author-banner
Middle Child
Middle Child
Author

Novels by Middle Child

The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart

The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart

"Anong dahilan ito ng pakikipaghiwalay mo?" tanong ni Zeus kay Maureen, "hindi kita mapaligaya sa kama? anong kalokohan ito?" "Totoo naman, hindi mo ako mapaligaya sa kama. Uuwi ka ng bahay, matapos ang ilang linggo mong pagkawala, tapos, lalayasan mo ulit ako pagkatapos. Kaya tama yang nababasa mo, hindi mo nameet ang standards na gusto ko!" sagot ni Maureen sa lalaki. "Talaga ba? Ilan ang gusto mo? makapito tayo sa isang gabi? Sige, humanda ka sa akin pag uwi---" hindi na nito naituloy ang sinasabi dahil agad niya itong sinagot. "Sino namang may sabing uuwian pa kita? ano ako, baliw?" kaagad pinutol ni Maureen ang tawag na iyon. Alam niyang galit na galit ito sa kanya. Subalit pagod na siyang habulin ang lalaki, gayong ang trato nito sa kanya ay isang basura! Tapos na ang pagiging masunurin niyang asawa. Sinayang lang nito ang pagmamahal niya. Paglipas ng panahon, naging isa siyang successful na fashion designer. Napapalibutan na siya ng mga bata at gwapong kalalakihan. Madalas niyang nakakasalamuha sa mga events ang dati niyang asawa. Minsan, kinorner siya nito sa sulok saka hinalikan. "Maureen, mahalin mo ulit ako, please.." pakiusap nito. "Gaya ng dati. Handa akong magpaalipin sayo, balikan mo lang ako."
Read
Chapter: Kabanata 1648
Ngunit hindi siya tumugon, at muling naiinip ang ina niya. Tumayo ito at hinawakan ang braso niya saka malungkot na nagsalita, "Aimee! Narinig mo ba ang sinasabi ko sayo? 28 years old ka na ngayong taon, at malapit ka nang mag-30. Ayokong mag-aksaya ka ng oras sa ganito... Gusto kong magkaroon ka ng
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Kabanata 1647
"Anong sinasabi mo? wag ka namang assuming diya.." naiiling na sagot ni Rex, "Hindi ba, gagamutin ko ang mama mo? Nakikiusap ka sa akin. Kung anu ano ang iniisip mo.." 'Pumayag ba siya? totoo ba?' sabi ni Aimee sa isipan. Masaya siya ng maisip iyon, saka maganda ang mood na bumaba ng sasakyan. Hin
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Kabanata 1646
"Bakit ka napapa english? anong ginawa mo?" nakangising tanong ni Aldrin sa kanya."Tumigil ka ng kakatanong at baka kutusan kita," pagbabanta niya dito, "yan ang totoo no!" "Kaya pala. " Tumango tago si Aldrin, at pinilit na lang maniwala sa kapatid, pagkatapos ay nagsalita, "Sa totoo lang, sa tin
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Kabanata 1645
"Hindi." Tumalikod si Aimee at nagpasyang sabihin sa kapatid ang totoo para mapagtanto nito ang kabigatan ng bagay na ginawa nito. "Malubhang nasugatan si Nerissa. Nagkasugat siya sa ulo niya at nababalot iyon ng gauze. Galit na galit din si Raymond. Nang maglaon, sinabi ko sa kanya na kung hindi i
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Kabanata 1644
Sinulyapan ni Aimee ang doctor, saka sinita, "Dr. Lindon, hindi maganda yang pagiging tsismoso.. anong ginagawa mo diyan?" Pagkasabi niyon ay umikot siya at tumungo sa elevator ng hindi na nilingon pang muli ang lalaki. "Aimee, nagkakamali ka. Hindi akonakikialam. Tahimik akong nakikinig. Malaki n
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Kabanata 1643
Sumandal siya sa mga bisig ni Raymond at umiyak nang kahabag habag. Biglang naisip ni Aimee na hindi malabong mahulog si Raymond sa babaeng ito, dahil malambing ito at talagang magiliw.. Marahil, siya ang hadlang sa mga ito, kaya hindi nila mailantad ang kanilang relasyon. Ibinaba niya ang kanyan
Last Updated: 2025-04-12
Unexpected Wife of a Billionaire

Unexpected Wife of a Billionaire

"Mamili ka, siya, o ako?" tanong ni Danica kay Jethro. Natatawa pa ang lalaki ng bahagya sa kanyang sinabi, "anong kalokohan naman ang naiisip mo at pinapapili mo ako?" "Puro ka na lang. Lovely, lovely.. lovely! ni hindi mo nga naalala ang birthday ko eh. " may hinagpis sa kanyang tinig. Tiningnan lang siya ni Jethro, at tumalikod sabay labas ng bahay. Hindi siya makapaniwala na pipiliin nito ang babaeng iyon. Agad siyang nag alsa balutan, upang iwanan ang lalaki.
Read
Chapter: 129.
Hindi siya makapaniwala, saka siya bumaba..Nanginginig ang kanyang laman, habang binabaybay ang patungo sa likod ng sasakyan..Doon.. may umaagos na mapulang likido.. subalit mukhang hindi naman iyon dugo.."A--ano yan?" tanong niya sa mga pulis."Ma'am, mabuti pang buksan niyo yan, para makita niyo kung ano ang nasa loob.." sagot ng isang pulis.Nanginginig ang kanyang mga daliri.. saka itinaas ang likod na bahagi ng sasakyan.Unti unti, tumambad sa kanya, ang bahaging iyon ng sasakyan..May mga larawan nila doon nina Jethro at ng mga anak nila.Nakaayos ang bulaklak doon, at parang ibinuhos ang wine sa parteng iyon upang umagos.Natutop niya ang kanyang bibig at hindi makapaniwala sa sorpresang nakita. Ngunit.. nasaan na ang lalaki? Bakit gamit lang iyon? totoo bang mag aabroad na si Jethro?Dumaan ang isang van, at saglit na tumigil. Pag alis muli ng van, naroon si Jethro sa kabilang kalsada. Nakangiti, habang may dalang bulaklak.Nakasuot ito ng isang suit, na bagay na bagay sa
Last Updated: 2025-04-04
Chapter: 128.
Nanatili siyang nakatayo sa harap nina Siren, Ian, at Vohn, habang ang kanyang puso ay tila binuhusan ng malamig na tubig. Umalis na si Jethro? Papunta na ito sa Amerika?Bakit hindi niya alam?Hindi man lang nito nais na magpaalam sa kanya? Tuluyan na lang itong aalis?Paano ang kanilang mga anak?Nakita niya ang saglit na palitan ng tingin ng tatlo, tila nag-aalangan kung dapat pa bang ipagpatuloy ang usapan. Pero si Vohn, na palaging prangka, ang hindi nakatiis."Danica, matagal na niyang plano iyon. Matapos ang lahat ng nangyari, siguro naisip niyang mas mabuting lumayo na lang muna. Hindi ka na rin naman niya makausap nang maayos, di ba? Ayaw mo rin naman ata siyang makita, kaya nakapagdisisyon siya ng ganoon."Gusto niyang magprotesta, gusto niyang sabihin na hindi totoo, pero paano? Hindi niya rin naman tinangka ang makipag-usap kay Jethro nitong mga nakaraang buwan. Sa tuwing susubukan niyang isipin ang gagawin, lagi na lang siyang nauunahan ng sama ng loob, hiya, o kaya nama'
Last Updated: 2025-04-03
Chapter: 127.
Eksaktong anim na buwan, simula nong mawala si Vinz, unti unti na si Danica na nakakabangon.Ang kanyang katawan ay nakakabawi na, at maganda na ang takbo ng kanyang negosyo.Ang pagiexport ng mga damit ang kanyang ginawang negosyo. Hindi siya umasa sa mga pamana nina Vinz at Lovely, bagkus, kumilos siya para sa kanila.Walang bakas ni Jethro sa kanyang bahay, ngunit nalalaman niya sa kanilang mga anak at sa yaya, na pumupunta ang lalaki doon, kapag wala siya.Minsan, nalulungkot siya, dahil naiisip niyang tama si Vinz.. kailangang buuin nila ang kanilang pamilya ni Jethro, ngunit siya naman ay inaatake ng hiya.Hindi na kailanman kumontak sa kanya si Jethro..Mukhang sumuko na ang lalaki, panunuyo at pakikipag usap sa isang gaya niyang kasing lamig ng yelo makitungo.Mahalaga naman sa lalaki ang kanyang mga anak, subalit hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.Ano ang hungkag na damdamin na pilit lumalabas sa kanyang damdamin? bakit tila ba, ang alaala ng lalaki ay palaging nasa
Last Updated: 2025-04-02
Chapter: 126.
May isang susi sa bag ni Vinz, para sa closet nito sa kanilang bahay.Kinuha niya iyon. At binasa ang isa, na naka date, noong panahong nakita niya ito sa isang bar...Mahal kong Danica..Ang una kong pagkakita sa iyo, marahil ay hindi sinasadya, kundi isang tadhana.. Ang puso ko ay tumibok ng mabilis, na parang isang barena.Wala akong ibang tinitigan ngayong gabi, kundi ikaw lamang. Sayang, at may nauna na pala sa akin.Kung nauna lang sana ako, ng kahit ilang buwan na makalapit saiyo, ginawa ko na..Nagkakilala na tayo, sa Manila. At dahil sa ganda mo, at pinalibutan ka ng mga tao, hindi ko na nakuhang lumapit. Nginitian mo ako, ng minsang magtama ang ating mga mata.. subalit mukhang hindi mo ako natandaan..Naalala ni Danica ang lalaking iyon, na nakatitig sa kanya buong gabi, at binigyan niya ng isang ngiti. Ngunit dahil hindi siya interesado dito, hindi na niya natandaan ang mukhang iyon. Bumuntunghininga siya, saka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng liham ni Vinz..Hindi na kita ma
Last Updated: 2025-03-31
Chapter: 125.
"IWANAN mo na ko, Jethro.." sabi ni Danica sa lalaki, "hayaan mo muna akong mag isa.."Umalis ito, kasama ang mga bata. Halos dalawang linggo itong nananatili sa kanilang tahanan. Hindi ito umaalis at inaasikaso ang mga bata.Nakita niya, na gustong gusto ito nina Juls at Julia. Kaya hinayaan na lang niya ito.Lumalapit lang ito sa kanya kapag aayain siyang kumain, o kukumustahin. Kapag hindi siya nagsalita, umaalis na ito.Si Jethro din ang kumuha ng vault sa bahay ni Lovely, pati ang bag sa bahay ni Vinz.Nasa harapan niya ngayon, ang mga bagay na sinasabi ng mga ito sa kanyang panaginip, at ayun din sa naiwang will ng dalawa, kailangang ibigay sa kanya ang mga gamit na iyon.Una niyang kinuha ang susi ng vault ni Lovely. Customize iyon. Kaya ang btanging susi para mabuksan ito ay nag iisa lang.Tumambad sa kanyang mga mata, ang punong pera na nasa vault ay may nakasulat na Juls at Julia, sa bandang secret case naman, may isang telepono, saka isang sulat.Una niyang binuksan ang so
Last Updated: 2025-03-29
Chapter: 124.
"DANICA...." hinawakan ni Jethro ang kanyang balikat, "halika na, naghihintay na ang mga bata.."Hindi niya alam, kung paano mabubuhay ngayon. Si Vinz ang nagsilbing best friend niya, sa mga panahong down na down siya.Hindi ito nag take advantage sa kanya kahit minsan.Isang beses lang siya nahalikan nito, at sa noo pa iyon.Ang pagsasakripisyo nito sa kanilang mag iina, ay walang katumbas. Kaya hindi niya alam kung paano magsisimula muli, ng wala ito sa paligid.Sa loob ng isang linggo na pagdadalamhati, wala siyang ginawa, kundi umiyak. Mag dalamhati. Magmukmok.Ni hindi na niya alam ang nangyayari sa kanyang mga anak, na lumalapit sa kanya para i-comfort siya.Nakikita niya ang mga itong kumakain. Bagong ligo, bagong bihis.May mga yaya naman ang mga bata, kaya tiwala siya sa mga iyon.Sa harap ng puntod ni Vinz, tila bumabalik ang lahat ng alaala nilang magkakasama.Walang dull moment kapag kasama niya ito. Laging nagpapatawa, laging may sense kausap. Hindi nauuubusan ng jokes.M
Last Updated: 2025-03-28
The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle

The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle

Limang taon.. Limang taon na nakulong si Sapphire, dahil sa kagagawan ng kanyang asawa, at ng kabit nito, na kanya mismong kapatid. Sa kanyang paglaya, mismong ang hudas pa niyang asawa ang sumundo sa kanya, dahil hindi maaaring iakyat sa bahay ng mga Briones, ang isang kabit. Alam na ni Sapphire ang kanyang plano, ang maghiganti sa kanyang asawang si Dexter, at sa kanyang kakambal na si Emerald. Nais din niyang hanapin, ang batang iniluwal niya, na pinalabas nilang patay, bago siya makulong. Ngunit pagdating niya sa kanilang bahay, ang isang lalaking gwapo, at hinahangaan ng lahat, ay naroroon, si Ezekiel Briones, na may bitbit na anak. Hindi niya mawari sa kanyang sarili, kung bakit ang pakiramdam niya sa lalaki, ay inaakit siya, at yun naman ay pinayagan ng kanyang puso. Saka pa lang malalaman ni Dexter, na nagkamali ito, at nais ayusin ang kanilang pagsasama.. Sino ang pipiliin niya? ang dati niyang minamahal, na pinahirapan siya, o ang gwapong si tito Ezekiel, na hindi niya malaman kung seryoso sa kanya?
Read
Chapter: Kabanata 457
Sa mga sandaling ito, hindi niya alam kung ano ang hitsura niya pagkatapos maayusan, kaya palihim na lamang niyang ipagdasal na sana ay makilala siya ng kanyang tito sa isang sulyap at hindi makuha ng ibang lalaki. "Okay, okay, bilisan mo, turn mo na." Kasunod ng pagtulak ng mama-san, si S
Last Updated: 2025-04-14
Chapter: Kabanata 456
Ngayong natagpuan na si Leila, natural na hindi na kailangang manatili pa si Ezekiel sa loob ng bar. Sa kabilang banda, walang alam si Sapphire tungkol dito. Sinubukan niyang ipagpaliban ang oras hangga't maaari sa daan, umiiyak at sumisigaw sa sakit at tumatangging maglakad, ngunit ang es
Last Updated: 2025-04-14
Chapter: Kabanata 455
Sa kritikal na sandali, nagngangalit siya at nagdesisyon, "Miss Bai, hubarin mo ang iyong mga damit at ibigay sa akin. Itutulak kita sa mga palumpong ng damo sa gilid ng kalsada at magtago ka. Pagkaalis nila, humanap ka ng paraan para makabalik sa sasakyan para mahanap ang cellphone ko. Tawagan mo s
Last Updated: 2025-04-14
Chapter: Kabanata 454
"Miss Sapphire, hindi mo kailangang mag-alala tungkol doon." Mahusay na minani -obra ni Marcus ang manibela at ngumiti ng mayabang, "Walang maaaring sumalang kay sir sa Maynila. o sa buong Luzon. Walang mangangahas na kumontra sa kanya... maliban na lang, kung sila talaga ay hindi lihitimong taga di
Last Updated: 2025-04-14
Chapter: Kabanata 453
Lalong lumalim ang mapait na ngiti ni Sapphire. Kung tinanong niya na ang tungkol sa pagkakakilanlan at antas ng kanyang tito, bakit pa siya magtatanong kay Crow tungkol dito?Marahil dahil sa matagal na pagkatahimik, biglang napansin ni Crow ang isang bagay at nahulaan ang nararamdaman ni Sapphire.
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Kabanata 452
Sa terasa sa ikalawang palapag ng bar, isang matalim na tingin ang sumusunod sa kotseng papalayo. Isang bahagyang ngiti ang sumilay sa madidilim na mata ng lalaki, at tinatamad ngunit banayad niyang iginuhit ang ngiti sa kanyang labi.. "seryoso siya sa paghahanap sayo. Sigurado bang ayos lang sayo
Last Updated: 2025-04-12
Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire

Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire

“Alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo,” sabi niya kay Hannah, habang nakatitig sa mga mata nito. “Alam mo?” napamaang na lang si Hannah ng marinig ang sinabi niya. Ang mga mata nito ay unti unting nabasa na parang binubukalan ng tubig. “Oo– alam ko ang lahat ng nangyayari sayo, Hannah.. At marahil.. Natatandaan mo na kung sino ako,” sabi niya sa babae. “Ni-ninong Edward–” halos pabulong lang ang tinig na iyon, subalit puno iyon ng pagsusumamo at parang paghingi ng tulong. “Anong nais mo?” tanong niya kay Hannah, determinado siyang tulungan ito sa abot ng kanyang makakaya. “Nais ko silang magdusa.. At magsisi sa mga ginawa nila sa akin. Nais kong lumubog sila at masaktan, gaya ng mga ginawa nilang kahayupan sa akin ninong. Gusto ko silang gumapang sa putik kung saan sila nagmula. Nais kong bawiin ang lahat ng pag aari ko!” umiiyak nitong sabi sa kanya. Nahabag si Ed sa babae. Pinagmasdan niya ito ng husto. "Pwede kitang tulungan, pero may kondisyunes ako sayo.." sabi niya dito. "Kahit ano ninong, gagawin ko, sabihin mo lang!" determinado ang mga mata ni Hannah habang nakatingin sa kanya. "Pakasalan mo ako.. Nais kong magkaroon ka ng karapatan sa kayamanan ko, upang makalaban ka ng patas sa kanila. Sa papel lang tayo magiging mag asawa hannah.. nais ko lang na makapaghiganti ka.."
Read
Chapter: Chapter 71
"Totoo nga!?" halos mabasag ang speaker ng cellphone sa lakas ng boses n i Miraflor, "anong katangahan ang iniisip mo at sinaktan mo siya? talaga bang nababaliw ka na?""Ma-- ma-- makinig ka nga muna sakin.. hindi mo naiintindihan! hindi ko kagustuhan ang nangyari! siya-- siya ang may nais na gawin ko iyon sa kanya!" pangangatwiran niya sa ina."Talagang nababaliw ka na! sinong babae sa inaakala mo ang magnanais na saktan mo ng ganoon? humingi ka ng tawad sa kanya, ngayon din!" bulyaw ni Miraflor sa kanya.Napahilamos siya ng kamay sa kanyang mukha. Hindi makapaniwalang mas ninais pa ng ina niya na paniwalaan si Leona kesa sa kanyang anak nito.Hindi niya mawari kung nagayuma ba nito ang kanyang ina, o ano.Hindi din niya maintindihan kung ano ang palabas na ito ni Leona at tila ba ginigipit siya.Ang akala niya, maayos na ang naging usapan nila, ngunit bakit umaarte na naman ito na parang biktima, gayong ginusto naman nito kung ano ang nangyari..Wala siyang matandaang nag away sila
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Chapter 70
"Talaga ,mommy?" gulat na gulat si Leona sa ibinalita ni Miraflor sa kanya."Oo, nakita ko sila.." kumunot ang noo ng matandang babae at doon napansin ang mga pasa niya, "anong-- nangyari sayo, hija?"'Ah--" ibinaba niya ang jacket na napangat sa kanyang braso.. Sdaya niya iyong ipinakita sa matanda, "wa--wala po ito.""Patingin nga!" hinila nito ang kanyang braso, saka tiningnan ang mga pasa, "sinong may kagagawan nito?""Wag na lang po nating pag usapan, mommy," namuo ang luha sa kanyang mga mata. Nais niyang makuha ang simpatiya ng matadang babae upang kampihan siya nito. "Ayoko pong magkaroon pa kami ng problema ni-- ni Caleb.. Pinagbibintangan niya kasi ako mommy na pinatay ang bago niyang babae.. hindi ko nga kayang pumatay ng ipis, tao pa kaya?""Ang walang hiyang yun at nagkaroon pa ng lakas ng loob na saktan ka. Humanda sa akin ang lalaking yan!" naniningkit ang mga mata ni Miraflor habang nakatingin sa bintana.Sa malayang mga mata ni Leona, mababanaag ang tagumpay. Hindi si
Last Updated: 2025-04-12
Chapter: Chapter 69
Magkasamang naglalakad sina Renzelle at Hannah sa pasilyo ng ospital, ng matanaw sila ng isang hindi kaaya ayang tao, si Miraflor!Hindi nila napansin ang babae, na sumusunod sunod sa kanila."Sasamahan kita sa loob.." nakangiting sabi ni Renzelle sa kanya."Sige.. kinakabahan nga ako eh.. sana okay lang ang baby ko." tugon niya sa kaibigan, "nakakatuwa.. magiging nanay na ko. Matagal ko ng pangarap ito.. ""Pero.. sino ba talaga ang tatay niyan?" alanganin ang ngiti na tanong ni Ellaine. "Si Edward ba talaga?""Pati ba naman ikaw?" nakangusong sagot niya sa kaibigan, "hindi ako nabuntis ni Caleb, baka hindi talaga kami para sa isa't isa.. Kaya noong makilala ko si Edward, siya ang ibinigay ni Lord sa akin na maging tatay ng anak ko.. Isa pa.. mahigit dalawang buwan na akong hindi ginagalaw ni Caleb.""Hindi kaya baog yung dati mong asawa?" biro ni Renzelle, "kasi, biruin mo, sa tagal niyo ng naging mag asawa, hindi ka niya nabuntis..""Hmmm, hindi ko masasagot yan," naiiling na sagot
Last Updated: 2025-04-10
Chapter: Chapter 68
"Magaling!!!" bati ni Edward sa kanyang kausap. Natuloy na ang plano nila na unang hakbang, ang magkasira sina Leona at Caleb.Nakatanaw si Edward sa glass wall ng floor to ceiling niyang opisina. Ang tamis ng ngiti sa kanyang labi, ay hindi maalis.Masyadong madali ang bagay na ito kung tutuusin. Hindi man lang siya pinawisan.Tama lang naman na palabasin nilang patay na si Cheska, at magbayad sa mga telibisyon para ipalabas iyon.Alam niyang si Caleb ay hindi totoong bato ang puso, lalo na at naging mabait dito si Cheska.Natatawa siya kapag iniisip na nakuha niya si Cheska sa online booking bilang professional clone. Ibig sabihin, lahat ng ipapagawa sa babae ay may katapat na presyo. Kaya nitong gawin ang kahit anong propesyon. At ngayon, naging sekretarya ito.Iniiwasang ipaalam ni Cheska ang kanyang totoong pangalan, para na rin sa kanyang siguridad. Madali niya itong makokontak kung sakaling kailanganin niyang muli ang serbisyo nito.Hindi niya akalaing madali lang mapaikot si Ca
Last Updated: 2025-04-09
Chapter: Chapter 67
Habang pinapanood ni Leona ang balita, naiiling siya na nagkocomment."Malamang, malandi ang babaeng yan. Kung kani kanino sumasama. Mabuti na lang at nabawasan ang mga gaya niya sa mundo.."Kumuha siya ng pagkain saka inumin, at naupo sa sofa. Ang balitang iyon ay nakakapangilabot para sa iba, subalit para sa kanya, deserve iyon ng mga babaeng masyadong makati!Naiinis siya sa mga ganitong klase ng babae.Inienjoy niya ang kanyang pagkain at ang panonood ng TV, ng biglang tumunog ang kanyang telepono..Napangiti siya ng mabasa kung sino ang nasa screen.. si Caleb. Mukhang napaglimian na nito kung ano ang pinagdadaanan nilang dalawa. Susuyuin na siya ng lalaki..Agad niyang in on ang call button."Oh, ano?" kunwari ay galit pa siya."Anong kawalanghiyaan ang ginawa mo!" hyalos mabasag ang ear drum niya sa sigaw ng lalaki buhat sa kabilang linya.Nangunot ang kanyang noo, "anong sinasabi mo? isa pa, bakit mo ako sinisigawan?""Anong ginawa mo kay Cheska?" galit ang tono ni Caleb na par
Last Updated: 2025-04-09
Chapter: Chapter 66
HINDI pumasok si Cheska, ng sumunod na araw, at hindi na naman ito pumasok, hanggang umabot ng isang linggo.Nangunot ang noo si Caleb ng maisip na wala doon ang babae, ano kaya ang nangyari?Tumawag siya sa HR upang magtanong, at sinabing si Cheska nga daw ay nag awol na ng ilang beses.Binalewala niya ang mga bagay na iyon, hanggang may mapanood siya sa isang balita sa telebisyon...KALUNOS LUNOS ANG SINAPIT NG ISANG BABAENG HINIHINALANG BIKTIMA NG SALVAGE. WALANG SAPLOT SA KATAWAN ANG NAAAGNAS NG BANGKAY NA HINIHINALANG GINAHASA MUNA BAGO KINITIL ANG BUHAY. AYUN SA MGA SAKSI, MAY NAKASABIT NA BAG SA LEEG NITO NA MAY LAMANG BATO, AT NAROROON ANG PAGKAKAKILANLAN. HINDI MUNA INILABAS NG KAPULISAN ANG MGA DETALYE TUNGKOL SA BABAE. MAGKAKAROON DAW MUNA SILA NG MALAWAKANG IMBESTIGASYON.Bigla niyang nakita ang bracelet sa kamay nito at inaalala kung saan iyon nakita."Sir.. ito na po ang kape niyo," ibinaba ni Cheska ang kape sa kanyang harapan.Bahagyang dumungaw ang mahabang hiwa ng cl
Last Updated: 2025-04-08
You may also like
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status