"Mamili ka, siya, o ako?" tanong ni Danica kay Jethro. Natatawa pa ang lalaki ng bahagya sa kanyang sinabi, "anong kalokohan naman ang naiisip mo at pinapapili mo ako?" "Puro ka na lang. Lovely, lovely.. lovely! ni hindi mo nga naalala ang birthday ko eh. " may hinagpis sa kanyang tinig. Tiningnan lang siya ni Jethro, at tumalikod sabay labas ng bahay. Hindi siya makapaniwala na pipiliin nito ang babaeng iyon. Agad siyang nag alsa balutan, upang iwanan ang lalaki.
View MoreEksaktong anim na buwan, simula nong mawala si Vinz, unti unti na si Danica na nakakabangon.Ang kanyang katawan ay nakakabawi na, at maganda na ang takbo ng kanyang negosyo.Ang pagiexport ng mga damit ang kanyang ginawang negosyo. Hindi siya umasa sa mga pamana nina Vinz at Lovely, bagkus, kumilos siya para sa kanila.Walang bakas ni Jethro sa kanyang bahay, ngunit nalalaman niya sa kanilang mga anak at sa yaya, na pumupunta ang lalaki doon, kapag wala siya.Minsan, nalulungkot siya, dahil naiisip niyang tama si Vinz.. kailangang buuin nila ang kanilang pamilya ni Jethro, ngunit siya naman ay inaatake ng hiya.Hindi na kailanman kumontak sa kanya si Jethro..Mukhang sumuko na ang lalaki, panunuyo at pakikipag usap sa isang gaya niyang kasing lamig ng yelo makitungo.Mahalaga naman sa lalaki ang kanyang mga anak, subalit hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.Ano ang hungkag na damdamin na pilit lumalabas sa kanyang damdamin? bakit tila ba, ang alaala ng lalaki ay palaging nasa
May isang susi sa bag ni Vinz, para sa closet nito sa kanilang bahay.Kinuha niya iyon. At binasa ang isa, na naka date, noong panahong nakita niya ito sa isang bar...Mahal kong Danica..Ang una kong pagkakita sa iyo, marahil ay hindi sinasadya, kundi isang tadhana.. Ang puso ko ay tumibok ng mabilis, na parang isang barena.Wala akong ibang tinitigan ngayong gabi, kundi ikaw lamang. Sayang, at may nauna na pala sa akin.Kung nauna lang sana ako, ng kahit ilang buwan na makalapit saiyo, ginawa ko na..Nagkakilala na tayo, sa Manila. At dahil sa ganda mo, at pinalibutan ka ng mga tao, hindi ko na nakuhang lumapit. Nginitian mo ako, ng minsang magtama ang ating mga mata.. subalit mukhang hindi mo ako natandaan..Naalala ni Danica ang lalaking iyon, na nakatitig sa kanya buong gabi, at binigyan niya ng isang ngiti. Ngunit dahil hindi siya interesado dito, hindi na niya natandaan ang mukhang iyon. Bumuntunghininga siya, saka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng liham ni Vinz..Hindi na kita ma
"IWANAN mo na ko, Jethro.." sabi ni Danica sa lalaki, "hayaan mo muna akong mag isa.."Umalis ito, kasama ang mga bata. Halos dalawang linggo itong nananatili sa kanilang tahanan. Hindi ito umaalis at inaasikaso ang mga bata.Nakita niya, na gustong gusto ito nina Juls at Julia. Kaya hinayaan na lang niya ito.Lumalapit lang ito sa kanya kapag aayain siyang kumain, o kukumustahin. Kapag hindi siya nagsalita, umaalis na ito.Si Jethro din ang kumuha ng vault sa bahay ni Lovely, pati ang bag sa bahay ni Vinz.Nasa harapan niya ngayon, ang mga bagay na sinasabi ng mga ito sa kanyang panaginip, at ayun din sa naiwang will ng dalawa, kailangang ibigay sa kanya ang mga gamit na iyon.Una niyang kinuha ang susi ng vault ni Lovely. Customize iyon. Kaya ang btanging susi para mabuksan ito ay nag iisa lang.Tumambad sa kanyang mga mata, ang punong pera na nasa vault ay may nakasulat na Juls at Julia, sa bandang secret case naman, may isang telepono, saka isang sulat.Una niyang binuksan ang so
"DANICA...." hinawakan ni Jethro ang kanyang balikat, "halika na, naghihintay na ang mga bata.."Hindi niya alam, kung paano mabubuhay ngayon. Si Vinz ang nagsilbing best friend niya, sa mga panahong down na down siya.Hindi ito nag take advantage sa kanya kahit minsan.Isang beses lang siya nahalikan nito, at sa noo pa iyon.Ang pagsasakripisyo nito sa kanilang mag iina, ay walang katumbas. Kaya hindi niya alam kung paano magsisimula muli, ng wala ito sa paligid.Sa loob ng isang linggo na pagdadalamhati, wala siyang ginawa, kundi umiyak. Mag dalamhati. Magmukmok.Ni hindi na niya alam ang nangyayari sa kanyang mga anak, na lumalapit sa kanya para i-comfort siya.Nakikita niya ang mga itong kumakain. Bagong ligo, bagong bihis.May mga yaya naman ang mga bata, kaya tiwala siya sa mga iyon.Sa harap ng puntod ni Vinz, tila bumabalik ang lahat ng alaala nilang magkakasama.Walang dull moment kapag kasama niya ito. Laging nagpapatawa, laging may sense kausap. Hindi nauuubusan ng jokes.M
Ang damdaming iyon na pilit niyang kinakalimutan, ay muling nabuhay.'Bakit? bakit akala ko ay wala na? bakit akala ko ay tapos na?'Ang mga katanungan ni Danica ay kusang lumabas at pilit na kumakawala sa kanyang isipan.Hindi pala nawala ang pagmamahal niya kay Jethro, ito ay natakpan lamang ng poot, at sakit.Mas nanaig sa kanya ang matinding galit na dulot ng nakaraan. At ngayon, ng aminin na ni Lovely ang lahat ,parang mas gumaan na ang pagdadala niya ng kasalanan ni Jethro.Ang kanyang pagmumuni muni, ay nagbalik ng kanyang mga lumang alaala na tila ba kumakatok sa kanyang puso. Yung panahong sila ay masaya pa, at panahong wala pa silang pinag aawayan.Ang buhay nila noon ay talagang matatawag na ideal, lalo na, ng iopen ng lalaki sa kanya ang tungkol sa kasal.Isa iyon sa pinakamagandang bahagi ng kanyang buhay. Lahat naman ng babae ay nangangarap na maikasal. Nais niyang bumuo sana ng pamilyang mapayapa at masaya, na ipinagkait noon sa kanya.Subalit bakit ba napakadamot ng ta
Subalit ang kaligayahang iyon, ay hindi nagtagal.Hindi dumating ang puso sa tamang panahon.At hindi na iyon makukuha kailan man.Bumagsak ang helicopter na pinagkargahan nito, at nasunog iyon na parang barbecue.Nang malaman nina Danica ang nangyari, nagpanic sila, lalo na ang mga doctor.Mahinang mahina na si Vinz. Mukhang hindi na nito kayang magsurvive sa loob ng 24 oras."Anong gagawin natin," lumuluhang sabi ni Danica kay Lovely.."Maghahanap ako ng paraan, maghintay ka dito!" paalam nito sa kanya.Lutang na lutang ang pakiramdam ni Danica.Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa paligid.Biglang may tumawag sa kanyang pangalan. Ang tinig na iyon!"Jethro?" bulong niya."Okay lang ba si Vinz?" agad hinawakan ni Jethro ang wala sa sariling si Danica, "magsalita ka..""Jethro.." hilam ng luha ang mga mata ng babae, habang nakatingin sa kanya.Hindi ito makapagsalita ng maayos ,na parang takut na takot.Agad niyang niyakap ito at pinakalma. Si Santi naman ay nagpaalam sa kan
Danica, na nakikipaglaro pa sa mga bata sa labas, ay napalingon nang marinig ang hysterical na sigaw ni Lovely. Agad niyang binitiwan ang mga laruan at mabilis na tumakbo papasok sa bahay. Pagkarating niya sa loob, bumungad sa kanya ang walang malay na si Vinz, nakasandal sa sofa habang nanginginig ang mga kamay ni Lovely sa paghawak sa kanya."D-Danica! Tumawag ka ng ambulansya! Bilis!" nanginginig na utos ni Lovely, habang pinipilit niyang alalayan si Vinz.Hindi na nag-aksaya ng oras si Danica. Agad niyang kinuha ang cellphone niya at tumawag sa emergency hotline. Nanginginig ang boses niya habang ibinibigay ang address nila at sinasabing may emergency—may taong nangangailangan ng agarang atensyong medikal."Vinz! Vinz! Kaya mo 'to!" halos maiyak si Danica habang hinahaplos ang mukha ng lalaking mahal niya. "Huwag kang bibitiw, ha? Please, andito ako..."Mahina na ang paghinga ni Vinz, at kitang-kita ang panghihina sa kanyang katawan. Walang malay ngunit may bahagyang paggalaw sa k
"IWAN niyo muna kami," pakiusap ni Vinz sa mga bata at kay Danica."Sige.. kids, tara na, maglaro tayo sa labas." inakay ni Danica ang mga bata palabas upang bigyan ng pagkakataong makapag usap sina Lovely at Vinz."Kumusta ka na? may sakit ka pala.." mahinang sabi ni Lovely."Bakit niyo pa kami hinanap? nananahimik na kami?" mahinang sabi ni Vinz sa kanya. Ang maputla nitong labi ay tila ba kailangan ng lagyan ng lipstick dahil para na iyong labi ng bangkay.Ang payat na pangangatawan nito ay parang napakarupok at anumang oras ay maaarin na itong bumigay.Malalim ang mga mata ni Vinz. Gwapo pa ri ito ngunit halatang may iniindang sakit."Totoo palang itinago mo ang mag iina.." mahinang sabi ni Lovely."Noong kinausap mo ako, sa plano mo, hindi ako pumayag. Subalit pagtawag sa akin ni Danica, na umiiyak, natunaw ang puso ko. Hindi ko na siya kayang masaktan pa.." paliwanag ni Vinz, "mahal ko siya.. at nasasaktan ako, kapag nasasaktan siya.""Nagsasama na ba talaga kayo?" malungkot na
Hindi agad nakasagot si Lovely. Alam niyang hindi siya dapat makialam, pero hindi niya rin maiwasang mag-alala."Anong sakit niya?" tanong niya matapos ang ilang segundong katahimikan. Hindi niya akalaing sasapitin ni Vinz ang ganito.Huminga nang malalim si Danica bago sumagot. "May sakit siya sa puso. Matagal na niyang itinago sa amin, pero nitong mga nakaraang buwan, lumala na ang kondisyon niya. Kailangan niya ng operasyon, pero..." Pinutol niya ang sarili, waring nag-aalangan kung dapat pa niyang ipagpatuloy ang sasabihin."Pero ano?" usisa ni Lovely. Biglang lumatay sa kanyang mukha ang pag aalala, "ganoon ba talaga kalala ang kondisyon niya?"Napatingin si Danica kay Lovely, wari'y sinusukat kung dapat ba niyang ipagkatiwala ang impormasyong iyon. Sa huli, nagpasya siyang magsalita. "Pero wala pa siyang natatanggap na donor para sa transplant. Hindi namin alam kung hanggang kailan pa siya makakapaghintay."Isang malamig na katahimikan ang bumalot sa kanila. Sa loob ng bahay, ma
“No!!” nanginginig ang kanyang kalamnan sa narinig sa kanyang ama. Hindi siya makapaniwalang naisipan nitong ipagkasundo siya sa isang matandang halos kasing edad na nito. Nagpupuyos ang kanyang kalooban sa labis na galit. Hindi niya maiwasang maghimagsik ang kanyang puso. Nagngingit ngit ang kanyang damdamin. “Danica, siya lang ang makakatulong sa atin. Si Amante na lang ang nais sumugal sa ating kumpanyang lubog na sa pagkakautang. Hindi na tayo makabawi magmula ng mamatay ang iyong mama,” paliwanag ng kanyang ama, “matitiis mo bang mawala ang kompanyang pinaghirapan namin sa matagal na panahon? Nasa kamay niya ang ating muling pagbangon.” “Papa,” nangingilid na ang kanyang luha dahil na rin sa labis na frustration, “matitiis niyong ako ang ibayad sa matandang iyon kapalit ng tulong na nais niyang ibigay sa atin? Kung totoo niyo siyang kaibigan, bakit hindi niya kayo tulungan ng walang kapalit?” Hindi niya matanggap sa kanyang sarili na gagawin siyang collateral ng kanyang ama, “ma...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments