“Alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo,” sabi niya kay Hannah, habang nakatitig sa mga mata nito. “Alam mo?” napamaang na lang si Hannah ng marinig ang sinabi niya. Ang mga mata nito ay unti unting nabasa na parang binubukalan ng tubig. “Oo– alam ko ang lahat ng nangyayari sayo, Hannah.. At marahil.. Natatandaan mo na kung sino ako,” sabi niya sa babae. “Ni-ninong Edward–” halos pabulong lang ang tinig na iyon, subalit puno iyon ng pagsusumamo at parang paghingi ng tulong. “Anong nais mo?” tanong niya kay Hannah, determinado siyang tulungan ito sa abot ng kanyang makakaya. “Nais ko silang magdusa.. At magsisi sa mga ginawa nila sa akin. Nais kong lumubog sila at masaktan, gaya ng mga ginawa nilang kahayupan sa akin ninong. Gusto ko silang gumapang sa putik kung saan sila nagmula. Nais kong bawiin ang lahat ng pag aari ko!” umiiyak nitong sabi sa kanya. Nahabag si Ed sa babae. Pinagmasdan niya ito ng husto. "Pwede kitang tulungan, pero may kondisyunes ako sayo.." sabi niya dito. "Kahit ano ninong, gagawin ko, sabihin mo lang!" determinado ang mga mata ni Hannah habang nakatingin sa kanya. "Pakasalan mo ako.. Nais kong magkaroon ka ng karapatan sa kayamanan ko, upang makalaban ka ng patas sa kanila. Sa papel lang tayo magiging mag asawa hannah.. nais ko lang na makapaghiganti ka.."
View MoreMagkasamang naglalakad sina Renzelle at Hannah sa pasilyo ng ospital, ng matanaw sila ng isang hindi kaaya ayang tao, si Miraflor!Hindi nila napansin ang babae, na sumusunod sunod sa kanila."Sasamahan kita sa loob.." nakangiting sabi ni Renzelle sa kanya."Sige.. kinakabahan nga ako eh.. sana okay lang ang baby ko." tugon niya sa kaibigan, "nakakatuwa.. magiging nanay na ko. Matagal ko ng pangarap ito.. ""Pero.. sino ba talaga ang tatay niyan?" alanganin ang ngiti na tanong ni Ellaine. "Si Edward ba talaga?""Pati ba naman ikaw?" nakangusong sagot niya sa kaibigan, "hindi ako nabuntis ni Caleb, baka hindi talaga kami para sa isa't isa.. Kaya noong makilala ko si Edward, siya ang ibinigay ni Lord sa akin na maging tatay ng anak ko.. Isa pa.. mahigit dalawang buwan na akong hindi ginagalaw ni Caleb.""Hindi kaya baog yung dati mong asawa?" biro ni Renzelle, "kasi, biruin mo, sa tagal niyo ng naging mag asawa, hindi ka niya nabuntis..""Hmmm, hindi ko masasagot yan," naiiling na sagot
"Magaling!!!" bati ni Edward sa kanyang kausap. Natuloy na ang plano nila na unang hakbang, ang magkasira sina Leona at Caleb.Nakatanaw si Edward sa glass wall ng floor to ceiling niyang opisina. Ang tamis ng ngiti sa kanyang labi, ay hindi maalis.Masyadong madali ang bagay na ito kung tutuusin. Hindi man lang siya pinawisan.Tama lang naman na palabasin nilang patay na si Cheska, at magbayad sa mga telibisyon para ipalabas iyon.Alam niyang si Caleb ay hindi totoong bato ang puso, lalo na at naging mabait dito si Cheska.Natatawa siya kapag iniisip na nakuha niya si Cheska sa online booking bilang professional clone. Ibig sabihin, lahat ng ipapagawa sa babae ay may katapat na presyo. Kaya nitong gawin ang kahit anong propesyon. At ngayon, naging sekretarya ito.Iniiwasang ipaalam ni Cheska ang kanyang totoong pangalan, para na rin sa kanyang siguridad. Madali niya itong makokontak kung sakaling kailanganin niyang muli ang serbisyo nito.Hindi niya akalaing madali lang mapaikot si Ca
Habang pinapanood ni Leona ang balita, naiiling siya na nagkocomment."Malamang, malandi ang babaeng yan. Kung kani kanino sumasama. Mabuti na lang at nabawasan ang mga gaya niya sa mundo.."Kumuha siya ng pagkain saka inumin, at naupo sa sofa. Ang balitang iyon ay nakakapangilabot para sa iba, subalit para sa kanya, deserve iyon ng mga babaeng masyadong makati!Naiinis siya sa mga ganitong klase ng babae.Inienjoy niya ang kanyang pagkain at ang panonood ng TV, ng biglang tumunog ang kanyang telepono..Napangiti siya ng mabasa kung sino ang nasa screen.. si Caleb. Mukhang napaglimian na nito kung ano ang pinagdadaanan nilang dalawa. Susuyuin na siya ng lalaki..Agad niyang in on ang call button."Oh, ano?" kunwari ay galit pa siya."Anong kawalanghiyaan ang ginawa mo!" hyalos mabasag ang ear drum niya sa sigaw ng lalaki buhat sa kabilang linya.Nangunot ang kanyang noo, "anong sinasabi mo? isa pa, bakit mo ako sinisigawan?""Anong ginawa mo kay Cheska?" galit ang tono ni Caleb na par
HINDI pumasok si Cheska, ng sumunod na araw, at hindi na naman ito pumasok, hanggang umabot ng isang linggo.Nangunot ang noo si Caleb ng maisip na wala doon ang babae, ano kaya ang nangyari?Tumawag siya sa HR upang magtanong, at sinabing si Cheska nga daw ay nag awol na ng ilang beses.Binalewala niya ang mga bagay na iyon, hanggang may mapanood siya sa isang balita sa telebisyon...KALUNOS LUNOS ANG SINAPIT NG ISANG BABAENG HINIHINALANG BIKTIMA NG SALVAGE. WALANG SAPLOT SA KATAWAN ANG NAAAGNAS NG BANGKAY NA HINIHINALANG GINAHASA MUNA BAGO KINITIL ANG BUHAY. AYUN SA MGA SAKSI, MAY NAKASABIT NA BAG SA LEEG NITO NA MAY LAMANG BATO, AT NAROROON ANG PAGKAKAKILANLAN. HINDI MUNA INILABAS NG KAPULISAN ANG MGA DETALYE TUNGKOL SA BABAE. MAGKAKAROON DAW MUNA SILA NG MALAWAKANG IMBESTIGASYON.Bigla niyang nakita ang bracelet sa kamay nito at inaalala kung saan iyon nakita."Sir.. ito na po ang kape niyo," ibinaba ni Cheska ang kape sa kanyang harapan.Bahagyang dumungaw ang mahabang hiwa ng cl
"ANONG nangyayari, Caleb?" tanong ni Leona sa kanya pagkapasok niya pa lang sa pinto, "bakit hindi ka na nagpapakita sa akin?""Busy lang ako.." sagot niya dito, saka ibinaba ang hinubad na coat."Busy? saan ka naman magiging busy? sa pambababae mo ha?" nakasimangot na sabi ni Leona sa kanya, "ang kapal naman ng mukha mo, para lokohin ako!""Anong lokohin ka? kailan ko iyon ginawa?" tanong niya sa babae. Wala siyang maintindihan sa sinasabi nito."Wala? wala ha?" gigil na tugon ni Leona sa kanya, "tingnan mo nga!"Ipinakita nito ang cellphone sa kanya, at nanlaki ang kanyang mga mata, matapos makita ang nasa larawan. Si Cheska.. at siya. Naghahalikan!Sunud sunod siyang napalunok matapos iyong makita..Hindi niya alam kung paano iyon nangyari, subalit noong minsang puntahan siya ni Edward, pinalagyan niya ng dr*ga ang inumin nito. Ngunit hindi niya akalaing siya ang makakainom noon. Hindi niya inakalang mangyayari ang bagay na iyon.Kinarma siya sa sarili niyang patibong, at ngayon, w
"OH? talaga? sinabi niya iyon? napakawalanghiya talaga, sige, salamat.." nagpaalam na si Edward sa kanyang kausap.Iba din ang pagiging tuso ni Caleb. Marami itong pakulo. Hindi niya akalaing matalino pala ito mag isip, at nakakapagplano ng mga bagay na higit pa sa kanyang inaasahan.Magaling pala ito sa mga ganoong taktika. Marahil, iyon ang dahilan kaya naloko nito si Hannah.Marami siyang itinuro kay Hannah sa loob ng ilang buwan, at ang galit nito sa dating asawang si Caleb ang naging motivation nito.Naiisip niya noong una, na madali naman ata niyang mababago at mapagpapalit ang sitwasyon nina Hannah at Caleb sa kumpanya, ngunit nagkakamali siya. Masyado niyang in-under estimate ang kakayahan ni Caleb.Napatingin siya sa kanyang lamesa, at napansin ang isang envelope na kuha ng ultrasound ni Hannah. Nilapitan niya iyon, saka tiningnan.Hindi niya alam, kung saan nagmumula ang damdaming iyon na umahon sa kanyang puso. Naiinis siya.Bakit anak pa ni Caleb ang dinadala ni Hannah, ku
"CONGRATS po Mr. Ignacio, buntis ang inyong asawa, mahigit dalawang buwan na.." ngumiti ang doctor saka kinamayan si Edward.Matapos iyon, nagpaalam na ito sa kanya at tuluyang lumabas sa kwarto.Kumunot ang noo niya ng marinig ang balitang iyon. Buntis? sinong ama? siya ba?Hindi siya makapaniwala sa kanyang nalaman. Kung buntis ito, magiging tatay na ba siya?Madami pa siyang plano, at hindi ito kasali dun. Akala niya, gumagamit ng protection ang babae gaya ng pills, kaya nga hindi ito nabuntis ni Caleb.Marami pa siyang nais gawin, at hindi kasama dun ang habambuhay napakikisama niya kay Hannah. Alam naman niyang iyon din ang nais ng babae. Subalit.. bakit hindi ito nag ingat? pati siya? bakit hindi man lang niya iyon naisip?Kapag nahahalikan niya ito at naaamoy ang lahat, lalo na ang mabangong halimuyak ng katawan nito, parang nawawala siya sa kanyang sarili.At ngayon nga.. may isang buhay ang nabuo sa sinapupunan nito.. Kung sa kanya ang bata, kailangan niyang maging responsabl
NAKASANDAL si Hannah sa headboard ng kama, habang kumakain ng chocolate at nagbabasa ng libro.Bahagya pang basa ang kanyang mahabang buhok, kakatapos lang niyang maligo.Habang tumatawa sa binabasa, bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at iniluwa si Edward.Nakasalamin ang lalaki at naka coat. Hindi ito nag sasalita. Pumasok ito ng tulot tuloy. Hinubad ang coat saka ibinato sa couch na naroroon.Siya naman ay natulala at nakatingin lang sa lalaki sa ginagawa nito. Nakalutang sa ere ang kanyang kamay na may hawak na chocolate. Bahagyang nakaawang ang kanyang bibig.'Anong ginagawa niya? bakit siya naghuhubad?' nagtataka ang kanyang isipan.Niluwagan ng lalaki ang kanyang tie, hanggang tuluyan niya itong alisin.Hinubad pa nito ang sapatos at medyas, saka binuksan ang buttones ng suot niyang polo.Inalis din nito ang suot na sinturon at basta na iyon inihagis sa kung saan.Inalis din nito ang suot na salamin at inihagis iyon kasama ng coat.Tinumbok ni Edward ang kanyang kinalalagyan. K
"SIR ako po ang bagong hired na secretary," nakangiti ang isang maganda at matangkad na babae kay Caleb.Napatingin siya dito. Maganda talaga ang babae. Nakangiti ito ng maluwang sa kanya, na parang kaaya ayang kausapin."Ilang taon ka na?" tanong niya matapos ilapag nito ang kape sa kanyang harapan.“Twenty five na po ako, sir,” tugon nito sabay ngiti, sabay ayos ng kanyang blouse na bahagyang nalilis sa balikat.Napansin iyon ni Caleb pero hindi niya ipinahalata. Umayos siya ng upo at kinuha ang kape mula sa mesa.“Anong pangalan mo?” malamig pero kalmado ang tanong niya, habang nakatitig sa babae.“Francesca po, pero pwede niyo akong tawagin na Cheska,” sabay kindat ng babae. Hindi ito nakalagpas kay Caleb.Napakunot ang noo niya. Hindi siya sanay sa ganitong klase ng pakikitungo mula sa mga empleyado—lalo na sa isang bagong hire. Medyo kampante. Medyo... flirty?Pero pinili niyang hindi ito pansinin.“First day mo ngayon. Asahan kong magiging propesyonal ka. Hindi ko kailangan ng
Tatlong taon ng kasal si Hannah kay Caleb Endaya na isang CEO ng International Trading Company. Sa kabila ng pagiging mabuting may bahay, ni hindi man lang niya maramdaman ang pagmamahal ng kanyang asawa.Madalas siyang binabalewala nito na parang isang basahan.Noong una, bago siya pakasalan ng lalaki, maayos naman itong nakikisama sa kanya. Hanggang sa mawala na ang kanyang mga magulang dahil sa isang aksidente, at halos ang kanilang kumpanya ay inangkin na ng lalaki.Oo, ang kumpanya kung saan ito naghahari harian ay totoong sa kanya. Subalit dahil sa pagmamahal niya dito, pinili niyang isuko iyon at maging isang may bahay na lamang, at umasang darating ang isang araw, na matatapunan na siya ni Caleb ng kahit konting pagtingin.Ngayong kaarawan nito, nais niya itong sorpresahin, at humingi ng posisyon sa kumpanya, upang makapagtrabaho naman siya at hindi tuluyang malugmok sa lungkot. Ang tatlong taon na pagiging may bahay, ay hindi madali sa isang katulad niyang sanay sa buhay sa la...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments