakit hindi mo subukan na magtrabaho sa akin?"

Matagal na tinitigan ng dalaga ang hawak na card at nagtanong, "Ano po ang trabaho?"

"Bumisita ka para malaman mo."

Related chapters

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Kabanata 3

    "Bumisita ka para malaman mo." Tinitigan ni Carnation ang invitation card, itim ito at may design na dahon na kulay itim at ginto sa kanang bahagi. Sa harap nakasulat sa malaking letra ang pangalan ng nightclub; sa ibaba naman ay quote na nakasulat sa mas maliit na letra. 'A place where your hidden desire unleash, like a pleasure in paradise' "We're here," imporma ng driver. Napalingon si Carnation sa labas ng bintana. "Dito na nga po tayo, hindi ko napansin." Hinarap niya si Mr. Lust at nagpasalamat, "Maraming salamat sa libreng sakay, Sir." "No problem, iha. Masaya akong nakatulong sa 'yo. Magkita na lang tayo sa susunod kung sakaling tanggapin mo ang inaalok kong trabaho." Ngumiti siya dito. "Pag-isipan ko po…." "Mag-ingat ka." Sukbit ang bag, bumaba siya nang sasakyan. Kumaway si Carnation sa mga nagmagandang loob bago tuluyang naglakad papasok ng ospital. Tumila na ang ulan, may kulay bughaw na sa langit tanda na ilang oras na lang sisikat na ang araw—wala na naman siyan

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Kabanata 4

    Huminga ng malalim si Carnation bago pumasok ng Seven Sins Luxurious Hotel. Narito siya upang tanggapin ang alok na trabaho ni Mr. Lust. "Good afternoon," bati niya sa receptionist. "Good afternoon Ma'am, how may I help you?" "Ahm…magtatanong lang. Saan ba ang papuntang Casa de Lujuria?" Malaki kasi ang hotel at duda siyang mahahanap niya agad ang pasilidad ng siya lang. "May invitation pass ba kayo Ma'am?" "Meron! Ito." Pinakita ni Carnation ang hawak na invitation card. Nginitian siya ng receptionist, nagpaalam ito na may tatawagan lang sa service phone. Pagkatapos ay pinaupo siya nito sa lounge area, ang sabi ay may susundo raw sa kanya sa lobby. Maya-maya, isang maganda at matangkad na babae ang lumapit kay Carnation, napatayo agad siya. "Hi!" bati niya sa babae at nginitian ito. Tulad ng driver ni Mr. Lust, mukhang may dugong banyaga ang babae. "Ikaw si Carnation?" Tumango siya't ngumiti sa babae. "Ako si Mist, itinalaga ako ni Mr. Lust para i-tour ka sa Casa de Lujuria."

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Kabanata 5

    "Welcome to Casa de Lujuria—a place where your hidden desire unleash, like a pleasure in paradise," sabi ni Mist nang may ngiti sa labi. Excited na tumakbo si Carnation patungo sa dulo ng platform, humawak siya railings at namamangha na nilibot ang paningin sa napakalaking bulwagan. Ito na yata ang pinaka malaking hall na nakita niya! Hindi niya lubos akalain napakalaking lugar pala ng Casa de Lujuria. Mula sa kinatatayuan, sumilip si Carnation sa ibaba ng platform at nakita niya ang LED DJ booth na nasa pagitan ng kambal na grand staircase; naglalaro naman ang kulay nito sa pink, light blue at black. Sa dulo ng hall naroon ang rectangular stage na may dalawang bilogang stage na nakadikit sa magkabilang dulo. Sa gitna ng mga bilogang stage ay may poles. Sa ibaba ng stage, nagkalat ang puting lounges at lumen LED tables. "Obviously, that's the stage," imporma ni Mist at tinuro ang direksyon ng stage. "Ang mga lounges sa ibaba ay para sa regular members ng casa. Ang lounge naman na par

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 6.1

    "Handa ka na ba sa physical test mo?" tanong ni Mist pagkatapos fill-up-an ni Carnation ang isang papel. "Opo . . . . " Kinakabahan man, ngumiti pa rin siya sa babae. "Mabuti kung gano'n. Sige tumayo ka na r'yan at sundan mo ako." Lumabas sila ng opisina ni Mist at naglakad sa pasilyo. Ang sabi sa kanya ay dito lang din sa 3rd floor gagawin ang physical test niya. Napahinto sa paglalakad si Carnation nang makita ang isang double wooden door. Lumapit siya sa pinto at wala sa sariling hinaplos iyon. Napakaganda, napakapulido nang pagkaka-ukit doon ng isang anaconda. "What are you doing?" Napaigtad siya sa istriktang tanong ni Mist. Hinarap niya ang babae at ang nakataas na kilay nito ang agad na sumalubong sa kanya. "Ah . . . na-amazed lang po ako sa pinto," sagot niya at muling nilingon ang pinto. "Ang galing po kasi nang pagkakagawa." Dagdag niya pa. "Hindi ka ba natatakot?" interesado namang tanong ni Mist.

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 6.2

    "Sir, ngayong araw gagawin ang physical test ng bagong mga niña," imporma ni Barnald sa boss na nakatayo sa harap ng tinted glass wall sa opisina nito, nakatanaw si Luca sa stage sa ibaba. "Kasama ba si Carnation?" "Yes, sir. Pumirma siya ng kontrata kahapon at opisyal na siyang niña ng Casa de Lujuria," sagot naman ni Barnald sa boss na nakatalikod pa rin sa kanya. Nakasusuyang ngumisi si Luca dahil sa narinig. "And here I thought she'd turn down the offer. After all, a woman is still a woman," komento niya. Hindi nagsalita si Barnald. Noon pa man alam na niyang malaki ang galit ng boss niya sa mga babae. Wala siyang alam sa nakaraan nito, ngunit nakasisiguro siyang hindi magtatanim ng galit ang boss niya sa mga babae kung hindi ito nasaktan ng isang Eva noon. "Tumawag nga pala ang kapatid niyo, sir. He offered to participate in our new recruits' physical tests." Sumimsim si Luca ng rum mula sa hawak na baso. Hinarap niya ang assistant at pinagkibit-

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 7.1

    Sa saliw ng musikang sway ni Rosemary Clooney—remix version. Parang mga sawa na lumingkis sa pole ng stage ng Casa de Lujuria ang tatlong strip dancer. Kagulat gulat ang lakas ng bisig ng tatlong babae, hindi sila bumabagsak sa sahig kahit pa anong posisyon ang gawin nila. Para bang naging kaisa na nila ang madulas at malamig na pole. Nag-iwas ng tingin sa stage si Carnation nang sa isang swabeng kilos ay wala ng suot na pang-itaas na damit ang babaeng nasa gitna. Erotiko itong gumiling at lumingkis sa pole. Naghiyawan ang mga lalaki sa lounge area ng main floor, tila mga leon sa gubat ang mga ito na nakakita ng masarap na pagkain at takam na takam iyong matikman. Isang malalim na pagsinghap ang ginawa ni Carnation bago tinalikuran ang stage at tinungo ang bar counter sa dulo ng hall, sa kanang bahagi ng twin imperial staircase kung manggagaling sa stage. Isang linggo mula noong araw ng physical test, sa main floor ng Casa de Lujuria agad siya nagtrabaho. Ang

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 7.2

    "Kumusta naman ang bagong part time job mo?" Nahinto sa pagbabalat ng mansanas si Carnation dahil sa tanong na iyon ng madrasta. Nilingon niya ito at nginitian. Rest day niya ngayon at naisip niyang tulungan ang madrasta sa pag-aalaga ng daddy niya. "Ayos naman po," tipid niyang sagot dito, iniiwasan na makapagsalita ng 'di dapat. Mahirap na, baka iba ang masabi niya at pagdudahan siya ng madrasta. Hindi puwedeng malaman ng pamilya niya ang totoong nature ng trabaho niya. "Eh… ang mga kasamahan mo sa hotel? 'Di ka ba nila kinakawawa doon?" Lumapad ang ngiti sa labi ni Carnation. Ibinalik niya ang atensyon sa pagbabalat ng mansanas at nagsalita, "Wala naman po akong na encounter na ganyan, tita. Sa tingin ko naman hindi gano'n ang mga tao sa hotel." Totoo naman, mababait ang mga tao sa hotel, sa ngayon. Hindi pa kasi niya kilala ang lahat at hindi pa niya nakakasalamuha ang ibang mga niña. "Mabuti naman kung gano'n." Pagkatapos balatan at hiwai

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 8.1

    "How's your night, dolt? Mukhang naka-score ka ah? Bagong ligo, eh!" tukso agad ni Primus nang pumasok sa opisina niya ang kaibigan nilang si Wregan. Nilingon ito ni Luca. Bagong ligo nga ito tulad ng sinabi ni Primus. 'Did this f*cktard ravish her already?' tiim bagang na tanong ni Luca sa isipan. Tch! Bigla ay nakaramdam siya ng pagka-asiwa. Yet, Luca managed to ignore his feelings. Ano man ang nangyari sa dalawa wala siyang pakialam. They aren't his business after all. Dapat pa nga siyang matuwa dahil kumikita ang Casa de Lujuria. "I'm feeling good dolt," nakangising sagot ni Wregan kay Primus. Naupo ito sa tabi niya, nagsalin ng alak sa sariling baso at inisang lagok iyon. "Ahuh? So why are you here? Not satisfied with your virgin flavor of the month?" tukso pa rin ni Primus na lalong nagpa-inis sa kanya. Wregan is playing with his niña again and this time, si Carnation ang napili nitong paglaruan. Gawain na talaga ito ng kaibi

Latest chapter

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Special Chapter pt.2

    Sloan’s POV "This is Wregan Leath and Gludox Portoni, my fuck'n bestfriends. Sila 'yong sinasabi ko sa iyong malupit sa chicks!" I examined the two gorgeous men Primus introduced to me. Una kong napansin ang halos perpektong mukha ng lalaking tinawag niyang Wregan. Tulad ko, matangkad ang ito pero sigurado akong mas mataas ako sa kanya ng ilang sentimetro. Meron itong mata na parang sa fox at tigre, mabangis, matalim at tila maraming tinatago ngunit mukha din naman puno ng kasiyahan kung kumislap ang mata nito. Matangos ang ilong niya may maliit na nunal sa ibabang dulo. Hindi na ako magtataka kung totoo man na malupit ito pagdating sa mga babae. Halata sa datingan… Sunod ko namang na sinuri ang lalaking tinawag ni Primus na Gludox. Hindi tulad namin ni Wregan, may kaliitan ang tangkad ng lalaki pero mas maliit pa rin tingnan si Primus dito. Napakaputi ng balat nito na tinalo pa yata si snow white sa kaputian. Mukha naman itong pusa, cute pero hindi katiwa-tiwala. Yung tipo ng cute

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Special Chapter pt.1

    Carnation’s POV “Sigurado ka?” tanong ni Samantha nang tanggihan ko ang offer niyang ihatid ako sa sakayan ng bus. “Hindi na, dadaan pa kasi ako ng library. Kailangan kong manghiram ng books report ko kasi sa Friday,” paliwanag ko at ngumiti sa kanya. Sumimangot ito at napilitan na tumango. “Sige, basta bukas ihahatid ka namin sa inyo, okay? Ingat ka sa daan ah? Alam mo naman ang panahon ngayon maraming manyak!” Tumango ako at kumaway sa kanya. Pumasok naman ito sa service niya bago kumaway sa akin sa bintana. Bumalik ako sa building ng school para magtungo sa library. Totoong may report ako sa Friday at kailangan ko ng materials na magagamit. Saglit lang naman ako sa library, nanghiram lang ako ng books pagkatapos ay umuwi din. “Uulan pa yata…,” sabi ko sa sarili at tumingala sa langit. Sana naman hindi tumuloy ang ulan at wala akong dalang payong. Huminga ako ng malalim bago matulin na tumakbo patungo sa gate 2 ng school, mas malapit kasi sa bus stop kung doon ako dadaan. Hi

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Epilogue

    “I really like this place. Ilang taon na ang bahay na ito?” tanong niya at ginala ang tingin sa buong cave house. Kababalik lang nila ni Luca ng Pilipinas after ng honeymoon nila sa Istanbul at Georgia, at dito agad sila dumeretso sa cave house nito sa Cagayan Valley.“7 years? Pinagawa ko ito pagkatapos kong ipatayo ang bahay ko sa Luzon. You want wine?” Tumango siya bilang tugon sa tanong nito. Nasa kusina ito at siya naman ay nasa sala pinagmamasdan ang mga painting sa wall. Ang sabi sa kanya ng asawa nabili nito ang mga painting sa isang underground auction.“Matagal na rin pala,” komento niya at hinarap ang pinaka malaking larawan. Bigla niyang naalala doon nga pala nakatago sa likod ng larawan ang tank ng isa sa mga alagang ahas ni Luca. Gamit ang buong tapang, lumapit siya sa painting at pinindot ang buton doon para makita ang cage.“Sino ang nag-aalaga sa kanya noong nasa New York ka?” tanong niya pag

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 105

    "What happened to Balkin?" tanong niya kay Lizette na naghahanda ng pagkain niya. Ibinaba nito ang hawak na plastic wear at tumingin sa kanya.“I don’t know. He’s under the custody of the underground society committee. Wala akong balita sa kanya since the night na nahuli siya, and I don’t care. Mabulok na sana siya sa kulungan.” Ipinagpatuloy nito ang ginagawa. Si Carnation naman ay umupo sa hospital bed niya at inayos ang sariling kumot."Gising na ba sila?" Tukoy niya sa tatlong lalaki na katulad niya ay na confine sa hospital pagkatapos ng nangyaring sagupaan sa mansion ni Mr. Sandoval at nabaril ang mga ito."Gising na si Enver, kaso ang dalawa hindi pa rin nagkamalay. Malalim ang pagkakabaon ng bala sa tagiliran ni Luca, muntik ng may tinamaan na organ niya. Si Wregan naman may tama ng bala sa braso at likod na salamat sa diyos at hindi tumagos o kahit man lang nakarating sa puso niya." Nagpakawala ito ng buntong-hininga.

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 104

    “Luca!!!” matinis ang sigaw ni Carnation. Dinaluhan agad si Luca na natumba sa lupa at may tama ng baril sa tagiliran. Nilibot niya ang paningin, hinanap ang taong bumaril kay Luca, ngunit wala siyang nakita. Galing sa mataas na direksyon ang bala, marahil ay nasa ikatlong palapag ng bahay naroon ang shooter.“H-hey… look at me… I need to get you out of here. Can you walk? I-I can’t carry you,” mahinahon na sabi niya at marahan na tinatapik ng nanginginig na kamay ang pisngi ng binata. She’s trying her best to calm down. Pero ang takot niya ang siyang nagpapanginig sa buong systema niya. She can’t think straight.“I can manage. D-daplis lang naman…”“C-come on, I’ll help you.” Tinulungan niyang tumayo si ang binata at inalalayan itong maglakad. They keep their head down, hiding behind the tall wall of plants. Mabuti na ang nag-iingat, hindi nila alam kung kailan ulit aat

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 103

    Malapit na sa kinaroroonan niya ang mga bantay, at handa na si Carnation na mahuli ng mga ito. Ngunit, may swerte pa rin talaga siya kahit anong malas ng buhay niya. Just when the guards got there, biglang may humila sa kanya papasok sa loob ng makapal at mataas na halaman."Are you alright?""Luca!" Mahigpit niyang niyakap ang binata na para bang nakasalalay dito ang kanyang buhay. She had no idea he'd show up like this or save her from the people who were after her. “I’m f-fine. Ikaw?”“Ayos lang ako.”“Paano mo ako ginawa iyon?” curious at namamangha niyang tanong sa binata. Paano siya nito nahatak mula sa kabila, patungo sa kabilang bahagi na kinaroroonan nila?“That one is fake.” Tinuro nito ang parti ng wall ng mga halaman. “Sinadya kong ilagay para hindi nila tayo matunton dito sa center ng labyrinth.”“That's a wise move....”“Yeah&hellip

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 102

    "I'm going to check her," anunsyo ng Balkin. Tinambol ng malakas ang dibdib ni Carnation ng marinig ang sinabi nito. F*ck! Mahuhuli siya nito sa ganitong estado. If Balking went up the stairs, he'd definitely see her hiding behind the massive vase. Damn it! Ano ang gagawin niya?"Mabuti pa nga," sang-ayon naman agad ng secretary niya. Balkin walk towards the stairs direction, at lalong bumilis ang tibok ng puso ni Carnation. Pakiramdam niya lalabas na ang puso niya sa ribcage niya. Anong pwede niyang gawin? Hindi siya pwedeng mahuli ng lalaking ito. Masisira ang plano nila Luca kapag nahuli siya ng mga kalaban.Palapit na si Balkin sa hagdanan, sa malaking vase na pinagtataguan niya. Carnation is now ready to be caught or run somewhere for her life nang biglang…"Sir, katatapos lang kumain ni Miss Villagracia…" Biglang dumating ang lalaking naghatid ng pagkain niya kanina. Nakatayo ito sa punong hagdan sa itaas at pababa na. "Natutulog na po siya n

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 101

    "Kaninong bahay po ito?" tanong ni Carnation sa matandang lalaki na nagdala ng haponan niya. "Bahay po ba ito ni Mr. Sandoval?" pangungulit niya. She needs to get some information. Pero ayaw magsalita ng mga tao sa bahay na ito. Kahit na ang matandang kaharap niya ay hindi sinasagot ang mga tanong niya. "Manong, hindi niyo ba alam na mali ang ginagawa ng amo niyo? Kidnapping po ito. I'm sure alam niyong kasama kayong makukulong kapag hindi niyo ako pinakawalan dito," ngayon naman ay pananakot niya, pero hindi pa rin talaga ito nagsalita, patuloy lang ito sa pag-aayos ng kung ano sa food cart na dinala nito, ang matapos ay lumapit ito sa kanya. "Mabuti pa kumain ka na ng hapunan, upang makapag-pahinga na. Tawagin mo na lamang ako kung tapos ka ng maghapunan," sabi nito at agad na umalis ng silid. Sumimangot siya nang wala man lang siyang nahita na kahit anong impormasyon mula sa lalaki. Kainis! Naupo si Carnation sa gilid ng kama kung saan naroon

  • The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)   Chapter 100

    Carnation woke up dizzy and had a headache. Hindi niya alam kung saang lupalop ng Pilipinas siya naroon. All she knows is that she was hit by a car and someone carried her in the backseat of a car and then put her in this room. Bukod doon ay wala na siyang maalala, hindi rin niya nakita ang mukha ng taong may gawa nito sa kanya."F*ck!" napamura siya dahil sa sakit ng katawan. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung binangga ka ng kotse? Nabali pa yata ang tadyang niya dahil sa nangyari.Pilit na binangon ni Carnation ang sarili mula sa kama, doon niya lang napansin na nakatali pala ang kanang paa niya sa kanang poste ng kama. Damn! Bihag na naman siya ngunit sa pagkakataong ito nakakasiguro siyang kalaban ang may hawak sa kanya. Posible kayang ang taong iyon ay ang taong hinahanap nila?Nilibot niya ang paningin sa buong silid. Nakakapagtaka na sa halip na sa isang marumi at madilim na silid siya dalhin ng taong iyon, dito pa siya kinulong. The room is nice, pa

DMCA.com Protection Status