Umiikot ang kanyang paningin, habang hinihilot ang kanyang sentido. Ang hindi pamilyar na kulay ng kisame ay…..
Nasaan siya?
Bigla siyang napabalikwas ng bangon.
Ang kwartong ito.. Ay hindi sa kanya! Napansin niya sa kanyang tabi ang isang lalaking hubad na hubad. Dahan dahan niyang iniangat ang kumot na tumatabing sa katawan nila.
Biglang nanlaki ang kanyang mga mata! Wala ito ng kahit anong saplot sa katawan, kagaya niya.
Sinilip niya ang kabuuang hitsura ng lalaki. Ang lalaking nagligtas sa kanya kagabi sa kamay ng mga manyak! Tapos, minanyak din siya?
Unti- unti, nanlaki ang kanyang mga mata, at pinakawalan ang isang matinis na sigaw. Biglang nagising ang lalaki sa kanyang tabi..
“‘Ang aga mo namang mag ingay..” saway nito sa kanya.
“A-anong nangyari?” hindi siya makapaniwala na katabi niya ang lalaking hindi man lang niya kakilala.
“Ako si Edward Ignacio..” hindi man lang nag abalang bumangon ang lalaki at umunan sa sarili nitong mga bisig.
Edward Ignacio? Saan nga ba niya narinig ang pangalang iyon?
May kilala siyang Edward.. At iyon ay…
Nanlamig ang buo niyang katawan ng mapagtanto kung sino ito! Isang linggo na ang nakakalipas ng makabanggaan niya ito sa mall.. At ang lalaking ito rin.. Na sinamahan niya kagabi, ay ang kanyang Ninong!!
Halos madurog ang mukha niya sa hiyang nararamdaman. Hindi niya akalaing mangyayari ito sa kanya.
“Ba-bakit ikaw?” halos ang nanginginig niyang boses ay pabulong na lamang. Na tila ba natatakot siya sa lalaki.
Mataas na lalaki si Edward. May matapang at kaakit akit na mukha, na kung makatitig ay mapangahas! Sa edad nitong 44, wala man lang itong bahid ng pagtanda– maliban na lang sa kaunting gray na buhok na lumilitaw sa ulo nito, na lalong nakakapagbigay sa lalaki ng kakaibang karisma.
Umupo ang lalaki sa kama, saka siya tinitigan ng malalim, “dapat, ako ang magtanong niyan saiyo, Hannah. Bakit ka nagpapakalasing ng ganoon? Ano ang tinatakasan mo, o sino ang tinatakasan mo? Paano kung hindi ako ang lalaking nakasama mo ngayon, paano ka?”
Napalunok si Hannah ng marinig ang tinig na iyon, na may bahagyang pag aalala.
Hindi niya kayang sabihin sa kanyang ninong ang tungkol sa estado ng kalusugan niya. Hindi niya kayang ipaalam sa lalaki na may taning na ang kanyang buhay–lalo na sa taong matagal ng nagbabantay sa kanya.
Alam niya sa sarili niya, sa maraming pagkakataon na napapansin niya ito, hindi lang siya sigurado, pero parang nagbabantay ito sa kanya. At ang mga pagkakataong nagkakasalubong sila, ay parang sinasadya.
Hindi niya kailanman naisip na si Edward ay may malasakit sa kanya. Ngunit ngayon, nababanaag niya sa mukha nito ang guhit ng pag aalala para sa kanya.
Paano ito magmamalasakit ng gaito, gayong matagal na itong hindi nagpapakita sa kanya?
“Walang halaga, kung ano man ang dahilan ng lahat,” tugon niya, at pilit na ngumiti, “isang pagkakamali lang ang nangyari sa atin kagabi, kalimutan na lang natin ito..”
Ngunit nanatiling tahimik si Edward. Sa halip, lumapit pa ito sa kanya, hinawakan ang kanyang baba, at pinilit siyang palingunin sa mga mata ng lalaki.
“May itinatago ka ,Hannah, at hindi kita hahayaang takasan ang mga bagay na ito.”
Nanginig ang kanyang puso. Para bang sa unang pagkakataon, may isang taong nais umunawa sa kanya at basagin ang pader ng kanyang pag aalinlangan na magtiwala. Ngunit kaya ba niyang payagan si Edward, na maging bahagi ng kanyang huling taon sa mundo at pumasok sa buhay niya?
O itutuloy niya ang planong paghihiganti sa mga taong nanakit sa kanya? Ang mga taong sumira sa buhay niya?
Isang taon na lang ang natitira sa kanya.. At sa pagitan ng lahat, ano ba ang kaya niyang piliin? Ang maghiganti? O ang magpatuloy na lang sa buhay?
Nakatingin kay Hannah si Edward na hindi man lang natitinag.
Sa loob ng maraming taon, tahimik niyang binantayan ang babae mula sa malayo. Pinagmamasdan niya ang bawat kilos nito.
Bago mawala ang mga magulang ni Hannah, biglang lumapit ang mga ito sa kanya..
“Ed.. alam kong malaki ang pagkakasala namin ni Almira sayo, subalit may nais sana kaming hilingin,” bakas sa mukha ni Ernest na balisa ito, at parang may kinakatakutan.
“Huh! Matapos niyo akong lokohin ng asawa mo, at itapon na parang basura matapos nating maitatag ang kumpanya, may lakas ka ng loob na humiling sa akin ngayon? Napakakapal naman ata ng mukha mo!” naiiritang sagot niya sa lalaki. Nagtungo ito sa opisina niya, matapos ang sampung taon nilang paghihiwalay ng landas.
“Nauunawaan ko ang pinanggagalingan ng galit mo, subalit.. Alam namin na nanganganib na ang buhay namin, dahil sa dami naming nakalaban sa negosyo. Alam mo naman, madaming naghahangad na pabagsakin kami,” may pakiusap ang tinig nito.
Si Almira na asawa nito, ay nasa gilid lamang. Hindi nagsasalita, subalit may bahid pag aalala sa mukha.
“Ano namang pakialam ko sa inyo? Problema niyo yan, bakit idadamay niyo pa ako?” may panunuya ang kanyang tinig na sabi dito.
“Dahil– dahil sa inaanak mo.. kay Hannah,” nauutal na tugon ni Ernest, “ayaw naming madamay siya dito, nais naming mamuhay siya ng maayos.”
Bigla niyang naalala ang magandang batang iyon. Isang malambing na dalaga na minsan na niyang nakita sa mga event. Maraming lalaki ang nagnanais na makalapit dito, subalit binabakuran ito ng nobyo nito.
“Hindi pa namin alam kung nasaan ang kaaway– kaya hindi namin alam, kung paano aalagaan ang anak namin. Ikaw lang ang pag asa namin, na mailigtas siya.” sabi pa ng lalaki.
“Kung sakali mang tulungan ko kayo, ano naman ang magiging pakinabang ko diyan?” tanong niya sa dating kaibigan.
“Kahit ano ang gusto mo.. Kung gusto mo ang kumpanya, maaari mo itong kunin, basta mangako ka lang, na mabubuhay ng maayos ang aking anak, na hindi mahihirapan..”
Ang ala alang iyon, ang paulit ulit na dumadating sa kanyang isipan. Ang huling pag uusap nila nina Ernest.
Ang kayamanang naiwan ng mga iyon, ay kailangang maibalik kay Hannah, ang totoong may ari ng kumpanyang pinamuunuan ni Caleb.
Hindi muna niya pinakialaman ang buhay ni Hannah, dahil iniisip niya na hihintayin niya ang araw, na kailanganin siya ng babae. Ngunit hindi niya inakalang darating ang araw na kailangan na niyang lumabas mula sa anino nito sa ganito kabilis na panahon, upang harapin ang babaeng matagal na niyang binabantayan.
Maraming lihim ang hindi pa nito nalalaman, lalo na sa malagim na pagkamatay ng mga magulang nito. Ang akala ni Hannah, ay simpleng aksidente lang iyon, subalit hindi. At ang insidenteng iyon ay hindi pa maaaring mabunyag ng basta, dahil maaaring mapahamak si Hannah, kapag hindi pa siya nakakaalis sa poder ni Caleb.
Mas magiging ligtas si Hannah kung wala itong alam. Kung mananatili lang itong inosente.
Nang makita niyang bumabagsak ang mundo nito dahil sa pagtataksil ni Caleb, hindi na siya nagdalawang isip, at sinamahan ang babae ng hindi nito nalalaman sa resort, upang humanap ng pagkakataong makalapit dito. At tulungan itong makapaghiganti sa mga taong nagwalanghiya dito. Sa gayon, magkakaroon ito ng utang na loob sa kanya, at mapipilitang sumunod sa kanyang mga nais.
“Alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo,” sabi niya kay Hannah, habang nakatitig sa mga mata nito.
“Alam mo?” napamaang na lang si Hannah ng marinig ang sinabi niya. Ang mga mata nito ay unti unting nabasa na parang binubukalan ng tubig.
“Oo– alam ko ang lahat ng nangyayari sayo, Hannah.. At marahil.. Natatandaan mo na kung sino ako,” sabi niya sa babae.
“Ni-ninong Edward–” halos pabulong lang ang tinig na iyon, subalit puno iyon ng pagsusumamo at parang paghingi ng tulong.
“Anong nais mo?” tanong niya kay Hannah, determinado siyang tulungan ito sa abot ng kanyang makakaya.
“Nais ko silang magdusa.. At magsisi sa mga ginawa nila sa akin. Nais kong lumubog sila at masaktan, gaya ng mga ginawa nilang kahayupan sa akin ninong. Gusto ko silang gumapang sa putik kung saan sila nagmula. Nais kong bawiin ang lahat ng pag aari ko!” umiiyak nitong sabi sa kanya.
“Kaya kitang tulungan, Hannah, ng higit pa sa inaasahan mo. Subalit may mga kondisyunes ako na nais iparating sayo..” sabi niya sa babae. Puno ng pag asa ang kanyang mga mata na tatanggapin ni Hannah ang iaalok niya.“Ano yun? Basta matulungan mo akong pabagsakin sila, papayag ako sa kahit anong nais mo..” maririnig ang determinasyon sa tinig ni Hannah.“Hayaan mong maging malapit ako sayo, at protektahan ka, ng hindi ko na kailangang nakasunod sa anino mo. Nais kong malaman lahat ng iniisip mo.. Ako– ako ang bahala sa iyo..” tugon niya dito.“Anong ibig mong sabihin, ninong?” naguguluhan niyang tanong.Napalunok si Edward. Mabigat ang disisyong ito para sa kanya, lalo na at ang kanyang lihim ay nananatiling lihim. Hindi dapat malaman ni Hannah ang iba pang kaganapan sa buhay nila kasama ang magulang nito. Kung magiging legal siyang asawa ng babae, maaari niyang makuha ang nais niya ng hindi man lang nito nalalaman.“Pakasalan mo ako.. Para magkaroon ka ng karapatan sa buong kayamanan
“Ano to?” nagtataka si Hannah ng tingalain ang isang building, “bakit tayo narito?”“Basta, halika na,” hinila siya papasok ni Edward sa isang salon -boutique.Ang lugar na iyon ay parang isang langit sa mga babaeng mahilig mag kolorete. May mamahaling mga damit, at istasyon para sa pag aaral ng pagmimake up.“Hi sir..” bati ng isang staff ng makita sila.“Nais kong turuan mo siya kung paano mag make up. Marunong na yan, wala lang practice,” tugon ni Edward.“Ay, napakabait niyo naman sir.. Sana ako na lang ang maid niyo..” ngumiti ang baklang staff ng makita si Hannah.“Hindi ko siya maid,” nakasimangot na sagot ni Edward, “asawa ko siya.”“Ay, sorry sir.. Akala ko kasi–” muling tiningnan ng staff si Hannah mula ulo hanggang paa, “bweno, halika na, umpisahan na natin ang magic!”Napatingin siya kay Edward, na bahagya namang tumango.“Pakibihisan na rin siya,” bilin niya dito.Inumpisahan na ang ‘pagpapalitada’ sa mukha ni Hannah.Tatlong staff ang nagkakagulo sa kanya, pang apat ang p
“Anong nangyayari?” tanong ni Edward sa kanya ng lapitan siya nito sa gilid. Hindi muna nila ipinapakita ang kanilang mga sarili bilang mag asawa upang makapagmanman muna sa paligid.“Inaway ako ni Leona.. Galit na galit siya sakin,” kaswal na sagot niya.“Baka nagagandahan sayo ang ex mo, at naiinsecure naman ang babaeng iyon,” nakangiting sabi ni Edward sabay tiningnan sina Caleb at Leona.Nakatingin ang mga ito sa kanila, subalit may pekeng ngiti habang nakatingin kay Edward.“Siya ba si Edward Ignacio?” tanong ni Leona kay Caleb habang sumisimsim ng alak na nasa kopita.“Oo, at siya ang kailangan natin, para makakuha ng project sa ibang mayayaman. Simula noong maghiwalay kami ni Hannah, parang nag back out ang ibang investors..” sagot ni Caleb na hindi inaalis ang tingin sa dating asawa.‘Parang sinasabi mong swerte siya sayo, at malas ako?” nakataas ang kilay ni Leona habang sinipat ng masamang tingin ang lalaki.“Wag kang magtantrums ngayon, may kailangan tayong gawin. Baka mamay
"Ma! bakit ka naman nag eskandalo dun?" inis na sabi ni Caleb sa ina ng makarating sila sa bahay. Inalis agad niya ang tie niya dahil pakiramdam niya, hindi siya makahinga.Mas pinili niyang kausapin ang ina sa bahay, dahil nagtutungayaw ito sa sasakyan. Hindi mapigilan ang bunganga kakamura kay Hannah."Caleb, wag mo namang sigawan si mommy," awat ni Leona sa kanya habang hinahagod ang likod ng matanda na nakaupo sa sofa."Tama naman ang sinabi ko, wala akong ginagawang masama sa babaeng iyon!" inis na nakakuyom ang kamao ni Miraflor, "hindi ko nga alam kung bakit naisipan niya akong i- frame up ng ganoon katindi. Nakita ko pa naman si Edward Ignacio!"Si Edward Ignacio ang talagang target nila sa Banquet na iyon. Naniniwala silang kapag malakas ang kapit nila sa lalaking iyon, lalakas ang kanilang kumpanya. May mga investors kasi na nag pull out ng kanilang investment matapos malamang naghiwalay na sina Caleb at Hannah."Kaya nga, ma! nagkaroon na kami ng chance na makausap siya, sub
"Iyon po kasi ang bilin ni Miss Agoncillio sa amin ma'am.." nakayukong sabi ng manager."Kanino ba nakakapit ang ipokritang yan? ganoon ba kayaman ang sugar daddy niya?" naiirita lalo si Miraflor. Hindi niya akalaing magkakaroon ng taong magkaka interes sa kanyang dating manugang.Isa lamang itong tagalinis at tagaluto sa bahay ng kanyang anak. Wala itong ibang alam gawin kundi ang magsilbi at maging katulong lamang. Paano ito naging ganoon kataas na parang Diyos?"Grabe kayo. Bakit mas kakampihan niyo pa ang babaeng iyon kesa kay mommy? Miyembro ng mataas na antas ng lipunan sina Caleb Endaya. Kaya bakit ginigipit niyo sila ng ganito? Ganyan ba kayo makitungo sa mga taong may sinasabi sa buhay?" inis na sulsul pa ni Leona, "matuto naman kayong tumingin paitaas, at hindi ang isang itinapon lang sa lapag ang tinitingnan ninyo!""Pasensiya na po, sumusunod lang po kami talaga sa utos.." mahinahong pakiusap ng manager, "nagkataon lang po talagang may mas nakakataas sa amin.LUMABAS sila n
Biglang nagring ang telepono ni Caleb.. isang un- familiar number iyon.Hello?"' baritono ang kanyang boses, may otoridad. Subalit maya- maya, biglang naging banayad, "Mr. Ignacio!" tinakpan niya ng bahagya ang mouth piece ng cellphone at nilingon ang ina, "si Mr. Ignacio ito.. wag kayong gagawa ng kung anong eskandalo dito, kakausapin ko lang ito.." agad na lumakad papalayo, upang hindi marinig ng ibang tao ang kanilang pinag uusapan. Isa pa, may kaingayan sa lugar na iyon.Subalit ang kanyang ina, at si Leona, ay kating kati na humanap ng gulo.."Anong klaseng hotel ba ito? tumatanggap ng mga sugar babies?" malakas ang boses ni Miraflor habang naglalakad papalapit sa nakaupong si Hannah.Agad nakatawag ng atensiyon ang boses na iyon, na halos lumagong sa kinauupuan ni Hannah.Hindi niya malilimutan ang tinig na iyon? bakit? dahil sa maraming insidente at pagkakataon...."ANO ka ba hannah! napakat*nga mo talaga! hindi ba, sinabi ko sayo, na lalabahan mo ang mga kubre kama gamit ang k
Isang matipunog braso ang pumigil sa pulso ni Miraflor."Mommy, anong ginagawa mo?" madilim ang mukhang saway ni Caleb sa ina, "kakasabi ko lang sa inyo na wag kayong gagawa ng eskandalo, subalit ito na naman kayo!""Ang babaeng iyan ang nanguna!" duro ni Leona kay Hannah.Nakakaawa si Hannah, gaya ng isang inosenteng babae. Ito ang Hannah na nakilala niya noon, mahina, maamo."Paanong siya? kanina pa siya nakaupo diyan!" mahinang sabi ni Caleb kay Leona.Napalunok ang babae ng marinig ang sinabi niya, saka unti unting kumunot ang noo, "kahapon ka pa! kahapon mo pa ipinagtatanggol ang babaeng ito!""Hindi sa ganoon," napalunok si Caleb. Hindi niya maiwasang mapatingin sa nakakaawang hitsura ng dati niyang asawa. Ganito ba talaga ito kaganda? bakit parang kakaiba ang hitsura nito ngayon?"Anong hindi, napapansin ko yan kahapon pa!" biglang napapukpok sa lamesa si Leona na ikinatalsik ng kape sa damit ni Hannah. Agad itong tumayo dahil sa nadamang init ng kape na tumapon sa may bandang
"Leona," napatingin si Caleb sa babae, "kung hindi ka magiging maayos, paano mo ako matutulungan sa negosyo? ikaw ang pinili ko, tandaan mo yan, kaya tigilan mo na yang kakaselos mo!"Natameme si Leona sa sinabi ng lalaki. Tama ito. Siya ang pinili, ibig sabihin, siya ang mahal."Isa pa," pagpapatuloy nito, "tigilan niyo na si Hannah. Kailangan nga natin siya ngayon, kaya sa halip na inaaway niyo siya, dapat na kunin ninyo ang loob niya. Paano mag iinvest ulit sa atin sina Mr. Rodrigo at Mr. Marcos niyan, kung patuloy niyong gagawan ng masama si Hannah?"Hindi nakapagsalita si Miraflor, saka nagtanong, "ganoon ba kalaki ang epekto ng paghihiwalay niyo?""Mommy, higit pa sa inaasahan niyo. Kaya nga kailangan, mabawi natin ang lahat. Mahigit isang buwan pa lang kaming hiwalay ni Hannah, subalit bumubulusok na tayo pababa. Nais niyo bang bumalik tayo sa simpleng pamumuhay natin at maging isang empleyado na naman ako?" tanong ni Caleb sa ina.Manager lang siya noon sa isang maliit na kumpa
"Wala akong sinabi," tumalikod si Leona, subalit nakangisi."Ulitin mo ang sinabi mo!" hinila ni Caleb ang kanyang braso."Nasasaktan ako, Caleb!" inis na sagot ni Leona. Inalis niya ang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi."Buntis ba siya?" ulit niya sa kanyang katanungan. Kung buntis si Hannah.. mas pabor iyon para sa kanya..Ang kanyang isipan ay umiikot sa dati niyang asawa nitong nakaraang araw. Halos nahihirapan siyang matulog, at naiimagine ang mga nakakas*x niya na si Hannah.Parang nakikita niya ang mukha nito kay Leona, at kahit pa nga kay Cheska. Talagang hindi niya tinitingnan ang mga ito bilang sila, kundi bilang si Hannah.Hindi niya malaman sa kanyang sarili subalit para siyang naghahallucinate. Kinokonsensiya na ba siya sa kanyang nagawang kasalanan? o mahal niya lang talaga ang knayang dating asawa?Kung iisipin niya ang bawat pagkakataon at araw na lumilipas, walang nakakapantay dito sa paglalabas ng init sa kanyang katawan. Kinkailangan pa niyang maligo matapos ni
"Totoo nga!?" halos mabasag ang speaker ng cellphone sa lakas ng boses n i Miraflor, "anong katangahan ang iniisip mo at sinaktan mo siya? talaga bang nababaliw ka na?""Ma-- ma-- makinig ka nga muna sakin.. hindi mo naiintindihan! hindi ko kagustuhan ang nangyari! siya-- siya ang may nais na gawin ko iyon sa kanya!" pangangatwiran niya sa ina."Talagang nababaliw ka na! sinong babae sa inaakala mo ang magnanais na saktan mo ng ganoon? humingi ka ng tawad sa kanya, ngayon din!" bulyaw ni Miraflor sa kanya.Napahilamos siya ng kamay sa kanyang mukha. Hindi makapaniwalang mas ninais pa ng ina niya na paniwalaan si Leona kesa sa kanyang anak nito.Hindi niya mawari kung nagayuma ba nito ang kanyang ina, o ano.Hindi din niya maintindihan kung ano ang palabas na ito ni Leona at tila ba ginigipit siya.Ang akala niya, maayos na ang naging usapan nila, ngunit bakit umaarte na naman ito na parang biktima, gayong ginusto naman nito kung ano ang nangyari..Wala siyang matandaang nag away sila
"Talaga ,mommy?" gulat na gulat si Leona sa ibinalita ni Miraflor sa kanya."Oo, nakita ko sila.." kumunot ang noo ng matandang babae at doon napansin ang mga pasa niya, "anong-- nangyari sayo, hija?"'Ah--" ibinaba niya ang jacket na napangat sa kanyang braso.. Sdaya niya iyong ipinakita sa matanda, "wa--wala po ito.""Patingin nga!" hinila nito ang kanyang braso, saka tiningnan ang mga pasa, "sinong may kagagawan nito?""Wag na lang po nating pag usapan, mommy," namuo ang luha sa kanyang mga mata. Nais niyang makuha ang simpatiya ng matadang babae upang kampihan siya nito. "Ayoko pong magkaroon pa kami ng problema ni-- ni Caleb.. Pinagbibintangan niya kasi ako mommy na pinatay ang bago niyang babae.. hindi ko nga kayang pumatay ng ipis, tao pa kaya?""Ang walang hiyang yun at nagkaroon pa ng lakas ng loob na saktan ka. Humanda sa akin ang lalaking yan!" naniningkit ang mga mata ni Miraflor habang nakatingin sa bintana.Sa malayang mga mata ni Leona, mababanaag ang tagumpay. Hindi si
Magkasamang naglalakad sina Renzelle at Hannah sa pasilyo ng ospital, ng matanaw sila ng isang hindi kaaya ayang tao, si Miraflor!Hindi nila napansin ang babae, na sumusunod sunod sa kanila."Sasamahan kita sa loob.." nakangiting sabi ni Renzelle sa kanya."Sige.. kinakabahan nga ako eh.. sana okay lang ang baby ko." tugon niya sa kaibigan, "nakakatuwa.. magiging nanay na ko. Matagal ko ng pangarap ito.. ""Pero.. sino ba talaga ang tatay niyan?" alanganin ang ngiti na tanong ni Ellaine. "Si Edward ba talaga?""Pati ba naman ikaw?" nakangusong sagot niya sa kaibigan, "hindi ako nabuntis ni Caleb, baka hindi talaga kami para sa isa't isa.. Kaya noong makilala ko si Edward, siya ang ibinigay ni Lord sa akin na maging tatay ng anak ko.. Isa pa.. mahigit dalawang buwan na akong hindi ginagalaw ni Caleb.""Hindi kaya baog yung dati mong asawa?" biro ni Renzelle, "kasi, biruin mo, sa tagal niyo ng naging mag asawa, hindi ka niya nabuntis..""Hmmm, hindi ko masasagot yan," naiiling na sagot
"Magaling!!!" bati ni Edward sa kanyang kausap. Natuloy na ang plano nila na unang hakbang, ang magkasira sina Leona at Caleb.Nakatanaw si Edward sa glass wall ng floor to ceiling niyang opisina. Ang tamis ng ngiti sa kanyang labi, ay hindi maalis.Masyadong madali ang bagay na ito kung tutuusin. Hindi man lang siya pinawisan.Tama lang naman na palabasin nilang patay na si Cheska, at magbayad sa mga telibisyon para ipalabas iyon.Alam niyang si Caleb ay hindi totoong bato ang puso, lalo na at naging mabait dito si Cheska.Natatawa siya kapag iniisip na nakuha niya si Cheska sa online booking bilang professional clone. Ibig sabihin, lahat ng ipapagawa sa babae ay may katapat na presyo. Kaya nitong gawin ang kahit anong propesyon. At ngayon, naging sekretarya ito.Iniiwasang ipaalam ni Cheska ang kanyang totoong pangalan, para na rin sa kanyang siguridad. Madali niya itong makokontak kung sakaling kailanganin niyang muli ang serbisyo nito.Hindi niya akalaing madali lang mapaikot si Ca
Habang pinapanood ni Leona ang balita, naiiling siya na nagkocomment."Malamang, malandi ang babaeng yan. Kung kani kanino sumasama. Mabuti na lang at nabawasan ang mga gaya niya sa mundo.."Kumuha siya ng pagkain saka inumin, at naupo sa sofa. Ang balitang iyon ay nakakapangilabot para sa iba, subalit para sa kanya, deserve iyon ng mga babaeng masyadong makati!Naiinis siya sa mga ganitong klase ng babae.Inienjoy niya ang kanyang pagkain at ang panonood ng TV, ng biglang tumunog ang kanyang telepono..Napangiti siya ng mabasa kung sino ang nasa screen.. si Caleb. Mukhang napaglimian na nito kung ano ang pinagdadaanan nilang dalawa. Susuyuin na siya ng lalaki..Agad niyang in on ang call button."Oh, ano?" kunwari ay galit pa siya."Anong kawalanghiyaan ang ginawa mo!" hyalos mabasag ang ear drum niya sa sigaw ng lalaki buhat sa kabilang linya.Nangunot ang kanyang noo, "anong sinasabi mo? isa pa, bakit mo ako sinisigawan?""Anong ginawa mo kay Cheska?" galit ang tono ni Caleb na par
HINDI pumasok si Cheska, ng sumunod na araw, at hindi na naman ito pumasok, hanggang umabot ng isang linggo.Nangunot ang noo si Caleb ng maisip na wala doon ang babae, ano kaya ang nangyari?Tumawag siya sa HR upang magtanong, at sinabing si Cheska nga daw ay nag awol na ng ilang beses.Binalewala niya ang mga bagay na iyon, hanggang may mapanood siya sa isang balita sa telebisyon...KALUNOS LUNOS ANG SINAPIT NG ISANG BABAENG HINIHINALANG BIKTIMA NG SALVAGE. WALANG SAPLOT SA KATAWAN ANG NAAAGNAS NG BANGKAY NA HINIHINALANG GINAHASA MUNA BAGO KINITIL ANG BUHAY. AYUN SA MGA SAKSI, MAY NAKASABIT NA BAG SA LEEG NITO NA MAY LAMANG BATO, AT NAROROON ANG PAGKAKAKILANLAN. HINDI MUNA INILABAS NG KAPULISAN ANG MGA DETALYE TUNGKOL SA BABAE. MAGKAKAROON DAW MUNA SILA NG MALAWAKANG IMBESTIGASYON.Bigla niyang nakita ang bracelet sa kamay nito at inaalala kung saan iyon nakita."Sir.. ito na po ang kape niyo," ibinaba ni Cheska ang kape sa kanyang harapan.Bahagyang dumungaw ang mahabang hiwa ng cl
"ANONG nangyayari, Caleb?" tanong ni Leona sa kanya pagkapasok niya pa lang sa pinto, "bakit hindi ka na nagpapakita sa akin?""Busy lang ako.." sagot niya dito, saka ibinaba ang hinubad na coat."Busy? saan ka naman magiging busy? sa pambababae mo ha?" nakasimangot na sabi ni Leona sa kanya, "ang kapal naman ng mukha mo, para lokohin ako!""Anong lokohin ka? kailan ko iyon ginawa?" tanong niya sa babae. Wala siyang maintindihan sa sinasabi nito."Wala? wala ha?" gigil na tugon ni Leona sa kanya, "tingnan mo nga!"Ipinakita nito ang cellphone sa kanya, at nanlaki ang kanyang mga mata, matapos makita ang nasa larawan. Si Cheska.. at siya. Naghahalikan!Sunud sunod siyang napalunok matapos iyong makita..Hindi niya alam kung paano iyon nangyari, subalit noong minsang puntahan siya ni Edward, pinalagyan niya ng dr*ga ang inumin nito. Ngunit hindi niya akalaing siya ang makakainom noon. Hindi niya inakalang mangyayari ang bagay na iyon.Kinarma siya sa sarili niyang patibong, at ngayon, w
"OH? talaga? sinabi niya iyon? napakawalanghiya talaga, sige, salamat.." nagpaalam na si Edward sa kanyang kausap.Iba din ang pagiging tuso ni Caleb. Marami itong pakulo. Hindi niya akalaing matalino pala ito mag isip, at nakakapagplano ng mga bagay na higit pa sa kanyang inaasahan.Magaling pala ito sa mga ganoong taktika. Marahil, iyon ang dahilan kaya naloko nito si Hannah.Marami siyang itinuro kay Hannah sa loob ng ilang buwan, at ang galit nito sa dating asawang si Caleb ang naging motivation nito.Naiisip niya noong una, na madali naman ata niyang mababago at mapagpapalit ang sitwasyon nina Hannah at Caleb sa kumpanya, ngunit nagkakamali siya. Masyado niyang in-under estimate ang kakayahan ni Caleb.Napatingin siya sa kanyang lamesa, at napansin ang isang envelope na kuha ng ultrasound ni Hannah. Nilapitan niya iyon, saka tiningnan.Hindi niya alam, kung saan nagmumula ang damdaming iyon na umahon sa kanyang puso. Naiinis siya.Bakit anak pa ni Caleb ang dinadala ni Hannah, ku